You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

SORSOGON STATE UNIVERSITY


Sorsogon City Campus
Magsaysay St., Sorsogon City
E-mail Add.: ssc@sorsogonstatecollege.edu.ph

GE 12 – MGA ANYO NG KONTEMPORARYONG PANITIKANG FILIPINO

Propesor: Jucelyn Bordeos-Ombao


Assistant Professor III

Paksa: PANITIKAN SA MATANDANG PANAHON


Tagapanayam: Katherene Galino
BSEd-ENGLISH 2A

PANIMULA

Noong makalumang panahon bago pa man masakop and bansang Pilipinas ay marami na tayong
mga Panitikan na masasabi na sariking atin mula sa mga katutubong Pilipino na unang
nanirahan dito. Ang mga ito ay nagpapakita ng mayabong na kasaysayan na meron ang ating
bansa noong pa mang matandang panahon sa panitikan. Sa pagtatalakay na ito ay lubos natin
mapagtatanto kung anu-ano ang mga panitikan ang mayroon ang panahon na ito kasabay ng
pagtuklas sa kahalagahan na meron ang bawat isa sa mga ito.

PAGTALAKAY NG PAKSA

Kaligirang Kasaysayan

o Ang kaligirang pangkasaysayan ay tumutukoy sa dahilan opangyayare na sinaunang


naganap o ginawa na siyangtumuloy sa kung ano o bakit ganito ang isang bagay,
tao,pangyayari at iba pa.
o Ang pinag ugatan ng isang bagay pati na ang mga bagay nahanggang ngayon ay
nakakaapekto sa isang bagay.
o Bago pa dumating ang mga kastila at maging ang iba pangmga dayuhan ang ating mga
ninuno ay may sarili ng panitikan nagtataglay ng kasaysayan ng ating lahi

Panitikan

o Ang nagpapahiwatig ng tunay na pagkalahinatin.


o Nagsisilbi itong wika ng mga Pilipino at panglahing kaugalian ng ating pang araw araw
nabuhay.

ALIBATA
o Mayroon na ring ginamit ang ating mganinuno noon na sariling bayabayin oalpabetong
kaiba sa kasulukuyangginagamit na dinala ng mga kastila.
o Ang mga ninuno natin ay gumamit ng biyas ngkawayan, talukap ng bunga o niyog at
dahon at balat ngmga punong kahoy.
o Ang mga panulat ay matutulis nakawayan o kahoy, dulo ng lanseta at matutulis na bato at
bakal.
o Kahit na ang bumbong na pansalok ng inumin aytinatalaan nila ng mahalagang
pangyayari sa buhay

Mga Akda sa Matandang Panahon

o ANG ALAMAT
Isang panitikang tuluyan, na ang kariniwang paksa aynagsasalaysay pinagmumulan ng isang
bagay, pook,kalagayan o katawagan.
Halimbawa:
Alamat ng mga Tagalog
Alamat ng Pinya
o KWENTONG BAYAN
Binubuo ng mga kwento tungkol sa buhay, pakikipagsapalaran, pagiibigan, katatakutan at
katatawanan na kakapulutan ngmagandang aral sa buhay.
Halimbawa:
Bulan at si Adlaw
o PANAHON NG EPIKO
Tulang pasalaysay na karaniwang tungkol sa pakikipagsapalaran,katapangan at kabayanihan ng
isang bayani.
Halimbawa:
Biag ni Lam-Ang (Iloko)
Bidasari (Moro)
Kumintang (Tagalog)
Hari sa Bukid (Visaya)
o AWITING BAYAN
Nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan,pananampalataya at Gawain o hanap buhay
ng taong nakatira saisang pook. Karamihan sa mga ito ay lalabindalawahing pantig.
Halimbawa:
Kundiman (awit ng pag-ibig)
Ang Dalit o Imno (awit sa Diyos-diyosan ng mga Bisaya)
o KARUNUNGANG BAYAN
Binubuo ito ng mga salawikain,sawikain,bugtong, palaisipan, kasabihan, atmga kawikaan.
Halimbawa:
1.) Salawikain
2.) Sawikain
3.) Bugtong
4.) Palaisipan
5.) Bulong
6.) Kasabihan
7.) Kawikaan

KONKLUSYON/REKOMENDASYON

Ang ating bansa ay busog sa napakaraming Panitikan magmula pa noong unang panahon. Ang
mga ito ay naipasa gamit ang pagsulat at pagpapasa gamit ang salita sa bawat henerasyon.
Maraming panitikan pa ang mayroon sa matandang panahon na maipagmamalaki na nagmula sa
mga tao mula sa panahon na ito.

Ang mga ito ay dapat mating panatilihin sa pamamagitan ng mas malalim na pagtatalakay at
pagsasaliksik. Dapat na ito’y mas pahalagahan ng bawat isa lallo na ng makabagong kabataan sa
panahon ngayon at pagyamanin pa.

SANGGUNIAN

Seva,RL. (2019). Panitikan sa Matandang Panahon. SCRIBD. Scriibd Inc.


https://www.scribd.com/presentation/427025945/Panitikan-sa-Matandang-Panahon

You might also like