You are on page 1of 6

Araw ng Pagpasa: Pebrero 7, 2023

Republika ng Pilipinas
Pamantasan ng Silanganing Pilipinas
PEDRO REBADULLA MEMORIAL CAMPUS
Catubig, Hilagang Samar

SAGUTANG PAPEL
(PANITIKAN NG PILIPINAS)
Ikalawang Semestre, T.P. 2022-2023

Pangalan: Renz David Navarro Kurso/Taon: BEED – Petsa: Ika-18 ng Iskor:

1B Pebrero, 2023

PANUTO:
1. Sa sagutang papel na ito isulat ang iyong mga sagot sa modyul.
2. Maging MATAPAT sa pagsasagot at pagsasagawa ng mga gawain.
3. Tanging ang SAGUTANG PAPEL na lamang ang ipasa sa araw ng pasahan.
4. Huwag kalimutang maglagay ng pangalan.
5. Kung may mga katanungan, huwag mag-atubiling ako’y tawagan sa aking numero (0963-981-6403) O kaya ay
magpadala ng mensahe sa aking fb account (Princess Ydian-Irinco) o sa aking gmail
(princessmaeydian@gmail.com)

MODYUL 1: ANG PANITIKAN

Gawain 1.1

1. Kung aking pagbabatayan ang sarilng natutunan, ang panitikan ay isang uri ng sining.
Ito ay sumasalamin sa mga kaisipan, damdamin at karanasan ng lumilikha sa
pamamagitan ng paglilimbag nito bilang lipon ng titik, salita, pangungusap o pararila;
at may angking sukat, tugma, dyanra at iba pang katangiang taglay. Ipinapahayag ng
isang tao ang lahat ng bagay na sumasalamin hindi lamang sa kanyang
pagkakakilanlan, pati na rin ang uri ng lipunan at ang taglay nitong kalinangan na
kanyang minulatan at kinalakihan.

2. Kung tatalakaying muli ang kahalagahan nito, ipinagpapalagay kong kaakibat ng


panitikan ang “Watawat” ng isang bansa – tinitingala ng bawat mamamayan habang
unti-unting tumataas. Ito ay sagisag ng angking galing ng mga tanyag na taong
nagbigay impluwensyang hindi lamang laganap sa bansang pinagmulan, kundi pati na
rin sa iba pang bahagi ng daigdig. Ang mga akdang nailimbag ay mananatiling yaman
at pamana sa kasalukuyang henerasyon at sa mga susunod pa. Marapat na ito ay
pangalagaan, pagyamanin at pagyamanin nang may karangalan. Bukod sa mga
nabanggit, ang mga akdang pampanitikan ay nagsilbing mahalagang elemento sa
pagkakaroon ng mga makasaysayang pagbabago na nagdikta ng daang tatahakin ng
isang bansa tungo sa pag-unlad. Isang kongkretong halimbawa nito ay ang mga akda
ni Dr. Jose Rizal na tinagurian bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas. Ang
Noli Me Tangere at El Filibusterismo – dalawa sa kanyang mga akda na nagpamulat
ng isip ng mga Pilipino sa pang-aapi ng lahing Kastila sa panahon ng kanilang
pananakop at naging dahilan ng pagkakaroon ng pag-aalsa upang makamit ang
minimithing kalayaan.

3. Ang panitikan ay maihahambing sa isang museyo na kinapapalooban ng mga yamang


nagsilbing salamin sa mga aspeto ng isang sibilisasyon: Agham, Ekonomiya, Relihiyon,
Herarkiya ng iba’t ibang uri ng lipunan, Sistema ng Pamahalaan at Sining. Ang pag-
alam sa panitikan ng isang bansa ay isa sa mga pangunahing hakbang tungo sa
pagkamit ng malalim na pang-unawa tungkol sa pananaw at mga idyeolohiya ng
manunulat. Dahil dito, nahuhubog ang isip at nadaragdagan ang mga kaalaman ukol
sa reyalidad ng mundong ginagalawan. Ito rin ay nagsisilbing tulay sa oagitan ng
bawat kultura at magbigay-daan sa pagkakaroon ng matatag na Globalisasyon – isang
pandaigdigang kalakalan hindi lamang ng produkto at serbisyo, maging ng ideya,
pananaw, paniniwala at kultura. Maliban sa pagtalakay sa kalagayan ng mundo at
mga napapanahong isyu, ang panitikan ay pumupukaw rin ng damdamin ng
mambabasa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gintong aral at magsilbing gabay
tungo sa kaunlaran sa kabila ng mga pagbabago at hamon ng buhay.urin ng lipunan,
Sistema ng Pamahalaan at Sining. Ang pag-alam sa panitikan ngbisang bansa ay isa sa
mga pangunahing
Gawain 1.2

