You are on page 1of 3

BUGTONG 3

1. Akin munang tinalian


Bago inihagis sa daan
Hayun at pasayaw-sayaw. - - - trumpo

2. Karaniwang ito ay mestizo


Nauubos sa kasusulat ng maestro – yeso

3. Sinindihan, wala naming iniilawan. – sigarilyo

4. Naghanda ang katulong ko


Nauna pang dumulog ang tukso. – langaw

5. Kahit hindi kita kaanu-ano


Ang gatas ng anak ko ay gatas din ng anak mo. – baka

6. Sasakyan itong may gulong na tatlo


Ang nag-aandar ditto ay padyak o krudo. – traysikel

7. Nakikita ko sa sampayan
Damit ay kinakapitan. – sipit

8. Laro ito na paramihan


Ng mga sigay na naglalakaran
Bago magpunta sa kuwebang tahanan. – sungkaan

9. Panundot mo sa pagkain
Kaliwang kamay mo ay kakaibigan. – tinidor

10. Nakapapanakit itong sandata


Gawa lamang sa sanga, balat at goma – tirador

11, Maari mong ako’y makikita sa tubig


Pero hindi ako basa. – pangingininag

12. Palda ni Sta. Maria


Ang kulay ay iba-iba. – bahaghari

13. Kakalat-kalat, natisud-tisod


Ngunit kapag tinipon matibay ang muog. – bato

14. Nang hinawakan ko ay namatay


Nang Iniwan ko ay nabuhay – makahiya

15, Likidong itim, pangkulay sa lutuin. – toyo

16. Tinuktok ko ang bangka


Nagsilapitan ang mga isda. – batingaw

17. May bintana ngunit walang bubungan


May pinto ngunit walang hagdanan. – kumpisalan

18. Matulis na instrument


Umasinta at pakawalan mo – sibat

19. Gamit itong tadtaran upang mapaliit ang may kalakihan


Kahoy itong may kakapalan, gamit sa lutuan. – sangkalan
20. Ang ibabaw ay tawiran
Ang ilalim ay lusutan. – yulay

21. Hindi hayop, hindi tao


Kung ituring ay kabayo. – kabayong plantsahan

22. Kadena ay sinabit, sa batok nakakawit. – kuwintas

23. Tumingin ka sa akin


Ang makikita mo’y ikaw din. – salamin

24. Alin sa mga santa ang apat na paa. – Sta.Mesa

25. Lupa ni Mang Juan


Kung sinu-sino ang dumadaan. – kalsada

26. Kung tawagin nila’y santo


Hindi naman milagroso. – santol

27. Baboy ko sa parang


Namumula sa tapang. – sili

28. Gulay na granate ang kulay


Matigas pa sa binti ni Aruray
Pag nilaga ay lantang katuray – talong

29. Walang sala ay ginapos


Tinapakan pagkatapos. – sapatos

30. Hindi ako sikat na pilosopo


Tulad ng henitong kapangalan ko
Pero mahal din ako ng tao
Dahil kinakainan ako. – plato

31. Naabot na ng kamay


Ipinagawa pa sa tulay. – kubyertos

32. Kalesa ko sa Infanta


Takbo nang takbo pero nakaparada. – silyang tumba-tumba

33. Maliit na parang sibat


Sandata ng mga pantas. – pluma

34, Lumabas, pumasok


Dala-dala ay panggapos. – karayom

35. Walang hininga ay may buhay


Walang paa ay may kamay
Mabilog na parang buwan
Ang mukha’y may bilang – orasan

36. Isang malaking suman, sandalan at himlayan. – unan

37. Utusan kong walang paa’t bibig


Sa lihim ko’y siyang naghahatid
Pag inutusa’y di na babalik. – sobre

38. Instrumentong pangharana


Hugis nito ay katawan ng dalaga. – gitara

39. Isang panyong parisukat


Kung buksa’y nakaka usap. Sulat
40. Maliit pa si kumpare
Naka akyat na sa tore. – langgam

41. Hindi hayop hindi tao


Pumupulupot sa tiyan mo. – sinturon

42. Araw-araw nabubuhay


Taun-taon namamatay. – kalendaryo

43. Isang hukbong sundalo


Nakadikit ang mga ulo. – walis

44. Pinilit na mabili


Saka ipinambigti. – kurbata

45. Pagbali-baligtarin man din


May butas pa rin. – salbabida

46. Isang pamalo, punung-puno ng ginto. – busal ng mais

47. Bulaklak muna ang dapat .mong gawin


Bago mo ito kakainin – saging

48. Katawan nito’y hiniwa-hiwa


Kaya ikaw ay lumuluha. – sibuyas

49. Nakatago na, nababasa pa. – dila

50. Hawakan mo’t naririto


Hanapin mo’’t wala ito. – tenga

51. Bahay ni Ka Huli


Haligi’y bali-bali
Ang bubong ay kawali – alimasag

52. Narito na si Ka Toto


May dala-dalang kubo. – pagong.

53. Tubig na pinagpala


Walang makakuha kundi bata. – gatas ng ina

10. .

You might also like