You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SANTA ROSA CITY
PULONG STA. CRUZ ELEMENTARY SCHOOL
PUROK 2, BRGY. PULONG STA. CRUZ, CITY OF SANTA ROSA, LAGUNA

PANGALAN: ISKOR:
____________________________________ ___________________
BAITANG: GURO:
______________________________________ ___________________

ACTIVITY SHEET IN ARALING PANLIPUNAN 4


QUARTER 4-WEEK I

PAKSA: ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO


MELC: Natatalakay ang konsepto at prinsipyo ng pagkamamamayan
Ano ang ibig sabihin ng salitang pagkamamamayan?
Ang pagkamamamayan ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa
itinatakda ng batas. Hindi lahat ng naninirahan sa isang bansa ay mamamayan nito dahil may dayuhang
nakatira dito na maaaring hindi kasapi nito, Halimbawa, ang mga dayuhang naninirahan lamang dito sa
ating bansa upang mag-aral, mamasyal, o makipagkalakal, ay hindi maituturing na Pilipino dahil sila ay
mamamayan ng ibang bansa. Ang pagkamamamayan ay may mga basehan o batayan at ito ay nakapaloob
sa Saligang Batas ng Pilipinas. Ano ang saligang batas?

Saligang Batas – ito ay ang pinakamataas na batas ng isang bansa at nakasulat dito ang mahahalagang
batas na dapat sundin ng bawat mamamayan.
Ang Batas Naturalisasyon ay isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais makamit ang
pakamamamayang Pilipino. Upang mangyari ito, dumaraan sila sa proseso na kung tawagin ay
naturalisasyon. Ito ay pormal na paghingi ng isang dayuhan ng pagkamamamayan sa pamahalaan.

Hal: Juan Antonio ay isang Espanyol na isinilang sa Pilipinas. Ang kaniyang mga magulang ay kapwa
tagaEspanyaa. Dito na sa Pilipinas lumaki at nagkaisip si Juan hanggang makapagtapos sa pag-aaral at
makapag-asawa. Di nagtagal,humarap siya sa hukuman upang humiling para sa pagiging naturalisasyon.
Sa bisa ng batas, si Juan ay naging isang mamamayang Pilipino. Ayon din sa Artikulo IV Seksiyon 4 ng
Saligang Batas ng 1987, ang isang mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay
mananatiling isang Pilipino maliban na lamang kung pinili niyang
sundin ang pagkamamamayan ng kaniyang napangasawa.

Hal. Si Henry ay ipinanganak sa Pasig. Ang kaniyang ama ay Pilipino ngunit ang kaniyang ina ay isang
Aleman. Si Henry ay isang mamamayang Pilipino pa rin. Batay naman sa Republic Act 9225 na
nilagdaan ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Setyembre 17, 2003, ang mga dating
mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay
maaaring muling
maging mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan (dual citizenship).
Hal:
1Gerald Anderson – anak ng isang Pilipino at isang Amerikano
2.Jake Cuenca – anak ng isang Pilipina at isang Canadian

GAWAIN 1
Panuto: Isulat sa iyong papel ang TAMA kung ang pahayag ay tumutugon sa batayan ng
pagkamamamayang Pilipino ayon sa batas at MALI kung hindi ito tumutugon sa batayan ng
pagkamamamayan.
____1. Ikaw ay mamamayang Pilipino kung mamamayan ka ng Pilipinas bago Pebrero 7, 1973
____2. Hindi na maaaring maging mamamayang Pilipino ang isang dating Pilipino na piniling maging
naturalisadong mamamayan ng ibang bansa
____3. Kapag ang isang Pilipina ay nakapag-asawa ng isang dayuhan siya ay hindi na maaaring maging
mamamayang Pilipino
____4. Si Nanay at si Tatay ay isang Pilipino, kaya ako ay isang mamamayang Pilipino.
____5. Ang pagkamamamayan ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon
sa itinatakda ng batas

GAWAIN 2
Panuto : Lagyan ng ( ⁄ ) kung ang pahayag ay tumutugon sa pagkamamamayang Pilipino
_____1. Ang isang Pilipinong nakapangasawa ng isang dayuhan ay hindi maaaring maging mamamayang
Pilipino
_____2. Hindi na maaaring maging mamamayang Pilipino ang isang dating Pilipino na piniling maging
naturalisadong mamamayan ng ibang bansa
_____3. Ang mga dating dayuhan na dumaan sa proseso ng naturalisasyon ay mamamayang Pilipino’
_____4. Isa man sa iyong mga magulang ay Pilipino, ikaw ay mamamayang Pilipino.
_____5.Ikaw ay mamamayang Pilipino kung mamamayan ka ng Pilipinas bago sumapit ang Enero 17,
1973

You might also like