You are on page 1of 2

Q3-WEEK 4-DAY 4

Gawain 1:Panuto: Tingnan ang mga larawan, bumuo ng ideya batay sa


mga larawan.

Mga gabay na tanong


1. Ano ang unang pumasok sa isip ninyo ng makita ninyo ang larawan?
2. Ano-ano ang pagkakapare-pareho ng mga larawan?
3. Paano natin nalaman ang tungkol sa mga ito. Saan natin madalas
makita o marinig ang tungkol sa problemang ito ng lipunan?

Pagtalakay (*kopyahin sa notebook)


Ang photo essay o sanaysay ng larawan – isang koleksyon ng
mga emahe na inilagay sa isang partikular na pagkakasunod-sunod upang
ipahayag ang mga pangyayari, mga damdamin at mga konsepto sa pinaka
payak na paraan.
Ang mga pangunahing dahilan ng bawat larawan ay nararapat na
lumikha ng isang kapani-paniwala at natatanging kwento.
Ang kwento ay binuo upang gisingin ang damdamin ng mambabasa.
Upang maikonekta ang sanaysay sa larawan, gamitin ang mga damdaming
nakapaloob sa kwento at gamitin ito sa larawan.

Gawain 2:Panuto: Maghanap ng paksa na ayon sa iyong interes.


Magsagawa ng pananaliksik tungkol dito gamit ang internet bago isagawa
ang photo essay.
1. Ilista ang mga detalye na gusto mo sa iyong paksa
2. Maghanap ng mga larawan na sa tingin mo ay magagamit mo para
mabuo mo ang iyong sanaysay na larawan.
3. Basahin ng mabuti ang iyong mga sinaliksik at isaayos ang mga
impormasyon na kakailanganin sa pagbuo ng sanaysay na larawan.
Gawain 3: Panuto: Gumawa ng isang photo essay sa isang bond paper
gamit ang iyong mga nasaliksik. Gumamit ng kompyuter sa pagsasagawa
ng gawain.

Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang


puntos
Kawastuhan Ang mga inilagay na 5
larawan ay tumutugma sa
paglalarawan at konsepto
ng isang isyung panlipunan.
Nilalaman Wasto at makatotohanan 5
ang impormasyon. May
pinagbatayang pag-aaral,
artikulo o pagsasaliksik ang
ginamit na datos.
Organisasyon Malinaw ang daloy ng photo 5
essay. Maayos na
naipaliwanag ang konsepto
ng isyu at hamong
panlipunan gamit ang
larawan at datos
Pagkamalikhain May sariling estilo sa 5
pagsasagawa ng photo
essay
Kabuuan 20

You might also like