You are on page 1of 449

Chasing Hell

by KnightInBlack

Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel
of that book. Thank you!

=================

Work of Fiction

Chasing Hell

This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious,
unless otherwise stated. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual
event is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or


transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the
author.

PLAGIARISM IS A CRIME!

Kuya KiB: Yow! Sequel of Hell University!

Social media accounts :

FB Account : Raze WP

Twitter : Raze_WP

=================

Chasing Hell

Warning: Read Hell University before this!


***

"I know you have gone through a lot but trust me, it was just a glimpsed for
something worse than a nightmare."

- Hell

***

A/N: Do not expect too much from this book. I might disappoint you, darling.

=================

Chapter 1

WARNING: You might notice lots of wrong grammar and typographical errors and I am
sorry for that. YOU HAVE BEEN WARNED!

Chapter 1: Strange

Zein's Point of View

"Zein, wake up,"

I shift my position ignoring someone squeezing my cheeks. I almost shout at anger


when the jerk grabbed my comforter.

Iminulat ko ang mata ko pero ako ang napanganga nang makita kung sino ang lalaking
nakapoker face na nakatingin sa akin.

Shit! I forgot!
"Psh." Inis na expression nya.

"What are you doing here?" Halos takpan ko na ng unan ang aking mukha para hindi
nya makita ang itsura ko.

Damn it! I almost forgot! Narito pala kami sa Condo na binili nya para sa aming
dalawa. Para hindi na namin kailangang magbyahe ng matagal araw-araw since malapit
na rin dito ang school na papasukan namin.

"To wake you up," Tumalikod na ito sa akin. "Magbihis ka na at mag-almusal." Wika
nito bago tuluyang makalabas ng kwarto ko.

Dali-dali akong lumapit sa salamin para tignan ang itsura ko. OH.MY.GHAD! Mukha
akong ginahasa ng kapre--- Err.

Ngumuso ako nang makit ang wall clock. Alas sais pa lang ng umaga at ang pasok
namin ay alas otso. GHAD! I forgot, I am living with the president.

Damn it! Mukhang araw-araw masisira ang tulog ko dahil may kasama akong taong bawat
segundo ay mahalaga sa kanya. GREAT! UGH!

"Faster!" Sigaw nya sa labas na parang alam nyang hindi pa ako kumikilos.

Nag-inat-inat pa ako bago kumuha ng towel at pumasok ng banyo. Napapikit ako sa


lamig nang balutin ang katawan

ko ng malamig na tubig.

Ngayon ang first day namin as a college student and yep, we are in the same school.
Kinuha kong course ay HRM habang sya naman ay Business Management para matulungan
nya si Raze sa pagmanage ng kompanya na iniwan ng kanilang ama.

The President is richer than me and I think, it's bad.

Matapos kong magpatuyo ng buhok ay lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko si Ace na


nakaupo sa sofa at nanunuod ng cartoons. Dumapo sa akin ang kanyang mata kasabay ng
pagsilip ng ngiti sa kanyang labi.

"Maganda ka pa sa umaga,"

Gusto kong sumimangot pero hindi ko kaya. Napangiti ako sa sinabi nya. Ang agang
pambungad naman nito sa akin. Parang nawala ang inis ko sa kanya dahil lang sa
kanyang ngiti.

Damn his smile!

"Breakfast na," Iginaya nya ako sa kusina.

Napapikit ako nang maamoy ang isang pamilyar na amoy na nagpakalam sa tiyan ko.
"Adobo?!" Masaya kong wika at agad na umupo.

Pinanandok nya ako ng kanin at ulam at agad ko naman itong nilamon. Ramdam ko ang
titig nya sa akin pero hindi ako nagpatinag. Gutom ako at wala akong panahong
mahiya.

"Hinay-hinay lang."

Sinulyapan ko sya na mahinhing nginunguya ang pagkain. Nahiya naman ako sa kanya.
Mas mukha pa syang babaeng kumilos sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa sofa at nag-usap tungkol sa mga dapat
at hindi ko dapat gawin. Seriously? I am not a kid anymore! In fact, I can already
give him a child---Err.

"Here," Inabot nya sa akin ang cellphone na binili nya.

Pagkakita

ko ng casing nito ay parang gusto kong mahiya. "Don't be shy," May halong panunuya
nyang wika. "You love Dora, right?" Dugtong pa nito.
"Yes but... Damn it! Hindi mo naman kailangang bilhan ako ng casing na Dora!" Sigaw
ko na ikinahalakhak nya.

He waved his cellphone. "I am your boots," He said. Ang casing nya ay isang unggoy.

Ngumuso ako dahil hindi nya ba alam na nakakakilig 'yon? Hindi nya ako hinayaang
mag-isa.

"You are Dora and I am your boots therefore, you are not allowed to go in an
adventure without me by your side."

"Fine but, you really looks like a monkey."

Naningkit ang mata nya kaya alam kong seryoso sya at wala syang panahon
makipagbiruan. Ang awkward lang na nagjoke ako at ako lang ang natawa. My killjoy
boyfriend.

"I am dead serious, Zein."

"All right," Pagsuko ko.

Binuksan ko ang cellphone na bigay nya. Default pa rin ang wallpaper nito at may
nag-iisang number lang ang nakasave sa phonebook nito.

Darling: 09********

"That's my number," Wika nya. "Wala pa akong number mo." Dugtong pa nito na
ikinalingon ko sa kanya.

Tinaasan ko sya ng kilay. Hindi nya pa ba kinuha? "Then, save it." Inabot ko ang
cellphone ko ngunit tinignan nya lang ito.

Ngumuso ito. "Text me," Wika nito. "May load na 'yan." Dugtong pa nito.
"All right,"

"It should be I love you."

Natawa ako at gaya ng sinabi nya ay tinext

ko sya ng I love you. Nagbeep naman ang cellphone nya at pinakita nya sa akin ang
text ko.

"I love you, too."

Matapos naming magkalinawan ay lumabas na kami ng building at dumiretso sa parking


lot.

"Sabay tayo uuwi," Muli pa nitong pagpapaaalala habang nagdadrive.

Tumango na lang ako at binuksan ang radio at saktong ang kanta ay If you are not
the one.

Napapikit ako nang sabayan ito ni Supremo. Parang nanumbalik naman lahat ng alaala
ng kahapon. Parang kanila lang nangyari ang lahat at sari pa rin ito sa akin.
Inaamin kong, miss ko na ang lugar na 'yon.

"Malayo ang BM Building sa HRM Building!"

"I know,"

"Then, hayaan mo na akong mag-isa. Mapapalayo ka pa eh!"

Inirapan nya ako. Napailing na lang ako dahil late na sya. Napasarap kami ng
kwentuhan at hindi namin namalayan ng oras at parang wala lang 'yon sa kanya.

Napatigil kami sa paglalakad nang harangin kami ng isang lalaking nakangisi. Hindi
ko alam pero masama ang kutob ko sa ngisi niya.
"You two are late,"

"And we are aware of it," Walang ganang wika ni Ace.

Kumunot ang noo ng lalaki at halatang nainis sa inasta ni Ace pero sino ba sya?
Bakit nya kami hinarang? Anong kailangan nya? Late na nga kami tapos mas malelate
pa kami dahil sa kanya.

"I am Cedric Lastimosa. The President of the Supreme Student Council."

Hindi pa rin kami nagpakita ng interest ni Ace sa kanya. Wala kaming pakialam kung
sino sya, kahit na President pa sya ng school na ito.

"Excuse us, late na ang girlfriend ko."

Hinila

na ako ni Ace palayo kay President Cedric na tinatawag kami. "He acts like a
trash," Komento nito.

Hindi ko maiwasang matawa dahil minsan na ring naging President si Ace ng isang
hindi ordinaryong paaralan at kung ikukumpara sya sa lalaking 'yon? Isang insulto
'yon para kay Ace Craige.

Huminto kami sa room 321. Nakasarado na ang pinto kaya alam kong nag-uumpisa na ang
klase nila.

"Ok na ako,"

Sandali akong inusisa ni Ace na parang sinusuri ang bawat anggulo ng mukha ko.
Nagpakawala ito ng buntong-hininga.

"You are driving me insane," Inis na ginulo nya ang buhok nya at ako naman ay
walang magawa kundi ang pagmasdan sya.
Minsan talaga, hindi ko sya maintindihan--- Or should I say, madalas na malabo sya
at hindi maipinta.

"Malelate ka na,"

"Zein, is it ok if I'll shift t-"

"Ace!"

"All right! Just kidding, Darling." Nagulat ako nang yakapin nya ako. "It is just
that I am afraid. Natatakot akong malayo sa'yo. Minsan pa naman ay padalos-dalos
ka." Wika nito.

Inis na tinulak ko sya palayo sa akin. Humalakhak ito. "Well, see you later." Wika
nito.

Nang mawala na sya sa paningin ko ay kumatok na ako. Hindi naman ako napagalitan
dahil first day pa lang naman kaya nagpakilala na lang ako sa harap bago umupo sa
tabi ni Vanessa.

"Bakit ngayon ka lang?" She asked.

"Because we are late." Walang ganang sagot ko bago kumuha ng note at nagsulat.

"May ginawa kayo ni Ace?"

Napaisip naman ako.

"Oo, kumain kami." Sagot ko.

"Anong kinain nyo?"


Hindi na ako sumagot dahil alam kong wala namang patutunguan ang usapan na ito.
Kung ano man ang iniisip nya ay hindi 'yon totoo. Alam kong marumi ang isip ng
babaeng 'to e.

"Anong course ni Jerome?" Tanong ko.

"Civil Engineer... Katulad ni Dave."

Tumango na lang ako. "Si Matt naman ay BM din katulad ni Ace." Wika ko naman.

Si Mia naman ay nasa America para doon mag-aral. Ayaw nya dahil malalayo sya sa
amin pero wala naman syang nagawa. Kinumbinsi naman sya ni Dave at 'yon... Kahit
labag sa kaloohan nya ay sumama sya sa parents nya paalis.

After a few subjects ay break time na. Nagpaalam naman si Vanessa na pupuntahan si
Jerome at since maraming cafeteria rito ay baka hindi na kami magkasabay-sabay.

Iginala ko ang mata ko at agad na nakuha ng atensyon ko ang isang lalaking


nakapoker face habang kinukulit ng isang babae.

Naningkit ang mata ko at agad na lumapit sa kanila. "May problema ba?" Tanong ko.

Mabilis naman na lumapit sa akin si Ace at hinawakan ang kamay ko. Tinaasan ko ng
kilay ang babaeng nakanguso habang nakatingin sa kamay naming magkahawak ni Ace.

Ngumisi ako at ipinulupot ang aking braso sa braso ni Ace. "Anong kailangan mo sa
boyfriend ko?" Tanong ko.

Hindi ko alam pero nakita ko ang pasimpleng pag-irap nito nang banggitin ko 'yon
and swear, nagpipigil lang ako ng inis na upakan ang nilalang na ito.

"Nevermind,"

Tinalikuran kami nito at naglakad na palayo. Lumobo ang pisngi ko at tinaasan ng


kilay si Supremo.
"Pinipilit nya akong sumali sa Dance Club."

"Gusto mo naman?" Inis na tanong ko.

"Hin-"

"Eh bakit hindi mo isinigaw sa kanya na ayaw mo?"

Inakbayan nya ako. "Huwag ka ngang magselos. Tara na, gutom na ako." Aya niya.

Hindi na ako nag-inarte dahil alam kong hindi ko basta-basta ipagpapalit ni Supremo
sa isang 'yon. Eww lang. Parang pinagpalit nga na rin ang isang ginto sa isang
putik and yes, ako ang ginto.

"How's it?" Ace suddenly asked.

Natigilan ako sa pagsubo para sumagot. "Nothing special." Maikling sagot ko bago
pinagpatuloy ang pagkain.

Malaki ang University na ito kaya maraming estudyante. Katulad na lang ngayon na
occupied na lahat ng seats.

"Because I was not there,"

Tinaasan ko sya ng kilay ngunit sinuklian nya lang ito ng ngisi." Wasn't it?"
Tanong pa nito.

I just shrugged. This man is really full of himself. Well, a part of it was indeed
right. I can't see anything special when we are not together. Err--- Is it bad? I
hope not.

"Can I?"
Napatingin kami kay President Cedric na nakangisi habang may hawak na tray kung
saan nakalagay ang mga pagkain nya. May isang upuan pa pala sa gilid namin.

"No---"

"Sure," Putol ko kay Ace na nginusuan lang ako.

Hinila nya ang upuan ko palapit sa kanya leaving a wide space between Cedric and I.

"I don't eat people," Natatawang wika

nito kay Ace.

"I know, but I do."

Natigilan si Cedric at kumunot ang kilay. Pasimple ko namang siniko si Ace dahil
nagiging harsh na sya at ayoko namang bago pa lang kami ay may kaaway na agad at
isa pang President ng Student Council.

"Fatty foods huh?" Puna ni Cedric sa pagkain ni Supremo.

Hindi na lang ako kumibo dahil alam kong ayaw sa lahat ni Ace ay 'yong
pinapakialaman sya and this guys just--- UGH! Ginawa ko na lahat para hindi
magkagulo pero sa tingin ko ay itong estranghero na rin ang naghahanap ng
ikapapahamak nya.

Wrong move, Cedric.

"I am not a goat unlike you, dude."

"I am not a goa-"


"Then, a cow? Sorry, my mistake."

"Ace!" Hinawakan ko na ang braso ni Ace na hindi man lang aware na sasabog na sa
galit ang lalaking kaharap namin.

Itinapat ni Supremo ang kutsara nyang may pagkain sa bibig ko. "Darling..." Mabilis
na sinubo ko ito nang matigil na sya.

Narinig ko ang mahinang pagtikhim ni Cedric kaya napatingin kami sa kanya--- Ako
lang pala.

"So, you are?"

"Zein and this is Ace---"

"Her boyfriend." Dugtong ni Supremo na inakbayan pa ako.

Napatango naman si Cedric. Napansin ko na hindi na nya nagalaw ang pagkain nya.
Malamang na nawalan sya ng gana matapos ang pagpapalitan nila ng sagutan ni Ace.

"Zein? Nice name. Suits you, babe."

Uh oh.

"Are you stupid as fuck? Haven't you heard her name? It's not a babe and don't call
her that way..." May halong diing pagbabanta

ni Ace. "I am Ace but when you try to interfere us, you can call me Devil and I'll
give you hell." Tumayo na si Supremo at hinila ako palayo roon.

I guess, hindi magiging madali ang pag-aaral namin sa school na ito not because of
the professors but the students like us. Numero uno na ang Cedric na 'yon. Hindi ko
masisisi si Supremo kapag naglabas na sya ng kutsilyo.

Pero kung ikukumpara ang sitwasyon namin ngayon sa sitwasyon namin dati ay walang-
wala ito. We will survive this.

Hapon na ngunit wala pa rin si Supremo. Ang sabi nya ay magkikita kami sa waiting
shed ngunit wala pa rin sya. Ako na lang ang narito at halos papakin na ako ng
lamok.

"Ate..." Napatingin ako sa batang nasa harap ko.

"Ano 'yon?"

"Pinapasabi ng lalaki umuwi na raw ang boyfriend mo."

Kumunot ang noo ko sa tinuran nya. Hindi ako basta-basta iiwan ni Supremo at hindi
'yon aalis ng wala ako. Kilala ko ang lalaking 'yon pero bakit?

Ni hindi man lang sya nagtext.

"Sinong nagsabi?" Tanong ko sa bata.

Tinuro nya ang isang lalaking nakacap. Napansin nya atang nakatingin kami sa kanya
kaya mabilis syang sumakay sa kotse nya at pinaharurot ito.

Weird.

***

Ace's Point of View

Nakakainis na late na kaming nadismissed ng prof namin. Naghihintay si Zein. Halos


takbuhin ko na ang daan patungo sa waiting shed.

Alam kong naghihintay pa rin 'yon dahil pinangako kong sabay kaming laging uuwi.
Kapag nauna sya ay maghihintay sya sa waiting shed at kapag ako naman ay doon din.
Kanina pa ang uwian nila dahil nagtext

sya sa akin.

Kumunot ang noo ko nang mapansin na walang tao ron. Imposibleng umalis na 'yon
dahil sinabi kong hintayin nya ako.

Napagpasyahan kong maghintay ng ilang minuto baka sakaling may dinaanan lang o
bumili pero lumipas ang kalahating oras ay wala pa rin sya kaya napagpasyahan kong
tawagan na ito.

Napakagat ako sa aking labi nang hindi nya ito sagutin. Ilang beses ko syang
tinawagan ngunit walang sagot.

Damn it! Pinag-aalala nya ako.

Mabilis na tumakbo ako sa parking lot para kunin ang kotse ko. Baka naman nauna na
sya at nainip dahil ang tagal ko pero kilala ko si Zein. Hindi nya gagawin 'yon.

Habang nagdadrive ako ay hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-anong posibilidad.


Mga posibilidad na mas nagpapadagdag sa kabang naearamdaman ko.

Mariing pinilig ko ang aking ulo.

Tinakbo ko na lang ang hagdan at hindi na nag-abalang mag-elevator. Hingal na


hingal ako nang dumating sa condo namin.

Nakabukas na ang mga ilaw. Andito na sya? Mabilis na pumunta ako sa kusina at
nadatnan kong nagluluto na si Zein.

Napahinga naman ako ng maluwag.

"Sinabi kong hintayin mo ako!" Mejo iritang wika ko na ikinagulat nya dahil 'di nya
napansin ang pagdating ko. Humarap ito sa akin na nakakunot ang kilay. "We have an
agreement!" May diing dugtong ko pa.

Tinaasan nya ako ng kilay at pinamewangan. Hawak-hawak nya pa ang sandok sa kanang
kamay nya.

"Anong pinagsasabi mo?! Ikaw nga itong pinasabing umuwi ka na eh!" Gigil na sigaw
nya. "Kanina pa ako naghihintay! Saan ka galing?!" Tanong nya pa.

Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang syang niyakap. Siguro dahil sobrang nag-
alala ako na wala akong dinatnan at hindi nya pa sinagot ang tawag ko.

Nanginig ang kamay kong napansin kong nakakuyom na.

Sinong nagsabing umuwi na ako? Damn it! Ano na naman 'to?

"S-Supremo..."

"I love you, Zein."

=================

Chapter 2

Chapter 2: Hell

Zein's Point of View

Nakabusangot na pinanuod kong umakyat si Dora sa mataas na burol kasama si Boots.

"Ace?"

"Hmmm?"
Mas lalo akong napanguso nang hindi man lang nya ako lingunin. Nakatuon ang buong
atensyon nito sa laptop nya at busy na nagtatype.

Sunday ngayon at walang pasok pero sa halip na umuwi kami ay nanatili na lang kami
sa condo gaya ng request ni Ace. Akala ko magbobonding kami 'yon pala ay hahayaan
nya akong manuod ng Dora buong hapon habang sya ay busy sa paglalaptop.

Naiintindihan ko naman na kailangan nyang magsipag para kahit papaano ay makatulong


na sya kay Raze pero ano ba naman 'yong isang araw lang na ako na muna? Sa loob ng
dalawang taon ay halos ganito na ang eksena namin. Third year college na kami, wala
namang nagbago sa amin maliban na lang sa ganito.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya kinapa ko ito sa bulsa ko. As usual ay
hindi ako pansin ni Alas.

From: Cedric

"Lahat ng President ng bawat course, may emergency meeting tayo ngayon."

Napanguso na lang ako. Ako kasi ang President ng HRM Department. Nakakainis naman
na kahit linggo ay may meeting. Bwisit na SSC President na 'yon.

"Ace?"

"Hmmm?"

Hmmm na naman? Nakakainis. Mabuti na siguro na umalis na muna ako total bored na
ako.

"Aalis muna ako."

Biglang umangat ang tingin nya. Finally! "Where?" Tanong nito bago kumuha ng
cookies na binake ko kanina.
"Meeting,"

Tumayo na ako mula sa

pagkakaindian seat at naglakad na pabalik sa kwarto ko. Matapos kong maligo at mag-
ayos ay lumabas na ako ng kwarto.

Nadatnan kong nakasandal sa sofa si Ace habang nakatingin sa T.V pero nang marinig
nya ang kaluskos ko ay sa akin napunta ang atensyon nya.

Sinuri nya ang buong katawan ko bago kumunot ang noo nito. "Meeting or date?" He
asked.

Naglakad ako papunta sa salamin sa tabi ng T.V at pinagmasdan ang sarili ko. Normal
lang naman sa babaeng katulad ko ang mag-ayos nang ganito. Gusto ko pa rin namang
maging presentable sa harap ng mga tao.

"I'm coming..."

Sinamaan ko sya ng tingin. Nakatayo na ngayon ito sa harap ko habang


nakahalukipkip. Naka short ito at sandong gray. Nanatili ang kunot ng kanyang noo
at kilay.

"No need. Gawin mo na lang kung anong ginagawa mo."

"No. Darling, I'll go with you."

Napangiwi na lang ako nang magmartsa na ito papunta sa kwarto nya. Mabilis na
kinuha ko ang shoulder bag ko at kumaripas ng takbo palabas.

Halos madulas pa ako sa marmol na sahig sa pagmamadali. Bwisit kasi! Hindi naman
nya kailangang sumama sa lahat ng lakad ko.

Nagpara ako ng taxi at sinabi ang cafe na meeting place namin.


***

Ace's Point of View

Napailing na lang ako nang wala na akong madatnan sa salas kundi ang nakabukas kong
laptop at T.V.

That girl! Huwag lang syang makipagkita sa kahit na kaninong lalaki. Try me, Zein.
Itatali na talaga kitang babae ka.

Hinubad ko ang pants na suot ko at nagshort na lang. Pinatay ko na ang T.V

at niligpit ang mga papel na nakakalat.

Malapit na akong matapos nang magbeep ang laptop ko. Kumunot ang noo ko nang may
magpop-up na notification sa FB.

Isang friend request ang nakaagaw ng pansin ko. Kutsilyo ang kanyang profile
picture na nababalutan ng dugo. I-de-delete ko na sana ang friend request nang
bigla na lang itong nawala.

Napailing na lang ako.

Weird. I refreshed the newsfeed and one status caught my attention. Napalunok ako
nang makita ang profile picture nito.

"Shit." Bulong ko.

Binuksan ko ang profile nito at napamura ako na friend ko na ito samantalang hindi
ko naman sya in-accept. Nakakapagtaka na kagagawa pa lang ng facebook nito at ako
pa lang ang friend nya.

I tried to click the unfriend button but it won't allow me. I also tried the block
button still the same. Who's this shit?!
Nakagat ko ang labi ko nang mabasa ang status nito.

"I know you have gone through a lot but trust me, it was just a glimpsed for
something worse than a nightmare."

Napalunok ako bago muling ibinalik sa username nito ang aking mata. Pabulong na
binasa ko ito.

"Hell..."

***

Zein's Point of View

Hindi ko ipinahalata kung gaano ako nainis sa ginawa nya habang sya ay todo ngisi
pa. This jerk.

"Ayaw mo ba no'n na tayo lang dalawa?"

Jerk. Kapag nalaman lang ito ni Ace humanda ka talaga. Akala ko pa naman totoong
may meeting 'yon pala kaming dalawa lang at wala naman talagang

meeting na mangyayari.

"What do you want?"

Sumandal ito sa upuan at sumimsim sa kanyang kape. Naiinis ako sa inaasta nya pero
pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko. Pasalamat sya at mabait pa ako sa lagay
na ito dahil kundi? Baka naisaboy ko na sa mukha nya ang mainit kong kape.

Calm, Zein.

"A little conversation with you?"


Napasandal ako sa upuan ko matapos marinig 'yon. "Fine." I gave up that made him
smiled widely.

Napapalakpak ito sa saya. Somehow, napapangiti ako sa kinikilos nya. Mukha syang
tanga. Magkaiba sila ni Ace na masyadong seryoso at possesive and that's why I love
him and this guy? Nevermind.

"So? Saan ka nag-aral ng high school?"

"Hell University."

Nasamid ito sa iniinom nyang kape kaya napatayo sya sa kinauupuan nya para pagpagin
ang nabasa nyang pants.

Smirk.

"Cr lang ako..." Pagpapaalam nya.

Tumango na lang ako at sinundan sya ng tingin. Natawa ako nang mawala na sya sa
paningin ko. Baka inaakala nyang nagbibiro lang ako.

Minsan, kailangan nating maging maingat sa pagtatanong lalo na't kung hindi tayo
handa sa maaring isagot sa'yo.

Nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito. Napangiti ako nang makita ang text sa
akin ni Ace.

"Where are you?"

Mabilis na nagreply ko. "Pauwi na rin ako maya-maya." Sagot ko.

Mabilis na itinago ko sa bulsa ko ang aking cellphone nang dumating na si Cedric na


nakangiti
ng muli.

"So? Let's go back to our topic. Saan ka nga nag high school?"

"I already answered your question."

"Seriously?"

I rolled my eyes. Ano bang sa tingin nya? Nagbibiro lang ako?

"I won't force you to believe me... But I am telling the truth."

Mahina itong natawa at hindi ko alam kung maiinsulto ako o ano. Ang lakas ng loob
nyang pagtawanan ako. UGH! Mabuti pang umalis na ako dahil wala ring patutunguan
ang usapan na ito.

"Wait!" Pigil nya nang aktong tatayo na ako. Tinaasan ko sya ng kilay habang nag-
aabang sa sasabihin nya.

"Look... I just want to be friends with you."

Ngumisi ako. "I think, you should ask the permission of my boyfriend." Sagot ko.

"Who?"

"My boyfriend and if you don't know him... Well, there's no hell we could be
friends." Ang mga huling katagang binitawan ko bago lumabas ng café na 'yon.

If I know, he was just pretending. Alam kong alam nya kung sino ang boyfriend ko.
What's with that guy? Kung gusto nya akong maging kaibigan, why not approach me in
a good way? Bakit kailangang ganito pa?

Hindi ko naman pinipigilan ang sarili kong makipagkaibigan. Alam ko na rin naman
kung sino ba anh totoo at nagpapanggap lang and that Cedric? Yes, he is annoying,
jerk but I know, he's good. Huwag lang syang haharang kay Ace dahil ako mismo ang
magtutulak sa kanya palayo.

Nasa loob na ako ng taxi nang kinapkap ko ang bulsa ko ngunit wala akong cellphone
na makapa. Napapikit ako nang maalala na baka naiwan ko ito sa café. Sana nakita ni
Cedric.

Hindi ko na binalikan

dahil tiwala naman akong nakita 'yon ni Cedric at kung nakita nya man ay alam kong
isasauli nya rin sa akin 'yon.

Pagdating ko sa Condo ay wala akong dinatnan. Nakabukas ang laptop ni Ace.


Pinuntahan ko sya sa kwarto at umaasang naroon sya ngunit wala.

Bumalik ako sa salas at naupo sa sofa. Naagaw ng isang message na hindi pa


nabubuksan ang aking atensyon.

Cassandra?

Binuksan ko ang message at hindi ko alam kung anu ang magiging reaksyon ko sa
nabasa ko.

"Hey, babe. I'll wait for you. See yah."

***

Ace's Point of View

Mabilis na pinaadar ko ang sasakyan ko at halos takbuhin ko na ang daan patungo sa


tinuturo ng GPS.

Kinakahaban ako. Sobrang lakas ng kalabog ng puso ko. Napapikit ako nang muling
maalala ang message sa akin kanina ni Zein.
"Ace, help me!"

Mabilis na bumaba ako sa sasakyan ko nang marating ko na ang lugar na itinuro ng


GPS. Gabi na at may iilang ilaw lang ang narito.

Kinilabutan ako nang mapagtanto na sementeryo ang lugar na ito.

"Zein!" Sigaw ko na nag-echo pa.

Naglakad-lakad ako sa mga nitso rito. Gamit ang cellphone ko na nagsisilbing ilaw
ko ay maingat na inilawan ko ang paligid ko.

Sinubukan kong tawagan ang cellphone nya ngunit nagriring lang. Papatayin ko na
sana ang call nang may narinig akong tunog.

Sa hindi kalayuan ko narinig ang tunog na 'yon. Hindi ko pinatay ang call at
hinanap kung saan nagmumula ang tunog na 'yon.

Namutla ako nang makita ang isang ilaw mula sa nakabukas na nitso. Sa loob no'n ko
naririnig ang tunog.

Shit! Bakit nakabukas ang nitso na ito?

Sinilip ko ang loob ngunit walang laman. Nakita ko ang cellphone ni Zein sa loob na
patuloy na nagriring ngunit mas kinilabutan ako nang marinig ang kanyang ringtone.

"Nanay, tatay, gusto kong tinapay. Ate, kuya, gusto kong kape. Lahat ng gusto ko ay
susundin nyo. Pagbilang ko ng lima ay nakatago na kayo... ~"

"Isa~"

"Dalawa~"
"Tatlo~"

"Apat~"

Bago pa man umabot ng lima ay pumasok na ako sa loob ng nitso at pinatay ang
cellphone ni Zein.

Lalabas na sana ako nang biglang magsar ang nitso.

"Shit!"

=================

Chapter 3

Chapter 3: Kissed

Ace's Point of View

I took a sip from my coffee. Napansin ko ang panginginig ng kamay ko habang


nakahawak sa tasa ng kape. Natakot ako hindi dahil sa nangyari sa akin kanina kundi
sa katotohanang may panibago na naman kaming kakaharapin. Nakakatakot ang mga
susunod pang mangyayari.

"May kakilala ka bang may galit sa inyo?" Matt asked me.

Kaninang nasa nitso ako ay dumating si Matt. Sinundan nya raw ang sasakyan ko nang
mapansin na nagmamadali ako at masama rin din daw ang kutob nya. Nakita nya ang
taong nagkulong sa akin sa loob ngunit dahil madilim ay hindi nya naaninag ang
mukha nito at mabilis na naglaho sa kadiliman.

I let a heavy sigh. "I don't know... Hindi ko alam." Pag-amin ko.

Wala akong ideya sa kung sino man ang maaring may gawa no'n sa amin at iniisip ko
ngayon na may kaugnayan ba 'yon sa taong nagngangalang Hell sa fb.
"Ano ng plano mo? Ayokong may mangyaring masama sa kaibigan ko." Seryosong banta
nito.

"Wala sa plano ko ang ipahamak sya." Madiin kong sagot.

Marami na kaming pinagdaan at hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong


nagsakripisyon ngunit handa pa akong dagdagan 'yon. Hindi ko hahayaang may
mangyaring masama sa babaeng mahal ko.

Pero, inaamin kong mas natatakot ako sa kalaban ngayon dahil hindi namin alam kung
sino ba ito. Hindi namin alam kung sino ba ang tunay na kalaban hindi kagaya sa HU
na alam namin kaya nakapagplano

kami.

Magiging mas madugo ang mga hindi inaasahang pangyayari. Shit! That was not just
some kind of prank.

"Ang mabuti pa ay mauwi ka na," Tumayo na ito at inayos ang blazer na suot nya.
"Gabi na at baka nag-aalala na 'yon sa'yo." Wika pa nya bago tuluyang lumabas nf
café.

Napabuntong hininga na lang ako bago pinagmasdan ang cellphone ni Zein sa kamay ko.
Dumaan ako sa trash can at itinapon ito roon. Bibili ko na lang sya ng bago.

Pagkauwi ko ay isang walis tambo ang pumalo sa ulo ko. "Aww.." Angal ko kay Zein na
nakahalukipkip sa harapan ko.

Hindi ko maiwasang matawa sa itsura nya na parang nalugi.

"Where the hell have you been?"

Pabagsak na umupo ako sa sofa at tinaasan sya ng kilay. "Somewhere." Walang ganang
sambit ko.
Ngumiwi ito at muli akong inambahan ng palo ngunit napigilan ko na sya. "Masakit...
Sorry na." Paghingi ko ng paumanhin.

"Sorry? May ginawa ka bang kabalastugan?"

Napalunok ako. Wala akong planong sabihin sa kanya lahat ng nangyari dahil ayoko
syang pag-alalahanin. Hanggat maari ay magiging lihim ito.

"I'm hungry..." Hinawakan ko pa ang tyan ko.

Napabuntong-hininga ito bago ako sinenyasang sumunod sa kanya sa kusina. Mabilis na


umupo ako at kumuha ng pagkain dahil gutom na rin talaga ako.

"Bakit ang dumi ng damit mo?"

Napatingin naman ako sa puti kong damit. Nadumihan 'to malamang nang pumasok ako sa
loob ng nitso.

"Ahmmm.. Nadapa? Oh! Yes! I was tripped."

"Bakit sa gilid ang marumi? Hindi ba dapat sa harap o sa likod?"

Patay!

"Gusto ko sa gilid eh... bakit ba." Pagpapalusot ko. "Busog na ako..." Aalis na
sana ako nang hilain nya ang damit ko.

Napayuko ito at namula. "Bakit?" Tanong ko.

Mas lalo itong namula. Kinagat nya ang pang-ibabang labi nya na animo'y nahihiya.

"A-Ano kasi... Uhmmm.. A-no---"


"What? Tell me..."

Humarap na ako sa kanya at hinawakan ang kanyang braso para pakalmahin.

"N-Nahihiya ako pero pwede mo ba akong turuan sa assignment ko?"

Mahina akong natawa nang bigla itong tumakbo papuna sa salas.

Napailing na lang ako. "Why not? Nahiya pa." Bulong ko.

Naabutan ko sya sa salas na nag-aayos ng mga gamit nya. Umupo rin ako sa tabi nya.
"Saan?" Tanong ko.

Inabot naman nya sa akin ang notebook nya na may nakasulat na calculus. "Mahina ako
sa math... 'Wag mo ng sabihin, inamin ko na." Panunguna nito.

Ngumiti na lang ako sa kanya. "Ayos lang kung mahina ka rito, malakas ka naman sa
akin eh." Sambit ko na ikinairap nya.

Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko nang mapansin ang pasimpleng pagngiti nito.
Hays. Hindi ko hahayaang mawala ang ngiti sa labi mo.

"Pero, may kapalit."

"Anything..."

"A kiss will do."

"Deal!"
Hindi naman ako nahirapang turuan ang babaeng ito dahil may part lang na hindi nya

maintindihan na ipinaliwanag ko naman. Nasa kalagitnaan na ako ng pagsusulat nang


mabalin sa katabi kong tulog na ang mata ko.

Binitawan ko lahat ng hawak ko at pinagmasdan ang bawat anggulo ng mukha nya. Mukha
syang anghel kapag tulog, pero suplada, masungit, maldita 'pag gising.

"Ang daya mo, tinulugan mo ako." Bulong ko.

Inayos ko na lahat ng gamit namin at binuhat si Zein papunta sa kwarto nya. Maingat
na inilapag ko sya sa kama.

"I'll claim your promise..." Ginawaran ko sya ng saglit na halik sa labi. "Good
night, Queen. I love you." Bulong ko.

Sinigurado ko munang nakalock ang mga bintana bago pinatay ang ilaw at sinara ang
pinto.

Pagkapasok ko sa kwarto ay binuksan ko ang laptop ko bago naligo.

Pagtapos kong maligo at magpalit ng boxer ay kinuha ko na ang laptop ko at pinatong


sa lap ko.

I immediately opened my FB account. Hindi na bago sa akin ang maraming


notifications at messages pero binuksan ko pa rin ang mga messages.

Natuon ang pansin ko sa isang message galing sa taong hindi ko kilala.

"Did you liked your adventure? It's cool, right? I want to play more... Let's play,
again."

Damn it!

Napatingin ako sa picture kong sinend nya. Nasa sementeryo ako at may hawak na
cellphone. Nakaedit ito na parang binabalutan ng dugo.

Ibinaba ko ang tingin ko sa taong nagsend sa akin nito.

Hell...

***

Zein's Point of View

"Wow! You've got a perfect score!" Puri ni Vanessa sa akin.

Taas noong ngumiti naman ako sa kanya. "Tinuruan ako ni Ace." Wika ko.

"Ewww..."

"At least naka perfect, eh ikaw? 1? Ewww..."

Maka-eww naman ito. Buti pa nga ako perfect eh sya 1 lang. At ang matinde dahil pa
'yon sa bonus. What if wala? Edi zero.

"Let's go..." aya ko sa kanya.

Pagkalabas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang apat na lalaki. "Anong ginagawa nyo
rito?" Tanong ko kina Matt, Jerome, Dave at Ace.

"Sinusundo ko 'yong lola ko." Wika ni Jerome kay Vanessa.

"Ay! Andyan ka na pala ninuno!" Pabalang na sagot naman ni Van.

Natawa ako sa kanilang dalawa. Kahit kailan ay ganyan ang turingan nila pero huwag
ka! Ganyan talaga sila maglambingan! Abnormal 'tong dalawang 'to eh.

"We will have a celebration, right pareng Ace?" Wika ni Dave na inakbayan pa si Ace
na nakanguso.

Kumunot ang noo ko. Anong nilagok na naman ng mga ito?

"Ay! Nakalimutan ni Zein... Paano ba 'yan pare?" Umakbay din si Jerome kay Ace.
"Nakalimutan nyang anniversary nyo ngayon." Ngumisi ito sa akin.

Nalaglag ang panga ko. OH.MY.GHAD! It is our 4th anniversary! Shit! Paano ko
nagawang kalimutan ang mahalagang araw na ito?

Mapaklang ngumiti ako kay Ace. "H-Hi?" Bati ko na ikinahalakhak nilang lahat.

Mabilis na hinawakan ni Ace ang kamay ko. "Kalimutan mo na lahat, 'wag lang ako."
Wika nito na ikinangiti ko.

"Saan tayo?" Tanong ni Matt.

Narito kami ngayon sa malapit na

bar. OH.SHIT! Sabi ko na nga ba at hindi magandang si Matt ang magsuggest ng place
eh!

Pinanuod kong umindak si Jerome at Matt sa dance floor. Hindi naman sila lasing
pero mukha silang sabog.

Katabi ko si Dave at Ace. Habang si Vanessa naman ay pinapalakpakan si Jerome na


bigay todo pa.

Nabalin kay Dave ang tingin ko nang mapansin na sa cellphone sya nakatitig.

"May problema ba?" Tanong ko.


Sumimangot ito. "Si Mia eh. Hindi pa nagrereply simula kahapon." Wika nito.

"Baka naman busy?"

"Midterm nila."

Pinalo ko sya sa braso pag kasabi nya no'n. "Kaya naman pala eh! Huwag ka ngang
paranoid!" Pangaral ko.

"Eh ka-" Natigilan sya nang umilaw ang cellphone nya at nagflash ang pangalan ni
Mia roon.

Napasayaw sya nang makita ito na ikinatawa ko. Mabilis na tumakbo ito palabas dahil
maingay dito.

Napasandal na lang ako sa upuan at binalin kay Ace na nakatingin pala sa akin ang
atensyon ko. Hindi ko alam pero nakakaakit ang mata nito.

Ang ilaw mula sa light effects ay kumikinang sa mata nya. Nilapit nito sa akin ang
kanyang mukha kaya mabilis kong nalanghap ang alcohol sa kanyang bibig na humahalo
sa pabango nya.

Napatingin ito sa labi ko at lumunok. Halos maglapat na ang labi namin nang may
pumagitna sa amin.

"Woa! Ang saya pala rito! 'Di ba, Dark?"

Tangina!

"Kuya?"

"Alas! Bakit 'di mo ako inimbitahan! Kung hindi pa ako inimbitahan ni Matthew eh
hindi ko malalaman."
Napatingin ako kay Matt na tinawanan kami. Pinaningkitan ko sya ng mata pero humalo
lang sya sa

karamihan ng mga nagsasayaw.

"Hoy!" Kinuha ko si Hoy sa balikat ni Raze.

"Anong Hoy?" Tanong ni Raze.

"Pangalan nya."

Kumunot ang noo nito. Teka... "Bawal ang hayop dito ah!" Sabi ko na ikinahalakhak
nya.

"Sabi ko asawa ko 'yan." Humalakhak ito at hindi ko alam kung matatawa rin ako o
mandidiri.

Ibang klase ang kapatid ni Ace. Hindi ko mawari kung normal lang sya o abnormal.

"Magkikiss ba kayo kanina?" Nakangising tanong nya sa amin.

Namula ako sa tanong nya buti na lang at dim ang light kaya hindi halata. Hindi
naman ata magandang itanong 'yon. Hindi ba sya aware na awkward 'yon at isa pa ay
kasalanan nya kung bakit naudlot?

"Kuya! Umalis ka na nga rito!"

"Alas! May kasalanan ka pa sa akin. Hindi ka na dumadalaw sa opisina. Tambak tuloy


ako, 'di ko na nabibisita si baby."

Ano na kayang status nila ni Ate? Alam ko naman na si ate ang tinutukoy nyang baby
eh.
"Pupunta ako bukas."

"'Yon! Mabuti naman!" Lumagok ito ng alak at tumayo na. Tumalon naman si Hoy
papunta sa balikat nya. "Alis na ako. Tuloy nyo na ang naudlot nyong halikan."
Humalakhak ito.

"Alis na!" Pagtatakwil ni Ace sa kanya.

"Nice lips, Zein." Nakangising wika ni Raze na ikinanganga ko. "I want to taste it
again, soon." Humahalakhak na umalis ito at ako naman ay mamamatay na sa kaba.

Damn it! Raze Silvenia! What have you done?

Napatingin ako kay Ace na sobrang dilim ng mukha. Napalunok ako at aktong aalis na
nang higitin nya ako.

Napaupo ako sa lap nya.

"He kissed you?"

Sasagot na sana ako nang maramdaman na may nilalagay sya sa leeg ko. Napahawak ako
sa kwintas na isinuot nya na ang pendant ay isang queen's crown.

"Darling, happy anniversary." Ang huling katagang binitawan nya bago ako iniwan.

Uh oh! Galit si Darling.

Damn it! Makakaganti rin ako, Raze.

=================

Chapter 4
Chapter 4: Tamed

Zein's Point of View

Hindi ko alam kung paano paamuhin ang isang lalaking kagaya ni Ace. Hindi pa sya
nagtampo ng ganito sa akin. Hindi ko alam kung galit ba sya o ano pero isa lang ang
alam ko--- It was all Raze the jerk's fault.

Seryosong nakatingin si Ace sa laptop nya habang ako ay nanunuod ng palabas na


hindi ko maintindihan. Wala ako sa huwisyo dahil lumilipad ang aking isipan sa kung
paano ba ako makakabawi.

Una, nakalimutan kong anniversary namin kahapon. Pangalawa, wala akong regalo
though alam ko naman na ok lang 'yon sa kanya still gusto ko pa rin syang regaluhan
and lastly yet the worst of all, nalaman nya na hinalikan ako ng kuya nya.

I am definitely doomed!

"Ace?"

"Hmmm?"

Napapikit ako nang hindi man lang nya ako nagawang tapunan ng tingin kahit na
sulyap lang. I hate it! Hindi ako sanay at kailan man ay ayokong masanay. Gusto ko
sa tuwing binabanggit ko ang pangalan nya ay sa akin ang tingin nya! Not on his
laptop!

Damn it!
"Hindi ba pupunta ka sa company nyo?" Pagpapaalala ko.

Nanlamig ako sa hindi malamang kadahilanan matapos sabihin 'yon. Parang may mali na
hindi ko mawari kung ano.

"Why? You want to see my brother?"

That's it! 'Yon ata ang mali sa sinabi ko. I shouldn't say that. Alam kong mami-
misinterpret nya ang sinabi ko dahil nasa dimension pa rin sya ng pagseselos.

/>

What should I do? How to tame him?

Napapikit ako nang may idea na pumasok sa isipan ko and I guess, it was the worst
idea I came up with. Alam kong hindi ko kaya at hindi ko rin alam kung anong
magiging reaksyon nya but still--- I made up my mind.

Alam kong tao lang din sya--- Lalaki to be exact. Alam kong kagaya rin sya ng iba,
he is weak on seduction, I guess?

Lumunok ako bago hinipo ang kanyang braso. Natigilan ito sa ginagawa nya at ako
naman ay nanginig sa ginawa ko. OH.MY.GHAD! Anong ginagawa ko?

I bit my lower lip when I caressed his biceps. Shit! Sobrang init ng pakiramdam ko
and I don't know why. Napamura ako nang alisin nya ang kamay ko sa braso nya.

"You don't know what will happen if I let you doing this shit." Malamig nyang tugon
na ikinabagsak ng panga ko.

Tinawag nya itong shit when in fact it tooks all my guts just to do that move.
Naramdaman ko ang paglagapak ng mga lamang loob ko at unti-unting nabubuhay sa akin
ang inis.

Wala ba akong alindog? WTF!

Niyakap ko ang likod nya at naramdaman ko ang pagkagulat base sa reaksyon ng


katawan nya. Sigurado na ako sa ginagawa ko. If it is the only way for him to
forgive, Hell! I would give it.

"Darling..." tawag ko sa kanya pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya.

"You are dangerous."

"I'm sorry..."
"And I want that kind

of danger, Zein."

Napakagat ako sa aking labi nang alisin nya ang pagkakalingkis ng braso ko sa
katawan nya. I watched him closed his laptop and stood up.

Nanatili syang nakatayo ngunit nakatalikod sa akin. Tumingala naman ako para tignan
sya.

"Magbihis ka na, pupunta tayo kay Kuya..." Saglit nya akong tinapunan ng tingin. "I
know you already miss him." And he left me after that.

What the fuck!

Habang nakababad ako sa bath tub ay patuloy na umiikot sa aking isipan ang mga
ideas kung paano ba ako makakabawi. Ayoko sa sitwasyon namin. Nag-iisip din ako
kung paano makakaganti kay Raze.

Hindi ko alam kung paano ako nakatapos sa pagligo at ngayon ay nakadamit na.
Nagsusuklay ako sa harapan ng salamin nang maalala ang cellphone ko.

Hindi pa kami nagkikita ni Cedric kaya hindi ko rin alam kung nasa kanya ba ang
cellphone ko. Baka itanong ko na lang bukas.

Naghintay akong katukin ni Ace ang pinto para itanong kung ready na ako na lagi
naman nyang ginagawa ngunit walang katok ang bumuhay sa loob ko.
Napabuntong-hininga ako bago tinapunan ng huling tingin ang itsura ko sa salamin.
Pagkalabas ko ay nakatayo sa gilid ng pinto ng kwarto ko si Ace na halatang kanina
pa naghihintay.

"You took two hours. Why?" Malamig na tanong nito.

Makikita pa rin ang lamig nya sa kanyang mata na wala man lang reaksyon. "Akala ko
kasi kakatukin mo ako..." Nahihiya kong tugon.

/>

I felt uneasiness suddenly. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa harap nya.
Nakakatakot ang mga titig nya.

"I didn't bother... Baka kasi nag-ayos ka ng husto para sa kanya."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya at pinanuod syang maunang maglakad. Napairap
ako sa inaasta nito. Bakit sila ni Angel? Naghalikan din naman sila pero hindi ako
nagalit ng ganito!

You are unfair and I hate it!

Ibinalin ko na lang sa labas ng bintana ang paningin ko nang maramdaman ang


awkwardness sa pagitan namin. Kasalukuyan kaming nagbibyahe. Seryoso syang
nagdadrive habang ako ay hindi magkaundagaga sa paglipat ng paningin ko.
Pakiramdam ko ay magkaka stiff neck ako. Nakakasakal ang hangin sa loob.
Napagpasyahan kong sindihan ang radio ngunit mabilis nyang pinigilan ang kamay ko.

"Ayoko ng maingay."

Lumobo ang pisngi ko. Ayoko na!

"Humingi na ako ng patawad, kung hindi mo matatanggap 'yon. Wala na akong


magagawa." Malamig kong tugon.

"Tsk."

Hindi na ako nagsalita pa. I did my best but I think, my best was not good enough.
I love that song pero ngayon ko lang naramdaman ang lyrics na 'yon.

Hindi na ako namangha sa laki ng kompanya nila since nakapunta naman na ako rito
dati. Hindi ko alam na may kompanya pala sila sa labas ng HU.

Habang nasa elevator kami ay bigla kong naalala ang tanong ko kay Ace nung isang
araw. Kung bakit hindi sila magkasurname ng kuya nya.
Nalaman ko na hindi pala lumaki si Ace kasama si Mr.

Valdez at Luxury. Ang pangalan ng kanilang ina ay Veronica. Masaya naman sila no'n
namumuhay hanggang sa humadlang sa kanila ang pamilya ni Tita Veronica. Pinaglayo
silang dalawa. Naiwan si Lux kay Mr. Valdez.

Alam no'n ni Mr. Valdez na buntis si Tita Veronica kaya ginawa nya ang lahat para
makuhang muli ang mag-ina. Nanganak si Tita Veronica kay Ace at sa kagustuhan ng
kanyang magulang ay sinunod nila ang apelyido nito sa kanila. Craige.

Lingid sa kanilang kaalaman na may dinaramdam na palang sakit no'n si Tita


Veronica. Nalaman na lang nila nang malala na ito. At bilang huling pakiusap nito
ay hiniling nyang ibigay si Ace kay Mr. Valdez na sinunod naman ng kanyang mga
magulang.

Sampong taon lang si Ace nang mamatay ang kanyang ina. Labis ang pagdurusa nya
higit kay Lux dahil sya ang naging kasama nito sa mahabang panahon.

Dahil sa labis na pagmamahal ni Mr. Valdez kay Tita Veronica ay hindi nya
ipinalibing ito at priniserve lang ang katawan. 'Yon ang dahilan kung bakit ginusto
rin ni Mr. Valdez na makuha ang formula na kayang bumuhay sa patay.

Hindi ko pa alam kung bakit napunta sila sa Hell University. Gusto ko ring malaman
pero sa ngayon ay aasikasuhin ko muna kung paano kami mag-kakaayos.

Last year pala nang ipalibing na nila si Tita Veronica sa tabi ng puntod ni Mr.
Valdez, sa loob ng Hell University. Nakakamangha ang taglay nitong kagandahan at
hindi rin maipagkakaila ang kagwapuhan ng kanilang ama. Namana ata nila ang
mapupungay

na mata ni Mr. Valdez.


"Zein Shion!"

Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ang sigaw ni Ace. Ngayon ko lang napansin na
kanina pa pala kami nakatayo sa labas ng elevator.

"S-Sorry..."

"Damn it! Akin lang isip mo! Ako lang ang dapat mong isipin! Ako lang, Zein Shion!"

Nagmadali itong nauna sa akin. Sya naman talaga ang iniisip ko ah. Ano bang
problema ng mokong na 'yon at over na sya masyado.

'Pagkapasok ko sa loob ng opisina ay sinalubong ako ng yakap ni Raze. Namutla ako


habang nakatingin kay Ace na nakaupo sa table ni Raze at may hawak na baril.

"I miss you, Ze---Shit!" Natigilan kami nang marinig ang pagputok ng baril at
pagkabasag ng glass wall sa likod.

Napalunok ako nang makitang ngumisi ito sa amin.

"Whoa! Easy, Ace. I am just being friendly." Itinaas nito ang dalawa nyang kamay.
"You are a very sweet friend that I want to kill you. Right here, right now, Kuya."

Humalakhak si Raze sa sinabi ni Ace. Napakurap ako ng ilang beses nang sa isang
iglap ay nakuha na ni Raze ang baril ni Ace. Napalunok ako. That was too fast!
GHAD! Tao ba talaga ang dalawang ito?

Nag-umpisa na silang dalawa. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa na seryosong


nag-uusap.

"Watta brilliant idea, Ace!" Bulalas ni Raze. "That's my bro!" Dugtong

pa nito.

Nginisian naman sya ni Ace bago dumapo sa akin ang kanilang mga tingin. "What do
you want to eat, Zein?" Raze asked me.

Umiling ako. "I don't want to eat knowing you are with us." Wika ko na ikinalaglag
ng panga nya.

Nakita ko naman ang pasimpleng pagngisi ni Ace.


"You are too rude." Ngumuso ito. "Just like your sister."

Lumapit ako kay Ace. "Punta lang akong mall." Paalam ko.

"I'll go with you."

"No, malapit lang naman ito."

Nakita ko ang pagtutol sa kanyang mata. Napangiti ako sa loob ko. "Aalis na ako."
Paalam ko.

"Samahan na kita." Ani Raze.

Hindi ko na ito pinansin. Bago ko pa masara ng tuluyan ang pinto ay narinig ko na


ang mga salita ni Ace na halos magpatalon sa akin sa kilig.

"Take care, Darling."

Nagtingin ako sa mga accessories nang maaring ipanregalo kay Ace pero hindi ako
makapagdecide. UGH!

Dumapo sa isang bagay ang aking tingin. Hindi naalis doon ang tingin ko at sa isang
iglap ay binili ko na 'yon.

Saglit akong naglibot sa mall. Napansin ko ang lalaking naka cap na nakatingin sa
akin. Hindi ko ito mamukhaan pero parang sya rin 'yong weird na guy sa waiting shed
ng school.

Tumakbo ito at naglaho sa karamihan ng mga tao. Hindi ko alam kung bakit pero iba
ang pakiramdam ko sa kanya.

Pagkalabas ko ng mall ay malakas na ulan ang sumalubong sa akin. Shit! Wala akong
dalang payong at wala rin akong cellphone para sana itext na lang si Ace.

Sa kabila pa ang sakayan at sa tingin ko ay wala na akong magagawa kundi suungin


ang malakas na ulan.

Nasa kalagitnaan na ako ng daan nang maramdaman kong namanhid ang mga paa ko.

Isang malakas na busina ang narinig ko at parang naging blured na ang lahat.

Napamulat ako nang maramdaman na may yumakap sa akin. Parang slow motion namang
napatingin ako kay Ace at sabay kaming bumagsak sa sahig ngunit hindi ako nasaktan
dahil pinaibabaw nya ako sa kanya.

Umawang ng konti ang bibig nya dahil sa impact ng pagbagsak nya.

"Are you ok?!" Tanong nya.

Basang-basa na kami ng ulan. Mabilis akong tumayo nang magbadya ang luha sa mga
mata ko. Tumalikod ako sa kanya para hindi nya ako makita.
Shit! Naiinis ako sa sarili ko.

Naramdaman kong hinawakan nya ang braso ko at iniharap sa kanya. Napahagulgol ako
nang makita ang mga galos nya sa siko.

"Zein, ok ka lang ba?!"

I hate you! Ikaw nga itong nasaktan ako parin ang inaalala mo.

Hinawakan ko ang kamay nya at isinuot doon ang regalong binili ko. Patuloy pa rin
ang pagpatak ng luha sa mata ko at nanginginig ang kamay ko.

Napangiti ako nang makitang bagay sa kanya ang wrist watch na binili ko. "Darling,
happy anniversary. I am sorry." Wika ko.

Naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko at mabuti na lang ay nayakap na ako ni


Ace.

Napatingin ako sa sasakyan na muntik ng makabangga sa akin. Sumilip ang driver nito
at ngumisi sa akin.

Tumayo lahat ng balahibo sa katawan ko sa klase ng ngiti nito. Pakiramdam ko ay


ngisi 'yon ni kamatayan na dapat naming iwasan.
=================

Chapter 5

Chapter 5: Cellphone

Zein's Point of View

Mariin kong isinara ang labi ko nang maramdamang maduduwal ako. Sumandal ako sa
upuan para kahit papaano'y mawala ang pagkahilo na bumabalot sa ulo ko.

"Pumunta ka lang dito para uminom?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Vanessa
na nakakunot ang kilay. "You could have done this at your home... You are messing
my apartment." Sermon nito habang pinagmasdan ang mga kalat ko.

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Pakiramdam ko ay nakakatawa ang sarili ko.
"I am really a mess. You don't have to remind me." Mapait kong tugon.

Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga nya bago sinulyapan ang labas ng bintana
na binabalot na ng kadilima.

"Alam ba nyang narito ka?"

Umiling ako dahil tumakas lang ako. "Van, muntik na naman syang mapahamak dahil sa
akin." Halos pumiyok ako habang tinatapon ang mga salitang 'yon.
Tanga ba talaga ako? Lapitin ng aksidente? Am I really a dangerous person? Nasa
panganib ba lagi ang buhay nya kapag kasama nya ako?

"Pinili nyang mapahamak para mailigtas ka. Wala kang kasalanan, Zein."

Natawa ako ng mapait. Alam ko naman 'yon pero hindi ko lang matanggap na maging sya
ay muntik ng mapahamak. Alam ko naman na ganon talaga si Ace. Alam kong kaya nyang
gawin lahat para sa akin at ganon din naman ako.

Namulagat ang mata ko nang maalala ang ngisi ng lalaking 'yon. Hindi ko sya kilala
at hindi ko man lang sya namukhaan dahil natatakpan ang mata nya ng sumbrero pero
sa

tuwing naalala ko ang ngisi nya... tumatayo lahat ng balahibo ko sa katawan.

"Okey ka lang?" Tanong ni Vanessa nang mapansin na lumutang na naman ang isip ko.
"May iba pa bang nangyari?" Alalang tanong nito.

Lumunok ako bago umiling. Nagsalin akong muli ng alak at nilagok ang laman no'n.
Umawang ang bibig ko nang maramdaman ang pait.
"Bakit ang init naman dito?"

"ZEIN! Huwag ka ngang maghubad!" Pigil nyang nang makitang inaalis ko ang blouse
ko. "Todo na nga ang aircon, lasing ka lang." Dugtong pa nito.

Tumawa ako. "Todo na ang aircon at nag-iinit pa talaga ako... Tanong ko lang, Van.
Am I that hot?" Tanong ko.

Wala na! Tinamaan na ako! Lasing na ako at hindi ko na makontrol ang mga katagang
nilalabas ng bibig ko at kung saan ko nakukuha ang mga 'yon.

Tumayo ako at pinunit ang blouse ko.

"What the hell?!" Bulalas ni Vanessa na hininaan ang aircon. "Magsuot ka nga ng
damit! Baka magkasakit ka, naku lang! Ako ang malilintikan nito kay Ace eh."
Ngumuso ito.

Naramdaman ko naman na kahit papaano ay naginhawaan ako sa ginawa ko. Bale naka
jeans na lang ako at bra. Inayos ko ang buhok ko sa likod ng tainga ko bago muling
nagsalin at bago ko pa 'yon maitutok sa bibig ko ay may kamay na agad na pumigil.
Ngumuso ako at pinagmasdan ang pag-agaw nya sa akin ng baso at ibinigay kay Vanessa
na napakamot na lang sa ulo.

"Lets go home..." Aya sa akin ni Ace na hindi man lang makatingin

sa akin.

Itong lalaking 'to? May kasalanan pa sya sa akin. Halos himatayin ako sa pagseduce
sa kanya kanina ngunit wala man lang sa kanya.

"Ace..."

"Z-Zein... Uuwi na kita."

Hinablot ko ang kamay kong nakahawak sa kanya at hinila ang batok nya. Inangkin ko
ang labi nya na ginanitihan nya.

Napapikit ako habang dinaramdam kung gaano ako kaswerte na may alas na dumating sa
buhay ko. Kaya ko pa bang pakawalan ang alas ko? Hindi na siguro.

Naramdaman kong may bumalot sa katawan ko bago ko napagtanto na isinuot nya pala sa
akin ang itim nyang blazer.
Hinawakan nya ang baba ko at iniharap ang mukha ko sa kanya. Napalunok ako habang
nakatitig sa mapupungay nyang mata. Parang hinihigop nito lahat ng lakas ko at
inilalabas sa aking katawan ang pagkasabik.

"Uwi na tayo... Mag-uusap tayo sa bahay."

Sa isang iglap ay nakasakay na ako sa kotse nya. Pinatay nya ang aircon at binuksan
ang bintana.

Ngumuso ako. Ano na namang pag-uusapan namin? Hays. Malamang na sesermonan na naman
nya ako tungkol sa paglalasing ko.

"Hindi ka man lang nagpaalam." Dinig kong wika nya. Alam kong may inis sa bawat
pagbigkas nya no'n. "Damn." Bulong na mura nya bago pinukpok ng palad ang busina na
lumikha ng ingay.

"Bakit ka ba bumubusina?!" Sigaw ko.

Wala naman kasing sasakyan sa harap namin at maluwag ang kalsada. Sumusumpong na
naman ang mokong na ito.

Pagkarating namin sa condo


ay itinulak nya ako sa sofa at humalukipkip sa harapan ko.

Shit! Ito na, sesermonan na ako ni Daddy Ace.

"Zein, hindi ka-"

"Hindi dapat ako lumalabas ng gabi lalo na't hindi ako nagpaalam sa'yo. Paano kung
may nangyaring masama sa akin? Mamamatay ka sa pag-aalala. Huwag ko ng uulitin 'yon
dahil malalagot ako sa'yo. This is an order from the Highest Supreme Student
Government and I can't do anything about it."

