You are on page 1of 14

Banghay Aralin sa Edukasyong Pangkalusugan

Grade 2

Kwarter 2- Week 2

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman demonstrates understanding of the proper


ways of taking care of the sense organs.

B. Pamantayan sa Pagganap consistently practice good health habits and


hygiene for the sense of organs.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto H2PH-lla-e-6

Describes ways of caring for the ears in order


to avoid common childhood health condition.

ll. NILALAMAN Pangangalaga sa Tainga

lll. MGA KAGAMITANG PANTURO

Mga Sanggunian

1. Mga pahina Gabay ng Guro

2. Mga pahina ng kagamitang pang mag - aaral

3. Karagdagang Kagamitan Larawan, Im's at speaker

IV. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO

A. Balik aral sa nakaraang aralin at/o Magandang hapon mga bata


pagsisimula ng bagong aralin
Magbibigay ng katanungan bilang pagbabalik
aral sa pangangalaga sa mata.
Magbibigay ng isang lato: Pagbuo ng puzzle
(larawan ng tainga) pangkatang gawain.

tanong: Ano ang nabuo ninyong larawan?

Ngayon ay may babasahin tayong tula tungkol


sa pangangalaga ng ating mga tainga.

Magpapaskil ng isang tula sa pangangalaga sa


mga tainga.

Ang mga Tainga


Ni Leilani DC. Garcia

Sa pandinig, gamit ang mga tainga,


Sa awit, tunog at magandang musika,
Sa pakikipag- usap sa'ting kapwa,
Biyaya ng Diyos na Siyang Lumikha

Napakahalaga ng mga tainga


Ito ay ating alagaan tuwina.
Sa paglilinis ng labas ng tainga,
Gumamit ng malinis, malambot na tela.

Upang makaiwas sa mga problema,


Mga lapis, bolpen, hairpin at iba pa,
Huwag ipasok sa loob ng tainga,
Baka masugatan, maimpeksyon pa.

Itong mga dumi, earwax sa tainga,


Iwasang mabuo baka tumigas pa,
Agad ikonsulta sa espesyalista
Sundin ang payo, alaga sa tainga.
Tanong: 1. Tungkol saan ang tula?
2. Dapat ba bating alagaan ang ating
tainga?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Ngayong umaga mga bata ay pag aaralan natin
ang "Pangangalaga sa Tainga"

C. Pag- uugnay ng mga halimbawa sa bagong Ngayon mga bata ano ang napansin ninyo sa
aralin tula?May mga nabanggit ba na mga dapat at
hindi dapat gawin sa ating mga tainga?

Ibigay ang pamamaraan ng pag aalaga ng


tainga nito:

Narito ang tamang pangangalaga sa tainga:

✓Makinig sa mga kaaya ayang tunog tulad nga


musika.

✓Huwag magpasok ng matutulis na bagay sa


tainga tulad ng lapis, bolpen, hairpin at iba pa.

✓Gumamit ng malinis at malambot na tela sa


paglilinis sa labas na bahagi ng tainga.

✓Minsan o dalawang beses sa isang taon ay


maaaring komunsulta sa espesyalista upang
mapangalagaan ang pandinig.

✓Isa sa mga problema sa tainga ay ang


pagkakaroon ng namuong dumi o earwax sa
loob nito.

Ang mga ito ay isang paalala sa atin upang


tayo ay makaiwas sa problema sa ating mga
tainga.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Magbibigay ng laro ,nakasulat sa maliliit na


paglalahad ng bagong kasanayan #1 papel nakasulat dito ang mga dapat at hindi
dapat gawin sa pag aalaga ng tainga. Gamit
ang maliit na bola pagpapasa pasahin ito ng
mag aaral kasabay ng musika at magbubunot
ang bata at sasabihin kong ito ay pag aalaga sa
tainga o hindi.

1. Gumagamit ng matutulis na bagay sa


paglilinis ng tainga.

2. Takpan ang tainga kapag mayroong naririnig


na malakas na tunog na malapit saiyo.

3. Magsalita palagi ng malakas.

4. Linisin palagi nang buong ingat ang ating


tainga gamit ang tuwalya.

5. Gumamit ng cotton buds sa paglilinis ng


tainga.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Isulat ang letrang T kung ang sitwasyon ay


paglalahad ng bagong kasanayan #2 nagsasaad ng pangangalaga ng mga tainga at
letrang M naman kung hindi.

