You are on page 1of 7

Mangingisda ako. Sasama kami!

Diocese of Kalookan DSPP Recollection/Planning

Mga dapat ihanda:


Name tags Altar of the Word
Banka Gasera
Lambat Bible
Nylon para sa lambat Reco pptx at mga video

Ihanda ang mga kasapi sa Bible Enthronement (daloy ng prusisyon, ibigay ang roles ng bawa’t isa sa
pagbasa)

8:00 – 8:15 Registration


House music habang dumarating ang mga kalahok
Nakalabas na sa screen ang Diocese of Kalookan map

8:30 – 8:45 I-welcome ang mga kasapi


Roll Call (PPC, Commissions, BECs, etc.)
Song: Diocesan Theme Song

8:45 – 8:50 PANIMULA


1. Video #1
(Kalookan bilang isang komunidad ng mangingisda….magtatapos sa isang
mangingisda na nagsasabi, “Mangingisda ako,” at sasagot ang kanyang mga
kasama, “ Sasama kami!”

2. Panimula
Isang makasaysayang panahon ito sa ating diyosesis dahil sisimulan natin ang
Diocesan Synodal Pastoral Planning. Isang panahon ng malalim na sama-samang
pakikinig sa boses ng bawa’t isa lalo na mga di naririnig sa ating komunidad, sama-
samang pagtitimbang at pagdedesisyon para sa direksyon ng ating diyosesis, at
sama-samang pagpaplano para sa konkretong hakbang sa pagtutupad ng pangarap
natin. Dahil napakahalaga ng panahong ito, naririto tayo upang ihanda ang ating
sarili sa panalangin, pagninilay at pagbabahagi sa temang – Mangingisda ako.
Sasama Kami!

Buksan natin ang ating kalooban sa Diyos at sa bawa’t isa.

8:50 – 9:05 BIBLE ENTHRONEMENT


Ihanda ang Bibliya na nakaluklok sa bangka, isang gasera o kandila, at lambat.
May background music na pagaspas ng alon.

Tumayo tayong lahat at magbigay galang tayo sa Salita ng Diyos.

1. Bible Procession

1
Ang Bibliya ay ipuprusisyon sa paligid ng silid habang nakatayo ang mga kinatawan
sa iba’t ibang bahagi bahagi ng silid.
2. Pagbasa – Juan 21: 1-14

Sa pagbasa, inaanyayahan ang lahat na basahin ang bahagi ni Hesus habang ang
ibang mga tauhan ay gagampanan ng ating mga kinatawan.

Sa bahagi ng V6, “Ihagis ang lambat.”


Ilalagay ng mga kinatawan ang lambat sa sentro…ipagpapatuloy ang pagbasa.

3. Katahimikan

Tanggapin natin ang Mabuting Balita sa ating kalooban sa ilang sandali ng


katahimikan.

9:05- 9:40 “MANGINGISDA AKO.”

1. Video #2
Kuwento ng mangingisda

2. Pagpapalalim

Ang kuwento ni Mang ______ ay malapit sa ating puso. Buhay ito ng marami nating
mga kapatid na mangingisda sa iba’t ibang pamayanan ng ating Diyosesis. Isang
payak na buhay na may saya at lungkot. Maraming mga hamon pero patuloy pa rin
ang pagbibigay ng sarili. Hindi ito iba sa buhay natin sa parokya. Hindi ito kaiba sa
buhay paglilingkod.

3. Pagninilay

Kung ang pangingisda ay parang paglilingkod sa simbahan,


● Sa paanong paraan mo nakikita ang iyong sarili na isang mangingisda?
● Kelan mo masasabing nakahuli ka ng isda?
● Kelan naman hindi?

Maglaan ng limang minuto ng katahimikan.