Kumunot ang kilay nito nago ngumisi. Umiiling na umupo ito sa tabi ko at ipinaharap
ako sa kanya.

"Zein, hindi ka dapat umiinom ng alak na hindi ako kasama dahil alam kong
sinasapian ka kapag lasing. This is an order from your boyfriend..." Wika nito bago
mahinang natawa. "I love you." Mas lalong humaba ang nguso ko nang gawaran nya ako
ng isang kisap-matang halik sa labi.

Matapos kong maligo ay nagpatuyo na ako ng buhok. Kahit papaano ay nahimasmasan na


ako. Maybe it was because of his kiss and hug. My kind of drugs.

Napayakap ako sa aking sarili nang pumasok ang malamig na hangin mula sa labas ng
nakabukas na bintana. Nililipad pa ng hangin ang puting kurtina.
Isinara ko 'yon at kinandado. Natigilan ako nang maalala na hindi ko naman binuksan
ang bintana. Iniwan ko itong nakakandado pa rin kaninang umaga.

Nagkibit-balikat na lang ako. Baka pumasok si Ace rito at binusak ang bintana. Pero
bakit naman nya bubuksan? UGH!

Kumunot ang noo ko nang makita ang isang bagay na nakapatong sa table. Binunot ko
muna ang saksakan ng blower

bago tumungo roon.

Halos mapatalon ako sa tuwa nang makita ang cellphone ko. Ito pa rin ang casing na
Dora.

Pero, paano ito napunta rito? Baka naman isinauli kay Ace at dahil wala ako ay
ipinatong na lang nya rito.

Inilayo ko ito sa akin nang maamoy ang masangsang na amoy na animo'y galing ito sa
basurahan. Pinunasan ko ito ng alcohol at chinarge.

Pabagsak na humiga ako sa kama at tumingin sa ceiling.


Niligtas na naman nya ako. Dahil na naman kay Ace ay hindi ako nasaktan. Salamat,
Ace.

Balang araw, makakabawi rin ako sa lahat-lahat. Sisiguraduhin kong higit pa ito sa
lahat ng nagawa mo.

Maganda ang gising ko. Parang buhay na buhay ang katawan ko. Active rin ako sa mga
subjects ko.

"Woa! Para kanino 'yan?" Tanong sa akin ni Vanessa nang makita ang binake ko.

"Kilala mo na. Hindi ko na kailangang sumagot."

"Woa! Ang sungit mo, bes."

Nilagpasan ko na lang sya at ipinasok sa oven ang cake. Inalis ko na muna ang apron
ko dahil ang init.

"Paki tingin, Van. Bibili lang ako. Nagugutom na eh."

"Paki bili na rin ako."


"Pera?" Pumalad ako para kunin ang pera ngunit hindi sya kumilos.

Tumaas ang kilay nito bago tinuro ang cake kong pinababantay sa kanya baka masunog.
Pumalad din ito. "Pera?" Aniya.

Napailing na lang ako bago lumabas. Kahit kailan ang utak talaga ng babaeng 'yon.

"Zein!"

Napahinto ako nang harangin aki ni Cedric na nakangiti. Ano na namang kailangan

ng lalaking ito? "What?" Tanong ko na ipinapakita ang kawalan ko ng interest sa


kung ano mang sasabihin nya.

"Gusto ko lang sanang humingi ng sorry." Nahihiyang wika nito. "Hindi dapat kita
nilokong may meeting." Dugtong pa nito.

Halos hindi naman sya mapakali habang nasa harap ko na animo'y hindi sanay sa
ganito. Hindi naman ata talaga sanay sa paghingi ng tawad ang lalaking ito kaya
ganito sya eh.

"Ok."

"Wait..." Pigil nya sa akin. "Nakuha mo na ba ang cellphone mo?" Tanong pa nito.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at ipinakita 'yon sa kanya. "Salamat." Sabi ko.

"Salamat? Wai-"

Hindi ko na sya pinakinggan at nagdiretso na lang ako sa paglalakad. Bumili lang


ako ng burger at soft drinks para sa aming dalawa ni Vanessa.

"Para kanino 'yan?"

"Putik!" Bulalas ko nang biglang sumulpot sa harao ko si Ace at Matt. "Bakit ka ba


nanggugulat?" Inis na tanong ko kay Ace na nginisian lang ako.

Mahinang natawa naman si Matt.

"Sa iyo lang lahat 'yan?" Kunot noong tanong nya sa akin.

Umiling naman ako.

"Para sa aming dalawa n-"

"At kailan ka pa naging utusan?" Putol nya na ikinatikom ng bibig ko. "Reyna ang
turing ko sa'yo tapos magpapaalipin ka lang sa iba?" Hindi makapaniwalang tanong
nito.
Napailing na lang ako bago humalik sa pisngi nya at umalis.

Kahit kailan talaga, hari na ka OA-an ang lalaking 'yon. Sya na ang pinaka oa na
lalaking nakilala ko, pumapangalawa lang sa

kanya si Vanessa.

Pagkarating ko sa lab ay nakalagay na sa container ang cake ko. Hinablot naman ni


Vanessa ang mga dala ko. Hindi man lang nagsabi ng salamat.

Nilagay ko sa box ang cake at sabay kaming pumasok ni Vanessa sa mga next class pa
namin. At nong hapon na ay binalikan ko ang cake sa lab.

Ibibigay ko na ito kay Ace at alam ko naman na uwian na rin nila.

Tinawagan ko ang cellphone nya at ang nakakapagtaka ay ilang ring bago nya sinagot.
Usually kasi ay pangalawang ring pa lang ay sinasagot na nya. He must be busy at
baka nakaistorbo ako.

"Hello?"

Mas lalong nangunot ang noo ko nang walang sumagot sa kabilang linya. Sinulyapan ko
ang screen ng cellphone ko at nakaconnect pa rin naman ako sa kanya.
May napansin akong kakaiba pero pinagsawalang bahala ko na lang. Hindi naman kasi
ako sure kung kakaiba nga talaga.

Muli kong itinapat sa tainga ko ang cellphone ko ngunit saktong pinatay na ang
call.

Weird.

Nagbeep ang cellphone ko at isang message mula kay Ace ang natanggap ko.

Halos mapatalon ako sa tuwa nang magkita raw kami sa isang cafe.

Nagtaxi na lang ako papunta ron. Bitbit ko ang box ng cake pagkapasok ko roon.

Walang tao?

"Excuse me." Harang sa akin ng isang lalaking nakawaiter na uniform. "Are you Zein
Shion?" Tanong nya sa akin.

"Yes." Sagot ko at iginaya naman nya ako sa nag-iisang table sa gitna. "Bakit wala
ata kayong customer?" Tanong ko.
"Reserved po itong buong cafe para sa inyo eh." Ang huling mga sinabi nya bago ako
iniwan.

Kinilig naman ako. Anong surprise na naman ito, Ace?

Iginala ko ang mata sa kabuuan ng cafe. Nakakilabot na ako lang ang tao pero bakit
parang may nakamasid sa akin?

Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito. Isang unknown number ang nakaflash sa
screen at dahil hindi ako nakikipag-usap sa kahit na sinong kilala ko ay pinatayan
ko ito.

Pero, bakit ganon? Pakiramdam ko ay isang malaking pagkakamaling hindi ko sinagot


ang tawag na 'yon?

***

Cedric's Point of View

Nakakapagtaka. Bakit naman nagpasalamat sa akin si Zein? Hindi naman ako ang
nagsauli ng cellphone na 'yon.

Hahabulin ko sana si Zein nang maiwan nya ang cellphone nya sa upuan nung nasa cafe
kami ngunit hinarangan ako ng isang lalaking nakacap.
"Ako na ang magbibigay sa kanya."

"Sino ka ba?" Tanong ko.

"Kaibigan ako ni Zein.... I am Hell."

=================

Chapter 6

Chapter 6: I do

Ace's Point of View

Kasalukuyan kong iniimpake lahat ng gamit ko sa loob ng aking bag. Mga kwaderno at
makapal na libro. Hindi mawala-wala sa aking labi ang ngiti habang inaalala ang
halik sa aking pisngi ni Zein.

Unexpected kiss from her is damn better than requested the one. I want to be
surprise, again.

"Ace, mauna na ako." Pagpapaalam ni Matt na halatang excited.

Tumango na lang ako dahil hindi pa rin ako tapos sa pag-aayos ng mga gamit at halos
lahat ng mga kaklase ko ay nakalabas na. Tanging ako na lang ang nasa loob.

I stretched my arms as I let a heavy sigh of relief. Finally, tapos na rin ang araw
na ito at gusto ko na syang makitang muli. I want my stress reliever.
I turned back. Tumambad sa akin ang madilim ng labas. Umiling na lang ako bago
isinuot sa likod ang aking bag.

Shit!

Napailing na lang ako nang maalala na baka kanina pa sya naghihintay sa waiting
shed. Baka nakanguso na ngayon 'yon habang nakahalukipkip.

Natawa ako habang iniisip ang kanyang mukha ngunit mabilis na naglaho ang mga
ngiting 'yon nang wala akong taong dinatnan sa waiting shed.

Where is she?

"Andito ka pa pala."

Mabilis na nawalan ng expression ang mukha ko habang blangkong nakatingin kay


Cedric na nakatayo sa harapan ko while his both hands inside the pocket of his
pants.

I didn't bother to respond. Saglit ko na lang iginala ang dalawa kong mata sa
paligid. Nagbabakasakaling makita ko sya ngunit wala talaga. Ni bakas nya ay wala
akong makita.

"Hinihintay

mo ba si Zein?"

I faced him with a smirk on my lips. "Right. Did you see her?" I asked.
Wala namang masama kung magtanong sa lalaking ito dahil baka nakita nya ito. Siya
ang President ng SSC kaya malamang na isa sya sa mga huling estudyanteng lumalabas
ng unibersidad na ito lagi.

Kumunot ang noo nya. "Uh? Kanina pero nagmamadali sy--- Hey, why don't you call
her?" Aniya na ikinailing ko.

Wala syang cellphone dahil ibibili ko pa lang sya bukas. Imposible namang umuwi na
'yon or baka naman umuwi na talaga. Pero may parte sa akin na nagsasabing wala
akong madadatnan sa condo. I have to stay here.

"Bakit ba hindi mo na lang sya tawagan?" Mejo iritado na nyang wika.

Tinaliman ko sya ng tingin. Ano bang problema ng lalaking ito at pakiramdam ko ay


maging sya nag-aalala kay Zein. Psh.

"Wala syang cellphone."

Kumunot ang noo nito na parang may mali ang sinabi ko. "Meron... Ipinakita nya pa
sa akin kanina." Wika nito na parang napapaisip pa.

Ako naman ngayon ang nangunot ang noo. Umihip ang malamig na hangin ng gabi. Habang
tumatagal ay mas lalong nananaig ang kadiliman at wala pa rin sya.

"Bakit ba alam mo pa sa akin?" Mejo iritado ko ng wika. "I threw her cellphone last
night." Hindi ko alam kung bakit pa ba ako nagpapaliwanag sa lalaking ito.
Aalis na sana ako para hanapin sya nang muli syang nagsalita. "I am not blind, Ace
Craige. She waved her cellphone with Dora as her casing earlier." Wika nito na
ikinatigil ko.

I faced him with a

confusing look. What the hell is he talking about? I already threw t--- Shit!

"What?" He asked me.

Mabilis na kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan nya sa


contact list ko. Nanginginig na pinindot ko ang call button.... Mas nanginig ang
kamay ko nang magring ito.

Shit! This can't be! Sigurado akong pinatay ko ang cellphone nya bago ko ito
itinapon sa basurahan at kung may nakapulot man doon ay sigurado akong pinalitan na
agad ang simcard no'n to stop the communication but still--- Not again, please.

Mariin kong nakagat ang labi ko nang babaan nya ako ng tawag. I tried to call her
again but the fuck it was already unattended.

"Hei--- Is there something wrong?"

Naningkit ang mata ko habang nakatingin kay Cedric na napalunok. Kinakabahan ako at
hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa.
Sobrang lakas ng pintig ng puso ko habang inaalala si Zein. Ayoko mang mag-isip ng
kung anu-anong walang kwentang bagay, subalit bigo ako dahil tumatagos ang mga ito
at wala akong magawa para pigilan ang pangambang namumuo sa dibdib ko na
nagpapasikip rito

Lumipad ang tingin patungo sa isang kotse sa kabilang daan. Kitang-kita ko ang
nakakacap na lalaking nakangiti sa akin. Hindi ko gaanong mamukhaan ang mukha nya
pero namalayan ko na lang na tumatakbo na pala ako papunta sa kinaroroonan nya.
Narinig ko pang tinawag ako ni Cedric pero hindi ko na sya pinansin pa.

Napamura ako nang bigla nyang paandarin ang sasakyan. Hindi ko alam kung

sinasadya nya bang bagalan ang takbo para makasunod ako o nang-iinis lang talaga
sya. Naiinis ako na patuloy ko pa rin syang sinusundan kahit na tumatakbo lang ako.
Hindi ko maramdaman ang pagod kahit na takbo ako ng takbo.

I will never be get tired on running just to be with her. I will still chase after
her even it's way to hell.

And I don't know what's the relevance of that in this current scenario.

Tumakbo lang ako ng tumakbo kasunod sa kanya. Hindi ko alam kung saan ito patungo
basta ayaw tumigil ng dalawa kong paa sa pagtakbo.

Malayo na sya sa akin at handa na rin sana akong huminto sa pagtakbo nang biglang
tumigil ang kanyang sasakyan. Bumilis ang mga paa ko at ramdam ko ang pagtangis ng
mga lamang loob ko. I don't know who is him pero alam kong may kinalaman sya sa
nangyayaring ito.

Mahahawakan ko na sana ang kanyang sasakyan nang bigla nya itong pinaharurot.
Napangiwi na lang ako habang pinagmamasdan ang kulay pulang ilaw ng likod ng
sasakyan nya na maglaho sa kadiliman.

Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa noo ko at ang sakit ng mga tuhod at binti ko pero
wala akong panahong mapagod at sumuko. Mariin kong nakagat ang labi ko nang
maramdamang rumupok ang tuhod ko.

Napaupo ako sa gilid ng kalsada. Pagod na pagod na bumaba ang mata ko at bumagsak
sa isang papel na nasa sahig.

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para kunin ito. Nanginig ang kamay ko
habang binabasa ito.

You are too slow, but thank you for following me. And as a reward, look at your
left side. I have a surprise for you.

Ps. It was just a glimpsed for something worse than a nightmare.

- Hell.

Nilamutak ko ang papel na 'yon at tumingin sa aking kaliwa. Lahat ng pagod na


nararamdaman ko ay nawala sa isang iglap habang nakatingin sa isang babaeng
nakayuko sa round table at yakap-yakap ang isang kahon.

Kitang-kita ko sya sa loob ng isang cafe dahil made up of glass ang wall nila.
Mahimbing ang tulog nya.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga bago tumayo at pumasok sa loob. Nangingin ako


nang biglang tumunog ang stereo sa paligid.

Now playing, Christmas won't be the same without you.


Saglit kong iginala ang mata ko sa ayos ng cafe na ito. Nakabagay na sa christmas
season theme.

Muling dumapo kay Zein ang aking mata. Napangiti na lang ako nang umangat ang ulo
nito. Malamang na nagising dahil sa tugtog.

Pumungay ang mga mata nito habang iginagala ang mata sa paligid. Hindi pa nya ako
nakikita.

Lumapit ako sa kanya. Napunta sa akin ang mata nya at humaba ang labi nya. Namula
ang mata nito. Gusto ko syang yakapin pero parang hindi magandang pangunahan ko
sya.

"Zein..."

Umiwas ito ng tingin. "May nagsasalia ba? Parang may naririnig akong bumubulong."
Wika nito.

Muli kong nakagat ang labi ko nang mabilis na bumagsak ang isang patak ng luha mula
sa kanyang mata. Sumikip ang dibdib ko at aktong hahawakan ko na ang kamay nya nang
bigla syang tumayo at umiwas.

"Mabuti pa, umalis na ako rito. May multo ata ri---" Kinagat nito ang kanyang labi
para pigilan ang luha ngunit bigo ito. Parang nakabukas na gripong sunod-sunod na
tumulo sa mata nya ang mga

luha. "I have to go." Pumiyok ito at aalis na sana nang hawakan ko ang braso nya at
hinila sya.

Ikinulong ko sya sa aking braso. Hindi sya nanlaban ngunit mas lumakas ang hagulgol
nya na sumasabay sa kanta. Hindi ko alam kung anong nangyari at anong ginagawa nya
rito pero paulit-ulit ko ng ibinubulong ang mga salitang 'patawad.'
"Ang daya mo naman... Akala ko kaya mo ako pinapunta rito ay may surprise ka sa
akin..." Muling pumiyok ang boses nito at parang patalim naman 'yon na paulit-ulit
na sumasaksak sa akin. "Paghihintayin mo lang pala ako ng apat na oras..." Humina
ang tinig nito.

Iniharap ko sya sa akin at pinunsan ang luha sa kanyang mata. Sobrang pula pa rin
ng mukha nya at halatang pagod na ang mga ito.

"I am sorry... Darling, I am really sorry."

"SORRY?! Sorry na naman? Ace naman eh! Mahal mo ba talaga ako?!"

"I Do, I Do

All I am, all I'll be

Everything in this world

All that I'll ever need

Is in your eyes

Shining at me

When you smile I can feel

All my passion unfolding"

Napangiti ako nang natigilan ito at napayuko. Lumapit ako sa kanya at itinaas ang
ulo nya para makita ang kanyang mukha. Hinding-hindi ako magsasawang titigan ang
babaeng ito.

"Your hand brushes mine


And the thousand sensations

Seduce me 'cause I"

She is a dangerous girl. The type of danger I want. All I can say is... I love that
danger.

"I do cherish you

For the rest of my life

You don't have to think twice

I will love you still

From the depths of my soul

It's beyond my control

I've waited so long to say this to you"

Naiinis ako na lagi na lang akong wala sa tabi nya. Naiinis ako na hindi ko sya
napoprotektahan. Naiinis akong nakikita syang umiiyak.

"If you're asking do I love you this much, Darling I do"

Napapikit ako nang bigla nyang hinila ang batok ko at inangkin ang labi ko.
Iminulat ko ang mata nya at pinagmasdan ang mukha nyang sobrang lapit sa akin.
Napangiti ako habang tumutugon sa kanyang halik.

Sa ilalim ng kadiliman. Sa gitna ng kalungkutan. Mga labi naming naglapatan.


Pinapangako ko.... Maybabayad kayo ng higit pa sa mga ginawa nyo. You made the
biggest mistake... You made my girl cry.

I'll chase you... I accept your game... Lets play...Hell.


=================

Chapter 7

Chapter 7: Virus

Ace's Point of View

Hindi ko maalis ang mga mata ko sa cake na nasa harap ko. Hindi ko alam kung ano
ang nararamdaman ko. Masaya? Sobra. I love her efforts... there's no small things
when it comes to her... It's all huge for me.

'Darling, I love you.' Yan ang mga nakaukit sa cake na binabalutan ng mga disenyo.

Tumayo ako at ibinalik muli sa loob ng refrigerator ang cake. Wala akong balak
kainin ito, I will make it a souvenir. Gusto kong alalahanin lahat ng ginawa nya sa
akin para may dahilan ako balang araw para pigilan lahat ng mga pagsisisihan kong
desisyon.

"Gising ka pa?"

Nabalin sa likod ko ang aking tingin. Pumupungay ang inaantok na mata ni Zein
habang nakatingin sa akin. Naka pajama na ito na Dora.

"Just visiting my baby..."

Kumunot ang noo nya at saglit na iginala ang mata sa kusina. Napangiti na lang ako
nang ngumuso sya. "Pinagloloko mo ba ako?" Mejo irita nyang tanong.
Umiling ako at inakbayan sya. "Pinatulog ko na si baby... Darling, it is your turn
now." Bulong ko.

Siniko nya ako na ikinatawa ko. "Sino bang baby ang tinutukoy mo?" Tanong nya
habang papasok kami sa kwarto nya.

Napailing na lang ako nang makita ang magulo nyang kama. She really is a mess.
Hindi man lang ba sya naaalibadbaran sa gulo ng paligid nya? Nakakatulog pa ba sya
sa lagay ng kwarto nya?

"I am asking you, Ace."

Hinawakan ko ang bedsheet

nya at inayos. "You should know how to clean a mess." Sermon ko habang inaayos ang
mga unan nyang nasa sahig na. "Paano na lang kapag nag-asawa ka na?" Tanong ko pa
habang inaayos ang mga librong nasa sahig at inayos sa maliit na drawer. "Ayokong
araw-araw mag-ayos ng kalat mo." Wika ko pa bago kinandado ang mga bintana at
inayos ang kurtina.

Nang matapos na ako ay binalingan ko ng tingin si Zein na titig na titig sa akin.


"Gaano ka kasigurado na ikaw ang magiging asawa ko?" Tanong nito.
Sinenyasan ko syang umupo sa tabi ko. Pinatalikod ko sya sa akin at gamit ang
kinuha kong suklay ay inayos ko ang magulo nyang buhok. Napangiti na lang ako
habang iniisip na habang-buhay kong gagawin ito. Handa akong maging alipin nya...
It's a pleasure for me.

"I am destined to be with you forever." Bulong ko. "I want you to write your name
with Craige as your surname." Dugtong ko pa.

I can't wait for that time. Gusto ko na syang makitang naglalakad papunta sa altar
kung saan ako naghihintay. I want her beside me when I close my eyes until I open
it. I want her to be the mother of my babies. It's only her... It's only Zein
Shion.

"Alam mo bang kinikilig ako?" Tanong nya.

Iniharap ko na sya sa akin nang matapos na ako. Namumula nga ang mukha nito at
halos hindi makatingin sa akin. Napangiti akong muli... Hinding-hindi

ako magsasawang ngumiti.

"I still want you beside me until my last breath..." I whispered. "Matulog ka na."
I kissed her forehead pero mukhang hindi sya satisfied don dahil hinalikan nya pa
ako sa labi.

I bit my lower lip as I watch her lie down beside me and smiling closed her eyes.
"I love you, good night." She whispered.
Tumayo na ako at pinatay ang ilaw. "I love you too, good night." I answered as I
lie beside her and hug her back.

"ACE CRAIGE!"

Napatayo ako at napakamot na lang sa batok ko. Pinaningkitan nya ako ng mata kaya
natawa na lang ako.

"Alright, good night." Wika ko bago lumabas ng kwarto nya.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay saglit akong naligo dahil nanlalagkit ako dahil na


rin sa pawis ko sa panghahabol sa kotse na 'yon.

I wrapped the towel around my waist as I open my laptop.

Nilog-in ko ang facebook ko at tama nga ang hinala ko. May message na sya sa akin.
Napangiti ako habang nagtatype ng isasagot sa kanya.

Hinding-hindi ko mapapatawad kung sino man ang nasa likod nito. Kung may kinalaman
man ito nung nasa loob pa kami ng Hell University ay malamang na kilala ko ang nasa
likod nito... Hindi ko lang alam kung sino sa kanila.
Kinuha ko ang cellphone ko. I call a person that can help me.

"Hello. Who's this?" He asked over the line. Napangiti ako nang marinig ang tinig
nito. Parang nagbalik lahat ng alaala

ng kahapon.

"It's been a long time, Sebastian." I answered.

"M-Master Ace?"

Sinandal ko ang likod ko sa headboard at tumingin sa ceiling. Bigla kong namiss si


Dad.

"Yes... It's me."

"I need you..."

"Pero pinutol na ni Mr. Valdez ang connection nyo sa akin... I can no longer help
you." Malungkot na saad nito.

Napangiti ako. "P-Patay na si Dad." I whispered na ikinatahimik nya. Siya ang


pinakamalapit kay Dad, ang kanang kamay nito sa lahat. "And I want you back...
Sebastian Lee." Dugtong ko.

Narinig ko ang pagpapakawala nya ng buntong-hininga sa kabilang linya. "Alright,


Master Ace. See you." Sagot nito kaya pinatay ko na ang connection.
Pinagmasdan ko ang reply ko kay Hell.

'If I were you, magtago ka na. You don't know what I am capable with.'

***

Zein's Point of View

Something is not right. I can feel it. May mali sa mga nangyayari kahit hindi
sabihin ni Ace, nararamdaman ko.

Kilala ko si Ace. Hinding-hindi nya ako magagawang paghintayin ng ganong katagal.


Bawat segundo sa kanya ay mahalaga. Malakas ang kutob ko na hindi sya ang
nagpapunta sa akin don. Naguguluhan ako pero nagtitiwala ako sa kanya. I learned to
trust him more than myself.

"Bakit kailangan mo pang palitan ang phone ko?" Nakangusong tanong ko habang
pinagmamasdan ang bagong cellphone na hindi Dora ang casing.

"It's for your sak--- I mean, for a change."

Hi bit his lower lip as he park his car.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita kung sino ang palapit sa amin ni Ace.
Nakangiti ito at hindi alintana ang mga mata ng mga estudyanteng nakatingin sa
kanya.
Kapag sa malayo ay aakalain mong siya si Ace pero dahil sa pula nyang mata ay
malalaman mong agad na si Mr. Raze ito. The jerk. Hindi pa rin ako nakakaganti sa
kanya.

"Yow! It's a beautiful morning today, right?" He said with a wide green flashing
his complete set of white teeth and stretched pinkish lips. Pero ang nakakapanibago
ay ang kulay ng kanyang buhok... blonde.

"What do you want?" I asked.

Humalakhak ito. "Oh ang isang katulad mo... ay di na dapat pang pakawalan... alam
mo bang pagnaging tayo, hinding-hindi na kita bibitawan~" Kanta nya na may konting
sayaw pa.

Hindi ko maiwasang matawa. Ok, ang cool nyang tignan at aaminin kong gaya ni Ace ay
biniyayaan din sya ng magang boses. What's with this brother?

Napatingin ako kay Ace na nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin. Biglang
nawala ang ngiti ko at tumikhim. Nauna na ako sa kanila at iniwan silang dalawa.
Damn! Nagseselos na naman sya.

Pero, inaamin kong mas gusto kong nakikita syang nagseselos. Natatakot akong
dumating ang araw na mawala 'yon... No, hindi 'yon mangyayari.

"Zein!"
Napatingin ako kay Jerome na tumatakbo papunta sa direksyon ko. Huminto ako at
hinintay syang makarating. Tinatamad akong salubungin sya.

"N-Nakita mo ba si Vanko?" Hinihingal na tanong nito. Namumula

pa ang mukha nito dahil malamang na sa pagod.

"Kararating ko lang... Di ko sya nakita." Sagot ko. "Bakit?" Tanong ko pabalik.

"A-Ah? Uh... nagalit sa akin eh."

Umangat ang kilay ko. "Bakit naman? Ow! Lagi naman syang galit sa'yo kaya hindi na
nakakapagtaka." Natatawa kong sagot na ikinanguso nya.

Jerome Marquez. May mukhang ipagmamalaki pero hindi ka sa mukha nya mahuhulog....
Dahil sa ugali nya. He is a funny person to be with. Punong-puno ng energy at handa
kang patawanin kahit na corny na at sigurado akong 'yon ang katangian nyang
ikinahulog ng isang babaeng kagaya ni Vanessa na pihikan.

"Grabe ka sa akin. Pero kasi nagpaturo sya sa akin sa isang subject nyo, kaso 'di
ko naman alam pero hindi ko sinabi sa kanya. Sinagutan ko lahat ng assignments nya
kahit na hindi ko alam kaya 'yon, naka zero sya. Galit."

Napahalakhak na lang ako sa sinabi nya. Naalala ko nga nung isang araw na nilamutak
nya ang papel habang bumubulong sa sarili. "Lagot ka... Sige, mauna na ako." I
waved my hands to him.
Sino ba namang baliw ang gagawa ng katangahan na 'yon? Only Jerome. Hindi ako
magtataka kapag nagkita kami mamaya na may black eye na.

Naabutan ko si Angel sa tapat ng room namin. Halatang inip na inip na ito. Hindi
maipagkakaila ang kagandahang taglay nito. Her as white as snow skin and her red
thin lips. Plus na laging nakalugay ang buhok nito. She really looks like her name
but just like

other.... Nasa loob ang ugaling hinding-hindi mo magugustuhan kapag pinilit mong
ilabas.

"What do you want?" Tanong ko na ikinalingon nya.

Napatingin ito sa akin na halos maiyak na. Parang hinang-hina ito. Bagay sa kanya
ang tourism corporate attire nila. Hindi sya nag-aaral dito kaya anong ginagawa nya
rito?

"Nakita mo ba si Matt?" She asked with a glimpsed of worried. She pouted her lips.

"Tinignan mo na ba sya sa BM Building?" Tanong ko pabalik. Baka kasi tanong sya


nang tanong e hindi naman pala sya naghanap.

Mukhang nasagot na nya agad ang tanong ko nang ngumuso ito. Ano bang problema nila?
Mukha ba akong tanungan ng nawawalang tao? UGH!
"Kinain ko na ang pride ko para sa kanya. Nagawa ko ang mga bagay na hindi ko
inaakalang magagawa ko." Namula ang mata nito at bumagsak ang kanyang balikat na
animo'y nawalan na ng pag-asa. "Pero siguro, tama na..." Nanlaki ang mata nito nang
makita si Matt. "Joke lang! Bye, Zein.... Matt!" Sigaw nito pero nung makita sya ni
Matt ay mabilis na kumaripas ito ng takbo palayo.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Love is virus and I am infected.

****

Hell's Point of View

Napahalakhak ako nang mabasa ang message ni Ace Craige. Sumandal ako sa upuan ko at
nag-isip nang susunod na hakbang.

Kahit na ilabas mo ang pinakamagaling na tauhan ng mga Valdez ay sa tingin mo


mahuhuli mo ako? No. Ace Craige. Sooner or later... isa-isang mawawala sa'yo lahat
ng mga pinaghirapan mo.

Luluhod ka sa harap ko.


"You did it again?" He asked. Binalingan ko sya ng tingin habang nakangisi. "Sa
tingin mo ba, basta-basta mo mapapabagsak ang demonyong iyon? Baka nakakalimutan
mong sya ang nagpabagsak sa buong Hell University. Hindi mo pa sya lubusang
kilala." Wika pa nya.

Humalakhak ako. "Masyado ka namang bilib sa kanya baka nakakalimutan mo... Doon din
tayo galing.... Demonyo rin tayo." Bulong ko.

Lets start the real game...

=================

Chapter 8

Chapter 8: Mystery

Vanessa's Point of View

Nakakainis! Gusto kong murahin ang sarili ko dahil sa pag-iinarte na ito. Bakit ko
ba kasi nararamdaman ito? Bakit pakiramdam ko ay hindi ako importante sa kanya?
Bakit pakiramdam ko ang liit ng tingin nya sa akin? Bakit ba ako ginugulo ng mga
kadramahan na ito?

"Vanko..."

Hindi ako lumingon at nanatili ang tingin ko sa mga estudyanteng dumadaan sa harap
namin. Hindi ko sya kayang tapunan ng tingin dahil nahihiya ako. Nahihiya? Oo,
nahihiya ako pero hindi ko maintindihan kung bakit.

"Sorry," Bulong nito. Mariin kong naipikit ang mata ko nang marinig 'yon. It was
not actually his fault or maybe it's the other way around. "Hindi ko na sana
sinagutan ang assignment mo. Sorry kasi nagmarunong ako." Malungkot nitong sabi.
Sumikip ang dibdib ko na parang kinakapos sa hangin. Hindi ako sanay sa tono nya.
Hindi ako sanay na malungkot sya. Hindi ako sanay na hindi ko sya nasusungitan.
Pero mas hindi ako sanay na ako ang dahilan ng lahat. I want to end this drama
right now... No sequel.

"Sorry kung bobo ak-"

"BOBO KA NAMAN TALAGA EH!" Sigaw ko na ikinatahimik nya. Humarap ako sa kanya
kasabay ng pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tama nga, mahirap
kalabanin ang nararamdaman mo. "Damn! Je, you are so stupid... selfish." Halos
manginig ang tinig ko habang sinasabi 'yon.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang mainit na pakiramdam ko. Ayokong
magsalita ng makakasakit sa kanya pero tangina ang hirap. Gusto kong ipamukha sa
kanya na ang ginawa nya ay hindi maganda...

Hindi talaga. Ang labo kaya kailangang malinawan.

"Sorry," muling sagot nito na ikinakuyom ng kamao ko.

Hinawakan ko ang kwelyo nya. Nanlambot ang tuhod ko nang makita ang pangingilid ng
luha nya. Oh fuck! I hate it! His eyes... My weakness.

"Sorr---"

Dumapo ang palad ko sa pisngi nya at wala akong pinagsisihan don. Kung pwede lang
sanang sampalin ko syang muli hanggang sa maubos na ang sama ng loob ko ay gagawin
ko. Kulang pa ang sakit na nararamdaman ng pisngi nya sa mga sakit na ipinaramdam
nya sa akin.

"Je, you can tell me if you can't." Bulong ko. Pinunasan ko ang luha sa pisngi nya.
Ghad! He is crying and it's killing me."Don't be selfish. Hindi mo kailangang gawin
ang mga bagay na hindi mo kaya. Hindi mo kailangang maglihim sa akin." Wika ko.

Gusto kong matawa sa kadramahan namin. Dahil lang don ay nagkaganito na kami pero
hindi--- Hindi lang ito dahil doon.

"Bakit Van? Sa tingin mo ba mahina ako? Ganon ba ang tingin mo sa akin? Na hindi ko
kayang gawin ang mga bagay na ito? Ganon ba? Ha?"

Mahina akong natawa at mahinang tinapik ang kanyang pisngi. "Natatakot akong
dumating 'yong araw na sumusuko ka na pero hindi mo pa rin sinasabi sa akin.
Natatakot akong bigla ka na lang mawala nang hindi man lang nagpapaalam. It's not
about that fucking zero! It is about us! It is about how I want you to tell me
everything. Kung hindi mahalaga sa'yo 'yon pwes importante sa akin 'yon. Lahat ng
tungkol

sa'yo ay pinapahalagahan ko. Naiintindihan mo ba ang nais kong sabihin?" Gusto kong
itatak nya sa isip at puso nya ang mga katagang 'yon.

Natatakot lang kasi ako... Natatakot akong gawin nya ang mga bagay na hindi nya
kayang gawing mag-isa. Ano pang silbi ko? Ano pang silbi't minahal ko sya? I will
stand for him and join the battle... 'til the end.

"Lets do it together... Jerome... together."

***

Dave's Point of View

Ngumuso ako habang naghihintay na mabasa ang salitang 'seen' sa mensaheng ipinadala
ko ngunit lumipas ang ilang minuto ay wala pa rin. Hanggang sa offline na sya.

Pabagsak na humiga ako sa kama at inisip kung ano ang ginagawa nya ngayon. It's
been three years simula nang magkita kami in person. Hindi sapat sa akin ang makita
sya sa cellphone. Gusto ko syang yakapin. Gusto ko syang hawakan. Gusto kong
sabihin ang mga nararamdaman ko sa kanya nang harap-harapan.

"Kuya?!"

Naramdaman kong hinihila nya ang T-shirt ko ngunit wala akong ganang makipag-usap
sa kahit na sino. Kahit na sa kapatid kong nangungulit.

"Kuya Dave!"
Inis na binalingan ko ng tingin si Ash na nakanguso habang naka tingin sa akin.
Bagay sa kanya ang pangalan nya dahil sa kulay ng kanyang mata na namana nya kay
Dad.

"Bakit ba?" Tanong ko.

"Akala ko ba bati tayo?" Tanong nya. "Hindi ko na nga sinabi kay Mommy na lasing
kang umuw---"

"Ssshh!" Tinakpan ko ng kamay ko ang kanyang

bibig. Namilog ang mata nito habang mahinang tumango. "Ano ba 'yon?" Tanong ko.

Nahuli nya kasi akong umuwing lasing kagabi. Ayaw pa naman ni Mommy na umiinom ako
ng alak. Uminom lang naman kasi ako dahil gusto kong maibsan kahit na konti lang
ang pangungulila ko kay Mia.

"There's a cockroach inside my room."

"So?"

Binigay nya sa akin ang tsinelas na kanina nya pa bitbit. Akin pa talaga ang kinuha
nya.

"You want me to murder that cockroach?" Paglilinaw ko.

Tumango ito. "That cockroach is messing my room! I want him die! Kill him for me
kuya!" Excited nyang wika na patalon-talon pa.

Pabagsak na pumunta ako sa kwarto nya. 'Pagkapasok ko ay hindi pa rin ako


makapaniwala sa ayos ng kwarto nya. Damn! He's just 8 years old! Pero ang theme ng
kwarto nya is black and white at wala kang makikitang kahit na anong stuff toy.

"There!" Turo nya sa ipis na nakapirmi sa isang pwesto.


Nakatago sya sa likod ko at aktong papaluin na ang ipis nang bigla itong lumipad at
lumabas sa nakabukas na bintana. Mahinang napasigaw si Ash dahil don.

"You let him go." Walang emosyong wika nya habang nakahalukipkip sa harapan ko.
Nakatingala ito sa akin at nakakunot ang kanyang manipis na kilay.

"Wala na."

Lumabas na ako ng kwarto nya ngunit ramdam ko pa rin na nakasunod sya sa akin.
Tinahak ko ang hagdan pababa at patungo sa kusina kung saan naabutan ko ang isang
kasambahay namin na nagluluto.

"Paano kung bumalik

sya?"

"Ash, hindi na babalik 'yon."

Nagsalin ako ng tubig sa baso bago nilagok. Napatukod ako sa lamesa na parang
napagod.

"Kapag umalis ba, hindi na babalik?"

"No." Sagot ko at parang may kung anong bagay na bumara sa lalamunan ko at


pakiramdam ko ay may mali sa sinabi ko.

Gusto kong bawiin ang mga katagang 'yon ngunit ayaw gumalaw ng bibig ko. Hindi
lahat ng umalis ay hindi na babalik pa. She'll come back... She need to come back.

Nagmadali akong tumakbo pabalik sa kwarto ko at naabuta kong buhay ang ilaw sa
cellphone ko. Nanginig ang tuhod ko habang binabasa ang sagot sa akin ni Mia.

***

Matthew's Point of View


Tumikhim ako habang pinagmamasdan si Ace na presenteng nakasandal sa upuan habang
hindi maalis ang mata sa kanyang cellphone. Paminsan-minsan ay ngumingisi ito.

Tinapunan ko ng tingin ang test paper ko na hanggang ngayon ay ilang sagot pa lang
ang naisusulat ko. Exam day namin ngayon at ang matalinong si Ace Craige ay
exempted. Hinamon sya ng teacher namin sa isang task tungkol sa isang business at
mukhang wala lang 'yon sa kanya dahil nagawa nya ito. Nakakamangha.

"Sir?" I raised my hand.

Napatingin silang lahat sa akin. Nakakunot ang noo ng Prof namin habang nakatingin
sa akin at naghihintay kung para saan ang pagtataas ko ng kamay.

"Do you believe that honesty is the best policy?"

Mas lalong nangunot ang noo nya sa tanong ko. "What do you mean, Mr. Hart?" Tanong
nito.

"I won't cheat... I'll be honest... But make a promise that you'll still pass me."

Narinig

ko ang mahinang tawa ng mga kaklase ko at si Ace na nakakunot ang noo habang
nakatingin sa akin. Honesty is the best policy. 'Yan na lang ang mga
pinanghahawakan ko sa mga sandaling ito.

"Is that some kind of threat huh?"

"Or I highly suggest, Sir." Tumayo ako nang matikas sa harap nilang lahat. "Konti
na lang ang mga honest na tao ngayon, why not give them a reward? Like giving a
plus points or just passing them. Great idea, right?" I grinned.

Nakangusong lumabas ako ng classroom. Nakasunod si Ace na natatawa.


"What a brilliant idea, Matt."

"Stop teasing..."

Humalakhak ito. Porque matalino ang hilig manlait. At least, honest ako. Hindi ko
kailangang mangopya para pumasa... I'm still proud of myself! May maipagmamalaki
ako--- Forget that failing grade I've got.

"Have a date with me."

Halos mapamura ako nang nasa harap ko na pala si Angel. Bakit ba nakakalusot sa
guard ang babaeng ito? Hindi naman sya nag-aaral dito kaya bawal syang pumasok. I
wonder.

"Uh?"

"Date me, Matthew Hart."

Natawa ako. She is really a desperate. Hindi ko alam pero sa lahat ng babae, sya
ang ayaw ko. Ayoko sa mga babaeng ganito. I mean, babae sila. Hindi dapat sila ang
nag-i-insist ng mga ganito. Damn! They have to be treated like a queen.

Humalukipkip ako sa harapan niya. "And what would you do if I don't want to, baby?"
Hamon ko.

Ngumisi ito. "Prove me you are not a gay." Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya bago

napahalakhak.

I used to it. Alam ko ang mga galaw na ito. Napanood ko na ito sa tv. Hindi ko alam
kung bakit nya pa kailangang gawin ito. Psh.

"Then, I'm a gay."

Nilagpasan ko na sya ngunit huminto ako at nanatiling nakatalikod sa kanya.


"But, I'll prove you were wrong. Lets date."

***

Zein's Point of View

Hindi ko maiwasang mapangiwi habang pinagmamasdan si Ace na halos mamatay sa


kakatawa habang nagdadrive. Pauwi kami ngayon sa bahay dahil tapos na rin naman ang
exam at ito rin ang gusto nila mommy at daddy.

"You have a smart friend, Zein." Natatawa nya pang sabi.

Hindi na ako natawa sa kwento nya kay Matt dahil malala pa ang ginawa nya sa mga
'yon nung high school kami. Matt is Matt. May utak na hindi mo maintindihan at may
mga trip na mahirap sakyan.

"Yeah, kaya nga nagkacrush ako sa kanya."

"You don't have to say that..."

Ako naman ngayon ang natawa dahil sa biglang pagkawala ng mood nya. Dahil sa
ganitong ugali nya ay mas na-e-engganyo akong asarin sya. Pikon ang mokong. Ang
sarap pikunin pa lalo.

"What? That I still have a crush on him?"

"Damn!" Hinampas nya ang manibele at kinagat ang kanyang labi. "Stop it, Zein."
Madiin nyang wika.

Mas bumilis ang pagdrive nya sa kotse kaya alam kong wala na sya sa mood. Beast
mode na naman si Mr. President.
Niyakap ko sya habang nagdadrive sya. Napasinghap ako nang maalimuyak ang kanyang
pabango. Naka T-shirt na asul ito at pants.

"You are jealous..."

"And so what? I have the right,

darling..."

Napangiti na lang ako. Crush ko lang naman si Matt at sya ang mahal ko. Hindi ko
alam kung ano ba ang pagkakaintindi ni Ace sa crush thingy na 'yan at ganiti ang
reaction nya. Hindi naman nakakagulat ang mga babaeng nagkakacrush kay Matt. He has
the look. Still, Ace pa rin naman ako eh.

"Did you know that love is the result of crush multiply by infinite?" I asked.

In short, crush is crush and love is love. They are not related... for me.

Umiling ito at tinapunan ng tingin. "No. Love is combination of Ace and Zein."
Pagtatama nya.

"Sabi mo eh..."

Nanatili kami sa ganong posisyon. Nakabukas ang bintana kaya nakapatay ang aircon.
Pumapasok mula sa labas ang sariwang hangin ng gabi. Nalalanghap ko na ang sariwang
hangin ng probinsya.

"You can stay here." Mainahong sabi ni Mommy kay Ace nang magpaalam na itong
babalik sa Manila.

Napag-usapan namin kasing ihahatid lang nya ako sa bahay dahil ayaw nyang
magcommute ako. Babalik din sya sa Manila para tulungan si Raze sa company since
kawawa rin ang mokong na 'yon dahil tambak sa trabaho.
Mainahong umiling si Ace. "No, thanks. Tita, may importante pa po kasi akong
gagawin." Malambing na wika nito.

"Hon, 'wag mo naman syang pilitin." Natatawang suway ni Dad kay Mom. "Go ahead,
Ace. Salamat sa paghatid sa anak namin. Mag-iingat ka na lang." Tinap ni Dad ang
balikat ni Ace bago pumunta sa kusina.

Napatingin ako kay Ate

Allison na nakangising nakatingin sa amin. "Mas imporante pa ba 'yan kesa sa


kapatid ko?" Hamon na tanong ni Ate.

Sinamaan ko ng tingin si Ate ngunit tumagos lang ang titig nya sa akin papunta kay
Ace na presenteng nakatayo sa harap namin.Matikas ngunit magalang tumindig. Kahit
na maamong tupa sya sa harap ng parents ko ay bakas pa rin ang awtoridad nito sa
bawat pag buka ng bibig.

"No. Zein is not important to me," sagot nito na ikinalaglag ng panga ko. GHAD!
Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko at pinisil 'yon. "Zein is my priority. I
want her to rest even just this weekend. Pagod sya sa pag-aaral." Dugtong nito.
Napangisi ako nang makita ang pag-irap ni Ate. See? My evil sister. Hindi ka
mananalo sa nilalang na ito.

"You're so sweet..." Natatawang wika ni Mommy. "Alright, sige na. Baka mas gabihin
ka pa... Sana minsan pumarito ka naman. Gusto pa kitang makilala. I find you
interesting...." Nakangiting wika niya.

Napangiti ako dahil hindi lang ako ang nahihiwagahan sa lalaking ito. He is still a
mystery to me.

"Of course, Tita. Thank you po."

Nagpresinta akong ihatid si Ace sa labas. Habang naglalakad kami papunta sa kotse
nya ay tahimik kami. Madilim na at gustuhin ko mang pumarito na lang muna sya ay
alam kong hindi na mababago ang isip nya.

Huminto kamo sa harap ng kotse nya kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin.


Humarap sya sa akin at inayos ang buhok ko sa likod ng aking tainga.
"Matulog kang mabuti, 'wag mo

ako masyadong isipin baka hindi ka makatulog." Natatawa nyang wika.

Napapikit ako nang halikan nya ako sa noo. Shit! Sigurado akong mamimiss ko ang
lalaking ito kahit na dalawang araw lang kaming hindi magkikita.

"Mag-iingat ka, Ace."

"Yes ma'am!" Sumaludo pa ito sa akin bago sumakay sa kanyang kotse.

"Goodby---"

"Hey!" Sigaw nya sa akin habang nakadungaw sa bintana. Kahit na madilim ay kitang-
kita ko pa rin ang nakakunot nitong kilay. "What's with goodbye? Magkikita pa
tayo." Pagpapaliwanag nito na ikinatawa ko.
"Alright, I love you then."

"I love you more, darling." Ang mga huling katagang binitawan nito bago umalis.

Napatulala na lang ako sa kawalan. Magkikita pa naman kami pero nakakaramdam na ako
agad ng pangungulila. Damn! Ang oa na miss ko na sya agad.

"That's bad."

Napalingon ako kay Ate Allison na nasa likod ko rin pala habang nakatingin sa daang
tinatahak ni Ace.

"H-Huh?"

Napatingin sya sa akin kasabay ng pagkawala ng isang ngisi sa kanyang labi.


"You shouldn't get too attached for a temporary person."

"Ate!" Gigil na pigil ko sa kanya. Napapikit ako at inalis ang mga katagang
binitawan nya sa isip ko. "Kung ayaw mo kay Ace, please. Huwag ka na lang
magsalita." Madiin kong wika na ikinahalakhak nya.

Sumisikip ang dibdib ko. Ganito naman talaga si Ate eh. Mahilig gumawa ng mga
kwentong walang kabuluhan. Sanay na kami sa kanya pero bakit ganon? Sa pagkakataong
ito ay hindi ko kayang tanggapin ang sinabi nya kahit na pabiro lang 'yon o ano.

"Please, stop it." Pagsusumamo ko.

Lumapit sya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "Hindi mo pa lubusang kilala si
Ace. He hides alot of secret. He is a mystery that's hard to solve. Mag-iingat ka,
Zein. Ayokong makitang dumating ang araw na.... Mawala ang tiwala mo sa lahat."
Bulong nito bago kumawala sa pagkakayakap at umalis.

Natulala na lang ako sa kawalan.

=================
Chapter 9

Chapter 9: Deal

Zein's Point of View

Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis kay Ate Allison dahil sa mga sinabi nya. I
get it, hindi nya gusto si Ace but it doesn't mean na may karapatan na syang siraan
ito. Kung ayaw nya sa boyfriend ko, why not just shut up lalo na kung wala rin
namang kwenta ang lalabas sa bibig nya.

Hawak-hawak ko ang cellphone ko habang papunta sa kusina. Nagpalinga-linga muna ako


para kumpirmahing wala sa paligid si Ate Allison. Hanggat maari ay iiwasan ko na
lang sya. Nagpatuloy ako sa paglalakad at dumiretso sa kusina kung saan si Tita
Mira lang ang naroon. Matagal na namin syang kasambahay.

"Oh, Zein? May gusto ka ba?"

Umiling ako at kumuha ng gatas sa ref at nagsalin sa baso. "Umalis ho ba si Ate?" I


asked habang nagsasalin ng gatas.

I gulped my milk. Umupo ako sa high chair at binigyan ng tingin si Tita Mira.
"Sinong ate?" Tanong nya na ikinakunot ng noo ko.

"Si Ate Allison ho, may iba pa ba akong ate?" natatawang tanong ko na bahagya nyang
ikinabahala.

"A-Ah? Oo-Hindi, baka nasa labas lang." Mabilis na tumalikod sya sa akin at binalik
sa ginagawa nya ang atensyon.

Nilagay ko sa sink ang baso ko at kumuha ng apple sa lamesa nang magvibrate ang
phone ko na inilapag ko sa lamesa. Halos matapilok ako para takbuhin ito.

Parang tumalon ang puso ko nang makita ang message nya sa akin.
"Can't stop thinking of you."

Napakagat ako sa mansanas na hawak ko nang mabasa ito. Shit! Isang message nya lang
ay parang tanga na ako. Mariin kong ipinikit ang mata ko para pakalamahin

ang nagwawala kong lamang loob.

Mabilis na nagreply ako sa kanya habang kagat-kagat ang mansanas. Nanginginig pa


ang kamay ko na animo'y isang artista si Ace na nagreply sa akin na fan na fan nya.
Damn it!

"Umayos ka... No night out, please." I replied.

Hindi naman mahilig gumala si Ace tuwing tabi at mas pinipili nyang manatili sa
loob ng condo namin kasama ako pero kasama nya ang kuya nya. Raze is an ass at alam
kong walang mabuting maidudulot 'yon kay Ace.

Naramdaman kong may dumaan sa gilid ko kaya minabuti ko na lang na ituon ang
atensyon ko sa cellphone na hawak ko. It was Ate. Malamang na kumuha rin sya ng
gatas.

"Umalis na sila mom at dad, Tita?" Dinig kong tanong nya.

"Oo, kanina pa." Nakita kong pinunasan ni Tita Mira ang kamay nya bago hinarap si
Ate. "Maiwan ko na muna kayo. Mamamalengke ako, ubos na stock." Paalam nito.

What?! Kami ni Ate Allison? GHAD! Ayoko nga syang makasama tapos ngayon maiiwan
kaming dalawa? Parang ang awkward non or ako lang ang nakakaramdam nito? Damn,
Zein.

"Uh? Tita, is it ok kung kami na lang ni Zein ang mamalengke?"

Napatingin ako kay Ate na nakatingin sa baso ng gatas ang kanyang mata. Gusto kong
magpumiglas sa sinabi nya. Alam naman nya sigurong iniiwasan ko sya, 'di ba? Bakit
nya pa gagawin ito? UGH!
"Ok lang ba sa'yo, sissy?" Napapikit ako nang mariin nang marinig kong tinawag nya
ang tawag nya sa akin dati.

Tell me... how can I say no? UGH!

"Ako na ang magdadrive."

Suhestyon ko dahil ayokong magdrive si Ate Allison.

She's a reckless driver! Damn! Papatayin nya ang mga kasama nya sa sobrang tulin ng
pagpapatakbo nya! Wala syang pakialam sa mga alituntunin. Red light is still go for
her! There's no limit for the speed. Overtaking even the signs says no. Allison
Shion, the hell driver.

"Gagamitin ba nating kotse ang kay Mom?" Tanong ko nang makitang hindi ginamit ni
Mommy ang kanyang kotse na nakagarahe lang. Malamang na ginamit lang nila ang kay
Dad na malimit nilang ginagawa.

Umiling si Ate Allison kasabay ng pagkawala ng ngisi sa kanyang labi and I am


telling you... It's not good.

"WHAT?!" halos malaglag ang panga ko nang makita ang gagamitin namin. "No way..."
Umiling ako habang tinatapunan ng tingin ang kanyang motor na gagamitin namin.

Gusto kong maiyak sa mga pagkakataong ito dahil alam kong kahit na magmatigas ako
ay sa huli... Sya pa rin ang masusunod.

"Yes, sissy." Sumakay na sya sa motor nya at binuhay ang makina. Halos mabingin ako
nang pinatunog nya ito ng ubod ng lakas habang may ngisi sa kanyang labi.

OH GHAD! Ano itong napasok ko? Pwede pa rin naman siguro akong umatras? Magdahilan?
Masakit ang tyan? LBM? Masakit ang ulo? Ngipin? Puso?

"No excuses my dear little sister." Humalakhak ito. Damn!

Nanginginig na umangkas ako sa likod nya. Nanginig ang katawan ko nang maramdaman
ang buhay na motor nya. Kinagat ko ang labi ko habang hinahayaan syang lagyan ako
ng helmet.

"How about you?"

Tanong ko dahil isa lang ang helmet nya.

"My little sister's safeties first..."

Yumakap ako sa kanya nang maramdamang bahagya nyang pinaadar ang kanyang motor.
Nakangising sumalubong sa amin si Tita Mira na binuksan ang gate.

"Bonding huh?" Puna nya pa na ikinahalakhak ni Ate.

Pagkalabas namin ng gate at hininto nya muna ang kanyang motor. "Hold on, sissy.
This will be fun." Sigaw nya kasabay ng pagtakbo ng sinasakyan naming motor.

FUCK IT! Kahit na sobrang bilis namin ay dinig na dinig ko pa rin ang halakhak ni
Ate. Maraming bumubusina sa amin dahil sa ginagawa ni Ate. Halos lahat ng sasakyan
ay i-over take nya.

Nanginginig ang katawan ko nang makitang pumula na ang ilaw pero diretso pa rin sa
pagpapatakbo si Ate. Mas humigpit ang kapit ko sa kanya at ipinikit na lang ang
mata ko.

God, help me.

Hindi ko na muling iminulat ang mata ko at tanging mga busina at halakhak na lang
ni Ate Allison ang narinig ko. Ito na talaga ang huling pagkakataon na sasakay ako
sa motor nya, swear.

Pagkapark nya sa motor nya ay halos maduwal ako habang sya ay patuloy lang sa
paghalakhak. Masayang-masaya talaga syang nakikitang miserable ang mga pasahero
nya. Parang goal nyang lahat ng aangkas sa motor nya ay maging ganito.

Ngumuso ako. Kahit papaano ay namiss ko ang ganito. Namiss ko ang halakhak ni Ate,
ang mga pang-aasar nya sa akin. It's been a long time... Ate, I miss it.
Ako ang may hawak ng listahan habang

si Ate ang nagtutulak sa cart. Pumunta kami sa meat section at kumuha ng mga
karneng nakalista. Napatingin ako kay Ate na nakanguso.

"This is boring..." Dinig kong bulong nya.

Napailing na lang ako. Ano ba ang hindi boring sa kanya? Ang barilan? Putukan? Mga
dugo? Mga agaw-buhay na eksena? UGH! Abnormal talaga ang isang ito, bagay na bagay
sila ni Raze.

"How's Raze?" Tanong ko habang kumukuha ng mga gatas na nakakahon.

Konti na lang at matatapos na kami. Nagugutom na rin ako kaya siguro, kakain na
lang kami sa isangfast food chain dito sa loob ng mall.

"We're not that close, stop asking." May diing wika nito.

Natawa ako dahil bakas sa tono nya ang pagkairita. Hindi pa naging ganito si Ate sa
mga lalaking umaaligid sa kanya pero sa pagkakataong ito... matatalo ata sya. Si
Raze na ba? Sya na ba ang katapat ng isang Allison Shion?

"He's a jerk..." Dugtong ko.

"Yeah, and an asshole." Dugtong din nya.

Pumila na kami para magbahayad. Mejo mahaba-haba rin ang pila kaya malamang na mag-
aaksaya kami ng ilang minuto rito.

"Zein, ayos ka lang?!" Alalang tanong sa akin ni Ate na ikinakunot ng noo ko.

Napatingin din sa akin ang ilang mga tao rito kaya nakaramdam ako ng hiya. Ano bang
sinasabi ni Ate? Malamang na ok lang ako unless may ligaw na balang tumama sa akin
nang hindi ko man lang nararamdaman.
"Masama ba ang pakiramdam mo?"

"Wha---"

"GHAD! Makakasama 'yan sa baby nyo ni Ace. Sabi pa naman ng doctor na mahina ang
kapit ni baby."

OH MY GHAD! Alam ko

na ang gusto nyang mangyari at gusto ko na lang maglaho sa kinatatayuan ko.

"Ay Ate, mauna na kayo sa pila oh." At marami pang nakisama kaya kami na ngayon ang
nasa pinakaunang pila.

Kagat-kagat ko ang labi ko habang iniiwasan ang nag-aalalang mata ng mga tao sa
paligid.

"Delikado pala ang kalagayan mo ineng. Dapat hindi ka na masyadong naglalabas."


Dinig kong sabi ng matandang babaeng nasa likod ko.

Payak na ngumiti na lang ako habang sinasamaan ng tingin si Ate Allison na pilit
itinatago ang kanyang ngisi.

"Ang bata mo pa para magkaanak... Hay naku, ang mga kabataan nga naman."

Nang matapos na kami ay hinila ko na si Ate palayo roon.

"What was that?!"

"The better plan... I hate boring." Nakangising sabi nya at parang gusto ko na
talagang umuwi.

Mas gugustuhin ko naman ata ang boring kesa ang ganito. Mas lumala si Ate at
kailangan nya ng malunasanan na tanging si Raze the jerk lang ang makakagawa.

"Saan natin ilalagay ang mga pinamili?" Tanong ko nang maalala na nakamotor kami.

May kinuha naman syang maliit na device sa kanyang bulsa at may pinindot doon. "2
minutes." Wika nya sa device na 'yon bago muli itong ibinalik sa kanyang bulsa.

"Para saan 'yon?" Tanong ko ngunit umiling lang sya.

"2 minutes." Sabi nya na ginawa naman namin.

Napasapol ako sa aking noo nang maalala na nakalimutan ko pala ang cellphone ko sa
lamesa. GHAD! Baka may reply na si Ace. Bakit ko ba kasi

nakalimutan? UGH! Dahil kay Ate, masyado nyang niyanig ang sistema ko na nagkalabo-
labo na ang isip ko.

Wala pa mang 2 minutes ay may isang lalaking pumunta sa harap namin. Naka sun glass
ito at naka blazer na itim. Binigay ni Ate ang mga pinamili namin at tinguan ang
lalaking mabilis na nawala sa mata namin.

"I'm hungry..." Humawak pa ito sa kanyang tyan.

Ako na ang namili ng kakainan namin at ang napili ko ay ang isang fast food na may
figurine na bubuyog na kulay pula.

"You sure? Gusto mo talaga rito?" Tanong nya. Sinabi ko na ang mga order namin sa
cashier at binigyan kami ng number.

Umupo kami sa bakanteng pangdalawang upuan at ipinatong ang number na ibinigay sa


amin sa lamesa.

"Sabi ko sa'yo gulay hindi ba?" Sabi niya.

Si Ate Allison ang naghikayat sa akin na mahiligan ang gulay pero marami nang
nangyari. Mahilig pa rin naman ako sa gulay pero hindi ko naman maaaring itakwil
ang impluwensya ng isang lalaki sa akin.

Dumating na ang order namin at tahimik kaming kumain nang magbivrate ang phone nya.
Pinanuod ko syang basahin ang nagmessage sa kanya na nagpangisi rito.

"Finally, he accepted my deal." Nakangising wika nya.

"Uh?" Nalilito kong wika.

