You are on page 1of 7

To our dearest principal, Mr. Robert N.

Acuisa, Faculty
and staff. Fellow Augustinians, Ladies and Gentlemen.
GOODMORNING!
Before I introduce myself, I want to thank our current
SSG and to those who help me a lot. Thank you for your
support if it weren't for you, I wouldn't be in this position
today.
I am Jan Philip ABELLON, running for the position of Vice
President under the banner of PURSIGIDO PARTY. I
stand before them today that this lineup of student
leaders wants and aims a better education, a better
government, and a better school for all of us. They have
the dedication and passion needed to make a positive
impact in the lives of the students we aim to serve. It
needs to be accompanied by a strong moral compass,
integrity, and a genuine desire to serve the common
good, rather than just personal interests. Our team will
develop a strategic plan that outlines our priorities and
goals for the year ahead. Whether you are struggling
with access to resources, experiencing discrimination or
harassment, or simply seeking support, we are here to
help.
We all need and hoping a better, fiercer and stronger
leader. And now I have seen a leader who stands for
Peace and Equality. She will not give up, she will continue
the fight for the good of every Augustinian student. My
partner in this election. President Jeschele P. Aguillon of
PURISIGIDO PARTY.
Our party’s 5 point AGENDA is all about:
Focusing on Accessibility and
Transparency, Quick Action and
Response, Cleanliness and Orderliness,
Community Engagement and Innovative
Solutions
Alam natin lahat ng marami pa tayong pangangailangan
at kailangan baguhin sa ating paaralan. Kailangan natin
ng mga programa at proyekto na makakatulong sa
pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon. Kailangan din
natin ng mga pasilidad na magiging mas komportable
para sa mga mag-aaral at guro.
Sa pamamagitan ng pagtakbo ko bilang Bise-Presidente,
nais kong ipakita ang dedikasyon at determinasyon sa
pagbibigay ng serbisyong makatutulong sa bawat mag-
aaral. Gusto ko pong magkaroon ng mga programa na
magtuturo sa ating mga kabataan ng mga aral na hindi
lang basta para sa paaralan, kundi pati na rin sa buhay.
Hindi po natin kailangan ng mga lider na magsasalita
lang, kailangan natin ng mga lider na may ginagawa. Kaya
naman, ako po ay handang magtrabaho ng maigi kasama
ang inyong mga kinatawan at mga guro upang
makapagbigay ng isang magandang edukasyon para sa
bawat mag-aaral.
Naniniwala po ako na tayo ay magtatagumpay kung
sama-sama tayong tutulong at magtitiwala sa isa't isa.
Sa panahong ito, kinakailangan nating magkaroon ng
lideratong may kakayahang maghatid ng mabilis, maayos,
at maaasahang mga solusyon para sa ating mga suliranin.
Nais ko pong magbigay ng malakas na liderato upang
mapatatag ang ating paaralan.
Gusto kong magtayo ng mga programa upang matiyak na
mas ligtas tayong lahat sa ating paaralan. Hindi lamang
ito para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, kundi pati na rin
sa kaligtasan ng ating mga guro at kawani sa paaralan.
Nais kong magkaroon ng mas magandang pangangalaga
sa ating mga gusali at pasilidad upang mas lalo pang
mapabuti ang karanasan ng mga mag-aaral sa pag-aaral.
Hangarin ay mapalakas ang kaayusan at kalinisan sa ating
paaralan. Nais naming palakasin ang ating paaralan
bilang isang komunidad ng mga mag-aaral

Nais naming magkaroon ng mga programa at aktibidad


na nakatuon sa pagpapalakas ng ating liderato. Gusto
naming magkaroon ng mga oportunidad upang mas
mapalakas natin ang ating kakayahan bilang mga lider ng
ating sariling komunidad. Sa ganitong paraan, mas
magiging handa tayo sa mga hamon ng buhay at
magiging mas epektibong lider para sa ating paaralan.

Nais naming lahat na maibalik and inyong tiwala at


dignidad ng buong paaralan.
Ang tamang pamumuno ay dapat pangunahan ng
leadership by example
Kailangan natin ng lider na maka diyos at
makatao,determinado, ang tama ay ipaglalaban Isang
liderna may prinsipyo, mapagkakatiwalaanat ang mali ay
lalabanan, kailangan ng mahigpit na disiplina sa
pamumuno.
THE AUGUSTINIANS DESERVES NO LESS.
Tulad ng isang agila, sila lamang ang mga ibon na
lumilipad sa ibabaw ng mga ulap. “Kung ikaw ay
tumutuon sa resulta hindi ka magbabago.”
“Kung ikaw ay nakatuon sa pagbabago, ikaw ay
makakakuha ng resulta.” Kaya tulad ng isang AGILA,
lilipad tayo ng matayog Agustinos at hayaan nyu kaming
ihatid sa inyo ang pagbabago.

Kung sa gawa lang ay BILIS KILOS kaming totoo, Bawat


sinasabi ay pinaninindigan sa mga nangangailangan.
Pagtulong na diretso sa inyo,resulta ang mahalaga at
basta tama, papanigan ko.
I may not give you a perfect
government but together we can make
it better
Kung ipagkakaloob ng diyos na ako ay pagbibigyan upang
maglingkod sa inyo ng tapat.
HINDING HINDI KO KAYO IPAPAHIYA.

Asahan ninyo, ang Serbisyong Tatak Agustino para sa


Progreso.
MABILIS NA AKSYON, TUNAY NA SOLUSYON, YAN ANG
TATAK ABELLON.
Sa muli, ako si Jan Philip ABELLON para BISE PRESIDENTE.
Kayo na ang humusga kung sino ang karapatdapat
mamuno. Maraming salamat sa inyong lahat. Magandang
aga sa inyo.

AGUSTINOS! GOD FIRST!

You might also like