4. Pagbabahagi
Magbabahagi tayo sa ating parish team sa loob ng 15 minuto.

5. Katahimikan
Maglaan tayo ng 2 minuto ng katahimikan at damhin ang napakinggan at nabahagi
sa isa’t isa.

6. Sayaw Panalangin: Karev Jom


Magsitayo tayong lahat at sama-sama nating ialay ang buo nating sarili sa
Panginoon bilang mga mangingisda ng tao.
Ang sayaw panalangin na Karev Jom ay mula sa Salmo –

2
“Maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim,
at sa iyo yaong gabi'y parang araw na maningning,,
madilim ma't maliwanag, sa iyo ay pareho rin.

Ipaliwanag at ipakita ang steps ng sayaw. Kaya’t


● IALAY NATIN SA DIYOS ang ating buong sarili kasama ng saya at lungkot buhay
(dalawang hakbang pasulong habang ang dalawang kamay ay nakaunat
paharap)
● MAGING BUKAS TAYO sa maari nating matanggap mula sa Panginoon.
(dalawang hakbang pasulong habang ang dalawang kamay ay nakaunat at
nakabukas ang palad)
● PAGNILAYAN NATIN AT ISAPUSO ang ating natanggap
(dalawang hakbang pabalik habang nakaharap ang dalawang palad sa ating
parang nananalamin tayo dito)
● AT ISAPUSO ITO AT ISABUHAY sa araw-araw.
(dalawang hakbang pabalik habang nasadibdib ang ating mga kamay)

Anyayahan silang gawin ito nang sabay-sabay.


Kung handa ang lahat. Ialay natin sa Panginoon ang buo nating sarili at lahat lahat sa
atin.

9:40 – 10:10 PAGTUTURO

1. Panimula
Ang Kuwento sa Lawa ng Galilea ay kuwento rin natin sa Kalookan. Mangingisda
ako. Sasama kami! Ito ang ating tema para sa DSPP. Pakinggan ang ating
minamahal na Obispo Pablo David sa hamong binibigay ng kuwentong ito sa atin
at sa grasyang kaloob ng ating DSPP.

2. Video (Bp. Ambo)

3. Katahimikan (1-2 minuto)


Anong nakatawag-pansin sa iyo sa sinabi ni Bishop?

4. Pagbabahagi (Dyad)

10:10 - 10:20 BREAK

10:40 - 12:00 “SASAMA KAMI!”

1. Video 3 Pamayanan ng mga Mangingisda

Maraming hinaharap na hamon ang mga mangingisda - masamang panahon,


kaunting huli, mababang presyo at iba pa. Mabuti na lamang at may mga kasama
sila sa mga hamong ito para maitawid ang buhay nang hindi sumusuko.

3
2. Pangingisda at Pastoral Planning

Marahil nakikita na natin ang kaugnayan ng pangingisda ng pamayanan at ang ating


isasagawang Pagpaplanong Sinodal ng Diyoses ng Kalookan. Magandang makita ang
dagat ng Diyos dito sa Kalookan. Kapag tinitingnan natin ang ating kalagayan at ang
mga hamong dala nito, saan kaya tayo tinatawag ng Diyos? Ano ang nais niyang
gawin natin? Ang tugon natin sa mga tanong na ito ay tinanatawag nating Pastoral
Plan.
Bilang mga committed na lingkod sa ating mga parokya, mission stations at diocesan
commissions, para tayong pamayanan ng mga mangingisda - samasama tayo at
tulong tulong upang suungin ang hamon ng pagiging Simbahang buhay at may
saysay.
Paano natin gagawin ang ating Pagpaplanong Sinodal dito sa buong Diyoses?
Pakinggan natin

Presentation ng Diocesan Synodal Pastoral Planning at mga Activities


Palitan ng tanong at sagot: Anyayahan ang lahat na ilabas ang kanilang mga tanong-
paglilinaw.

