Professional Documents
Culture Documents
Day 3 3rd Periodical Exam
Day 3 3rd Periodical Exam
Filipino
Awit, Elehiya, at Iba pang Tulang Pandamdamin
Mahatma Ghandi
- Isang dakilang guro, idealista, at praktikal
- Mahatma – Ibigsabihin ay “Dakilang Kaluluwa” o “Dakilang Nilalang”
- Hindi gumamit ng dahas
Mga Tulang Pandamdamin
A. Awit/Dalitsuyo – May paksang nauukol sa matimyas na pagmamahal.
Halimbawa = “Kay Selya” ni Fransisco Baltazar
B. Pastoral/Dalitbukid – Layunin ay maglarawan ng tunay na buhay sa
bukid. Halimbawa = “Bahay Kubo” ni Victor S. Fernandez
C. Oda/Dalitpuri – Isang uri ng tulang lirikong may kaisipan at estilong higit
na dakila at marangal. Halimbawa = “Manggagawa” ni Jose Corazon De
Jesus
D. Dalit/Dalitsamba – isang maikling awit na pumupuri sa Diyos
E. Soneto/Dalitwari – tulang may labing-apat na taludtod. Karaniwang ang
unang walong taludtod ay nagpapahayag ng isang pangyayaring
nagwawakas sa isang malubhang suliranin
F. Elehiya/Dalitlumbay – Tulang may dalawang katangiang
pagkakailanlan. Ito ay isang tula ng pananangis at ang himig nito ay
matimpi at mapagmuni-muni
Mga Elemento ng Elehiya
A. Tema – Ang kabuoang kaisipan
B. Tauhan – Mga taong kasangkot sa tula
C. Tagpuan – Lugar o panahon na pinangyarihan ng tula
D. Damdamin – Ang damdaming nakapaloob sa tula
E. Simbolismo – Gumagamit ng mga simbolismo upang ipahiwatig ang isang
kaisipan o ideya
F. Wikang Ginamit – Mapa Pormal o Standard na salita o Di Pormal na isang
karaniwang ginagamit na salita sa pang araw-araw na usapan
Kaugalian o Tradisyon – Nakikita ditto kung anong mayroong nakaugalian
Parabula ng Alibughang Anak
Israel
- Matatagpuan sa kanlurang Asya
- Republika ang kanilang pamahalaan
- Mayo 14, 1948 – idineklara ang kanilang kalayaan
- Jerusalem – Kabisera, tinatawag na Promised Land
- Judaismo – Relihiyon ng karamihan sa Israel
- May mataas na pagpapahalaga sa edukasyon
Parabula
- Mula sa salitang griyego na parabole.
- Matandang salita na nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang bagay
upang pagtularin
- Gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyan diin ang kahulugan.
Parabula ng Alibughang Anak
o Elder Spencer J. Condie
- Sa kanyang artikulo na “Malugod na Pagtanggap sa Alibughang Anak”. Ang
talinghaga nito ay malinaw na naglalarawan ng maraming iba’t ibang
disposisyon ng tao.
A. Bunso/Alibughang Anak – Makasarili na hindi iniisip ang sinuman kundi
ang kanyang sarili. Ngunit sa wakas matapos ang magulong pamumuhay
ay natuklsan niya sa kanyang sarili na ang kasamaan ay hindi kailanman
kaligayahan
B. Ama – Maaring siya ang pintasan ng ilan na masyado siyang
mapagpalayaw sa pagkakaloob ng hiling ng bunso. Ayaw niyang pilitin
ang kanyang anak na maging masunurin
C. Panganay – Tutol sa ginawa ng kanyang mapagpatawad na ama
Mga Kataga o Pahayag sa Pagpapasidhi ng Damdamin
Kaantasan ng Pang-uri
A. Lantay – Naglalarawan ito ng isa o payak na pangalan o panghalip
B. Pahambing – Ginagamit ito sa pagtutulad ng dalawang pangalan o
panghalip
a. Magkatulad – Magkapantay ang katangian ng pinaghahambing (ka-, ga-,
sing-, kasing-, magsing-, magkasing-
b. Di Magkatulad – Hindi pantay na paghahambing
c. Palamang – May katangiang nakahihigit sa pinaghahambingan. (higit,
mas, di-hamak, lalo)
d. Pasahol – May katangiang kulang o kapos sa pinaghahambingan. (di-
gaano, di-tulad, di-gasino, di-masyado)
C. Pasukdol – May isang katangian na namumukod tangi o nangingibabaw
Pahayag sa pagpapasidhi ng Damdamin
- Sa pagpapahyag ay mahalagang maipakita ang damdaming nais bigyang
pansin o pangibabawin upang hift na maipahayag ang kaisipan o bagay na
nais maiparating
A. Sa Pamamagitan ng Pag-uulit ng Pang-uri:
Ex. Magandang-maganda ang tinig ng mga Pilipino kapag binibigkas ang
sariling wika
B. Paggamit ng panlaping napaka-, nag-, an, pagka-, at kay-, pinaka-, ka-
, -an upang mapasidhi ang pasukdol na katangian
Ex. Napakaganda ng wika nating mga Pilipino
C. Paggamit ng mga salitang gaya ng ubod, hari, sakdal, tunay, lubhang,
at walang at kasing.
