You are on page 1of 4
ST PAULS MEDIA Taon 36 Blg.21 Dakilng Kapistahan ng PagkaharingPanginoong Hesukrsto saSanibutan (k) —Puti pastoral ministr AMBUHAY GB MISSALE TT EG FORA SYNODAL CHURCH: COMMUNION, PARTICIPATION, MSSION Nobyembre 20,2022 HESUKRISTO, TAGAPAGLIGTAS at Staring Spinako sa Kens! Lub. Kg. Midyphil B. Billones, D.D. Katuwvang na Obispo ng Cebu ‘ong bata pa lamang ako, kilala ko na ang imahe ni Kristo bilang Hari. Para sa mga taong pamilyar dito, ito ‘yong imahe ni Hesukristo na nakaupo sa trono atnakasuot ng maharlikang koronang nagpapakita ng kanyang, kapangyarihan at awtoridad Inilagay ang imahengito ng aming ama sa altar upang paalalahanan kami kung sino ang tunay na Hari ng aming tahanan, Siyempre, ngingiti lamang ang aking ina sapagkat alam niya kung sinoang, tunay na boss sa aming bahay! Ito, noon, ang naging basehan, rng aking mababaw na teolohikal na pang-unawa kay Hesus bilang Hati, Siva ay magiting na pinuno na humihingi ng lubusang pagsunod mula sa kanyang mga nasasakupan. Binibigyang-diin ito ng trono, ng setto, at ng korona Akala ko ito na ang lahatng iyon. Hanggang sa lumipas ang mga taon, habang ako ay nagdarasal, napansin ko ang pulang tuldok sa kamay ni Hesus na nakataas at nagbibigay ng basbas. Akala ko noong una, isa lamang itong, dumi o pagkakamali ng umukit ng, imahe, Subalit sa aking pag-usisa nang mabuti, nalaman kong ito ay nasa gitna ng kanyang bukas na palad habang naggagawad ng basbas. Ito ang sugat na iniwan ng pakong ginamit sa kanyang mga kamay nang ipako siya sa rus, My King has nail marks on his hands! Ang sugat sa Kanyang mga kamay ang naging pintuan na naghukas sa akin upang mas makita ko pa nang malalim ang paghahari ni Hesus—ang tronong, kanyang inuupuan, ay kalbaryo; ang setro, ang kahoy ng krus; ang korona ay koronang tinik na tumusok sa kanyang ulo, at, ang kanyang tagumpay ay hindi sa pamamagitan ng malupit na puvversa kun’di sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mahabaging, pag-ibig! Matapos ko itong mapagtanio, nalunod ako sa lalim ng pagmamahal ni Hesus, ang aking Hating ipinako sa krus! Itinuturo saatin ng Ebanghelyo ngayon nasi Hesus ay ibinayubay sa keus. Namatay Siya katulad ng isang karaniwang kriminal. Nilagyan pa ng karatula ang tuktok ng kanyang krus na may nakasulat, “INRI ‘Hesus na taga-Nasaret, Hari ng mga Hudyo.”” Siya ay binugbog, pinahirapan, tinuya, pinagsuot lilang tunika na kanilang pinagsapalaran, pinutungan ng, mga tinik, at pinatay sa krus na kanyang pinasan, Ito ay ganap na kabaligtaran ng kung paano dapat tratuhin ang isang hari Siya'y pinagmalupitan. Ngunit ipinaaalala sa atin ni Khalil Gibran na si Hesus ay isa ring nagngangalit na unos sa kanyang mga maniniil. Hindi natalo ng kamatayan ang kanyang Espiritu. Nanatili siyang tapat sa kalooban ng Ama at malayang, nag-alay ng kanyang buhay para sa atin na kanyang minamahal Hto ang Kanyang lakas bilang hari. Hindi lamang siya isang pinuno athari na may awtoridad at may kapangyarihan. ay haring handang i-alay ang kanyang, buhay nang buo! Kaya naman, sa kabila ng Kabalintunaan, sinasamba natin si Kristo, ang ating nakapakong Tagapagligtas at Hari, Ipinakita sa atin ni Hesus ang isang bagong paraan ng paghahari: Haring pastol na hagpo-protekta sa mga tupa... Haring nakasakay sa asno nang pumasok siya sa Jerusalem... Hari ng marangal na katahin na nakagambala sa konsiyensiya ni Pilato... Haring nagbigay ng kanyang buhay bilang, pantubos sa kanyang mga nasasakupan! Ito ang uri ng paghaharina ipinakita ni Hesus sa mundo, isang paghaharing pinatototohanan ng Banal na Kasulatan. ‘Ang sugat sa kamay ng. imahen ang nagbunsod sa akin sa pagkilala kay Kristo bilang Haring ‘mapagmahal, Sa ating pagdiriwang, ng Dakilang Kapistahan ni Kristong Hari, madala nawa tayo sa misteryang ito kung paano tayo minahal ni Kristo na ating Tagapagligtas at Haring ipinako sa Krus. Maranasan nawa