You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI-Kanlurang Visayas
Sangay ng Negros Occidental
Distrito ng Talisay
S.Y. 2021-2022

Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Unang Markahan
Lagumang Pagsubok 4

Pangalan: ___________________________________ Baitang: IV- ____________Iskor:__________

I. Panuto:Lagyan ng tsek ( / ) ang bilang na tumutugon sa mapanuring pag-iisip at ekis ( X )


kung hindi mo ito nabigyan ng mapanuring pag-iisip.

______ 1. Naipaliliwanag ko nang maayos at may kompletong detalye ang balita ukol sa
bagyo.
______ 2. May text message na natanggap si Ana tungkol sa pagkapanalo niya sa online
games.Tuwang-tuwa siya at agad pumunta sa opisina na nakasaad sa mensahe.
______ 3. Naikokompara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan.
______ 4. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig ng radyo.
______ 5. Naisasagawa ko ang sunod-sunod na pamantayan sa pagbabasa ng balita.
______6. Narinig ni Karen ang balitang may masamang loob na nakasakay sa van na
nangunguha ng bata upang ipagbili ang kanilang organs. Kinausap ni Karen ang
pulisya upang malaman ang katotohanan tungkol dito.
______7. Huwag hayaan ang sarili na abusuhin ang teknolohiya.
______8. Sinasabi sa iba ang maling impormasyon kahit di ito ang nabalitaan sa radyo.
______9. Sinusuri muna ang mga balitang narinig bago maniwala.
______10. Mabilis na hinuhusgahan ang balitang narinig.

II. Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Lagyan ng masayang mukha kung

ito ay nagpapakita ng mapanuring pag iisip at malungkot na mukha kung hindi.


_______11. Nanunuod ng palabas na may malaswang panuorin
_______12. Ginagaya ang mga napapanuod sa telebisyon kahit ito ay di maganda.
_______13. Nagtatanong sa nakakatanda kapag may palabas na di maunawaan.
_______14. Nanunuod ng mga nakakatakot na palabas nang di kasama ang magulang.
_______15. Nanunuod ng mga palabas na ankop sa aking edad lamang.
_______16. Nanunuod ng mga barilan at patayan na palabas.
_______17. Natutuwa ako sa mga magagandang balitang napanuod ko.
_______18. Ginagawang inspirasyon sa buhay ang mga palabas na may aral sa buhay.
_______19. Hindi ko pinapanuod ang mga palabas na nagbibigay ng dagdag
kaalaman tulad ng Matanglawin.
_______20. Masayang nanunuod ng palabas na pambata.

You might also like