1. Pakikinig sa tamang lakas ng musika

2. Pagsundot ng matutulis na bagay sa tainga

3. Pagpapatugtog ng sobrang lakas

4. Pagkonsulta sa mahusay na espesyalista

5. Paggamit ng malinis at malambot na tela sa


paglilinis ng tainga.

F. Paglinang sa Kabihasnan Panuto: Punan ng tamang salita ang mga


patlang upang mabuo ang kaisipan ng bawat
pangungusap. Piliin ang tamang sagot mula sa
loob ng kahon.
Tela espesyalista bagay tainga
tunog hikaw
1. Ang ginagamit sa pakikinig ay _________.

2 Linisin ang tainga gamit ang malinis at


malambot na ____________.

3. Nakakasama sa tainga ang mga malakas na


________.

4. Sa paglilinis ng tainga, iwasan gumamit ng


mga matutulis na _________.

5. Sa tuwing may naramdaman masakit sa


tainga, kumonsulta sa ________.

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw- araw na Mga bata kayo ba ay nililinisan din ninyo ang
buhay inyong tainga sa inyong bahay?

Tandaan:

Ang mga tainga ay mahalaga. Ginagamit ang


mga ito sa pakikinig. Araw- Araw ay iba't-
ibang tunog ang ating naririnig. Mayroon
Malakas at mahinang tunog sa ati g pandinig.
Mahalaga ang mga tainga upang marinig ang
sinasabi ng ating kausap. Maraming kaalaman
tayong nakukuha gamit ang mga tainga.
Mahalaga ang pandinig kaya marapat lamang
na alagaan ang mga ito.

H. Paglalahat ng Aralin Ano nga ulit ang ating pinag aralan ngayon?
Magbigay nga ng wastong paraan ng
pangangalaga sa ating mga tainga?

I. Pagtataya ng Aralin Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot

1. Anong bahagi ng iyong katawan ang


ginagamit upang pakinggan ang iyong
paboriting awitin?

a. bibig

b. ilong
c. mata

d. tainga

2. Dapat nating alagaan ang ating tainga. Alin


sa mga sumusunod ang nakakasama sa ating
pandinig?

a. huni ng ibon

b. banayad na musika

c. malakas na busina ng trak

d. katamtamang boses ng kausap

3. Alin sa mga sumusunod na gawain ang


makabubuti sa pangangalaga ng mga tainga?

a. Magpahinga sa maingay na lugar

b.Makinig sa mga malalakas na tugtog

c. Magpunas ng tainga gamit ang malinis at


malambot na tela.

d. Magpasok ng matutulis at kung ano-anong


bagay sa tainga.

4. Ano ang mabuting naidudulot ng malusog


na tainga?

a. Nagiging masipag

b. Gumagana sa pagkain

c. Lumalakas ang katawan

d Naririnig nang malinaw ang kausap

5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang


nagpapakita ng pangangalaga sa mga tainga?

a. Kumakanta si Belle nang malakas.

b. Nagpupunta si Mark sa tahimik na kuar


upang magpahinga.

c. Paulit- ulit na nagpapaputok ng labintadot


ang tatay ni Ramon

d. Kinakamot ni Rolly Ang loob ng kanyang


nangangating tainga gamit ang hairpin.

J. Takdang Aralin Panuto:

Alin sa mga bagay na ito ay dapat natin


gamitin sa paglilinis ng tainga. Kulayan ng asul
ang mga bagay na dapat nating gamiting
panlinis sa tainga at dilaw naman kung hindi.
V. REMARKS

V. REFLECTION

A. Bilang ng mga mag- aaral na nakakuha ng


80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mag- aaral ng nangangailangan pa


ng Gawain para sa remediation.

C. Nakatulong ba ng remedial? Bilang ng mag-


aaral na nakakuha sa aralin.

D. Bilang ng mag- aaral na magpapatuloy sa


remediation.

E. Anong supiranin ang aking naranasan sa


tulong ng aking punong guro at super bisor.

F. Anong kagamitang pangturo sa aking naibuo


na nais kong ibahagi sa kapwa ko guro.

Inihanda ni: Myla E. Escario

BEED 4- B
Banghay Aralin sa Edukasyong Pangkalusugan

Kwarter 2, Baitang 2

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman demonstrates understanding of the proper


ways of taking care of the sense organs

B. Pamantayan sa Pagganap consistently practice good health habits and


hygiene for the sense of organs.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto H2PH-IIa-e-6


describes ways of caring for nose in order to
avoid common childhood health conditions.