Ngumisi ito sa akin at pinunasan ng tissue ang kanyang bibig. Ramdam ko ang
excitement sa aura niya. Nararamdaman ko na naman ang action but this time, ano na
namang klaseng action?

"I have a deal with someone..." wika nya sa akin. "Kapag nanalo sya ay hindi ko na
sisiraan ang kanyang kapatid sa'yo pero kapag ako ang nanalo... Titigilan na nya
ako sa pangungulit niya." Humalakhak ito.

Kumunot ang kilay ko bago napagtanto ang kanyang sinabi. GHAD! Ano raw?

"S-Sinong ka deal mo?" Tanong ko kahit na alam ko na kung sino ang tinutukoy nya.
Hawak-hawak ko ang hininga ko habang hinihintay ang kanyang sagot.

"Race deal with Raze Silvenia."

=================

Chapter 10

Chapter 10: Enjoy

Zein's Point of View

Tumingala ako para tignan ang mga bituwin sa langit na animo'y kumukutitap. Lumabas
ako sandali para magpahangin. Nanunuod ng T.V sina mommy at ate sa loob habang si
dad naman ay nasa office room nya rito sa bahay.
Napapikit ako at napangiti nang yakapin ako ng malamig na hangin ng gabi.
Pinanatili ko ang pagkapikit ng mga mata ko para damhin ang paligid. I miss him...

Ano kayang ginagawa nya ngayon?

Nakakunot ang noo habang nag-aayos ng mga papel? Seryosong nakikipag-usap kay Raze?
Nakikipag deal sa mga partner nila sa negosyo? Damn it!

Iminulat ko ang mata ko at pinagmasdan ang christmas tree ng bahay namin na nasa
gilid. Nakakatulala ang pagpatay sindi ng mga iba't-ibang kulay ng ilaw nito. The
christmas is getting near and I want to spend it with my whole family and of
course... with him.

Napangiti ako nang maalala 'yong unang pasko na nakasama ko si Ace na halos buhusan
ko ng tubig para lang bumangon para sa noche buena.

"Ace..."

"Hmmm?"

Ngumuso ako dahil binalot nya ang sarili nya ng kumot. Dito na sya pinatulog ni
daddy dahil delikado kung magbibyahe pa sila ng alas dose para pumunta rito dahil
napag-usapan na namin na dito sila magpapasko ni Raze na nasa labas na at
humahalakhak.

"Ace! Pasko na! Wake up!" Gigil na wika ko.

Hinila ko ang comforter nya na ikinanguso nito. Napangiti ako nang unti-unting
minulat nito ang kanyang mapupungay na mata. Kinusot nya ang

kanyang dalawa mata at nagtatakang tumingin sa akin.


"Why?" Tanong nito.

Hinambalos ko sya ng unan sa mukha na ikinatawa nya. Bumangon sya at umupo sa


harapan ko.

"Noche buena..." wika ko. "Merry christmas." Bulong ko.

Tumingin ito sa wall clock. "Twelve o'clock? Pasko pa rin naman kapag alas otso ako
gumising ah?" Reklamo nito.

Napapadyak na lang ako sa pagkadismaya. UGH! Buti pa si Raze. Hindi natulog at


buong magdamag na humahalakhak habang kakwentuhan si daddy.

"Ewan ko sa'yo..."

Tumalikod na ako at aktong aalis na nang hawakan ang kamay ko at hilain ako para
yakapin. Namula ako habang dinadama ang katawan nyang nakabalot sa akin.

"Merry christmas, darling..."

Napapikit ako nang taniman nya ako ng halik sa noo. This is damn ugh sweet and
uhmmm... I love it.

Napabalikwas kami ni Ace nang pabagsak na binuksan ang pinto. Iniluwal nito si ate
na nakataas ang kilay.

"Akala ko gigisingin mo lang sya? Why are you hugging each other?"

Namula ako at bumangon sa kama para ayusin ang damit kong nakagusot. Ang lakas
talaga ng pandama ng babaeng ito, parang alam nyang may mangyayaring ganito para
tutulan nya.

Sumilip sa likod nya si Raze na may hawak na hotdog na nakastick. May santa claus
hat pa sya sa ulo at nakangisi.

"Merry christmas!" Sigaw nya kaya mabilis na tinapalan ni ate ng kamay nya ang
bibig nito.

"Sshhh... Shut up, hindi ako nakatulog sa tawa mo."

Inis na naglakad ito palayo at mabilis na sinundan naman sya ni Raze na


humahalakhak. Napailing na lang ako at tinapunan ng tingin si

Ace na nagliligpit ng pinaghigaan.

"Labas ka na lang..." Wika ko bago lumabas sa kwarto nya.

Naabutan kong bitbit ni ate ang tray ng mga hotdog at inilalayo kay Raze na gusto
pang kumuha. Natatawa na lang sa kanila si Tita Mira.

Saktong kakababa lang nila mommy at daddy na magkahawak kamay. Malaki ang ngisi sa
kanilang labi habang dahan-dahang bumababa ng hagdan.

"Merry christmas." Bati ni mommy.

Humalik kaming dalawa ni ate sa kanilang dalawa ni daddy habang bumabati pabalik.

Hinawakan ni ate ang tshirt ni Raze nang aktong hahalik din ito sa mga magulang
namin.

"A simple greet will do." Matigas na wika nito.

Kumamot sa batok si Raze. "Maligayang pasko ho." Bahagyang yumuko pa ito na


mahinang ikinatawa nila dad at mom.
"Where is Ace?" Tanong ni dad kasabay ng pagbukas ng pinto ng guest room.

Lumabas si Ace na basa pa ang buhok. Ngumiti ito sa amin nang makita kami. Humalik
ito sa pisngi nina mommy at daddy kasabay ng pagbati nito.

"Unfair..." bulong ni Raze habang kagat-kagat ang hotdog.

"Tara na, kain na." Aya ni Tita na nakadungaw sa kusina.

Naunang pumunta roon si mommy at daddy kasunod si ate na hawak-hawak pa rin ang
laylayan ng tshirt ni Raze.

Napangiti na lang ako. Masaya naman ang pasko namin dati eh pero mas masaya ngayon
dahil sa dalawang nakisali.

Nabalin kay Ace ang tingin ko na nahuli kong nakatingin sa akin.

"What?"

Tanong ko.

Lumapit ito sa akin at inayos ang nakakalat na hibla ng hubok ko sa likod ng tainga
ko. "Someday, we will also celebrate our wedding anniversary." Nakangiting sabi
nito.

Kinagat ko ang labiko dahil gusto ko rin 'yon. We will celebrate every occasion
together with our kids... someday.

"Kakain kayo o hindi?" Tanong ni ate na nakadungaw sa kusina.

Inikutan nya kami ng mata bago bumalik sa loob. Inalis ko na ang pagkakahawak ng
kamay ni Ace sa kamay ko ngunit binalik nya lang 'to ulit. Hindi na ako nagpumilit
kaya hawak-kamay kaming pumunta sa dinning area.
"Hawak-kamay, 'di kita iiwan sa paglalakbay~" Kanta ni Raze habang nakatingin sa
lechon.

Umupo kami sa tabi ni Raze. Nasa gitna si dad habang nasa harap namin si ate at
mommy na nakatingin sa amin.

"Tita, pwede na ba?" Tanong ni Raze habang nginunguso ang lechon.

Ngumiwi si ate Allison sa kanya. Mahinang tumawa si mommy at daddy sa sinabi ni


Raze na masiglang kinukurot ang balat ng lechon.

"Kuya..."

Sinulayapan ni Raze si Ace na nakanguso. Malamang na nahihiya ito sa inaasta ng


kuya nya habang si Raze naman ay inosenteng ngumunguya lang.

"Hmmm? Gusto mo?" Alok nya kay Ace.

Umiling si Ace at nahihiyang ngumiti sa akin. Natawa na lang ako dahil sa itsura
nya. "Okey lang, sanay na kami." Natatawa kong bulong sa kanya.

Kumain na kami. Tahimik na kumakain lang kami ni Ace habang nagkukwentuhan sina
mommy at daddy. Si Raze naman ay nakaupo sa lababo habang may hawak na platito ng
lechon at nakikipagkwentuhan kay Tita Mira na kumakain ng fruit salad.

"Vegetarian

ka rin, Ace?" Tanong ni ate Allison nang makita ang vegetable salad na kinakain ni
Ace.

Tumulala na lang ako kay Ace na pinupunasan ang bibig. "Nope actually...
influenced." Tinapunan nya ako ng tingin.

Bumagsak ang mata ko sa platito nya na puro gulay.


"You don't eat spinach?" Tanong pa ni ate nang makitang hindi kumuha no'n si Ace.

"Allergic sa spinach." Sagot ko.

Umawang naman ang bibig ni ate na tumagos ang tingin kay Raze. "Pareho pala kayo ni
Mr. Red Eye." Manghang sabi pa nito.

Napatingin sa amin si Raze. "Narinig ko ang gwapo kong pangalan." Mahinang sigaw
nito.

Napailing na lang ako. Mahangin ang kapatid ni Ace. Si Ace? Hindi nya nga ata alam
na gwapo sya eh dahil hindi nya napapansin ang mga mata ng mga babaeng nakasunod sa
kanya habang naglalakad sya. Or maybe, alam nya pero hindi lang nya pinapansin.

Hinila ako ni Ace papasok sa guest room at may kinuha sa ilalim ng kama.

Halos tumalon ako sa tuwa nang makita ang heart shaped candy na ibinigay nya sa
akin.

"Why candy?" Tanong ko.

"Uh? I love that." Turo nya sa candy na hawak ko. "Favorite ko yan eh." Aniya pa.

Napatunganga na lang ako dahil sa sagot nya. Seriously? Bibigyan nya ako ng regalo
at ang rason nya ay dahil gusto nya ang regalo na 'yon. Mas napailing ako nang
titig na titig sya sa candy na hawak ko.

Tumawa ako at hinati ito....

"Share tayo."
Napapailing na lang ako habang inaalala ang mga nangyari nong pasko na 'yon.
Nakakatanga at the same time, nakakakilig. Pakiramdam ko

nga ay buhay na buhay pa rin sa loob ng katawan ko ang candy na ibinigay nya sa
akin.

Naramdaman kong umupo sa tabi ko si ate.

"Kailan mangyayari ang deal nyo?" Tanong ko.

Gusto kong manood at masaksihan 'yon. Hindi ko alam kung sino ang mananalo pero
malakas ang kutob ko na si ate dahil bihasa na sya sa ganong bagay.

"Uhmm... 'Di pa namin napag-usapan." Sagot nito. "Siguro, nananalangin ka na ngayon


na matalo ako." Ngumuso ito.

"Sana matalo ka."

Humalakhak ito. "Let see..." Ngumisi ito. "Matulog ka na dahil isasama kita bukas
sa training." Sabi niya.

Napatingin ako sa kanya at umaasang nagbibiro lang sya pero hindi. Seryoso ito at
ngayon pa lang ay nananalangin na ako na sana hindi ma dumating ang bukas.

***

Ace's Point of View

Iniwasan ko ang nagsusumamong tingin sa akin ni kuya na nakanguso habang nakatingin


sa akin.
"Alas..."

"Ayoko..."

Naramdaman kong hinila nya ang damit ko. Hindi ako nagpatinag at nanatili akong
nakatingin sa mga papel na nasa harap ko.

"Ngayon lang naman eh."

"Ikaw na lang."

"Ganon? Okey, I'll call Zein."

Mabilis na lumipat kay kuya ang aking mga naniningkit na mata. Ngumisi ito na
animo'y nagwagi na sa laban.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse ni kuya habang sya ay sumisipol na
nagdadrive.

"This is a warning. Call Zein even just once, I won't help you again."

"Woa.
Easy... I love you, bro."

Pinark nya agad ang kotse at sabay kaming pumasok sa isang bar at halatang kilala
na si kuya rito dahil binati sya ng mga guard.

Halos mabingi ako sa lakas ng stereo sa loob. Parang yumayanig na ang lupa sa lakas
nito habang si kuya naman ay bahagyang napapaindak.

Humalakhak ako. "You suck dude." Biro ko.

"You dickless guy.. don't know how to dance?"

Humalakhak ako. Ako pa talaga ang hinamon nya. Hindi na lang ako pumatol sa kanya
at dumiretso na lang ako sa dulo. Umupo ako sa isang upuan at kinapa ang cellphone
ko sa bulsa ko.

Magpapalipas na lang ako nang oras habang hinihintay si kuya na magpakasasa rito.

Napangiti ako nang makita ang isang text mula kay Zein. Bago lang ito.

"You sleep? want to talk to you."

Mabilis na pumindot ako sa mga letra para sumagot sa kanya. Nanginig pa ang kamay
ko dahil sa excitement.
"Can't sleep... thinking of you."

I lied. Damn it! Sasabihin ko rin sa kanya ito dahil ayoko namang maglihim sa
kanya.

Hinintay ko ang reply nya. Inikot ko ang mata ko sa paligid ko ay parang mahihilo
ata ako sa mga tao. Napatalon ako sa gulat nang may humawak sa hita ko.

"Don't touch me." Pigil ko sa babaeng kagat-kagat ang labi.

Lumayo ako ng konti sa kanya dahil delikado. Halos mapairap ako dahil sa ginawa
nya.

"Alone?" Tanong nya nang makitang waka akong kasama. "You want?" Dinilaan nito ang
kanyang labi. Napairap na talaga ako.

Umiling ako at dumistasya sa kanya nang bigla nya akong niyakap. Napamura ako nang
idiin nya sa akin ang dibdib nya. Nanindig ang balahibo ko dahil sa ginawa nyang
iyon.

Hindi pa sana ako makakabalik sa huwisyo nang tumunog ang cellphone ko. Nanginig
ang katawan ko nang makita ang pangalan ni Zein. Tumatawag sya.

Tinulak ko ang babae palayo sa akin. Wala akong pakialam kahit na matumba sya.

"Leave me alone!"
"Babe, it is free... for you."

Kinagat ko ang labi ko habang naglalakad palabas. Shit! This aint good.

Palabas na ako nang makita ang cellphone kong umaandar na ang timer. Napapikit ako
nang makitang mukhang kanina ko pa nasagot ang tawag nya at malamang na narinig na
nya ang lahat.

Napasandal ako sa wall habang nakatitig sa screen na patuloy na umaandar ang timer
ng call.

Natatakot akong itapat ito sa aking tainga. God! Zein.

Pagkalabas ko ay mabilis na itinapat kong muli ang cellphone sa tainga ko ngunit


pinatay na nya ang call.

Mas nanlamig ako nang makita ang bagong pasok na message nya sa akin. Nagdalawang-
isip ako kung babasahin ko ba pero sa huli ay binuksan ko rin.

"Enjoy."

=================

Chapter 11

Chapter 11: Training


Allison's Point of View

Itinikom ko ang bibig ko nang makita si Zein sa sofa. Akala ko gigisingin ko pa sya
mula sa pagkakahilata pero mas nauna pa pala syang magising.

Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng gatas. Naabutan ko si Tita Mira na
naghihiwa ng gulay.

Umiwas ito ng tingin kaya napailing na lang ako.

Matapos kong uminom ay bumalik na ako sa salas. Ganon pa rin ang position ni Zein
at halatang malalim ang iniisip nito. Napangisi ako dahil maganda ang pakiramdam ko
para sa araw na ito.

Pumunta ako sa harap nya at gaya ng inaasahan ko ay hindi nya ako napansin. Mukhang
masyadong malalim ang iniisip nya para hindi maramdaman ang presensya ko.

Tumikhim ako para nakawin ang atensyon nito. Umawang ang bibig ko nang makita ang
pagtaas nito ng kilay na halatang nainis sa pagputol ko sa mga iniisip nya.

"Ready?"

Tumango ito at nauna ng lumabas. Ngayon ko sya balak dalhin sa training place namin
kung saan tinuturuan lahat ng gustong matuto ng self defense. Itinuturo rin doon
ang tamang paghawak sa baril at paggamit nito.
Akala ko aangal sya nang ilabas ko ang motor ko ngunit tahimik lang na umangkas ito
sa akin.

Ngayon, curious na ako. Anong nangyari?

"Wha---"

"Don't talk to me."

Napairap ako nang sungitan nya ako. Seryoso lang ito na nakatingin sa malayo na
animo'y maraming iniisip. Damn! Tahimik ngunit mapanganib.

Naka max speed ang motor ko at halos blured

na lang ang nakikita namin sa gilid pero wala akong narinig na reaksyon kay Zein.

UGH! This is boring...

Nang marating namin ang lugar ng training ay saglit nya lang ito tinignan bago
naunang pumasok sa loob na animo'y sanay na sya sa lugar na ito. Dinala ko na sya
rito, pero matagal na 'yon. High school pa lang sya kasama ang mga kaibigan nya.
Nadatnan ko syang nakahinto sa entrance habang poker face na tinititigan ang guard
na pumigil sa kanya sa loob. Napalunok ako dahil baka may gawing kung ano ang
babaeng ito.

Marami nang nangyari. Hindi ko na sya lubusang kilala at hindi ko na alam kung
hanggang saan na ang kaya nya. Galing sya sa Hell University! Kasama sya sa
nagpabagsak ng impyernong 'yon. Iyon ang mission na tinanggihan ko.

Hindi naman sa natatakot ako pero ayokong makulong sa lugar na 'yon gaya ng
nakasaan sa task na gagawin ko. Kailangan kong pumasok sa impyernong iyon bilang
estudyante. I hate boring! I could even make that place explode in a snap. UGH!
Pero hindi 'yon ang gusto nilang mangyari kaya tinanggihan ko.

"Let me in." Malamig na wika ni Zein.

Pumagitna na ako sa kanila. Tumango na lang ako sa guard dahil kilala na ako rito.
Gumilid ito pero tinawanan nya si Zein.

Oh no...
Napapikit na lang ako nang tadyakan ni Zein ang table ng guard na ikinabaliktad
nito. Hinawakan ko ang kamay ni Zein na nanginginig at hinila na sya palayo ron.

Hindi ko alam kung

anong nangyari, bakit ganito si Zein pero alam kong lahat ng ito ay dahil lang sa
isang lalaki. Hindi ko maiwasang mamangha sa lalaking 'yon na napaibig nya si Zein.
Si Zein na laro lang ang pag-ibig sa kanya.

Dinaanan namin ang mga nag-eensayo. Bawat isa sa kanila ay may nagtuturo. Mga pang
self defense lang naman ito.

Alam kong hindi na kailangan ni Zein ang ganito sa pero gusto ko pa rin syang
makita.

"Zein, want to try?" Alok ko.

Tinawag ko ang isang lalaki at inutusang atakihin si Zein na poker face lang. UGH!
Hindi tuloy ako na-e-excite. Psh.

Aktong aatakihin na sya ng lalaki pero tinalikuran lang nya ito at naglakad palayo.
Napakamot na lang sa batok nya ang lalaking trainer sa ginawa ni Zein. Maging ako
ay natawa na lang dahil sa kasungitan nya.

Hinabol ko si Zein na titig na titig sa isang room na made up of transparent glass.


Sa loob no'n ay may nagta-train kung paano humawak ng baril. Hindi namin naririnig
ang mga putok sa loob dahil soundproof ito at kung sakali man ay ang buong kwarto
rin na ito ay bulletproof. Hindi tumatagos ang bala sa mga salamin. Long range
weapons.

Mukhang naintindihan ko naman ang gusto ni Zein base sa panunuod nya sa kanila.
Marunong na syang humawak ng baril pero dahil mukhang interesado pa sya ay pinasok
ko sya sa loob.

Pagkapasok namin ay isang open field ang tumambad sa amin. Ngayon ay dinig na dinig
namin ang mga putok ng baril ay pagsabog ng mga bomba. May medical team sa paligid
para sa emergency.

"Ally?

Woa! Mag-eesayo ka rin?" Tanong sa akin ng lalaking nakangiti. Jazz Clarkson.

I rolled my eyes. Mukha ba akong mag-e-ensayo? Hindi ko na kailangang mag-ensayo. I


am already best in this.
"Nope... My sister." Nguso ko kay Zein na pinagmamasdan lang ang mga bagong
trainee.

Gusto kong matawa kapag nakikita nyang hindi tumatama ang mga bala sa mga targets.
Mukhang naboboring sya sa mga ito.

"Kambal mo?"

"Nah..." Sagot ko bago sya sinamaan ng tingin. "Bakit ba andami mong tanong?"
Iritang tanong ko.

Humalakhak ito na ikinailing ko. Nakikita ko tuloy sa kanya ang lalaking gustong-
gusto kong barilin. UGH! Kung pwede lang sana para dalawa ng mata nya ang maging
pula. Ngumisi ako sa naisip ko.

"Try her..."

Tumango si Jazz sa akin at nilapitan ang kapatid ko. Tinaasan sya ng kilay ni Zein
na mukhang walang balak kausapin ito. Natawa si Jazz sa inasta nya at mukhang hindi
'yon nagustuhan ni Zein dahil nagseryoso ang mukha nito.
Hindi naman ako nag-alala para kay Jazz sa maaring gawin sa kanya ni Zein dahil
kung ikukumpara siya kay Zein... Hindi mananalo si Zein.

Jazz Clarkson. Maituturing ko sya ang isa sa mahigpit na kakumpitensya ko sa


larangan na ito. Kapag humawak sya ng baril ay mas sumasaya sya. Huwag na huwag mo
syang gagalitin kapag may hawak syang baril.

Umiling sa kanya

si Zein na mukhang hindi interesado sa inaalok ni Jazz. Ngumiwi si Jazz at tumingin


sa akin na mukhang sumusuko na agad kay Zein.

Kinagat nito ang labi nya at kinuha ang baril sa kanyang bulsa at binigay kay Zein.
Inayos nito ang kanyang buhok 'pagkabigay nya no'n. One more thing about Jazz,
guluhin mo na lahat huwag lang ang buhok nya.

Pumunta si Jazz sa mga targets para ituro kay Zein. Naistatwa ito sa kanyang
kinatatayuan nang itutok ni Zein ang baril sa direksyon niya.

Namutla ito at napalunok. Umupo ako sa bench at pinanuod ang scene na ito.
"Tangina!" Mura ni Jazz nang kalbitin ni Zein ang baril.

Umiwas ito at tumama ang bala sa target. Napanganga ako sa ginawa ni Zein kasabay
ng pagbulusok ng sabay-sabay na bala at ang mga malulutong na mura ni Jazz habang
mabilis na iniiwasan ito.

Sa unang pagkakataon ngayong araw.... nakita kong ngumiti si Zein. Ghad! Hindi ko
na talaga sya kilala.

Lahat ng narito ay tumigil para tignan ang babaeng nakangiti at nagpapakawala ng


mga bala na sabay-sabay na bumubulusok sa ere. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa
mga mata nila habang nakatingin kay Zein.

UGH! She's good.... I admit it.

Nawalan na ng bala si Zein ngunit may isa pang target na nakatayo. Akala ko titigil
na sya pero ibinato nya nang ubod ng lakas ang baril at tumama sa target na
tumalsik sa ibang bahagi ng area na ito.
Nabingi ako sa katahimikan. Matapos ang pagpapakawala nya ng bala ay tumahimik ang
paligid. Lahat ng target ay bagsak at si

Jazz ay naiiling na lumapit sa akin.

"She's dangerous.... Magkapatid nga kayo." Bulong nito habang umiinom sa mineral
water nya.

Napangisi ako nang may maisip na idea. Nilapitan ko si Jazz at may ibinulong.
Nanlaki ang mata nito sa sinuggest ko.

"S-Seryoso ka?!"

Tumango ako at pinagmasdan si Zein na nakatingin sa mga weapons kung saan naroon
ang mga iba't-ibang klase ng baril at bomba.

"Baka mapahamak sya. Yeah, she's good but---"

"No buts..."
Nilapitan ko si Zein at inayang sumama sa akin. Pumunta kami sa isang room kung
saan madilim. Wala kaming makita na kahit na ano.

"Seryoso ka ba talaga?" Dinig kong tanong ni Jazz.

"Zein, you can do this."

Iniwan namin sya sa loob ng madilim na room na iyon. Lumabas kami at humarap sa mga
monitor. Kitang-kita namin si Zein na mukhang nawe-weirduhan sa lugar.

I pressed the speaker. "Zein, you can do this." Wika ko na alam kong narinig nya.

I have to do this. Kailangan kitang sanayin. Kung bihasa ka na, kailangan mo pang
maging mas bihasa. Inihahanda lang kita sa mga napakaraming posibilidad para hindi
mo na ako kailanganin. Maraming pagsubok pa ang pagdadanan mo.

Huminga ako ng malalim at pinindot ang isang button. Nagliwanag ang paligid.
Napangisi ako nang makita kong nanlaki ang mata nya.
Nasa loob sya ng illusion. Hindi ko alam kung anong illusion pero alam kong hindi
'yon basta-basta.

Humigpit ang hawak ni Zein sa kanyang baril.

"Ikaw ang may kasalanan kapag may nangyaring masama sa kanya." Nababahalang wika ni
Jazz na seryoso ring nakatingin kay Zein.

Ngayon, ipakita mo kung hanggang saan ang kaya mo. Handa rin naman akong pindutin
ang stop button kapag alam kong lumagpas na ako sa line. This is the most dangerous
stage of training... the last stage.

Kailangan nyang makalabas sa illusyon na 'yan. Nasa likod nya lang ang pinto pero
dahil hindi nya 'yon nakikita ay matatagalan sya sa loob. May mga kalaban sya sa
loob. Mga illusion.

Napangiti ako nang magpaulan ng bala si Zein. Napakagat ako sa aking labi nang
makita kong tumumba sya.
"Stop it!" Sigaw ni Jazz ngunit hindi ko ginawa.

Hindi agad susuko si Zein.

"Ate! Ilabas mo ako rito!" Sigaw nya.

Umiling ako nang makitang tumakbo sya sa kabilang bahagi ng training room.
Nagpakawala ulit ito ng bala sa mga illusion.

"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag hindi ko pa ako inilabas dito!" Sigaw
nya ulit.

Kumunot ang noo ko. Anong ibig nyang sabihin? Nanlaki ang mata ko at nalaglag ang
panga ko nang makita ang inilabas nya sa kanyang bulsa.

"FUCK!" Sigaw ni Jazz.


Hindi ko napindot ang stop button. Natigilan ako at hindi agad nakagalaw. Huli
na... Umalingawngaw ang pagsabog mula sa bombang dala ni Zein.

Nasira ang mga monitor at dinig na dinig ko ang pagsabog ng mga salamin at
pagdagundong ng paligid.

Fuck.... Just fuck it.. FUCK!

=================

Chapter 12

Chapter 12: Allison

Allison's Point of View

Tumango ako sa doctor bago ito lumabas ng kwarto. Tumingin ako kay Zein na nakaupo
sa kama at may benda ang sugat sa kaliwang braso na natatakpan ng puting tela.
Tulala ito sa bintana.

Kinagat ko ang labi ko. Naiinis ako sa sarili ko. Lumabas ako sandali para
magpahangin. Pinagmasdan ko ang mga bulaklak sa garden nitong hospital but I just
can't appreciate it.

"Kamusta na sya?"
Tumingin ako kay Jazz. Pinilig ko ang ulo ko. Ramdam ko pa rin ang lakas ng pintig
ng puso ko. Nang marinig ko ang pagsabog at pagkabasag ng mga salamin, parang
nawala ako sa sarili ko. Nagdilim ang lahat sa akin.

"Mukhang mababawasan pa ata ang ipon mo." Natatawang wika nya. "Malaki-laking
halaga ang napinsala ng kapati--"

"At sa tingin mo may pakialam ako doon?" Bumigat ang paghinga ko na ikinatahimik
nya. "Sa tingin mo hindi ko kayang gastusin lahat ng perang pinaghirapan ko para sa
kapatid ko? Iniisip mo ba na mas importante ang pera kesa sa kapatid ko?"

"No.. That's not what I mean. Sorry."

Pinihit ko ang paa ko para umalis na doon. "Kapatid ko ang pinag-uusapan dito.
Kadugo ko. Mahal ko. Wala akong pakialam sa mga material na bagay dahil kapag buhay
ng kapatid ko ang nanginib... maglalaho ang lahat ng pangarap ko." Nanginig ang
boses ko kaya minabuti ko ng bumalik sa loob.

Kasalanan ko ang lahat, alam ko. Hindi ko dapat sya binigla. Hindi ko sana sya
nilagay sa panganib. Tangina! Gusto kong murahin ang sarili ko. Nakakainis! Dahil
sa akin muntik ng mapahamak ang kapatid

ko.

Naabutan kong ganon pa rin ang posisyon nya. Tulalang nakaharap sa bintana. Hindi
ko alam kung anong iniisip nya. Galit kaya sya? Maiintindihan ko.

"Z-Zein..." Umupo ako sa tabi nya ay niyakap ang kanyang likod. "Sorry... Sissy, I
am so sorry." Bulong ko.

Naramdaman kong hinaplos nya ang kamay ko at parang nawala lahat ng hinanakit ko sa
aking sarili dahil doon. Oh God! I love my sister that much.

"Wala 'yon."

Humarap sya sa akin na nakangiti. Hinawakan nya ang pisngi kong hindi ko
naramdamang basa ba. Pinunasan nya ang luhang dumaan roon nang nakangiti.
"You are crying... I thought big girls don't cry."

Napangiti ako nang maalala na sinabi ko sa kanya 'yon. Ayokong nakikita syang
umiiyak. Ayoko sa mahinang tao at ayokong maging ganoon ang kapatid ko. Pero
mukhang ako ngayon ang naging mahina.

"H-Hindi mo ito sasabihin kay Ace."

"Nasabi ko na."

Napailing na lang ito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina kaya natawagan ko
ang lalaking 'yon. Dinig na dinig ko ang pagbigat ng hininga nya sa kabilang linya
nang sinabi ko sa kanya ang nangyari. He cares too much for my sister. Ngayon,
mukhang naiintindihan ko na kung bakit nahulog ang isang Zein Shion sa isang Ace
Craige.

Napangiti ako.

Nagulat kami nang pabagsak na bumukas ang pinto at iniluwal nito si Ace na kagat-
kagat ang labi.

Tumikhim ako at lumabas.

***

Zein's Point of View

Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin kay Ace na nanatiling nakatayo sa
pinto. Mariin ang pagkakakagat nya sa kanyang labi at kitang-kita ang labis na pag-
aalala sa kanyang mapupungay na mata.

Lumapit sya sa akin. "You are hurt." Bulong nya kasabay ng pagbalot nya sa akin.
Napangiti na lang ako nang marinig ang malulutong nyang mura. Marami syang sinasabi
pero parang nabingi na ako sa lakas ng pintig ng puso ko. All I can hear is my
pounding heart and the scream of love.

"Nasaktan ka. Wala ko sa tabi mo." Kumawala ito at tumayo. Naghahabol ito ng
hininga at alam kong nagpipigil sya ng galit. "Tangina!" Sinipa nya ang maliit na
lamesa na ikinapikit ko.

Lumikha 'yon nang nakakabinging ingay at alam kong nasira 'yon. Bumukas ang pinto
at iniluwal nito ang isang nurse na nag-alanganin pa kung papasok.

Nanatiling nakatayo si Ace sa gilid ko habang hinahayaang i-check ng nurse ang


sugat ko. Dinig na dinig ko pa rin ang mahihinang mura ni Ace.

"P-Pwede ka ng makauwi mamaya kung gusto mo since maliit na sugat na lang ang
natamo mo."

Kinuha nito ang alluminum na tray at lumabas. Halos takbuhin nito ang daan palabas
na ikinangiti ko. Nakakatakot naman kasi ang presensya ni Ace na tikom ang bibig.

"Does it still hurts?" Umupo sya sa tabi ko. Mas kalmado na sya ngayon habang
nakatingin sa sugat na natamo ko. "Just tell me, darling. I'll bring you the best
doctor." Bulong nito.

Umiling na lang ako. Bumuntong-hininga ito at hinawakan ang pisngi ko. Kinagat ko
ang labi ko nang maramdaman ang malakas na boltahe ng kuryente na dumaloy doon kaya
mabilis na iniwasan ko ang kamay nya. Damn!

"You mad?" Tanong nya. "Darling, I am sorry." Bulong nito.

Lumunok ako. Naalala ko ang naging usapan namin nung isang gabi. Aaminin ko,
nagselos ako pero hindi ako galit. Hindi ko sya maaring pigilan sa mga bagay. Hindi
ko sya pag-aari.

"You are really mad... I understand."


Tumingin ako sa kanya at sinabayan ang malalim nyang titig. Hinang-hina ang kanyang
mata. Pumupungay ang mga 'yon at halatang kulang sa tulog.

"I'm not mad, juts jealous." Sambit ko. 'Yon ang katotohanan. Wala akong karapatang
magalit pero may karapatan akong magselos. Boyfriend ko sya, girlfriend nya ako. I
have the right.

Hindi ako mababaw na tao. Hanggat kaya ko, iintindihin ko ang lalaking katabi ko.
Kahit na dumating ang araw na mawala man ang pagtingin nya sa akin, hindi ako
magagalit.

Nangunot ang noo ko nang makita ang kotse ni Ace. Mabilis na iniliko nya ang daan
namin at nilagpasan ang kanyang kotse na ikinakunot ng noo ko.

"That's your car..."

Umiling ito pero hindi nakatingin sa akin. "Hindi ko 'yon kotse." Maikling sagot
nito bago sinenyas ang cellphone nya dahil may tatawagan ito.

Muli kong sinulyapan ang kotse. Hindi ako maaaring magkamali. Kotse 'yon ni Ace
pero bakit ganon? Puno ng tama ng baril? Sino ang may gawa no'n?

Tumingin ako kay Ace na seryosong nakikipag-usap

sa kanyang cellphone. Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila dahil malayo sya sa
akin. Kitang-kita ko pa rin ang mabigat na paghinga ni Ace. Parang pagod na pagod
ito.

Nakangiting bumalik sya sa akin. Muli nyang sinulyapan ang mga sugat ko. "I'll talk
to your sister later." Wika nito.

"No... baka may sabihin na naman syang hindi maganda sa'yo."

Natatakot akong baka ano na naman ang sabihin nya. Ayaw nya kay Ace kaya alam kong
gagawin nya ang lahat para magkalabo kami. Naiintindihan ko sya, pinoprotektahan
nya lang ako sa mga maaaring makapanakit sa akin at si Ace ang pinaka makakapanakit
sa akin kung sakali.

Matagal ko nang tinanggap 'yon. Maaari akong masaktan sa pag-ibig na ito. 'Yon ang
unang-una kong tinaggap at itinatak sa aking isipan bago ko sya minahal.

"Kahit na anong paninira ang gawin nila. Hindi nila tayo masisira. I'll fight for
you, I'll fight for this love."

"No... We'll fight for us." Pagtatama ko.

Hindi lang sya ang lalaban. Kasama ako sa laban na ito

Maya-maya ay may dumating na kotse sinakay ako ni Ace sa likod kasama sya habang
may lalaking nagdadrive para sa amin.

Muli kong sinulyapan ang kotse ni Ace pero tinakpan nya ang mata ko. "Look at
me..." Iniharap nya ako sa kanya. "All you have to do is to trust me... Hindi kita
pababayaan." Bulong nito.

Nakita ko ang pasimpleng pagngiti ng driver. "Ikaw pala si Zein." Wika nito.

Mejo may katandaan na rin ito pero hindi pa ganon.

"Yes, Sebastian. She's Zein Shion."

"It's

a pleasure to meet you, Miss Zein."

Pagkarating namin sa bahay ay agad na dumiretso kami sa kwarto ko. Pumasok din si
mommy na naiiyak kaya lumabas na muna si Ace.
***

Ace's Point of View

Naabutan ko si Allison na nakaupo sa sofa. Gaya ko ay mukhang gusto nya rin akong
makausap. Pumunta kami sa likod ng bahay nila kung saan may swimming pool.

Hindi kami nakatingin sa isa't-isa na animo'y tinitimbang kung sino dapat ang unang
magsalita.

Umihip ang malamig na hangin. Naalala ko na naman ang mga sugat ni Zein kaya
kinalma ko ang sarili ko. Alam kong si Allison ang may gawa no'n kaya nakakaramdam
din ako ng galit sa kanya. Binigla nya si Zein at pinasok sa isang sitwasyon kung
saan walang kahit na anong ideya ito. Ipinahamak nya ang mahal ko.

Kahit na sabihin natin na gusto nya lang matuto si Zein kung paano ipagtanggol ang
sarili pero muntik na nya itong ipahamak.

"I won't say sorry... Ginawa ko lang 'yon dahi nag-aalala ako kay Zein."

"Pero ipinahamak mo sya."

Kinain kami ng katahimikan. "Don't be a saint here. Alam ko ang sikreto mo at alam
kong alam mo na kung sino ang nasa likod ng lahat nang nangyayari sa inyo." Madiin
nyang wika na ikinahalakhak ko.

Magaling talaga sya. Bago ko pa malaman ay alam na nya. No wonder. Isa siya sa
pinaka magaling sa bagay na ito.

"Layuan mo si Zein, ipapahamak mo lang sya."

"Nah, sorry. Hindi ako sumusunod sa kahit na anong utos maliban na lang kung galing
sa aking reyna."

I am her knight and she is my queen. I only follow order from Zein.
"I am her sister and definitely, I will also do anything to protect her... even if
I kill you."

"You are playing saint here..." Humalakhak ako. "Why so protected to your sister?"
Tanong ko.

Kumunot ang noo nito. "Dahil kapatid ko sya." May diing sagot nito.

Muli akong napahalakhak. Alam ko ang sikreto mo. Sikreto na iilan lang ang
nakakaalam.

"You are just guilty."

"W-What?"

Tumalikod na ako. Ayoko nang magsalita dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Kumuyom ang kamao ko habang iniisip kung anong mararamdaman ni Zein kapag nalaman
nya ang totoo.

Labis ang paghanga nya sa kanyang kapatid at kahit na ayokong masira 'yon, hindi ko
mapipigilan ang paglabas ng katotohanan. Mga katotohanang patalim na sasaksak sa
mga taong kasama sa laban na ito.

"Samantha..."

=================

Chapter 13

Chapter 13: Race

Zein's Point of View


Kinagat ko ang labi ko habang pinapanuod ang paggalaw ng kamay ng orasan sa gitna.
Lahat sila ay abala sa pakikinig habang ako ay abala sa pagtingin at paghantay sa
oras.

"May lakad ka?" Bulong ni Cedric.

Umiling ako at sinandal ang likod ko sa upuan. Kinalma ko ang sarili ko. Makakaabot
ako. Kailangan naroon ako. Kailangan kong mapanood 'yon.

Nararamdaman ko pa rin ang tingin na ipinupukol sa akin ni Cedric kahit na hindi ko


sya lingunin. Narinig ko ang pagbuntong-hininga nya at pagtayo kaya napatingin
kaming lahat sa kanya.

"Yes, Mr. Lee?"

"Uhmm... We have an emergency meeting. Can you excuse us?"

Kumunot ang noo ko. Ano bang sinasabi nya? May emergency meeting ba sila?
Napatingin ako sa prof ko at naghintay kung papayagan nya si Cedric.

"Okay, you may go."

Naramdaman kong hinawakan ako ni Cedric sa balikat kaya napatingin akong muli sa
kanya. Sinenyasan nya akong sumunod kaya kahit na nag-a-alinlangan ako ay mabilis
na sumunod ako.

Naabutan ko syang nakatayo sa gilid ng classroom namin. Nauna itong naglakad nang
makita ako. Hindi ko alam pero sumunod ako sa kanya.

"I made us an excuse so maybe I can come with you."

Napanganga ako. He did that on purpose. Tinulungan nya ako pero may kapalit at alam
nyang hindi ko sya kayang tanggihan sa pagkakataong ito. Napatingin ako sa oras sa
cellphone ko at napamura nang konting
oras na lang ang naroon.

Naroon na rin si Ace since wala silang last subject. Kaklase ko sa isang subject si
Cedric kaya pareho kami ng last subject.

"Fine."

Nauna na akong naglakad sa kanya. Narinig ko pa ang mahina nyang pagmura nang
sabihin ko 'yon. Nauna syang tumakbo sa akin papunta sa parking lot kaya minabuti
kong pabilisin na rin ang paggalaw ng paa ko.

Malayo pa lang ay pinatunog ko na ang kotse ko kaya nakapasok agad ito na animo'y
iiwan ko sya kapag hindi nya agad ginawa 'yon. No, hindi ako ganong tao. Marunong
akong tumanaw ng utang na loob.

Pagkapasok ko ay isang ngisi agad ang ibinungad nya sa akin. Inirapan ko na lang
sya at mabilis na pinaadar ang aking sasakyan. I mean, kay Ace pala itong sasakyan
na ito, pinahiram nya lang sa akin. Sabi nya lahat ng pag-aari nya ay akin din kaya
akin din itong nasasakyan na ito.

"Hindi naman halatang masaya kang kasama ako ah."

"Shut up." Mariin kong wika.

Sumipol ito at pinaglaruan ang bintana na animo'y bored na ito sa byahe. Pwede
naman syang bumaba kung sasabihin nya lang. I would be a pleasure to kick him out.

"Saan ba tayo pupunta?"

Mas idiniin ko pa ang paa ko para pabilisin ang takbo ng sasakyan ko. Napangisi na
lang ako nang mag-ala Allison ako sa paglagpas sa red light.

"Mad driver." Bulong ni Cedric na nakangisi.

Oh. Ghad! Bakit ba kasi ang layo ng lugar na iyon? Nag-aagaw na ang dilim at
liwanag. Baka mag-umpisa na 'yon. Ugh!

"Hmmm..." Sandali akong napasulyap kay Cedric nang makita kong nakakunot

ang kilay nito habang nakatingin sa side mirror.

"Iliko mo." Utos nya na ikinakunot ng noo ko.

"What?"

Wala akong panahong makipaglokohan sa kanya. May oras akong hinahabol at may larong
papanoorin. If I can't be on time, I might skip the best part of the game.

"Oh, shit! Come on, Zein! Just this on--- Fuck please."

Nabigla ako sa pagmumura nya kaya kahit na ayoko ay iniliko ko. Kitang-kita ko ang
pagkamangha sa kanya habang nakatingin pa rin sa side mirror. Ano bang meron sa
likod?

"I'll drive."

"W-Wai---"

"Just move."

Lumipat ako sa pwesto nya at kunot-noong tumingin sa kanya. Napatingin ako sa side
mirror at may isang kotse sa likod na sobrang lapit sa amin na parang babanggain na
kami.

"Seat belt." Sambit nya na agad ko namang ginawa.

Wala akong magawa kundi sundin lahat ng sinasabi nya. Kailangan ko syang
pagkatiwalaan sa pagkakataong ito. Naguguluhan man ay kailangan iyon.
"Come on..."

Napamura ako nang bigla nyang binilisan ang pagpapatakbo. Masyadong matulin. Ni
hindi ko na mailipat kay Cedric ang aking tingin dahil natulala na lang ako sa
harap namin. Napalunok ako nang makita ang dagat sa dulong bahagi nito.

Aware naman siguro sya na kapag nagdire-diretso pa rin sya ay maari kaming mamatay
hindi ba? Sana lang. Pesteng lalaking ito, hindi pa ako nakakapagpalit ng apelyido
into Craige papatayin na ako agad.

"Hold on... This will be the most exciting part of this chasing game."

Napamura ako nang bitawan nya ang manibela at tinakpan ang mata ko. Wala akong
makita kundi dilim. Hindi pa naman siguro kami patay hindi ba?

Maya-maya ay inalis na nya ang kamay nya sa akin at banayad na ang pagpapatakbo nya
sa sasakyan. Napatingin ako sa kanya na sumisipol lang. Parang wala lang sa kanya
ito.

"W-What was that? Were they after us?"

"You sure have a creepy stalker huh?" Muli itong humalakhak. May pinagtatakpan ang
bawat tawa nito, iniiwasan nya ang tanong ko. "Now, saan nga ba tayo pupunta?"
Muling tanong nya.

Inis na napasandal na lang ako at sinabi sa kanya ang location. Ngayon, ano na lang
dadatnan namin doon? Ending? Ugh! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana
pala nagditch class na lang ako.

"It's a place where race are being held right?"

"Yeah..." Tamad na wika ko.

"As far as I know... 8:30 pm usually ang umpisa no'n."


Napanganga ako sa sinabi nya. 8:30? Napatingin ako sa orasan. 8 oclock na.
Nagkamali ba ako ng pagkadinig na sinabi ni Ace? 8:30 ba talaga? I thought, 7:30.
Ugh!

"You should get yourself a cottonbuds sometimes."

"Oh, shut up."

Tinawanan nya lang ako pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari kanina.
Napatingin ako kay Cedric na nakangiting nagdadrive lang. He's trying to conceal
that incident. He's trying to divert my thoughts. Why? Sino ba 'yon?

Pagkarating namin sa arena ay marami-rami na agad tao. Napangiti na lang

ako dahil mukhang tama si Cedric, hindi pa nag-uumpisa.

"Hmmm... Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta rito." Bulong ng katabi ko


habang pinapanuod ang maraming tao.

"Nanuod ka na rin dati rito?"

Hindi ito sumagot at hinila ako. Aangal pa sana ako nang makita ko si Ace na
nakatingin sa aming dalawa. Nakakunot ang noo nito at nililipad ng hangin ang
kanyang buhok.

"Hey," Bati ko.

Napatingin ito kay Cedric na nakangiti lang. "Why are you with him?" Unang tanong
nito.

Napatingin naman ako kay Cedric na sumisipol lang habang nasa dalawang bulsa ang
kamay.

"Sumama eh. Tara na pila na tayo." Aya ko.


"Wait..." Pigil ni Cedric sa aming dalawa. "Are we really falling in lin--- I mean,
I hate waiting." Maarteng wika nito habang nakangiwi sa mahabang pila.

Napatingin naman ako sa kanya. "May iba pa bang daan? Can you fly? Teleport?"
Sarkastikong tanong ni Ace.

Humalakhak si Cedric. "You love fantasy dude." Lumapit ito sa dalawang body guard
sa entrance.

"I still can't believe it. You are with him in an hour. Crap, I should have just
waited for you."

"Jelly ace." I whispered.

Napatingin ito sa akin. Kumunot ang kilay nito. "What?" Tanong nito. Halatang hindi
nya talaga ako naintindihan at gustong-gusto nyang malaman 'yon.

Tumingkayad ako at inakbayan sya kahit na mukhang unggoy na akong nakasabit sa


kanya. "Favorite ko talaga ang jelly ace... Craige." Humalakhak ako habang sya ay
nanatiling nakakunot ang noo.

Mukhang hindi nya na-gets kaya tumingin na lang ako kay Cedric. Ipinakita nya ang
kanyang I.D. Nakipagkamayan ito sa mga guard na nakangiti sa kanya. Sinenyasan nya
kaming lumapit.

Inakbayan ako ni Ace. "Kailan pa tayo naging sunud-sunuran sa lalaking 'yan?"


Bulong nya.

"May iba ka bang paraan para mabilis na makapasok? Can you teleport? Fly?"

"You are not funny, darling."

Napairap na lang ako. Hindi naman ako nagbibiro, nanggagaya lang. Pinapasok kami ng
guard kaya nagtaka ako kung anong ginawa ni Cedric. Binayaran nya kaya nang malaki?
I doubt it.
Pumili kami ng upuan malapit sa harap. Nakahanda na sa starting line ang mga racer.
Natanaw ko agad sina Ate Allison at Raze sa bandang dulo na mukhang nagbabangayan
pa.

Lumapit kami sa kanila. Ngumiti nang matamis si Raze nang makita kami.

"Darling, you came for me--"

"Shut up." Putol sa kanya ni Ace.

Lumapit ako kay ate na nakatuon lang ang atensyon sa pag-aayos ng kanyang race car
habang si Ace ay kinakausap si Raze na halakhak lang ang laging sagot.

Hindi ako nilingon ni ate at nanatili ang kanyang mata sa kanyang sasakyan.

"Natulog ka pa ba?" Tanong nito nang hindi man lang ako nililingon. "Baka naman
buong magdamag kang nagdasal na matalo ako." Dugtong pa nito.

"Paano mo nalaman?"

Napatingin ito sa akin at nakataas ang kilay. "Gosh! Kapatid mo ako, you should be
on my side." Pinamaywangan ako nito habang nakasandal sa sasakyan nya.

Nabasa ko ang numero nuwebe sa gilid ng sasakyan nya. Napatingin kami sa likod nang
marinig ang malutong na mura ni Raze.

Lumapit kami sa kanila. Kitang-kita namin ang nag-aapoy na mata ni Ace habang si
Cedric ay nakangisi lang. Nakapagitna sa kanila si Raze na halatang umaawat.

"Huwag kang mapapel." May diing wika ni Ace kay Cedric na halakhak lang ang
itinugon.

Lumapit ako kay Ace para hawakan ang kanyang braso at pakalmahin. "Hey, chill.
Anong nangyayari rito?" Tanong ko.

Umiling lang si Cedric habang si Raze ay nakangiwi lang habang inaayos ang tshirt
nyang kulay itim na may tatak na DGW sa gilid. Numero diyes ang nasa kotseng katabi
nya.

"This is my night bros and you came here just to---"

"The jerk is now an ass fuck shit. Baby, beat me first." Naiiling na wika ni ate.

Umupo na kami nang i-announce na mag-uumpisa na. Open-space ang arena na ito kaya
kitang-kita ang madilim na kalangitan na pinamumugaran ng mga kumukutitap na
bituwin. Naramdaman ko ang kamay ni Ace na umakbay sa akin.

Nasa kaliwa ko si Ace at sa kanan naman si Cedric. May mga giant monitor din sa
itaas kung saan kitang-kita ang kabuuan ng arena na ito. May mga chopper din sa
itaas.

May pintong nakasara sa gilid kung saan lalabas ang mga racer mamaya, paunahan sa
nakahandang 3 laps palabas at pabalik dito sa arena. Ang ingay ng paligid na may
kanya-kanyang cheer. Halata na dati pa rito ang ibang kalaban nila dahil marami-
rami na ring fans ang sumisigaw para sa kanila.

Pero ang pinakanakaagaw ng pansin ko ay ang lalaking may pinakamaraming fans. Naka
focus sa kanya ang camera kaya kitang-kita ang

pagkislap ng kulay pilak nitong ngipin.

"Before we start, we want to acknowledge the pressence of the 2012 Race to Death
Champion, Mr. Cedric Lee."

Napanganga ako nang makita sa monitor ang mukha ni Cedric na nakangiti. Napatingin
ako sa kanya na nakangiti nga sa gilid ko.

"I'm not jealous, Zein."

Napatingin ako kay Ace. "Why would you?" Tanong ko.


Ngumisi ito at sumandal. "Kahit na titigan mo sya habang ako nakatitig sa'yo? Hindi
ako magseselos." I can smell the sarcasm there.

Sumandal ako sa balikat nya at hindi na lang nagsalita. Gusto kong iparamdam ang
nararamdaman ko para sa kanya na hindi kayang bigkasin ng bibig ko.

"Kahit na matalo si kuya, hindi kita kayang bitawan. Just watch, Zein."

Nag-umpisa na ang laban. Napaayos ako nang upo. Kumunot ang noo ko nang makitang
hindi pa umaalis si Ate Allison. Kitang-kita sa screen na nakakunot ang kilay nito
at pilit na binubuhay ang makina pero hindi ito gumagana.

Nagbulong-bulungan ang mga tao sa paligid. Dinig na dinig ko ang mga mahinang tawa
nila at naiinsulto ako.

"Just remove the pin." Bulong ni Cedric.

Kumunot ang kilay ni Ate Allison habang nakatingin sa isang bahagi ng makina. May
kinuha sya roon. Naningkit ang mata nya nang may makitang pin.

"Marumi pa rin sila maglaro kahit kailan." Muling bulong ni Cedric.

Mabilis na nakahabol si ate sa kanila. Wala ng sasakyan sa loob ng arena at ngayon


ay nakatutok na lang kaming lahat

sa malaking monitor. Nangunguna ang lalaking maraming fans. Chill lang ito na
animo'y alam nyang sya na ang mananalo.

Nagtagpo ang kotse nila ate at Raze. Nag-usap ang dalawa at nagtanguan. Kinilabutan
ako nang sabay silang ngumisi na animo'y may pinaplano.

Naghiwalay ang dalawa. Sa left side si ate at sa right naman si Raze.

Naiwan na halos ang lahat ng kalaban nila. Nakakapagtakang namatay ang mga makina
ng mga sasakyan na 'yon. May nangyayaring hindi maganda rito. Parang pinlano---
Posible kayang---ugh. Posible.

Tatlo na lang silang umaandar. Naka unang balik na ang lalaking maraming fans
habang sila ate at Raze ay pabalik pa lang.

Nasa panghuling lap na at ang unang makabalik na ang mananalo. Nakahabol sila ate
sa lalaking mukhang hindi nasisiyahan sa nangyayari. Nakatututok kaming lahat sa
monitor.

"This is the real battle." Bulong ni Cedric.

Napatayo ako nang may ihulog na bagay ang lalaking mayabang na kasalukuyang nasa
unahan. Natamaan nito ang gulong ng sasakyan ni ate Allison kaya biglang gumewang
ang sasakyan niya.

"Pwede ba 'yon?!" Sigaw ko. "Pandaraya na 'yon ah!" Dugtong ko pero mukhang ako
lang ang nakahalata o baka naman wala silang pakialam?

Pinaupo akong muli ni Ace. "Wala silang pakialam. Ganito sila maglaro. Marumi.
Kailangan mong sumabay dahil kapag mahina ka, matatalo ka." Humahalakhak na wika ni
Cedric.

Kinalma ko ang sarili ko. Alam nilang nandaya ang lalaking 'yon pero hindi nila
pinuna. Oh, shit! Hindi pala isang laro ito, isang dayaan. Nandadaya sila kasi wala
silang tiwala sa sarili nila.

Kung may tiwala ka sa sarili mo, hindi ka mandadaya sa laro. Wala namang kwenta
kung manalo ka kung mula naman sa daya. Ang mahalaga sa bawat laban ay tiwala.

Huminto ang sasakyan ni Ate Allison kaya bumalik si Raze at hinayaang mauna ang
lalaking mukhang nasisiyahan sa pandaraya na ito.

Ngayon ay nasa iisang sasakyan na lang sina ate at Raze na mabilis na humahabol.

Nanlaki ang mata ko nang maglabas ng baril ang lalaking nagbabaga ang mata sa
galit. Mariin akong napapikit nang wala man lang akong narinig na umangal. Fuck
them, fuck this game.

"Raze! Ate Allison! Just fuck this game!" sigaw ko.

Humalakhak si Cedric at Ace. Ghad! Paanong nagagawa pa rin nilang maging kalmado.
This game is a mess. Swear, kapag may nangyaring masama sa kapatid ko papasabugin
ko ang arena na ito.

Kinalma ko ang sarili ko baka masabunutan ko isa-isa ang mga taong nasa loob ng
arena na ito.

Nagpalit ng pwesto si ate at Raze. Bale si ate na ngayon ang nagmamaneho. Itinutok
ng lalaki ang bibig ng kanyang baril kina ate. Tumayo si Raze sa kotse at may
inilabas na kutsilyo sa kanyang bulsa.

The knife of Raze Silvenia. The leader of Devil God Warriors from Hell University.

Nagbulungan na naman ang mga tao. Bawal daw 'yong may dalang kutsilyo. Pero baril
pwede?! Putik! Sa susunod talagang makatapak pa ako rito, magdadala talaga ako ng
bomba.

Sinangga ng kutsilyo ni Raze ang bala ng baril. Hindi man lang ito nayupi o
nagkaroon ng lamat. Nagpabulusok pa ito nang sunod-sunod na bala at mabilis na
sinunanggaban ito ni Raze. Bihasang-bihasa

ito sa paghawak ng bagay na 'yon na animo'y parte na 'yon ng katawan nya para ma-
master ang tamang paghawak.

Malapit na sila sa finish line at lahat ng matang walang kurap ay nakatitig sa


malaking monitor.

Binaril ng lalaki ang gulong ng sasakyan nila Raze kaya nagpagewang-gewang ito
ngunit nanatiling nakatayo si Raze na sa tingin ko ay humahalakhak na ngayon.
Nakabalanse ito.

May sinabi ito bago pinabulusok sa ere ang kutsilyo. Tumama ang kutsilyo sa isang
bahagi ng kotse ng lalaki at bigla na lang huminto ang makina nito.
Humalakhak si Cedric. "Nakita nya ang kahinaan huh?" Komento nito.

Pero flat na ang gulong nila ate. Malapit na sila sa finish line ngunit hindi ito
aabot. Natahimik ang lahat nang pinaharurot ni ate ang sasakyan at bigla nya itong
itinagilid.

Napanganga ako. Nabaliktad si Raze mula sa pagkakatayo at alam kong sinisigawan na


nya ngayon si Ate Allison. Napangiti ako. Nagsama ang dalawang bihasa sa maraming
bagay.

Ang dalawang gulong na lang sa kaliwang bahagi ng sasakyan ang gumugulong habang
ang mga gulong sa kabila na flat ang isa ay nakataas sa ere para hindi maging
sagabal sa pagtakbo. Pinanatili nila ang bilis ng takbo nila para mapanatili ang
ganong position ng sasakyan nila.

Natahimik ang lahat nang unang makabalik sila ate at Raze sa finish line. Hindi pa
sana ako makakabalik sa realidad nang marinig ko ang mahinang pagpalakpak ni Cedric
na maya-maya ay si sinundan na ng lahat.

Sa isang iglap ay umingay ang arena mula sa mga palakpak. Tumakbo kami papunta kina
ate at Raze na nagbabangayan.

"Paano kung nasubsob ako? Baka masira ang mukha ko!" Sigaw ni Raze.

"Matagal ng sira ang mukha mo."

Nagpatuloy ang bangayan nila. Hindi ata nila alam na nanalo sila o wala lang sa
kanila? They are really awesome.

"Oh, paano ngayon 'yan? Sinong nanalo?" Tanong ni Cedric.

Oo nga. Sino ba ang nanalo? Si Raze o Ate Allison? Pero wala pala sa kanila. Nanalo
pa rin ang lalaking mayabang dahil bawal daw ang ginawa nila ate Allison.

Hindi na lang ako nagpumiglas sa naging desisyon nila. Kahit na makipagbangayan ka


sa kanila, ang gusto pa rin nila ang masusunod. Pero at least ngayon, makakaramdam
na sila ng takot na may mga taong makakagapi sa kanila kahit na sa maruming laro na
ito.

"Paano ba 'yan? Walang nanalo sa atin." Wika ni Raze nang pauwi na kami.

Pabalik na kami sa mga sasakyan namin habang si Cedric ay nagpaalam na kanina.


Malalim na ang gabi at marami-rami na rin ang naglalakad kasama namin papunta sa
parking lot.

"Anong pinapalabas mo?" Tumigil sa paglalakad si Ate Allison at hinarap si Raze


kaya natigilan din kami ni Ace. "Hindi mo dapat ginawa 'yon." Dugtong pa nito.

Nanatiling tahimik kami ni Ace na nanunuod lang sa kanilang dalawa.

"Ginawa na ano?"

"Oh, Mr. Red Eye. Alam kong alam mo ang tinutukoy ko. Tinanggap ko lang ang
pagsakay sa'yo kasi kating-kati rin akong patumbahin ang manadaraya na 'yon."

"So, naapakan ko ba ang pride mo?" Nakangising tanong ni Raze.

"Well, tatanggapin ko. Kahit na malabo ang nangyari. Nanalo ka sa larong ito. Hindi
ang mandaraya na 'yon ang totoong nanalo. It's you. Congrats, baby."

=================

Chapter 14

Chapter 14: Why?

Zein's Point of View

Lumipas ang mga araw at mas naging busy si Ace. Minsan nga ay hinihila ko na lang
sya para kumain o kaya ay pinagdadala ko na lang sya ng pagkain sa kanyang kwarto.
"Wala kang pasok?" Tanong nya sa akin 'pagkalabas nya ng kwarto.

Nakatanggal pa sa pagkakabutones ang ilang parte ng kanyang kulay puting polo.


Halatang nagmamadali ito dahil basa pa ang kanyang buhok ngunit nagsusuot na agad
sya ng pantalon na halos magkandarapa pa sa pagsuot ng sinturon.

"Wala, sinabi ko sa'yo kagabi pero mukhang hindi mo narinig... You were busy."
Tumayo ako at lumapit sa kanya.

Inayos ko ang butones ng kanyang polo at sa malapitan ay nasinghap ko ang amoy ng


shower gel nya at ang kanyang pabangong lagi kong naaamoy.

