You are on page 1of 61

KALIGIRAN

KASAYSAYAN NG
PANITIKAN – Panitikan sa
Panahon ng Amerikano
Prepared by:
Rosalie L. Bonete, John Delos Angeles,
Nikki Oxina, Russel Chil
Panimula
Bago paman dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas ito
ay nasa ilalim na ng mga Kastila. Taong 1899, nagsimula ang
pamamahala ng mga Amerikano. Ang mga mahahalagang pag-
unlad sa panahong ito ay ang mabilis na paglaki ng mga
materyal na pang-edukasyon, ang pagkakaroon ng
kalayaan sa pagpapahayag, pananalita at sa
demokratikong pamamahala.
Ang pagkakaroon ng kalayaang ito ay
isang malaking bagay sa pag-unlad ng
ating panitikan. Pagbibigay ng mga
pagkakataon para sa paglalantad at
paglalathala ng mga gawa ng mga
Pilipinong manunulat.
Kaligirang Pangkasaysayan
Kaligirang Pangkasaysayan
 Ang rehime ng mga Kastila ay
nagtapos, na nag bunsad ng
panibagong pamamalakad sa ilalim ng
mga Amerikano

 Taong 1899 nagsimula ang panahon ng


Amerikano sa Pilipinas. Nagkaroon ng tinatawag
na “treaty of Paris” o kasunduan sa Paris na
kung saan ang pormal na pamamalakad sa
Pilipinas ay nilipat sa ilalim ng mga Kastila
patungo sa mga Amerikano.
Kaligirang Pangkasaysayan

 Ibang iba ang mga Amerikano sa


Kastila. Mas naging mapagbigay at
ipinadama ng mga ito ang sarap ng
kalayaan o demokrasya na hanggang
sa kasalukuyan ay ating tinatamasa.
 Ang mga Amerikano ang
nagbukas ng opurtunidad sa mga
Pilipino upang malinang at
mahasa sa larangan ng
edukasyon.

Sila ay nagbukas ng mga paaralan, at hinikayat ang mga


pilipino na mag aral. Itinuro ang Ingles, at iba pang aspetong
panlipunan gaya ng kalinisan at unti unting pagbibigay ng
posisyon sa pamamahala.
Kaligirang Pangkasaysayan

Natuwa ang mga manunulat sa naging pagbabago


sapagkat sila ay nabigyan ng kalayaan na mag sulat sa
lahat ng larangan ng panitikan: tula, maikling kwento,
nobela, dula, sanaysay, lathalain, pamahayagan at iba
pa. Ang kanilang paksa ay sumisentro sa nasyonalismo
at pag-ibig sa bayan.
Makasaysayang
pangyayari sa
panahon ng mga
Amerikano
Abril 19, 1898- Digmaang kastila
at amerikano.

Mayo 1, 1898- Pinalubog ni


Almirante Dewey ang plota ng mga
kastila (Spanish armada sa
pamumuno ni Heneral Montoho).

Emillio Aguinaldo- Nagtatag ng


pamahalaang rebolusyonaryo sa
HongKong.
Pebrero 6, 1899- Digmaang
Pilipino at amerikano.

Hen. Gregorio H. Del


Pilar- Bayani ng pasong
tirad at “Leonidas” ng
Pilipinas.

Marso 22, 1901- Pagdakip kay


Aguinaldo sa Palanan Isabela.
Hen. Miguel Malvar- Kahuli-
hulihang heneral na sumuko sa mga
Amerikano.

Abril 16, 1902- Wakas ng


Digmaang Pilipino at
Amerikano.

1901- Batas ng Sedisyon.


1907- Batas ng Watawat.