II. NILALAMAN Pangangalaga sa Ilong

III. MGA KAGAMITANG PANTURO

MGA SANGGUNIAN

1. Aklat ng mag aaral

2. Website References

3. Iba pang kagamitan

IV. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO

A. Balik aral sa nakaraang aralin at/o Magandang hapon mga bata


pagsisimula ng bagong aralin
Magtatanong kung ano ang pinag aralan ng
nakaraan.

Ipaskil ang kantang :

Ating Ilong sa tono ng Leron- leron Sinta ni


Teodora D. Conde

Ating ilong ay panghinga

Ating ilong ay pang- amoy

Amuyin ang mabango.

Huwag amuyin ang mabaho.

Panatilihing malinis ang ilong.

Panatilihing malusog ang ilong.

Suminga nang dahan- dahan.

Linising mabuti
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Matapos nating kantahin ang kantang Ating
Ilong, tungkol saan kaya an ating pag uusapan
ngayon?

Ngayong hapon ay pag uusapan natin ang


Pangangalaga sa Ilong.

C. Pag uugnay ng mga halimbawa sa bagong Ano ang inyong napansin san kantang ating
aralin ginawa, may mga nabanggit ba na pag aalaga
at hindi gawin sa ating mga ilong?

Ibigay ang mga pamamaraaan sa pag aalaga ng


ilong:

1. Gumamit ng malambot na panyo o tissue sa


paglilinis sa ilong.

2. Suminga nang dahan- dahan kung may


sipon.

3. Huwag sundutin ng daliri o anuman


matutulis na bagay ang loob ng ilong.

4. Iwasan ang pagsinghot ng mga kemikal o


bagay na may matapang na amoy.

5. Magpasuri sa espesyalista kung may


problema sa ilong.

6. Takpan ang ilong kung ang paligid ay


maalikabok at mabaho

7. Umiwas sa sigarilyo.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Pangkatang Gawain


paglalahd ng bagong kasanayan #1
Ang mag aaral ay ihahati sa apat na pangkat,
bibigyan sila ng sad at masayang larawan
itataas ito kapag ang babasahin ng guro ay
tama sa pag aalaga ng ilong o hindi. Ito ay
paunahan.
1. Ang mata ay ginagamit sa paghinga

2. Magpapasuri sa espesyalista kung may


problema sa ilong.

3. Kailangan ding alagaan ang ilong upang


matukoy mga bagay kun ito ay mabango o
mabaho.

4. Gumamit ng maputik na panyo upang


ipamunas sa ilong.

5. Dahan- dahanin ang pagsinga kung may


sipon.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #2 Iguhit ang kung tama ang isinasaad

ng bawat pahayag at naman kung


mali.

1. Ginagamit ko ang aking ilong upang


maamoy at malanghap ang sariwang hangin.

2. Nililinis ko ang aking ilong gamit ang malinis


na panyo o tissue.

3. Kung akoo ay sinisipon, isisinga koi to nang


malakas sa maruming damit.

4. Bumabahing ako nang hinsi nagtatakip ng


ilong.

5. Nagpapakonsulta ako sa doctor sa twuing


ako ay nahihirapang huminga.

F. Paglinang sa kabihasnan Magpakita ng larawan tungkol sa tama at hindi


dapat gawin sap ag aalaga ng ilong at
magtawag sa mag aaral kapag sasagot.
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw- araw na Kayo mga bata araw araw din ba kayo
buhay naglilinis ng inyong mga ilong?

Tandaan:

Ang ilong ay mahalaga sa buhay ng tao. Ito ay


ginagamit sa paghinga. Ang hanging
nilalanghap at inilalabas ng ating katawan ay
ditto dumadaan. Ito rin ay ginagamit sa pang-
amoy. Naaamoy nito ang mga bagay sa paligid
kung mabango o mabaho man ang mga ito.
Mahalaga ang ilong kaya dapat na ito ay
alagaan. Maaaring magkaroon ng impeksyon
sa ilong kung mali ang pangangalaga rito.

H. Paglalahat ng Aralin Ano ang ating pinag aralan ngayong?

Magbigay nga ng mga pamamaraan sa pag


aalaga ng ating ilong?

I. Pagtataya ng aralin Lagyan ng tsek (/) ang bawat bilang kung ang
larawan sa ibaba ay nagpapakita ng taman
pangangalag sa ilong at (X) naman kung hindi.
J. Takdang Aralin Isulat sa kwaderno ang tatlong ginagawang
pamamaraan sa paglilinis ng iyong mga ilong.

You might also like