You are on page 1of 5

UNTITLED

Characters:

Diana Villaforte Jeff Crimson

-artista -business tycoon/ workaholic

-may past lovelife with Jeff Crimson -may-ari ng brand na ieendorse ni Diana

-iniwan si Jeff para magkaroon ng ‘growth’ -chinito, maputi, matangkad

-elegante -half Chinese

-maraming manliligaw -naghabol kay Diana pero sa huli ay sumuko din

-may mga naging fling

Prologue
“Bakit kayo naghiwalay?” napangiti ako sa tanong nya.
“Siguro kasi that time, I love him so much that I’m ready to give up everything. I got
scared that… that maybe I would disappoint my past self. That I would break the promises I
made and the dreams I have when he’s still not into my life. I have to pick between my growing
career and him. I am ready to pick him but I cannot see my future self happy that I settle for
what I have especially that I can reach out more.” nakatitig ako sa kawalan habang sinasabi ko
ang mga katagang ‘yon. Tila ba kahapon lang nangyari ang lahat tuwing inaalala ko ang mga
pangyayari.
Ulan. Hagulhol. Sigawan. Pag-iwan. Paghabol. Paglakad ng palayo at walang lingon.
“Oooh! That was intense!” react ng interviewer sa sinabi ko na nagpabalik sakin sa
kasalukuyan. “Nagsisimula palang tayo pero umiinit na ang kwentuhan! We’ll be right back!”
Ngumiti ako sa camera bago nag-sign ng cut ang director.
“Ang galing mo naman umarte! Kung hindi lang namin alam na for the show yon,
maniniwala na kami na may naging ex ka nga, D!” chika sakin ni Mariz, she’s a gay friend of
mine and also my personal makeup artist. Nginitian ko lang sya.
“Nako, hahakot ba ng award yan kung cheap lang ang acting skills nya?” dagdag pa ni
Suzy na hairstylist ko. Puro ngiti lang ang isinukli ko sa mga komento nila dahil ayoko nang
dagdagan pa ang mga kasinungalingan na binuo para sa image ko.
“Sabay kana samin, D!” aya sakin ni Monica, isa sa mga co-artist ko sa industriya nang
magpang-abot kami sa parking lot.
“I brought my car, e.” I responded with a smile. May pupuntahan pa kasi ako after ng
shoot na ‘to. It was a reunion of our senior high batch. I don’t want to come but my old friends
were nagging me saying that I changed a lot and I don’t remember them anymore. When the
stoplight turns red, I immediately hit the brake.
I still cannot believe that we graduated high school and its been years since I last
attended school. A smile crept into my lips when a memory of me and my high school friends
passed in my mind. I can still hear their voices inside my head. Grabe, ang tagal na rin pala
talaga. Then that memory suddenly popped out of nowhere. Hindi na nga yata talaga maaalis sa
memorya ko ang isang yon lalo na’t di ko maipagkakaila na malaki-laki ang naging parte nya sa
highschool life ko.
Nakarating ako sa venue. I parked my car and looked at my rearview mirror to see if my
make up is still on. Baka mamaya ay hulas na pala, nakakahiya. I retouched a little to get
comfortable about my look. When I think I look presentable enough, I grab my pouch lying on
the shotgun seat and checked my belongings in it.
Sinalubong ako ng gold and black motif pagpasok ko sa hall na pagdarausan ng reunion.
There were a lot of people. There are balloons and round tables everywhere. Everyone are
busy, some greeted me and I greeted them back with a smile. My eyes traveled to my
surroundings finding my friends.
“Ay! Ayan na ang artista nating friend!” Sigaw ni Joy nang makarating ako sa table nila.
Pinanlakihan ko sya ng mata. Nakakahiya! Ngumiti ako sa mga taong napalingon,
namumukhaan ko ang iba at ang iba naman ay hindi. Mukhang malaki na nga ang pinagbago ng
iba sa amin in terms of physical appearance. Hinila ko ng marahan ang upuan na bakante sa tabi