"Sorry," he whispered. Tinulak ko sya nang yakapin nya ako.

"Basa ka!" Singhal ko.

Ngumisi lang ito at humarap sa salamin para magsuklay ng konti. Kumunot ang noo ko
nang makitang hindi pa nya 'yon naayos.

"Buhok mo."

"Hmmm... Messy hair?"

"Magsuklay ka."

Hindi ako pinansin nito at pumasok lang sa kanyang kwarto. Pagkalabas nito ay suot
na nya ang back pack nya. "Wala naman akong popormahan sa school kung wala ka, why
would I bother?" Pinilig nito ang kanyang ulo habang sinisintas ang kanyang
sapatos.
Nairap na lang ako kahit na hindi naman sya nakatingin.

"Oo nga pala. 'Yong cake sa ref, anong balak mong gawin don?" Tanong ko. "Masama ba
lasa? Okay lang kung itapon mo." Parang

may sumagabal sa lalamunan ko pagkasabi no'n.

"Don't you dare," Naningkit ang mata nito. "I have to go..." Lumapit ito sa akin at
biniyayaan ako ng halik sa noo. "Just call me if you need something." He whispered.

"Paano kung ikaw ang kailangan ko?"

"Darling, you just don't need need me... I am your necessity."

Humalakhak ito bago lumabas. Kinain ang lugar na ito ng katahimikan.

Pabagsak na humiga ako sa sofa. May gumugulo sa isipan ni Ace. Kilala ko sya,
marunong syang magbalanse ng oras, bihasa sya sa ganon. Pero parang nawawala sya sa
sarili nya these past few days.

Kinapkap ko ang cellphone ko sa aking bulsa. Hinanap ko ang pangalan ni Vanessa sa


contacts ko at tinawagan.

"Hello?" Bungad nito.

Umayos ako ng upo. "Are you free?" Tanong ko.

Tumingin ako sa wall clock. Mukhang maiinip lang ako kung mananatili ako sa condo
na ito. Wala si Ace at baka gabi na rin 'yon umuwi.

"I'm taken."
"Funny." Sarkastiko kong sagot. "Ano nga?!" Mejo iritado ko ng tanong ko.

Tumayo ako para isara ang pinto ni Ace ngunit parang may nag-udyok sa aking pumasok
doon. Napangiti ako nang makita na ang ayos nya talaga sa mga gamit.

"As long as your treat."

Ngumiwi ako bago hinawi ang kurtina ni Ace. Kumunot ang noo ko sa isang bagay na
nakita ko.

"Then, see yah." And she ended the call.

Dumuwang ako sa bintana at tama nga ang hinala ko. Nagmadali akong bumaba at
tumungo sa information area ng building na ito. Wala akong pakialam

kung nakapajama pa rin ako basta kailangan kong makumpirma ang hinala ko.

"Excuse me miss, I have to ask something." Humugot ako ng lakas ng loob. Malakas
ang kutob ko pero gusto ko pa ring marinig ang katotohanan. "S-Sino po ang may ari
ng room 342?" Tanong ko.

"I'll check it for you, ma'am."

Humarap ito sa mga monitor habang ako ay hindi mapakali. Oh Ghad! Ano na naman ito?

"Mr. Ace Craige."

Natulala ako matapos marinig ang pangalan nya. I knew it! Nanginig ako sa galit
ngunit kinalma ko ang sarili ko. Kailangan kong maging kalmado sa mga ganitong
pagkakataon. Ayokong magpadalos-dalos.

"C-Can I have his password?"


"I'm sorry ma'am, that's a very confidential information. We can't give it unless
you were permitted by the owner."

"I'm his girlfriend."

"You have to bring him with you or maybe a letter from him with his signature."

Tulalang bumalik na lang ako sa dorm. May sikreto na naman nga. Kailangan ko na
naman bang magbulag-bulagan? Kailangan ko na lang bang hintayin kung kailan nya
sasabihin sa akin? Siguro ganon na nga lang, alam na nya ang ginagawa nya at alam
kong hindi sya gagawa ng hakhang na ikakapahamak nya.

Kumuha na ako ng maisusuot na damit bago dumiretso sa cr. Pilit kong iwinaksi lahat
ng nalaman ko. Kung kailangang labanan ko ang kuryosidad na kumakain sa akin ay
gagawin ko. Kung ito ang mas makakabuti ay mananahimik na lang ako at maghihintay
kung kailan sya magsasalita.

Nagcommute na lang ako dahil dala ni Ace ang kanyang sasakyan. Natanaw ko agad si
Vanessa sa isang coffee shop dito sa

mall.

"Hindi ka pa nag-order?"

"Hinihintay kita."

May lumapit sa aming lalaki at sinabi naman namin sa kanya ang coffee frappe namin
at syempre, libre ko.

"Anong balita?" Tanong nya.


Natigilan ako at nag-isip kung dapat ko bang sabihin sa kanya lahat ng nalaman ko
pero baka mas lumala lang ang lahat. Mas mabuting sa akin na muna ito at hindi ko
na muna ilalabas.

"Just bored, Van." I sigh. "Nakakamiss din si Mia." Pag-amin ko.

Ilang taon na kaming hindi nagkikita. Wala na nga kaming balita tungkol sa kanya at
wala rin namang nababanggit si Dave sa amin. Masyado ba syang busy?

"Ang weird nga eh..."

"Huh?" Tanong ko.

Umiling ito sa akin pero alam kong may gusto syang sabihin sa akin pero hindi nya
alam kung paano uumpisahan. Napabuntong-hininga na lang ako. Pakiramdam ko ay may
inililihim lahat ng taong nakapaligid sa akin.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga requirements namin sa finals bago


napagpasyahan na maglakad-lakad.

Ramdam na rin ang nalalapit na pasko sa mall na ito. Kabilaan ang mga figure ni
Santa Claus at mga christmas tree. May photo booth din kung saan kami nagpapicture
ni Vanessa.

"One more..."

Hindi ko alam kung pang-ilan ng sinabi nya 'yon. May mga nakapila pa at hindi ko
alam kung aware ba sya ron o wala lang syang pakialam.

Kung hindi ko pa sya hinila ay baka magalit na sa amin ang mga nakapila na kanina
pa bumubulong.

"Ang cute natin!" She giggled.


Natawa na lang ako habang nakatingin sa maraming shot namin kung saan iisa lang

ang poise ko. Naka peace sign. Habang sya ay makefaces.

"Nabalitaan mo na?" Tanong nya sa akin nang nasa food court kami at kumakain ng
shawarma.

"Not interested."

Umirap ito sa akin bago sinubo ang natirang kapiraso ng pagkain nya. "Outdated ka
talaga lagi." Muli itong umirap.

"Eh sa hindi ako chismosang katulad mo eh."

"Che!" Pagsusungit nito. "Ano ba? Gusto mong malaman ang nasagap kong balita?"
Muling tanong nito.

"Huwag na lang."

"May bumili sa Hell University."

Nabulunan ako kaya inabutan nya ako ng tubig. Hindi makapaniwalang tinapunan ko sya
ng tingin.

"Seryoso ka?"

Tumango ito. Sino naman ang magkaka-interest na bumili sa unibersidad na 'yon?


Isang madugong nakaraan ang nangyari roon. Oh well, wala namang nakakaalam doon eh.
Tanging kami lang ang nakakaalam at makakapagkwento tungkol sa totoong nangyari sa
Hell University.

"Sino? Kilala mo kung sinong bumili?"


"Hindi ako sigurado pero hmmm... tao sya."

Mabilis na binatukan ko sya sa sagot na ibinigay nya. Akala kong seryoso ang
isasagot kabulastugan lang naman pala.

"Seryoso!"

"Seryoso ako! Sa tingin mo ba, may multong bibili don? Gaga ka talaga, common
sense."

Napairap na lang ako. Kahit kailan talaga walang kwentang kausap ang nilalang na
ito. Bagay talaga sila ni Jerome.

Pero naisip ko. Hindi naman masama ang lugar na 'yon. Malawak 'yon at magagawan
nila ng paraan ang masukal na daan patungo ron. Kung sakali, baka doon ko na lang
din pag-aralin ang mga anak namin ni Ace.

"What are you thinking, Zein?" Tanong ni Vanessa na halatang curious. "Hindi naman
ikaw ang bumili sa school na 'yon, hindi ba?" Pabalang na tanong nya.

Umiling ako at napagpasyahang pumunta muna sa cr. Napaupo ako sa floor nang
mabangga ako ng isang babaeng kagagaling lang din sa cr.

"Sorry..." Paghingi ko ng paumanhin.

Pagkaangat ko ng tingin ay halos manlambot ako nang makita kung sino ito. Ngumisi
ito sa akin bago nagpatuloy sa paglalakad.

"N-Nicky?"
Si Nicky 'yon. Malaki man ang pinagbago ng itsura nya ay alam kong sya 'yon.
Nawalan na rin ako ng balita sa kanila magsimula nang magkalagas kami sa HU.

Pagkapasok ko sa CR ay masangsang na amoy ang agad na bumungad sa akin. Ako lang


ang tao pero masangsang ang amoy. Malansa.

Napatingin ako sa paa ko nang may makapang basa ron. Nanlaki ang mata ko nang
makita ang umaagos na dugo mula sa isang cubicle.

Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko bago binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang
isang lalaking naliligo sa kanyang sariling dugo.

Sa kaliwang kamay nito ay may hawak syang kutsilyo habang sa leeg nya ay may
nakapulupot na wire.

Hindi na ako gaanong nasisindak sa dugo kaya kahit papaano ay nakakalma ko ang
sarili ko. Mas madugo pa rin ang naransan ko.

Napatingin ako sa pinto nang maalala ko kung sino ang huling nanggaling dito sa cr,
was it her?

Why?

=================

Chapter 15

Chapter 15: Dream

Zein's Point of View


Isa ako sa mga tinanong ng mga pulis tungkol sa biktima dahil ako ang unang
nakakita rito. Lumilipad ang isip ko sa tuwing tinatanong ako kaya dalawang beses
inuulit ang tanong para masagot ko.

"Nakita mo ba kung sino ang huling lumabas sa CR na 'yon?"

Naguguluhan ako. Bakit nya gagawin 'yon kung sya nga talaga ang pumatay? Anong
dahilan nya? Base sa nakita ko ay namatay ang biktima dahil sa wire na nakapulupot
sa kanyang leeg kung saan bumulwak ang dugo. He was holding a knife kaya malamang
na naglaban din ang lalaking 'yon, pero si Nicky ang kalaban nya, walang kwenta ang
mga patalim sa babaeng 'yon.

Pero paano napunta sa CR ng pambabae ang lalaking 'yon? Posible bang sinundan nya
si Nicky at doon tinangkang patayin?

UGH!

"Miss Shion?"

Nabalik ako sa realidad nang marinig ang boses ng pulis na nagtatanong sa akin.
Hilaw na napangiti na lang ako dahil sa hiya. Hinilot nito ang kanyang sintido na
parang sumasakit ang kanyang ulo dahil sa akin.

"Sir, baka po nabibigla ang kaibigan ko."

Naramdaman kong hinagod ni Vanessa ang likod ko. Tumango ang pulis, may binulong
ito sa kasama nya bago muling tumingin sa akin. "Okay, that's all for now.
Tatawagan ka na lang namin for more further questions." Tumayo na ito para kamayan
ako. "Thank you." Tumango na lang ako ulit.

Wala akong magawa kundi tumango. Gulat pa rin ako sa mga nangyari at sa katunayang
involved si Nicky. 'Pagkalabas namin ni Vanessa sa police station ay saka palang
ako nakahinga nang maluwag.
"Okay ka lang ba talaga?"

Tumingin ako kay Van at nagdalawang isip kung sasabihin ko ba o hindi. Kung
sasabihin ko sa kanya may magbabago ba? Baka mag-isip lang din sya. I ended up in
silence. Sa akin na lang na muna lahat ng nalaman ko.

"Zein!"

Nabalin sa lalaking humahangos ang atensyon ko. Naka uniform pa rin ito at halatang
kagagaling lang mula sa school. Hindi ko alam pero sumikip ang dibdib ko sa
katotohanang... pareho kaming may inililihim sa isa't-isa.

"Are you okay?" Binalingan nito ng tingin ang police station bago pumirmi sa akin
ang atensyon. Hingal na hingal pa rin ito ag tagaktan ang pawis. "What happened?"
Pangalawang tanong nya.

"Mas mabuting iuwi mo muna sya, Ace. Kailangan nyang magpahinga." Suhestyon ni
Vanessa.

Tumingin sa akin si Ace na puno ng pag-aalala. Puno ng pagtatanong ang kanyang mata
na nagsusumamo ng mga sagot. Hindi ko gustong naglilihim tayo sa isa't-isa pero
kung ito ang mas makakabuti, siguro mananatili muna tayong ganito.

Pauwi na kami at seryoso lang na nakatingin sa daan si Ace na paminsan-minsan ay


sumusulyap sa akin. Hindi pa rin ako nagsasalita mula kanina dahil pakiramdam ko ay
may masasabi lang akong pagsisisihan ko.

"Ang tahimik mo kaya natatakot ako." Bulong nito.

Mas natatakot ako sa mga darating pang bukas. Baka mapuno tayo ng sikreto at
dumating ang araw na maging kahinaan natin ito.
"Just tired..." Bulong ko bago sinandal ang ulo ko sa balikat nya. Narinig ko ang
pagbuntong-hininga nito.

Marami na tayong pinagdaanan, malalagpasan din natin ito, Ace. Hindi kita
bibitawan, lahat

ng tungkol sa'yo ay tatanggapin ko. Lahat ng kasalanan mo ay iwawaksi ko. Mawala na


lahat basta andyan ka, lalaban pa rin ako.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa byahe. Malamang ay dala ito ng pagod at


dami ng iniisip ko. Naalimpungatan ako ngunit tinamad akong buksan ang mata ko.

Malawak ang hinihigaan ko kaya malamang na nasa kama ako ngayon.

"He was killed..."

Natahimik ako nang marinig ang mahinang boses ni Ace. Kinabahan ako kaya mas lalong
natakot akong imulat ang aking mata. Hindi ako ang kausap nya kaya malamang na nasa
kabilang linya ito.

"I don't need your help, I can handle all this shits all by msyself!" May diing
wika nya na halos maging pabulong na lang. "I'll hire again, then." Walang kwentang
saad nya. "Don't you dare... I'll hang up. Bye, kuya." Gumalaw ang kama.

Hindi ko alam kung humihinga ba ako habang nakikinig o maging ang paghinga ko ay
pigil. Parang nagiging konektado lahat ng bagay at may isang namumuo sa isipan ko.

I am scared to connect the dots. Natatakot akong matapos ang deductions at


conclusions ko. Parang mas gugustuhin kong mali ang lahat ng iniisip ko kesa sa
magtumpak lahat sa tama.

Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto at mga yabag palayo. Dahan-dahan kong


imunulat ang mata ko at pamilyar na lugar ang bumungad sa akin; ang aking kwarto.

Itinukod ko ang kamay ko at tinulungan ang sariling makaupo. Kahit na nakatulog na


ako, pakiramdam ko ay nanghihina pa rin ako. Mas lumalala ang lahat. Pero, alam
kong wala pa sa kalahati ang nalalaman ko. May mga malalaman pa akong maaring

ikagimbal ng mundo ko at kailangan kong paghandaan ang araw na iyon.

Nagsuot ako ng tsinelas bago lumabas ng kwarto. Sinilip ko sa kwarto si Ace ngunit
wala sya. May naamoy akong nagluluto kaya dumiretso ako sa kusina kung saan
naabutan kong nagluluto si Ace.

"Bakit bumangon ka?" Tanong nya. Inalalayan nya akong makaupo na ikinatawa ko.

"I was not hospitalized. Wala akong sakit."

Kumunot ang noo nito kaya heto na naman ako na nagtatanong kung may mali ba akong
nasabi na hindi nya nagustuhan.

"May sakit ka ba nung mga panahong pinagsisilbihan kita?" Lumapit ito sa akin na
may dalang isang baso ng gatas at inabot sa akin. "Inumin mo 'yan." Sabi pa nito.

"Hin---"

"Hush." Itinapat nya sa labi ko ang hinlalaki nya bago ako inirapan at bumalik sa
pagluluto.

Natawa ako sa kasungitan nito pero mas natawa ako na nawala lahat ng iniisip ko
dahil sa kanya. Sa pagkakataong 'yon ay tuluyan kong inalis lahat ng pagdududa ko.

Dumaan ang mga araw at nagpatuloy ang pagtatago ko ng mga bagay-bagay. Pero
natatakot ako na baka hindi ko na kayanin ang kuryosidad kong pilit kong
nilalabanan. Natutukso akong magsiyasat. Natutukso akong gawin ang mga bagay na
nangyari sa akin sa Hell University, 'yong mga padalos-dalos kong desisyon.

Nagpatuloy ang pagiging busy ni Ace na paminsan-minsan ay gabi na nakakauwi. May


iba syang pinagkakaabalahan, hindi ako tanga para hindi 'yon mapansin pero
nananahimik na lang ako. Ayokong pangunahan
sya.

Kung darating man ang araw na maging bukas na syang muli, ipinapangko kong
iintindihin ko sya.

"Where is Ace?" Tanong ko kay Matt nang sya ang tumambad sa akin sa harap ng
building namin.

Lumabas ito ng kotse nya at pinagbuksan ako ng pinto. "I was assigned to do the
job, Queen Zein." Humalakhak ito. Napansin ko ang kakaibang kislap sa ngiti nya.
"This is an order from the former highest Supreme Student Government of Awesome
Hell University." Muli itong humalakhak.

Pumasok na lang ako sa loob. Alam kong busy sya pero hindi ko alam na ganito ka
grabe. Ito na nga lang ang pagkakataon na makakasama ko sya ng ilang oras magsimula
nung maging busy sya, wala pa? Ugh!

"Intindihin mo na lang ang tao." Wika ni Matt 'pagkapasok.

Pinihit nya ang manibela at pinatakbo ang sasakyan sa normal na bilis.

"Hindi mo na kailangang sabihin 'yan, Matt."

"Ang sungit." He murmured.

He's busy. I get it... Hell, I get it! Pero hindi nila ako masisisi kung umasta ako
ng ganito. I don't want to beg for his time! I know he has a lot of business to do,
andito lang naman ako eh, hindi ako mawawala kaya nga siguro, mas mabuting
umintindi na lang ako kahit na mahirap.

"Zein..."

Nakapikit ang mata ko pero hindi ako makatulog.


"Hmmm?"

"When will you be brave enough?"

Iminulat ko ang mata ko at tinignan si Matt na seryoso lang na nakatingin sa daan.


Hindi ko alam ang sinasabi nya, hindi ko maintindi kung ano ang ibig nyang sabihin.

"Huh?"

"Pretending?"

"What the hell are you talking

about?"

Sa pagkakataong 'yon ay isang iling na lang ang nasagot nya. Hindi na sya muling
nagtanong hanggang sa makapunta na kami sa bahay kung saan nadatnan lang namin ay
si Tita Mira at Ate Allison na nagulat pa.

Naging balisa silang dalawa sa biglaang pagsulpot namin ni Matt. Pinaupo kami ni
Ate habang si Tita naman ay kumuha ng miryenda.

"Asan sina mommy?"

"Office." Maikling sagot nito.

Nagkatitigan si Matt at Ate pero ang unang nag-iwas ay si Ate Allison. "Hindi mo
ata kasama si Ace?" Tanong nito.

Hindi ko alam kung bakit natawa ako. Kapag si Ace ang nandyan hinanahap nya si
Matt, ngayon si Matt naman ang kasama ko, si Ace ang hinahanap.

Dumating si Tita Mira na may dalang miryenda ngunit hindi man lang ako nagawang
tapunan ng tingin. Bumalik itong muli sa kusina. Nagpaalam si Ate na may kukunin
kaya kaming dalawa nalang ni Matt ang natira.

"Ang weird nila." Bulong ko.

"Lahat naman weird sa'yo eh." Matt commented. "I have to go," muli itong sumimsim
sa juice bago tumayo.

"May lakad ka ba?"

"May kotse ako."

"Umalis ka na nga!"

Tinawanan nya lang ako bago ginulo ang aking buhok. Lumabas na ito na hindi man
lang nakakapagpaalam kina ate.

Pumunta muna ako sa kwarto ko para magpalit. Nasa kalagitnaan ako ng pagpapalit
nang may maramdaman akong presensya sa likod ko. Mabilis na humarap ako at nakita
si Tita Mira na nakangiti sa akin.

"Kamusta

ka na?" Unang tanong nito habang inaayos ang mga damit kong nasa kama. "Hindi mo
kasama boyfriend mo?" Sunod na tanong nito.

Inayos ko ang suot kong damit at dinaluhan sya sa pag-aayos. "May ginagawa kasi
sya." Sagot ko.
"Ako na ang magbababa." She said. Kinuha nya lahat ng maruming damit ko.

Tumango ako at pinagmasdan na lang syang maglakad palabas pero hindi nya agad
pinihit ang kanyang paa pababa. Huminto sya sa may pinto at binalingan ako nang
nag-aalalang tingin.

"Bakit po?"

Bumuka ang bibig nya kaya naghintay ako ng lalabas na salita roon ngunit tinikom
nya rin ito ulit bago ngumiti ng hilaw at tuluyan ng lumabas. Pabagsak na umupo ako
sa kama.

Tama nga si Matt. Lahat na lang nang napapansin ko weird. Ang weird naman kasi
dahil pakiramdam ko ay may gusto syang sabihin ngunit hindi nya lang alam kung
paano uumpisahan.

I shook my head. Lahat na lang ng bagay ay napapansin ko.

Humilata ako sa kama at tumitig sa puting kisame. Humikab ako nang maramdaman ang
antok hanggang sa hinayaan ko na ang sarili kong lamunin ng walang hanggang dilim.

"Zein..."

Sa kadilimam ay nakita ko ang isang babaeng kilalang-kilala ko. Nakangiti ito pero
kitang-kita ko ang pagkislap ng luha mula sa kanyang mata pababa sa kanyang pisngi.
"A-Ate Allison?"

Nawala ang ngiti nito sa kanyang labi at tinalikuran ako. Nagsimula itong maglakad
palayo kaya hinabol ko ito. Gusto ko syang kayapin at pigilang iwan ako pero hindi
ko sya mahabol.

Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala gumagalaw ang paa ko. Sumigaw ako ng
sumigaw pero hindi nya ako marinig.

Pero bago sya tuluyang naglaho ay may sinabi sya sa aking nagpabalik ng isang
milyong alaala ng kahapon.

"Samantha..."

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Hingal na hingal ako at pawis na pawis.


Napahawak ako sa aking dibdib sa lakas ng kalabog nito.

Anong ibig sabihin ng panaginip na 'yon?

=================

Chapter 16

Chapter 16: Connection

Zein's Point of View


Naalimpungatan ako nang magvibrate ang phone ko. Pumupungay na kinapa ko ito sa
ilalim ng unan ko. Umayos ako nang upo nang makita ang pangalan ni Ace roon.

Nagdawalang-isip ako kung sasagutin ko pero pinangunahan ako ng nararamdaman ko


kaya sinagot ko na ito.

"Hey!" Bungad nito. "Why took you so long to answer?" May halong pag-aalalang
tanong nya.

Natutop ata ako sa kinauupuan ko at hindi ko nagawang sumagot. Natulala na lang ako
sa puting pader at mahinang kinagat ang aking labi.

Ano bang nangyayari sa akin?

"Zein?"

"Hmmm..." Walang ganang sagot ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nya sa kabilang linya. "I'm sorry," Sabi nito.

Why sorry?

"Just woke up, Ace. Napagod ako sa byahe..." at sa katotohanang nangungulila na ako
sa'yo.

Kahit na malapit lang tayo ay parang lumalawak ang puwang sa ating pagitan. Hindi
ko maiwasang matakot; matakot na magising na lang ako at hindi ko na mabura o
mapigilan ang paglaki no'n. Ayokong tinatanaw lang kita sa malayo, gusto kitang
yakapin at hagkan.

"Zein, may problema ba tayo?"

Ikaw nga dapat ang tanungin ko nyan, Ace. May problema ba tayo? Or should I say,
anong problema? Bakit gumagawa ka ng sariling mundo kung saan kinukubli mo lahat?
Bakit hindi mo ako dalhin kasama ka?
"Where are you?" 'Yon ang naging sagot ko sa tanong nya.

Ayokong isipin nyang may kakaiba na akong nararamdaman. Hanggat kaya ko ay


magpapanggap ako. Dito naman ako magaling e, sa pagtatago

ng nararamdaman ko.

"Condo," Maikling sagot nito. "Babawi ako sa'yo." Bulong nito.

"You don't have to. I understand, Ace. Well."

"Nope. Babawi ako sa'yo, mahal ko. Sa ngayon, intindihin mo muna ako. 'Pag maayos
na ang lahat, hindi na muli akong aalis sa tabi mo."

Napangiti ako kasabay ng pagkawala ng luha mula sa mata ko. Am I being unfair?
Gusto ko lang naman na makasama sya. Kahit na araw-araw ko syang nakikita ay hindi
kailanman 'yon magiging sapat. Gusto kong akin lang ang atensyon nya... Right, I'm
unfair.

Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang paglabas ng mga hikbi ng pait at
paghihinagpis. Magiging maayos din ang lahat.

"I promise, Zein. I'll sing you a thounsand songs, just... Trust me, please. I love
you."

Nabagsak ko ang cellphone ko matapos marinig 'yon. Ibinaon ko ang mukha ko sa unan
at doon inilabas lahat ng hinanakit. Naiinis ako sa sarili ko.

Wala naman kaming problema sa pagkakaalam ko. Ako lang, ako lang ang gumagawa ng
mga problema.

Hindi ko alam kung ilang oras akong tulala. Lumilipad ang isip ko sa napakaraming
posibilidad.
Napagitla ako nang may kumatok sa pinto. Umayos ako at pinunasan ang luhang natuyo
sa aking pisngi. Huminga ako nang malalim bago pinihit ang seradula.

"Kain na," bungad sa akin ni Ate. Nag-iwas ako ng tingin nang kumunot ang kanyang
noo. "D-Did you jus---"

"Bababa na lang ako, ate. Hintayin nyo na lang ako."

Mabilis

na isinara kong muli ang pinto. Maaaring maikubli ko lahat ng dinadala ko pero
hindi sa harap ni ate. Kilalang-kilala nya ang bawat kilos ko. Kung malungkot ako,
masaya at nagdurusa. Alam na alam nya.

Naghilamos muna ako at inayos ang sarili ko sa salamin. Ayokong magmukhang


pinagsakluban ng langit at lupa sa harapan nila. Ayokong mag-alala sila mommy at
daddy.

Nang makuntento na ako sa aking itsura ay lumabas na ako. Sa bungad pa lang ay


dinig na dinig ko na ang halakhak ni dad kaya napangiti ako.

"Baby Z, come here..."

Humalik ako sa pisngi nina mommy at daddy at iniwasan ang nagdududang mata ni ate.
Umupo ako sa tabi nya, sa harap namin si mommy at nasa sentro naman si daddy.
Ngumiti ako kay Tita Mira na pinagtitimpla ng kape si daddy.

Masayang nag-uusap sina mommy at daddy tungkol sa business habang kami naman ni ate
ay nagkakailangan--- Ako lang pala.

Tahimik lang akong kumakain habang si ate ay tapos na. Nakatuon lang sa akin ang
mata nya na animo'y sinusuri ang bawat kilos ko kaya nakakaramdam ako ng
pagkailang.

"Oo nga pala, Zein."

Nabalin kay daddy ang atensyon ko. Malawak ang ngisi niya at mahigpit ang
pagkakahawak sa kamay ni mommy sa ibabaw ng lamesa. Napangiti na lang ako.

"Nasabi na namin ito kay Allison," Bumalin sya kay ate na tumango lang. "May out of
town kami ng mommy mo kaya hindi kami rito magpapasko." Masayang wika nito.

Sandali akong natigilan at pilit na ngumiti kahit na nalulungkot ako. Yeah, I admit
it.

"R-really? That's great!" Tinakpan ko ng bahagyang ngiti ang lungkot sa mukha ko.

"Okay

lang ba sa inyo?" Tanong naman ni mommy.

"Sa akin, okay lang." Walang ganang sambit ni ate.

Tumingin naman sila sa akin. Kahit na ayoko ay tumango na lang ako. Gusto ko rin
naman na magkaroon sila ng time sa isa't-isa dahil halos trabaho na lang sila.

Bigla kong naisip si Ace. Sana pagkatapos ng lahat, mag-out of town din kami. GHAD!
Bigla akong na-excite. Napuno ng tawanan ang hapag-kainan pero hindi pa rin ako
tinantanan ng paninitig ni ate.

Isasara ko na sana ang kwarto ko nang biglang may pumigil sa akin. Nakangiting
pumasok si ate na dala ang kanyang comforter at unan.

"Mind?"

"Sure." Sagot ko kahit na parang hindi magandang mag sleep over sya sa kwarto ko.

Iniwasan ko nga sya kanina pero mukhang hindi ko na 'yon magagawa ngayon na
namimili na sya ng movie na papanoorin namin.

"I'll get some snack," Pagpapalaam ko bago lumabas.


Kalma lang, Zein. Kahit na malaman nya ang nangyayari sa amin ni Ace, hindi na sya
papagitna.

Naabutan kong nakatulala si Tita Mira sa sofa sa salas. Nasa kwarto na malamang
sina mommy at daddy kaya sya na lang ang natira rito. Napunta sa akin ang atensyon
nya nang makita ako.

"Hindi ka pa inaantok, tita?"

Umiling ito. "Mag sleep over ata kayo?" Tanong nya.

Tumango na lang ako bago dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng gatas sa ref at
nagsalin sa baso. Diretso ko itong nilagok bago kumuha ng mga snacks.

"May sinabi ba sa'yo si Allison?"

Napatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Tita Mira na natawa. "Ginulat
mo ako, tita." Natatawa ko ring sagot.

"May dapat

ho bang sabihin sa akin si ate?" I asked out of curiosity.

"Huh? W-Wala naman. Baka kasi may nasabi syang plano sa'yo sa christmas. Uuwi rin
kasi ako sa pasko kaya wala rin ako."

Payak na ngumiti na lang ako bago sinabing wala pang nababanggit si ate. Bakit ba
lahat mawawala sa pasko? Excited pa naman ako.

Naabutan kong nakadapa si ate sa kama at tutok na tutok sa pinapanood nyang Polar
Express. Hinagis ko sa kanya ang mga kinuha kong chips.

"Bad, Zein."
"Right."

Humiga ako sa tabi nya at kumuha ng chip. Tahimik lang kami na nanunuod dahil
maganda naman ang palabas.

Bigla kong naisip si Ace. Sana minsan mag sleep over din kami.

"Horror?" Tanong nya sa akin habang pinapakita ang The Conjuring.

Tumango na lang kaya sinalang nya na ang panglimang movie. Sumulyap ako sa
cellphone ko. Alas tres na pala ng madaling araw.

Napabuntong-hininga na lang ako nang wala man akong message na nareceive kay Ace
which is unusual. Dati kasi tinatadtad nya ako ng tanong.

Pinagkibit balikat ko na lang 'yon at itinabi muli ang cellphone ko.

"May problema kayo." Sinabi ni ate. That's not a question, more like a statement.

"Wala." Tipid na sagot ko.

Ayan na. Finally, nag-open na sya. Kanina ko pa kasi sya napapansin na parang may
gusto syang itanong.

"How's Ace?"

"Doing good."

Sa bawat tanong nya ay tinatapalan ko ng tuldok na sagot. Ayokong magkaroon sya ng


follow up question at natatakot ako kung saan 'yon maaring magtungo.

"Hmm... May kaibigan kang pangalang Mia, right?"


Napatingin ako sa kanya. "Yeah. What about her?" Tanong ko.

Umayos ito ng upo at kunot-noong tumingin sa screen ng T.V. Parang nalilito ito.
"Sabi mo nasa State sya." Sabi pa nito.

"Doon sya nag-aaral."

Nanatili ang pagkakunoo ng noo nito. Pinatay nito ang T.V at umayos ng pagkakahiga.
Tumingala ito sa puting kisame.

"Bakit mo natanong?"

"Wala lang, para kasing nakita ko sya."

Ako naman ngayon ang nangunot ang noo. Imposible 'yon. Kung uuwi man sya ay
malamang na magsasabi 'yon.

"Baka naman kamukha nya lang."

Tamango naman ito. "Baka nga." Pag sang-ayon naman nito.

"Oo nga pala, about Mr. Francisco Augustine."

"Hmmm?"

"Due to the lack of evidence... Pinalaya na sya last week."

"WHAT?!"

Tumango ito sa akin. GHAD! Ano bang nangyayari rito?! Hindi na ako makasunod. Akala
ko matibay na ang kaso nya para sa habang-buhay na pagkakakulong.

"Nabalitaan ko na bumibisita sya kay Ms. Violet Rivera na bumubuti na ang lagay sa
Rehabilitation Center."

Hinilot ko ang sintido ko. Sumasakit ang ulo ko sa dami ng mga nalalaman ko. May
connection pa rin sila sa isa't-isa.

Napamulagat ako nang mapagtanto ang isang bagay na hindi nagpatulog sa akin
magdamag.

Kung nakalaya na si Francisco at may connection pa rin sila ni Madame Violet. Hindi
kaya, sila rin ang nasa likod ng pagbili sa Hell University?

=================

Chapter 17

Chapter 17: Baby

Zein's Point of View

Napamulagat ako nang marinig na tumunog ang aking cellphone. Sinulyapan ko si ate
na mahimbing na natutulog bago ko kinuha ang aking cellphone na nakapatong sa side
table.

Pumupungay na nakita ko ang pangalan ni Ace sa screen at parang nawala ang antok.
Nanginig ang kamay ko bago ito sinagot.

Lumayo ako ng konti kay ate dahil baka magising ko sya.

"Hello?" I answered.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga sa kabilang linya. Sinulyalan ko ang wall clock.


Alas singko na pala ng madaling araw.

"Darling..." Bulong nito.

Kumunot ang noo ko. "Hey, bakit napatawag ka?" ... Bakit ngayon ka lang tumawag?

"I think I'm crazy, Zein. Damn! Can't wait for another couple of hours to see you,
again."

Mas nangunot ang noo ko. Ngayon nya kasi ako susunduin and and I am expecting him
to be here around 10am or 12 pm. Pero ano bang ibig nyang sabihin?

"Okay ka lang ba?"

"Sshh... I'm outside."

Nataranta ako dahil sa sinabi nya. Hinawi ko ang kurtina at sinilip ang labas.
Nakita ko syang nakasandal sa kanyang kotse habang nakatingin sa akin. Mejo madilim
pa pero kitang-kita ko ang pagkislap ng kanyang mata at pagsilip ng ngiti sa
kanyang labi.

"Anong ginagawa mo sa labas?" Nagmadali akong nagsuot ng sapin sa paa at marahang


binuksan ang pinto para hindi magising si ate.

Maingat na lumabas ako kahit na natataranta ako.

"Waiting

for you." Maikling sagot nito.

'Pagkalabas ko ay malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Hindi ko ibinaba ang


tawag at tumayo ako ilang metro mula kay Ace na nakatingin sa akin. Pumupungay ang
inaantok na mata nito.

"What the hell are you doing?! Aren't you going to hug me?"
Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko. Pinangungunahan ako ng nararamdaman ko.
Gustong-gusto ko syang yakapin ngunit parang nanlalambot ang tuhod ko para maglakad
pa ng ilang hakbang papalapit sa kanya.

"Ace... I can't move."

Narinig ko ang mahinang tawa nya. Itinagilid nya ang kanyang ulo na parang sinusuri
ako. This is embarassing. Bakit hindi ako makagalaw? "Who says you have to move?"
Humakbang ito ng ilang hakbang palapit sa akin bago tumigil.

Napangiti ako nang makita ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi habang nakatingin
sa akin. He looks so innocent. Parang hindi nya kayang makagawa ng kasalanan.

"You want kiss?" He asked.

"Hell, yes! Please."

OH.MY.GHAD! Wala akong planong magpabebe. I miss his kiss. I miss his hugs. I just
missed him. Tinanong nya na ako kaya sinagot ko ng isang katotohanan.

I want to kiss him...

"Let's have a deal." Sabi nito.

Para kaming tanga na nag-uusap parin sa kabilang linya kahit na dinig na dinig na
namin ang aming mga boses. Hindi pa rin ako makagalaw. Ganito ba ang epekto ng
pagkamiss ko sa kanya?

God, I'm stuck... staring right at him... waiting for him to kiss me.

"Just kiss me!" I commanded.


"'Pag nagawa mong humakbang ng tatlong beses palapit sa akin... I'll kiss you.

Just 3 steps, Zein. No more, no less."

Napanganga ako. Sinukat ko ang layo namin at sa tingin ko ay anim na hakbang lang
ang kaya ko. Kahit na tumalon-talon ako ay hindi ko kakayanin ang tatlong hakbang.

Parang sinigurado na nyang malabong magawa ko ang gusto nya.

"You don't want to kiss me, do you?"

He just shrugged. "But, alright. Deal." Matigas kong sambit.

Nagawa ko ng makahakbang ng isa. And the hell, mukhang sampong hakbang ata ang
magagawa ko. Nakita ko ang pagkislap ng nakakalokong ngiti sa kanyang labi. And uh,
hindi ko na naalis ang mata ko sa kanyang labi.

I just want his lips on mine.

Kinagat ko ang labi ko at tumalon ng malakas. Humalakhak ito. "Darling, you don't
look like a kangaroo. You are a new born frog." Muli itong humalakhak.

Napangisi ako sa inis. Sa sobrang inis ko ay baka maibato ko sa kanya ang cellphone
na hawak ko. He's teasing me and it's damn effective.

"Then, kiss me. I'll turn into a princess."

Umiling ito at pinatay na ang cellphone. Humalukipkip ito sa aking harapan. Mejo
malayo pa ako sa kanya at parang gusto ko na lang tumakbo palapit.

Binulsa ko ang cellphone ko.

"Come on, you have one more step left."


Humalukipkip din ako. "Akala mo naman gusto kitang halikan?" Mejo natatawa kong
wika.

Gustong-gusto ko pero alam kong hindi mo ako pagbibigyan. Paano mo nagagawa ito sa
akin, Ace? Paano mo ako nagagawang tiisin? Wala ba talaga akong alindog?

Bumababa ang tingin ko sa sarili ko at kasalanan ito ng lalaling uno na ito.

"Really?"

He licked his upper lip. Ghad!

He's seducing me! Ace Craige. Hindi mo alam ang ginagawa mo, swear.

"Zein..." He whispered in a sexy voice. Then, he bit his lower lip.

He's tempting me too much.

Pinilig ko ang ulo ko at naglakad palapit sa kanya. Namilog ang mata nito ngunit
hindi umatras. Halatang ang pagkamangha sa kanyang mga namimilog na mata.

"Hindi mo nagawa." Natatawa nyang sabi nang nasa harapan na nya ako.

"I can't do three damn steps with that fucking distance but let me tell you a three
words story... I love you."

Tumingkayad ako para abutin ang kanyang labi. Our lips crashed. Ipinulupot nya ang
kanyang braso sa bewang ko at idiniin ang kanyang sarili sa akin.

Nanlambot ang tuhod ko. Nakakalasing ang halik nito na hindi ko na magawang ilayo
ang sarili ko sa kanya. God knows how much I love this guy. No words can express my
feelings... I love him more than words can say.

Dinama ko ang kanyang malambot at malamig na labi. I kissed so many damn guys pero
kay Ace lang ako nasasabik. Nauuhaw ako sa kanyang halik.

Humiwalay ang labi nya sa akin ngunit pinanatili namin ang pagkakalapit ng aming
mga sarili. Ipinagdikit nya ang aming noo. We're both seeking for more air. I need
more air so I can kiss him without grasping to breathe.

"Nice... I love your kiss, pero hindi ako marunong makuntento sa isang halik."

Muli nya akong hinalikan pero mas mapusok ngayon. Naramdaman kong umangat ako sa
ere at ang paggalaw ng mga

paa ni Ace. Inupo nya ako sa harap ng kanyang kotse pero hindi kami humiwalay.

"Zein..."

Bumaba ang halik nya sa aking panga na nagdulot ng nakakapangilabot na kuryenteng


dumaloy sa mga natutulog kong ugat. Nawawala ako sa aking sarili.

Napakagat ako sa aking labi habang ginagawa nya 'yon. Pawis na pawis ako gayong
malamig naman.

"Ace... Damn."

Bumaba ang halik nya sa aking leeg. "Shit!" Napamura ako nang maramdaman ang isang
halik nya sa aking leeg.

Humalakhak ito at parang gusto ko syang sapakin. Sinadya nyang lasingin ako sa
kanyang halik para magawa nya 'yon. It's a trap.

"What's that for?!"

"Para malaman nilang may nagmamay-ari na sa'yo at ako 'yon, Zein. Akin ka ng buo,
hindi ako marunong makihati."

Muli nyang sinunggaban ang aking labi ngunit hindi na naalis sa akin isipan ang
halik nya sa aking leeg na malamang ay magmamarka.

Damn! His kiss mark! Ugh!

***

Allison's Point of View

Nakatingin ako sa kanila. Mahal na mahal nila ang isa't-isa. Kitang-kita at


mararamdaman mo 'yon kaya mas lumalaki ang pangamba ko sa paglabas ng mga
nakatagong lihim.

Alam kong malawak ang pang-unawa ni Zein pero alam kong may hangganan iyon at
natatakot akong masagad 'yon.

"Ayoko na..."

Napatingin ako kay Tita Mira na nasa likod ko na pala. Gaya ko ay nakatingin din
sya kina Ace at Zein. Nakangiti ito pero alam kong malungkot 'yon.

"T-Tita..."

"Hanggang kailan ba natin itatago?! Nakokonsensya na ako."

Sumikip ang dibdib ko. Hindi lang naman ikaw tita e. Hindi ko na rin alam kung
paano harapin si Zein gayong alam kong napalaki ng kasalanan ko sa kanya.

"T-Tita, natatakot ako. Ayokong masira ako sa kapatid ko. Ayokong masaktan sya."

Nanginig ang labi ko habang sinasabi ang mga katagang 'yon. Alam kong nagiging
unfair ako kay Zein. Dapat ay alam nya ang mga bagay na ito pero hindi ko masabi.
Itinatago ko ang isang importanteng bagay na dapat ay matagal na nyang alam.
"Dapat lang na matakot ka, Allison."

Natigilan ako sa sinabi ni Tita Mira. Nawalan ako ng salitang ibabato. Natulala na
lang ako kina Zein na masayang nagkukwentuhan.

"Sabihin mo na. Wala rin namang magbabago, bakit mo pa itatago? Mas masasaktan lang
sya sa ginagawa mo."

"I know. Alam ko, tita. Pero takot na takot lang ako. Hindi ko alam kung
mapapatawad nya ako."

Mapait na panangiti na lang ako. Hindi ko alam na darating ang araw na ito. Hindi
ko na kayang pigilan ang paglabas ng katotohanan. Ang mga katotohanan na sisira sa
lahat ng mga matagal ng nabuo.

"Ano ng gagawin mo, Allison? Nasasaktan din ako para kay Zein. Malakas sya,
matapang pero alam mong mahina sya sa loob. Kahit na anong gawin natin, masasaktan
sya. Hindi tanga si Zein. Baka sya pa ang makatuklas ng katotohanan."

Napahagulgol ako sa galit... galit sa sarili ko. Ipinangako ko na poprotektahan ko


sya sa kahit na sino mang mananakit sa kanya pero ako lang pala ang makakapankit sa
kanya ng lubusan.

Hindi lang si Zein ang masasaktan. May isang lalaking madadamay, maaaring mawala
ang ngiti sa kanyang labi. Kasusuklaman nya ako at hindi ko alam kung paano 'yon
tatanggapin.

Ngayon ko lang naramdaman ito. Ngayon lanh ako natakot ng ganito sa buong buhay ko.
Parang gusto kong takasan na lang lahat at magpakalayo pero alam kong
pagmamakasarili 'yon.

Kailangan kong tanggapin lahat ng pagkakamali ko.

"Lux... Baby... Baby, I'm sorry." I whispered.

=================
Chapter 18

Chapter 18: Samantha

Raze's Point of View

"Bababa, babanana... nanana~"

Mabilis na pinatay ko ang cellphone ko nang magring ito. Marami akong tinatapos na
papeles at ang magaling kong kapatid ay may ibang pinagkakaabalahan.

Mukhang may adventure na nangyayari sa kanilang dalawa ni Zein at hindi man lang
nya ako nagawang isama.

"Bababa, babanana... nanana~"

Muli kong pinatayan ng tawag ang kung sino mang nilalang na tumatawag sa kabilang
linya. I can't do multi tasking, I'm stick to one.

Sumandal ako sa swivel chair at pinagmasdan ang sarili ko sa malaking salamin na


pinasadya ko. Gusto kong minu-minutong nakikita ang kagwapuhang ibinigay sa akin ng
Diyos.

Why was I born with this drop-dead handsome and oh, so sexy body? I mean, it's too
much. Okay lang naman sa akin ang tama lang.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang camera.

Click~

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa cellphone. Napabuntong hininga na lang ako. I'm


perfect.

I pressed the home button and to my surprised... Ilang missed calls galing kay
Allison ang nakaflash sa screen.

Sabi ko na nga ba... Pabebe lang 'to pero deep inside? She's dying for my
attention.

Tinawagan ko ito ngunit sya na naman ngayon ang hindi sumasagot. Nagtampo?

Hay~

Nagvibrate ang phone ko at natawa sa text sa akin ni Allison.

"How dare you! YOU HAVE NO RIGHT TO IGNORE ME! JERK!"

Humalakhak ako at ini-screenshot ang kanyang message at ginawa itong wallpaper. Oh


well, not bad. Lagi na lang kasi picture ko ang

wallpaper ko.

Umayos ako ng upo nang may kumatok. Nahihiyang pumasok ang secretary ko at naglakad
papunta sa akin.

"Do you need anything, sir?"

Bakit ba ang abnormal ng secretary ko? Gusto nyang utusan ko sya e wala naman akong
iuutos.

Napatingin ako sa kanyang dibdib dahil yumuko ito. Well, awesome. But, I am no
interested.

"Actually, I want you to close the door and get outside. Don't stress me."

Ngumuso ito at inirapan ako. Tumalikod ito at nagmartsa paalis. Napatingin ako sa
kanyang legs and I can't help it but to whistle.
"Oh, wait!" I stopped her.

Malawak ang ngising humarap ito sa akin. Hindi ko matanggal ang mata ko sa maputi
at makinis nyang binti.

"Yes, sir? Do you need me--- I mean, anything sir?"

"Hubad."

Nanlaki ang mata nito at mejo namula pa ang mukha. Halos mangisay ito sa kilig.

"Ay, okay po sir. Hihi. Sabi nyo e."

Nanlaki ang mata ko nang aktong huhubarin nya ang blouse nya. "Hey! Don't flirt
with me. Hubarin mo ang heels mo." Utos ko.

Bagay 'yon kay Allison. Mahilig 'yon sa high heels e. Nahihiya naman akong bumili
dahil ang gwapo ko naman masyado para bumili ng heels. And, kailangan ko rin ng
pambawi sa kanya.

Nagtatampo 'yon dahil hindi ko nasagot ang kanyang tawag. Kahit na hindi ako
marunong maglambing, gagawin ko.

Inis na binato nya sa sofa ang heels at tumakbo palabas.

Sumipol ako.

Nakakapagod. Parang gusto kong magpa-facial--- Ano nga ba 'yon? Ah basta.

Napaayos ako nang upo nang may pabagsak

na tumulak sa pinto. Nanlaki ang mata ko nang makita sila Nazzer at Nicky.
"Such a flirt." Nakangiwing wika ni Nicky habang nakatingin sa pinto bago ako
binalingan ng tingin.

"Whoa! Reunion ba 'to?"

Lumapit ako kay Nazzer at nakipag fist bump. "Nice hair." He commented.

Ngumisi ako at sinenyasan silang umupo. Ngunit nakaupo na si Nicky sa table ko. Hay
naku. Hindi talaga marunong mahiya ang babaeng 'to.

"My only one?" Tawag ni Nicky kay Nazzer.

Napahalakhak ako nang malakas sa tawagan nila. Ang corny! Ang oa! Nakakadiri.
Nakakasuka. Nakaka--- Yuck.

"Yes, my girl?" Tanong naman ni Nazzer.

Mas lumapad ang katawan ng mokong at kapansin-pansin ang pagkahilig nya talaga sa
mga sleeveless na damit. Habang si Nicky ay nagpagupit hanggang sa balikat. Walang
pinagbago dahil mahilig pa rin sya sa itim na lipstick at pamatay na kilay.

"Paki abot mo nga 'yan heels ko." Tinuro nya ang heels na kinuha ko sa secretary
ko.

"Hey, wait! That's not yours!"

Kinuha ni Nazzer ang heels at ibinato kay Nicky na nasalo naman. "What I touched is
mine." Sabi pa nito na sinusukat ang heels.

Napabuntong-hininga na lang ako. The other side of the demons from Hell University.
Natawa na lang ako.

"That's for Allison but sure, you can have it." Pagsuko ko.
"Mukhang nagkakamabutihan kayo ng ate ni Zein." Puna ni Nazzer.

Umupo ako sa tabi nya. "Hindi naman pero ano bang aasahan mo sa akin? I'm a girl-
magnet."

"Hindi ko alam na ganito kataas ang tingin mo sa sarili mo. Where's the cold leader
of Devil

God Warriors?"

Natawa na lang ako. Ang hirap magpanggap na cold ako gayong alam kong hindi. I have
to act like Ace. He's as cold as ice and a man of few words. For the sake of our
plan, I had pretended to be like him.

"And I remember. Bakit mo pinagbantaan si Ace?" Tanong ko kay Nazzer. "I still
remember it. Binantaan mo syang babagsak at matatanggal sa kanyang posisyon and
that's not part of our plan." I asked out of curiosity.

Nakasunod ako lagi sa kanila kaya alam ko lahat ng nangyayari. Malimit din akong
maglabas masok sa Dark Hell Jail ngunit mas maingat ang ginagawa ko lalo na't alam
kong may taong inutusan sina Headmistress para sundan kami.

Buti na lang at malayo sa mismong Hell University ang pinagtayuan ng DHJ kaya hindi
nila masyadong naabot.

"Nakikita mo kami ngunit hindi mo nakikita si Madame Violet?" Natatawang sagot ni


Nazzer.

"You mean?"

"Yes. Nakamasid sya sa mga sandaling 'yon at naramdaman din 'yon ni Ace. Pasalamat
ka at hindi ka nya nakita."

Napabuga na lang ako sa hangin. Hindi nga ata ako naging maingat. Alam ko. Ngunit
ang ipinagtataka ko ay si Mr. Francisco. Ilang beses nya akong nakita pero hindi
sya nagsalita.
Hmmm...

"Throwback ba ito?" Natatawa kong tanong.

Umiling si Nicky na kumakain ng mansanas. Tinanaw nito ang labas ng salamin sa


likod kung saan tanaw ang buong lugar.

"May alam ka ba tungkol sa nangyayari kina Ace at Zein?"

Natigilan ako sa tanong ni Nicky na nanatili ang mata sa labas. Hindi ko alam kung
ano bang pinupunto nya. Tungkol ba 'yon sa kinwento

sa akin ni Ace?

"Yeah. Ayaw nya ng tulong."

"Really?" Humarap ito sa amin kasabay ng pagsilaw ng ngiti sa kanyang labi.


"Magseselos ka ba kung sasabihin kong nilapitan nya kami para humingi ng tulong?"
Tanong nito na labis kong ikinagulat.

Nalilito ako. Bakit sa kanila sya humingi ng tulong gayong ako ang mas makakatulong
sa kanya?

"Bakit naman sya lalapit sa inyo?"

"For help."

"I can help him more than you can." Matigas kong sambit.

Ngumisi ito.

"Oo nga... Baka nam---"


"Nicky!" Babala ni Nazzer na ikinahalakhak nito.

Tumayo si Nicky bitbit ang kanyang heels dahil sinuot nya ang kinuha nya sa sofa.
Hindi pa rin natatanggal ang ngisi sa kanyang labi at masama ang kutob ko doon.

"What are you trying to say?"

"What do you want to know?"

Sinenyasan nya si Nazzer na tumayo naman. Handa ng umalis ang mga ito pero may
pahabol na sinabi pa si Nazzer.

"We'll help Ace, don't worry. Kahit papaano ay marunong pa rin naman kaming tumanaw
ng utang na loob." Wika ni Nazzer.

They left me hanging. Sumandal ako sa sofa at kinalma ang nagwawala kong isipan.
Parang sasabog ito dahil sa mga hindi mapigilang pagpasok ng mga detalye.

May itinatago ba sa akin ang kapatid ko?

Babalik na naman ba kami sa isang madilim na kabanata ng buhay namin? Kung saan
kami ay pinuno ng mga lihim na unti-unting naging kahinaan namin.

Sa sobrang pagod at dala na rin ng dami ng umiikot sa aking isipan ay nakatulog ako
sa sofa.

Iginala ko ang mata ko. Napakaraming bulaklak sa paligid. Parang nasa isa akong
hardin. Malawak ito at parang walang hangganan.

"Lux! Bakit ngayon ka lang?!"

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa isang babaeng hindi kalayuan sa akin.


Nakatayo ito at tinatangay ng hangin ang kanyang buhok.
"S-Sam?"

Lumapit ako ngunit tumakbo ito palayo. "Habulin mo ako! Ngayon mo ipakitang hindi
lang hangin ang laman ng utak mo!" Humalakhak ito na puno ng panlalait.

Gaya ng sinabi nya ay hinabol ko ito. Hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam
ang nararamdaman ko ngayon. Nasa harap ko lang naman ang babaeng humubog sa kung
sino man ako ngayon.

"Sam! Hintayin mo ako!"

"Hinintay kita, hindi ka dumating. Naghintay ako, Lux."

Habang tumatakbo ay kumawala ang tubig sa mata nito ngunit nanatili syang
nakangiti. Kumirot ang puso ko. Ang sakit.

"Sorry... Baby, I'm sorry."

"Wala 'yon. Mahal naman kita kaya okay lang."

Huminto ako para habulin ang hininga ko. Huminto rin ito ngunit malayo sya sa akin.
Humalakhak ito ng malakas.

"You are still weak! Maging matapang ka! Hindi sa lahat ng oras ay tinatawanan lang
ang problema. Huwag mong hayaang diktahan ka nila. Set yourself free. Live your
life the way you want it, not the way they want."

Sumandal ito sa puno at tinaasan ako ng kilay. Hindi ako nakapagsalita.

"Baby, I miss you."


Umikot ito sa puno.

"Siya ang mahal mo! Hindi ako!"

Naguluhan ako.

"Mahal kita... sobra."

"Hindi... Hindi ako ang mahal mo. Siya! I hate you!"

Napamulagat ako at pawis na pawis. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko at hinahabol


ko ang hininga ko.

Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdaman na basa ito. Sumandal ako sa sofa at
ipinikit ang mata ko.

Hindi na ako gaya ng dati, Sam. Binago mo ako. Binago ako ng pagmamahal mo.
Salamat.

=================

Chapter 19

Chapter 18: Cedric

Ace's Point of View

Hindi makapaniwalang napatingin sa akin si Mr. Sebastian. Ramdam ko ang pagdududa


mula sa kanyang nanunuring mata.
Pero wala akong planong bawiin ang pasya ko. Napagpasyahan kong putulin na ang
paghingi ko ng tulong kay Mr. Sebastian Lee.

"Mukhang alam ko na kung bakit." Mahina itong natawa.

"Kahit na bigyan kita lahat ng impormasyon ay palaging may kulang. Tama ba?"

"Maraming salamat po sa lahat ng naitulong nyo. Tatanawin ko itong malaking utang


na loob."

"Anything Mr. Craige. Malaki rin ang utang na loob namin sa inyong amang tumulong
sa amin nung nalugmok kami."

Payak na ngumiti na lang ako nang marinig na naman ang mga salitang 'yon. Ama...

"May kinalaman ang lahat ng ito sa matagal nyong pagkawala. Hindi ba?" Nakangising
tanong nito. "Ano nga ba talaga ang nangyari sa inyo? Bakit bigla kayong naglaho?"
Manghang tanong pa nito.

Hindi ako sumagot. Lahat ng nangyari sa amin ay mananatili na lang na bahagi ng


aming nakaraan. Lahat ng nangyari sa loob ng impyerno ay kami lang ang makakaalam.
Gaya ng pakiusap namin sa mga pulis na tumulong sa amin.

Mananatili sa amin ang lahat at hindi makakalabas.

"I'm sorry..." Bulong ko.

"A mystery that I can't resolve. So far, kayo pa lang ang nagpahirap

sa akin ng ganito. Lahat ng kinalap kong impormasyon tungkol sa inyo... palaging


may mali... kulang."

Hindi pa rin maalis ang pagkamangha sa kanyang mata at parang nachachallenge sya sa
amin. Magaling si Mr. Sebastian, pero limitado 'yon at hindi nya sakop ang nangyari
sa amin.

"Bakit namatay si Mr. Valdez? Bakit naging pula ang mata ni Lux?"

"Hindi nyo na po kailangang malaman." Mapait kong sagot.


Gusto kong tigilan nya kami at alam kong ang mga ganitong pangyayari ang
nagpapanabik sa katulad nya. Gusto nyang nahihirapan sya sa paghanap ng sagot.

"Oh, sorry. I understand."

Napangisi na lang ako dahil hindi 'yon ang nakikita ko sa kanyang mata. Gusto nya
pa ring malaman.

"Pero, kailangan nyong mas maging maingat. Hindi takot pumatay ang taong kalaban
nyo."

"I know... Magiging mas maingat kami."

Tumango ito at ibinigay sa akin ang isang brown envelope na kanina pa nya hawak.
Hinawakan ko lang ito at hindi binuksan.

"May kilala ka bang Nicky Colt?"


Kumunot ang noo ko nang marinig ang pangalan na 'yon.

"I conducted my own investigayion regarding Gardo's death. Alam mo naman na may
kabagalan ang kapulisan. And I found out... her. Sya ang pumatay sa taong inatasan
mong magbantay kay Zein."

Binuksan ko ang brown envelope. Halos tungkol lahat

ito kay Nicky. Background nya pero walang nabanggit mula sa Hell University na
malamang ay hindi naabot ni Mr. Sebastian.

"Kilala mo ba sya?"

"Friend of mine." Maikli kong sagot bago ibinalik muli sa loob ng brown envelope
ang mga papeles.

Nakita ko ang gulat sa mata ni Mr. Lee nang sabihin ko 'yon.


"Another mystery. Bakit papatayin ng kaibigan mo ang nangangalaga sa iyong mahal?
Anong rason nya? Masama? Mabuti? Para saan?"

Kung ano man 'yon alam kong may rason sya. Kung ano man 'yon ay iyon ang aalamin
ko.

Bakit nga ba nya ginawa 'yon?

Napabuntong-hininga na lang ako dahil sumasakit na ang ulo ko sa mga nangyayari.


Hindi ko na alam kung anong hakbang ang gagawin ko. Nalilito ako at nanatiling
malabo ang lahat ng bagay.

"Natatakot ka..."

Natahimik ako sa sinabi ni Mr. Sebastian. Ni hindi ko magawang tumingin sa kanyang


mata na iniiwasan ko. Tama sya... Natatakot ako.

Natatakot ako hindi para sa sarili ko. Natatakot ako para sa kanya, para sa amin.
"Bakit hindi mo sabihin kay Ms. Shion? Maiintindihan ka nya."

Sumandal ako sa upuan at ngumiti na lang. Akala ko mareresolba ko ito ng mag-isa.


Hindi sumagi sa isip ko na darating ang araw na matatakot akong magsabi. Ayokong
mabahala sya. Ayokong mawala ang ngiti sa kanyang labi dahil doon lang ako kumukuha
ng lakas.

"Don't be selfish, Ace. Itinatago

mo sa kanya ang mga bagay na dapat ay alam nya."

"I know... I-I just can't... Hindi ko alam kung paano o saan mag-uumpisa."

"Alam mo bang mas nanganganib ang babaeng 'yon dahil sa ginagawa mo?"