Jose de Vergara (1913)- Ipinilagay na


kauna-unahang makata sa wikang kastila.
Apat (4) na kalayaan para sa mga
mamamayang Filipino sa panahon ng mga
Amerikano

1. Kalayaan sa pagsasalita, pamamahayag,


pagtitipon at pagpupulong.
2. Kalayaan sa pagpili ng relihiyon
3. Karapatan sa wastong paggamit ng batas at
4. Karapatang idulog sa pamahalaan ang mga
karaingan at dinggin ang mga ito ng mga may
kapangyarihan
Mga Katangian ng Panitikan sa
Panahon ng Amerikano

 Hangaring makamit ang Kalayaan


 Marubdob na pagmamahal sa
Bayan
 Pagtutol sa Kolonyalismo at
Imperyalismo
Mga Diwang Nanaig sa
Panahon ng mga Amerikano

1. Nasyonalismo
2. Kalayaan sa Pagpapahayag
3. Paglawak ng Karanasan
4. Paghanap at Paggamit ng bagong Karanasan
Mga Pahayagang Makabansa
Sa panahon ng mga Amerikano

1900- itinatag ni Sergio


Osmeña sa Cebu ang
pahayagang "El Nuevo
Dia"
May mga pahayagang lumitaw na
may makabayang layunin katulad ng
"El Grito del Pueblo" ni Pascual
Poblete noong 1900

"El Renacimiento" na
pinamamatnugutan ni Rafael
Palma noong 1901.
1990-Manila Daily
Bulletin

1901- nagkaroon ng batas ng sedisyon


laban sa pagtuligsa at pagpuna sa
pamahalaang Amerikano.
TATLONG PANGKAT NG MGA
MANUNULAT SA PANAHON NG
MGA AMERIKANO

 Maka-Kastila
 Maka-Ingles
 Maka-Ingles Tagalog
Mga Tampok na Makata sa Wikang
Kastila sa Panahon ng mga
Amerikano
Cecilio Apostol
isang manananggol at makata sa wikang
Kastila. At dahil sa kanyang di-
karaniwang kagalingan sa wikang
Kastila, ginawa siyang kaanib ng
Academia Español.

Jesus Balmori

Ipinalagay siyang "poeta laureado" sa


kanyang panahon at isinulat niya ang
kanyang unang tula noong siya ay sampung
taong gulang pa lamang.
Claro M. Recto

Naging pangulo ng
Lupon ng Saligang
Batas. Mga akda Bajo
Los Cocoteros at
Ante El Martir. T.H Pado de Tavera

Ang nagpapasok ng
Fernando M. Guerero mga titik w at k sa
otograpiyang Tagalog.
Unang hari ng panulaan sa May akda ng El Alma
Kastila. Mga akdang Filipina.
kabilang ay Crisildas at
Avey y Flores.
Ang mga sumusunod ay ang
mga nauna at kinilalang
makata sa wikang Ingles
Jose Garcia Villa -
pinakatanyag na Pilipinong
manunulat sa wikang Ingles at
kilala sa sagisag na "Doveglion"

N.V. M Gonzales - kilala bilang


manunulat, mamamahayag at
makata. Isa rin siyang guro na
nagturo sa iba't-ibang pamantasan sa
Maynila.
Marcelo de Gracia Concepcion -
kauna-unahang makatang Pilipino
na nakilala sa Amerika. Inilathala sa
dalawang tomo ang kanyang mga
tula, ang "Azucena" at "Bamboo
flute".

Angela Manalang Gloria -


sa panahon ng Commonwealth
ay nakilala ang kanyang mga
tulang liriko.
Ang mga sumusunod ay ang
mga nauna at kinilalang
makata sa wikang Tagalog
Lope K. Santos - isang
nobelista, kwentista, guro,
makata, politiko at Ama
ng Balarila.

Jose Corazon de Jesus - may


sagisag na "Huseng Batute",
"Hari ng Balagtasan" at
tinaguriang "Makata ng Pag-
ibig".
Amado V. Hernandez -
tinaguriang "Makata ng
mga Manggagawa".

