You are on page 1of 6

NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite


Tel. No.: (046) 416-6278 Telefax: (046) 416-0166 Mobile No.: +63926-999-9278

Education, Psychology, and Communication Department

Panunuring Pampanitikan
Balangkas ng Pagsusuri
sa akdang
“BANAAG AT SIKAT”
Ni: Lope K. Santos

Pangalan: Carmae A. Estur at Lenard G. Nuñez


Course: Bachelor of Science in Business Administration at
Batsilyer ng Sekondaryang Pang-edukasyon na
Nagpapakadalubhasa sa Asignaturang Filipino.
Code: FILIT EDUC 007
Araw/Oras: Saturday 7:00am-10:00am
Lecturer: Jessie Gonzales Dayag Jr.
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046) 416-6278 Telefax: (046) 416-0166 Mobile No.: +63926-999-9278

Education, Psychology, and Communication Department


“BANAAG AT SIKAT”
ni: Lope K. Santos

I. Pagsusuri sa Pamagat:
a. Kapit sa realidad o anino ng pangyayari
Ang nobelang ito ay isang realismo. Sapagkat ito ay isang akdang
rebolusyonaryo, dahil ang layunin ng manunulat ng nobelang ito ay iangat ang
mga nasa ibaba at ipaalam ang karapatan ng mga taong mahihirapan. Tunay itong
sumasalamin sa realidad ng buhay ng Pilipinong tulad natin.
b. Katutubong madulang tagpo
Ipinakita dito ang pang-aapi sa mahihirap kagaya ng nangyayari rin sa totoong
buhay. Ang pang-aapi ng mayayaman sa mga mahihirap. Kagaya sa realidad,
ipinaglalaban ng mga mahihirap ang kanilang karapatan at hindi lamang ang mga
mayayaman ang may karapatang makinabang sa likha ng Diyos kundi pati rin
sila. Ang akdang ito ay nangyayari sa realidad.

II. Anyo ng Akdang Pampanitikan:


a. Tuluyan o Prosa
Ang anyo ng akdang pampanitikang ito ay isinulat sa tuluyan na pamamaraan,
sapagkat tuloy tuloy ang pagkakasulat at hindi ginamitan ng anumang tugmaan o
sukat na tanging sa patula lamang makikita. Nasa pasalaysay na pagkakasulat,
sapagkat, isinasalaysay nito ang bawat tagpo at nais ipabatid ng manunulat sa
kanyang gawang likha.

III. Uri ng Akdang Pampanitikan:


Ang uri ng akdang ito ay nobela. Nahahati ito sa mga kabanata kaya’t hindi ito
matatapos basahin sa iisang upuan lamang. Maliwanag at maayos din nitong
nabibigyang paliwanag ang bawat tauhang gumaganap sa ganitong sulatin na
nagtataglay ng maraming gumaganap na tauhan. Kinakailangan din na malikhain
at maguni-guni ang paglalahd ng kwento upang mapukaw ang damdamin ng
bawat mambabasa upang maging kawili-wili ito sa kanila.
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046) 416-6278 Telefax: (046) 416-0166 Mobile No.: +63926-999-9278

Education, Psychology, and Communication Department


IV. Balangkas ng Pagsusuri:
a. Panimula
1. Tauhan-
 Delfin- isa sa pangunahing tauhan na umiibig kay meni at isa ring
manunulat. Sosyalismo ang pinaniniwalaan.
 Felipe- ang isa pang pangunahing tauhan na kaibigan ni delfin, anak
mayaman, radikal. Naninindigan sa anarkismong pamamaraan.
 Don Ramon- ama ni Talia at Meni at mayamang negosyante.
 Meni- anak ni Don Ramon at kasintahan ni Delfin.
 Talia- anak ni Don Ramon.
 Don Felimon- kasosyo ni Don Ramon.
 Madlanglayon- asawa ni Talia.
 Tentay – isang anak mahirap, sinisinta ni Felipe, at anak ng isang
manggagawa.
 Ruperto- ang naghatid sa bangkay ni Don Ramon na kapatid ni Tentay.
 Utusan ni Don Ramon- ang pumaslang kay Don Ramon sa New York
 Bilog
Talia
 Lapad
Delfin, Felipe, Meni, Tentay
 Protagonista
Delfin, Felipe, Meni
 Antagonista
Don Ramon, Don Filemon,
2. Tagpuan
 Dako ng pinangyarihan
Batis sa antipolo
Maynila
 Panahon at Oras
Mayo-Hunyo 1904
3. Suliranin-
Ang pinagmulan ng suliranin sa nobelang ito ay ang hindi
pagkakapantay-pantay at malaking agwat sa pamumuhay ng mga
mahihirap at mayayaman, isa na dito ang pagiging sakim nina Don
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046) 416-6278 Telefax: (046) 416-0166 Mobile No.: +63926-999-9278

Education, Psychology, and Communication Department


Ramon at Don Felimon dahil inaangkin nila ang batis. At isa pang
suliranin ay patungkol sa isyu ng pag-ibig.

b. Gitna
4. Saglit na kasiglahan-
Ito ay ng magkakilala ang magkaibigan na may parehong adhikain para sa
pagbabago. Ipinakikita rin dito ang iba’t ibang pangyayari gaya ng
pagkakaiba ng paraan nina Delfin at Felipe para maisakatuparan ang
kanilang adhikain. At ang pagkakilala ni Meni at Delfin at ang pagsasama
ng mga ito.