ni Joy. Doon daw ako umupo dahil talagang miss na miss na daw nya ko.
“Kumusta ka naman, friend?” Tanong nya sakin nang may malaking ngiti sa labi. Sa lahat
ng kaibigan ko noong highschool, itong si Joy talaga ang masasabi kong pinakamasigla. Maybe
names really have something to do with personality.
“Napanood ko yung huli mong palabas, pak na pak ang pagiging kabit mo don!” nabaling
ang atensyon ko sa komento ni Rashel. Simula noon, hanggang ngayon ay napakahinhin pa rin
ng boses nya. Ang ganda nya at ang aliwalas ng bukas ng mukha. Kaya minsan nawiwierduhan
at nagugulat sa kanya ang ibang tao dahil hindi tumutugma ang mga sinasabi nya sa boses na
meron sya.
“Masarap ba humalik si Mister Rafael De Guzman?” tanong naman ni Gabby sakin
habang may ngising mapang-asar sa labi. Yung katambal ko sa teleserye ang tinutukoy nya.
“Eh kung pasagutin nyo kaya si Ian no? Andami nyong tanong!” sabat naman ni Clara.
Natawa ang lahat ng nakaupo at nakapalibot sa pabilog na mesa na inokupa ng grupo
namin. Clara calling me with my highschool nickname brings back a lot of memories. Nostalgia
flooded my mind. I feel like I travelled in the past where everything is just as it is and we’re
students again. Nagsimula ang program. Nakakatawang isa sa opening part ay ang
pagpapakilala namin isa-isa sa unahan. Shinare ni Christian, president namin noon na dapat
talaga highschool themed ang reunion namin ngayong taon ang kaso baka walang pumunta
kaya hindi na nya itinuloy. But then, dahil sa andito na rin daw kami at hindi na makakaatras pa
kaya itutuloy nya daw ang part na ‘introduce yourself’.
“Okay, so let us introduce ourselves! But with a twist! Unlike when we were in
highschool, today, we are going to introduce ourselves with the profession that we have right
now and if we expected it from before or not. Ready?” nag-‘oooww’ ang karamihan sa
inanunsyo nya pero nakangiti din naman halos lahat.
“Don’t be shy! Tsaka wag kayong KJ! Kung kailan tumanda saka naman kayo natakot!”
pang-aasar ng Vice President namin nung highschool na si Vivian. Napuno ng halakhakan ang
kwartong inokupa para sa selebrasyon. Maya-maya ay may iniabot na papel si Vivian kay
Christian.
“Okay, so we have here our old and last seating arrangement when we are in
highschool. Syempre! San ba nagsimula magpakilala nung first day natin?” As if on cue, naghalo
ang sumigaw ng ‘sa unahan’ at ‘sa likuran’ na agad din namang napalitan ng halakhakan. Sa
huli, ay sa gitna daw nagsimula ang pagpapakilala noon. May tig-iisang numero na ibinigay sa
amin sa entrance ng hall bago tuluyang makapasok kanina at binilinan na huwag itong iwawala.
Ito pala ang magsisilbing palatandaan naming kapag tinawag na kami isa-isa sa unahan para
daw di talaga kilala. Ang dami talagang pakulo nitong president namin.
Isa-isang nagpakilala ang lahat and I am amazed at how things turned their turns.
Nakakatuwa na tila ba ang bawat isa sa amin ay masaya sa mga propesyon at buhay na
tinatahak naming sa kasalukuyan. My smile was erased when I heard my number. Sa ilang taon
ko sa industriya ng pag-aartista, nakakapagtakang kinakabahan ako ngayon. Not so me.
Umugong ang malalakas na sigaw ng pag-cheer at palakpakan ng makitang tumayo ako
sa seat ko. Tumutok sakin ang spotlight. Nakakahiya talaga! Malaki ang ngiti ni Vivian nang
makarating ako sa harapan nya at iniabot sakin ang mic. Sumenyas ng katahimikan si Christian
para makapagsalita ako.
“Hi, I am Diana Villaforte. Everyone can call me D. I am an actress right now and to be
honest I didn’t expect to be this famous but I’m thankful that I reach this far.” I said and smiled.
