You are on page 1of 1

DIOCESE OF SAN PABLO

SAN LORENZO RUIZ PARISH


PACITA 2A-GUEVARA SUBD.
CITY OF SAN PEDRO, LAGUNA

Septyembre 27, 2022

Kagalang -galang ROMEO P. BONOAN


Punong Barangay
Barangay Pacita 2
City of San Pedro, Laguna

Minamahal na Punong Barangay Romeo P. Bonoan:

Pagbati ng Kapayapaan at Kasayahan!

Ang ating parokya, San Lorenzo Ruiz ay ipagdiriwang ang kapistahan ng ating Mahal na
Patron, San Lorenzo Ruiz na gaganapin sa ika-28 ng Setyembre, 2022.

Ang parokya ay may ibat ibang programa na nakahanay upang ang pagdiriwang ng
kapistahan ay masaya at kalugod lugod sa lahat ng taong kaisa sa pagdiriwang ng kapistahan
ng parokya.

Kaugnay nito, malugod namin kayong inaanyayahan sa pagdiriwang ng aming taunang


kapistahan. Magkakaroon po ito ng Banal na Misa sa ika lima at kalahati ng hapon (5:30
p.m.) na pangungunahan ni Bishop Buenaventura M. Famadico. Susundan ng munting salu-
salo na gaganapin sa ika-pito ng gabi (7:00 p.m.) sa Bulwagan ng St. Joseph, San Lorenzo
Ruiz Parish. May nakalaan na apat (4) na tao upang makasama nyo sa nasabing okasyon.

Mangyari po lamang na makipag-ugnayan sa aming Parish Secretary, Sister Cora sa


numerong 8 8084545; 09425603038 para po ipagbigay alam kung kayo po ay dadalo.

Inaasahan po namin ang inyong maagang pagtugon sa inyong pagdalo sa Kapistahan


ng ating Mahal na Patron.

Pagpalain ka at ang iyong pamilya ng ating Panginoon Hesukristo.

Lubusang sumasainyo,

Sis. Hazel P. Velmonte


Parish Pastoral Council- Pangulo

Bro. Conde S. Cocson


Parish Finance Council-Pangulo

Binigyang Pansin,

Rdo.P. Frederick R. Yapana


Kura Paroko

You might also like