3. Pagbabahaginan sa Parish Teams

Ngayo’y alam na natin na malaking hamon ang pagiging pamayanang mangingisda


sa dagat ng Panginoon. Pagnilayan at pagbahaginan natin ang ating mga saloobin.
Gagamit po tayo ng isang tool na tinatawag na Conversation in the Spirit:
Pagbabahaginan sa Gabay ng Espiritu. Gagawin po natin ito sa ating small groups -
Parish/Mission Teams, Dioc Commissions at Church Organizations. Mayroon po 3
hakbang ang Conversation in the Spirit:

Sariling Tugon: Ang bawat isa ay inaanyayahang bigyang boses ang kanilang mga
sagot at pakiramdam tungkol sa pinag-uusapan (2 minuto kada miyembro).
Umpisahan ang pagbabahagi ng “Sa aking panalangin, ____”
Pagkatapos magbahagi ang lahat. Magkakaroon po tayo ng 2 minutong
katahimikan, upang mapagnilayan ang ating narinig sa mapanalanging paraan.
Pag-aangat ng Sinabi ng Iba/Grupo: Ang bawat isa ay inaanyayahang ibahagi kung
ano ang nakaantig sa kanya sa sinabi ng 1 o 2 sa grupo (2 minuto kada miyembro).
Umpisahan ang pagbabahagi ng “Mula sa/kay (grupo/pangalan), narinig ko
“______”
Pagkatapos magbahagi ang lahat, magkaroon ng 2 minutong katahimikan, upang
mapagnilayan ang ating narinig sa mapanalanging paraan. Paggabay ng Espiritu
tungo sa Pampamayanang Pagkilos: Bawat isa sa atin ay sasagutin ang
katanungang ‘Saan kaya tayo dinadala ng Espiritu?” “Ano ang maari nating gawin
bilang tugon sa gabay ng Espiritu”?
Pagtibayin natin ang ating mga narinig tungo sa pinagkaisahang direksyon tungkol
sa pinag-uuusapan.

4
a. Sa pag-uumpisa, awiting ng lahat: Espiritu ni Kristo, Espiritu ng Pag-
ibig,Pagtibayin ang Puso.

b. Pagpapadaloy ng Conversation in the Spirit (main facilitator BNT), ang mga


katanungan:
Ano ang nagpasigla sa iyo nung marinig mo ang Pagpaplanong Sinodal ng
Diyoses?
Ano naman ang hamon na nakikita mo para sa ating parokya/mission
station/commission?
Anong mga pag-uugali ang nakikita mong makakatulong/makakahadlang sa
pagsasakatuparan natin nito?

c. Sa pagtatapos, isusulat ang Commitment:

Batay sa ating Pagbabahaginan sa Gabay, ano po ang ating magiging pagtatalaga


sa masaya at mapanghamong Pagpaplanong Sinodal ng Diyoses? Punuan po
natin ang pangungusap na ito:
Kaming (paglalarawan ng pamayanan) _____ mangingisda, kahit na _______
(hamon) ay ______ (pag-uugali). Isulat sa google slide link ang sagot.

4. Commitment Rite

a. Bawat kasapi ay may tangan na pisi na nylon. Bilang isang grupo, bumulo ng
isang maliit na lambat sa pamamagitan ng pagtatali-tali ng nylon ng bawat
isa.

b. Sa Pagtatalaga, tatawagin ang pansin ng Vicariate ____, pagkatapos ay iisa-


isahin ang bawat parokya sa Bikaryadong ito. Kapag tinawag, bawat parokya
ay tatayo at isisigaw ang kanilang Pagtatalaga (ang pangungusap na binuo sa
itaas; nakaflash din sa main screen). Pagkatapos ay tatawagin naman ang
susunod na parokya at gayundin ang kanilang gagawin, hanggang matapos
ang lahat ng parokya sa Bikaryadong ito. Kapag tumayo na ang isang
parokya, idudugtong ng isang kasapi ng parokya ang munti nilang lambat sa
katabing parokya.
Sa pagtatapos ng buong Bikaryado, sa kumpas ng Tagapagpadaloy, sisigaw
ang buong Bikaryado ng “Mangingisda ako” at lahat (ng iba pang Bikaryado
at grupong hindi nag-uulat) ay sasagot ng”Sasama Kami!”
Gagawin ito sa lahat ng Bikaryado; ang huling grupo pagkatapos ng lahat ng
Bikaryado ay ang mga Diocesan Commission, Church Organizations at DPC.
c. Sama-samang Pagtatalaga
Lahat ng Vicariate reps, dala ang mga pinagdugtong-dugtong na lambat ng
mga parokya/grupo ay aakyat sa stage. Idudugtong nila ang lambat ng
Bikaryado ang kanilang munting lambat sa malaking lambat sa Stage.
habang umaawit ng Mangingisda (Sari Likha). Inanyayahan ang lahat na
umindayog sa saliw ng awit na ito.

