Professional Documents
Culture Documents
ITS SOURCE
by Adrian Rogers
Scripture: LUKE 18:1
Turn to Luke chapter eighteen and verse one. Luke chapter eighteen and verse
one. I want us to think on this subject, IT'S FORCE, IT'S COURSE AND IT'S
SOURCE. (I believe that Christians fail more in the prayer life than in any other
area and I believe dear friend, I don't have a failure and you don't have a failure in
other areas that is not really somehow related to that failure in our prayer lives.
Christians need to pray, Baptists need to pray-, Bellevue Baptist need to pray, I
need to pray, you need to pray so I want us to think tonight on prayer, just a very
simple message, somewhat topical as we think on prayer.
In Luke eighteen verse one the bible says, and be spake a parable unto them to
this end, that men ought always to pray, men ought always to pray. Now, dear
friend, that is what Jesus said and if you don't pray you sin because men ought
always to pray. First Samuel twelve, verse twenty three says, but God forbid that I
should sin against the Lord in ceasing to pray for you.
Why should you pray? Why should I pray? God said to. Is there a better reason for
doing anything. As a matter of fact, not only does the scripture says in Luke
eighteen, verse one that men ought always to pray and not only does the bible
teach that failure to pray is a sin but you know the bible also says that in
Philippians chapter four verse six that we're to be careful for nothing but in
everything by prayer and supplication give thanksgiving let our requests be
known unto God, not only should we pray, not only is failure to pray a sin but we
are to pray about everything, in everything by prayer and supplication with
thanksgiving let our requests be made known unto God. We are to virtually live by
prayer. You say well, you can't pray about everything. Well, dear friend, if there's
anything you can't pray about you better start doing it. That's a pretty good
indication that you're doing something ...
Kulang sa Prayer? Col. 1:9-14
Kulang tayo sa panalangin. Hindi lang ito sa mga bagong Christians, kundi sa marami sa
atin na matagal na sa buhay Cristiano. Sabi nga ni Philip Yancey na pagdating sa prayer,
“we are all beginners.” If we are honest, there is not much prayer going on in our lives.
Hindi natin masyadong naiisip ang ibang tao, hindi palaging sumasagi sa isip natin ang
makinig sa Dios at kausapin siya. We would rather spend much time in front of the TV,
checking our Facebook, surfing the Internet, playing games, working, sleeping, talking to
others than pray.
At kung magpray man tayo, kadalasan ang prayer natin para sa sarili lang natin, para
ibless ni Lord ang buhay natin, ang health natin, ang family natin, ang business natin. At
kung magpray man tayo para sa iba, our prayers are not that biblical and God-centered.
Kulang tayo sa panalangin, kaya nga ang least popular na activity sa church ay ang
Prayer Meeting.
Heart Problem
Bakit ganoon? Dahil ba sobrang busy talaga ng buhay at wala tayong magawa para
maiadjust ang schedule natin? Dahil ba we find it really boring at hindi kasing exciting
ng ibang activities? Dahil ba hindi ka sanay at walang nagtuturo sa iyo? I believe na ang
problema natin ay hindi schedule, hindi rin skills or experience. Ang problema natin ay
ang puso natin. Kapag hindi tayo nananalangin, lalo na para sa ibang tao, nagpapakita ito
ng…
3. Lack of love. Kung magpray man tayo para sa sarili lang natin. Kulang na kulang ang
panahon at effort na inilalaan natin praying for others. Bakit? Kasi feeling natin mas
importante ang pangangailangan natin kaysa sa iba. We don’t feel any concern sa
kahirapan at mga struggles na pinagdadaanan ng mga kasama natin sa church. We
become unloving kapag sinasabi nating wala naman tayong responsibility para sa ibang
tao. So we don’t pray for others.
Kung mabalitaan man natin ang mga prayer concerns ng ibang tao, nakita mo siguro sa
Facebook, o naitext sa iyo, o sumagi sa isip mo, tapos di ka man lang naglaan ng focused
prayer para sa kanya, kasi tingin mo sobrang busy mo, pinapakita nito ang unbelief, self-
centeredness, at lack of love sa puso mo. Ouch ba? Kasi totoo naman.