natin, hindi lamang ang pagkamangha kun‘di matinding pasasalamat na siyang aakay sa atin na ialay sa kanya ang ating pagsunod, ang ating katapatan at, ang buong pagsuko ng ating kalooban. PASIMULA Antipona sa Pagpasok (Pag 5:12; 1,6) (Basan hg walang pambuoygad na awit) Ang Korderong inialay ay marapat paghandugan ng kadakilaa’t dangal, pagkilala’t pagpupugay, siya’y Haring walang hanggan. Pagbati (Gawin dito ang tanda ng krus) P—Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat. B—At sumaiyo rin, Paunang Salita (Maaaring basahin ito o isang katulad nna pahayag) P—Ang Dakilang Kapistahan ng Pagkahari ng Panginoong Hesukristo sa Sanlibutan ay hudyat ng pagtatapos ng kasalukuyang taon sa kalendaryong panliturhiya ng ating Simbahan. Ipinahihiwatig nito na ang Panginoong Hesukristo ang naghahari sa lahat ng yugto ng ating buhay: sa kanya nagsisimula, nagpapatuloy, at magtatapos ang lahat ng bagay sa sanlibutan. Pagsi P—Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang maging marapat tayong gumanap sa banal na pagdiriwang. (Tumahimik) B—Inaamin ko sa maka- pangyarihang Diyos, atsa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala (dadagok sa dibdib) sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos. P—kaawaan tayo ngmaka-pang- yarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnu- bayan tayo sa buhay na walang hanggan. B—Amen. P—Ranginoon, kaawaan mo kami. B_Panginoon, laawaan mo kan. P—kristo, kaawaan mo kami. B_Ktisto, kaawaan mo kari. P—Ranginoon, kaawaan mo kami. B_Panginoon, kaawaan mo kari. Gloria Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin, dahil sa dakila mong ang- king kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. tkaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. kaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen. Pambungad na Panalangin tayo, Tumahimit) Ama naming makapangya- rihan, sa iyong Anak na pinakamamahal at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan, Idulot mong ang tanang kinapal na pinalaya sa kaalipinan ay makapaglingkod sa iyong kadakilaan at makapagpuri sa iyo nang walang humpay sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B—Amen. ES PAT Tt Sa Unang Pagbasa (2 Sm 5:1-3)(Uinupo) ‘Magmumula sa angkan ni David ang hikilalaning Mesiyas ng santibutan: Si Hesus ang hinirang ng Diyos at hari ng mundo sa lahat ng panahon. Pagbasa mula sa ikalawang aklat ni Samuel NOONG mga araw na iyon, nagkaisa ang lahat ng angkan ng Israel na pumunta sa Hebron upang makipagkita kay David Sinabi nila, “Kami’y laman ng iyong laman at dugo ng iyong dugo. Nang si Saul ang hari namin, nanguna ka sa mga kawal ng Israel sa pakikipagdigma. Ipinangako sa iyo ng Panginoon na gagawin ka niyang hari upang mamuno sa kanyang bayan.” Lahat ng matatanda ng Israel ay nagpunta nga sa Hebron at doo'y nakipagkasundo sa kanya sa harapan ng Panginoor Binuhusan nila ng langis si David at kinilalang hari sa Israel —Ang Salita ng Diyos. B—Salamat sa Diyos. Salmong Tugunan (SIm 121) T—Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. EC. Marfort © En Masa ya layongpa = parsok— Gc, Ge — sa himanng Po-ong, Diyos 1. Ako ay nagalak, sa sabing ganito:/ “Sa bahay ng Poon ay pumasok tayo!"/ Sama- sama kami matapos sapitin,/ ang pintuang-lungsod nitong Jerusalem. (1) 2. Dito umaahon ang lahat ng angkan,/ lipi ni Israel upang magsambahan/ang hangad, ang Poon ay pasalamatan/ pagkat ito’y utos na dapat gampanan/ Doon din naroon ang mga hukuman/ at trono ng haring hahatol sa tanan. (1) Ikalawang Pagbasa (Col 1:12-20) Inilalarawan ni San Pablo ang mgo walang hanggang ketangian ng Panginoong Hesus bilang binckamamahal ra Anak ng Diyos, ang Tagapagiigtas ng daigaig. Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas MGA KAPATID, magpasalamat kayo sa Ama, sapagkat minarapat niyang ibilang kayo sa mga hinirang na magmamana ng kaharian ng kaliwanagan. Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak. Sa pamamagitan ng Anak, tayo'y pinalaya at pinatawad sa ati mga kasalanan Si Kristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita, at siyang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha. Sapagkat ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga naghahari at namamahala, mga namumuno at may kapangyarihang espirituwal ay pawang nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya. Siya’y una sa lahat, at sa kanya nakasalalay ang kaayusan ng lahat ng bagay. Siya ang ulo ng simbahan na kanyang katawan. Siya ang Una, ang panganay na Anak—ang unang nabuhay na muli upang siya ang maging pinakadakila sa lahat ng bagay. Ipinasiya ng Diyos na ang kanyang kalikasan ay manatilirin sa Anak, at inibig niyang ang sandaigdigan ay makipagkasundo sa kanya sa pamamagitan ng Anak. Sa pamamagitan ng pagkamatay nito sa krus, nagkasundo nga ang Diyos at ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa. —Ang Salita ng Diyos. B_Salamat sa Diyos. Aleluya (Me 11:9, 10) (Tumayo) B—Aleluya! Aleluya! Pagpalain dumarating sa ngalan ng Poon natin, paghahari’y kanyang angkin. Aleluya! Aleluya! Mabuting Balita (Lc 23:35-43) P—Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas B—Papuri sa iyo, Panginoon. NOONG panahong iyon, nilibak si Hesus ng mga pinuno ng bayan. Anila, “Iniligtas niya ang, iba; iligtas naman niya ngayon ang kanyang sarili, kung siya nga ang Mesiyas, ang hinirang ng Diyos!” Nilibak din siya ng mga kawal, nilapitan at inalok ng maasim na alak. Sinabi nila, “Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas moang iyong sarill.” At nakasulat sa ulunan niya sa wikang Griego, Latin at Hebreo, “to ang Hari ng mga Judio.” Tinuya siya ng isa sa mga salaring nakabitin, at ang sabi, “Hindi ba ikaw ang Mesiyas? Hligtas mo ang iyong sarili, pati na kami!” Ngunit pinagsabihan siya ng kanyang kasama, “Hindi ka ba natatakot sa Diyos? kaw ma’y pinarurusahang tulad niyal Matuwid lamang na tayo’y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama.” At sinabi niya, “Hesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na." Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa iyo: ngayon di’y isasama kita sa Paraiso.” —Ang Mabuting Balita ng Panginoon, B—Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo. Homiliya (Umupo) Pagpapahayag ng Pananampalataya (Twnaye) B—Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag.uli. Umakyat ss langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nanga- bubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng, nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen. Panalangin ng Bayan P—Ama, sa pamamgitan ng misteryo paskwal ng aming Panginoong Hesukristo, Hari ng Sanlibutan, naghahari ang pag-ibig at kapayapaan sa aming buhay at pakikipagpag- ugnayan. Tulungan mo kaming magpasakop sa mapagmahal na paghahari ng iyong Anak. Kami’y dumadalangin: T—Ama, maghari ka nawa nang lubusan sa aming buhay. L—Mapagmahal na Diyos, pag-alabin mo kaming iyong Simbahan tungo sa tapat a pagsasabuhay ng aming tungkulin bilang pari, hari, at propeta upang dumaloy ang iyong biyaya nang walang hadlang at ang iyong paghahari ay madama sa bawat antas ng lipunan, Manalangin tayo: (1) L—Mapagmahal na Diyos, alagaan mo ang aming mga lingkod-bayan, Kilalaninka nawa nila bilang hari sa kanilang tapat na pagpapatupad ng Saligang, batas. Manalangin tayo: (1) L—Mapagmahal na Diyos, itinataas namin sa iyo ang lahat ng aming mga kapatid: ang mga nalulumbay, dukha at inaapi, mga iniwan, mga ulila, mga nag-iisa, at silang mga naliligaw ng landas. Makita nawa nilaang iyong paghahari bilang bukal ng buhay at kahulugan, Manalangin tayo: (1) L—Mapagmahal na Diyos, yakapin mo ang mga mahal naming yumao sa iyong piling. Manalangin tayo: (T) L—Sa ilang sandali ng katahi- mikan, ating ipanalangin ang iba pang pangangailangan ng ating