Ex. Walang kasing sarap sa pandinig ang wikang Filipino
D. Pagpapasidhi ng anyo ng Pandiwa (Magpaka-, mag-, etc.)
E. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga pangungusap na walang paksa
a. Padamdam – Nagpapahayag ng matinding damdamin ang mga ito
b. Maikling Sambitla – Tinutukoy ay mga iisahin o dadalawahing pantig na
nagpapahayag ng matinding damdamin
Sino ang Nagkaloob
Tauhan
- Amang Hari
- Pitong Prinsesa
- Binata
- Lai Pari o Pulang Diwata
- Genie
Buod
- Isang araw pinilit ng hari sumagot ang ikapitong prinsesa. Inutusan ang
alila para ilabas ang prinsesa at iwan ito sa gitna ng gubat. Pumayag ang
binata at sila’y naglakbay patungo sa silangan. Nakarating sila sa isang
siyudad. “Pakukuha mo ako ng konting inumin at ako’y mamamatay na sa
uhaw” sabi ng prinsesa. Pumasok ang binata sa palasyo at nakita niya.
Nakatakas ang dalawa mula sa palasyo ng genie dala-dala ang mahiwagang
tabla.Isinama ng binata ang diwata sa palasyo at nagkasundo ang dalawang
babae na tila magkapatid. Tinanong ng Diwata ang hari kung ano ang
dahilan ng kalungkutan nito. Nagyakap ang mag ama
Uri ng Pang-Abay
- Pang Abay – mga salitang nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, at
kapwa pang-abay
A. Pamanahon – Sumasagot sa tanong na kalian
B. Panlunan – Sumasagot sa tanong na Saan at Nasaan
C. Pamaraan – Sumasagot sa tanong na Paano
D. Pang Agam – Nag sasaad ng pag-aalinlangan
E. Ingklitik – Ang mga dinadagdag sa pangungusap ay hindi kailangan, kahit
wala ito, pareho pa rin ang ibig sabihin nang pangungusap Man, kasi, sana,
nang, kaya, yata, etc.
F. Benepaktibo – Nagsasaad ng benepisyo, “para sa”
G. Kawsatibo – Nagsasaad ng dahilan ng pag kilos, “dahil sa”
H. Kondisyonal – Nagsasaad ng kondisyon
I. Panang Ayon – Nagsasaad ng pag sang ayon
J. Pananggi – Nagsasaad ng pagtanggi
K. Panggaano – Nagsasaad ng sukat o timbang
Kayarian ng Salita
A. Payak – Salitang Ugat lamang
B. Maylapi – Binubuo ng salitang-ugat na may kasamang panlapi
a. Unlapi – Kinakabit sa unahan ng salita – asa = UMasa
b. Gitlapi – Kinakabit sa gitna ng salita – tapos - tINapos
c. Hulapi – Kinakabit sa dulo ng salita – usap - usapAN
d. Kabilaan – Kinakabit sa unahan at dulo ng salita – bait - KAbaitAN
e. Laguhan – Kinakabit sa unahan, gitna, at hulihan ng salita – sikap –
PINAGsUMikapAN
C. Inuulit – Inuulit ang kayarian ng salita kapag ang kabuoan o isa o higit
pang pantig sa dakong unahan ay inuulit
a. Inuulit na ganap – buong salitang ugat ang inuulit
b. Inuulit na Parsiyal – Isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit
c. Magkahalong ganap at Parsiyal – Buong salita at isang bahagi ng pantig
ang inuulit: Iilan-ilan tutulog-tulog
D. Tambalan – Ito ay binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para
makabuo ng isang salita lamang.
a. Tambalang Di-Ganap – Kapag ang kahulugan ng salitang pinagtambal
ay nananatili
b. Tambalang Ganap – Kapag nakakabuo ng ibang kahulugan kaysa sa
kahulugan ng dalawang salitang pinag-sama
Panandang Diskurso
- Nagpapakita ng pag-uugnayang namamagitan sa mga pangungusap
- Nagbibigay linaw at ayos sa pahayag
A. Naghuhudyat ng Pagkakasunod-sunod ng Pangyayari – Nang sumunod
na araw, sa dakong huli, pagkatapos
B. Naghuhudyat ng Pagkakabuo ng Diskurso:
a. Pagbabagong Lahad – Kung tutuosin, sa ibang salita, kung iisipin
b. Pagtitiyak – Kagaya ng, tulad ng
c. Paghahalimbawa – Halimbawa, sa pamamagitan
d. Paglalahat – Sa madaling sabi, bilang paglalahat
e. Pagbibigay Pokus – Pansinin na, Bigyang Pansin
f. Pagkakasunod sunod ng Pangyayari – Ang sumunod, ang katapusan
C. Naghuhudyat ng Pananaw ng May Akda – Kung ako ang tatanungin, Sa
aking palagay, bagaman, Sa tingin ko, Kaya Lamang