Nagulat ako sa sinabi nya. Seryoso ang mata nito habang nakatingin sa akin at alam
kong hindi nya talaga gusto ang ginagawa kong paglilihim.
"Huwag kang magtataka kung dumating ang araw na... maglaho na lang sya."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Humigpit ang pagkakahawak ko sa brown envelope
na sa tingin ko ay nalukot ko na. Hindi ko nagustuhan ang mga lumalabas sa bibig
nya.

Tinatakot nya ba ako? Damn! Takot na takot ako.

"This is not just your battle. This is also her battle, no secrets, no worries."

Should I tell her? I think, I must.

"Hindi kayo dapat matakot sa inyong kalaban. Matakot kayo sa inyong sarili.
Katakutan nyo ang mga sikretong itinatago nyo dahil ito ang gagamitin nila laban sa
inyo."
Hindi maipagkakailang tagos sa puso lahat ng sinasabi nya. Tama sya at naiinis
akong hindi ko maitama ang sarili ko. Sa tuwing nagtatangka akong magsabi kay Zein,
natututop ako ng kanyang mga halakhak at ngiti.

"Be brave enough... Hindi basta-basta ang kalaban nyo."

Huminga ako ng malalim bago pinasilip ang ngiti sa aking labi. "Maraming salamat
Mr. Lee, naiintindihan ko. I'll

try... Susubukan ko." Bulong ko.

Susubukan kong buksan ang aking sarili. Uunti-untihin ko lahat hanggang sa makalaya
na ako at mawalan na ang takot. Para kay Zein, para sa amin.

"Tungkol nga pala sa hinihiling mong bagong magbabantay kay Ms. Shion." Napatingin
ako sa lalaking nakangising umupo sa aking tabi. Kinuha nito ang aking kape at
ininom. "I want you to meet my son. Cedric." He introduced.

"Uh, nice meeting you... again. Ace Craige."


Hindi na ako nagulat dahil matagal ko ng alam na anak nya si Cedric pero nagulat
ako na sya ang magbabantay kay Zein.

"Wala na po bang iba?" Tanong ko.

Narinig ko ang paghalakhak ni Cedric ngunit hindi ko ito pinansin.

"He's my best. Siya ang magaling sa ganitong bagay."

"Whoa. Thank you for the compliment dad but you forgot something... I'm Cedric. The
best among the awesome."

Muli itong humalakhak ngunit nanatili akong seryoso. Alam ko na ang pagsagip ng
nilalang na ito kay Zein. Nung mga panahon na pumunta kami sa race car competition
at nung mga panahong minura nya ako dahil hindi ko binabantayan ng maayos si Zein.

Napabuntong-hininga na lang ako. "I think... I've no choice. Just name your price."
Nakangising sambit ko.
Akala ko maaapakan ko ang kanyang ego pero mali ako. "1 million

per one week. 5 million per one case. Bagsak na 'yan kumpara sa 20 million kong
price sa isang tao." Nakangiting wika nito.

"Cedric." May pagbabantang wika ni Mr. Sebastian.

"As long as my future will be safe. Then, deal. Pero kapag may nangyaring masama
kay Zein, ako mismo ang papatay sa'yo."

"Then, kill yourself now. Ilang beses ng muntik mamatay si Zein. Nasa tabi ka ba
nya?"

Naramdaman ko ang pagbuo ng inis sa loob ko at ang mahigpit na pagkuyom ng kamao


ko. Nagpupuyos ako dahil sa mga sinabi nya pero alam ko ang limitasyon ko.

"Alam ko na ang buong sikreto mo."

Natigilan ako sa sinabi nya at nakita ko rin ang pagkabigla sa mga mata ni Mr.
Sebastian. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung nananakot lang sya o
talagang nalaman nya.

"This is the battle of secrets and I will always be here for Zein. Pinagkakaisahan
nyo sya. 'Pag dumating ang araw na mawala na ang ngiti sa kanyang labi. Ako... ako
mismo ang maglalayo sa kanya sa iyo."

Hindi ko na napigilan ang pagdapo ng kamao ko sa kanyang mukha. Napatayo si Mr.


Sebastian at inilayo ang kanyang anak sa akin. Naghiyawan din ang mga customer
dito.

"My girl is only mine! Itatak mo ito sa utak mo. Kahit na ako pa ang pinakamasamang
tao sa mundo, akin pa rin sya. I'm selfish. I don't give up what's mine.
Magkamatayan na... Akin lang sya, Mr. Cedric Lee."

Nakangising pinunasan nya ang kanyang labing pumutok. Pinapakalma rin sya ni Mr.
Sebastian.

Hindi ko makalma ang sarili ko. Gusto ko syang sapakin hanggang sa mabura na ang
kanyang mukha. I hate his guts.
"I'm a stealer. I can steal when you loosen the bond. Kaya kong pakawalan ang isang
tao mula sa marupok na pagkakahawak. You don't deserve her."

Mapakla akong natawa at inis na hinawakan ang brown envelope. Tinagilid ko ang ulo
ko para pakalmahin ang nag-aalab kong kamao.

"May hawak akong alas, Mr. Craige. Huwag mong hayaang ako pa mismo ang magsabi sa
kanya ng lahat ng itinatago nyo."

"Then, go. I don't fucking care and will never give a damn."

"S.A.M.A.N.T.H.A" Pagleletra nya.

Natahimik ako at nakita ko ang pagkunot ng noo ni Mr. Sebastian. Alam na nga nya.

"A.L.L.I.S.O.N"
"Shut up."

"Z.E.I.N."

Hindi ako nakapagsalita at nakita ko ang pagsilip ng ngisi sa kanyang labi.

"H.E.L.L.U.N.I.V.E.R.S.I.T.Y"

Tumalikod na ako para umalis ngunit may pahabol syang sinabi na labi na ikinapukaw
ng aking atensyon. Ang mga letrang nagpanginig sa akin.

"T.R.A.I.T.O.R"

=================

Chapter 20

Chapter 20: Help


Zein's Point of View

"Sorry, Zein. May lakad kami ni Je, eh."

Napabuntong-hininga na lang ako dahil mukhang hindi ko mapipilit ang isang 'to.
Uunahin pa talaga ang date kesa sa pag-aaral.

"Pasama ka na lang kay Ace."

"Okay na. Sige."

Sinakbit ko na ang bag ko at napagpasyahang puntahan na lang si Ace. Mejo malayo


ang building nila kaya mejo malayo-layo ring lakaran ito.

Magpapasama kasi akong mag-grocery para sa kakailanganin kong ingredients para sa


lulutuin ko. Hindi ko naman kayang magdala ng lahat kaya kailangan ko ng tulong.

Sumilip ako sa classroom nila at nagkaklase sila. Kumunot ang noo ko nang mapansin
na wala si Ace. Tanging si Matt lang ang narito na patagong gumagamit pa ng
cellphone. Ibang klase.

Sinubukan ko ulit igala ang mata ko pero bigo parin akong makita ito. Wala sya.
Nagditch class ba sya? Saan naman kaya sya pumunta?

Bigong nilisan ko ang building nila. Well, I have no choice but to go alone. Hindi
ko na muna siguro bibilhin lahat para mabuhat ko.

"Saan ka pupunta? Sama naman ako."

Muntik ko ng masapak si Cedric dahil sa biglaan nyang pagsulpot. He's still wearing
his mischievous smile.
Hindi naman sigurong masama na magpasama ako sa kanya. At least, hindi ako ang nag-
umpisa at kusa syang nag-alok.

"Mall. Bibili ako ng ingredients. Pwede ka?"

"Yeah. Basta ba libre mo ako ng mogu-mogu."

Mahinang natawa ako sa sinabi nya. "Okay." Sagot ko.

Ginamit namin

ang kotse nya at hindi raw sya marunong mag commute. Hindi raw bagay sa kanya ang
nakikitang nakasakay sa taxi or jeepney. Mahangin din ang isang 'to.

"Wala ata ang boyfriend mo?"

"Obvious ba? Nakikita mo bang kasama ko sya?" Hindi ko napigilang masungitan ito.

Naiinis ako dahil hindi man lang nagsasabi ang lalaking 'yon kung saan sya pupunta.
Ni text man lang ay hindi nya magawa. Hayst.

"Paano kung nambababae ang boyfriend mo?"

Natawa na lang ako sa sinabi nya. "No. He won't and he can't." Sagot ko.

Kilala ko ang lalaking 'yon. Hindi lang sya allergy sa spinach, maging sa babae
rin--- I'm an exemption. I'm his north and he's my south pole.

"You must trust him that much, huh?"

"I trust him more than myself."

Natahimik sya sa sinabi ko. Ganon naman talaga ang tingin ko kay Ace. Hindi sya
kagaya ng ibang lalaking nakakasalamuha ko. May something sa kanya na sya lang ang
nagtataglay. And he's innocent in a sexy way.

"Pero dapat ay lagi mo syang nasa tabi. Hindi mo alam ang panganib."

"Hindi ko sya minahal para iligtas ako sa lahat ng panganib. I don't need anyone to
save my life, I just need Ace to live my life."

Without him, I am a mess.

'Pagkarating namin sa mall ay agad na tumungo kami sa Grocery Store story para
mamili ng mga ingredients. Si Cedric ang nagtutulak sa cart.

"HRM student ka ba talaga?" Natatawa nyang tanong.

Hindi ako sumagot dahil nag-iisip ako kung ano pa ba ang kulang. Narinig kong muli
ang paghalakhak nya kaya parang gusto kong ibalik ang limang mogu-mogu

na nasa cart.

"Gumawa ka muna dapat ng listahan ng bibilhin mo. Hindi 'yong mag-iisip ka pa lang
'pag nasa store ka na. Time management palang bagsak ka na."

Alam ko naman 'yon pero tinamad akong gumawa.

"Nakakainip ka palang kasama."

"At nakakainis ka namang kasama."

Napailing na lang ito. Napansin ko na iniinom na nya ang isang mogu-mogu kahit na
hindi pa ito bayad. Sa susunod talaga, 'di baleng ako na lang mag-isa kesa naman
kasama ko ang lalaking ito.

"Sure ka bang ito na lahat?" Tanong sa akin ni Cedric nang nakapila na kami kaya
nagduda tuloy ako.
Mukhang may kulang na nawala sa isip ko. "Hindi ka ba gagamit ng brown sugar?"
Tanong nya na ikinagulat ko.

"Oo nga pala. Teka lang ah?"

Tumakbo ako para bumalik at kumuha. Nasa malapit lang naman. Kumuha ako ng isang
kilong brown sugar at aktong aalis na nang mapansin ko ang isang babaeng nakatayo
hindi kalayuan sa akin.

Nakayuko ito pero parang--- "M-Mia?" Ngumiti kaya tumakbo ako palapit sa kanya.

Humarap itp at halos maluha ako ng sya nga ito. Shit! "Mia!" Niyakap ko ito ng
mahigpit.

Napapikit ako sa sobrang saya at parang naiiyak ako. Hindi ako makapaniwalang
narito sya.

Kumawala ito sa pagkakayakap at hinarap ko. Gusto kong puriin ang mga pinagbago nya
pero natutop ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwalang narito sya.

"Z-Zein... I miss you."

"Bakit?"

Ngumiti ito at muli akong niyakap. Naramdaman ko ang pagtaas-baba ng balikat nito
at ang panginginig ng katawan nya kaya alam kong umiiyak ito.

Hinarap ko ito sa akin.

"Kailan ka pa umuwi?" Tanong ko.

Umayos ito ng upo at pinunasan ang kanyang mukha na puno ng luha.


"Nung isang buwan pa."

Nagulat ako nang makita si Dave na nakatayo sa likod ko. Nakangiti ito. Kaya naman
pala tumahimik ang lalaking ito dahil may kababalaghan na nangyari sa kanya.

"Bakit hindi mo sinabi?" Hindi ko maiwasang magtampo.

Hindi ko tuloy maiwasang magduda kung ako na lang ba ang hindi nakakaalam o
talagang sikreto ang pagbalik ni Mia.

"T-Tumakas ako." Sambit nito.

Naguguluhang napatingin ako kay Mia dahil sa sinabi niya. Nakita ko rin ang pagdaan
ng lungkot sa mata ni Dave.

"A-Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko.

"Ipapakasal ako ni mommy sa anak ng business partner nya."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Kaya ba parang nagtatago sila? Kasi baka
malaman ng parents nya na narito na sya at sapilitang ibalik para ipakasal sa
lalaking hindi nya mahal?

"Kaya nga tatakas kami." Desididong sambit ni Dave.

"W-What? Wait..Sigurado ba kayo sa pinaplano nya? Baka naman may iba pang paraan."
Hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanila.

Alam ko ang pagtingin nila sa isa't-isa kaya kahit na wala silang commitments dati
ay alam naming lahat at kahit papano ay natutuwa ako na kaya na nilang ipaglaban
ang nararamdaman nila.

"Babalik kami sa America. Ipaglalaban ko si Mia sa mga magulang nya at 'pag nabigo
kami. Wala na kaming magagawa kundi ang magpakalayo."
Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa kanilang

dalawa. Shit! Ang daming nabibiktima ng pag-ibig. Para talaga itong virus na unti-
unting sisirain ang lahat ng sa'yo at bubuo ng panibagong pagkatao sa loob mo.

"Kahit na anong maging pasya nyo. Narito lang ako, kami. Susuportahan namin kayo."
Nakangiti kong wika.

Mahigpit ang pagkakahawak ng kanilang mga kamay kaya alam kong magkamatayan na,
hindi sila susuko. After all, isa sila sa mga nakalaya sa impyerno. Alam kong
malalagpasan din nila ito. Isa lang ito sa mga pagsubok ng pag-ibig at sana
hanggang sa huli... magkahawak kamay pa rin sila.

"Mia, tara na. Baka malate tayo sa flight natin."

"A-Aalis na kayo?" Naiiyak kong tanong.

Malungkot na ngumiti si Mia. "Nagpakita lang ako sa'yo para magpaalam. Baka kasi...
ito na ang huli nating pagkikita." Malungkot nitong sambit.

Pinunasan ko ang luha sa mata ko at hinawakan sa pisngi si Mia.

"Don't say that. Magkikita pa tayo at 'pag dumating ang araw na 'yon. Legal na
kayo."

"Sana... Sana, Zein. Ipagpaalam mo na rin ako kina Matt, Jerome at Vanessa. I love
you... Mahal ko kayo, Zein."

Pinunasan ko ang luha sa kanyang mata. "Ito na ang huling pagkakataon na iiyak ka.
Ipangako mo sa akin, Mia. Huwag kang iiyak sa harap nila, ipakita mong malakas ka,
na kaya mong panindigan ang desisyon mo." Lumipat kay Dave ang tingin ko. "Please,
take care of her. Huwag mo syang bibitawan." Bilin ko.

"You don't have to say that."


Napangiti na lang ako bago sila niyakap sa huling pagkakataon. Pinagmasdan ko
silang makalayo sa akin.

Take care. Kaya nyo 'yan.

Pinunasan ko

ang luha sa mata ko at nagpakawala ng buntong-hininga. 'Pagkabalik ko sa counter ay


nakikipag sigawan si Cedric sa isang dalagang nasa likod nya.

"Kanina ka pa nakapila! Marami pa kaming susunod sa'yo just for so you know. Hindi
ka naman siguro bulag."

"Eh sa wala pa 'yong asukal e! Bakit hindi ka lumipat o 'di kaya magpatayo ka ng
sarili mong mall. 'Yong ikaw lang ang mamimili at hindi mo na kailangang pumila!"
Singhal sa kanya ni Cedric.

Lumapit ako sa kanila at sinamaan ng tingin si Cedric.

"Ang tagal mo. Atat na atat na ang bruha sa likod ko."

"Bruha?! Ang kapal naman talaga ng mukha mo! Bruho!"

Napatingin ako sa babae.

"Zein?"

"Fritzy?"

"BFF!" Halos masakal ako nang yakap nito. "Namiss kita." Humagikgik ito.

Kahit papaano ay namiss ko rin ang bruhang ito. Hindi pa rin sya nagbabago. Mataray
pa rin.
"Una na ako." Aniya sa akin. "Nakalimutan mo na ba? Gorgeous first!" Dugtong pa
nito bago lumipat sa harap namin.

Sinenyasan ko naman si Cedric na manahimik na lang dahil 'pag pinatulan nya pa ang
babaeng 'to ay magkaroon talaga ng forever. Kilala ko si Fritzy. A bitch from Hell
University.

"Thank you so much, best friend forever. Hihi." Napunta kay Cedric ang kanyang mata
at natawa ako sa pag-ikot nito. "Ang pangit naman ng boy nyo." Wika pa nito.

Naramdaman ko ang pagbagal ng hininga ni Cedric kaya binantaan ko na sya.


Nagpipigil ito ng galit habang nakangisi.

"Well, Miss Fruitzy. I'm not a boy---"

"Then, a gay? OH.MY GHAD! Hindi mo naman

agad sinabi sissy. Bye and uh, wait. It's Fritzy." Pinitik nito ang kanyang buhok
bago naglakad palayo. Sinalubong sya ng dalawang lalaking guard nya ata.

Hanggang sa pagdating namin sa kotse niya ay panay ang bulong ni Cedric.

"You know her? Alam mo ba kung saan ko matatagpuan ang strawberry na 'yon."

"Hindi ko alam, Ced. We're not that close. Sadyang feeler lang talaga ang babaeng
'yon." Naiiling kong sambit. "Paki hatid na lang sa dorm namin. May pupuntahan
ako." Bilin ko pa.

Natigilan sya sa paglalagay ng mga pinamili namin sa likod. Nakakunot ang noo nito
habang nakatingin sa akin.

"Una, hindi ako utusan. Pangalawa, saan ka pupunta? Pangatlo, 'yong una."

"Please, importante lang."


Kung kinakailangan kong sirain ang date nila Jerome at Vanessa ay gagawin ko.

"Okay. Bahala ka."

Hindi ako umalis hanggat hindi ko nakikita ang pag-alis ng kotse nya. Nang hindi ko
na ito natanaw ay nagsimula na rin akong maglakad.

Sumakay ako sa taxi na nakatigil.

Sinabi ko ang restaurant na pupuntahan nila Vanessa. Sumulyap ako sa cellphone ko.
Wala pa rin syang text.

Napatingin ako sa driver at nahuli ko itong nakatingin sa akin. Kinilabutan ako.


Nakatakip ang buong mukha nya ng itim at tanging ang kanyang mata lang ang
nakalitaw.

"Do you know me?" He asked. "I'm Hell. Pagod ka ata? Baka gusto mo munang matulog."

Nanlaki ang mata ko nang bigla nyang tinakpan ang ilong ko. Sinubukan kong
magpumiglas ngunit hindi ko sya kinaya.

Halos hindi na ako makahinga at wala akong nagawa kundi ang tumitig sa nanlilisik
nyang mata. Isang matang puno ng hinanakit hanggang sa maramdaman ko ang pagbagal
ng hininga ko at pagbigat ng talukap ng mata ko.

Nagising na lang ako at mag-isa na lang. Kasabay ng panlalamig ng buo kong katawan.
Nasa harap ako ng bangin.

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang maramdaman ang unti-unting pagdulas ng sasakyan.


Hindi ako makakilos dahil maling galaw ko lang ay mahuhulog na ako.

Nanginig ako at kinapa ang cellphone ko sa aking bulsa.


Mabilis na hinanap ko ang numero ni Ace. Halos hindi ko mapindot ang call button
dahil sa panginginig ang buong katawan ko.

Tinapat ko sa aking tainga ang aking cellphone. Napapikit ako nang walang
sumasagot. Ace, shit!

Napasigaw ako nang gumalaw na naman ang sasakyan. Kinagat ko ang labi ko at nag-
iwan na lang ng voice mail kay Ace.

"A-Ace... Ace. Natatakot ako. T-Tulungan mo ako. Ace, please." Tumulo ang luha sa
mata ko.

Nabitawan ko ang cellphone ko nang maramdaman ang unti-unting pagdausdos ng


sasakyan pababa sa bangin at wala akong nagawa kundi ang ipikit ang mata ko.

Ace...Where are you? I need your help. Help me, please... I'm scared.

=================

Chapter 21

Chapter 21: Letter

Ace's Point of View

"What do you want?"

Ang malalim na mata ni Nicky ay nakatingin sa akin. Wala kang mababakas na emosyon
sa kanyang mukha. Ibang klaseng babae. Paano nya nagagawang maging kalmado sa lahat
ng oras?

Inilatag ko sa lamesa ang mga picture nya na kuha ng CCTV. Ito ang mga picture na
nakalagay sa brown envelope.

Kitang-kita ang pagsakal ni Nicky sa lalaking pinagbabantay ko kay Zein hanggang sa


mawalan ito ng hininga at dahil sa sobrang higpit nun ay mejo nawarak pa ang leeg
ng lalaki.

"Hmmm. I like these stolen shots." She commented.

Sinuri nya ang mga litrato habang nakangisi.

"Why?" I asked.

"What?" Mejo natawa ito bago sumandal sa upuan. "Aren't you going to thank me? I
just saved your girlfriend." She flashed a playful smirk.

I knew it. May rason talaga kung bakit nya ginawa 'yon at alam kong sa ikakabuti
'yon.

"You asked for our help. Wish granted."

"Pero sya ang inatasan kong magbantay kay Zein."

"Magbantay?" Mejo natawa ito sa sinabi ko. "O baka naman pumatay? Someone
manipulated him. Kahit na hindi ko kilala ang nasa likod nito ay napansin ko 'yon.
Pinag-aralan ko ang kilos nya and to my surprise... Binalak nyang patayin si Zein
'pag pumasok sya sa CR." Pagpapaliwanag nito.

Natahimik ako sa sinabi nya. Bumaliktad sa amin ang tauhan ko? Bakit? Sino ang nasa
likod nito? Was it Hell?

"To make it short. Inunahan ko sya, I killed him to save Zein."

Binalot

kami ng katahimikan matapos ang sinabi nya. Napakaraming bagay ang umiikot sa aking
isipan at wala man lang akong maisip na matino. Ang labo.

"Hindi mo ba talaga kilala ang mga nasa likod ng ito?" May pang-aasar na tanong
nya.
Sumeryoso ako ng mukha. "I have a lead but--- Malabo pa rin." Naguguluhang kong
sagot.

"Malabo? Talaga? Baka naman ayaw mong tanggapin?"

"Ano bang sinasabi mo?" Mejo naiirita kong tanong.

She shrugged her shoulder at hindi na muling nagsalita. Bigla kong naisip si Zein
dahil baka uwian na nila kaya tumayo na ako. Baka naiirita na naman 'yon sa waiting
shed.

"I have to go."

"Hunting by the past."

Hindi ko na ito pinansin at nagdiretso na lang ako palabas ng kanyang opisina na


pinagtatrabauhan niya. Halos takbuhin ko na ang parking lot para habulin lang ang
oras.

She must be tired of waiting.

Kailangan ko na sigurong sabihin lahat kay Zein. Tama si Mr. Sebastian, kailangan
nyang malaman. Hindi ko malulutas ito ng mag-isa, I need her.

Pinaharurot ko ang aking sasakyan palabas ng parking lot. Napansin ko ang cellphone
ko na nasa sahig na malamang ay nahulog ko kanina dahil sa pagmamadali.

Inabot ko ito at binuksan. Mabilis na kinain ako ng kaba nang makita ang two missed
call galing kina Zein at Cedric. Pero mas kumunot ang noo kay kay Cedric.

Nakita ko rin ang isang voice mail galing kay Zein. Nanginginig na play ko ito at
dahil connected sa speaker ang aking cellphone ay dinig na dinig ko lahat.
Mabilis na napreno ko ang sasakyan.

"A-Ace... Ace. Natatakot

ako. T-Tulungan mo ako. Ace, please."

Nanlambot ang buong katawan ko. It was sent 1 hour ago. Kanina pa ito at ngayon ko
lang nakita. Natulala ako matapos marinig 'yon.

Ramdam ko ang takot sa nanginginig nyang boses at ang pangangatog ng katawan nya.

FUCK! Not again, please.

I tried to call her but it is unattended. Ipinikit ko ang mata ko at kahit na anong
pagpapakalma ko sa aking sarili ay nanginginig pa rin ako. Ilang mura na ang sinabi
ko sa aking sarili.

Nagpabaya ako. Ngayon, anong nangyari? Asan si Zein?

Mabilis na tinawagan ko rin si Cedric na mabilis namang sumagot.

"Where is Zein?" Ang unang tanong ko.

I'm expecting a relief from his answer but I was wrong.

"I don't know. Sabi nya may pupuntahan sya pero hanggang ngayon ay wala pa rin
sya."

"We have a fucking deal and you just fucking let her go alone! Fuck you!"

Natahimik ang sa kabilang linya. Habol-habol ko ang hininga ko. Hinampas ko ang
busina nang ilang beses. Shit! Where the hell is Zein?
'Pag may nangyaring masama kay Zein. Papasabugin ko ang mga bungo nila. Damn! Wala
akong pakialam kung sino sila.

"Where are you?" Mejo kumalma na ako pero hindi sapat.

Hanggat hindi ko nasisiguro na ligtas si Zein ay hindi ako kakalma. I will fucking
kill that bastard if something bad happens to my girl and I will also kill myself.
Fuck! It's my fault. I'm sorry.

Pumunta ako sa isang park na sinabi nya at mabilis na tinigil ko ang sasakyan ko.
Lumabas ako at sinugod ito. Mejo nagulat pa sya sa paghawak ko sa kanyang kwelyo.

"Where the hell is Zein?

Answer me!"

"I told you! Hindi ko alam! Yes, I was with her a while ago. Sinamahan ko syang mag
grocery pero sinabi nyang mauna na ako at may pupuntahan sya."

Binitawan ko ang kanyang kwelyo at hinilamos ang aking mukha gamit ang aking palad.

I'm fucking scared it's slowly killing me. Zein, where are you? Please, be safe.
Please.

"Wait, naka open ba ang GPS ng phone nya?" He suddenly asked.

Naintindihan ko naman ang gusto nyang sabihin kaya binuksan ko ang cellphone ko.
Nabuhayan ako nang loob ng matrack namin ang kinalalagyan nya.

"Let's go." Sabi ko.

Sumakay kami sa aking kotse at pinuntahan ang direksyon na itinuturo ng GPS na


kinalalagyan ni Zein. Hindi ko makalma ang sarili ko at bawat minuto ay nahahampas
ko ang busina.
"Hindi ko inakalang magiging pabaya ka rin."

"It's no longer my fault. Sinunod ko lang ang gusto nya."

"Oh, shut up. I don't need your explanation."

Narinig ko ang malulutong nyang mura na hindi ko na pinansin. Nanlumo ako nang
mapagtanto kung ano ang maikita namin sa dulo ng daan na ito.

Matarik.

"May sira ba ang GPS mo?" Tanong niya. "Bangin na ang dulo nito." Dugtong pa nya.

Umakyat ata lahat ng dugo sa aking ulo at nanlamig ang buo kong katawan. This is
not happening. Hindi mangyayari ang iniisip ko.

Huli na ba ako? Shit! No. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko 'pag may nangyaring
hindi maganda kay Zein. Baka ako pa mismo ang pumatay sa sarili ko.

Nabingi kami sa katahimikan nang makita na

ang hangganan. Hininto ko na rin ang aking sasakyan. Natulala na lang ako habang
nakatingin sa bangin at ang malawak na karagatan sa baba.

Naunang bumaba si Cedric na mabilis kong sinundan. Natatakot akong makita ang nasa
baba pero hindi maipagkakailang may nanggaling na dito kanina. May bakas ng gulong
ng sasakyan ang pababa sa bangin kaya malamang na may nauna na sa amin dito.

"Shit!"

Hindi ko nagawang silipin ang baba dahil natatakot ako. Tanging si Cedric lang ang
sumilip. Natulala ito.

Nilakasan ko ang loob ko at sumilip sa baba. Halos malula ako sa taas namin at
halos mahulog ako nang makita sa ibaba ang halos madurog na sasakyan at ang apoy
mula rito na halatang sumabog. Nasa mabato itong bahagi ng dalampasigan.

"Panaginip lang ito." Bulong ko.

Sinampal ko ang sarili ko at halos tumalon ako mula rito. Parang nawalan ako ng
lakas.

"Tignan natin."

Naunang bumalik sa sasakyan si Cedric habang ako ay nagpakawala muna ng buntong-


hininga. No. Hindi mawawala si Zein. Hindi pa rito magtatapos ang lahat.

Pinaharurot kong muli ang sasakyan hanggang sa makababa kami at mapuntahan ang
sabog na taxi.

Lumabas kami at lumapit rito. May ibang parte nito ang nagkalat sa paligid at
umaagos ang gasolina mula sa loob.

"Walang tao sa loob." Bulong ni Cedric.

Maging ako ay walang makita. Yupi na ang buong sasakyan pero wala kaming nakikitang
tao. Tama ako. Hindi pa rito natatapos ang lahat.

Nabuhayan

ako ng loob at kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Ang tanong ay nasan sya?
Dito kami dinala ng GPS kaya malamang na nasa loob ng nasusunog na sasakyan na ito
ang cellphone ni Zein.

Hinampas ang buong katawan ko nang malamig na hangin na nagpanginig sa akin at ang
masakit na katotohanan. Wala si Zein.

Kahit na nakakakalma ang lamig ng hangin sa dalampasigan ay hindi ito umaabot sa


buong katawan ko. Mas nangingibabaw sa akin ang labis na pag-aalala at pagsisisi.
"Kung sanang sinabi mo na sa kanya dati pa. Sana naging mas maingat din sya. Hindi
natin sya mababantayan sa lahat ng oras." Bulong ni Cedric.

Natulala na lang ako sa malawak na dagat. Unti-unting pumapasok sa akin ang lahat
ng mga pagkakamali ko. Hindi ko dapat hinayaan na humantong sa ganito lahat.

Naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko habang unti-unting pumapasok sa aking


isipan na ako... ako ang may kasalanan. Naging pabaya ako. Halos hindi ko na sya
mapagtuonan ng pansin dahil laging sa ibang bagay ako nakatingin. Hindi dapat ako
kumukuha ng taong magbabantay sa kanya kasi ako dapat 'yon. Ako dapat ang
pumoprotekta sa kanya.

Shit! I'm fucking stupid! I just let her go alone. I should be there, with her.
Dapat ay natulungan ko sya nung mga panahong binubulong nya ang pangalan ko...
humihingi ng tulong.

Napaupo ako sa lupa at napatingin na lang sa kawalan.

Where is Zein?

***

Kasalukuyan akong nakaupo sa bench dito sa malapit na park. Umiihip ang malamig na
hangin ng gabi. Ang buong paligid ay nababalutan ng dilim.

Wala sya.

"May problema ba?"

Umangat ang tingin ko at tinagpo ang mata ni Allison. "Zein is missing." Sabi ko.

Nakita ko ang gulo sa kanyang mata na parang hindi nya maintindihan kung ano ang
sinabi ko.
"What are you talking about?"

"Nawawala si Zein. Hindi ko alam kung nasan sya."

Hindi pa rin makapaniwala ang mata nya at bakas ko ang kalituhan doon base sa kung
paano kumunot ang kanyang noo.

"Nagkakamali ka. Nagkita kami kanina sa bahay."

Ako naman ngayon ang kumunot ang kilay. "R-Really?" Nakahinga ko nang maluwag
ngunit may malaking katanungan ang nakapatong sa aking isipan.

"May nangyari ba?" Tanong nya. "Nakita ko ang pamumula ng mata nya na parang galing
sa pag-iyak." Sabi pa nito.

Umiling ako at tumayo. Kailangan ko syang makausap. Kailangan ko syang makita dahil
hindi ako mapapakali hanggat hindi ko nakikita na maayos ito.

Aalis na sana ako nang may ilahad sa akin si Allison.

"She gave it to me. Ang bilin nya ay ibigay ito sa'yo."

Kinuha ko ang kapiraso ng papel sa kanyang kamay at inayos ang pagkakatupi nito. It
was a hand written leter pero hindi ito sulat-kamay ni Zein.

"Sigurado kang sya ang nagbigay sa'yo nito?"

Nakita ko ang pagkagulo sa kanyang mata. "Yes. Sya ang nagbigay nyan. Niyakap nya
pa nga ako pero nakita kong may sugat ang kanyang braso. Ano bang nangyari?"
Alalang tanong nya.

What the hell?! Damn! Zein.


Muli kong binalingan ng tingin ang kapiraso ng papel na hawak ko.

"Roses are red, violets are blue... For the last time, you failed me.

-Hell."

=================

Chapter 22

Chapter 22: Promise me

Vanessa's Point of View

"Nawawala si Zein."

Isang sampal ang iginawad ko sa pisngi ni Ace nang marinig ko 'yon. Naramdaman ko
ang pagpigil sa akin ni Jerome pero hindi ko kaya. Pakiramdam ko ay nabigo ako.

"You disappointed me... a big time, Ace Craige." Bulong ko.

"Van, calm down. Let him explain."

Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko at hindi na muna nagsalita. Hinintay kong
magpaliwanag sya nang sa ganon ay kahit papano ay maibsan ang galit na nararamdaman
ko.

Naniningkit ang inaantok na mata ni Ace at nakita ko rin ang putok sa kanyang labi
na gawa ni Matt. Gusto ko mang maaawa ay hindi ko magawa.
"It was my fault."

Sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko napigilang masampal ang kanyang pisngi at sa


pagkakataong 'yon ay hindi ako inawat ni Jerome.

"B-Bakit, Ace? Bakit mo sya pinabayaan? I thought you are her bulletproof? Her
knight? Hanggang salita ka lang ba, huh?"

Nakita ko ang pagdaan ng galit sa kanyang mata na malamang na tumagos sa bungo nya
ang mga salitang binitiwan ko.

"Useless." Dinig kong bulong ni Jerome.

"Maaari nyo akong saktan, sabihan ng masasakit na salita ngunit wala kayong
karapatang pagdudahan ang pagmamahal ko sa kanya." May diing wika nito.

Gusto kong matawa na sa kabila ng lahat ay nagagawa nya pang magtapon ng matatamis
na salita.

"Ano nga ba ang pagmamahal para sa'yo, Ace?" Tanong ni Jerome.

Kalmado

lamang si Ace na animo'y hindi alintana ang mga sakit na binigay namin sa kanya.
May mababakas kamang pag-aalala sa kanya ngunit alam kong parang wala lang sa kanya
ang lahat.

Bakit ganon? Parang wala lang talaga sa kanya na nawawala si Zein? Bakit parang
balewala lang sa kanya ang lahat ng nangyayari? Bakit ganito ang lalaking ito?
Hindi ko sya maintindihan at ang hirap nyang basahin.

Bigla kong naaalala ang Ace Craige na nakilala namin sa loob ng Hell University.
Kahit na nasa labas na kami ay wala pa rin syang pinagbago. He is still the
mysterious one. A mystery to us.

"Dapat ko bang ipaliwanag sa inyo kung ano ang pananaw ko sa salitang pagmamahal?"
Mejo natawa ito at nakita ko ang pagdaan ng galit muli sa kanyang mata. "Narito ako
para sabihin na nawawala si Zein. 'Yon lang." Isang sapak ang dumapo sa kanyang
mukha na galing kay Jerome.

Napamura ako kaya hinila ko palayo si Jerome. Kahit na anong nagawa ni Ace, alam
kong hindi nya papabayaan si Zein. Hindi man namin nakikita ang pag-aalala sa
kanyang mata ngunit nasisiguro kong pinapatay na sya nito sa kanyang loob.

"Who are you Ace Craige? Tao ka ba?" Mejo natawang tanong ni Jerome.

Mabilis na tumayo si Ace na nakangisi. Pinunasan nya ang kanyang labing pumutok sa
ikalawang pagkakataon.

"Mauna na ako." Malamig na sambit nito. "May pasok pa ako." Dugtong pa nito.
Tumalikod ito sa amin at naglakad palayo.

"I trust you, Ace. Ibalik mo si Zein,

pakiusap." I whispered.

***

Ilang araw na rin akong hindi nakakatulog. Nag-aalala ako kay Zein. Isang linggo na
simula nung nawala sya at hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita tungkol sa
kanya. Gusto ko mang gumawa ng hakbang ay hindi ko alam kung saan magsisimula.

Pati si Dave ay nawawala. Pinuntahan ko sya sa bahay nila ngunit wala raw sya at
ilang araw ng hindi umuuwi. Hayst. Ano bang nangyayari?

Napagpasyahan kong pumunta sa bahay nila Zein sa probinsya. Alam kaya nila na
nawawala si Zein? Anong ginagawa ni Ate Allison? Nagpakita na kaya sa kanila si
Zein?

"Oh, Vanessa. Napasyal ka ata?" Bungad sa akin ni Tita Mira.

Ngumiti lang ako at umupo sa sofa. Malamang na wala pa sila Tita at Tito na
malamang ay nasa work na.

"Juice?"
"Thanks."

Inabot ko ang baso ng juice na inabot sa akin ni Tita Mira. Umupo ito sa kaharap
kong sofa.

"Wala si Zein. Bakit napunta ka rito?"

"Hindi pa po ba umuuwi si Zein?"

Lumungkot ang mukha nito at mahinang umiling. Hindi pa nga nila alam na nawawala si
Zein at sa tingin ko ay wala akong karapatang pangunahan sila.

"Si Ate Allison po?"

"W-Wala. Hindi pa rin umuuwi. Teka, may nangyari ba?"


Hindi ako nakapagsalita. Ayokong magsabi at ayoko rin magsinungaling kaya

minabuti ko na lang na hindi na magsalita.

"Van, please..."

"Tita?"

"May nangyari ba sa alaga ko? Bakit narito ka? Nasan si Zein?"

Sunod-sunod na tanong nya. Malamang na nakahalata na sya na may hindi magandang


nangyayari. Ayokong pagtakpan ang mga nangyayari.

"Kaya po nila 'yon," ngumiti ako para mawala ang pagdududa nya.

"May itinago ka at alam kong hindi madaling sabihin 'yon."

Natahimik ako sa tinuran nya.


"May mga bagay talaga na mahirap sabihin hanggang sa maging sikreto na ito. Tama
ba?"

"No, Tita. Hindi naman namin isinisikreto na nawawala si Zein kasi alam 'y---
Oh.My.Ghad."

Napatakip ako sa aking bibig at nakita ko ang pagkabigla sa mata ni Tita. Ilang
beses kong namura ang sarili ko. Shit! Nadulas ako. Nadala ako. Ngayon, alam na
nya.

"N-Nawawala si Zein? Kailan pa?"

Mariin akong napapikit. Sa tingin ko ay wala ng dahilan pa para pagtakpan ko ang


mga salitang nabitawan ko na. Lalo lang syang mag-aalala.

"Isang linggo na."

"At hindi nyo man lang nagawang sabihin sa amin?" Pumakla ang kanyang tinig kaya
natutop ako sa kinauupuan ko.
Ilang minuto kaming kinain ng katahikan at hindi 'yon nakatulong dahil bigla kong
namiss si Zein. Namiss ko ang matalas nyang dila. Shit! I missed my bestfriend.

"Sabagay. Hindi lang pala kayo ang naglilihim."

/>

Napatingin ako kay tita dahil sa sinabi nya. Nakita ko ang pangingilid ng luha mula
sa kanyang mata. I could clearly see the guilt. Ngayon ako naman ang kuryos sa kung
ano ba ang sinasabi nya.

"Tita?"

"Kung may mas malaking kasalanan sa atin ay ako 'yon."

"Ano pong ibig nyong sa---"

"Huwag ka ng magtanong. Hindi mo kakayanin ang sagot ko."


Iniwan nya ako matapos sabihin ang mga katagang 'yon at mukhang hindi ako lulubayan
ng mga salita nya.

Mapait akong napangiti sa katotohanang... lumulubog kami sa bumabahang sikreto at


nakakatakot na hindi na kami makaahon. Pero, mas natatakot ako para kay Zein.

Bigla kong naalala ang takot sa kanyang mata nung mga panahong unang tapak namin sa
Hell University. Madali syang makaramdam kaya takot na takot sya sa mga panahong
'yon. Alam nyang hindi maganda ang pinasok namin ngunit alam nya rin kung hanggang
saan sya dapat matakot. Alam nya kung kailan dapat lumaban at kung kailan dapat
ibaba ang sarili... sumuko.

Hindi nya ipaglalaban ang mga bagay na alam nyang mali. Kaya nya nagawang bitawan
si Ace. Ngayon, tama pa rin bang si Ace pa rin ang nasa puso nya? Tama pa rin ba,
Zein? O baka naman 'pagkabalik mo ay sumusuko ka na.

"Vanessa?"

Napatayo ako sa kinauupuan ko nang makita si Ate Allison na nakatayo sa pinto.


Mabilis na pinunasan ko ang luha sa aking mata at payak na ngumiti.

"P-pumasyal
lang."

Tumingin ito sa kusina na animo'y may iniiwasan. "Umalis ka na." Wika nito na
ikinalaglag ng panga ko.

Ghad. Anong nangyayari?

"Hindi mo na ako kailangang ipagtabuyan---"

"Dahil ako ang ipagtatabuyan ng kapatid ko." Pumatak ang luha sa kanyang mata.
"Umalis ka na, Van. Please, huwag ka ng makialam. Hayaan nyong ako ang lumutas sa
problemang ako mismo ang gumawa." Dugtong nito.

Kahit naguguluhan ako sa mga pinagsasabi nya ay nagawa kong tumango. Ngunit bago
ako tuluyang umalis ay niyakap ko sya para patahanin.

"She is Zein Shion, not just a girl. Save her, please." Bulong ko bago kumalas at
lumabas.
Pakiramdam ko ay babagsak na lang ako at sasabog ang utak sa mga nangyayari.
Sumasakit ang ulo ko at hindi ko man lang magawang pagtagpi-tagpiin lahat ng
nangyayari. Everything is a mess.

Sasakay na sana ako sa kotse nang maramdaman ang malamig na dulo ng kutsilyo sa
leeg ko. Mabilis na umakyat ang dugo sa ulo ko.

"Huwag kang makialam." Bulong nito.

Bumagal ang pagtibok ng puso ko at parang nauubusan ako ng hangin sa katawan.


Nahihirapan ako at pakiramdam ko ay katapusan ko na.

"Who are you?"

"Simula ngayon ay mamumuhay ka ng walang pinoproblema sa buhay ng iba. Huwag ka ng


makialam. Hindi kayo sakop ng problemang ito."

Pumatak ang luha sa mata ko at napahagulgol. Binitawan nya ako kasabay ng pagbagsak
ko sa lupa. Napakalamig ng boses nya na parang binabalutan ng poot.
Humarap ako sa kanya at nakita ko ang pagtakip nya sa kanyang bibig at ang walang
humpay na pagtulo ng luha sa kanyang mata.

"Please, Vanessa. Ipangako mo sa akin na hindi ka na muling makikialam."

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili ko. Mariin kong pinunasan ang pisngi kong basa
gamit ang nanginginig kong kamay.

"Promise me."

"Pangako. Hindi na ako muling gagawa ng hakbang. Hindi na ako makikialam."

Tumango ito at hinalikan ako sa pisngi. Tumalikod ito at sumama sa isang lalaking
hindi ko kilala.

"Mahal na mahal ka namin, sana tama ang tinatahak mo. Kahit na na anong mangyari,
andito lang kami. Zein Shion."

=================

Chapter 23

Chapter 23: Siya

Vanessa's Point of View

"May balita na ba?" Tanong sa akin ni Jerome.

Matapos ang pag-uusap namin ni Zein ay tinawagan ko agad si Jerome. Nanginginig pa


rin ang buo kong katawan habang inaalala ang malamig nyang boses.

Parang hindi na sya ang kaibigan ko.

"Van? May nangyari ba?"

Pinunasan ko ang mata ko at umiling. "Wala. Wala na tayong gagawin." Mapakla kong
sambit.
Sa mga pagkakataong ito ay wala akong ibang pagpipilian kundi ang pagkatiwalaan
siya at sundin ang mga nais nya.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Je, hindi na tayo makikialam. Hanggang dito na lang tayo at hindi na tayo maaaring
manghimasok pa."

Gulong-gulo pa rin sya sa mga sinasabi ko dahil kitang-kita 'yon sa mga mata nya.

"K-Kaibigan natin si Zein. Paanong hindi tay---"

"She's right."

Napatingin kami kay Matt.


"Hanggang dito lang tayo." Dugtong pa nito.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay sinabi rin 'yon sa kanya ni Zein. Ano ba kasing
pinaplano nya? Ayoko sa ginagawa nya pero alam kong hindi nya ipapahamak ang sarili
nya.

"Pero Matt, masasaktan si Zein." Pumiyok ang boses ko.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nasasaktan na si Zein kahit na hindi ko alam


ang totoong nangyayari at nasasaktan

din ako.

Gusto ko syang yakapin para patahanin ang nararamdaman nya. Alam kong naliligaw sya
at wala man lang kaming magawa.

"Nasaktan na sya, patuloy na nasasaktan at masasaktan pa ng lubusan."

"Shit! Ano bang sinasabi nyo?! Wala akong maintindihan!" Ginulo ni Jerome ang
kanyang buhok bago tumingin sa akin.
Ang kanyang mata ay nagmamakaawa ng mga kasagutan pero hindi ko ito mabibigay
gayong maging ako ay naguguluhan. Basta ang alam ko lang ay pinapatigil na kami ni
Zein.

"S-Si Zein ang magbabayad ng mga kasalanang hindi nya ginawa." Bulong ni Matt.

Ipinikit ko ang mata ko para pakalmahin ang sarili ko. Ang sikip ng dibdib ko sa
tuwing naririnig ang kanyang pangalan.

"Kakayanin nya naman, 'di ba? Matthew, please. Sabihin mo sa akin na kakayanin nya
lahat, na matapos ang lahat ng ito ay sya pa rin ang Zein na nakilala natin."

Gusto kong magkaroon ng pag-asa na hindi magbabago si Zein kasi pakiramdam ko ay


ihihiwalay na nya ang sarili nya sa amin. Pakiramdam ko ay gagawa sya ng malaking
pader sa pagitan nya at ng lahat nang nakapaligid sa kanya.

Kasi alam kong maaaring mabago ang isang tao sa mga sakit na naranasan nya. Ayokong
magbago si Zein. Gusto ko sya pa rin 'yong Zein na kung maka-halakhak ay parang
wala ng bukas, 'yong babaeng sasapakin ka 'pag mali ang ginagawa mo at ang babaeng
yayakap sa'yo 'pag tinalikuran ka na ng mundo.
"Zein is Zein. Walang magbabago pero hindi ko alam, Van. Pero, hindi ko na alam ang

magiging kahinatnan ng lahat ng ito."

"Si Ace ba?" Tanong ni Jerome. "Sya ba ang may dala ng lahat ng ito?" Dugtong pa
nito.

Napatingin kami kay Matt dahil pakiramdam ko ay sya lang ang makakasagot ng aming
mga katanungan. Malamang na may ideya sya sa mga nangyayari.

"No. Hindi lang si Ace." Maikling sagot nito.

Ibig sabihin ay marami pa ring tao ang saklaw ng lahat ng nangyayaring ito. Sino-
sino? Malalapit ba kay Zein?

"Nasan si Zein?" Tanong muli ni Jerome na kahit papaano ay naiintindihan na ang


nais naming mangyari.
Bigla kong naalala ang lalaking kasama kanina ni Zein. Sino 'yon? Bakit kasama nya
si Zein? Magkakilala ba sila?

"She's safe."

Base sa pagkasabi no'n ni Matt ay parang kilala nya o alam nya kung nasan si Zein.
Sabagay, sya naman talaga ang mas nakakakilala kay Zein.

Tumayo na ako at naglakad palayo para iwan sila. Lumabas ako ng café at naglakad
papunta sa bay na malapit.

Kailangan kong magpahangin. Kailangan kong mapayapa ang mga iniisip ko.

Nililipad ng hangin ang buhok ko. Nakakakalma ang malamig na ihip ng hangin at
kitang-kita na ngayon ang paglubog ng araw. Ang langit ay kulay kahel na.

"Zein, please come back... please be safe... maghihintay kami." I whispered.

Tatanggapin ka pa rin namin kahit sino ka pa at kung ano man ang maging pasya mo.
Narito lang kami para sa'yo.
Ipinikit ko ang mata ko at inalala lahat ng masasayang alaala namin. Nagpakawala

ako ng buntong-hininga bago muling imunulat ang aking mata at ngumiti.

Tumalikod ako at naglakad palayo at iwinaksi lahat ng nangyari kay Zein. Gaya ng
ipinangako ko... mananahimik na ako.

***

Nicky's Point of View

Napangisi ako nang hindi man lang nya napansin na kanina pa ako nakasunod sa kanya.
Malamang na hindi nya ako gaanong napapansin dahil marami syang iniisip.

Hindi na familiar sa akin ang tinatahak namin at parang may kutob na ako kung saan
sya paparoon.

Lumikha ako nang malaking distansya sa aming pagitan. Nakita kong itinabi nya ang
kanyang sasakyan sa harap ng isang bahay.
Itinabi ko rin ang sasakyan ko malayo sa kanya at pinagmasdan itong pumasok sa
loob.

Pagkapasok nya ay lumabas din ako ng sasakyan. Kung tama ang hinala kaya sya narito
ay dahil sa kanya.

Walang kahirap-hirap akong nakapasok dahil hindi naman nya kinandado ang pinto at
wala rin namang guard.

Sa pinto pa lang ng bahay ay nakita ko na kung sino ang kausap nya.

Napangiti na lang ako. Kaya pala... Naiintindihan ko na ngayon.

Nawalan ako ng gana matapos masaksihan 'yon. I was wrong... Naiintindihan ko na


sya.
Naghintay ako sa labas ng gate dahil gusto ko rin syang makausap. Hindi ko
maiwasang magalit sa sarili ko dahil nagtanim ako ng sama ng loob sa kanya.

Dapat ay pinagkatiwalaan

ko sya. Dapat ay alam kong hindi nya magagawa 'yon.

Halos isang oras din akong naghintay sa labas hanggang sa nakita ko na syang
lumabas ng gate. Bakas na bakas ang ngiti sa kanyang labi.

Hindi ko rin maiwasang mapangiti.

Natigilan ito at nawala ang ngiti sa kanyang labi nang makita ako.

"Maglalaro na naman ba tayo?" Natatawa kong tanong.


"W-Who are you?" Tanong nya na ikinahalakhak ko.

Lumapit ako sa kanya. Hindi man ito gumalaw sa kanyang pwesto. Kitang-kita ko sa
kanyang mata ang pagkabigla at pagkabahala habang pasimpleng sinusulyapan ang
bahay.

"After playing Samantha, now you're playing dumb. Ibang klaseng laro pala ang mga
gusto mo." Natatawa kong wika.

Seryoso ang kanyang mata. Ikaw pa rin ang babaeng 'yon, walang nagbago.

"What are you doing here?" Madiin nyang tanong.

Ngumisi ako. "Ikaw ang dapat kong tanungin nyan." Sinulyapan kong muli ang bahay.
"Anong ginagawa mo rito? Hindi mo sinabing may bahay ka pala." Natatawa ko pang
sambit.
"Nicky Colt."

"May kasalanan ka sa akin. Malaki." Wika ko.

Umiling ito. "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo." Pagtanggi nito.

"What if malaman nilang itinatago mo an---"

Napangisi akong muli nang maramdaman ang bibig ng kanyang baril sa aking noo. Alam
kong kayang-kaya nya itong kalabitin. She's that

girl after all.

"Shut up, Nicky. Wala kang sasabihin." May diing wika pa rin nito.
Sinubukan kong sipain ang kanyang binti para mawala ang balanse nya ngunit mabilis
nyang nailagan 'yon. Kinuha ko naman ang pagkakataon na 'yon para agawin sa kanya
ang baril at ngayon ay ako naman ang nagtutok nito sa kanya.

"Bumabagal ka na ata, Ate." Bulong ko na ikinangiti nito.

Sinipa nya ang sikmura ko kaya mabilis na naagaw nya sa akin muli ang baril.
Napangiwi ako.

"Baka nakakalimutan mo, ako ang nagturo sayo kung paano lumaban at kailanman ay
hindi ka mananalo sa akin."

"Ikaw din ang unang nang-iwan." Pumait ang tinig ko.

Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mata. Kahit na naiintindihan ko kung


bakit nya nagawa 'yon ay hindi ko pa rin matanggap.
"Alam mo ang dahilan."

"Just now, actually." Natatawa kong wika. "Bakit mo sya itinatago?" Tanong ko.

Umiling ito at ibinalik sa kanyang gun pocket ang baril. "May mga bagay na hindi mo
na kailangang malaman." Matabang na sagot nito.

"Kasalanan mo ang lahat, hindi ba?" Tanong ko na ikinatigil nito.

"You don't have to remind me. Alam ko." Mapakla nitong sagot.

"Matitikman mo ngayon ang galit ni Zein."

"Handa na ako." Matapang na sagot nito.


Wala ka man lang mababakas na pagkabahala sa kanyang mukha kaya malamang na handa

na nga sya. Sana...

"You've gone wild," Natatawa nyang sambit. "I am proud of you, my baby." Bulong pa
nito.

Natawa ako. "I am not your baby, hanggang kailan ko ba ipapaalala sa'yo? Pero,
salamat." Nakangiting sambit ko.

Sya ang unang taong hinangaan ko sa buong buhay ko. Ang babaeng nagturo sa akin ng
kahalagahan ng paglaban.

"Paano si Zein?" Tanong ko.

"Maaaring hindi mo na ako muling makita na humihinga." Biro nito. "Galit sya. Galit
na galit. Hindi nya ako mapapatawad. Kahit mapatay nya ako ay hindi nya pa rin ako
mapapatawad." Kinagat nito ang kanyang labi.

Napailing na lang ako.

"Ang baba ng tingin nyo kay Zein." Natatawang sambit ko. "Hindi nyo talaga sya
kilala? Kapatid mo sya kaya dapat ay kilala mo ang pagkatao nya." Natatawa kong
sambit.

Si Allison ang unang taong hinangaan ko at nakakatawang sumusunod sa kanyang


hakbang ang kapatid nya. Si Zein na pinahanga rin ako.

Nagulat ako nang yakapin nya ako at humagulgol. Kasabay ng pagyakap nya ang
pagsabog ng napakaraming alaala.

Samantha...
"Ang sakit na... Panahon na sigurong pagbayaran ko lahat." Bulong nito kasabay ng
pagtakbo nya palayo.

Pinanuod ko lang syang tumakbo palayo.

Walang kasiguruhan ang buhay. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas o
mamaya.

Kahit na anong paghahanda natin, may mga bagay pa rin na darating nang hindi
inaasahan.

Napatingin ako sa malaking bahay.

"Ikaw ang dahilan kung bakit sya namatay." Naiintindihan ko. Sana ipaintindi mo kay
Zein. "Hanggang kailan mo ba siya itatago?" Bulong ko.

=================

Chapter 24

Chapter 24: Regret


Francisco's Point of View

Pinagmasdan ko ang mga pagbabagong nangyayari. Maraming nangyari sa lugar na ito.


Isang madilim na nakaraan na hindi na muling bubuksan pa.

"Would you change its name?" Napatingin ako sa attorney.

Pinapalipat ko sa aking pangalan ang pagmamay-ari ng unibersidad na ito. Binili ko


ito para isaayos.

"Yes." I answered. "Philippine High University." Ang dating pangalan ng unibersidad


na ito.

Ibinigay nya sa akin ang mga papeles at masaya ko itong pinirmahan. Masaya akong
mapangalan sa akin ang makasaysayang lugar na ito.

"Dati pa ba ang unibersidad na ito? Bakit ngayon ko lang narinig?" Kuryos na tanong
nya.

"Yes. This is a legendary school of devils. Did you hear me? Legend. So, please.
Shut up."

Inayos nito ang kanyang neck tie at nakita ko ang pasimple nyang pagngisi. Wala
akong panahong magkwento.

Nagkamayan kami matapos ko mapirmahan ang kontrata. Lumabas na ito ng opisina ko.
Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago rin lumabas.

Tumambad sa akin ang bagong mukha ng Hell University. Bagong pintura lahat at wala
ng bakas ng dugo sa paligid. Wala na ang admin office na sumabog at nilipat na ang
office.

Naglakad-lakad ako habang inaalala lahat ng nangyari sa lugar na ito. Nagsisisi


ako. Malaki ang pagsisisi ko sa mga nagawa ko. Kinain ako ng ambisyon na lumason sa
pagkatao ko kaya maging ang kaibigan
ko ay nagawa kong paslangin.

Flashback...

Pinagpapawisan ang kamay ko habang hawak ang baril. Nasa loob ng admin office si
Headmaster Valdez.

Binulsa ko ang baril at nagpakawala ng buntong-hininga. Kumatok ako ng tatlong


beses bago pumasok.

Tumambad sa akin si Mr. Valdez. Nakangiting sinenyasan nya akong maupo.

"May kailangan ka ba, Francis?" Tanong nya. "Teka, hindi mo ata kasama si Violet?"
Takang tanong nya.

Nanatili akong nakatayo sa kanyang harap. Hindi ako makakilos. Kaya ko ba syang
patayin? Kaya ko bang traydurin ang kaibigan ko?

"May problema ba?" Tumayo ito at aktong lalapitan ako kaya mabilis kong kinuha ang
baril sa bulsa ko at itinutok sa kanya.

Natigilan ito at naguguluhang napatingin sa akin. Hindi makapaniwalang nakatingin


ito sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang pagkabahala at pagkalito.

"A-Anong ibig sabihin nito, Francis?"

Mabilis na kinalabit ko ang baril at tumama ang bala sa kanyang binti. Nabitawan ko
ang baril ko dahil don. Shit! What have I done?

Bumagsak ito sa sahig at nagsisisigaw sa hapdi. Nanginig ako sa ginawa ko at gusto


ko man syang tulungan ay hindi ko na nagawa. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko sa
kanya ito.

"F-Francis..."
Isang putok ang umalingawngaw sa paligid. Sa isang iglap ay nawalan na ng malay si
Valdez na ngayon ay may tama na ng bala sa dibdib.

"Mahina ka talaga, Francisco." Nakangising wika ni Violet na may hawak na baril.


"Umalis na tayo baka may makakita pa sa atin." Sabi pa nito bago naunang umalis.

Naiwan akong tulala sa harap ni Mr. Valdez.

Gumalaw

ang mga kamay nito at sinubukan akong abutin. "F-Francis, h-huwag mong papabayaan
ang mga anak ko." Bulong nito bago tuluyang nalagutan ng hininga.

Nanginig ako at aktong aalis na ng makita sa pinto si Samantha na nakatulala.


Nakita ko ang galit sa kanyang mata. Mabilis akong nakailag nang maglabas ito ng
baril at pinaputukan ako.

Nakatakas ako ngunit hindi maalis sa isipan ko ang unti-unting pagkawala ng hininga
ni Mr. Valdez.

-End of flashback-

Alam kong hindi lang si Lux ang anak ni Mr. Valdez. Ngunit hindi ko inakalang sya
si Ace. Kaya pala... kaya pala itinatago nya ang kanyang sarili sa makapal na
salamin dahil para hindi maging halata ang pagkakahalintulad nila ni Lux.

"You seems reminiscing..."

Napatingin ako sa isang lalaking nakatayo hindi kalayuan sa akin.

"What are you doing here, Mr. Craige?"


Nakapasok ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang bulsa nito. Halatang wala itong
masyadong tulog at isang pitik lang ay matutulog na ito.

"You should rest."

Natawa ito. "You are acting like my tito, again." Mapaklang wika nito.

Alam kong walang kapatawaran lahat ng kasalanan namin sa kanya at sa kanyang


pamilya. Kaya ko binili ang lugar na ito ay dahil may nagbabalak na magtayo ng
negosyo rito na hindi ko papahintulutan. Ito na lang ang alaala ng nag-iisa naming
kaibigan at kahit na kami ang pumatay sa kanya, ayoko pa ring mawala ang lugar na
ito.

"Kung buhay lang siguro si daddy... Sana buhay pa sya para may lapitan ako. Hindi
ko na kaya, tito."

"Ace..."

"Tito, malapit na akong mamatay... konti na lang." Pumait ang boses nito.
"Pinapatay nya ako." Bulong nito.

Mabigat ang dinadala nito. Hindi ko alam kung bakit hindi nya kasama si Zein.
Naguguluhan ako ngunit mas nangingibabaw ang awa ko sa kanya. Sa murang edad ay
naranasan na nya lahat ng bagay na hindi nya dapat pinagdaanan.

He's strong, walang duda roon. Pero, kailangan nya pa rin ng kalinga ng isang ama.
Pinagkait namin sa kanya ang mga bagay na dapat ay naranasan nya.