5
Advent Liturgy para sa DSPP
Mga dapat ihanda:

Advent Wreath ( o apat na kandila)


Bibliya

1. Panimula

Tulad ng paghahanda natin sa pagsilang ni Hesus, nais rin nating ihanda ang ating sarili nang
sama-sama para sa mahalagang responsibilidad natin sa Diocesan Synodal Pastoral Planning.
Higit pa sa resulta ng buong proseso ay ang maranasan natin ang pagpapanibago ng loob ng
bawa’t isa at ang pagsasabuhay ng tunay na sinolidad – pagkakaisa, pagbabahagi, at
pagmimisyon. Kaya’t manalangin tayo para sa grasya ng Diyos na Manahan sa atin.

2. Panimulang Awit – Darating na Siya! https://youtu.be/Z1fpdO-


YBzAhttps://youtu.be/Z1fpdO-YBzA
3. Pagbasa: Isaias 92: 6-7

4. Panalangin

Mag-assign ng tagabasa at tagasindi ng kandila sa bawa’t panalangin.

Kandila 1: PAKIKINIG (CONSULTATION)

Sa mga darating na konsultasyon, bigyan mo kami ng grasya na tunay na making


sa boses ng aming mga kapatid lalong lalo na yaong walang boses sa
aming pamayanan. Maisilang nawa sa aming puso ang kabukasan ng loob at
pagpapakumbaba upang ang tunay kaming makiisa sa kanilang saya at lungkot,
daing at pighati.

Halina Hesus halina. Halina Hesus halina.

Kandila 2: PAGTITIMBANG (DISCERNMENT)

Sa pagsusuri namin at pagninilay para sa direksyong nais mo, bigyan mo kami ng


grasya ng pagtitimbang. Maisilang nawa sa aming puso ang pagbibigay puwang
sa Iyong Espiritung gumagabay at liwanag sa aming landas.

Halina Hesus halina. Halina Hesus halina.

Kandila 3: PAGPAPATIBAY (DECISION)

Maisilang nawa sa bawa’t isa sa amin ang lakas ng


loob upang sundin ang nais mo. Magkatagpo nawa ang aming mga puso at
kalooban at tunay tungo sa iisang landas na magsasabuhay ng iyong pangarap.

6
Halina Hesus halina. Halina Hesus halina.

Kandila 4: PAGSASABUHAY (PLANNING AND IMPLEMENTATION)

Sa nabuong pangarap, nawa ang grasya ng katatagan at paninindigan ay


maisilang upang maging baon namin sa bawa’t hakbang. Sa angking yaman ng
bawa’t isa maging malikhain nawa kami sa pagsasakatuparan ng pangarap ninyo
para sa aming Diyosesis.

Halina Hesus halina. Halina Hesus halina.

5. Pangwakas na Panalangin

Hesus, Ikaw ang Liwanag sa aming kadiliman.


Tanglaw sa aming landas
Halina sa aming puso.
Halina sa aming Parokya at kapitbahayan
At gawing ganap ang pangarap mong katarungan, kapaypaan, at kaganapan.
Sa pagpapala ng Diyos Ama at sa grasya ng Espiritu Santo
ito ang aming dalangin.
Amen.

6. Pangwakas na Awit: Halina Mananakop

You might also like