pamayanan pati na rinang ating pansariling kahilingan (Tunahimit) Manalangin tayo: (1) P—Mapagmahal naming Diyos, minamahal mo kami sa paramagitan ng pagpapadala ng iyong Anak upang maging Hari ng aming buhay. Tulungan mo kaming panatalihin siya bilang Panginoon sa aming salita at gawa. Hinihiling namin ito sa matamis na pangalan ni Hesus. B—Amen. BUT aU Paghahain ng Alay (Twnayo) c+ P—Manalangin kayo... B—Tanggapin nawa ng Pangi- noon itong paghahain sa iyong, mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong, Sambayanan niyang banal. Panalangin ukol sa mga Alay P—Ama naming Lumikha, sa paghahain namin ng mga alay sa ikapagkakasundo ng sang- katauhan iniluluhog naming ang iyong Anak nawa’y magbigay ng mga kaloob na pagkakaisa at kapayapaan sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B—Amen. Prepasyo (Krisiong Hari) P—Sumainyo ang Panginoon. B—At sumaiyo rin. P—itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa. B—Itinaas na namin sa Pangi- noon, P—Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. B—Marapat na siya ay pasala- matan. P—Ama naming makapangya- rihan, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan. Hinirang mong tagapaghain ng tanan ang iyong Anak na Panginoon ng sanlibutan. Pinadaloy mo sa kanya ang langis ng kasiyahan tanda ng paghirang, mong pangmagpakailanman. Sa paghahaing ginampanan niya sa krus siya ang dalisay na tagapagbuklod, siya ang gumanap sa aming pagkatubos, siya ang sumakop sa sansinukob. ‘Ang kanyang paghaharing lagi sa lahat ay siyang lubusang raglalahad ng iyong kadakilaang matapat upang buhay mo'y sa lahat maigawad. Sa paghahari nya, lahat ay hinahatian sa iyong lagandahang-loob at kabanalan, sa iyong dangal at kapayapaan. Kaya kaisa ng mga anghel na rmagsisiawit ng papuri sa iyo nang, walang humpay sa kalangitan kami'y nagbubunyi sa iyong kadakilaan: B—Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga hukbo! Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mot Osana sa kaitaasan! Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng, Panginoon! Osana sa Kaitaasan! (Lumuhod) Pagbubunyi (Tunayo) B—Aming ipinahahayag na namatay ang ‘yong Anak, nabuhay bilang Mesiyas at magbabalik sa wakas upang mahayag sa lahat. PAKIKINABANG Ama Namin B—Ama nami P—Hinihiling naming... B—Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakailanmant Amen. Pagbati ng Kapayapaan Paanyaya sa Pakikinabang dumuod) P—ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang, piging. B—Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuldy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako. Antipona sa Komunyon (Glm 29:10-11) Maghahari kailanman ang Panginoon sa tanan. Pagpapala’y ibibigay ng Poon sa kanyang bayan upang tana’y matiwasay. Panalangin Pagkapakinabang (Tumayo) P—Manalangin tayo. (Tionaltinik) ‘Ama naming mapagmahal, kaming pinapakinabang mo sa pagkaing nagbibigay-buhay ay nagsusumamong kaisa niyang makapamuhay sa kaharian sa langit magpakailanman pakundangan sa karangalang sundin ang mga kautusan ng Haring si Kristo sa sanlibutan sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B—Amen. be P_Sumainyo ang Panginoon. B—ALt sumaiyo rin, Pagbabasbas P—Magsiyuko kayong lahat at hingin ang pagpapala ng Diyos. (Dunahimik) P—Pagpalain nawa kayo at ingatan ng Paginoon ngayon at magpasawalang hanggan. B—Amen. P—Nawa'y kahabagan niya kayo at subaybayan ngayon at magpasawalang hanggan. B—Amen. P—Lingapin nawa niya kayo at bigyan ng kapayapaan at kaligayahan ngayon at magpasawalang hanggan. B—Amen. P—Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama at Anak (#) at Espiritu Santo. B—Amen, Pangwakas P—Tapos na ang ating Banal na Misa, Humayo kayo taglay ang kapayapaan upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran. B—Salamat sa Diyos. BE A PAULINE PRIEST OR BROTHER Visit our websites: ssp.ph or stpauls.ph

You might also like