Ildefonso Santos - kauna-


unahang guro na Pilipino sa
National Teacher's College.
Mga Manunulat ng
prosa o tuluyan sa
kastila
Ang Pilipinong manunulat ay nagsisulat ng mga
maikling kuwento, sanaysay,Pamumuna. , at iba't
ibang lathalain. Ang mga napatanyag ay sina Enrique
K. Laygo, Mecario Adriatico, Epifanio delos Santos,
Trinidad H. Pardo de Tavera, Rafael Palma, and
Jaime C. de Veyra.
Enrique Laygo
Si Enrique Laygo ay naglathala
ng katipunan ng maikling
kuwento na Pinamagatang ldolo
Con Pies de Barro (Ang Diyus-
Diyosang may mga paang
Luwas) Ito ay nagtamo ng
Premio Zobel noong 1925.
Si Macario Adriatico ay batikang
mananalumpati. Siya ay naging kinatawan
ng unang Asemblea Filipina, at naging
patnugot ng Aklatang Pambansa. Ang
kaniyang pinakamahusay na alay sa
panitikang Filipino sa Kastila ay ang
Alamat ng Mindoro na may pamagat na La
Punta de Salto (Ang Pook na Pinagmulan).
Si Epifanio de los Santos ay mas
kilala sa tawag na Don Panyong.
Ang karunungan niya ay
sinasabing parang ensayklopidya.
Kinilalang pinakamahusay na
mamumuna, mananalaysay,
mananalambuhay, at mananaliksik
ukol sa bagay na Pilipino.
Si Trinidad H. Pardo de Tavera ay
naging patnugot ng lupon ng Surian ng
Wikang Pambansa. Utang natin sa kanya
ang pagkakapasok ng mga titik na w at k
sa o tograpiyang Tagalog na ginagamit
ngayon. Umabot sa 63 ang mga akdang
naisulat ni Dr. de Tavera, na isinalin sa
iba't ibang wika, tulad ng Aleman, Pranses,
at Ingles
Si Rafael Palma ay kapatid ng Ama ng
Pambansang Awit ng Pilipinas na si La
Independencia noong 1894, at sa El
Nuevo Dia noong 1900. Siya ay naging
direktor ng Academia Filipina noong
1923, at naging pangulo ng Unibersidad
ng Pilipinas. Ang kanyang mga akda sa
larangan ng panitikan ay ang Alma
Mater, ang La Luneta, ang Historia de
Filipinas, at ang Biografia de Rizal.
Panitikang Patula
TULA
Ang tula ay ginagawang paraan ng pagpapahayag at pagpapalutang n
damdamin, pagpuri, paghanga, pakikipagtalo, pag-awit, at pag-ibig. An
kilalang nobelista at makata na si Lope K. Santos ay nagsaad na ang tula a
dapat na nagtataglay ng apat na mahahalagang sangkap:

1. Tugma
2. Kariktan
3. Sukat
4. Talinhaga
Tulang Pandamdamin/ Liriko

Ito ay maaaring nababatay sa isang karanasan; nagsasaad ng damdaming


maaaring likha lamang o kaya'y sarili ng makata.

Soneto ang katangian nito ay an pagtataglay ng labing-apat na taludtod:


natutungkol sa kaisipan at damdamin; at nagbibigay ng aral sa mga mambabasa.
Ang Panitikang
Filipino sa Iba't
ibang Wikain
PANITIKANG ILOKANO
Ayon kay Leopoldo Yabes, ang panitikan
sa wikang Ilokano sa panahon na mga
Amerikano ay nahahati sa dalawang
pangkat- makaluma at makabago.
PANITIKANG ILOKANO

Ang mga makalumang manunulat ay aral sa Kastila,


kabilang dito sina:

Marceling Crisologo na isang Claro Caluya, tinaguriang


makata at nobelista, Prinsipe ng Makatang Ilokano.
PANITIKANG ILOKANO

Ang mga makabagong manunulat ay aral sa pagpasok


ng ika-19 na dantaon na kinabibilangan nina

Leon C. Pichay, makata,


nobelista, kuwentista, at
mandudula;