5. Tunggalian-
 Tao laban sa Tao - dahil ipinakita sa akdang ito ang pang mamata ni Don
Ramon sa mga kapwa niya tao pero mahihirap lamang, ipinakita din dito
ang pagtakwil niya sa kanyang anak na si Meni mula ng nagdalang tao ito
sa anak nila ni Delfin. Ang pag akin rin nila Don Ramon at Don Felimon
sa Batis sa antipolo.
 Tao laban sa lipunan- ipinakita rin dito ang dahilan kung bakit napaslang
si Don Ramon dahil sa kalupitan nito sa kanyang mga utusan.

6. Kasukdulan-

Ang pagkamatay ni Don Ramon at ang paglitaw ng nawawalang kapatid


ni Tentay na si Ruperto.

c. Wakas

7. Kakalasan
Ang totoong dahilan ng pagkamatay ni Don Ramon.

8. Katapusan
“Tayo na : iwan nati’t palipasin ang diin ng gabi”
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046) 416-6278 Telefax: (046) 416-0166 Mobile No.: +63926-999-9278

Education, Psychology, and Communication Department


9. Kariktan

Ang aral sa kwentong ito ay ang mayayaman ay dapat ‘wag abusuhin ang
kanilang kayaman at karapatan. Huwag maging mapag mataas, dahil hindi mo
alam anong mangyayari sa iyo kapag inabuso mo ang mga taong mas
nakakababa sa iyo. At para sa mga mahihirap naman, huwag papayag na api-
apihin ng mayayaman at tapak tapakan ang iyong pagkatao. Lahat ng
nabubuhay sa mundong ito na gawa ng diyos ay pantay-pantay.

Buod
Ang Banaag at Sikat ay umiikot sa buhay ng dalawang magkaibigan na si
Delfin at Felipe. Si Delfin ay lumaki sa mahirap na buhay at si Felipe
naman ay isang anarkista na anak ni Don Ramon isang negosyanteng
mayaman. Pinili ni Felipe na lumayo at bumukod sa kanyang ama at
talikuran ang buhay karangyaan. Hangad ni Felipe na mawala ang mga
naghahari sa batas at ang pagkakapantay ng karapatan ng mayayaman at
mahihirap. Itinuro niya ang karapatan sa mga mahihirap kaya naman
naging dahilan ito para itakwil siya ng kaniyang ama. Ganun din naman
ang hangad ni Delfin ngunit sa ibang paraan, nais naman niya na hindi
mawala ang pamahalaan ngunit tutol siya sa marangyang pamumuhay.
Nakilala at inibig ni Delfin ang kapatid ni Felipe na si Meni. Dalawa ang
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046) 416-6278 Telefax: (046) 416-0166 Mobile No.: +63926-999-9278

Education, Psychology, and Communication Department


anak na babae ni Don Ramon si Meni at Talia. Nagdalang tao si Meni sa
anak nila ni Delfin dahilan kung bakit itinakwil ni Don Ramon si Meni,
namuhay si Meni kasama si Delfin sa maliit na kubo nito, nagsasangla si
Meni ng kanyang mga alahas at nagbebenta ng mga damit nito upang
magkapera. Noong umpisa ay dinadalaw dalaw pa ni Talia si Meni,
nagdadala ng mga damit at pera ngunit nagtagal ay hindi na ito madalas
bumisita. Ng dahil sa kahihiyan na ginawa ni Meni lumipad papuntang
Japan, Europe at US si Don Ramon kasama ang kaniyang utusan. Sa New
York niya nakilala ang matagal ng nawawalang kapatid ni Tentayisang
mahirap na iniibig ni Felipe ang pangalan niya ay Ruperto. Napaslang si
Don Ramon ng kaniyang utusan sa New York at sa kalagitnaan ng binyag
ng anak ni Delfin at Meni ay dumating ang balitang namatay na daw si
Don Ramon. Utos naman ni Don Filemon ang negosyanteng kasosyo ni
Don Ramon na dadating ang bangkay ni Don Ramon sa pilipinas mula
New York ay ang hindi sasalubong ay hindi papasahurin. Kasama sa
naghatid sa bangkay ni Don Ramon si Ruperto. Kagaya ng kasal ni Talia
ay bongga rin ang libing ni Don Ramon. Dito rin ibinunyag ang tunay na
dahilan kung bakit napatay si Don Ramon, ito ay dahil sa kalupitan at
kasamaan niya sa kaniyang mga utusan.

You might also like