You are on page 1of 2

Q3-WEEK 4-DAY 3

Pagtalakay: (*pakikopya ng mga sumusunod sa inyong notebook)


Kohesyong gramatikal- panghalip na nagsisilbing pananda
upang hindi magpaulit-ulit ang mga salita.
Ang ako, ikaw, siya at tayo ay mga halimbawa ng panghalip o pamalit.

Anapora o sulyap na pabalik – ito ang tawag sa mga panghalip na


ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan
ng pangungusap o talata. (ang pangngalang pinalitan ay nasa unahan at
panghalip na ipinalit ay nasa huli kaya ito ay nasa kayariang
anaporik/anapora)

Halimbawa
1. Pagod na pagod si Celso sa pagtakbo papuntang dalampasigan.
Palagi niyang sinasalubong ang pagdaong ng bangka ng kanyang
ama.
2. Dahil si Angel ang napili para sa paligsahan, siya ang magiging
representante ng ating seksyon/pangkat.
3. Si Pablo Picasso ay kilalang-kilala sa larangan ng Sining. Siya ay
kilala rin sa paggamit ng cubism sa kanyang mga obra, isa sa
pinakasikat na estilo sa pagguhit/pagpipinta sa buong mundo.
4. Si IU ay mang-aawit at artisita sa South Korea. Doon ay nakilala
na siya bago pa man sa ibat-ibang panig ng mundo.
(Paliwanag- Dahil ang doon ay panghalip pamatlig na pumapalit sa
pangngalang itinuturo).

Katapora o sulyap na pasulong- ito naman ang tawag sa mga


panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan. Ito naman ay kabaliktaran ng anapora. (nauuna ang panghalip
bago ang pangngalan)

Dito, mauuna ang pamalit bago ang pinalitan. Pangahalip muna ang
makikita sa pangungusap bago ang pinalitang pangngalan o salitang
papalitan.

Halimbawa
1. Tinanghali ka yata, Tomas ang tanong ng kapwa mangingisda.
2. At sabay niyang narinig ang malungkot na awiting nagsasaad ng
kasawian sa pag-ibig. At muli na namang naantig ang damdamin ni
Celso.
3. Dahil sa maganda niyang tinig, si Leah ang nagwagi at napili para
umawit sa pagtatanghal ng Miss Saigon.
4. Natatakot siyang sumabak sa giyera pero tumuloy pa rin Joan sa
pagsasanay sa militar.

Gawain 3:
Panuto: Suriin kung ang mga pananda at pangngalang ginamit sa
pangungusap ay nasa kayariang Anaporik o Kataporik. (*copy and
answer sa notebook)
1. Ito ang pinakamasarap na inumin sa lahat. Kung kaya’t araw-araw
bumibili si Doc Mhyla ng kape.
2. Pagkatapos mamalengke ni Mic-Mic, nagluto naman siya ng
tanghalian.
3. Ang tangkad ni Heimdall, ang tangkad-tangkad talaga niya.
4. Siya ay kahanga-hanga, si Katriona ay tunay na huwarang guro at
anak.
5. Isa siyang doktor, kaya alam ni Mikael ang hirap ng mga kapwa
doktor lalo na ng kasagsagan ng panemya.

You might also like