Ibang-iba ang response ni Paul. Kung matatandaan n’yo last week napag-aralan natin na
itong si Pablo, di pa niya nakikilala talaga nang personal ang mga taga-Colosas. Nasa
kulungan siya, di pa siya nakakapunta doon. Si Epaphras ang nagdala ng Magandang
Balita sa kanila. At siya namang nagbalita kay Pablo kung ano ang magagandang
nangyayari doon. Kaya naman nang mabalitaan niya iyon, nagpapasalamat siya sa Dios
sa bunga ng Magandang Balita sa kanila na mas lalong tumitibay ang pananampalataya
nila kay Cristo, at lalong umiinit ang pag-ibig nila para sa isa’t isa bilang isang pamilya
ng Dios (1:3-4).
Maganda ang nangyayari sa kanila. So, pwedeng sabihin ni Paul, “OK na pala kayo.
Good job! Di n’yo na kailangan ng tulong ko.” Pero hindi, kaya nga siya sumulat sa
kanila kasi may mga concerns. Pero bago pa man siya sumulat, he was already praying
for them. Verse 9, “Kaya nga, mula nang mabalitaan namin ang tungkol sa inyo, patuloy
namin kayong ipinapanalangin” (ASD). Hindi niya sinabing, “Iba na lang ang ipagpepray
ko ha, maiintindihan n’yo naman siguro iyon.” At hindi lang siya basta nananalangin,
regular siyang nananalangin para sa kanila. Ang itinuturo niya sa atin na “Pray without
ceasing” (1 Thess. 5:17 ESV) ay ipinamumuhay niya at nagbibigay siya ng magandang
halimbawa para sa atin. Tayo bang mga leaders ng church, katulad ba tayo ni Pablo na
nananalangin para sa mga church members natin? At masasabi ba natin sa kanila na
tularan nila ang halimbawa natin pagdating sa prayer life (1 Cor. 4:16; 11:1)?
1. Kailangan nila. Kaya nga ang hiling ni Pablo ay bigyan sila ng Dios ng kailangan
nila. O sa ESV, “that you may be filled…” Ibig sabihin, meron pang kulang sa kanila,
hindi pa sila kumpleto. Akala ko ba ang title ng sermon series natin ay “Wala Nang
Kulang”? Oo nga, dahil kay Cristo wala nang kulang, pero sa karanasan natin ng
katotohanang iyan, di pa natin iyan lubos na nararamdaman, di pa iyan lubos na
bumabaon sa puso natin. Patuloy pa rin ang laban natin sa kasalanan. Ang tinutukoy dito
ay ang ating ongoing sanctification, ang proseso na nilalakaran natin para maging tulad ni
Cristo. Di pa tapos iyan. Di pa tayo dumarating sa destination natin. None of us has fully
arrived. Wala ni isa man sa atin ang completely mature na na hindi na natin
kakailanganin ng prayer – kahit ako na pastor ninyo. Para tayong timba, may laman nang
tubig iyan. Pero hindi pa puno, patuloy nating isasalok sa gripo, dahil naniniwala tayong
sapat ang tubig na pinagmumulan nito para punuin tayo.
2. Sapat ang Dios. Nananalangin tayo, dahil anumang kakulangan sa atin at sa ibang tao,
naniniwala tayong sapat ang Dios sa lahat ng iyon. At siya lang, wala nang iba ang
makapagbibigay sa atin ng kailangan natin, ng lahat ng kailangan natin. Pansinin n’yo
kung paanong inuulit-ulit ni Pablo ang salitang all, every, at fully. Malinaw ito sa ESV:
“all spiritual wisdom and understanding” (v. 9); “fully pleasing to him (NIV, “please him
in every way”), bearing fruit in every good work” (v. 10); “all power…all endurance” (v.
11). When we pray for others, we believe that only God can give us everything we need.
So God is glorified in our prayers.
3. May responsibilidad tayo. Oo nga’t ang Dios ang gagawa noon, at kaya niyang gawin
without our help. Pero niloob niya na gawin iyon sa pamamagitan natin, and our prayer
as his instrument. Kaya sabi ni Paul, “Hinihiling namin…” Siya ang nananalangin.
Parang tulay o water conduit, para ang gagawin ng Dios sa mga taga-Colosas ay dumaloy
mula sa langit patungo sa kanila. We fulfill a priestly function when we pray for others.