"I'm sure, your dad is proud of you."

"Minsan naiisip ko, tito. Sana pala hindi na lang kami lumaban. Sana hindi na lang
kami nakalabas ng Hell University... Nawalan ako ng kapit kay Zein. Nakawala sya sa
pagkakahawak ko at ngayon ay nawawala sya."
Hindi ko napigilan ang mayakap ito. Sumabay ang paghagulgol nya. Ngayon ko lang sya
nakitang umiyak ng husto. Hindi ko pa sya nakitang lumuha ng ganito.

God, please forgive me. Please, protect this man. He deserves to be happy. He
deserves to be loved. Please, I'm begging you... heal his wound.

"T-Tito... Mawawala sa akin lahat. Ang taong pinakamamahal ko at ang taong nag-
iisang pamilya ko, si kuya. Hindi nya ako mapapatawad."

Bigla kong naalala ang ginawa ni Ace. Mabigat ang nagawa nya sa kanyang kuya. Sya
ang dahilan...

"Maiintindihan ka nya..." bulong ko. "Mahal ka ng kapatid mo. Ace, maging matatag
ka." Dugtong ko pa.

Nasa gitna ka na ng dilim. Patuloy kang lumaban kasi konti na lang at maaabot mo na
ang liwanag. Malalagpasan mo ang lahat ng ito. Sana huwag kang sumuko.

"T-Tito..." Kumawala ito sa pagkakayakap at pinunasan ang luha sa kanyang matang


namumula. "Salamat. Kailangan ko ng umalis, kailangan ko ng harapin ang kanilang
galit." Ngumiti ito at naglakad palayo.

Kasalanan ko lahat.

"D-Darating 'yong panahon na makakabayad din ako sa lahat ng kasalanan ko. Hintayin
mo ako, Ace." Bulong ko.

***

Hell's Point of View

Akala ko kaya mo syang protektahan. Kung sanang naroon ka lang nung mga panahong
muntik na syang mahulog sa bangin... hinayaan ko na sana kayong maging masaya.
You failed me... Ngayon, kailangan mong harapin ang bangungot na parating.

"Anong plano mo?" Tanong nya.

"Tuloy ang plano... Sasaktan natin sya, gaya ng pananakit na ginawa nya sa atin."
Bulong ko.

Pinunit ko ang mga papel na hawak ko habang nakatingin sa babaeng nakahiga sa kama.

Sa dulo ng mata na ito ay bakas ang mga luhang bumuhos bago sya matulog. Lagi na
lang syang umiiyak. Walang araw na hindi sya umiiyak.

"She's a demon." Bulong ng katabi ko.

"Pero, nagiging maamo sya 'pag katabi si Ace." Sagot ko.

Kahit na anong pagpapakademonyo nya. Sya pa rin 'yong babaeng marupok. 'Yong
babaeng nagmamahal sa isang lalaking dahilan kung bakit sya nasasaktan.

"Sorry, Zein... Ikaw lang ang maaaring makapanakit kay Ace. Paumanhin kung
kailangan ka naming gamitin."

Konti na lang at makakamtan na namin ang hustisya.

=================

Chapter 25

Chapter 25: Familiar

Raze's Point of View


Pinagmasdan ko ang galaw ng goldfish na nasa aquarium dito sa opisina ko. I should
be working on the papers but the hell I am addicted to this fish. Hindi ba sya
nahihilo? Paikot-ikot lang syang lumalangoy.

Bakit hindi sya lumolobo? Hindi ba dapat ay marami na syang tubig na nainom? Teka,
nauuhaw din ba ang mga isda? Eh natutulog? Bigla akong natawa nung naimagine ko na
baka 'pag natulog ang isda ay matangay sya ng rumaragasang tubig.

"Meow."

Napatingin ako kay Dark na nakaupo sa sofa. Ang kulay berdeng mata nito ay masamang
nakatingin sa akin.

"Are you jealous?" Tanong ko. Humiga ito sa sofa at pinikit ang mata. "Hays."
Kumuha ako ng pagkain ng isda at binuhos sa aquarium.

"Baka mamatay ang isda sa ginagawa mo."

"Edi 'pag busog na sya huwag na syang kumai--- Baby?!" Napaayos ako ng upo nang
makita si Allison na nasa tabi ni Dark at hinihimas ang balahibo nito.

Bigla akong may naalala sa kanya kaya mabilis kong ipinilig ang aking ulo at halos
iumpog dahil pilit na bumabalik ang mga alalang 'yon.

"Lahat ng sobra ay nakakamatay."

"Eh paano ang pagmamahal ko sa'yo? Nakakamatay din ba?" Tanong ko.

Nag-iwas ito ng tingin at binalingan na lang si Dark na humiga sa kanyang lap.


Baliw ba ako 'pag sinabi kong nagseselos ako? Sana ako na lang si Dark.

"H-Hindi mo na ata ako ginugulo." Bulong


nito na ikinalawak ng ngisi ko.

"Just busy, baby. Don't be jealous."

Natawa ito. Napakurap pa ako nang ilang beses dahil tawa talaga 'yon. She's
laughing at walang halong panunuya roon. Naniningkit ang mata nito.

Am I really in love with her? O nakikita ko lang sa kanya ang babaeng 'yon? No.
Imposibleng mainlove ako agad sa kanya dahil alam kong siya pa rin ang laman ng
puso ko. It's not easy to let go. She's my first.

"Hey, Dark. Missed me?"

Biglang tumalon si Dark papunta sa kanyang ulo na ikinatawa nito. For the nth time,
nakikita ko sa kanya si Samantha. Damn! This is insane! Ugh! Wake up, Raze. Wala na
sya... Kalimutan mo na sya...

"Bakit ka napa rito?" Tanong ko.

"W-Wala lang. G-Gusto ko lang sanang humingi ng despensa sa lahat ng nagawa ko


sa'yo. Sa mga pananakit ko sa'yo. Sa pang-iiwan ko sa'yo. At sa paglilihim ko."

Natahimik ako matapos marinig ang mga 'yon. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may
ibig pa syang sabihin ron na itinatago nya sa bawat linya. Kinakabahan ako sa hindi
malamang dahilan.

"Wala 'yon. Ano ka ba!"

"Are you really in love with me?" Isang tanong mula sa kanya na nagpatahimik sa
akin.

I don't know what to say. Wala akong mahanap na isasagot. Hindi ako sigurado.
Inaamin kong inaasar ko lang sya pero ngayon ay nalalabuan na ako. Nabihag na naman
ba ako? Nakipaglaro ba ako sa apoy? Natupok na naman ba ako? Am I stuck, again?
"You don't have to answer me." Tumawa

ito ng mapakla. "Alam ko na ang sagot kaya please lang... Huwag mo na lang
pansinin." Pakiusap nito.

Nanatili itong nakayuko at hinahaplos ang balahibo ni Dark na nakahiga na muli sa


kanyang hita.

"It's funny... Akala ko wala na pero bumalik." Bulong nito. "Would you forgive me
if ever?" Tanong nya.

"Forgive, what? Teka, ano bang sinasabi mo Allison?"

Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mata nung binanggit ko ang kanyang
pangalan. Bakit ba? Naguguluhan na naman ako.

"God! Minahal kita, Lux."

Napanganga ako. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko dahil parang nawawala ako sa
aking sarili. Nagwawala ang buong katawan ko sa pangunguna ng aking puso.

"At patuloy na minamahal..."

"Nagbibiro ka lang, 'di ba?" Tanong ko dahil 'yon ang nararamdaman ko.

Pakiramdam ko ay pinaglalaruan nya lang ako. Pakiramdam ko ay binibiro nya lang ako
o pinagtitripan kasi ganon naman sya lagi e.
"Sana nga... Pero hindi." Tumayo ito at pinunasan ang kanyang luha sa mga mata bago
ngumiti ng mapait. "Mauuna na ako." Wika nito.

Lumapit ako sa kanya. Nanatili sya sa kanyang pwesto. Naaakit ako ng kanyang mga
mata. Nawawala ako sa huwisyo.

"R-Raze..."

Ipinulupot ko ang aking braso sa kanyang bewang at pinagdikit ang aming katawan.
Isang malakas na boltahe ng kuryente ang dumaloy sa mga natutulog kong ugat.
Pakiramdam ko

ay nagising ang buong pagkatao ko na matagal na nahimbing.

"R-Raz---" Mabilis na sinunggaban ko ang kanyang labi. Humigpit ang kapit ng aking
mga kamay sa kanyang bewang pataas sa kanyang likod.

Sa una ay alam kong nabigla sya sa akin ngunit hindi kalauna'y sumagot ito sa aking
mga halik. Shit! Anong klaseng pakiramdam ito? Parang naramdaman ko na ito.

Lumalim ang aming halik hanggang sa bumagsak kami sa sofa. Pumaibabaw ako sa kanya
at mas idiniin ang aking labi sa kanya.

Mahinang kinagat ko ang kanyang pang-ibabang labi.

Familiar...

Kusang gumalaw ang aking kamay papunta sa kanyang dibdib. Naramdaman kong nabigla
ito sa ginawa ko ngunit hindi nya magawang pumalag.
Nawawala kami sa aming sarili at parang may sarili buhay ang aming katawan.

Damn! I couldn't stop anymore. All I need right now is her... with me. Is it love?

Habang mas nagiging mapusok kami ay may napapagtanto ako.

It's familiar. Her lips. Her touch. This feeling.

"Samantha..."

Isang sampal ang dumapo sa aking pisngi 'pagkasabi ko no'n. Parang natauhan naman
ako para mabilis na umalis sa kanyang ibabaw. Nakita ko ang mga luhang umaagos sa
kanyang mata.

Umayos ito ng upo at muling ibinutunes ang kanyang blouse. Parang hindi ako
makahinga at ramdam ko pa rin ang kanyang labi sa akin. Pero, kakaiba.

Tumayo ito.

"Hanggang ngayon, siya pa rin." Bulong nito bago lumabas.

Naiwan akong tulala at hindi alintana ang ginaw dahil wala na akong saplot pang
itaas.

What was that?

***
Allison's Point of View

Matapos ang ilang taong pagpapanggap. Naramdaman ko na naman. Nasasaktan na naman


ako. Akala ko manhid na ako. Akala ko wala na ngunit akala ko lang pala kasi ang
totoo ay hindi ko lang gustong aminin.

Kasi alam kong sya pa rin. Sya pa rin ang tinitibok ng puso ko. It's still him.
Siya pa rin.

Pinunasan ko ang luha sa aking mata at pumunta sa parking lot. Nadala na naman ako
sa aking emosyon. God! Hanggang kailan ba ako magpapakatanga? Paano nya ako
mamahalin? O magagawa nya pa ba akong mahalin dahil sa nagawa ko? Kasusuklaman nya
kaya ako?

Natigilan ako nang makita ang isang babaeng nakasandal sa aking kotse. Ang malalim
na mata nya ay nakatingin sa akin. Parang binubusan ako ng malamig na tubig.
Nawalan ako ng salitang bibigkasin.

"Miss me?" Ngumisi ito.

Gusto kong lumapit para yakapin ka. Gusto kong humingi ng paumanhin kahit na
malabong mapatawad mo ako. Malabo na ang lahat.

"You are such a great pretender." Tumawa ito.

Natutop ako sa kinatatayuan ko. Hinanda ko na ang sarili ko sa ganito pero hindi ko
pa rin maiwasang masaktan. Sa sobrang sakit ay parang nawawalan na ako ng
pakiramdam.

"I'm sorry..."
"Sorry?" Tumawa ito at lumapit sa akin. Inayos nito ang aking buhok sa likod ng
tainga ko. "Sa tingin mo, makukuha mo ako sa isang sorry lang?" Bulong nito.

Nanlambot ang tuhod ko. Hindi ko na sya makilala. Kahit na nasa harap ko na ang
kapatid ko, nangungulila pa rin ako kasi parang hindi na sya ang kapatid ko.

Nasan na ba si Zein?

"Patay na si

Zein." Bulong nito. "Pinatay nyo sya." Dugtong pa nito.

Hindi na ako nakapagsalita ng tuluyan. Kinakapos ako ng hininga. Pakiramdam ko ay


sinasakal ako ng mga salita nya. Masakit? Hindi sapat ang salitang 'yon sa
nararamdaman ko. It's more than painful.

Pero, ano bang magagawa ko? Kasalanan ko. Ako ang gumawa nito sa kanya. Kung alam
mo lang sana...

"Paano 'pag nalaman ni Raze?" Kumirot ang puso ko sa tinuran nya. "Pagkatapos mo
akong paikutin, si Raze naman ngayon. Ganon ka ba talaga kadesperadang pagtakpan
ang kademonyohan mo?" Isang sampal ang inabot nya sa akin ngunit hindi nya 'yon
ininda bagkus ay ngumisi pa ito.

"Wala kang alam sa tunay na nangyari! At kung meron man..." Tumawa ako. "Hindi
lahat." Dugtong ko.

May importanteng piraso akong itinatago kaya kahit na anong gawin nila... hindi
nila ako maiintindihan.
"Ano ba ang dapat kong maintindihan? Na traydor ka? Na mamamatay tao ka? Taksil?
Walang kwentang kapatid?"

"Tama na!"

Humalakhak ito. Hindi ko inakalang magiging ganito sya kagrabe. Kinakain sya ng
poot. Nawawala sya sa liwanag. At oo, kasalanan ko.

Anong nagawa ko? Shit!

"Tama na? Sana inisip mo 'yan noon." Natatawa nyang sabi. "Hindi ngayon na huli na.
Handa ka na bang pagbayaran lahat?" Tanong nya.

Matapang na sinabayan ko ang kanyang titig. Ang malamig na mata nito ay tumatagos
sa akin. Natawa ako.

"Hindi lang ako ang nagpapanggap sa larong ito, Zein." Hinawakan ko ang kanyang
pisngi. "Bakit kailangan mong magpanggap na demonyo gayong hindi mo kaya?" Tanong
ko.

Nakikita ko pa rin sa kanyang mata ang kapatid ko ngunit mas pinipili nya lang na
maging ganito.

"Magpapanggap ako hanggang sa maghirap ka... Ate Allison."

Hindi na ako nakapagsalita sa mga sandaling 'yon. Nanalalabo na rin ng husto ang
aking mata dahil sa luha.
"Zein, let's go. May gagawin pa tayo."

Napatingin ako sa lalaking nasa likod ni Zein. Napangiti na lang ako nang makita
ang nanlilisik nyang mata.

=================

Chapter 26

Chapter 26: I'm sorry

Allison's Point of View

I'm tired...

Pagod na ako. Nakakapagod din pala ang mga walang katapusang problema na
dumarating. Akala ko ay mas tumatag na ako sa mga nagdaang panahon. Panahon na
dinaya ko ang sarili ko na walang nanyari. Panahon na ibinaon ko sa hukay. Hindi ko
inakalang mauungkat muli ang lahat.

Sabagay, wala nga palang sikreto ang hindi nabubunyag.

Gusto ko nang sumuko kasi sobrang sakit na. 'Yong tingin sa akin ng kapatid ko,
parang diringdiri sya sa akin. Kinasusuklaman na nya ako. But I know, giving up
will never be a choice here. I have to fight and face the consequences of what I've
done. Kailangan kong lumaban para sa kanya...

"Gising ka pa pala,"

Hindi ko nagawang lingunin si Tita Mira. Nanatili ang aking mata sa labas ng
nakabukas na bintana kung saan pumapasok ang malamig na simoy nang hanging amihan.
Ito na ata ang pinakamasaklap na paskong darating sa buhay ko. Hindi lang isa ang
maaaring mawala sa akin.

Naramdaman kong umupo sa tabi ko si tita.

"May problema ba?"

"Kailan pa ba ako nilubayan ng problema, tita?" Natatawa kong tanong pabalik.

"Mabigat na ba?"

"Sobra, tita."

Habang nagsasalita ako ay parang mas bumibigat ang pakiramdam ko. Sawa na akong
umiyak. Akala ko hindi na ako muling iiyak matapos ang gabing 'yon pero mali ako.
Darating pala ang araw na wala akong ibang magagawa kundi ang umiyak.

Malapit na...

I already prepared myself physically and emotionally. Sana kayanin ko... kailangan
kong kayanin.

/>

"Sa loob ng matagal na pahanon, sa wakas." Hinawakan nya ang balikat ko at parang
naging kalabit naman 'yon para mahulog ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"I'm sorry but I waited for this for so long. Hinintay ko ang panahon na mabubunyag
ang lahat." Napatingin ako kay tita dahil sa mga sinabi nya.

Kahit na malabo na ang paningin ko dala ng mga luha sa mata ko ay kitang-kita ko pa


rin ang pangingilid ng luha sa mga mata nito. Naguguluhan ako sa mga tinuran nya.
"You've waited for me to suffer?" Natatawa kong tanong.

"Oo, hinintay ko ang panahon na masasaktan ka. Pero, mas nasasabik ako sa mga
mangyayari 'pag natapos na ang lahat kasi alam kong wala ka ng itinatago.
Makakahinga ka na nang malalim nang hindi nag-aalalang baka kinabukasan ay may
makaalam na ng sikreto ko. Sana, Allison. Pakatatag ka."

Hindi ako nakapagsalita sa mga sandaling 'yon. Sana nga, 'pag natapos na ang lahat
ng ito ay magbalik na ang lahat sa dati kahit na alam kong malabo. Malamang na
maraming pagbabago ang mangyayari 'pagkatapos ng lahat ng ito.

God! Hindi ko ata kayang harapin ang bukas.

"I'm sorry, tita." 'Yon na lang ang mga katagang lumabas sa bibig ko.

Hindi ko kinayang sarilihin ang lahat kaya sinabi ko lahat kay tita. Lahat ng
nangyari sa akin ay ibinulong ko sa kanya at malaki ang pasasalamat ko na hindi nya
ako nagawang ilaglag kahit na halos kamuhian nya ako nung mga sandaling 'yon.

"Sshhh.

Naiintindihan ko."

Niyakap ko sya sa mga sandaling 'yon. Pakiramdam ko ay 'yon lang ang magagawa ko.

"T-Tita, mapapatawad ba ako ni Ate Samantha?"

"Nahanap mo na si Samantha?"
Napanganga ako nang makita si mommy sa pinto, sa likod nya ay si Zein na wala man
lang reaksyon. Parang binuhusan naman ako nang malamig na tubig dahil sa
katotohanang... narinig niya.

"M-mommy..."

"Answer me, Allison!" Nagulat ako sa pagsigaw ni mommy kasabay nang pagkawala ng
mga luhang parang tubig sa gripo na umagos mula sa kanyang mga mata. "Nakita mo na
ang kakambal mo?" Ulit na tanong nya.

Napatingin ako kay tita na tumango lang sa akin.

"O-opo..."

Nakita ko ang galak sa mata ni mommy dahil sa sagot ko at parang mas kumirot ang
puso ko. God! Hindi ko inakalang ganito kasakit. It's fucking hurts like hell...
scorching hell.

Umiling sa akin si Zein na parang binabalaan na ako na huwag nang magsalita pa pero
hindi ko na kaya. Buong buhay ko ay kinimkim ko lahat, siguro panahon na parang
malaman nila. Hindi ko inakalang mapapaaga.

"A-Asan ang kakambal mo?" Ngumiti ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Gusto
kong makita at mayakap ang anak ko." Bulong nito sa gitna nang kanyang pag-iyak.

Natutop ako sa kinauupuan ko. Wala ring nagawa si Tita Mira kundi ang sumandal sa
pader at takpan ang kanyang bibig habang si Zein ay diretsong nakatingin lang sa
akin na nag-aabang nang susunod kong sasabihin.
/>

"Sabihin mo Allison, nasaan si Samantha?"

Kinagat ko ang labi ko bago mahinang umiling. Kumunot ang noo ni mommy na
naguguluhan sa pag-iling ko.

"Nasan ang kapatid mo? Matagal kaming nagkahiwalay. Pitong taon lang kayo nung
mawala sya sa pamamasyal natin. Gusto ko syang makita at mayakap. Gusto kong bumawi
at maiparamdam sa kanya ang pagmamahal ko."

Napahagulgol ako dahil malabong mayakap nya si ate. Malabong maiparamdam nya ang
pagmamahal nya sa kanya kasi... kasi wala na si Ate Samantha.

"W-Wala na si ate..."

"Anong wala?" Naguguluhang tanong nya. "Nawawala na naman sya?" Sunod na tanong
nito. "Halika samahan mo ako, hahanapin natin sya." Sinubukan nyang hilain ang
kamay ko ngunit hindi ako kumilos. "Saan mo ba sya nakita? Baka sakaling naroon pa
sya." Kumikirot ang puso ko sa bawat katagang binibigkas nito.

Ayokong nagkakaganito si mommy. Saksi ako sa kung paano sya nagdusa nung mga
panahong hindi na namin mahagilap si Ate Samantha. Saksi ako sa kung paano nagluksa
nang husto si mommy na bihira lang kumain no'n sa loob ng ilang linggo. Hindi 'yon
nakita ni Zein kasi isang taong palang sya. Ako, ako ang nakakita kung paano
nagkalabo sina mommy at daddy dahil sa pagkawala ni ate. Ako ang nakarinig sa mga
sigawan nina mommy at daddy tuwing gabi na muntik pang humatong sa hiwalayan.
"Ano ba, Allison? Samahan mo ako sa kan---"

"P-Patay na si ate..."

Nabitawan ni mommy ang kamay ko sa mga sandaling 'yon kasabay nang pagkabasag ng
vase na nasandalan

nya nung muntik na syang matumba. Dinaluhan sya nina Zein at Tita Mira habang ako
ay hindi nakakilos sa kinatatayuan.

"Samantha... patawarin mo ako." Humagulgol si mommy habang paulit-ulit na


binabanggit ang mga ang mga katagang 'yon. Parang karayom naman 'yon na tumatagos
sa aking puso.

Umiyak na ang lahat, 'wag lang si mommy. Pero, wala. Umiiyak na sya at ang masakit
ay kagagawan ko.

"K-Kailan mo pa nalaman?"

"Sampong taon na ang nakak---" Natulala ako nang maramdaman ang mainit na palad ni
mommy sa aking pisngi.

Saglit ko lang naramdaman ang sakit na 'yon kasi mabilis na umangat ang sakit sa
loob ko.

"Isabelle! Sinasaktan mo na ang anak mo!" Pasigaw na sambit ni tita.


I was left with no words to say. Natulala na lang ako kasi 'yon ang kauna-unahang
pagkakataon na napagbuhatan ako ng kamay ni mommy. Hindi ko masasabing masakit kasi
sobra pa sa sakit ang nararamdaman ko. It's not just a physical pain, it penetrates
my deepest organs and stabbed my barely breathing heart.

"Alam mo ang lahat ng ito?" Hindi makapaniwalang tanong ni mommh kay Tita Mira.

Hindi nakagawang sumagot ni Tita Mira.

Muling tumingin sa akin ang nanlilisik na mata ni mommy. "Dahil sa pagtatago mo sa


amin ito sa loob ng sampong taon... parang ikaw na rin ang pumatay sa kanya." Wika
niya.

"Yes, mom. I killed her."

"Ate!" Pasigaw na babali ni Zein.

Umiling ako at inis na pinahid ang luha sa aking mga mata. Nasaktan na ako at sa
tingin ko ay wala

nang masasakit pa rito. Kailangan na nilang malaman ang lahat para isahang sakit na
lang. Sana lang maging manhid na ako 'pagkatapos ng lahat ng ito.

"Y-You killed your sister?" Hindi makapaniwalang tanong ni mommy.


"Bakit?" Natatawa kong tanong sa kanila. "Mukha ba akong anghel sa paningin nyo?
Ganon ba ang tingin nyo sa akin?" Tumingin ako kay Zein. "Hinahangaan mo ako?" Muli
akong natawa at tinanaw ang puting kisame kasi babagsak na naman ang mga luha sa
mata ko. "Nagkakamali kayo. I'm a demon, heartless bitch, traitor, useless... I
killed my sister." Bulong ko.

Hindi ko na nagawang tumingin sa kanila kasi natatakot akong makita ang pandidiri
at suklam sa kanilang mata.

"You're not Allison." Wika ni Zein.

Napatingin ako sa kanya. "I told you, I'm demon." Pabalang na sagot ko.

"Allison, tama na..." Wika ni tita.

"Tinatanggap ko na... patay na si Samantha," napatingin ako kay mommy dahil sa


sinabi nya. "Namatay si Samantha kasabay ng pagkamatay mo." Binalot kami ng
katahimikan sa mga sandaling 'yon.

"Mommy!" Sigaw ni Zein.

"Magsimula ngayong araw na ito at sa mga sandaling ito... si Zein na lang ang anak
namin."
Iniwan kami ni mommy matapos sambitin ang mga katagang 'yon. Wala na si mommy
ngunit paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang mga huling katagang binitawan
nya.

Buhay pa ako pero wala na akong pakiramdam...

Sumunod si

Tita Mira kay mommy kaya naiwan kami ni Zein.

"You are not Allison." Ulit ni Zein.

"Leave me alone, Zein." Parang may bumara sa aking lalamunan. "Baka maging ikaw ay
mapatay ko." Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang mga bituwin sa kalawan sa labas
ng bintana.

Parang kanina lang ay iniisip ko ang mga maaaring mangyari sa akin. Hindi pa rin
ako mapaniwalang nangyari na lahat at ang mas nakakatawa ay sa dinamirami nang
naisip ko ay wala man lang tumugma. Hindi ko inasahan lahat ng nangyaring ito.

"Hindi ako makapaniwalang ganito ka kahina, ate."

Natawa ako dahil sa kabila ng lahat nang nangyari ay parang nagbubulungan pa rin
kami ng kapatid ko.
"You can kill me now, Zein."

Natahimik ako nang maramdaman ang bibig ng baril sa aking ulo. Hindi na kailangang
lumingon dahil alam kong si Zein ito. Nanatili ang mata ko sa mga bituwing
kumukutitap sa langit, hindi alintana ang baril na nakatutok sa akin.

"Don't you dare to move..." Bulong nito. "Let me hug you." Bigla nya akong niyakap
sa mga sandaling 'yon.

"Does it hurts, ate? Sobra ba? Kaya mo pa ba?" Tanong nya. "Marami ka ng kasalanan
sa amin, gumawa ka pa rin ng kasinungalingan." Bulong nya.

Napangiti na lang aki at dinama ang kapatid kong nakayakap sa akin sa kabila ng
lahat.

"You didn't killed her..."

"Ganon na rin 'yon, Zein."


Sa kabila ng lahat ng nagawa ko, nagawa nya pa rin akong yakapin. Niyayakap nya ang
mga pagkakamali ko. Tama nga sila, ibang klaseng babae ang kapatid ko.

"It's funny, right? Gusto kong magalit sa'yo pero hindi ko magawa. Gusto kitang
sampalin ngunit niyakap pa kita. Alam mo ba kung bakit?" Hinarap nya ako sa kanya.
"Kasi ate kita, kapatid kita, at mahal kita. Mahal na mahal kita, ate." Pinunasan
nya ang luha sa pisngi ko.

Shit!

"H-Hindi ako nararapat sa pagmamahal mo..."

Tinulak ko sya palayo at kumaripas ako ng takbo hindi alintana ang mga tawag nila
sa akin.

Saan ko ba dapat ilugar ang sarili ko? Hindi ko na alam.

Napatigil ako sa pagtakbo kasabay ng pagbagsak ko sa lupa. Dumudugo ang binti kong
may tama ng baril.
Naramdaman kong may nagtakip sa mata at bibig ko kasabay ng unti-unting pagkawaka
ko sa huwisyo.

"Gotcha..."

=================

Chapter 27

Chapter 27: Home

Ace's Point of View

"I remember the days when you're here with me,"

Pinikit ko ang mata ko at hinayaang manumbalik lahat ng masasayang bahagi ng aming


nakaraan. Sa bawat pagbalik ng mga alaala nang kahapon ay mas lalo akong nagsisisi.

Sana katabi kita ngayon...

"Those laughters and tears

we shared for years hmmm..."

Muli kong pinitik ang mga chords ng gitara. I wish you were here. I wish I could
bring back the time where we were still happy. I would give my all... just please,
come home.

"I don't wanna lose you

girl, I need you back to me, I don't wanna lose you baby, can't you see ..."
Kinagat ko ang labi. What have I done? "Oh, I need you, you've been a part of me, I
wish someday you'll be back home 'cause I really miss you, darling..."
Huminga ako nang malalim bago hininto ang pagpitik sa gitara.

"Please come home..."

Naramdaman kong may kamay na pumunas sa aking pisngi kaya halos mapatalon ako sa
gulat.

"Darling, I'm home..."

Shit!

"Fuck you, Cedric Lastimosa Lee!" Binato ko sa kanya ang gitara ngunit sinuklian
nya lang ito nang halakhak.

Damn!

"Darling... I'm, Zein."

"Stop the gayshit asshole."

Iniwan ko ito sa loob ng kwarto ko at nagmartsa palabas. Hindi ko alam kung bakit
narito na naman ang lalaking 'to. Lagi syang dumadalaw sa akin para gaguhin

at kulitin ako.
Minsan nga, nagulat na lang ako 'pag kagising ko ay katabi ko na sya.

Halos manindig ang balahibo sa katawan ko nung mga panahong 'yon at sa katotohanang
nakayakap pa sya sa akin.

"Pareng Ace! Wala man lang ba tayong almusal?" He asked while checking the empty
dining table.

Kumuha na lang ako ng tubig sa ref at nagsalin. Damn it! Bakit ba laging 'pag
nagdadrama ako ay lagi syang sumusulpot. I was reminiscing.

"Eat yourself..."

"Gah!"

Iniwan ko sya sa kusina at nagpunta sa salas para kunin ang laptop kong naiwan kong
bukas. Ramdam ko pa rin na nakasunod sya sa akin. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko
ang ginagawa nya o ikakainis.

Nakakatuwa? Kasi kahit papaano ay naiibsan ang kalungkutan ko dahil sa mga trip
nyang nakakasuka. Nakakainis kasi lagi syang nakabuntot.

"Mahilig ka pala sa Dora?"

"Don't touch that!"

Binato ko sya ng throw pillow nang aktong hahawakan nya ang isang throw pillow na
Dora. Personalized throw pillow 'yon na nakasulat pa ang pangalan naming dalawa ni
Zein.

Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ko na muling iiyakan ang babaeng alam kong babalik sa
akin. No. Kung nasan man si Zein ngayon ay alam kong ligtas sya. She can handle
herself pero gusto ko ako pa rin 'yon. Ako pa rin 'yong poprotekta sa kanya kahit
na kaya nya ang sarili nya.
I missed my queen...

"Kung si Zein ay Dora..." Ngumisi ito. "Therefore, I conclude... you're Diego."


Humalakhak itong muli.

Shit, man. We have Raze version 2.0

here.

Umiling ako bago hinubad ang Tshirt na suot ko at tinapon sa kung saan. Kinuha ko
ang laptop ko at pinatong sa aking lap. Marami pa akong tatapusing projects at
proposals.

"You are Diego!"

"I'm Boots."

"What the fuck?!" Humalakhak ito at halos mamatay sa kakatawa habang hawak-hawak
ang kanyang tyan.

Die... just die.

Ngumisi ako sa inis dahil walang pumapasok sa utak ko habang nakatingin sa laptop.
Nawawala ako sa focus dahil sa ingay ng nilalang na ito. How to get ride of this
shit? He's annoying.

"Gah! Ace the Boots also known as the monkey!"

Hindi ko ito pinansin. Sumandal ako sa sofa. Ngayon ko lang napansin na wala na
pala ako sa documents dahil nasa album na ako kung saan halos stolen shots lahat ni
Zein ang laman. At kung meron man ako ay mga iilang selfies lang kasama sya.
May stolen shots syang natutulog habang yakap-yakap ang Dora nyang unan. Meron ding
kumakain sya. Meron ding nakatowel lang sya. Bigla akong natawa nung naka towel sya
at inutusan akong bumili ng shampoo dahil naubusan kami ng stock.

"Scandal?"

Mabilis na iniwas ko ang laptop ko nang aktong titingin si Cedric sa screen.


Ayokong may makakita sa mga litratong ito. No. These photos were all mine and
exclusively for my eyes only.

"Share your porns, dude."

"Hindi ito porno, gago. These are my... addictions."

She is my kind of drug.

Napangiti ako sa loob ko. Kahit na anong mangyari, hindi

na ako iiyak. 'Yan ang mga katagang binitawan ko sa aking sarili nung isang gabi.
Malulungkot ako pero hindi iiyak. Ayokong makita ni Zein na umiiyak ako. Babalik
sya...

"You're boring."

Maya-maya ay tumahimik na si Cedric kaya napatingin ako sa kanya. Hawak-hawak nya


ang kanyang cellphone at tutok na tutok sa screen. Napailing na lang ako at muling
ibinalik sa screen ng laptop ko ang aking tingin.

Kahit papaano ay may mga pumapasok na sa isipan ko. 'Pag katapos ko sa projects ay
'yong proposal na naman ang aking ginawa kung saan umaabot sa millions ang 'pag
compute ko sa financial statements.

Nasa kalagitnaan na ako nang pagcocompute nang tumunog ang message ko sa facebook.
Natigilan ako at nagdalawang isip kung bubuksan ko ba ito o hindi.
I shift the tab. Bumungad sa akin ang isang kulay pulang numero sa itaas nang
nagngangalang Hell. I knew it was from the asshole.

I clicked the message.

"I got what you lost. I have your life. Uh, wait... Do you smell that? Fire! Burn!
Hahahaha."

Kumunot ang noo ko.

"Pare, nagluluto ka ba ng kurtina?" Tanong ni Cedric na sumisinghot sa hangin.


"Gah! May nasusunog ata." Nagtatakang sambit nya.

"Gah?" Bukambibig nya ito. Hindi ko alam kung expression nya 'yon o may ibig syang
sabihin.

"Gah? As in gago. British accent, dude."

Napailing na lang ako. Wala talaga akong matinong mapapala sa lalaking ito. May
kakaiba sa hangin. Tama si Cedric, mukhang may nasusunog.

Sandali akong natigilan nang mapagtanto ang ibig sabihin ni Hell. Mabilis

na pumunta ako sa kwarto ko at tama nga ang hinala ko. Isang itim at makapal na
usok ang nasa labas ng bintana na malamang ay galing sa isang unit sa baba namin.

"Damn!"
Kinuha kong muli ang tshirt ko at tumakbo palabas. Nagsisigawang mga tao ang
naririnig ko at ang mga sirena ng mga bumbero. Nagkakagulo ang lahat na
nagkukumahog makababa kaya 'di ako gaanong nakakasingit.

"Mukhang may nasusunog ah," wika ni Cedric. "Aray. Miss, easy." Sabi ni Cedric sa
babaeng dala-dala ang teddy bear na nagkukumahog din pababa.

"Bababa rin ba tayo?"

Gusto ko pa sanang sumagot nang pabalang ngunit wala na akong panahon. Mabilis na
bumaba ako nang isang floor mula sa floor ng unit namin.

Natigilan na lang ako habang nakatingin sa mga bumbero na inanaapula ang apoy mula
sa unit na binili ko. Isang sikretong unit na binili ko para sa pag-iimbestiga. May
sikretong daan ako sa unit ko papunta sa loob para hindi makahalata si Zein. Lahat
ng importanteng documents na nakalap ko ngayon ay tinutupok na ng apoy.

Damn that Hell! Alam kong kagagawan nya ang lahat ng ito.

Mabilis na nahagilap ko ang isang taong naka blazer at natatakpan ang ulo ng hood.
Hindi ko makita ang mukha nito dahil naka shades din ito na tumatakip sa kanyang
mata.

Kahit na hindi ko malinaw na nakikita kung kanino nakatutok ang mata nito pero
pakiramdam ko ay sa akin sya nakatingin.

Isinakbit nito sa kanyang bulsa ang dalawang kamay nito at naglakad

palayo. Susundan ko na sana ito nang harangin ako ni Cedric na nakanguso.

"Pare may naghahanap sa'yo."

Biglang may isang babaeng nakasalamin ang bumungad sa akin. "Hi. Are you Mr. Ace
Craige?" She asked. Hindi ako agad nakasagot dahil binalingan ko ulit ng tingin ang
direksyong tinahak ng misteryosonh taong 'yon.

May kakaiba sa kanya. Pakiramdam ko ay sya ang dahilan nang pagkasunog nang unit na
ito.

"Darling, tinatanong ka."

Napatingin akong muli sa babaeng natawa dahil sa tinawag sa akin ni Cedric na


nakangisi. "I am." Sagot ko.

"Maaari ba kitang makausap since ikaw ang may-ari ng unit na nasusunog."

"'Pag ba tumanggi ako, hindi mo na ako kakausapin?" Tanong ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Cedric.

"Actually, you're responsible for the incident. Mas mabuting makausap ka namin."

"Miss, 'wag mong gagahasain ah? Baka gusto mong umikli ang buhay mo." Bulong ni
Cedric.

Napailing na lang ako at muling sinulyapan ang naapulang apoy. Back to one, again.
Nawala lahat ng pinaghirapan ko.

Damn it!

Hindi rin nagtagal ang interview sa akin dahil tinanong lang ako kung nasan ako
nung mga panahong nasusunog ang unit at kung sino pa ba ang nakakaalam ng passcode
ng unit ko which is ako lang.
Naramdaman ko ang antok pagkalabas ko ng opisina nila. Bumalik na lang ako sa unit
ko. Wala na si Cedric na malamang ay nainip na sa kakahintay.

'I hate boring...' ang motto ng mokong na 'yon.

Pagod na ibinagsak ko sa sofa ang aking katawan. Ipinikit ko ang mata ko at


ipinahinga ang aking isipan dahil pakiramdam ko ay mababaliw na ako kakaisip.

Naramdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng mata ko ngunit nawala ang lahat nang
marinig ang tinig na 'yon. Bigla akong napamulagat at napatingin sa kwarto ni Zein
na nakabukas.

Hindi ko ito binuksan at hindi ko hinahayaang buksan ito ni Mr. Lee.

May isang tinig akong naririnig kasabay nang pagkalabit sa gitara. Nakaka kalma ang
tinig nito. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa harap ng pinto.

Kumalabog ang puso ko.

"Z-Zein..."

Natigilan ito sa pagkalabit ng gitara at pinunasan ang kanyang mata bago tumingin
sa akin. Ngumiti ito.

"A-Ace..."

Sa isang iglap ay nayakap ko sya nang sobrang higpit. Parang nawala lahat ng
pangungulila ko sa kanya at lahat ng pagod ko. Basta ang alam ko lang ay hindi ako
nananaginip.

Narito si Zein, kayakap ko. Hindi ito panaginip at kung panaginip man ito ay sana
hindi na ako magising. I would rather live in my dreams with Zein than in reality
without her.
"A-Ace... I'm sorry." Nanginginig ang boses nito at ramdam ko ang lungkot sa
kanyang tinig.

"Tinakot mo ako." Hinarap ko ito sa akin. Pinunasan ko ang luha sa kanyang pisngi.
"Subukan mo lang umalis, Zein. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo."
Pagbabanta ko.

Natawa ito. "Itatali mo ako? Hindi na kailangan, Ace. Nakatali na ako sa'yo."
Nakangiting sambit nya.

Ngumiti na lang ako.

"Darling, I'll tie you on my bed." Nalaglag ang panga nito. Nilapit ko ang bibig ko
sa kanyang tainga. "Both of us... naked." Bulong ko.

=================

Chapter 28

Chapter 28: Forgive

Zein's Point of View


"Ace...gentle."

"I'm trying..." namamaos na sagot nya.

Hindi ko maiwasang mamula sa ginagawa nya. Hindi ako nasasaktan dahil nakikiliti pa
nga ako e. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa namin.

"Aray!" Napabalikwas ako sa ginawa nya.

"Uh, did I hurt you?" He asked.

"Hindi, Ace. Ang sarap nga e! Kaya nga ouch, 'di ba? Kasi nasarapan ako. Isa pa at
sasakalin na talaga kita."

Humalakhak ito nang matapos na nya ang ginagawa nya. Gusto kong tumayo at iwan sya
dahil sa ginawa nya ngunit hindi ko kaya.

Nakaposas ang tig-isa naming kamay sa isa't-isa kaya mahirap kumilos at limitado
ang galaw ko. Kaya gustuhin ko man syang iwan ay hindi ko magawa.
"I'm sorry..." Nawala ata ang sakit nung hinalikan nya ang kamay ko habang
nakatingin sa akin.

Damn. Paano nya nagagawa ang mga ganon? 'Yon bang kahit na galit ka sa kanya bigla
na lang nawawala. Isang-salita lang sa kanya ay wala na ang sakit.

"Bakit mo pa ako itatali sa'yo? Hindi naman kita iiwan."

"Minsan mo na akong iniwan."

Natahimik ako.

Napatingin kami sa pinto nung may sabay-sabay na kumalabog. Napangiti na lang ako
nang marinig ang mga halakhak sa labas sa pangunguna ni Matt. Narito kami ngayon sa
kwarto ni Ace kaya malamang na nagkakalat na ang mga 'yon.

"Damn...

Why, Zein? Bakit kailangan mo pa silang papuntahin? Hindi ba ako sapat?" Ngumuso
ito.

Payak na ngumiti na lang ako dahil parang kinikiliti ako ng mga salita nya. Hindi
ka pa rin nagbabago... Ace. Ikaw pa rin 'yong inosenteng demonyo na nakilala ko.
'Yong lalaking walang kaide-ideya na nakakamatay na sa kilig ang kanyang mga banat.
"I just missed them." Sagot ko.

Kumunot ang kilay nito at halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Natahimik ako
dahil alam kong babanat na naman 'to.

"You missed them? Great! Buti sila namiss mo samantalang ako hindi. Just great,
darling."

"Huwag kang oa, Ace."

"Oa ba ang tawag mo rito? Sinabi mong namiss mo sila samantalang ako na kanina mo
pa kasama... wala na ngang I love you... wala pang I miss you." Sinabunutan nito
ang kanyang buhok sa pagkadismaya. "I'm damn jealous and it's killing me." He
whispered.

Grabe. Kahit na oa sa kaartehan ang lalaking ito natutuwa pa rin ako. Hari ng
kacornihan at drama.

"I love you and I missed you."


"Sa tingin mo makukuha mo pa ako sa ganyan?" Inis na sambit nya bago bumaba sa
aking labi ang kanyang tingin. "Kiss me." Matigas na sambit nito.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Hindi pa rin ako makaget over sa sinabi nya
kanina na 'I'll tie you on my bed, both of us naked' kaya ang awkward pa sa akin ng
mga ganitong eksena.

/>

"Ace... nasa labas sila."

Ngumisi ito kaya naguluhan ako. Mukhang iba ang pagkakaintindi nya sa sinabi ko.

"Gusto mo pala ng witness dapat sinabi mo kanina pa..."

Kinuha nito ang remote na hawak nya at tinapat sa pinto kaya mabilis na bumukas
ito. Nanlaki ang mata ko nang biglang sabay-sabay na bumagsak sa sahig sina Cedric,
Raze at Vanessa.

Humalakhak sina Matt at Jerome na nasa likod nila.

"Gah! Ang sakit. Buti na lang may abs ako." Nakangising sambing ni Cedric na tumayo
rin agad.
Damn! Kanina pa sila nakikinig. Dapat pa ba akong magulat? Panira naman talaga ng
privacy ang mga nilalang na ito e kaya hindi na ako dapat magulat.

"Alas!"

Tumakbo palapit sa amin si Raze at aktong yayakapin na si Ace nang bigla itong
lumihis papunta sa akin.

"I missed you, Zein."

"In the count of one..."

Mabilis na kumalas si Raze na napakamot na lang sa batok. Napatingin ako kay


Vanessa na nakangiti sa akin.

"Welcome back..."

Yayakapin ko na rin sana ito nang bigla nya akong batukan. "Bakit ngayon ka lang?
Bakit dumating ka pa? 'Di ba nilayasan mo na kami?" Naiiyak na sambit nito.

Naramdaman ko ang kamay ni Ace na hinihimas ang ulo ko dahil sa ginawang pagbatok
ni Vanessa.
"Baka magka-amnesia ang girlfriend ko."

"Tumigil ka!" Sigaw sa kanya

ni Vanessa.

Niyakap ko ito gamit ang isa kong braso. Damn! I missed her. Namiss ko ang
pagbulyaw nya at ang matalim nyang dila. Namiss ko rin ang drama ng babaeng ito.

"Stop the drama... Best actress ka na." Bulong ko.

Natawa kaming pareho. Napatingin ako kay Matt na diretsong nakatingin lang sa akin
bago tumalikod at naglakad palayo. Sumunod naman sa kanya si Jerome.

Lumabas kami at pumunta sa salas kung saan nakakalat na ang mga pagkain na binili
nila. Nanatili kaming magkadikit ni Ace. Hindi nga ako makagalaw na maayos dahil
pakiramdam ko ay madadapa ako.

"Hindi kriminal si Zein! Ano bang mahirap initindihin do'n?" Sigaw ni Cedric na
tutol sa ginawa ni Supremo.

Kumain na lang ako ng piatos at hindi na pinansin ang mga mokong. Nag-uusap sina
Jerome at Matt na nasa lapag habang si Vanessa ay nasa kusina para magluto ng pop
corn.
"Zein... may sasabihin ako." Seryosong sambit ni Raze.

Mabilis na kinain ako nang kaba dahil sa seryosong tono nito. Naagaw naman nya
lahat ng atensyon namin. Nasa kanya ang buo naming atensyon at gaya ko ay gusto rin
nilang marinig ang sasabihin nito.

"Bakit kay Zein mo pa sasabihin?" Tanong ni Ace na nakasandal sa aking balikat.

"Hindi ko na kaya..." Halos maiyak ito.

"Ano bang sinasabi mo, Raze?" Naguguluhang tanong ko sa sinasabi nya.

"Kuya mo sya, Zein. Call him, Kuya. Matanda sya sa'yo." Pagtatama ni Ace.

Hindi ko ito pinansin at nanatili ang mata ko kay

Raze na hindi alam ang gagawin. Mukhang seryoso talaga ang problema nya para
magkaganito sya.

"Ano ba kasi 'yon? Pabitin ang gahamputs..." Bulong ni Cedric.


Huminga nang malalim si Raze at muling nagseryoso. Gusto ko na syang sapakin dahil
sa pambibitin nya pero hindi ko magawa.

Alam kong kailangan nya nang lakas ng loob para masabi 'yon at ayokong syang
ipressure. Dapat ay kusa nya itong sabihin nang hindi namin pinipilit lalo na't
mukhang seryoso ang problema nya.

"Guys... gusto ko lang malaman nyo na magiging daddy n---"

"Congratulations!" Nakipag kamay si Cedric kay Raze na nalilito.

Tumabingi ang ulo ko dahil hindi ko maintindihan. Napatingin naman ako kina Matt at
Jerome na mukhang hindi rin naiintindihan ang sinabi ni Raze.

"Ano daw?" Tanong sa akin ni Ace.

"Ewan. Bakit ba ako ang tinatanong mo e kapatid mo 'yan."

Mabilis na inalis ni Raze ang kamay ni Cedric at sinamaan ito ng tingin. "Hindi pa
ako tapos kolokoy." Iritang sambit nito.

"Ano ba kasi 'yon?" Tanong ko. "Pwede, kumpletuhin mo na?" Inis kong sabi.
Naiinis pa naman ako 'pag nabibitin.

"Si Dark... nakabuntis."

Nalaglag ang panga namin sa sinabi nya. Saglit na kinain kami nang katahimikan.
Unti-unti pa ring nagsi-sink in sa utak ko ang dahilan ng pagmamaktol nya at
pagdadrama.

"Sabi ko sa'yo

walang kwenta 'yan e." Bulong sa akin ni Ace.

Humalakhak si Jerome na muling hinarapan na lang si Matt na naiiling na lang din.


Bumalik ang dalawa sa pagkukwentuhan.

Ano pa bang inaasahan namin sa kanya? Abnormal ang sore eye na ito e. Kanino pa ba
magmamana? Edi sa oa nyang kapatid.

"Ano ba ang gagawin ko? Bata pa sya! Hindi nya pa kaya ang responsibilidad."
Hinagod ni Cedric ang likod ni Raze para patahanin ito. Natawa na lang ako dahil
bagay sila. Paregong gago. Sino pa ba ang magkakaintindihan?

"Ano bang trabaho ni Dark?" Tanong ni Cedric.

Napahalahak ako nang mapagtanto kung bakit nya naiintindihan si Raze. Damn! Hindi
nya alam na pusa si Dark. Shit! Ced. Dark is a fucking cat also known as Hoy.

Hahaha.

Kumuha si Ace sa hawak kong piatos at sinubo sa akin 'yon. Napanganga ako nang
dilaan nya ang daliri nyang may natirang pulbos ng piatos.

"What?" tanong nya.

Umiling na lang ako sa katotohanang... napapaligiran ako ng mga abnormal.

"Ilang taon na ba si Dark? Anak mo ba?" Patuloy na tanong ni Cedric. "Ako lang ang
makakaintindi sa'yo kasi wala silang pakialam sa'yo. Bakit pula ang isa mong ma---"

"Stop acting like you know my pain, stop acting like you care. "You will never
understand me. It's not you, it' me."
"Gah! Bakit mo ba ako sinisigawan?! Pinapalamon mo ba

ako?!"

Naramdaman ko ang kamay ni Ace sa pisngi ko at mahinang iniharap ako sa kanya.


Nakakunot ang noo nito.

"Just look at me... Baka mahawa ang anak natin sa kanila."

"Ace!"

Mahina lang itong natawa. Tuwang-tuwa talaga syang naiinis ako. Pero inaamin kong
gusto ko rin 'yon. Gusto kong sya ang maging ama ng mga anak ko.

"Zein... naiihi ako."

"Edi umihi ka! Hawak ko ba ang ano mo?"

Humalakhak ito. Saka ko lang narealized kung ano ang sinabi ko. Namula ako dahil
doon. Ugh!

"Pero nakatali ako sa'yo..."


Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang. Pumunta kami sa cr. Nakaharap sya sa
toilet habang ako ay nakatalikod. Namumula ang buong mukha ko at nanginginig ang
aking kamay.

"I wouldn't mind if you will look, Zein."

"Shut up..."

"Look, Zein. It's yours, darling."

"Ace..."

"Ito ang maipagmamalaki mo sa akin, Zei---"

"Fuck you!"

"Here?! Shit! I'm excited, darling."

"Ace Craige!"
Humalakhak lang itong muli. Matapos no'n ay bumalik na kami sa salas. Nanginginig
ata ang buong katawan ko at ang init ng mukha ko.

Nagpaalam na si Cedric na may date daw habang si Raze ay bibisitahin daw ang asawa
ni Hoy.

"Buti hindi mo inimbitahan si Ate Allison..." Nakangiting wika ni Matt.

Natigilan

ako. Mas lumawak ang ngisi sa kanyang labi. Hindi 'yon narinig nila Ace, Jerome, at
Vanessa dahil nakatuon ang atensyon nila sa pinapanuod namin. Nasa gilid ko si Matt
kaya naririnig ko ang mga bulong nya.

"S-She's busy..."

"Busy... Okay."

Hindi na lang ako umimik pa.

***

Allison's Point of View


Nasa madilim na silid ako. Wala akong ibang makita kundi ang dilim. Sobrang tahimik
nang paligid at maging ang paghinga ko ay naririnig ko.

Where am I?

Bumukas ang pinto at iniluwal nito ang isang taong familiar sa akin. Kumunot ang
noo ko nang unti-unting maaninag ang kanyang mukha.

God!

"Surprised?"

"Y-You're alive!"

Humalakhak ito at inilagapag ang pagkain na dala nya. Hindi ko magawang makakilos
dahil nakatanikala ang kalahati ng katawan ko hanggang paa kaya limitado ang galaw
ko. Masakit pa rin ang binti ko dala ng tama ng baril na ngayon ay nakabenda na.
"Sshh... akala nyo patay na ako? Hindi ako madaling mamatay."

Parang nawalan ako ng lakas. Nanginginig ang buo kong katawan. Akala ko tapos na.

Kailangan itong malaman ni Ace...

"Kumain ka na. Magpalakas ka para magawa mong mailigtas ang kapatid mo."

"Huwag na huwag nyong papakialaman si Zein. Labas na sya rito!"

Humalakhak ito at umupo para magkalevel na lang kami.

"Ang sweet mo namang kapatid, parang totoo..."


"Anong pinaplano nyo?"

"Secret. Hulaan mo. Dito ka naman magaling hindi ba? Magaling ka pagdating sa mga
sikreto kaya hulaan mo."

Humakhak ito at tumayo. Tinalikuran nya ako ngunit hindi nakaligtas sa akin ang
kanyang mga mata.

"I hate you. Hindi kita kailanman mapapatawad. Pinatay mo si daddy."

Natahimik ako sa mga katagang binitawan nya. Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan
ang paglabas nya at muling pagsara ng pinto. Muli akong kinain ng lungkot.

"I'm sorry... Forgive me."

=================

Chapter 29

Chapter 29: Not again

Raze's Point of View


Bumuga ako ng hangin bago muling sinulyapan ang wall clock. Kasalukuyan akong
nakaupo sa sofa rito sa loob ng opisina ko at naghihintay ng oras para makausap ang
isang tao. Maraming sumasagi sa isipan ko. Mga baka na mas nagpapadagdag sa kabang
nararamdaman ko.

"Anong problema ang pinasok mo, Dark?" Naiinis na sambit ko kay Dark na
kasalukuyang nakahiga sa aking tabi.

Hindi ba nya alam na nakabuntis sya? Hindi ba nya alam na may responsibilidad na
syang kakaharapin? Naaawa ako sa kanya. Dapat ay nakapagpigil sya para maranasan
nya ang buhay binata, 'yon bang wala kang poproblemahing asawa o anak.

"Fuck boy kasi. Psh. Gumising ka nga! Hays."

Napasabunot na lang ako sa inis at sa katotohanang ako ang namomroblema sa ginawa


ng aking alagang mahimbing na natutulog.

Sumandal ako sa sofa at kinalma ang aking sarili. Kailangan kong magpakatatag para
kay Dark. Parang anak na rin ang turing ko sa kan-"Magiging lolo na ako?" gulat na
tanong ko sa aking sarili.

Gusto kong sumigaw sa pagkadismaya.

Lolo Raze?

Eww.. No way. I'm too sexy and hot for that.

"Ano kayang ipapangalan ko sa anak m---ilan ba ang anak mo?" tanong ko kay Dark na
animo'y sasagutin ako nito.

Baka siyam? Tama. Nine ang anak ni Dark kasi sa pagkakaalam ko ay siyam ang buhay
ng pusa. Hays. Ang talino mo talaga Raze. Gwapo na, matalino pa. Sa susunod mag
dodonate ako para naman mabigyan ang

iba.
Napatalon ako sa gulat nang biglang may kumatok. Mabilis na umakyat ang dugo sa ulo
ko at parang hihimatayin ako sa kaba. Inayos ko ang mga pagkain sa lamesa.

Tumayo ako at humarap sa salamin. Baka mamaya magandang binibini pala ang amo ng
asawa ni Dark. Kailangan kong magpapogi kahit na alam kong sobra na. Sana lang ay
huwag sya agad ma-fall. I hate easy-to-get girls. Gusto ko 'yong may thrill.
Dalagang pilipina na mejo bastos. Right.

Binuksan ko ang pinto na todo ngiti. Nawala ang ngiti sa labi ko nang walang taong
tumambad sa akin. Sumulyap ako sa labas ngunit wala talaga. Anak ng--- Pinagloloko
ata ako ng mga tao ah.

"I'm here."

Bumaba ang tingin ko. Napanganga ako nang makita ang isang batang lalaki na may
hawak na puting pusa. Naka clean cut ito, singkit ang mata, maputi, malamig ang
boses.

"Y-You must be---"

"Hindi mo ba ako papapasukin?" malamig na tanong nya.

Nagulat ako sa pakikitungo nito. Alam kong malamig ang aura nya ngunit hindi ko
inakalang ganito kalala. Parang yelo ang boses nito. Hindi pangkaraniwan para sa
isang bata.

"Mister?"

"Ah. Please, come in."

Inikutan nya ako ng mata bago pumasok. Napabuga na lang ako nang hangin dahil mas
malala pa ata ang inaasahan ko. Hindi ko alam kung paano ito pakikitunguan dahil
pakiramdam ko ay mababara nya lang ako.
Muli kong isinara ang pinto. Nanatiling nakatayo ang bata at hindi umupo. Umiikot
ang mata nya sa kabuuan ng opisina ko at parang nagmamasid. Nakita ko ang
pasimpleng pagngisi nito kaya ako naman ay

kinabahan sa kung ano ba ang naisip nya.

"Have a seat, please..." I offered.

Tumango ito at umupo sa sofa. Lumutang ang paa nya sa ere dahil sa liit ng binti
nito. Para syang matanda kung kumilos kahit na ang katawan nya ay bata pa lang.
Ipinatong nya ang pusa nya sa kanyang hita bago itinukod ang kanyang kamay para
sumandal.

Humalukipkip ito sa harapan ko.

"Mag-uusap ba tayo nang nakatayo ka?" tanong nya na ikinabalik ko sa huwisyo.

Nahihiyang umupo ako sa katapat nyang sofa. Tumikhim ako para pababain ang kabang
nararamdaman ko. Teka--- Bakit ba ako kinakabahan sa paslit na ito? Bata lang sya.
Kayang-kaya ko syang isabit sa kisame kung gugustuhin ko.

"Coffee?"

"A glass of wine will do."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Hindi ako makapaniwala sa kanyang tinuran.
"Are you serious?" ulit na tanong ko.

"Just kidding." Bawi nito.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Paano ko ba pakikitunguan ang amo ng


mapapangasawa ng aking alaga?

"So, shall we start?" Tanong ko.


"I don't talk to strangers that much so mind if we'll start on introducing
ourselves?" mahina ngunit may awtoridad na sinabi nito.

Pakiramdam ko ay napahiya ako.

Calm down, Raze. Bata lang 'yan.

"I am Raze. You can call me Tito Raze."

"Okay, Raze..."

'Calm down, Raze. Bulilit lang 'yan. Makakasuhan ka ng child abuse 'pag pinatulan
mo sya. Nakakabawas

'yan sa kagwapuhan. Easy lang.' pangaral ko sa aking sarili.

Pinanatili ko ang hilaw na ngiti sa labi ko para hindi nya mahalatang naiinis na
ako.

"I'm Shark. You can call me Shark. You don't have to know my surname nor my age. I
love black and I hate a messy room.." Iginala nya ang kanyang mata sa opisina ko.
"And uh, I hate you." Matigas nyang sabi.

"Anak ng--- Naku, Shark. Huwag mo akong susubukan. Ibibitin kita nang patiwarin."

Ngumisi ito. "That's exciting, isn't it?" he asked.

Kinagat ko ang labi ko para hindi na magsalita pa. wala akong laban sa duwendeng
ito at baka makulong lang ako 'pag pinatulan ko sya.

Pinagmasdan ko ang kanyang pananamit. Nakatupi ang manggas ng kanyang itim na t-


shirt na nakatucked in sa maong nyang short. Naka itim din itong relo at itim na
rubber shoes na may check sa gilid. Hindi maalis sa hangin ang kanyang gamit na
matapang na pabango.

"It's rude to stare like that." Komento nya.

Kinuha nya ang nakaipit na shade sa kanyang kwelyo at isinuot. "Virus detected."
Sabi nya.

Napahawak naman ako sa isa kong mata dahil pakiramdam ko ay 'yon ang tinutukoy nya.
"Hindi ito sore eyes." Pagpapaliwanag ko kahit na alam kong wala naman syang
pakialam doon.

Nagkibit-balikat lang ito bago tumikhim. "So, Mr. Raze.Paano mo pananagutan ang
pagkabuntis ni Whitney?" tanong nya habang hinihimas ang ulo ng kanyang pusa.

Tangin--- parang ako ang

nakabuntis sa pusa nya ah.

Pero, napangiti ako. Aba! Marunong pumili si Dark ah. Sabagay, kanino pa ba sya
magmamana? Edi sa kanyang amo.

"Ano bang gusto mong mangyari?"

"Sa amin na muna ang pusa mo."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Ramdam ko ang pagtutol ng buo kong pagkatao.
Lumaki kaming magkasama ni Dark. Saksi sya sa lahat ng pinagdaanan ko. Hindi sya
basta-basta makukuha sa akin.

"Just for a few months. Hanggang sa manganak na si Whitney."