Teodoro Paruganan, Jose Resurrecion


Calip, at Alcantara
PANITIKANG ILOKANO

Ang mga Ilokano ay mayroon


ding pagtatalong patula na kung
tawagin ay Bukanegan. Ang
pinakamahusay na bukanegero
(mambabalagtas) ay si Leon C.
Pichay.
PANITIKANG ILOKANO
Si Leona Florentino, ina ni
Isabelo de los Reyes, ang
Ang pinakamagaling na nobelang Ilokano ay
ipinalalagay na kauna-
may pamagat na Mining ni Marcelino Crisologo.
unahang makatang Pilipina
sa wikang Iloko.
Sa mga mandudula ay nangunguna si
Mena Crisologo sa kaniyang Neneng
Kandidato, Marangal na Pagdaraigan, at
Pobre Don Caledonio
PANITIKANG BISAYA

Sa panitikang Bisaya, ang lalong napabantog ay


si Eriberto Gumban sa Hiligaynon. Siya ay
sumulat ng mga dula at sarsuwela na
kinagigiliwan sa Bisaya. Si Eriberto Gumban ay
kinilalang Ama ng Moro-Morong Bisaya.
Kabilang sa mga sinulat ni Gumban ay Ang
Mutia Nga Matin-nao (Ang Diyablo) at ang
Salamin San Pamatanon (Ang Salamin ng
Kabataan).
PANITIKANG BISAYA

Sa pagsulat ng nobela, ang lalong


napabantog ay si Magdalena
Jalandoni ng Iloilo. Siya ay
sumulat ng kinagigiliwang
nobelang may pamagat na Ang
mga Tunuc Sa Isa Ca Bulac (Ang
mga Tinik ng Isang Bulaklak).
PANITIKANG BISAYA

Si Mariano Perfecto, ang Ama ng


Panitikang Bisaya ay natanyag din sa
kaniyang mga akdang nasulat sa
Hiligaynon.
PANITIKANG KAPAMPANGAN

Ang lalong pinakamahusay na manunulat sa


Kapampangan ay si Juan Crisostomo Sotto
ang tinaguriang Ama ng Panitikang
Kapampangan. Ang mga kinilalang
pinakatampok niyang akda ay ang Alang Dios
(Walang Diyos), Ing Sultana (Ang Sultana)
ang tinaguriang. Perlas ang Burac, (Perlas sa
Putik), at Pula Pu (Pula't Puti). Itong huli ay
ukol sa buhay ng mga sabungero.
PANITIKANG KAPAMPANGAN

Si Aurelio Tolentino ay napatanyag din


sa kaniyang dulang may pamagat
Napun, Ngeni't Bukas (Kahapon,
Ngayon, at Bukas). Kung ang mga
Tagalog may balagtasan, ang mga
Ilokano ay may bukanegan, at ang mga
Kapampangan ay mayroon ding
pagtatalong patula na kung tawagin ay
Crisotan.
PANITIKANG PANGGASINAN
Ayon kay Kalaw, marami sa panitikang Pangasinan hanggang
sa panahon ng a Amerikano ay natutungkol sa relihiyon.
Nitong mga huling panahon, karamihan panitikang Pangasinan
ay salin lamang buhat sa Iloko o kaya ay Tagalog.
PANITIKANG PANGGASINAN

Si mga Pablo Mejia, kilalang manunulat sa


Pangasinan, ay sumulat ng isang dula na
pinamagatang Ginmalet. Ang isa sa mga awiting
bayan sa Pangasinan na hanggang ngayon ay
naririnig pang inaawit ng mga magbubukid ay ang
Oalay Manoc con Taraz (May Isang Munting
Ibong Tara
PANITIKANG BICOL
Tulad din ng panitikang Pangasinan, ang panitikang Bikol ay
pawang nauukol sa relihiyon.