We imitate the ministry of Jesus as our Great High Priest. Kaya nga sa dulo ng prayer
natin sinasabi natin, “In Jesus’ name.” At kapag siniseryoso natin ang prayer para sa iba,
we are acting out of love for them. We are taking responsibility for the spiritual growth of
others. Hindi na lang puro sarili natin ang iniisip natin.
Ito ba ang pinaniniwalaan mo? O hindi ka nananalangin para sa iba kasi di ka naman
naniniwala na kailangan nila, sapat ang Dios, at may responsibilidad ka? Pero kung ito
ang pinaniniwalaan mo – strong conviction in your heart – you will begin adjusting your
prayer life, na di na pwedeng mawala sa prayer list mo ang ibang tao – your family, our
church members and minstries, our missionaries, your unbelieving friends, and unreached
people groups.
At siyempre, ibig sabihin nito na nais ni Pablo na mas maging malalim at malawak ang
pang-unawa nila sa Salita ng Dios, kasi doon naman natin matatagpuan kung ano ang
kalooban niya. Pero hindi lang ito intellectual knowledge, but spiritual, yung galing sa
Espiritu. Posible kasi na aral ka ng aral, marami kang alam, pero di naman bumabaon sa
puso mo ang kalooban ng Dios. Iyon bang ang mangyari ay masasabi mo na na, “I delight
to do your will, O my God; your law is within my heart” (Psa. 40:8 ESV) or “My food is
to do the will of the Father” (John 4:34 ESV).
This knowledge is “through all the wisdom and understanding” – na ibig sabihin ay
nailalapat sa buhay kung ano ang alam at pinaniniwalaan natin. Practical. Hindi lang
intellectual. I pray for all of you na magkaroon kayong lahat ng pusong sabik na mag-aral
ng Salita ng Dios, learners, sumisisid sa Salita ng Dios, at sabik na gawin kung ano ang
kalooban niya.
Oo, dahil kay Cristo, we are well-pleasing to God. Pero tandaan natin na makagagawa pa
rin tayo ng mga bagay na magugustuhan o di magugustuhan ng Dios. Huwag nating
isiping magugustuhan ng Dios kung marami kang alam, nakapagtapos sa Bible school.
Tapos di naman nakikita sa pamumuhay mo. Our goal is to please him in every way. Na
lahat ng bahagi ng buhay natin ay nakaayon sa kalooban ng Dios. Kung dati, kung ano
ang gusto mo, kung ano ang pangarap mo, kung ano ang trip mo yun ang nasusunod,
ngayon hindi na. I pray for you, lalo na kayong mga bagong disciples, na maghari sa inyo
ang bagong desires at motives na sumunod sa kalooban ng Dios sa lahat ng bahagi ng
buhay, na ang hangarin n’yo na ay hindi ang i-please ang kung sinu-sino, kundi ang
bigyang-lugod ang Dios.
Ano ang larawan ng buhay na pleasing sa paningin ng Dios? Iyon ang number 3
hanggang number 6.
Nagpasalamat na si Paul sa Dios dahil sa paglago ng mga taga-Colosas (v. 6), dito ang
prayer niya ay patuloy silang lumago at magbunga. Na hindi na lang sarili nila ang
iniisip, kundi kung paano makakatulong sa ibang tao. At yan ang prayer ko sa bawat isa
sa inyo, na ang primary motivation n’yo sa pagpunta at involvement sa church ay hindi
na “Mabebless kaya ako dun?” kundi, “Paano kaya ako magiging blessing,
encouragement, at support para sa iba?” Kapag nangyari iyan, God is pleased kapag ang
nagiging direksyon ng buhay natin ay outward, sa halip na inward.
Sa ESV, “for all endurance and patience with joy.” Madaling magtiis kung magtitiis lang.
Madaling magtiyaga kung magtitiyaga lang. Pero hindi iyan ang nais ng Dios sa atin.
Hindi ang makaraos lang sa araw-araw, hindi ang malagpasan lang ang mga pagsubok sa
buhay. But to go through life, even in hardships, with joy. Kaya yan ang prayer ni Paul.
Kasi imposible sa atin iyan. Hindi natural iyan. Galing sa Holy Spirit yan (Gal. 5:22-23).