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba

TULA TULUYAN O PROSA


Ang Tula ay nagtataglay ng Uri ng akdang pampanitikan Ang Tuluyan ay binubuo ng
sukat, ritmo at sugnay ni na maaaring tumalakay sa mga pangungusap o talata,
binubuo ng mga taludtod buhay at karanasan ng isang kung kaya’t walang itong
kung kaya’t mayroon tao; ang kanyang mga sinusunod na panuntunanat
limitasyon sa bilang ng kaisipan at sariling pananaw; ang daloy nito ay tuluy-tuloy.
salitang maaaring isulat. ang lipunan at kulturang Kung kaya’t madali itong
Ito ay isinusulat sa kanyang kinabibilangan; at maunawaan dahil ito ay
matalinhaga at ang relihiyong isinusulat sa natural at
matugmang pamamaraan pinagbabatayan ng kanyang gramatikong pamamaraan.
pananamplataya

Gawain 1.3
Pamagat : Ang Kuwintas

Awtor : Guy de Maupassant

Maikling Pagpapakilala sa awtor : Si Henri-Rene-Albert Guy De Maupassant ay


isang tanyag na manunulat sa Pransya noong ikalabinsiyam na siglo. Siya ay noong
ika-5 ng Agosto, 1850. Tinaguriang “Master of Short Story Form” dahil sa kanyang
mga akdang tumatalakay sa kabiguan at kahirapan ng buhay at tadhana ng tao.

Uri ng Maikling Kuwento : Kwentong Tauhan

Paano mo natukoy ang uri ng maikling kuwentong iyong nasaliksik? Magbigay ng


mga patunay: Ito ay maaaring halimbawa ng isang ng 'Kwento ng Tauhan' o
'Madulang Pangyayari'. Sapagkat hindi lamang nito binibigyang diin ang mga
tauhan at ang kanilang emosyon na ipinapahayag sa bawat pangyayari ng kwento,
ang mismong mga pangyayari ay madetalyeng isinalaysay ng may akda. Ang bawat
pangyayari ay naging kaabang-abang sa mga mambabasa na nagdulot ng maikling
pananabik sa kung ano ang kakahantungan ng kwento at ang magiging kapalaran
ng pangunahing tauhan.
Kapansin-pansin ang pagkabahala at takot ni Mathilde noong nalaman niyang
aksidente niyang naiwala ang kuwintas na ipinahiram sa kanya ni Madame Forestier.
Nagkaroon ng maraming katanungan ang mga mambabasa tungkol sa kung ano
ang magiging reaksiyon ni Madame Forestier sa masamang balita. Ano nga ba ang
gagawin ni Mathilde upang makaalis sa sitwasyong iyon? Ano nga ba ang
kakahantungan ng magiging buhay ng babaeng nagnais lamang na makaranas ng
karangyaan kahit panandalian?

Pumukaw sa damdamin ng mga mambabasa ang sumunod na mga pangyayari. Mas


lalong tumanda at naghirap si Mathilde dahil sa lubus-lubos na pagtatrabaho nito
upang mapalitan ang naiwalang kuwintas. Sa halaga ng presyo ng ipinalit ay naubos
ang natitirang yaman nilang mag-asawa. Dito binigyang-diin ng manunulat ang
kahabag-habag na sitwasyong pinagdaanan ng pangunahing tauhan.

Ngunit lahat ay nagulat sa nagiging sukdulan ng kwento. Pagkatapos mabili ni


Mathilde ang kaparehang kuwintas ay ibinigay niya ito at nagtapat sa kaibigan kung
ano ang nangyari nang magkaroon siya ng pagkakataong dalawa na magkitang
muli. Ngunit laking gulat niya ng sinabing isang imitasyon lamang ang ipinahiram sa
kanyang kuwintas - sa madaling salita ay peke. Nag-iwan ng maraming kakintalan sa
isip ng mambasa dahil sa mapanuyang paraan ng pagtatapos ng kuwento.