Si Mariano Perfecto, bukod sa pagsulat ng


panitikang Bisaya, ay sumulat din ng mga akdang
panrelihiyon sa Bikol. Mayroon din siyang mga
akdang nauukol sa kasaysayan ng mga santo at
santa.

Ang humalili kay Mariano Perfecto sa


larangan ng panitikang Bikol ay si Casimiro
Perfecto
PANITIKANG FILIPINO
Ang panitikang Filipino sa wikang Filipino (noon ay
Tagalog) ay higit na naging maunlad kaysa alinmang
katutubong wika sa buong kapuluan. Ang lahat ng
anyo ng panitikan ay pinasok ng mga Tagalog-tula,
dula, kuwento, nobela, sanaysay, at iba pang uri ng
lathalain
PANITIKANG FILIPINO

Sa mga unang panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa


Pilipinas, ang mga dula, at iba pang anyo ng panitikan ay
ginagamit ng mga manunulat upang ilahad ang kanilang
marubdob na hangaring lumaya ang bayan. Ipinahayag din
ng mga manunulat sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga
dula sa bayan-bayan ang kanilang pagtutol sa kolonyalismo
at imperyalismo
MGA DULANG LABAN SA MGA
AMERIKANO
MGA DULANG LABAN SA MGA AMERIKANO

TANIKALANG GINTO
Ito ay sinulat ni Juan K. Abad, at unang
itinanghal sa Batangas noong Mayo 10, 1903.
Ang pagtatanghal ay pinigil ng mga
Amerikano, at pinapanagot sa salang sedisyon
si Abad. Diumano, ang dulang ito ay nakasisira
sa magandang hangarin ng mga Amerikano sa
mga Pilipino
MGA DULANG LABAN SA MGA AMERIKANO

KAHAPON, NGAYON, AT BUKAS


Inilarawan ni Aurelio Tolentino sa dulang ito
na muling maghihimagsik ang mga Pilipino
laban sa mga Amerikano, at ang mga Pilipino
ay magtatagumpay. Dahil sa dulang ito, sa
unang pagtatanghal pa lamang nito sa Teatro
Libertad noong Mayo 14, 1903, si Tolentino
ay dinakip at ibinilanggo ng mga Amerikano.
MGA DULANG LABAN SA MGA AMERIKANO

WALANG SUGAT
Ito ang kauna-unahang dulang
isinulat ni Severino Reyes. Ang
hangarin ng dulang ito ay maipakita
ang kahalagahan ng pagkakaroon
ng pagbabagong-panlipunan sa
Pilipinas sa kamay ng mga
Amerikano.
KONKLUSYON

Ang tulang Pilipino noong panahon ng mga Amerikano ay


pinahahalagahan para sa kalayaang ibinigay sa pagsulat at
paglilimbag. Sumibol ang iba't ibang lipunang pampanitikan
at nakilala ang maraming makatang Pilipino. Ang tula ay
nakasulat sa Espanyol, Tagalog at Ingles, na nagpapakita na
ang mga Pilipino ay may kasanayan sa larangan ng panitikan.
Ang mga naganap sa panahon ng Amerikano, mga pag unlad
sa larangan ng panitikan ay salamin ng kasalukuyan.
SANGGUNIAN

Arrogante, Jose A. et. al. (1550). Panitikang Filipino Antolohiya Binagong Edisyon. National Book Store.
Quad Alpha Centrum Bldg. 125 Pioneer Street, Mandaluyong City.

Sauco, Consolacion P. et. al. (2005). Panitikan ng Pilipinas Panrehiyon. Lorimar Publishing Co., Inc. 776
Aurora Blvd. Cubao, Quezon City.

Salazar, Lucila A. et. al. Panitikang Filipino Pangatlong Edisyon. Unlimited Books Library Service and
Publishing Inc. Cabildo St. Intramuros, Manila.

You might also like