Gusto kong umangal ngunit pakiramdam ko ay balewala lang 'yon. Mukhang hindi
titigil ang pating na ito hangga't hindi nakukuha si Dark. Mukhang wala na akong
pagpipilian.

"Don't worry, marunong akong mag-alaga and uh, for your information... malinis sa
amin." Muli nyang pinasadahan ng tingin ang opisina ko. "Unlike here... no offense,
Mister." Ngumisi ito.

Umangat ang kilay nya.

"Meow."

Tumalon si Dark at nagtago sa ilalim ng sofa. Naiiyak ako para sa kanya pero ano
bang magagawa ko? Kasalanan din naman nya. Kung sanang gumamit sya ng
contraceptives, edi sana safe. Hays.

"Yeow..." huni naman ni Whitney.

"British accent..." sabi ni Shark na halatang proud sa huni ng kanyang alaga.

Lumuhod ako at dumuwang sa ilalim ng sofa. Nakasingit si Dark sa gilid at halatang


natatakot sa akin. "Come here, Dark. Hindi mo maaaring takbuhan ang iyong mga
ginawa. Be a man, dude. Come on, your wife is waiting for you." Pagpapaliwanag ko.

"Meow."

Napabuntong-hininga ako.

"Dark, please. Mahirap din sa akin ito. Anak na ang turing ko sa'yo. Please..."

Naglakad ito palapit sa akin at tumalon papunta sa aking balikat. Parang niyuyupi
ang puso ko dahil ilang minuto na lang ay iiwan na rin ako ni Dark. Magkakapamilya
na sya.

Napatingin ako kay Shark na namimilog ang mata habang nakatingin sa akin. Nakaipit
ng muli ang kanyang shade sa kwelo ng t-shirt nya.

"You're talking to a cat!" manghang wika nya. Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang
pagkislap ng ngiti sa kanyang labi. "You're crazy, Mister Raze. Cool..." natigilan
ako nang yakapin nya ang binti ko.

Bigla kong naramdaman na masarap palang magkaanak. Ito ang pinlano namin ni
Samantha. Mga pangakong napako. Ipinilig ko ang ulo ko at ginulo ang kanyang buhok.

"Matapos mo akong lait-laitin, sasabihan mo ako ng cool?" natawa ako. "Ibang


klaseng bata." Bulong ko.

Maya-maya ay kinuha na nya sa akin si Dark. Parang naiiyak na ako habang nakikita
sa kanyang balikat ang pusang inalagaan ko buong buhay ko.

Si Dark ang nakakaalam ng lahat ng aking hinanakit sa buhay. Sa kanya ko nasabi ang
mga problemang hindi ko masabi sa iba. Sana, panatilihin nyang lihim ang lahat.

"I have to go." Tumayo na ito at muling inilahad ang kanyang maliit na kamay.

"Please, do take care of him."

Ngumiti ito kaya nawawala ang kanyang mga mata.

"Makakaasa ka, Mister Raze." Binuksan ko ang pinto kasabay ng pagtakbo nito palayo.

Sinara ko na rin ang pinto nang mawala na sya sa aking paningin. Pagod na napaupo
na lang ako sa sofa. Nakakaubos ng lakas ang batang 'yon. Bumababa ang tingin ko sa
aking sarili 'pag kausap ko sya.

Bigla kong namiss si Dark.

Napatayo ako nang maalalang hindi ko pala nakuha ang address o ang cellphone number
lang nila. Shit! Paano ako magkakabalita? Paano ko mapapasyalan si Dark?

Damn!

Natigilan ako nang biglang umikot ang aking paningin. Nanlabo ang mata ko at parang
binibiyak ang aking ulo sa sakit. Napaluhod ako sa sahig sapu-sapo ang aking ulo.

Hinihingal ako kasabay nang pagbagsak ko sa sahig.

"Not again... please."

=================

Chapter 30

WARNING: May pagka SPG ito. Patnubay ni Supremo ang kailangan. lol

Chapter 30: Hard

Matthew's Point of View

Nakatingin lang kami kay Zein habang nagkukwento sya. Kahit papaano ay nauunawaan
ko na ang biglaang pagkawala ni Dave.

"That's it." pinitik ni Vanessa ang kanyang daliri. "Kaya pala parang nakita ko na
sya dati ngunit pinagsawalang bahala ko lang." sabi nito.

"May balita na ba tungkol sa kanila?" Jerome asked. "Baka kung ano ng nangyari sa
kanila. I know Tito Yuan, 'pag sinabi nya ay kailangang masunod." nag-aalalang sabi
pa nito.

Napasandal na lang ako dahil nag-aalala rin ako. Si Tito Yuan, na tatay ni Mia ay
isang striktong ama. Saksi kami sa kung gaano sya kahigpit sa kanyang nag-iisang
anak. Mahihirapan si Dave na makipag-usap sa kanya.
"Wala. Hindi ko alam kung anong nangyari." malungkot na paliwanag ni Zein. "But, we
have to trust them. Hindi nila hahayaang mabuwag sila." pilit na ngumiti ito para
patahanin ang nararamdaman.

Alam kong pinatatag na sila ng mga pinagdaanan namin. Pero, hindi lang basta-basta
ang kalaban nila. Pamilya ni Mia. Tama si Zein, kailangan na lang naming magtiwala
sa kanila. Sana lang ay maging maayos na ang lahat.

"Saan ka galing?" nagulat kami sa tanong ni Jerome kay Zein.

Nakita ko ang pasimpleng pagsiko ni Vanessa kay Jerome dahil sa sinabi nito.
Mukhang nahimasmasan si Jerome kaya nakita ko ang pagdaan ng guilt sa kanyang
mukha.

Napatingin ako kay Zein na kalmado lang. Wala kang mababakas na pagkabigla sa
kanya.

"I mean... Bago ka pumunta rito sa café. Saan ka muna

nanggaling?" bawi nito.

Napangisi ako sa mga inaasta nila.

Hindi ko na pinansin ang mga ito nang magvibrate ang phone ko sa bulsa. Kinuha ko
ito at tumambad sa akin ang isang text message.

From: Anghel ng buhay ko


"Babe. Where are you? Susunduin kita."

Mabilis na nagtipa ako ng isasagot sa kanya.

"Ako na ang pupunta. Saan ka?"

Sent

Hindi ko alam kung anong ginagawa ko. Nakikipaglaro lang ba ako sa kanya? Hindi ko
rin alam kung seryoso talaga sya sa akin o trip nya lang. Kung ako ang tatanungin
ay wala akong ibang nararamdaman sa kanya kundi ang kaibigan lang.

Ilang beses kong sinabi sa kanya 'yon ngunit tinatawanan nya lang ako.

Tumayo na ako nang mareceived na ang reply nya. Napatingin sila sa akin.

"May lakad ka?" tanong ni Vanessa.

Nakita ko naman ang pasimpleng pagngisi ni Jerome. "Lagi namang may laka---" siniko
ko ito na ikinatawa nya.

Naningkit ang mata ni Zein kaya alam kong magdududa na ito. "May inililihim ka sa
amin?" she asked.
"Ako ba?" turo ko sa sarili ko.

Napatingin ako kay Vanessa bago tuluyang lumabas ng café na 'yon. Hindi pala ako
pumasok kanina kaya malamang na makikibalita na lang ako kay Ace.

Mabilis na pinaharurot ko ang sasakyan ko papunta sa lugar na sinasabi ni Angel.


Ano ba kasing ginagawa nya sa Baguio? Anong trip nya at doon na naman ang nais nya.

Muling nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko.

"Faster, babe. Excited to see you."

Napailing na lang ako bago muling ibinalik sa bulsa ang aking cellphone nang

hindi nagrereply.

Is she just flirting with me? Imposibleng magustuhan nya ako. I mean, yes gwapo
ako, given na 'yon pero ano pa ba? Naiinis ako 'pag nagugustuhan lang ako dahil sa
itsura ko.

Ayokong magmayabang kaso sila na mismo ang nagsasabi.

Mejo hapon na nang makapunta ako sa sinasabing lugar ni Angel. Itinabi ko ang
sasakyan ko at kinuha ang jacket sa likod.
'Pagkalabas ko ay malamig na hangin ang tumambad sa akin. Humigpit ang yakap ko sa
aking sarili habang tinatahak ang isang puno hindi kalayuan. Sa taas non ay may
maliit na kubo. Kung hindi ako nagkakamali ay tree house ang tawag roon.

Natanaw ko agad ang ilaw na nanggagaling doon.

Ano bang trip nang babaeng 'yon at dito nya naisipang pumunta? Anong meron sa lugar
na ito?

Tumingala ako sa itaas. May hagdan para makaakyat doon kaya ginamit ko 'yon. Nang
makapunta ako sa taas ay agad na nahagilap ko si Angel na nasa sulok. Yakap-yakap
nya ang kanyang sarili habang mahinang humihikbi.

Sandali akong natigilan dahil parang kinurot ang dibdib ko nang makita sta sa
ganong position. Ang hikbi nya ay nagpapasikip sa aking dibdib.

"A-Angel?"

Shit. Bakit nauutal ako? Nanginginig din ako.

Tumingin ito sa akin. Puno nang luha ang kanyang mukhang namumula at gulo-gulo na
ang kanyang buhok. Nakikita ko rin ang panginginig ng kanyang katawan.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong nya. "Nambabae ka ba?" pangalawang tanong nya kung
saan mababakas ang pagkairita.
"No. Malayo lang masyado ang lugar na ito."

Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay kailangan

kong magpaliwanag sa kanya. Gusto ko syang pakalmahin.

"Saan kayo nagdate? Saan ka nya hinalikan? Saan ka nya hinawakan?"

"Wait--- Sabing hindi ako nambabae eh!" iritang sagot ko.

Tumango ito at pinunasan ang kanyang mata. "S-Sorry. Akala ko kasi hindi mo na
naman ako pupuntahan gaya ng madalas mong ginagawa." natatawa nyang sambit.

Natigilan ako kasi hindi 'yong totoo. Lagi akong naroon kung nasan sya. Akala nya
hindi ako pumupunta pero lagi akong naroon. Nakamasid ako sa kanya. Hindi ko alam
kung bakit pero pakiramdam ko ay kailangan kong pumunta sa kung nasan sya.

"Bakit ka ba umiiyak?" tanong ko bago sya iginayang makaupo sa isang


pangdalawanhang upuan na gawa sa kawayan.
Maliit lang ang tree house na ito. Parang ginawa lang talaga para sa dalawang tao.
May isang ilaw sa itaas. Kitang-kita ang kabuuan ng lugar dito. Ang mga ilaw galing
sa mga bahay.

"K-Kasi nakakita ako ng multo."

Natigilan ako sa sinabi nya. "W-Walang multo." pagpapaalala ko.

Tangina.

"M-Meron. Nakaupo sya rito kani---"

"Magtatakutan lang ba tayo?!" inis na sambit ko.

Namilog ang kanyang mata. Mukang mali ang pagkakaintindi nya sa sinabi ko.

"Ano bang gusto mong gawin natin?"

"Ano bang maganda?" ngumisi ako.


Napalunok ito at gumawa ng maliit na puwang sa pagitan namin.

"Gusto kita, oo. Pero, subukan mo lang akong gahasain Matt... Naku lang.... Dream
come true na 'yon."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Ngumisi sya at maya-maya ay humalakhak na.
Napatingin ako sa suot nyang manipis.

Oh. Ghad.

"Joke lang." natatawa nyang sambit bago muling lumapit sa akin. "I missed you."
natigilan ako nang yakapin nya ako.

Nag-init ang buo kong katawan at hindi ko 'yon mapigilan. "A-Angel..." nauutal kong
sambit.

Nakiliti ako nang ilapit nya ang bibig nya sa aking tainga. "Can you feel me,
babe?" she asked in a seductive voice.

Now... My entire body was on fire. My heart was trembling. My voice was shaking.
And she's pressing herself and it gives me goosebumps.
"Hard, babe?"

"Shit!" mabilis na itinulak ko sya palayo sa akin. Ngumisi ito sa naging reaksyon
ko.

The hell it was already hard and now it becomes harder. "I'm turn on, Angel."
Bulong ko dahil parang nauubusan ako ng hangin sa katawan.

She's seducing me and it's damn effective.

"Harder than before?" tanong nya.

Ngumiwi ako nang maalala ang ginawa nya dati. "Really harder than before." I
answered honestly.

Hinubad ko ang jacket ko at isinuot ito sa kanya. Nilalamig din ako ngunit alam
kong mas kailangan nya ito.

"Bulge..."

"ANGELICA!"
"Uh, sorry." humalakhak itong muli.

Tumalikod ako sa kanya para takpan ang aking sarili. Masyado syang mainit at
ayokong mapaso. Ayokong makipaglaro sa apoy dahil baka matupok ako. Mahina ako
pagdating sa ganito.

Naramdaman kong niyakap nya ako sa likod at ibinaon nya ang kanyang mukha sa aking
balikat. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko.

"Matt. If you can't love me back. Babe, let's just stay like this. Please, babe."

Shit!

I think... I can. You can. We can. We'll get there.

=================

Chapter 31

Chapter 31: Tired

Zein's Point of View

Buong hapon ata kaming hindi nagkita ni Ace. Finals na at kailangan ng matapos
lahat ng requirements.
"Zein, I'm hungry..." kumapit sa braso ko si Vanessa na nakanguso.

Maging ako ay nagugutom na rin dahil tanghali na at hindi pa kami kumakain. Hindi
naman kami maaaring umalis sa laboratory dahil walang magbabantay ng presentation
namin at busy ang mga kaklase namin sa kani-kanilang trabaho.

"Mamaya na lang."

Tinanggal ko ang pagkakakapit nya sa aking braso at kinuha ko na lang ang notes ko
para magreview para sa next subject.

"Okay..." kinuha nito ang kanyang cellphone at nagtipa roon kaya binalik ko na lang
muli sa notes ang aking atensyon.

Pakiramdam ko ay mas pinapahirapan kami ng mga minor subjects namin. Mas


nahihirapan kami sa subjects na 'yon e.

Nasa kalagitnaan ako nang pagbabasa nang may padabog na bumagsak sa lamesa sa gilid
ko.

"Nagpapalipas ka ng gutom."
Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin ni Ace. Halata ang inis doon. Basa
ang kanyang buhok kaya malamang na naghilamos sya na lagi naman nyang ginagawa.

Napatingin ako kay Vanessa na hindi makatingin sa akin. Sumbungera talaga ang
gaga'ng ito.

"I'm talking to you, Zein." inis na sambit nya habang nakangiwi. "Sumagot ka."
matigas na sambit nito.

"Maram---"

"Nangangatwiran ka pa talaga?"

Napanganga ako dahil sinabi nyang sumagot ako na ginawa ko naman. Aba! Ang sungit
ng lalaking 'to. Para namang mamamatay ako pag hindi

naglunch.

"Zein. Kung mamamatay ka rin naman dahil sa ginagawa m---"

"Whoa." Napataas ang dalawa kong kamay dahil sa mga sinasabi nya. "Easy, daddy Ace.
Kakain na nga e." kinuha ko ang plastic na may pagkain na dala nya.

Bumuntong-hininga ito at tinulungan akong mag-ayos. Tumulong din si Vanessa na


tinitikman lahat ng ulam.
"Huwag ka kasing magpagutom. Nag-aaral ako nang mabuti para sa kinabukasan natin.
Paano kung mamatay ka? Para saan pa ang lahat?"

"Oa nito..." bulong ko.

"Aalis na ako." wika nito kaya humarap ako sa kanya. "Yakapin mo na ako."
nahihiyang sambit nito.

Napahalukipkip ako sa harapan nya.

"Aba! Matapos mo akong sermonan nanghihingi ka ng ya---" natigilan ako nang yakapin
nya ako.

"Shut up. I need energy for my exam later."

Hinayaan ko syang yakapin ako kahit na namumula na ako dahil sa hiya at sa


katotohanang nakatingin sa amin ang mga kaklase ko.

"Take care, darling. Ako na ang bahala sa kinabukasan natin." bulong nito.

"Ako na ang bahala sa magandang lahi." bulong ko na ikinatawa nya.


Kumalas ito sa pagkakayakap at hinalikan ako sa noo bago lumabas.

Nahuli kong nakatingin sa akin si Vanessa. Nakataas ang kilay nito at mabilis ding
umiwas ng tingin.

Problema nito?

"Zein Shion..." napatingin ako kay Vanessa nang banggitin nya ang buo kong
pangalan.

Hindi ito lumingon sa akin at nanatili ang kanyang mata sa kanyang kinakain.

Parang may bumara sa aking lalamunan. Ano bang problema nya?

"Mahal na mahal mo talaga si Ace." wika ni Vanessa nang papunta na kami sa next
subject.

Hindi ako nagsalita dahil alam kong alam na nya ang sagot ko sa tanong nya. Hindi
ako magkakaganito kung hindi.

'Pag kapasok namin sa room ay maya-maya'y dumating na rin ang prof namin.

Hindi rin nagtagal 'yon. Napagpasyahan naming maglakad-lakad sa campus dahil mamaya
pa matatapos si Ace at ayokong maburo sa waiting shed.
"Paano kaya, Zein?"

Napatingin ako kay Vanessa.

"Ano?" tanong ko.

Ngumiti ito at inayos ang kumawalang hibla ng kanyang buhok.

"Paano kaya Zein kung hindi tayo napadpad sa Hell University?" tanong ni Vanessa na
nagpabalik sa milyong alaala ng kahapon.

Naisip ko rin 'yon minsan. Paano kung hindi ko nakilala si Ace? Paano kung walang
Supremo ang dumating sa buhay ko? Ano kaya ako?

"Inaamin kong takot na takot din ako no'n, Zein." bakas sa boses nya ang lungkot.
"Kasi akala ko mabubuwag tayo." mapaklang dugtong nito.

Pareho pala kami ng kinakatakutan don. Hindi kami takot sa mga demonyo at mga
sikreto. Takot kaming dumating ang araw na baka kami rin mismo ang magpatayan.

"Paano kung nagkagon nga." wala sa sariling sambit ko.


Napatingin kami sa isa't-isa. Tumigil kami sa paglalakad at umupo sa damuhan. Hapon
na kaya palubog na ang araw. Marami-rami rin kaming mga estudyante rito na
nakatambay.

"Anong klaseng

kamatayan ang gusto mo, Van?"

"Anong klaseng tanong 'yan?"

"Gusto mo ba 'yong unti-unti? I mean. Isa-isang tatanggalin ang hibla ng buhok,


kilay at pilik-mata mo? 'Yon bang babalatan ka gamit ang kutsilyo? Bubuhusan ng
kumukulong tubig at papahiran ng siling labuyo?"

"Gaga. Mas gugustuhin ko na lang na gahasain ako kesa sa ganon."

Pareho kaming natawa sa mga sinasabi namin. Malaki ang impact sa amin ng Hell
University. Maipagmamalaki nga namin ito sa iba. Ito ang karanasan na hindi basta-
basta mararanasan ng ibang tao.

"Para namang may gagahasa sa'y---Aray!" ngumuso ako nang batukan nya ako.
"Feeling ko nga may gusto sa akin si Francisco eh."

"What th--- Eww."

Sabay kaming muling natawa. Namiss ko ang ganito. Malimit naming gawin ito nila
Mia. 'Yon bang mag-isip ng mga nakakadiring bagay tapos sabay-sabay kaming
mandidiri. Minsan nga, nagkakagalit kami dahil sa mga banat namin e. Meron 'yong
halos isang buwan kaming hindi nag-uusap tatlo. Tinatawanan na lang kami ng mga
boys.

"What if walang Ace Craige ang dumating sa buhay mo?" tanong nya.

"Walang Ace Craige." ulit ko habang nakatingin sa mga estudyanteng dumadaan.


"Siguro, gagawa ang tadhana ng paraan para magkalapit kami." wika ko.

Napatingin ako kay Vanessa nung tumahimik sya. Diretsong nakatingin sa akin ang
dalawa nyang mata. Kinakabahan ako dahil kanina pa sya nagiging weird.

"Mahal na mahal mo talaga si

Ace."
"Ano bang ibig mong sabihin?"

Nagkibit-balikat ito. Tumayo na kami at napagpasyahang bumalik na.

"Aalis na ako, Zein." pagpapaalam ni Vanessa. "Wait..." pigil nya sa akin nang
aktong aalis na ako.

Napatingin akong muli sa kanya. Nakangisi ito at ito na naman ang kakaibang
pakiramdam.

"Zein, isa lang ah..." natigilan ako nang sampalin nya ako.

Napanganga ako at hindi agad nakakilos sa kinatayayuan. Nanatili ang ngisi sa


kanyang labi.

"I missed you... Pwede ka na bang bumalik?" tanong nya bago muling tumalikod at
naglakad palayo.

Inis na pinahid ko ang pisngi ko.

"Bitch..." bulong ko.


***

Ace's Point of View

Nakakapanibago ang katahimikan ni Zein buong byahe. Nagtanong ako ngunit hindi sya
sumagot. Halatang malalim ang kanyang iniisip. She's just tired.

"Zein, kumain ka muna." pigil ko sa kanya nang aktong papasok na sya sa kanyang
kwarto.

"Pagod ako, Ace."

"Pagod na rin ako." bulong ko.

Napatingin sya sa akin. Hindi ako lumingon. Dumiretso lang ako sa aking kwarto.

Muli kong binuksan ang laptop ko para tignan ang mga litrato nya. Kumakalma ako
'pag nakikita ang kanyang ngiti sa labi. Nawawala ang pagkabahala ko 'pag naririnig
ko ang kanyang tawa. Hindi ko alam pero hindi 'yon umuubra ngayon.

Kahit nakangiti sya ay nanghihina pa rin ako. Lumalakas ang pagkabahala ko 'pag
humahalakhak sya. Baliktad na ang epekto no'n sa akin.

Nanginig ang kamay ko nang makita ang pagkawala ng lahat ng kanyang litrato sa
aking laptop. Parang kusang gumalaw ang aking kamay para burahin ang mga 'yon.

Simikip ang dibdib ko nang marinig ang hikbi sa kabilang kwarto. Parang pinupunit
ang puso ko sa bawat hikbing naririnig ko.

Patawad, mahal ko.

Napatingin ako sa video na ngayon ay nakaplay sa aking laptop. Kitang-kita ko ang


nagbabaga nyang mata. Nakakapangilabot.

Paulit-ulit 'yon na nagplay. Hindi ko man lang magawang ihinto ang paggalaw no'n.
Gusto kong ibato ang laptop ko. Gusto kong alisin ang galit sa puso nya.

Shit.

"Zein, hanggang kailan ba tayo magpapanggap? Pagod na ako."

=================

Chapter 32
Chapter 32: Shoot

Ace's Point of View

Alam kong may nagbago. Pilit kong itinago at ipinagsawalang bahala ang lahat.
Iwinaksi ko ang lahat ng pangamba dahil ang mahalaga lang sa akin ay ang nagbalik
ka. Nagbalik ka sa akin.

Nagbalik ka nang hindi buo. Bumalik ka at nagpanggap na walang nangyari. Nakakatawa


na sinabayan ko ang pagpapanggap na ginawa mo. Nagpanggap ako gaya nang ginawa mo
kasi alam kong 'yon ang nais mo.

Zein. Nakakapagod din pala. Nakakapagod ang ginagawa natin. Napapagod na ako at ang
nag-iisang babaeng pinagkukunan ko ng lakas ang siyang nagpapahina sa akin ngayon.
Kailan ba natin 'to tatapusin?

Nanatili akong nakatulala sa mga bituin sa labas nang nakabukas na bintana sa


kwarto ko.

Sa lahat ng bituin, ikaw ang nahawakan ko. Sa lahat ng pangarap ko, ikaw ang naabot
ko. Sa lahat ng taong dumaan sa buhay ko, ikaw ang pinakaminahal ko. Hindi ko alam
na ikaw din pala ang makakapanakit sa akin nang ganito.

Bumukas ang pinto at iniluwal nito si Zein na namumugto ang mata.

Gusto kong iiwas ang aking mata dahil nasasaktan akong nakikita syang gano'n. Gusto
kitang yakapin pero ikaw ang gumagawa ng puwang sa pagitan natin.

"I'm sorry..." 'yon ang dalawang salitang lumabas sa kanyang bibig.


Ngumiti ako dahil pakiramdam ko ay kailangan ko na namang magpanggap.

Heto na naman tayo.

Umupo sya sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay. "Nagugutom na ako, Ace." wika
nito.

Hindi ko nagawang ibuka ang aking bibig para sumagot man lang o ipakita na
naririnig ko ang mga sinasabi nya.

/>

Napatingin ito sa aking laptop kung saan nakita ko ang panlalaki ng kanyang
dalawang mata. Patuloy pa rin ang paggalaw no'n.

"Sorry? Para sa akin ba 'yon?" Sa wakas ay nagawa ko ng magsalita.

Hindi ito sumagot at nanatili ang kanyang malamig na mata sa laptop ko.

Napangiti ako nang muling bumalik sa una ang video. Tumatakbo si Allison palabas ng
kanilang bahay na lumuluha. Bakas sa kanya ang labis na lungkot at pagsisisi. Ang
mga sumunod na pangyayari ay ang pinakamasakit na nakita ko. Nakita kong lumabas
din si Zein sa bahay at tinutukan ng baril si Allison. Pinaputukan nya ang kanyang
ate sa binti dahilan nang pagbagsak nito sa sahig. Lumapit sa kanya si Zein na
nagbabaga ang mata at mabilis na tinakpan ang mata at bibig nito.
"H-Hindi ko kilala ang babaeng 'yon, Zein." natatawa kong sambit kay Zein na hindi
kumikibo. "Ikaw, kilala mo ba sya?" tanong ko.

Tumayo ito at kinuha ang laptop ko.

"Kayo ang pumatay sa akin. Kaya ang bumago sa akin. Ang kasakiman nyo ang dahilan
kung bakit ko nagagawa ito."

Itinapon nya ang laptop ko sa pader dahilan nang pagkabasag nito. Hindi ako kumibo.
Nanatili ang mata ko kay Zein. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi ang...
Awa.

Naaawa ako kay Zein.

"Naiintindihan ko, Zein."

"Ganon?" natatawa nyang tanong. "Buti ka pa naiintindihan kasi ako? Gulong-gulo ako
at walang maintindihan." mapaklang sambit nito.
Katahimikan ang sumunod na nangyari. Sa sobrang tahimik ay nakakabingi na ito.
Tanging ang mabibigat na paghinga lang ni Zein ang naririnig ko.

"Mr. Craige... Enlighten me... Please."

Lumabas ito ng kwarto ko at naiwan akong tulala.

Sa wakas. Tapos na ang pagpapanggap namin. Malapit ng matapos lahat. Hindi ko na


hawak ang mga susunod na mangyayari 'pagkatapos nito at nanganga na ako. Sana
'pagtapos ng lahat... Tayo pa rin at mahal pa rin natin ang isa't-isa.

Sinundan ko sya kasi kailangan na naming tapusin lahat. Sinundan ko sya at nadatnan
ko sya sa park sa likod ng building namin. Nakaupo ito sa swing at tinutulak ang
sarili para gumalaw.

Malalim na ang gabi kaya wala ng tao rito at tanging ang mga lamp post na lang sa
paligid ang nagbibigay liwanag sa paligid. Tahimik na binabalutan kami ng malamig
na hangin ng gabi.

Nakatingin lang ako kay Zein na nakaupo sa swing at nakayuko. Nakatingin ito sa
lupa. Hindi ko alam kung anong iniisip mo. Hindi ko alam kung gaano ka nasasaktan.
"Ace. Mahal na mahal kita. Alam kong alam mo 'yan. Wala akong pakialam sa madilim
mong nakaraan dahil ang importante sa akin ay kung sino ka ngayon at kung anong
meron tayo."

Hindi ako nagsalita at nanatili ang mata ko sa kanya. Umangat ang tingin nito sa
akin. Sumilay sa kanyang labi ang malungkot na ngiti. Nililipad ng hangin ang
kanyang buhok.

It hurts. Parang

pinipiraso ang buo kong pagkatao.

"Sabi mo pagod ka na." sinenyasan nya akong maupo sa kabilang swing na sya namang
ginagawa ko. Tumayo sya at pumunta sa aking likuran. "Hayaan mong ako na naman ang
gumalaw para sa'yo." wika nito bago ako itinulak para gumalaw.

Para akong puppet na hindi man lang makapagsalita at nagiging sunud-sunuran sa


akung anong gustong mangyari ng aking amo.

"Ako ang kikilos 'pag napagod ka na."


"Ako ang gagawa ng mga bagay na hindi mo na magawa."

"Mamahalin kita higit sa kaya mong ibigay sa akin."

"Alam mo ba kung gaano ako nasasaktan?"

"Higit pa sa iniisip mo. Kasi alam mo kung bakit?"

"Kasi hindi ako kayang pagkatiwalaan ng taong mahal ko. Ang baba ng tingin nya sa
akin."

Gamit ang dalawa kong paa ay pinigilan ko ang pag-ugoy ng swing. Gamit ang dalawa
kong paa ay tumayo ako para harapin sya.

"Hindi 'yan totoo..." Sa wakas ay nagawa kong idepensa ang aking sarili.

Sa tanang ng buhay ko. Ngayon lang ako natutop. Ngayon ko lang nagawang hindi
magsalita para i-angat ang sarili ko.

'Pag dating sa babaeng ito ay lumulubog ako.


"Ace... Kung totoong pinagtitiwalaan mo ako ay dapat sinabi mo na sa akin lahat.
Kasi kahit na gaano ka pa kademonyo... Iintindihin kita. Kahit na gaano ka pa
kasama, mamahalin parin kita."

"Itinago ko kasi gusto kitang protektahan. Zein, ayokong mawasak ka dahil sa akin."

Natawa ito at naglakad palayo sa akin bago huminto. Pinanatili nito ang malayong
distansya sa aming

dalawa at hindi ko alam kung bakit pero sobrang sakit no'n.

"Hindi 'yon, Ace. Mababa kasi ang tingin mo sa akin." mapait na wika nito. "Kasabay
ng pagmamahal ko sa'yo ay ang pagtanggap ko sa buo mong pagkatao." bulong nito sa
hangin na sapat lang para marinig ko.

Sa mga sandaling ito ay tuluyan na akong bumigay. Sa mga pagkakataong ito ay


inaamin kong natalo ako. Natalo nya ako. Sumusuko na ako. Isinusuko ko na sa kanya
ang buong ako.

Ngumiti ako.
"Patawad? Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin, Zein. Sapat ba ang mga
salitang... Mahal kita?" Natatawa kong tanong.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga lumalabas na salita sa bibig ko. Sa
kagustuhan kong mailigtas siya sa sakit ay mas lalong nasaktan sya.

"Naguguluhan ako. Sino ang mahal mo, Ace?"

"Zein Shion!"

"Sino?"

"Please... Huwag namang ganito. Ang sakit e." Halos lumuhod na ako sa harapan nya
para magmakaawa.

Ang pinakamasakit sa akin ay ang pinagdududahan nya ang nararamdaman ko.

"Sinong mas minahal mo sa amin?"


Shit!

"Ako o si Ate Samantha?"

Hindi na ako tuluyang nakapagsalita sa mga sandaling 'yon. Hindi ko kailangang


idepensa ang nararamdaman ko kasi alam ko ang sagot don.

"Papatayin mo rin ba ako gaya ng ginawa mo sa kanya?"

"What the hell, Zein?! May baril ka ba dyan? Just shoot me here, darling." itinuro
ko ang dibdib ko.

Tumulo ang luha sa kanyang mga mata at may kinuha sa kanyang likod. Nakita ko ang
pagkislap nang bibig ng baril nyang nakatutok sa akin.
"Alam mong hindi ko kaya ang sinasabi mo, Ace. Mahal ko." itinutok nito ang kanyang
baril sa kanyang ulo. "Parang mas maganda 'pag ako na lang ang mawala." bulong
nito.

Napangisi ako. Pakiramdam ko ay namatay na ako nang hindi ko namamalayan. Namatay


ako nang humihinga.

"Sa lahat ng kasinungaling ipinakita mo sa akin, Ace. Alin ba don ang totoo?"
Tanong nya. "Gusto kong malaman." dugtong nito.

"M-Mahal kita."

Ngumiti ito at humigpit ang pagkakahawak nya sa kanyang baril.

Hindi ko nakayanan at bigla na lang akong napaluhod kasabay nang pagputok ng baril.

=================

Chapter 33

Chapter 33: The Past

Ace's Point of View


In my arms, you are safe. I love you and I don't doubt it. You gave me reasons and
you gave me life. In you, I'll always be happy. Without you, I am in misery.

Isang putok ng baril...

My heart skips a beat.

I thought it was the end. Tumalsik ang baril ni Zein sa malayo nang patamaan ito ng
isang lalaking nakatayo hindi kalayuan sa amin.

Ang tindig nito. Mapait akong napangiti. Ang isang taong naging karamay ko sa loob
ng impyerno na nagkaroon ng poot sa akin ay ngayon'y nakatingin sa akin. Malamig
ang mga mata nito.

Nanatiling tahimik ang paligid. Tanging ang pag-ihip ng hangin at ang mga mabibigat
na paghinga ni Zein ang aking naririnig. Hindi ko alam kung kaya ko pang makatayo
dahil nanatili akong bagsak sa lupa.

"It's been a long time, Ace."

Nanatiling tikom ang aking bibig. Naglakad ito palapit kay Zein. Wala akong magawa
kundi sandan ito ng tingin. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakikita ko sya
ngayon. Sa loob ng napakaraming taon... Nagkita rin kaming muli.

"Wala sa usapan natin ang magpakamatay ka." malamig na sambit nito kay Zein na
nakatingin lang sa akin.

Ang kaninang malamig nyang mata ay napalitan ng lungkot. Sa isang iglap ay muling
nagbalik ang babaeng minahal at patuloy kong minamahal. Parang nahimasmasan ito at
nagising sa pagkakahimbing.

"A-Ace... Ayos ka lang?" tanong nito sa akin.

Napangiti ako bago tumango. Sa wakas ay nagbalik na sya. Maging ako ay nabuhayan
kaya nagawa kong tumango.

"Welcome back, Zein."

Napatingin

ito sa lalaking katabi nya. "B-Bakit nandito ka?" tanong nito.

Ngumisi ito at hinawakan ang mukha ni Zein. Tumagilid ang ulo ko dahil sa ginawa
nya. Ayokong may humahawak sa babaeng ito.

"Kasi hindi mo kaya..." Nakangising wika nito. "Kaya ako na ang kikilos." dugtong
pa nito.

Nanatiling umiikot sa akin ang mga pangyayari at unti-unting nawawala ang


pagkabuhol ng lubid sa aking isipan. Kaya pala... Kaya pala nalaman lahat ni Zein.

"Tara na, Zein."

Napatingin ako sa isang babaeng nakatayo hindi kalayuan sa amin. Nakangiti ito at
hindi man lang makatingin sa akin. Nawala ang tinik sa aking lalamunan. Akala ko
namatay sya...

Buhay sya...

Sa mga panahong ito ay naging kampante ako. Nawala lahat ng pagdududa sa akin.
Nawala lahat ng pangamba. Nakahinga ako ng maluwag.

"Sumama ka sa kanya, Zein." nagulat sya sa sinabi ko kaya ginantihan ko ito ng


matamis na ngiti. "Susunod ako." bulong ko.

"Maghihintay ako..." sabi nito bago naglakad papunta sa babaeng 'yon at sabay
silang nawala sa dilim.
Sobrang lalim na ng gabi. Dapat ay inaantok na ako ngunit hindi ko ito maramdaman
ngayon. Umaapaw ang nararamdaman ko at pakiramdam ko ay hindi ako makakatulog ng
ilang gabi.

Nakakabaliw na sa lahat ng pait na nararamdaman ko kanina ay napalitan ito ng saya


ngayon. Yes, I'm happy.

Ngayon ay napatingin na lang ako sa nag-iisang taong kasama ko.

"Hanz..." bulong ko. "Or should I say... Hell?" natatawa kong sambit.

Tama nga si Nicky. Malaki ang hinala ko na sila ang may pakana ng lahat ngunit
hindi ko lang kayang tanggapin. Ngunit ngayon ay tinatanggap

ko na...

"Mr. Craige..."

"The past newbies..."

Humalakhak ito. May halong pait 'yon. Akala ko kakatakutan ko ang kalaban ngunit
hindi ko inaasahan na kakaawaan ko pala. Nagbabalik ang nakaraan sa kasalukuyan.

Hanz Sierge... Ang lalaking nakatayo ngayon sa aking harapan.

Winzy Deon... Ang babaeng kasama ni Zein na inakala naming patay na.

The past newbies. Ang mga naunang newbies kina Zein, Matt, Jerome, Mia, Dave, at
Vanessa.

Alam ko kung bakit nila ginagawa ito at hindi ko sila masisisi. Kasalanan ko....
Namin at handa akong tanggapin ang kaparusahan ko.
"Hindi ko inakalang mahuhulog ka rin sa kapatid nya."

"I'm sorry..."

Nakita ko ang pagdaan ng galit sa kanyang mata dahil sa mga binitawan kong salita.
Alam kong hindi sapat 'yon at kailanman ay hindi magiging sapat.

"Minahal mo ba talaga si Zein?" tanong nito. "O baka naman minahal mo sya kasi
nakikita mo sa kanya si Samantha?" ngumisi ito.

"Kailangan ko bang sagutin ang tanong mo?" balik na tanong ko. "Hindi ko kailanman
paglalaruan ang damdamin ng babae. Mahal ko sya at totoo 'yon." dugtong ko pa.

Alam kong pagdududahan nila ang nararamdaman ko ngunit wala akong panahong
ipaliwanag ang sarili ko. Hindi ko idedepensa ang nararamdaman ko dahil wala akong
pagdududa roon.

"Sino bang mas minahal mo sa kanila?"

"Stop asking you asshole."

Naiirita ako sa pagkukumpara ng mga bagay-bagay. Bakit ba ang hilig nilang


magkumpara? Lahat ng bagay ay may kakaiba.

Kakaiba na hindi mo maiikumpara sa iba. Ano bang mahirap intindihin don?


"Hindi mo ako masisisi." natatawa nyang sambit. "May kwento ako sa'yo." umupo ito
sa damuhan na ginawa ko rin. May malaking pagitan sa aming dalawa.

Inaamin kong namiss ko rin ang mokong na ito. Siya ang nag-iisang naging kaibigan
ko sa loob ng impyerno. Isang kaibigang sinayang ko.

"May tatlong estudyante ang pumasok sa isang unibersidad. Isang unibersidad na


walang patakarang sinusunod." Natatawa nyang sambit. Nanatiling tikom ang aking
bibig kahit na alam ko na ang kahihinatnan ng kwento nya. "May rason ang pagpasok
nila sa loob. Hindi aksidente. Planado ang lahat." dugtong nya.

"Hindi patayan ang nangyari sa loob. Higit pa sa madugo dahil lahat ng plano ay
nasira. Nasira ng pag-ibig. Nakulong kami at nawala ang lahat ng plano. Alam mo ba
ang masakit na naranasan nila? Trinaydor sila ng isang kaibigan."

Nakatingin lang ako sa kanyang matang malungkot. Hindi ko alam kung paano sya
patatahanin. Paano nga ba kung ako mismo ang dahilan ng kanilang pagdurusa?

"Pangalanan natin ang traydor. Gusto mo?" natatawa nyang sambit.

"I am." Bulong ko.

Humalakhak ito at lumapit sa akin. Napahiga ako nang sapakin nya ako. Naramdaman ko
ang pagdugo ng labi ko dahil doon ngunit hindi ako lumaban.

I deserve more than that. Alam kong kulang pa ang buhay ko dahil sa nagawa ko.
Isang malaking kasalanan ang pagtatraydor sa mga taong naging sandalan mo sa lahat
ng oras.

Muli akong bumangon.

"Ace.

Hindi ko inakalang magagawa mo sa amin 'yon."

"Natakot ako." pag-amin ko. "Maiiwan akong mag-isa!" hindi ko na rin maiwasang
hindi maglabas ng pagkadismaya.

Nakita kong natigilan sya dahil sa sinabi ko.

"Hindi ako kasama sa plano nyo, 'di ba?" mapait na tanong ko. "Wala na si daddy
no'n. Tanging kayo na lang ang meron ako pero anong ginawa nyo? Tinalikuran nyo rin
ako." hindi ko napigilan ang pagbuhos ng luha ko.

Hindi nila ako masisisi. Wala akong pagpipilian nung mga panahong 'yon. Si Kuya, Si
Samantha... Sila. Iiwan nila ako sa loob ng impyerno. Kung hindi ko ginawa 'yon ay
baka namatay na ako sa loob... Namatay sa lungkot.

"Kaya ba nagawa mo 'yon? Kaya ba nagawa mong traydurin kami?"

Bumigat ang paghinga ko dahil nararamdaman ko na naman ang mga naramdaman ko noon.
Bumalik ang sakit. Bumalik? Hindi. Dahil hindi ito nawala. Lagi kong nararamdaman
ang sakit na 'yon at tanging si Zein lang ang gumamot do'n.
"Maswerte ka kay Zein." natigilan ako sa sinabi nya. "Alam na nya ang lahat ngunit
hindi nya man lang magawang magalit sa'yo. May karapatan sya ngunit hindi nya
ginawa. Hindi ko alam kung gaano sya kalakas para magawa 'yon." Bakas sa kanyang
tono ang pagkamangha.

Zein Shion...

"Galit sya..."

Natigilan sya sa sinabi ko.

"Kilala ko si Zein at alam kong galit sya sa akin. Malakas? No. She's weak inside."
dugtong ko.

Handa akong saluhin lahat ng 'yon. Handa akong makatikim ng mga masasakit na salita
mula sa kanya. Gagawin ko ang lahat para sumabog sya. Gagawin ko ang lahat para
mailabas nya lahat ng kanyang hinanakit... Kahit na ipamukha ko sa kanya na maling
lalaki ang minahal nya.

"Handa ka na bang harapin ang galit nya? May lakas ka na ba ng loob ngayon?"

Tumayo ako gaya ng ginawa nya.


Sa tagal ng panahon na itinago ko ang lahat. Handa na akong masaktan. Kahit na sa
huli ay mawala ang pagmamahal nya sa akin. Tatanggapin ko. Gagawin ko ang lahat
para wala lahat ng kinikimkim nya. Even if I have to sacrifice what we have...
Damn, I will.

"Bago ang lahat, may gusto akong sabihin sa'yo." wika nya.

Natigilan ako.

"Hindi ka iiwan ni Lux. Babalikan ka nya at sinabi nya sa aming... Ililigtas nya
muna kami at babalikan nya ang kapatid nya. Kahit na mahuli sya at muling makulong
sa loob ng impyerno... Hindi nya iiwan ang kapatid nya... Ikaw 'yon, Ace."

Damn... Mali ako.

=================

Chapter 34

Chapter 34: Pain

Raze's Point of View

"Thank you,"
Nakipagkamayan ako sa attorney bago ito naglakad palabas ng aking office. Finally,
I am officially Raze Silvenia. Mananatiling bahagi na lang ng nakaraan si Lux.
Nakaraan na humubog sa akin kung ano ako ngayon.

Napatingin ako sa sofa. Damn! Miss ko na si Dark. Binaon ko ang sarili ko sa


trabaho para hindi sya maalala dahil 'pag nagiging bakante ako ay ang mukha nya ang
nakikita ko.

Umupo ako sa sofa at tumingin sa kisame.

Sana, kung nasan ka man ngayon ay maayos ka. I'm proud of you. Maging mabuti kang
ama sa siyam mong anak. Baka 'pag nagkita tayo uugod-ugod ka na.

Bigla kong naalala ng isang babaeng matagal ng hindi nagpaparamdam. Anong nangyari
sa kanya? Sumabak na naman ba sa gyera? Damn! Kung ako ay ayoko sa trabaho nya.

Hindi sya nakakasiguro sa kaligtasan nya. Maraming magtatangka sa kanyang buhay at


hindi ko alam kung anong trip nya kung bakit 'yon ang napili nyang tahakin.
Sabagay, baliw 'yon e. Sabik sa dugo at putok ng baril.

Napatingin ako sa cellphone ko. Pati ang Alas na 'yon. Wala na rin akong balita sa
kanya.

Hays.

Pakiramdam ko ay tinatalikuran ako ng mga tao sa paligid ko.

"Talikuran ka man nila, mananatili akong tapat sa'yo."


Bigla kong naalala ang isa sa mga tumatak sa aking isipan na sinabi nya. Kahit wala
ka na ay putuloy mo pa ring ginugulo ang aking isipan.

Pero... Weird. Parang may mali sa kanya. Minsan...

Madalas.

Napasabunot na lang ako sa aking buhok dahil sa dami ng umiikot sa aking isipan.
Tapos na lahat ng pipirmahan ko at wala akong business meeting kaya bakante ako
ngayon.

Tumayo ako at hinanap ang pangalan ni Ace sa contacts ko.

Nakailang dial ako ngunit walang sagot. Anak n--- Masyado ba silang busy?
Nakalimutan na nila ako? Matapos ang lahat?

Ibinigay ko naman lahat, bakit ganito pa rin ang isinukli nila.

"Babangon ako at dudurugin ko kayo." wika ko sa salamin habang seryosong nakatingin


sa aking reflection.

"Naks. Bagay talaga akong artista. Pang hollywood!" Kumindat ako sa aking sarili.
"Pwede rin akong pornstar." bulong ko.

Natigilan ako nang mapagtanto ang isang bagay.

Bakit ko kinakausap ang sarili ko?


Natakot ako sa aking sarili. "Raze... Normal ka, okay? Sadyang wala ka lang kausap
kaya maging ang sarili mo ay kinakausap mo na." pangungumbinsi ko sa aking sarili.

Napagitla ako nang biglang may kumatok. Pumasok ang aking secretary na naka
tsinelas na lang. Kinukuha ko kasi lahat ng heels nya para pag nagkita kami ni
Allison, may collection na akong ibibigay sa kanya.

Nagtatampo pa rin kaya sya sa akin dahil hindi ko nasagot ang kanyang tawag?

Sorry na, baby ko. 'Wag ka nang magtampo.

"What?" iritang tanong ko.

Ayoko sa lahat 'yong ini-storbo ako sa kalagitnaan ng pagdadrama ko. Nakakabanas.

"May emergency mee---"

"Cancel it. Get out."

"But si---"

"Hays... Cancel nga 'di ba? Palit

na lang kaya tayo? Gusto mo rin naman masunod."


Nakita ko ang pag-ismid nito sa akin bago nagmartsa palabas. Anak ng--- Nasungitan
ang kagwapuhan ko.

I need to refresh... Chill.

Kinuha ko ang susi ng aking sasakyan sa drawer ko bago sumisipol na lumabas. Lahat
ng nadadaanan ko ay yumuyuko sa akin.

Kapag gwapo ka talaga, kailangang galangin.

Pumunta ako sa parking lot para kunin ang aking sasakyan. Sa susunod talaga,
lalagyan ko ng control ang kotse ko. 'Yon bang papalakpak lang ako ng tatlong beses
kusa syang lalapit. Dapat nilalapitan ang mga gwapo, pangit kasi 'pag kami ang
lumalapit.

Habang nagdadrive ako ay sinasabayan ko ng kanta.

Slow motion...

"Baby, I just wanna get you out them clothes. I just wanna see you dance in slow
motion..." kinagat ko ang labi ko matapos banggitin 'yon. Tumingin ako sa rear
mirror para tignan ang aking mukha.

Okay... Enough. Tama na ang mga compliments. Naririndi na ako.

'Pagkapasok ko sa isang bar na malapit ay napapasayaw na ako dahil sa rock song na


nakaplay.
Bakit kasi ang boring ng kapatid ko? Edi sana, kasama ko sya ngayon.

Binubuhay ng iba't-ibang kulay ng ilaw ang buong paligid. Nakaka chill talaga ang
paligid dito kahit na konting galaw mo lang ay may nakatingin sa'yong babae. Ano
bang magagawa ko? I'm damn hot.

"Raze?" Napatingin ako sa familiar na lalaking nasa harap ko. May kaakbay itong
babae. "Gah... Mr. Sore eye!" masayang wika nya.

May ibinulong sya sa babaeng kaakbay nya kaya mabilis na

umalis ito at iniwan kami.

"Kamusta na?" He asked.

"I don't talk to strangers." Malamig kong wika.

Umupo ako sa isang table at um-order ng hard drinks. Gusto kong makalimot ngayon.
Gusto kong makalimutan si Dark.

"Kamusta na si Dark?"

Nakasunod pa rin pala ang gago. Feeling close. Nakiupo rin sa table ko. Ang
kapal--- Hays. Saan ba galing ang lalaking 'to? Kung sya rin naman ang makakasama
ko rito parang mas mabuting hindi na lang ako pumarito.
"Kaya mo 'yan. Ang bata mo palang magiging lolo ka n---"

"Oh, shut up. Dinaig mo pa ang stereo sa lakas ng boses mo." iritang wika ko.

Mabilis na nagsalin ako sa shot glass at nilagok 'yon. Napapikit ako nang gumuhit
sa aking lalamunan ang init at pait no'n. Ilang buwan na rin akong hindi nakakainom
kaya siguro ganito ako ngayon.

Pinanuod ko lang na lagukin ng lalaking ito ang isa sa in-order kong alak. Diretso
'yon sa bote.

"Bakit mag-isa ka?" tanong nya.

Sumandal ako sa upuan at pinagmasdan ang paligid. May kanya-kanyang ginagawa ang
mga tao rito. Gaya ko ay malamang na nagpapalipas lang din ng oras.

"Hindi mo kasama ang kapatid mo?"

"No. Ayoko syang maistorbo."

Ako na ang gumagawa ng lahat ng trabaho sa kompanya dahil ayokong problemahin 'yon
ni Ace. Masaya akong kasama nya si Zein at 'yon lang ang nais kong problemahin nya.
Kumunot ang noo ko nang humalakhak ito. Nakakainsulto 'yon lalo na't wala namang
nakakatawa sa sinabi ko.

"Ganon mo kamahal ang kapatid mo?" Natatawa nyang tanong bago muling uminom

sa bote.

Hindi ko na rin ginamit ang shot glass ko at diretso na rin ang paglagok ko sa
bote. Mas maganda pala ang ganito kasi diretso na at hindi na ako magsasalin.

"You are?"

"Cedric. Gah... Paano mo nagawang kalimutan ang gwapo kong pangalan?"

Whoa. Angas ng isang 'to a.

"Kaano-ano mo si Ace?"
"Hmmm... Wala. Pero may crush ako sa girlfriend nya."

"Don't.you.dare." May pagbabanta kong wika.

Kung magiging sagabal ang lalaking 'to sa kanila ay ako mismo ang pipigil sa kanya.

Ngumisi ito at sumandal sa upuan. May kakaiba sa kanya at nararamdaman ko 'yon.

"Ang swerte sa'yo ni Ace."

Damn! May mga ipinapahiwatig ang kanyang mga salita. Hindi ko alam pero parang
gusto ko na syang iwan sa mga sandaling 'to dahil ayokong may masabi syang hindi
maganda.

"Sana ganyan din ang ginawa nya sa iny---"


"Crap! Hindi mo naman sisiraan sa akin ang kapatid ko, hindi ba?" mejo iritado kong
tanong dahil pakiramdam ko ay sisiraan nya si Ace sa akin.

May hindi magandang pakiramdam ako.

"Hindi nyo man ako nakasama sa loob ng impyerno. May nalalaman naman akong hindi mo
alam. Impormasyon na hindi mo kakayanin."

"You crazy. Lasing ka na ba? Iwan mo na ako. I don't need you, anyway."

"Ouch. Mah heart..." Humawak ito sa kanyang dibdib na animo'y nasaktan dahil sa
sinabi ko. "You hurt mah heart." ulit nito.

Baliw nga...

Tumayo ito at tumalikod

na sa akin.
"Kaya mo kayang mapatawad ang kapatid mo? Sana."

Iniwan nya ako matapos sambitin 'yon. Naiwan akong tulala sa bote ng alak sa aking
harapan.

Ano bang problema nya? Anong ibig sabihin ng mga salita nya?

Hindi na rin ako nagtagal sa loob no'n. Hindi na rin ako nakainom nang maayos dahil
sa binitawang salita ng lalaking 'yon.

Malalim na ang gabi. Naglalakad ako papunta sa parking lot. Lumilipad ang aking
isipan. Damn! Sabi ko na nga ba at hindi magandang pinakinggan ko ang lalaking
'yon.

Ace?

Maging ako ay nahihiwagaan din sa'yo. Pakiramdam ko ay may itinatago ka sa akin.

May nagawa ka bang kasalanan sa akin? Kung oo, okay na 'yon. Hindi naman ako
magagalit sa'yo. Pinapapataw--- Okay lang.

Natigilan ako nang makita ang isang babae na nakatayo sa tabi ng aking kotse.

"S-Samantha?"

Bumalin ito sa akin at parang pinagsakluban naman ako ng langit at lupa.

"Z-Zein. Ikaw pala." Huminga ako nang malalim. "Bakit andito ka? Nasan si Ace?"
tanong ko.

Hindi ito sumagot.

Napatingin ako sa biglang dumating na babae. Nung makita ko sya ay isang milyong
alaala ang bumalik sa akin.

"W-Winzy..."
"Kuya Lux!"

Yumakap ito sa akin. Natawa ako dahil kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi pa
rin sya nagbabago. Sya pa rin 'yong magalang na babaeng matalik na

kaibigan ni Samantha.

"Teka... Bakit magkasama kayo ni Zein?" Nagtatakang tanong ko.

Nakita ko ang pasimpleng pagpunas ng luha ni Zein sa kanyang pisngi kaya mas
naguguluhan ako.

"Asan si Alas?"

"Alas na naman!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Winzy. "Hanggang ngayon ay mas inuuna
mo pa rin sya. Kuya naman. Isipin mo rin ang sarili mo." may halong inis na sambit
nya.

Natawa ako. "Sus. Kunwari ka pa. May crush ka sa kanya, 'di ba?" panunukso ko.

Imbes na kiligin ito ay pumatak ang luha sa kanyang mata.


Alam kong may crush sya sa kapatid ko. Lagi ko nga syang inaasar dahil don e.

"Crush? Hindi. Kasi minahal ko sya." Natigilan ako sa sinabi nya. "Kaso... Mas
minahal nya si Ate Sa---"

"Winzy!" Putol ni Zein kay Winzy. Umiling ito sa kanya.

Kumunot ang noo ko dahil naguguluhan ako sa inaasta nila. Pakiramdam ko ay may
itinatago sila.

"May kasalanan sa'yo si Ace." sabi sa akin ni Zein.

"Wala 'yon. Napatawad ko na sya."

"No! Fuck! Raze, wake up! Hindi lang basta-basta kasalanan 'yon."

Natawa ako dahil kahit na anong kasalanan pa ang nagawa ng kapatid ko ay hindi ko
magagawang magalit sa kanya.
"I-It's about your past. It's not for Raze Silvenia. It's all about Luxury Valdez."

"Bakit hindi mo na lang ako diretsuhin?" Inis na tanong ko kay Zein dahil paligoy-
ligoy ito. "Ano bang kasalanan?" Naguguluhang tanong ko pa.

Gaano kabigat at parang ang tingin nila ay malabong mapatawad ko ang kapatid ko?

"Sumama ka sa amin. Malalaman mo lahat." malamig na wika sa akin ni Winzy.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam pero masyado akong kabadong malaman 'yon. Hindi ko
alam kung ano ang mga detalye na malalaman ko pero nangangatog na ang tuhod ko.

"S-Saan? Anong gagawin natin?"

Lumapit sa akin si Winzy.

"Tatapusin natin lahat ng nasimulan. Your pain... His pain... Her pain... Our
pain... This Hell. We'll end it all."
***

A/N: Thank you so much for reading this story. Nakakatuwa ang suporta nyo. Kapit
lang dahil malapit na tayo doon... Sa dulo. Again, maraming salamat!

=================

Chapter 35

Chapter 35: Run away

Raze's Point of View

Tahimik na nagbi-byahe kami sa kung saan man ako dadalhin ng dalawang ito. Nasa
likod ako habang si Winzy ang nagda- drive, katabi si Zein na diretso lang ang
tingin.

Naguguluhan ako.

"Saan ba tayo pupunta?" Hindi ko mapigilang magtanong.

Baka naman i-gang rape ako ng dalawang 'to o kung ano mang binabalak nila.

Walang sumagot sa kanila. "Basta, manahimik ka na lang, Sexy Raze." sagot ko sa


sarili ko dahil hindi talaga sila sumasagot.

Naka mute ba sila? Hindi naman siguro horror ang nangyayari sa amin, 'di ba? May
tatapusin lang kaming problema.

Tatapusin? May inumpisahan ba kaming hindi natapos? O kung meron man, ang tagal na
no'n at hindi na dapat binabalikan. Pwede naman naming iwan na lang 'yon dahil
matagal na.
"Zein, alam mo ba 'yong kanta ni Bruno Mars? 'Yong versace on the floor?" tanong
ko.

Tumahimik ako at naghintay ng sagot ngunit sa ikalawang pagkakataon ay wala pa rin


akong nakuhang sagot.

"Oo. Alam ko 'yon, Sexy Raze. Ang angas! Nakakadala ang lyrics!" sagot kong muli sa
sarili ko bago ngumuso.

Humalukipkip ako at ibinalin na lang sa labas ang aking atensyon. Hindi familiar sa
akin ang daan at hindi ko rin gaanong makita ang view dahil gabi na.

"Nagkita na ba kayo ni Hanz?" Tanong ko.

"Y-Yes."

Sa wakas ay may nakuha na rin akong sagot. Hindi ko na alam kung ano ba ang susunod
kong itatanong.

Namiss ko ang dalawang 'to.

Sila ang gumulo sa buhay ko sa Hell University. Sila 'yong sumira sa pagkatao ko at
gumising sa pagkakahimhing.

Si Winzy na laging nakatago sa likod ni Samantha. 'Yon bang halos hindi sila
magkahiwalay. Baby na nga ang tawag sa kanya ni Sam e.

Si Hanz na laging nariyan para sagipin si Sam. Ang angas ng lalaking 'yon e.
Tahimik lang syang nakamasid sa malayo. Malalim ang iniisip. Minsan nakakatakot
sya.

Si Samantha... Sya 'yong babaeng laging nakangiti. Huwag na huwag mong sasaktan ang
isa sa kanyang kaibigan kung ayaw mong mabato ng sapatos. Naalala ko dati ang
ginawa nya sa isang nambastos sa kanya. Kinadena nya ang dalawang binti at kamay sa
ilalim ng matinding sikat ng araw. Walang tumulong sa lalaki dahil takot sila sa
kanya.
Si Samantha na lagi akong pinapangiti. Si Samantha na hahampasin ka ng sapatos 'pag
umiyak ka sa harap nya. Si Samantha na galit sa mahina. Matalas ang dila nyang
hindi nya napapansin na nakakasakit na sya.

Si Samantha na halos maging ang aking ama ay hambalusin ng sapatos dahil sa


pagkainis. Si Samantha na kinakatakutan. Si Samantha... Na minahal ko.

"You miss her?" Napatingin ako sa rear mirror kung saan nagtagpo ang mata namin ni
Winzy.

Hindi ako nakasagot dahil alam kong totoo.

"What if she's alive?"

Natigilan ako sa sinabi nya. Paano kung buhay nga sya? Paano kung hindi sya bumalik
sa akin nung gabing pinalaya ko na sila para balikan ang kapatid ko? Paano kung
sinunod nya na lang ako na magpakalayo na at huwag ng babalik sa loob?

Damn!

Sana... I wish... Samantha...

"Hindi ka ba nagtataka?"

sunod na tanong nya sa akin. "Bakit nagkagulo nung gabing 'yon?" natatawa nyang
dugtong.

"Shut the fuck up." malamig na sambit sa kanya ni Zein. Humalakhak ito. "Just
drive." Isang nagbabantang tinig ni Zein ang nagpatahimik sa kanya.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko.


Hindi na ito sumagot at naiwan na naman akong may tanong. Bakit nga ba ako sumama
sa kanila?

Kung hindi ako sumama sa kanila ay baka natutulog na ako ngayon. Pero may parte sa
akin na nagtutulak para sumunod. Isang malaking bahagi sa loob ko na wala akong
magagawa kundi sundin.

"Nasan si Ghost?" Sunod na tanong nya sa akin.

"Winzy!" pasigaw na banta ko.

Humalakhak ito. "Okay. Oo na. Nasan si Dark?" Pagbabago nya sa kanyang tanong.

