You are on page 1of 5

DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC

Mac Arthur Highway, Poblacion (Sto.Cristo),

Capas. 2315 Tarlac, Philippines

Tel.No. (045) 491-7579/Telefax (045) 925-0519

E-mail: domct_2315@yahoo.com
SEMI DETAILED LESSON PLAN SA FILIPINO

Panlahat na Layunin: Naipamamalas ang Pagpapantig ng mga Mas Mahahabang Salita

 Tiyak na Layunin:

 Paggamit ng personal na karanasan sa paghinuha ng mangyayari sa


nabasa/napakinggang teksto o kuwento.
 Napahahalagahan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan at
talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento, at pagsulat ng tula at kuwento.
 Napapantig ang mga mas mahahabang salita.

I. Nilalaman:

A. Paksa: Pagpapantig ng mga Mas Mahahabang Salita

B. Sanggunian: https://youtu.be/e6PPCsV8ZuY

C. Kagamitan: Laptop, Power Point Presentation

D. Pagpapahalaga:  Pagbibigay halaga sa Pagpapantig ng mga Mas Mahahabang Salita

II. Paunang Gawain:

a. Pagbati

Magandang hapon mga bata!

b. Panalangin

Tumayo ang lahat at tayo ay mananalangin. Andrea, maari bang ikaw ang mamuno sa


ating pagdadasal ngayong hapon na ito.

Amen!

c. Pagtatala ng mga Lumiban sa klase

Sino ba ang hindi pumasok ngayong araw na ito?

Magaling! Walang lumiban sa ating klase ngayon.

d. Pagbabalik-Aral

Ano ang ating leksyon kahapon?
Ang Alpabetong Filipino ay binubuo ng mga letra. Ang mga letra ay nahahati sa limang (5)
patinig na a-e-i-o-u, dalawampu’t

tatlong (23) katinig na b-d-g-h-k-l-m-n-ng-p-r-s-t-w-y at ang hiram na

mga letra na c-f-j,ň,q, v, x, z.

Ang patinig at katinig kapag pinagsama ay makabubuo ng

pantig. Ang pantig ay ang pagsasama-sama ng letra.

e. Pagganyak

Basahin ang kuwento at unawain itong mabuti.

Pamilya delos Reyes

Ang pamilya delos Reyes ay naninirahan sa Masbate.Malapit sa

baybay dagat ang kanilang tirahan kaya’t sagana sila sa yamang dagat.

Marami ang mga puno ng bakawan sa baybayin.

Dito madalas pumunta ang magkapatid na Zeny at Zoren.

Nanghuhuli sila ng mga isda at alimango. Paborito kasi ang mga ito ng

kanilang mga magulang na sina Aling Mila at Mang Albert. Kapag

walang pasok sa eskuwela, nakaugalian na ng magkakapatid na

magmasid ng mga ibong nagliliparan. Naghahabulan sila sa baybaying

may puting buhangin. Kung minsan pati kanilang kaibigan ay

nakikipagpiknik sa kanilang lugar.

Ang lolo at lola nina Zeny at Zoren ay nakatira naman sa malawak

na lupain sa Masbate. Ang kalahati nito ay natatamnan ng mga puno

ng niyog na pinagkakakitaan ng kanilang lolo at lola ng kabuhayan.

Kapag pumupunta ang magkakapatid kina Lolo Bindoy at Lola

Genia, ipinaghahanda sila nito ng sinampalukang manok.

Minsan naman, sila ay ipinagluluto ng bulalo. Sa kanilang pag-uwi,

pinababaunan pa sila ng karamelado na gawa sa gatas ng kalabaw na

gustong-gusto ng magkapatid.

III. Pagtatalakay

Ang patinig at katinig kapag pinagsama ay makabubuo ng pantig. Ang


pantig ay ang pagsasama-sama ng letra.

Halimbawa: m + a = ma; b + a = ba.


Ilan sa mga halimbawa ng iba’t ibang kombinasyon ng pantig:

anak - letra lamang na patinig ang nasa pantig

gubat - mga letra na katinig at patinig ang bumubuo rito

Si si w- m g a l e t r a n a k a ti n i g , p a ti n i g a t

katinig ang bumubuo sa pantig

parang - mga letra na katinig-patinig-katinig-at katinig ang

bumubuo sa pantig.

Ang salita naman ay ang pagsasama-sama ng pantig o mga pantig.

Halimbawa: ma + ma = mama ba + ka = baka.

Ang pagpapantig ay ang paghahati-hati ng mga salita sa pantig o mga


pantig.

Halimbawa: masayahin = ma-sa-ya-hin.

(Ang masayahin ay may apat (4) na pantig)

Basahin ang mga sumusunod na salita mula sa kuwentong binasa.

magkapatid-- mag-ka-pa-tid

naninirahan-- na-ni-ni-ra-han

naghahabulan-- nag-ha-ha-bu-lan

Ang salitang magkapatid ay may apat na pantig. Binubuo ito ng

pinagsamang pantig na mag, ka, pa at tid. Ang salitang naninirahan ay may


limang pantig. Binubuo ito ng pinagsamang pantig na na, ni, ni, ra at han.

Ang salitang naghahabulan ay may limang pantig. Binubuo ito ng


pinagsamang pantig na nag, ha, ha, bu at lan.

IV. Paglalapat

Panuto: Piliin ang tamang pagkakapantig ng mga salita. Bilugan

ang letra ng tamang sagot.

1. bulaklak

a. bul-ak-lak

b. bu-lak-lak

c. bu-la-k-la-k
d. bulak-lak

2. kapatid

a. ka-pa-tid

b. k-apa-ti-d

c. kapa-tid

d. kap-a-tid

3. gumagawa

a. gum-aga-wa

b. guma-gawa

c. gu-ma-ga-wa

d. gu-maga-wa

4. sumusunod

a. su-mu-su-nod

b. sum-usu-nod

c. sumu-sunod

d. su-musu-no-d

5. matatandaan

a. mat-atan-daan

b. mata-tan-daan

c.matatan-daan

d. ma-ta-tan-da-an

V. Pagtataya

Lagyan ng tsek (/ ) sa patlang kung tama ang pagkakapantig ng

mga salita at ekis ( x ) naman kung mali.

_________1. sim-ba-han

_________2. sa-la-min

_________3. bas-ura-han

_________4. kaa-raw-an

_________5. na-si-si-ya-han
VI. Takdang-Aralin

Pantigin ang mga salita. Isulat ang bilang ng pantig nito sa unahan ng bilang.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Halimbawa: 4 mananahi = ma-na-na-hi

____ 1. labandera _________

____ 2. mekaniko __________

____ 3. mangingisda ________

____ 4. maestra ___________

____ 5. kartero ___________

You might also like