You are on page 1of 2

IKATLONG LINGGO SA PANAHON NG PAGHAHANDA SA PAGDATING

NG PANGINOON | GAUDETE SUNDAY | DISYEMBRE 11, 2022

MGA PAALALA:

1. Alinsunod sa panawagan ng Arkidiyosesis ng Maynila, ang ating special


collection ngayong Gaudete Sunday ay ilalaan bilang suporta sa mga
seminarista.
Maraming salamat po sa inyong kagandahang loob.

FOR SAT 6PM MASS ONLY


2. Paghandaan ang Panahon ng Kapaskuhan. Dumalo po tayo sa ating
Advent Recollection ngayong gabi, 7pm, dito sa ating simbahan. Ito po ay
pangungunahan ni Fr. Rey An.

3. Sa Lunes/Bukas, December 12 ay ang Kapistahan ng Mahal na Birhen


ng Guadalupe. Dumalo sa ating Banal na Misa sa ganap na ika-anim nang
umaga at gabi. Sa araw ding ito ay magkakaroon po tayo ng kumpisalang
bayan sa ganap na ika-pito ng gabi.
Inaanyayahan ang lahat na mangumpisal bilang paghahanda sa nalalapit
na kapaskuhan.

4. Sa December 15 ay ating sisimulan ang mga Anticipated Simbang Gabi


Masses. Ito ay sa ganap na 7:30 at 9:00 nang gabi.
Sa December 16 naman ay ating sisimulan ang mga Simbang Gabi Dawn
Masses bilang paghahanda sa Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ng
Panginoon. Ito ay sa ganap na 4:00 at 5:30 nang umaga.

5. Suportahan ang ating taunang Light-a-bulb for a cause. Halina’t muli


nating pailawan ang ating Parish Christmas Tree. Para sa mga detalye,
lumapit lamang sa ating parish office o sa ating mga greeters and
collectors.

6. Ang iba pang gawain kaugnay ng nalalapit Kapaskuhan ngayong taong


2022 ay matatagpuan sa ating flyers. Lagi ding bisitahin ang ating
Facebook page upang masubaybayan ang mga gawain ng parokya
ngayong Panahon ng Adbiyento, Kapistahan, at Kapaskuhan. Maraming
salamat po.

You might also like