You are on page 1of 7

Activity Sheet sa Filipino 4

Quarter 4 – MELC 17
Pagsulat ng Minutes ng Pagpupulong

SANGAY NG NEGROS OCCIDENTAL


Filipino 4

Learning Activity Sheet

Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

Sangay ng Negros Occidental

Cottage Road, Bacolod City

Isinasaad ng ng Batas Pambansa Bilang 8293, Seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng mga
Paaralan sa Sangay ng Negros Occidental.Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring
kopyahin o ilimbag sa anumang porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng
Eduklasyon, Sangay ng Negros Occidental.

Mga Bumuo ng Filipino 4 Learning Activity Sheet

Manunulat: Eileen C. Estoche

Editor: Bernadette V. Napura

Tagasuri: Analyn A.Vasquez

Tagapayo: Marsette D. Sabbaluca, CESO VI

Tagapamanihala
Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 17
Pangalan:___________________________________________________________
Juliet P. Alavaren, Ph.D.

EPS-Filipino
Baitang at Seksiyon:___________________________Petsa:___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 4


Pagsulat ng Minutes ng Pagpupulong

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nakasusulat ng minutes ng pagpupulong (F4PU-IVg-2.3 )

II. Panimula

Malugod kitang binabati sa pagtatapos mo ng mga aralin sa ikatlong kwarter. Sa


pagakakataong ito mapag-aralan mo ang tungkol sa pagsulat ng minutes ng pagpupulong.

Ang minutes ay isang tala o sulat tungkol sa mga naganap at napag-usapan sa isang
pagpupulong o meeting. Maaring ito ay isang annual meeting, bargaining agreement,
buwanang pulong o di kaya’y mga espesyal o pansamantalang pag-uusap tulad ng ad hoc
meeting. Sa mga pagpupulong na ito, isa o ilang indibidwal na inatasan ng buong grupo o
samahan ang kumukuha nito.

Karaniwang tumutukoy sa outline o balangkas ng pag-uusap ang mga sumusunod:


a. Panimulang pag-uusap
b. Mga detalye ng talakayan
c. Mga napagkasunduan
d. Mga plano sa hinaharap
e. Panghuling salita ng namumunong opisyal

Mga Bahagi ng isang Minutes


I. Simula
II. Atendans
III. Talakayan
IV. Pagtatapos

Nagsisilbing paglalagom sa mahahalagang tinalakay ang katitikan o minutes ng pulong.


Mahalagga ang pagsulat nito upang matiyak at mapagbalik-tanawan ang mga usapin at
isyung tinalakay at kailangan pang talakaying muli mula sa pagpupulong na naganap na.
Dito makikita ang mga pagpapasya at mga usaping kailangan pang bigyang-pansin para sa
susunod na pulong. Kinakailangang magtaglay ng paksa, petsa, oras at pook na
pagdarausan ng pulong, at maging ng tala ng mga dumalo at di dumalo ang katitikan ng
pulong.
Halimbawa ng minutes

Kalihim: Pinagtibay sa nakaraang pulong na ginanap sa Silid Blg.308 noong


ika-9 ng Hulyo na ang bawat kasapi ay tutulong sa pagbabantay sa
gate ng paaralan tuwing pasukan ng mga batang panghapon.
Gumawa tayo ng limang pangkat para sa bawat araw na may pasok.
Ang mga lider sa bawat pangkat ay sina Fundador, Leonora,
Vivencio, Luzviminda at Marcelino.
III. Sanggunian
MELC 2020, Kagawaran ng Edukasyon
Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5 Batayang Aklat ph. 15-22

IV. Mga Gawain

Gawain 1.
Panuto: Basahin nang mabuti ang “Pulong sa Bisita ng Buenavista.” Humandang sagutin
ang mga tanong sa ibaba.

1. Paano pinasimulan at winakasan ng pangulo ang pulong?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Sumulat ng katitikan o minutes ng pagpupulong batay sa inyong binasa.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Gawain 2
Panuto: Basahin ang sumusunod na pagpupulong at sumulat ng minutes ng pulong na naganap.
Minutes ng pulong na binasa.
Simula______________________________________________________
____________________________________________________________
Atendans____________________________________________________
____________________________________________________________
Talakayan____________________________________________________
____________________________________________________________
Pagtatapos___________________________________________________
____________________________________________________________

Gawain 3
Makinig o manood sa isang pagpupulong mula sa telebisyon o radio. Sumulat ng
minutes nito.
Simula:
Atendans:
Talakayan:

Pagtatapos:

Tandaan:
Ang minutes ay isang tala o sulat tungkol sa naganap at napag-usapan sa
isang pulong o meeting. Nagsisilbi itong paglalagom ng mahalagang tinalakay sa
puong. Mahalalaga ang pagsulat nito upang matiyak at mapagbalik-tanawan ang mga
usapin at isyung tinalakay at kailangan pang talakayin muli.

V. Repleksyon:
Alam mo nab a kung paano ang pagsulat ng minutes o katitikan ng pulong?
Ano ang mga mahahalagang detalye na dapat tandaan kapag sumusulat ng
minutes?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
VI. Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. Tinawag niya ang pansin mga kasapi sa pulong sa
pagsisimula ng pulong at pinagtibay ang kanilang
usapan sa pagtatapos nito.
2. Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga bata.

Gawain 2
Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga bata.

Gawain 3
Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga bata.

You might also like