Inilibot ko ang paningin ko. People are smiling and, on our table, my friends were cheering for
me. I got back to my seat.
“Ian samahan mo ko, kuha pa tayo nitong masarap na to.” wika ni Rashel na nakaupo sa
harapan ko. Tinutukoy nya yong masarap na dessert na di rin ako pamilyar pero masarap
naman talaga.
“Sabay na ko! Hanapin muna natin yung cr.” sabi ni Joy sabay tayo mula sa kinauupuan
nya. Naglakad na kami at sinunson kung saan ba ang cr sa malaking bulwagang ito. Nagtanong
sa napadaang waiter si Joy kaya mas nadalian kami sa paghahanap kung nasaan nga ba ito.
Nauna kong matapos sa kanilang dalawa at hinintay sila sa labas ng cr. Marami akong
nakabatian at nakakwentuhan ng sandali bago sabay na lumabas sa loob ang dalawa.
“Lumabas kana pala! Kala namin kinain kana sa loob ng cubicle e!” wika ni Joy nang
makita ako sa labas ng cr.
“Ang tagal nyo kaya!” sagot ko naman.
“Hinintay ka kasi namin. Iba’t-ibang tao yung lumalabas sa mga cubicle buti na lang
pumasok sina Charlene tas pinag-uusapan ka kaya nalaman namin na nandito ka pala.” wika
naman ni Rashel. Maglalakad na sana kami nang may bumungo sa tuhod ko. Nanlaki ang mata
ko nang makita na nakasalampak sa sahig ang isang batang babae na naka-pigtail. She’s around
three or five years old. Nagulat din sya at nakatitig sa akin pabalik. Maya-maya ay unti-unti na
yatang rumehistro sa kanya ang nangyari. Paiyak na ang expression sa mukha nya kaya
nataranta ako at umupo sa harapan nya. Tinulungan ko syang makatayo pero yung expression
sa muka nya ay di nagbabago. Tila ba paiyak na ngunit pinipigilan lang nya.
“I’m sorry, baby. Di sadya.” I gave her a reassuring smile at pinagpagan ang magkabila
nyang kamay.
“Mia!” agad akong tumunghay kung saan nagmula ang boses. I was stunned right away.
A familiar chinito eyes met mine. Everything slowed down and my heart starts to pound louder
than it normally does. Those thick eyebrows, pointed nose, bow-shaped lips and round-like
shape of face. They were so familiar that my stomach feels funny.
“Crimson? Crimson!” nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Joy. Tumayo
na ko nang makalapit sya.
“Dada!” tumakbo palapit sa kanya yung bata na Mia yata ang pangalan at yumakap sa
binti nya. Dada. Umupo naman sya at kinarga ito sa kanang braso nya bago tumingin at ngumiti
kay Joy.
“Long time, no see!” bati nya sa kaibigan ko bago bumaling ang tingin sakin saka
lumingon kay Rashel at binati din ito. Multo ba ko? Di ba ko nakikita dito? Wala bang ‘Hi, Ian! o
Hi, D!’ man lang jan? Nagkakwentuhan sila saglit habang ako mukang hangin dito sa
kinatatayuan ko. Lumayo ako ng bahagya sa kanila dahil hindi ko maiwasang mapatitig sa
kanya.
Get yourself together, Diana! saway ko sa sarili ko.
Pinaglikot ko ang mata ko sa kung saan-saan huwag lang huminto sa kanya ang atensyon
ko at mapatitig pa ng mas matagal sa mukhang napakapamilyar sakin. Sa huli ay bumalik kami
sa mesa namin.
“Oh, bat nakakunot noo ka jan, Ian?” napalingon ako sa tinuran ni Clara.
“Siguro nagsisisi na brineak dati si Crimson kasi ten times pogi na sya ngayon.” sabat ni
Joy na nagpalingon sakin ng marahas.
“Anong pinagsasabi mo jan?” pagsalungat ko sa sinabi nya. Nagpalitan sila ng
makahulugang tingin at ngiti na dahilan kaya nagpakawala ako ng irap.

Chapter 1
“That was a good shot! One more time!” nag-pose ulit ako bago tumawag ng break yung
photographer.
“These were a lot of good shots! You really are great in front of cameras, Dianna.” puri
sakin ni Nic. He’s one of the prominent photographers in the industry and became a friend of
mine eventually.
Isa na lang na product at tapos na ko sa photoshoot ko ngayong araw.

You might also like