Yan din ang prayer ko sa inyo. Alam ko marami sa inyo ang dumaraan sa kung anu-
anong trials – may health problems, may problema sa asawa, may financial difficulties,
may pressures sa work at sa business. Tapos sa loob-loob mo, “Hanggang kelan kaya ito?
May katapusan pa ba ‘to?” Ang prayer ko, magkaroon kayo ng attitude na hindi takasan
ang pagsubok at hirap ng buhay kundi maging matatag na harapin ito nang may
kagalakan, na narerealize na wala sa mga bagay na iyan ang satisfaction at treasures
natin, kundi nasa Dios lang sa pamamagitan ng Panginoong Jesus na nasa atin.
6. Na lumago sa pasasalamat sa Dios (v. 12). “At [nang] makapagpasalamat din kayo sa
Ama.” Again, hindi rin ito natural sa atin. Kapag may mga problema, natural sa atin ang
magreklamo, mag-alala, mawalan ng pag-asa. Kapag maganda naman ang nangyayari,
natural sa atin ang kuhanin ang credit o papuri para sa sarili natin. “Ang galing ko kasi,
masipag kasi ako, masunurin kasi ako.” To humble ourselves and to give God all the
glory and the credit is a work of the Spirit. Ang prayer ni Paul para sa kanila ay
magkaroon sila ng pusong laging naghahangad na bigyang papuri ang Panginoon. Yan
din ang prayer ko sa inyo, lalo na sa mga active sa ministry na minsan nararamdaman
n’yong di kayo napapansin kasi walang affirmation o papuri man lang sa inyo. Na ang
maging pangunahing hangarin ng puso mo ay sa lahat ng ginagawa mo at magandang
nangyayari sa paglilingkod mo, ang hangarin mo ay bigyang papuri ang Dios, hindi ang
sarili mo.
Ang laki ng tulong sa akin ng mga prayer items na ito ni Paul sa mga Colossians. Alam
ko na kung ano ang ipagpepray ko sa bawat isa sa inyo. Kahit di ko masyadong alam ang
nangyayari sa inyo, I know how I can pray for you. Every morning, nagtitimpla ako ng
kape, nagbabasa ng Bibliya, at ginagamit ito para ipanalangin sa inyo. I pray more
frequently sa family ko at sa mga leaders ng church at ministry workers. Pero I also make
it a goal na maipagpray kayong lahat by name, one by one. Pati mga bata. At kung may
pagkakataon, ipapaalam ko sa inyo kung ano ang pinagpray ko para sa inyo. “Lagi siyang
nananalangin nang taimtim na manatili kayong matatag, maging ganap, at may buong
katiyakan sa kalooban ng Dios. Saksi ako sa mga pagsisikap ni Epafras para sa inyo…”
(4:12-13 ASD).
Ang panalangin para sa iba ay hindi lang gawaing pampastor. Para po ito sa lahat sa atin.
So, magcommit kayo na manalangin araw-araw. Basahin ang Bibliya araw-araw, at
ipanalangin ang kalooban ng Dios na matupad sa buhay ng ibang tao. Pray for your
family and with your family. Kahit maliliit pa ang mga anak n’yo tulad ng sa amin. Kahit
5 minutes a day lang, basta consistent araw-araw. Kesa naman walang family prayer.
Pray for your church and with your church. Huwag kaligtaang dumalo sa worship
gathering, sa GraceComm gathering n’yo, sa mga prayer meetings, o bumuo ka ng sarili
mong prayer group. Just do everything you can to increase your prayer life. Kung
sobrang busy ka, ayusin mo ang schedule mo.
Ibinigay na ng Dios ang kanyang lahat-lahat para sa atin, kaya makatitiyak tayong sa
panalangin natin para sa sarili at para sa iba, ibibigay din niya sa atin ang lahat ng bagay.
Ito ang sabi ni Pablo sa Romans 8:32, “Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya
ipinagkait kundi ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay din niya sa atin ang lahat ng
bagay” (ASD); “He who did not spare his own Son but gave him up for us all, how will
he not also with him graciously give us all things” (ESV)? Mas mararanasan natin at ng
ibang tao ang katotohanang “kay Cristo, wala nang kulang” kung palagi tayong
mananalangin para sa ibang tao.