You are on page 1of 16

MTB-MLE – Ikatlong Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 8: Pagbibigay Kahulugan o Impormasyon sa Pictograph

Batay sa Pananda

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda
ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may- akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Mary Ann P. Malasan
Editor: Wilma S. De Guzman
Tagasuri: Wilma S. De Guzman
● Nilalaman: Medelyn L. Gregas, Mary Ann P. Bingayan
● Wika: Nida A. Leaño, Dianne N. Sanchez, ATBP
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
Asst. Schools Division Superintendent
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE) Liza


A. Alvarez (Science/STEM/SSP) Bernard R.
Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Susan L. Cobarrubias,EdD, PSDS-Special Education Program
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong
Rehiyon Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig.

MTB-MLE 3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang MTB-MLE 3 - Modyul para sa araling
Pagbibigay Kahulugan o Impormasyon sa Pictograph Batay sa Pananda.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng
Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A.
Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing
Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay sa


pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21
siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and
Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa


loob kahong ito:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang MTB-MLE 3 - Modyul para sa araling


Pagbibigay Kahulugan o Impormasyon sa Pictograph Batay sa Pananda

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat matutuhan pagkatapos
mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang
malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang
paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat
sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto
ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mga mag-aaral ay


inaasahan na;
nababasa nang tama ang nilalaman ng pictograph,
nabibigyang kahulugan at nasasagot ang mga tanong hinggil
sa pictograph.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag. Piliin ang


tamang sagot sa loob ng kahon.

1. Ang _______ ay isang dayagram na sumisimbolo sa


nakuhang impormasyon o ________. Ang graph ay
ginagamitan ng mga __________.
2. Ang _________ ay isang uri ng graph na gumagamit
ng ________ o simbolo upang makapaglahad ng
impormasyon o datos.
BALIK-ARAL

Panuto: Pag-aralan ang pictograph. Piliin ang letra ng


tamang sagot.
Mag-aaral Bilang ng aklat na nabasa ng mga mag-aaral
Daniel
Kristine
Santino
James
Sharon
Pananda = 10 na mga aklat

Mga Tanong:
1. Ilang aklat ang nabasa ni Kristine?
A. 20 B.40 C.50 D. 30
2. Ilang aklat ang nabasa ni Santino?
A. 50 B. 10 C. 20 D. 30
3. Sino-sinong mga bata ang may parehong dami ng aklat
na nabasa?
A. Daniel at Sharon C. James at Sharon
B. Kristine at Santino D. Kristine At Daniel
4. Sino sa kanila ang may pinakamaraming nabasang aklat?
A. Santino B. Kristine C. Sharon D. Daniel
5. Sino naman ang pinakamaliit na bilang ng nabasang aklat?
A. Daniel B. Santino C. James D. Kristine
ARALIN

Ngayong araw, tatalakayin natin kung paano


nasasagot nang tama ang mga tanong at naibibigay ang
kahulugan sa pictograph.
Basahin ang talata at unawain ito.
Si Jose ay isang masipag at mabait na bata. Mahilig
siyang mag-ipon ng mga bote mula Lunes hanggang Biyernes
na nakukuha niya sa pangangalakal at ibinebenta niya ito
pagdating ng Sabado. Noong Lunes, may naipon siyang apat na
bote. Pagdating ng Martes at Huwebes may parehong naipon
siyang limang bote. Noong Miyerkules ay may naipon naman
siyang tatlong bote. Biyernes ng hapon ay may naipon siyang
walong bote.
Pag-aralan ang pictograph sa ibaba.
MGA BOTE NA NAIPON NI JOSE
Mga Araw Bilang ng bote
Lunes
Martes
Miyerkules
Huwebes
Biyernes
Pananda = 3 na bote

Tanong:
1. Tungkol saan ang pictograph?_______________________
2. Ano ang ginamit bilang pananda sa pictograph?_________
3. Ano ang katumbas ng bawat bote? ____________________
4. Anong araw ang pinakamababang naipon ni Jose na bote?
______________________________________________
5. Ilang bote ang iguguhit sa grap na katumbas na bilang ng
pinakamababang naipon niya? _____________________
6. Sa anong araw ang may pinakamalaking bilang na naipon
niyang bote? ___________________________________
7. Ilang bote ang iguguhit sa graph sa pinakamaraming
naipon niya at ganoon din sa araw ng Lunes? ________
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay1
Pag-aralan ang pictograph. Piliin ang letra ng tamang
sagot sa bawat tanong.
KAARAWAN NG BATA
Mga Buwan Bilang ng bata
Enero
Pebrero
Marso
Abril
Mayo
Pananda = 5 na bata

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang pictograph?
A. Paboritong laruan C. Dami ng bulaklak
B.Kaarawan ng bata D. Dami ng buwan
2. Ano ang katumbas na bilang sa bawat larawan ng
bata?
A. 10 B. 2 C. 5 D. 8
3. Sa anong buwan ang may parehong dami ng
kaarawan?
A. Pebrero at Mayo C. Abril at Mayo
B. Enero at Marso D. Marso at Mayo
4. Anong buwan ang may pinakamaraming batang
nagdiriwang ng kanilang kaarawan?
A. Marso B. Pebrero C. Enero D. Abril
5. Alin sa mga buwan na may labinlilmang (15) bata ang
nagdiriwang ng kanilang kaarawan?
A. Abril B. Enero C. Mayo D. Pebrero