Gawain 1.4

1. PAGKAKAIBA: Ang Nobela ay isang uri ng tuluyan na ang layunin ay


magsalaysay ng mga kwentong nalikha mula sa isip ng manunulat. Ilan sa mga
katangian nito ay ang maraming bilang ng tagpuan, tauhan at serye ng mga
pangyayari, at ito ay maaaring mahati sa maraming bilang na bahagi.
Samantalang ang Maikling Kwento ay nagsasalaysay ng mga pangyayaring
hango sa totoong buhay o kaya naman ay mga pangyayaring naganap.
Kapansin-pansin ang liit ng bilang ng mga tagpuan at tauhan, at nag-iwan din
ito ng kakintalan sa mga mambabasa ukol sa magiging katapusan ng kuwento.
Ito rin ay mababasa sa isang upuan lamang.

PAGKAKATULAD: Ang mga ito ay dalawa sa uri ng akdang tuluyan (prosa) na


na ang layunin ay maglahad ng buhay at karanasan ng pangunahin at ng iba
tauhan na isinali ng manunulat. Ang mga ito ay binubuo ng mga elemento
tulad ng tagpuan, tauhan, banghay, tunggalian at iba pa.

2. Isa sa mga halimbawa ng dula ay ang akda ni Noel De Leon na pinamagatang


“Anghel” at ito ay nasa isang uri ng dulang Trahedya. Ang kuwentong ito ay
inilalahad ang buhay ng isang kriminal na si Salvador Catacutan, ngunit mas kilala
sa kanyang palayaw na Badong Buldoser. Wala sa kaalaman ni Badong ay bilang
na pala ang kanyang mga araw sapagkat mayroon siyang kanser na kumalat na
sa buong katawan niya. Isang araw, isang babaeng nagngangalang Chelo ang
nagpakilalang anghel at isinugo ng Panginoon upang tulungan siyang magbalik
loob sa Kanya. Ngunit nagalit si Badong noong sinubukan niyang gumawa ng
mga paraan upang iwasto ang buhay niya. Imbes na mawalan ng pag-asa, nag-
orkestra si Chelo ng isang aksidente sangkot si Badong at si Amado Javier, isang
doktor na gagamot sa malubhang sakit niya. Tinanggap ni Badong ang alok ng
doktor na sumailalim sa isang check up dahil sa muntik na nitong
pagkakabangga sa kanya, at dahil dito ay nalaman niya ang kanyang malubhang
kondisyon. Inalok ng doktor si Badong na doon mamalagi at magtrabaho sa
ospital, kung saan lagi siyang masusubaybayan. Gawa ng kabutihang nakita niya
sa mga doktor at narses doon, at bunga ng pagtulong niya sa iba pang mga
maysakit, unti-unting nagbago si Badong. Makalipas ang ilang buwan, naisipan
niyang dumalaw at kamustahin ang Bagong Baryo ngunit bilang bagong bersyon
ng kanyang sarili. Di niya alam, nang nawala siya ay pinasok ni Goryong Gwapo
ang Bagong Baryo. Maging si Tikboy ay nagbenta na ng droga para kay Goryo.
Imbes na ibalik ang kita kay Goryo, ninakaw ni Tikboy ang pera upang
panggamot ni Badong. Natuklasan ito ni Goryo at hinanap ang bata upang
patayin at gawing leksyon sa iba. Pinagtanggol ni Badong si Tikboy. Sa
paglalaban nila, nasaksak at napatay ni Goryo si Badong. Dumating ang mga pulis
at dinakip si Goryo. Sa kamatayan, hindi batid ni Badong ang kanyang
pagtutunguhan. Muling nagpakita sa kanya si Chelo upang sunduin siya at ihatid
pauwi sa Amang nagmamahal sa kanya.

3.
Uri ng
Awtor
Akdang Pamagat Paliwanag
(kung mayroon)
Tuluyan
Talambuhay “Lineage, Life Austin Craig Ang akdang ito ay
(Paiba) and Labors of tumatalakay sa buhay, mga
Jose Rizal, karanasan at mga nagawa ni
Philippine Dr. José Rizal – isang sa mga
Patriot” pambansang bayani ng
Pilipinas. Maging ang kanyang
angkan na pinagmulan at ang
mga henerasyong nanggaling
sa kanya ay isinama ng
manunulat.

Inihanda ni:
PRINCESS MAE A. YDIAN-IRINCO
Lektyurer

You might also like