Pagsasanay 2
Pag-aralan ang pictograph at sagutin ang mga tanong.
Isulat ang tamang sagot sa patlang sa may hanay B.
Paboritong Ice Cream
Flavor Bilang ng mga bata
Vanilla
Chocolate
Strawberry
Rocky Road
Ube
Pananda = 10 na bata

Hanay A Hanay B

1. Tungkol saan ang pictograph? 1. __


2. Ano ang ginamit na pananda sa 2. __
pictograph?
3. Ano ang katumbas ng bawat ice cream? 3. __

4. Anong flavor ang pinakaraming may 4. __

gusto?
5. Anong flavor ang hindi gusto ng mga bata?5. __
Pagsasanay 3
Pag-aralan ang pictograph. Isulat sa patlang ang sagot.
Si Gng. Salon ay may ipinakitang iba’t ibang larawan ng mga
alagang hayop sa klase. May pusa na kung saan 10 na bata ang
may alaga nito. May baka kung saan 6 na bata ang nag-aalaga
nito. Manok at baboy naman ay may 12 bata ang nag-aalaga. At
pinakahuli ay ang aso na kung saan may 20 na bata.

Mula sa graph sa ibaba, isulat ang mga binanggit na hayop at iguhit ang
bilang ng puso (pananda) sa bawat bilang ng bata na nag-aalaga nito.

Mga Alagang Hayop


Mga Hayop Bilang ng bata

Pananda = 2 na mga bata

Mga tanong sa pagbuo ng pictograph.


1. Sa unang bahagi ng graph, ano-ano ang mga
paboritong alagang hayop ng mga bata?__
2. Ilan ang katumbas na bilang ng bawat puso?
3. Ano ang pinakamaraming alagang hayop ng mga bata?

4. Ilang puso ang iguguhit sa graph sa may


pinakamaraming mag-alaga ng hayop? ______
5. Ano ang pinaka konting alagang hayop ng mga bata?
PAGLALAHAT

Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag. Ayusin ang


ginulong letra upang mabuo ang salita na nasa panaklong at
isulat ang tamang sagot sa patlang.
Ang ______(hparg) ay isang dayagram na sumisimbolo sa
nakuhang impormasyon o ______ (sotad). Ang graph ay
ginagamitan ng mga_________ (nawaral).
Ang_________(hpargotcip) ay isang uri ng graph na gumagamit ng
________(adnanap) o simbolo upang makapaglahad ng
impormasyon o datos.

PAGPAPAHALAGA

Pag-aralan ang pictograph. Isulat ang tamang sagot sa


patlang.
Iba’t ibang Sasakyan sa Pagpasok sa Paaralan
Mga Sasakyan Bilang ng mag-aaral
bus
traysikel
bisikleta
Dyip
kotse
Pananda= 4 na mag-aaral
Mga Tanong:
1.Tungkol saan ang pictograph? ____________________________
2. Anong sasakyan ang may pinakamaraming sumasakay? _______
3. Mahalaga ba ang paggamit ng bisikleta sa ating katawan? Bakit?
_____________________________________________________
4.Mahalaga ba ang paggamit ng pictograph? Bakit?
______________________________________________________
5.Bakit mahalagang malaman ang larawan o pananda?
______________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Pag-aralan ang pictograph. Piliin ang letra ng tamang sagot.


NAIBENTANG FACEMASK SA BOTIKA SA LOOB NG ISANG
LINGGO
Araw Bilang ng facemask
Linggo
Lunes
Martes
Miyerkules
Huwebes
Biyernes
Sabado
Pananda = 10 na facemask

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang pictograph?
A. Naiwan na mga basket
B. Naibentang facemask sa botika sa loob ng isang linggo
C. Nakonsumong pagkain sa isang araw
D. Nakolektang facemask sa isang linggo
2. Alin sa mga larawan ang ginamit na pananda sa pictograph?

A. B. C. D.

3. Anong katumbas ng bawat facemask?


A. 8 B. 5 C. 7 D. 10
4. Anong araw ang may pinakamaraming facemask na nabili?
A. Lunes C. Sabado
B. Martes D. Biyernes
5. Bakit maraming nagtitinda ng facemask sa panahong ito?
A. Dahil sa Pandemiyang COVIDd 19-Virus.
B. Nakikiuso lamang ang mga negosyante.
C. Maraming pera ang mga tao.
D. Gusto lang nila magtinda.
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Mother Tongue-Based Multilingual Education3, Kagamitan ng
Mag- aaral sa Tagalog, Unang Edisyon,2014
https://www.publicdomainpictures.net/pictures/90000/velka/pur
ple- crayon-pencil-clipart.jpg
http://res.freestockphotos.biz/pictures/14/14345-illustration-of-an-
open- book-pv.png
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/d/dc/Bottle
%2C_beer_%28AM_1966.49-2%29.jpg/1200px-
Bottle%2C_beer_%28AM_1966.49-2%29.jpg
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/d/da/Strawberry_ic
e_cream_cone_%285076899310%29.jpg
https://www.bing.com/search?q=http%3A%2F%2Fwww.pngall.co
m%2F wp-content%2Fuploads%2F5%2FFace-Mask-PNG-HD-
Image.png&cvid=b1557bee698949b590d81985cd42212a&FORM=ANAB0
1&P C=U531

You might also like