Muli akong napansadal sa upuan. Naalala ko na naman ang itinawag ni Samantha kay
Dark. Ghost... Sabi nya sa akin na multo raw ang itim na pusa. Nagpapanggap lang
daw ito na pusa at sa gabi ay nagiging multo.

Damn... Samantha na naman.

"Iniwan na nya ako. Nakabuntis. May pamilya na."

Ngumuso ako nung humalakhak siya. Pinaghahampas nya pa ang busina sa sobrang
kakatawa. Si Zein naman ay nakangisi lang na umiiling.

Teka... Anong nakakatawa?

Nakakatawa na iniwan nya ako?

"Still Luxury Valdez here! Kuya, hindi ka na ba magbabago?" Natatawa nyang tanong.

See? Kahit wala na si Samantha ngunit patuloy pa rin sya sa pang-aasar sa akin.
Paano kung narito pa si Samantha? Magwa-walk out na naman ako gaya ng madalas kung
ginagawa 'pag napipikon na ako sa kanilang dalawa?
"Magbago?" Ako na

naman ang natawa sa kanya. "Hindi ako magbabago at kung magbabago man ako. Hindi na
ako babalik sa dating ako.... Hindi na." Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga
sagot na 'yon.

Natigilan sya sa pagtawa. Lumingon sa akin si Zein na nakataas ang kilay.

"Hindi ka magbabago, Raze. Please..."

"Huh?" Naguguluhan na talaga ako.

Umiling ito at muling umayos ng upo.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. "Come on, girls. Hindi ako tanga para hindi
makahalata sa kinikilos nyo. Tell me... What the hell is going on?" Tumabang ang
boses ko.

Kaya kong tanggapin ang lahat ng pang-iinsulto ngunit ang pinaka ayaw ko sa lahat
ay ang ginagago ako. Ayokong pinagmumukhang tanga. Ayoko ng mga sikreto dahil
kailanman ay hindi ako nagsikreto sa kanila.

"Maglalaro tayo ngunit sa pagkakataong ito, tatapusin na natin."

Magsasalita pa sana ako nang makita na ang bungad ng isang familiar na lugar sa
akin. Kahit na marami ng nagbago, ganito pa rin ang pakiramdam ko.

Hell University...

Hininto na nya ang sasakyan at sabay-sabay kaming lumabas. Napapikit ako nang
malanghap na naman ang hangin sa loob nito. Nakakatawa na ang lugar na halos
mamatay kami para makalabas ay kusa naming binalikan.

Wala pa ring pinagbago. Napakaraming memorya ang nagbabalik.


'Yong dating hatid-sundo ako ng driver namin palabas at papasok ng unibersidad na
ito. Nung mga panahong bigla na lang nagsara ang buong unibersidad. Nung mga
panahong ipinakilala sa akin ni daddy si Ace.... Dito lahat nangyari.

Damn! I miss this hell!

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko.

Tumingin sa kanyang wrist watch si Winzy. "May hinihintay lang tayo." sagot nito.

Tumango na lang ako dahil kahit naman magtanong ako ay wala akong makukuhang sagot
sa kanila at kung meron man ay malabo.

Maya-maya ay may tatlong tao ang dumating. Lahat sila ay kilalang-kilala ko.

"Hanz..." Ngumiti ito sa akin. "Damn... Alas!" Napangiti ako nang makita sya.
Namiss ko ang loko. Napatingin ako sa isa pang kasama nila. "A-Allison?" Ngayon ay
naguluhan na naman ako.

"Reunion ba 'to?" Tanong ko.

Hindi sila nagsalita.

"R-Raze..."

Aktong yayakapin ako ni Allison nang pumagitna sa amin si Zein kasabay nang
pagsampal niya sa kanyang ate.

Natigilan ako. Bakit nya ginawa 'yon?

"Mahiya ka, ate. Kahit na hindi na kay ate Sam... Please... Mahiya ka naman sa
sarili mo."
"Zein!" Madiing wika ni Ace.

Humalakhak ito.

Wala akong maintindihan.

"Ready?" Tanong sa amin ni Winzy.

Wala akong maintindihan. Sumisikip ang dibdib ko at kinakapos ako sa hangin. Walang
ideya ang pumapasok sa aking isipan.

Ngunit may isang pakiramdam akong hindi maipaliwanag...

I just want to run away...

=================

Chapter 36

Chapter 36: Afraid

Zein's Point of View

Nawawala ako sa aking sarili. Galit ako? Sobra. Hindi ko alam kung kaya ko silang
patawarin sa ginawa nila. Pinaikot nila kami sa mga kasinungalingang pinagtakpan
nila.

Pero, ba't ganon? Kahit na anong galit ko kay Ace, nawawala ang lahat 'pag nakikita
ko na sya. Gusto kong magalit ngunit taksil ang nararamdaman ko. Mas nangingibabaw
ang pagmamahal ko sa kanya.
Ate Sam... Alam kong hindi mo gusto ang nangyayari sa amin ngayon pero lahat ng ito
ay para sa iyo. Gusto naming ituwid lahat ng pagkakamali. Hindi lahat ng lihim ay
ibinabaon sa limot, kailangan itong ibunyag para maharap mo ang kinabukasan nang
buo ka. Hindi 'yong nangangamba ka sa loob mo.

Nakita ko ang luha sa mata ni Ate Allison dahil sa ginawa ko. Nanginginig pa rin
ang kamay ko na animo'y nasasabik pa itong muling dumapo sa pisngi ni ate.
Pakiramdam ko ay hindi sapat ang isang sampal.

"Z-Zein, hindi ko kaya."

"Kayanin mo." Pumait ang boses ko dahil ibang-iba na sya ngayon. Nawala 'yong
palaban na babaeng hindi marunong masindak. "Tatapusin natin lahat, ate." pumiyok
ang boses ko.

Ibinalin ko sa iba ang tingin ko dahil hindi ko sya kayang tignan. Naiinis ako na
sa tuwing nakikita ko sya ay ibang babae ang nakikita ko. Malayong-malayo sa
kinagisnan kong kapatid.

"Ganito na ba ang reunion? Sampalan?" Mahinang tumawa si Raze ngunit sa


pagkakataong 'yon ay alam kong pilit na.

God. Masyado akong nasaktan sa mga nalaman ko at hindi ko alam kung paano

'yon kakayanin ni Raze. Natatakot ako. Ayokong magkagulo ang lahat, ang relasyon ng
magkuya ngunit ito ang pinaka mainam sa lahat at ito lang ang tanging paraan.
"Inaantok na ako," sabi ni Raze na humikab pa. "Uuwi na ako." Pagpapaalam nito
ngunit pinigilan sya ni Hanz.

"Heto na naman ba tayo? Tatakasan mo na naman ba ang problema?"

"Problema?" Natawa si Raze sa tinuran ni Hanz. "Kayo lang ang may problema. Hindi
ako kasali." Naging malamig ang boses nito.

Umihip ang malamig na hangin. Nangatog ang tuhod ko. Halos mapatalon ako nang
maramdaman ang pagbalot sa akin ng tela.

"Wala akong pakialam kung galit ka o kinasusuklaman mo na ako. Ayokong magkasakit


ka." Wika nito nang aktong aalisin ko 'yon.

Sinabayan 'yon nang muling pag-ihip ng hangin na gumulo sa kanyang buhok.


Nakakatunaw ang malamig nyang mata na agad kong iniwasan.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Masyadong magulo at hindi ko alam kung
paano uumpisahan ang pagbuhos ng mga emosyon kong nagkabuhol-buhol sa loob ko.

Hindi ko alam na ganito pala kalala ang lahat. Akala ko wala nang mas sasaklap pa
sa pagkakakulong namin sa impyerno. Pero mas masakit pala na ang kalaban mo ay ang
mga malapit sayo at... Ang sarili mo.
"Raze..."

"Tangina! Ayoko sa mga inaasta nyo." Natahimik kami nang sumigaw ito. "Kasi...
Nasasaktan ako at hindi ko alam kung bakit." Naging halos pabulong 'yon.

Napatingin

ako kay ate. Nakatakip ang dalawa nyang kamay sa kanyang bibig na parang
pinipigilan nyang marinig namin ang hikbi nito.

Siguro, inaakala mo ngayong kinasusuklaman na kita. Pero, hindi ate. Lahat ng


sinabi ko sa'yo ay totoo. Walang kasinungalingan doon. Mahal kita, sobra. Hindi ako
galit sa'yo, galit ako sa ginawa mo. Sana maintindihan mo ako. Ginagawa ko lang ito
para sa'yo... Para sa atin.

Hindi tayo makakausad sa hinaharap kung may bahagi tayong naiwan sa nakaraan.

"H-Hayaan nyo na sya." Sambit ni Ate. "Ako na lang ang parusahan nyo. Pakiusap,
huwag na sya." Lumuhod ito.

Sumikip ang dibdib ko at hindi ko nagawang ialis ang aking mata sa kanya.

Humalakhak si Winzy sa ginawa nya. Yumuko ito sa harap ni Ate Allison.

"Matatanggap ko pa ang ginawa mo sa akin. 'Yong kasinungalingan mo pero kailanman


man ay hindi ko matatanggap ang pang-iiwan mo sa amin. Kasalanan mo ang lahat."
Aktong magsasalita pa sana si ate ngunit hindi nya tinuloy. May gusto syang sabihin
ngunit natakot sya. Sa halip ay yumuko na lang ito.

"Whoa. Nasa drama na ba tayo?" Mapaklang tanong ni Raze. "Gusto kong maging artista
ngunit ayoko sa drama." Dugtong nito.

'Yong mga salita mo, Raze. 'Yong mga biro mo at kalokohan mo... Makikita ko pa
kaya? Maririnig pa ba namin? I want you to stay that way.

"Alam mo bang may kasalanan ang babaeng 'to," turo ni Winzy kay Ate Allison bago
tumingin kay Ace. "At ang kapatid mo sa pagkamatay ni Samantha?" tanong nya.

Damn... Nag-uumpisa na.

Humalakhak si Raze. Napatingin ako kay

Ace na nakatingin lang kay Ate Allison.

"Hindi." Mapaklang sagot ni Raze. "Hindi ko alam at wala akong panahon sa mga
pagbibintang. Ayoko na. Kung ganito lang naman ang dahilan ng pagbalik nyo,
siguro... Mas mabuting hindi ba lang kayo bumalik." Tumalim ang tinig nito.
Mabilis na niyakap ko si Ace nang sikmuraan ni Hanz si Raze na mabilis na bumagsak
sa lupa.

"D-Don't look..." Bulong ko kay Ace na sa likod ko nakatingin. Nanatili kaming


magkayakap. "Just don't look, darling." dugtong ko.

Ayokong masaksihan nya ito. Kapatid nya pa rin si Raze at ayokong makita nya ang
gagawin nila sa kanya.

"Oh, shit! Hurt him again and I'll fucking kill you!" Sigaw ni Allison na hindi
makagalaw dahil sa nakatutok na kutsilyo ni Winzy sa kanya. Ngumiti ito na
nagpatayo sa balahibo ko. "Wala akong pakialam kung madadagdagan na naman ang
kasalanan ko at masunog ang pagkatao ko sa impyerno. Saktan nyo sya, mapapatay ko
kayo." malamig na pagbabanta nito.

Badass... Ate.

Nanatiling nakahiga sa lupa si Raze at hawak ang kanyang sikmura.

"Gusto kong tumingin Zein ngunit ayokong suwayin ang utos mo."

"Shut up, Ace."

Huwag ka na lang tumingin, masasaktan ka lang. Mag-ipon ka ng lakas kasi mas


masmalala pa rito ang kakaharapin mo.

Napaluhod si Ate nang may itusok si Winzy sa kanyang binti dahilan ng pagkawala
nito ng lakas.

"Shit... Para saan 'yon?" Nagawang magsalita ni Raze. May dugo ang bibig nito
habang nakatingin

kay Allison. Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mata dahil sa ginawa ni Winzy.

Ngayon ay mas nagiging malinaw ang lahat. Ang namagitan kita Ate Allison, Lux, at
Ate Samantha. Ang mga nararamdaman nila ay mali at magulo.

"Matulog ka muna," wika ni Hanz bago tinurukan nang pampatulog si Raze.

"Pampatulog ba 'yon?" Tanong nya nang pumungay ang kanyang mata. "Sa wakas ay
makakatulog na rin ako. Gabi na e." Sa huling pagkakataon ay tumingin syang muli
kay Ate Allison na bagsak din sa lupa. "Don't hurt her... Just don't." sabi nito
bago tuluyang bumagsak at nakatulog.

Tama nga sila. Hindi basta-basta sasang-ayon si Raze. Kaya hinanda namin ito.
Kailangang maganap lahat ng plano kasi ito na ang huling baraha namin. Ito ang
tanging daan para makausap at ito rin ang pinaka masakit.

"Sana ganito na lang tayo, Zein." bulong sa akin ni Ace. Nakaharap pa rin sya sa
likod at nakayakap sa akin.

Gusto kong isipin na mahal mo talaga ako ngunit 'pag naiisip ko si Ate Samantha...
Nagdududa ako.
"Masakit?" Tanong ni Winzy kay Ate. "Ganito ang naramdaman namin nung mga panahong
tinalikuran mo kami." dugtong nito.

Bakit nga ba, Ate Allison? Bakit mo sila nagawang talikuran?

"Hindi nyo ako maiintindihan."

"Paano namin maiintindihan kung hindi mo ipapaintindi?"

Natikom ang bibig ni Ate Allison. Pakiramdam ko ay may mali sa kanya. May gusto
syang sabihin na hindi nya masabi. Kung ano 'yon ay wala akong ideya.

Tanging kami na lang nila Ace, Hanz at Winzy ang nakatayo. Wala ng malay si Raze na
ngayon ay mahimbing na ang tulog.

Hindi

ko maiwasang pagmasdan ang maamo ngunit matapang nyang mukha. Gulo-gulo na ang
blonde nyang buhok.

Ngayon... Alam kong may magbabago sa kanya 'pagtapos ng lahat nang ito. Magbabago
sya at hindi ko sya masisisi. Pero, umaasa pa rin ako na maiintindihan nya.

"Paano 'pag nalaman ni Lux na ikaw..." Wika nya kay Ate Allison . "Ay nagpanggap
din bilang Samantha." wika nito.
"He'll understand... Kilala ko si Kuya. Maiintindihan nya si Allison."

"Ace, shut up."

Hindi na ito nagsalita matapos kong sambitin 'yon. Hindi ko alam kung ilang minuto
na kaming nakayakap sa isa't-isa.

"Paano kung malaman nya na traydor ka. Na ang kapatid nya ay ang pumatay sa kanyang
kasintahan."

"Hindi si Ace ang pumatay kay Ate Samantha." Hindi ko napigilan ang sarili ko.
"Hindi nyo sya naiintindihan kasi hindi kayo si Ace." Hindi ko napigilan ang
pagpait ng boses ko.

Ayoko sa lahat ay ang sinisisi nila si Ace, na parang si Ace lang ang may
kasalanan. May kasalanan si Ace, oo alam ko. Pero, may rason. Lahat ng bagay ay may
rason. May kasalanan din sila.
"Ipaunawa nyo lahat kay Lux." Malamig na sambit ni Hanz. "Nasaktan na sya at
masasaktan nyo pa. Hindi ba kayo naaawa sa kanya?" tanong niya.

Natahimik kami sa sinabi nya.

"Pinagkaisahan nyo sya."

Humalakhak si Ate Allison.

"Kaya ko syang paamuhin, tandaan nyo. Hindi ko kayo basta-basta iniwan." Tumulo ang
luha sa kanyang mata. "May dahilan ako kung bakit ko ginawa 'yon. Dahilan na hindi
ko kailanman sasabihin sa inyo." Sigaw nito.

Nanlaki ang mata ko nang may ilabas na device si Winzy. Alam ko 'yon dahil ginamit
na sa akin 'yon ni Madame Violet. Kuryente na magpapahina sa katawan ng isang tao
at alam ko kung gaano kasakit 'yon.

"Hindi nyo gagamitin sa kanya 'yan." Malamig kong sambit.

Napatingin ako kay Ate Allison na nakangiti sa akin. Binitawan ko si Ace para sana
pigilan si Winzy ngunit naunahan na nya ako.
Napasigaw si Ate Allison dahil sa sakit no'n kasabay nang pagbagsak nya sa lupa.

Naramdaman kong rumupok ang binti ko kasabay nang pagbagsak ko sa lupa. Mabilis
palang nakalapit sa akin si Hanz na tinurukan din ako nang pampatulog.

Bumagsak ako sa lupa at hindi ko man lang naramdaman 'yon. Nanlabo ang mata ko nang
makitang tumakbo papunta sa akin si Ace ngunit naunahan na sya ni Winzy.

Gaya nang ginawa nya kay Ate ay ginamit nya rin kay Ace ang device na 'yon.
Tinangkang abutin ni Ace ang kamay ko ngunit hindi na 'yon umabot at bumagsak na
sya sa sahig.

Nabitawan ni Winzy ang device at bago ako tuluyang nawalan nang malay ay nakita
kong niyakap sya ni Hanz.

Matutupad na lahat ng plano. The most painful ending is soon to come... I'm
afraid.... Scared.

=================

Chapter 37

Chapter 37: It's me

Zein's Point of View

Nagising ako nang maramdamang may tumapik sa aking pisngi. Mahina lang 'yon pero
ang lakas ng epekto sa akin.
"Zein, wake up."

Sa una ay hindi ko gaanong makita ang mukha nya ngunit ilang segundo lang ay naging
malinaw na. Nakatingin sa akin ang malamig nyang mata. Halata sa kanyang mata ang
pagod.

Inalalayan nya akong makaupo. Saglit kong iginala ang mata ko sa kabuuan ng
kwartong ito. Hindi familiar sa akin at hindi ko alam kung nasan ako.

Ngunit alam kong may malaking ginampanan ang lugar na ito sa nakaraan. Dahil gaya
ng sinabi ni Hanz, ibabalik nya ang lahat sa nakaraan at tatapusin 'yon.

Napatingin ako kay Ace na nakatingin sa akin.

"Alam mo bang nagseselos ako?" Tanong nya. "Iniisip ko pa lang na kasama mo sila
nung mga panahong iniwan mo ako ay nasasaktan na ako." sambit pa nito.

Hindi ako nakasagot sa mga sinabi nya.

"Nag-alala ako..."

"Hindi sila ang kalaban," wika ko na ikinatiklop nya. "Hindi si Hell ang kalaban,
Ace." sambit ko pa.

Nung mga panahong muntik na akong mahulog sa bangin, na akala ko katapusan ko na ay


may humila sa akin palabas.

Nakakatawa na ang may pakana kung bakit ako muntik nang mamatay ay sya pang
magliligtas sa akin. Sa mga pagkakataong 'yon ay napagtanto kong hindi sila
kalaban. Sinisindak lang nila kami at wala sa plano nila ang mapahamak kami.

Hindi sila ang tunay na kalaban...

Ngumiti ito at nagpakawala ng buntong-hininga. "Ang tanga ko para hindi 'yon


mapansin." Sagot nito. "Sa sobrang katangahan ko ay hindi ko napansin na nawalan
na ako ng oras sa'yo." Naramdaman ko ang panginginig ng boses nya.

"Do I still deserve you?" Tanong nya sa akin. "Do you still deserve me in your
life?" Nangilid ang luha sa kanyang mata.

Gusto ko syang yakapin at iparamdam sa kanya kung gaano ko sya kailangan ngunit
hindi ko na rin alam kung kaya ko pa. Malaki na ang puwang sa pagitan namin at
natatakpan na non ang pagmamahal namin.

"Sino ba ang may kasalanan nito, Ace?" hindi ko napigilan ang pagpait ng boses ko.
"Bumababa ang tingin ko sa sarili ko dahil sa'yo. Pinaramdam mo sa akin na mahina
ako, na hindi kita kayang sabayan. Pinaramdam mo sa akin na kaya mong lumaban na
hindi ako kasama. Pinaramdam mo sa akin na wala akong kwenta." Hindi ko na alam
kung saan ko nahugot 'yon.

Gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko at alam kong imposibleng mailabas lahat ng
iyon nang hindi sya nasasaktan.

"Ikaw ang unang bumigay, Ace. Ikaw ang unang kumawala."

"Nagawa kong itago sa'yo lahat kasi maging ako ay hindi ko maintindihan." Naging
matigas ang kanyang tono. "Paano ko ipapaintindi ang isang bagay na ako mismo ay
hindi maintindihan." madiin nitong sambit.

Natawa ako kasi kailanman ay hindi 'yon magiging rason. Ang mga rason nya ay
sumasaksak sa akin. Ipinaparamdam no'n na mahina talaga ako at sobrang sakit no'n.

"Ace. Alam mo ba 'yong salitang tiwala?" Tanong ko. "Kasi kung oo ay dapat sinabi
mo sa akin lahat. Naghintay ako, Ace. Naghintay akong maging bukas ka ngunit hindi
mo 'yon ginawa." Nag-init ang mata ko.
"Ako lang

ba ang may kasalanan, Zein?" Natigilan ako sa sinabi nya kasabay nang pagbagsak ng
luha sa kanyang mata. "Ni minsan... Tinangka mo ba akong tanungin? Ni minsan...
Nilapitan mo ba ako para hikayatin akong sabihin sa'yo ang lahat?" Isang tanong na
nagpatigil sa akin.

"Natakot akong 'pag sinabi ko sa'yo ay kamuhian mo ako. Naghintay din ako, Zein...
Naghintay akong magtanong ka."

Isang katotohanan ang bumagsak sa akin ngayon. Pareho kaming natakot at naghintay.
Walang kumilos sa aming dalawa. Si Ace na naghintay na magtanong ako, at ako na
naghintay na magsabi sya. Nakakatawa na sinisisi ko sya gayong may kasalanan din
ako.

Tama nga si Matt nung tinanong nya sa akin na kailan ba ako magkakalakas ng loob...
Magkakalakas ng loob na magtanong at kausapin si Ace. Ngayon ay magulo na at hindi
na matatapos sa isang usapan lang.

Nung mga panahong natuklasan ko ang sikretong unit ni Ace sa baba ng unit namin.
'Yong nakita ko sa bintana nyang hagdan pababa sa unit na 'yon para siguro hindi
ako maghinala na lagi syang lumalabas. Kinimkim ko ang lahat ng 'yon kasi naghintay
ako na nagmasabi sya. Ni hindi ko man lang nagawang magtanong.

Ako ang sumunog sa unit na 'yon kasi hangga't naroon 'yon ay nasasaktan ako at wala
namang kwenta 'yon. Lahat ng nakalap nyang impormasyon ay mali at may kulang.

"Zein, alam mo ba 'yong masakit?" Tanong nya. "Ang pinakamasakit na ginawa mo sa


akin ay 'yong pinagdudahan mo ang nararamdaman ko sa'yo." pumait ang boses nito.

Umiling ako kasi hindi pa ako handang pag-usapan ang tungkol

sa bagay na ito.
"Mahal kita higit sa pagmamahal na naibigay ko sa kanya."

"Ace, please..." Umiling ako. "Huwag muna ngayon." Hindi pa ako handang pag-usapan
ang tungkol sa bagay na 'yon.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Raze na pumupungay pa ang mata.
Halatang kakagising lang nya. Mabilis na pinahid ko ang luha sa aking pisngi.

"Nasan ba tayo?" Tanong nya sa amin.

Tumayo si Ace at lumapit sa kanya. "Hindi mo ba talaga naaalala?" Tanong nito bago
lumabas.

Naiwan kami ni Raze. Nakita ko sa kanyang mata ang pagkagulo.

Nasan nga ba kami at dito kami dinala nila Hanz at Winzy? Ano ang ginampanan nang
lugar na ito sa nakaraan?

Nanlaki ang mata ni Raze at mabilis na lumabas. Tumayo rin ako at sumunod.

Hindi familiar sa akin ang bahay na ito. Ang alam ko lang ay nasa loob pa rin kami
ng Hell University ngunit hindi ko pa ito nakikita o napupuntahan.

May dalawang kwarto ito. Halata na rin ang kalumaan nito dahil halos yari sa kahoy
ang lahat. Mga materyal na kahoy din ang mga upuan.

Tumingin sa nakakandadong bintana si Ace na sinubukan pa 'yong buksan ngunit hindi


nabuksan.

Ito na ba ang plano nila? Hindi nila kami papakawalan hanggat hindi natatapos ang
lahat. Walang makakalabas sa apat na sulok ng bahay na ito nang hindi natatapos ang
lahat at alam kong hindi matatapos ang lahat nang hindi dumadanak ang dugo... Dugo
mula sa mga mata at puso.
Napatingin ako kay Ate Allison na nakatayo sa pinto nang kabilang kwarto. Katulad
ni Raze ay halata din ang gulat sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang lugar
na ito.

Anong nangyari sa

lugar na ito at dito nila kami dinala?

"Namiss ko ang bahay na ito." Wika ni Raze na sinusuri pa ang bawat parte. May
ngiti sa kanyang labi at alam kong galak na galak syang makitang muli ito. "Hindi
ba, Ace? Dito ka rin tumira nung Supremo ka pa?" tanong nya kay Ace na nasa tabi ko
na.

Kumunot ang noo ko at alam kong napansin 'yon ni Ace.

"Dito tumitira ang Supreme Student Government President, Vice at Secretary.


Nakahiwalay ito sa dorm nyo kaya hindi nyo napupuntahan." Pagpapaliwanag sa akin ni
Ace.

"Bakit, ako? Hindi ako dito tumira nung secretary pa ako?" Hindi ko naiwasang
magtanong.

Humalakhak si Raze. "Baka kasi magkaroon ng hima----"

"Kuya..." putol ni Ace kay Raze na pumunta sa kusina. Umupo si ate sa gawang kahoy
na upuan at tumingin sa kusina kung saan pumunta si Raze.

Tumingin akong muli kay Ace.

"Bakit, Ace? Ayaw mo ba akong makasama no'n?"

Ngumiti ito. "Alam kong mas komportable ka sa mga kaibigan mo." wika nito.
"Sa una pa lang ay winasak mo na agad ang batas." Napatingin kami kay Ate Allison.
"Isa sa mga batas na 'pag kasapi ka ng SSG ay dito ang titirhan nyo. Hindi ka
maaaring makihalubilo sa iba." pagpapaliwanag nya.

Alam na alam mo talaga... Sabagay, bago ako ay ikaw muna... Kayo muna.

"Paano mo nalaman 'yon?" Natigilan kami nang makita si Raze sa bungad ng kusina.
May hawak itong baso. Nakakunot ang kanyang kilay. "Paano mo nalaman ang tungkol sa
batas na 'yon?" ulit na tanong nya.

Kinabahan ako para kay ate at nakita ko rin sa kanyang mata ang takot.

"L-Lux..."

Mas

lalong kumunot ang noo ni Raze. "Ganon ka ba talaga kagaling para maging ang
ibinaon kong pangalan ay malaman mo pa?" Alam kong sarkastiko 'yon.

Naghihinala na sya ngunit ayaw nyang tanggapin. May nabubuo na sa kanyang utak
ngunit hindi nya kayang tanggapin.

Napatingin ako kay Ace na nakatingin sa akin. Umiling ito sa akin na animo'y
binabalaan akong huwag makialam.

Gustuhin ko man ay hindi ko rin gagawin. Kailangang mangyari ito, ito ang plano at
ito ang kailangang matupad. Kahit na anong mangyari... Hindi kami lalabas hanggat
hindi nabubunyag ang mga sikreto.

Bubuhos ang luha at sa pagtatapos ay may maghihinalo. May sasaya at malulugmok. Ang
nakaraan ay ibabalik sa kasalukuyan. Ang mga ibinaon ay muling huhukayin.
***

Allison's Point of View

Paano ko ba uumpisahan? Saan ba ako dapat mag-umpisang magpaliwanag? Paano nila ako
maiintindihan kung ayokong ipaintindi sa kanila.

Nanatiling nakatulala ako kay Raze na naghihintay ng sagot ko.

"How did you know, Allison?" Nakita ko ang paghigpit ng hawak nya sa kanyang baso.

Pumikit ako bago tumayo. Tumingin ako sa kanila. Akala ko handa na ako para dito,
ngunit akala ko lang pala. Handa man ako o hindi, kailangan nang matapos ito
ngayon.

"Because... I was once a secretary of Hell University."

"W-What?" Naguluhan si Lux sa sinabi ko. It breaks my heart seeing him like this.
Buong buhay ko ay tinanggap ko. Ibinaon ko sa hukay ang mga nangyari sa akin.
Binura ko sa aking isipan ang madilim na bahaging 'yon ng aking nakaraan.

"Paano ka naging secretary? Hindi kita kilala."

Parang sinaksak ang aking puso ng mga sinabi nya. "Kilala mo ako, Lux. Hindi bilang
Allison." Huminga ako nang malalim at parang may bumara sa lalamunan ko.

"Wait..." Tumawa ito nang mapakla. "Naguguluhan ako." Mas lalong humigpit ang hawak
nya sa kanyang babasagin na baso.

Ang pinaka tinatago kong sikreto ay ngayo'y mabubunyag na. At ako... Ako mismo ang
magbubunyag ng mga 'yon. Sa bibig ko mismo manggagaling.

"Baby, it's me... Samantha..."

Napapikit ako nang marinig ang pagkabasag ng basong hawak nya.


=================

Chapter 38

Chapter 38: The Revelation (Part 1)

Allison's Point of View

Dugo...

Nakita ko ang pagpatak ng dugo mula sa kanyang kamay nang basagin nya ang babasagin
na baso gamit ang kanyang kamay. Nanatili ang kanyang naguguluhang mata sa akin,
hindi alintana ang dugo sa kanyang kamay.

"What? Tell me, I heard it wrong."

I saw pain in his eyes while saying those words. Hindi ko nagawang makasagot dahil
hindi ko mapigilan ang hikbi sa aking bibig at kung may anong nakabara sa aking
lalamunan.

Malabo na ang mata ko dahil sa kapal ng luha rito ngunit mas nangingibabaw sa akin
ang hapdi. Ang hapdi sa loob na sa ikalawang pagkakataon ay nasaktan ko na naman
sya.

"Allison. Tell me please..."

"L-Lux... Hindi mo ako nakilala bilang Allison. I introduced myself as Samantha."

Nanatili ang pagkakunot ng kanyang noo ngunit hindi katulad ng kanina ay malinaw na
nakikita ko ngayon sa kanyang mata ang sakit at hapdi. Ibinabalik ko ang nakaraan
na matagal na nyang ibinaon.

Mahina itong natawa bago tumingin sa kanyang kamay. Napatakip ako sa aking bibig
nang ipakita nya sa akin ang mga bubog sa kanyang kamay.
"Hindi ko maintindihan ngunit," nanginig ang kanyang kamay bago binagsak sa sahih
ang mga bubog. "Nasasaktan ako. Mas masakit pa sa dumudugo kong kamay. Bakit?"
Kinagat nito ang kanyang labi para pigilan ang kanyang emosyon.

Halos manlambot ako nang makita ang panunubig ng kanyang mga mata. Oh, fuck this
life! I hate my life. I hate myself for hurting this man. Hindi ko na ba maitatama
ang mali ko? Yes, I think.

"But,

I still don't believe you." Mahina itong tumawa muli. "Imposibleng naging secretary
ka kasi si Samantha ang kauna-unahang naging secretary ng Hell University and
please... Don't use her name." Nakita ko ang pagdaan ng galit sa kanyang mata.

Oh, God! Paano ko ba ipapaintindi sa kanya? Kaya nya bang intindihin? Siguro, oo.
Maiintindihan nya ako ngunit hindi nya ako mapapatawad.

"Three newbies," banggit ko na ikinatigil nya. "Hanz, Winzy, Samantha." Naging mas
matikas ang kanyang mata nang banggitin ko ang pang huling pangalan.

"Sa tingin mo, mapapaniwala mo ako? Malamang na ginamit mo lang ang skills mo para
makuha ang mga impormasyon na ito. Stop this shit. Huwag na huwag mo nang
babanggitin ang pangalan nya."

Mariin kong pinunasan ang mata ko at kahit papaano ay nakaramdam din ako ng galit
sa mga sinabi nya.

Siya na naman...

"Ganon ba?" Tanong ko. "Pero, may alam akong hindi mo alam at kami lang ang
nakakaalam." Ngumisi ako.

Pumikit ako ng ilang segundo habang inaalala ang kasalanan ko sa kanila. Isa lang
ang tumatakbo sa aking isipan sa mga sandaling ito, 'pag katapos ng gabing ito ay
mag-iisa na lang ako.

Nawala na sa akin ang pamilya ko. Nawawala na sa akin ang kapatid ko at mawawala na
sa akin ang lalaking 'to. Paano ko pa ba haharapin ang bukas? Shit. Kailangan kong
maging matatag.
"Hindi na ako interesado." Malamig na sambit nito bago lumapit kay Ace na
pinapatahan si Zein na humahagulgol.

I'm sorry... I really am.

Hindi ko gustong maglihim sa iyo. Nabigo kita, kapatid ko. Hindi

mo na ako mapapatawad, alam ko. Pero sana, mapatawad mo si Ace.

Si Ace na nadamay lang dahil sa akin... Salamat. Salamat kasi hanggang dito, sa
pinakamasakit na bahagi ng pagtatapos ng mga sikreto ay prinotektahan mo pa rin
ako. Habang buhay akong magpapasalamat sa'yo at tatanawin ko itong utang na loob.
Salamat... Salamat, Alas.

"Alas, 'di ba may sikretong daan dito palabas?" Tanong nya kay Ace na hindi
kumikibo. "Nakalimutan ko na kung saan e. Makakalimutin na ba ako? Wala na kasi
akong matandaan dahil..." Tinuro nya ang dibdib nya. "Sa sobrang sakit, wala na
akong maalala dahil punong-puno na ang nararamdaman ko." Pumiyok ito na naging
dahilan para kapusin ako sa hangin

Kahit hindi sya nakatingin sa akin ay alam kong konti na lang ay babagsak na ang
luha nya. Gusto kong tumawa, humalakhak. Nakakatawa na gusto ko ng tapusin ang
buhay ko para tumahan na ang sakit na nararamdaman ko ngunit hindi maaari.

Naging duwag na ako at hinding-hindi na ulit ako magiging duwag para takasan ang
problemang ito. Tama na ang kasalanan ko.

I've had enough. Kailangan ko na lang tapusin ito.

"Alas. Ilabas mo na ako. Pakiusap. H-Hindi ko na kaya."

Umiling si Ace at tinulak nang bahagya si Raze palayo sa kanya. "Listen to her
first. Pagkatapos ng lahat ay ako ang maglalabas sa'yo." Nakita ko ang pagdaan ng
lungkot sa mata ni Ace habang nakatingin sa kanyang kapatid.

Tumingin sa akin si Raze na nanlilisik ang mata. "Ano pa ba ang dapat kong
pakinggan? Kasinungalingan lang lahat ng sinasabi nya. She's a fuckin' great liar.
Sa sobrang galing nyang magsinungaling ay

napapaniwala na nya ako." matigas nyang sambit.

Napangiti na lang ako sa sobrang sakit ng mga salitang binitawan nya.

"If you think, I'm a liar. Then, please. Makinig ka sa mga kasinungalingan ko."

Tumagilid ang ulo nito at ginulo ang kanyang buhok. Ngumuso ito kay Ace bago muling
tumingin sa akin.

"I'll give you 5 minutes."

Sa loob ng limang minuto ay magagawa kong ipaliwanag ang lahat ngunit hindi ko alam
kung ilang taon bago nya ako mapatawad o kung mapapatawad nya pa ba ako. Still,
It's my chance.

"Hindi aksidente ang pagpasok namin sa Hell University." Pag-uumpisa ko.

Ngumisi si Raze sa akin dahil sa sinabi ko.

"Lahat ay planado. Lahat ay aking plano. Papasok at palabas ay hawak ko." Naging
interesado ang kanyang mata. "Ang Hell University ang naging unang project ko bago
tuluyang mapasali sa grupong kinabibilangan ko ngayon." Bigla kong naalala ang mga
panahon na 'yon.

'Yong mga panahon na nalugmok ako sa problema kasi akala ko hindi na ako
makakapasok at hindi ko na maaabot ang pangarap ko. Nakakatawa na dahil sa pagiging
desperada ko ay nakagawa ako ng mga pangako.

"Winzy. I used her dad. Ginamit ko ang kanyang ama para mahikayat syang sumama sa
akin. Ipinangko ko na tutulungan ko syang mabawi ang kanyang ama sa mga sindikato
'pag tinanggap nya ang alok kong sumama sa akin dito... Sa Hell University."
Kumirot ang puso ko. "Pero, nabigo ako. Hindi ko nasagip ang kanyang ama."
Humagulgol ako nang maalala at makita ang walang malay nyang ama.
"Dahil

hindi mo sya tinulungan..." Nagulat ako nang marinig ang boses niya sa aking
likuran. Nakatayo si Winzy na umiiyak. Nasa tabi nya si Hanz na pinapatahan ito.
"Hindi ba, ate? Nagsinungaling ka lang?" Tanong nya.

Umiling ako at lumapit sa kanya.

Hindi ito lumayo o gumalaw man lang sa kanyang kinatatayuan. "I tried, Winzy. God
knows, I tried to save him." Sinubukan kong ipaliwanag ngunit tinabig nya ang kamay
kong sana'y hahawak sa kanya.

"You didn't."

"I did!"

"But why?! Bakit sya namatay?"

Bigka kong naalala nung sinubukan kong iligtas ang kanyang ama. "Nailigtas ko na
sya, Win." bulong ko.

Nanlaki ang kanyang mata at halatang naguluhan.

"Nailabas ko sya, Win. Ngunit bumalik sya. I fucking tried to stop him, ngunit mas
inisip nya ang mga perang naiwan nya." Humagulgol ito sa mga sinabi ko. "Sa
pagkakataong 'yon ay hindi ko na sya nailigtas. Nahuli sya, sinubukan ko pang
muling iligtas ang ama mo ngunit dumating na ang mga isang batalyong armadong
lalaki. I was just newbie that time. Hindi ko pa gaano kabisado ang paghawak ng
baril." Umiling ako nang maalala ang mga sumunod na nangyari. "Tinangkang manlaban
ng ama mo..." Umiling na lang ako dahil hindi ko na kayang magkwento dahil masakit
na.

Nakita ko naman kay Winzy ang pagngiti kaya alam kong kahit papaano ay naintindihan
nya ako.

"I'm sorry, Win. Hindi ko naibalik sa'yo ang iyong am---" Natigilan ako nang
yakapin nya ako.
"Ate... Ate, sorry. Akala ko... Akala ko, pinabayaan mo sya." Humagulgol ito.
Nanginginig ang kanyang katawan. "Hindi ko alam na ganon pala ang nangyari." bulong
nito.

Napangiti na lang ako.

Salamat at kahit papaano ay may nagagawa pang yumakap sa akin. Akala ko,
pandidirian na ako ng lahat.

"Tapos na ang limang minuto mo."

Kumalas ako kay Winzy at tumingin kay Raze na nakatingin sa amin.

"Kuya..." Nag-aalalang sambit ni Ace. "Please... Tapusin na natin." pagmamakaawa ni


Ace.

Hindi ito nagsalita kaya ako na naman ang nagsalita.

"Si Ate Samanth---"

"Ate?"

Tumango ako. "Kakambal ko si Ate Samantha. Nawalay sya sa amin nung bata pa sya.
Ako ang unang nakatagpo sa kanya ngunit hindi ko sya agad pinakilala." Sabi ko.
"Ipinangako ko sa kanya na 'pagkatapos namin sa Hell University ay ipapakilala ko
na sya sa amin." Tumingin ako kay Hanz. "Sumama sa kanya si Hanz." Bulong ko.

Wala man lang itong emosyon.

"Then, why are you claiming yourself as her?"

Lumunok ako nang mapagtanto na malapit ko nang sambitin ang sikreto naming tinago
ko. "K-Kasi, hindi lang tatlo ang pumasok sa Hell University. Apat kami." sagot ko.
"Parang hindi ko na ata gusto ang kapupuntahan ng kasinungalingan mo? Can we stop
it?"

"No." Matigas kong sambit. "Inumpisahan ko na. Hindi lang si Ate Samantha ang
nakasama m---"

"I said, stop!"

"Kasi nakasama mo rin ako! Nagpalitan kami! 'Pag lumalabas ako ng Hell University
para magreport sa labas ay sya ang nakakasama mo."

"Fuck! Please, stop there..." Pumatak ang luha sa kanyang mata. Umiling ito at
tinuro ang kanyang dibdib. "Pinapatay mo na ako." pumiyok ito.

"I'm sorry..." sinubukan kong lumapit ngunit sya na naman ang lumayo. "Baby
plea---"

"Don't call me that

way you fucking liar! Lumayo ka sa akin."

Oh God!

Ang sakit...

Kahit na nasasaktan na ako nang sobra ay sinubukan ko pa ring ipagpatuloy. "Mas


madalas mo syang nakasama kesa sa akin. Hindi ko inakalang mahuhulog sya sa'yo."
Napaluhod ako nang tuluyan na akong manghina. Hindi na kinaya ng tuhod ko ang
sakit. "H-Hindi ko inakalang mahuhulog ka rin sa kanya. Huli... Huli na nung
nalaman ko... Nalaman kong mahal mo na rin sya nung mga panahong... Nahulog na rin
ako sa'yo." humagulgol ako matapos sambitin 'yon.

Wala akong ibang marinig ngayon kundi ang mga hagulgol namin. Si Raze... Si Zein...
Si Winzy... Binalot namin nang hagulgol ang bahay na ito.

"Darling, stop crying..." Pagpapatahan ni Ace kay Zein.


Maswerte sila sa isa't-isa at masaya ako para sa kapatid ko.

"Samantha... Baby, I'm sorry." wika ni Raze na nakatingin sa itaas. "Ginagambala ka


na naman namin." bulong nito.

"Lux, mahal kita..."

Tumingin sya sa akin at pinahid ang kanyang mata. "Hindi kita mahal. I have never
loved you. It's only Samantha... Sa.man.tha... Not. A.lli.son." Matigas nyang
sambit.

Tangina. Ang sakit. Nakakamatay ang sobrang sakit.

"Dahan-dahan naman, Raze." Babala ni Zein. "Isipin mo rin naman si Ate Alli---"

"Bakit? Ako ba naisip nila? Ginago nila ako! Pinaniwala nila ako sa mga
kasinungalingan! Ginawa nila akong tanga at ako namang si gago, paniwalang-
paniwala."

"Kuya, huwag mong sigawan si Zein."

Shit! Nagkakalabo ang lahat dahil sa akin. Tangina naman. Ako na nga ang dahilan
kung bakit ito nangyayari tapos ako pa ang magiging dahilan nang pagkawasak ng mga
relasyon nila.

I don't derserve to be happy...

"Tapos ka na ba?" Tanong sa akin ni Raze. Muling tumulo ang dugo sa kanyang kamay
na nakakuyom. "Tapusin mo na para isahan na lang ang sakit." Nanginig ako nang
maramdaman ang sobrang lamig ng kanyang boses.

"Makasarili ako. Hindi ko hinayaang makuha ka ng kapatid ko. Binali ko lahat ng


plano. Sinira ko ang lahat. Trinaydor ko ang kapatid ko." Bulong ko.
"Bitc--- Damn!" Mura nya.

"Nung gabing dapat ay magkikita kayo, ikinulong ko sya sa kwarto namin." bulong ko.
Nagtangis ang kanyang bagang dahil doon. "Ako ang pumunta dito." Iginala ko ang
bahay na ito.

"Ako ang nakipagkita sa'yo dito. Ako ang nakasama mo magdamag. Ako 'yong hinalikan
mo hanggang maging hubo't hubad na tayo. Tayo... Tayo ang magkasama sa saya nung
gabing 'yon... Hindi si Samant---"

Napahawak ako sa aking pisngi nang maramdaman ang mahapding pisngi ko na galing sa
palad ni Raze.

He slapped me.

Nanlaki ang mata nito dahil sa ginawa nya. "Shit... I-I a-am sor--- Damn!" Sinuntok
nya ang sahig at narinig namin ang paglagapak ng kamao nya roon.

Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ako...

Masakit? Sapat ba ang salitang 'yon sa nararamdaman ko?

But, I know... I deserve more than one slap... Still... Sobra-sobrang sakit ang
nararamdaman ko.

=================

Chapter 39

Chapter 39: The Revelation (Part 2)

Zein's Point of View


Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi awa. Nawala lahat ng hinanakit sa akin
dahil sa mga sinabi ni Ate Allison. Naaawa ako sa kanila ni Raze.

Kahit na nagawang pagbuhatan ng kamay ni Raze si Ate Allison ay hindi ko magawang


magalit. Naiintindihan ko at alam kong ganon din si Ate. Niloko nila si Raz---Lux.
Ngunit naaawa rin ako kay Ate Allison.

Pagmamahal... Gaano ka ba kahiwaga at nagagawa mo ang mga ganito?

"Z-Zein..." Tinangka akong yakapin ni Ace ngunit pinigilan ko sya.

Umiling ako. Kahit na malabo na ang mata ko ay nakita ko pa rin ang pagpatak ng
luha sa kanyang mata.

"Naaawa ka ba sa akin, Ace?"

Kumunot ang noo nito. Naguguluhan ito sa sinabi ko.

"W-What?"

"K-Kanino, Ace? Sino ang minahal mo?" Tanong ko. Nanginig ang buo kong katawan nang
isa-isang mabuo ang mga ideya sa aking isipan. "Si Ate Samantha o Ate Allison?"
dugtong ko.
Hindi ko maiwasang magduda. Hindi ko alam kung mas masasaktan ba ako 'pag nalaman
kong si Ate Allison 'yon.

"A-Alas?" Napatakip ako sa aking bibig nang makitang nakatayo si Raze sa gilid ni
Ace. "M-May itinatago ka rin ba sa akin?" Tanong nya.

Oh.My.Ghad!

Hindi ko na ata kaya ang mga susunod pang mangyayari. Hindi na kakayanin ng puso
ko... Namin. Masyado na kaming wasak at hindi ko alam kung mabubuo pa kaming muli.

/>

Bumalin sa akin ng tingin si Ace.

"Zein, mahal kita. Hindi ko 'yon kailangang ipaliwanag kasi mahal kita at 'yon lang
ang mahalaga." Sagot nito sa akin na hindi pinansin si Raze. "Darling, I love you.
'Yon lang ang nais kong malaman mo." Napaupo na lang ako sa sahig.

God! Bakit ko ba pinagdududahan ang pagmamahal nya sa akin? Alam kong totoo ang
lahat. Naramdaman ko 'yon at patuloy nyang pinapadama sa akin.

Ganon magmahal ang isang Ace Craige. 'Pagmahal ka nya, mahal ka nya. Hindi nya
kailangang ipaliwanag kung gaano dahil ipaparamdam nya ito sa'yo. Wala syang
panahon para ipaliwanag sa iba ang nararamdaman nya dahil ang importante sa kanya
ay alam nya ang totoo.

He's innocent in a sexy way...

He's a devil...

He's Ace Craige and I love him... Damn... So... Much.

Mahinang tumawa si Raze. "Kakayanin ko pa ang mga sinabi ni Allison ngunit parang
bibigay na ata ako 'pag may sinabi ka rin, Alas." Natatawa nyang sambit.

Luxury Valdez... Raze Silvenia.

"Kuya, patawarin mo ako."


"Tangina, Alas! Pinapatawad na kita kaya pakiusap, ilabas mo na ako."

Napangiti ako nang makitang niyakap ni Ace ang kanyang kuya. Nanginig ang kawatan
ni Ace at sa unang pagkakataon... Sa tagal ng nakasama ko si Ace. Ngayon ko lang
sya narinig na humikbi.

Nasasaktan ako...

Napatingin ako kay Ate Allison na tulala na lang. Nakatingin ito sa magkapatid na
wala man lang reaksyon. Hindi ko alam kung ano na ang iniisip nya at kung ano na
ang

gagawin nya.

Ngunit, isa lang ang sigurado ako. Tapos na sya... Nailabas na nya lahat ng
sikreto. She's done with hell. Hell is finally stopped chasing her... I'm proud of
you.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hindi ata ako napansin nito dahil diretso pa rin
ang kanyang tingin.
Umupo ako sa tabi nya at niyakap ito.

"A-Ate... Tapos na. Makakapagpahinga ka na. Malaya ka na." bulong ko. "Magpahinga
ka na muna." Ipinatong ko ang kanyang ulo sa aking balikat.

Hinaplos ko ang kanyang buhok habang patuloy ang pagtulo ng luha sa aking mata.

Pumayag ako sa kagustuhan nila para dito. Nakipagkasundo ako kina Hanz at Winzy
para sa mga sandaling ito.

Noon pa man ay napansin ko na. Hindi kumpleto ang ngiti ni Ate, naramdaman ko 'yon.
Limitado ang mga salita nya. Nag-iingat sya sa mga binibitawan nya kasi baka may
masabi syang hindi maganda. Nilimitahan nya ang sarili nya at ikinulong ang sarili
sa madilim na lugar.

Sinarili nya lahat ng nalalaman nya at alam ko kung gaano kahirap 'yon. Hindi ko
alam kung gaano sya kalakas para magawa 'yon kaya hindi ko maiwasang mamangha sa
taglay nyang lakas ng emosyon. Hindi ko alam kung saan nya nahuhugot 'yon.

Napatingin ako kina Hanz at Winzy. Sa unang pagkakataon matapos kong makilala si
Hanz.... Nakita ko syang ngumiti habang nakatingin kay Ate Allison.

Nagtagumpay kami. Unti-unti

na kaming nakakalaya sa tanikala ng nakaraan.

"Kuya, may kasalanan ako sa'yo." Muling nabalin kina Raze at Ace ang aming
atensyon.

Nakayakap pa rin sila sa isa't-isa...

"Sshhh. Pinapatawad na kita, Alas. Kapatid ko, pinapatawad na ki---" Itinulak ni


Ace si Raze palayo sa kanya.

"Alam mo bang minahal ko rin si Samantha?"

Imbes na magalit ay humalakhak si Raze. Habang tumatawa sya ay isa-isang pumapatak


ang luha sa kanyang mata. Namumungay na ang mata nya. Pagod na sya.
"Sa tingin mo tanga ako para hindi mahalata 'yon?"

Natigilan si Ace sa sinabi ng kanyang kapatid. Halata sa kanya ang labis na


pagkagulat.

"A-Alam mo?"

Tumango si Raze. Nanlamig ang buo kong katawan nang matumba si Raze. Tinangka syang
tulungan ni Ace ngunit hinawi lang 'yon ni Raze. Tumayo itong muli.

Shit... Bakit? Bakit parang may iba pang nararamdaman si Raze?

"T-Tinangka ko syang kunin sa'yo, kuya."

"Alam mo bang nagparaya ako, Ace?" Natutop si Ace sa sinabi ni Raze. "Nung
naramdaman kong iba ang nararamdaman mo sa kanya. Tinangka kong lumayo. K-Kasi
gusto kong mapunta sa'yo ang atensyon nya." bulong nito.
Raze. Grabe... Grabe na ang sakripisyo nya para kay Ace. Tunay na maipagmamalaki
ang lalaking 'to.

"G-Ganon?" Natawa si Ace. Sinipa nito ang lumang vase na lumikha nang nakakabinging

ingay. "Habang nagpaparaya ka, tinatraydor kita. Tangina." Mura nito bago muling
sinipa ang malapit sa kanyang lamesa.

Nakatingin lang ako sa kanya. Gusto ko syang pigilan at patahanin ngunit alam kong
ito ang mas ikakabuti nya. Kailangan nyang mailabas ang mga sama ng loob nya.
Kailangan nyang makahinga mula sa pagkakagapos.

"Kapatid kita, Alas. Mahal kita higit sa kaya kong ibigay sa iba."

Sumikip ang dibdib ko sa mga katagang 'yon. Pinapatunayan lang ni Raze na mas
matimbang ang kadugo kesa sa ibang tao. Iba ang pagmamahal na naibibigay ng
pamilya.

Pamilya. Sila ang tatanggap sa'yo kahit na anong mangyari. Sila ang iintindi sayo
kahit na maging ang sarili mo ay hindi mo maintindihan. Sila ang hahawak sa patalim
ng kutsilyo para maprotektahan ka lang. Talikuran ka na ng lahat ngunit mananatili
sila sa iyong tabi. Handa kang yakapin 'pag pagod ka na.

Alam kong lilipas din ang galit ni Mommy kay Ate Allison. Mahina si mommy pag
dating sa amin. Natawa nga ako nung tinanong nya sa akin kung may pera pa ba ang
bank account ni Ate Allison. Nag-aalala pa rin sya kay ate.

"Pero bakit mo ako iniwan, Kuya?" Tanong ni Ace. "Nagplano kayong tumakas nang
hindi ako sinasabihan." bulong ni Ace.

Bakas na ang pagod sa kanilang mga mata. Maging ako ay pagod na. Gusto ko ng
magpahinga. Masyado ng maraming nangyari.

"Kasi, hindi naman ako aalis e. Sila lang ang itatakas ko, Ace. Kahit na anong
mangyari ay babalikan kita. Hindi kita kayang iwan, kapatid ko."

"Whoa. Ibang klase." Sarkastikong sambit ni Ace. "Habang inaalala mo ako,


isinuplong na kita." Sumikip ang paghinga ko dahil sasabihin na ni Ace ang kanyang
itinatagong lihim.
"A-Alas?"

"Dahil sa akin, namatay si Samantha." Matabang na sambit nito. "Akala ko kasi iiwan
nyo ako kaya isinumbong ko kayo kina Tito Francis." sambit pa nito.

Napansadal sa ding-ding si Raze. Napahawak ito sa kanyang ulo na animo'y hirap na


hirap na. Shit. Anong nangyayari sa kanya?

"Mahal pa rin kita..."

"Nalaman nila ang plano nyo kasi ako ang nagsumbong. Isinuplong kita kaya ka nila
nasundan nung gabing 'yon at kaya napatay si Samantha..."

"Mahal pa rin kita, kapatid ko."

Tuluyan nang hindi nakapagsalita si Ace.


May isang pagkakamali ang nagawa ni Ace at alam kong alam na nya 'yon ngayon.
Nagkamali sya sa pagkilala sa kanyang kapatid. Minaliit nya ang pagmamahal sa kanya
ni Raze. Hindi nya inakalang mamahalin pa rin sya ng kapatid nya sa kabila ng
lahat.

Napatayo si Ate Allison nang makita si Raze.

Maging ako ay napako sa aking kinauupuan.

Dumudugo ang isang mata ni Raze...

Ngumiti ito sa amin at isa-isang kaming tinignan.

"T-Tapos na ba kayo? Kasi kung tapos na... Gusto ko ng magpahinga. I'm fucking
tired." Napatakip ako sa aking bibig nang mapaluhod ito.
"Lux. Anong nangyayari sa'yo?"

"I'm just tired. Magpapahinga na ako ah?"

"Raze!"

=================

Chapter 40

Chapter 40: The End

Zein's Point of View

"Yes. Actually, mas okay pa nga ang ganito. At least, natututo kami para tumayo sa
aming sarili." wika ni Mia na ipinakita ang maliit nilang bahay.

Nakatutok lang ako sa aking cellphone habang pinagmamasdan kung gaano siya kasaya.
Masaya rin ako para sa kanila kahit na mejo nag-aalala rin.

"Nasa work pa si Dave. Kaya, ako na muna ang naiwan dito."

"Paano kung matunton ka ng parents mo? Paano kung sapilitan ka nilang bawiin?"
Hindi ko napigilang itanong 'yon.

Tumakas lang sila nung tumutol ang kanilang pamilya. And I'm sure, gumagawa na ng
para si Tito para mahanap sila. Mahal na mahal nila ang anak nila to the point na
gusto na nilang masecure ang future nito sa pagpapakasal sa anak ng ka business
partner. Ganon naman talaga ang magulang natin though minsan ay nagiging oa na. But
I know, darating din ang araw na marerealize nila na malaki na ang anak nila at
marunong ng magdesisyon para sa kanyang sarili. And I'm looking forward to that
day.

"Zein. Kapag mahal mo ang isang bagay, ipaglalaban mo. Kahit na tutol ang lahat,
hindi mo bibitawan."

Napangiti ako sa sinabi nya. Nagmatured na mag-isip ang bruha. Sabagay, marami nang
nagyari sa kanila na humubog sa kung sino sila ngayon.

Nagtatrabaho si Dave para pag-aralin si Mia. Pansamantalang tumigil muna sya para
magbigay daan kay Mia. Ayaw naman ni Dave na humingi ng tulong sa parents niya
dahil gusto nyang sa sariling sikap ang

lahat.

Hay...

"Wala ka bang pasok?" Tanong nya sa akin.

Napatingin naman ako sa wall clock. "Oh my--- Finals na namin ngayon at mukhang
malelate pa ata ako." ngumuso ako na ikinatawa nya.

"Sige na. Bye, Zein. Miss you."

Ngumiti na lang ako bago siya nawala sa screen ng phone ko. Mabilis ko namang
kinuha ang bag ko at tumakbo palabas. Naabutan ko si Mommy na nakatingin sa laptop
nya.

Hindi ata nya napansin ang presenya ko kaya nakita ko kung sino ang tinitignan nya.
Mabilis na napangiti ako dahil doon.

"So, binabantayan mo pala si Ate, mom?"

Mabilis na itinupi nya ang kanyang laptop at sinamaan ako ng tingin. Natawa ako sa
naging reaksyon nya.
"Matitiis ba nya ang ate mo?" Pang-aasar ni Daddy na kagagaling lang sa kusina.
"Hon, natutulog ka pa ba o magdamag kang nakatutok sa laptop?" Humalakhak si daddy
nang ibato sa kanya ni mommy ang throw pillow.

"Pumasok ka na, Zein. Malelate ka na." Ani mommy na kinurot ang tagiliran ni daddy.
"Nasa labas na ang driver." dugtong pa nito.

Tumango ako at humalik sa kanilang mga pisngi. Tumakbo ako palabas at naabutan ko
ang driver ko na may kausap sa phone. Nataranta ito dahil doon at mukhang alam ko
na kung bakit.

Pinagbuksan nya ako ng pinto. Pinaningkitan ko sya ng mata ngunit iniwasan nya lang
'yon.

"Manong naman e. Bakit ang bagal mo magdrive? Malelate na ako!" hindi ko mapigilang
hindi magreklamo dahil mas mabilis pa ata akong makakapunta sa school kung tatakbo
ako.

"Ma'am, kabilin-bilinan ni---" Natigilan ito. "M-Magandang nang ligtas."


natataranta nyang sagot.

Napahalukipkip na

lang ako.

"Si Mr. Craige ba ang nag-utos?"

Hindi ito nakasagot kaya umusok na naman ang ilong ko. That guy! Akala ko malinaw
na sa kanya lahat! Akala ko naiinitindihan nya ang nais kong mangyari. UGH!

Nanginginig na kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang letseng lalaking 'yon.

"Hello?!"
"Hmmm?"

Wow! Ganda ng bungad ng lalaking 'to.

"Akala ko ba malinaw na ang us---"

"I'm busy, pwede mamaya na lang tayo mag-usap?"

"Huh! Fuck y---" Binabaan nya ako ng tawag.

Nanginig ang mga lamang loob ko. Ang kapal ng mukha nyang babaan ako ng tawag.
Humanda ka sa aking letse ka. Nakakainit ng ulo.

Naabutan ko sa gate si Vanessa. Inis na binalingan nya ako ng tingin.

"Akala ko ba maaga ka ngayon? Isasama mo pa ako sa pagiging late mo."

"Sorry. Tara na?" Alok ko sa kanya at sabay kaming pumasok ng campus.

Nagpahintay kasi ako sa kanya at hindi ko naman alam na malelate pa ako dahil
napasarap ang kwentuhan namin ni Mia.

"Nagreview ka?" Tanong nya sa akin.

Mahina akong natawa kasi hindi na 'yon kailangang itanong. Normal lang na magreview
ako dahil exam na namin.

"Syempre. Finals na ngayon."

Tumahimik kami matapos sabihin 'yon. Naramdaman kong humihigpit ang pagkakakapit sa
aking braso ni Vanessa kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi mo ba ako tatanungin kung nagreview na ako?" Iritang sambit nya.

Kumunot naman ang noo ko dahil doon.

"Alam ko namang hind---"

"Nagreview ako." Pagmamayabang nya bago tinuro ang kanyang ulo. "Matalino ka lang
sa akin ng isang paligo, Zein." pagmamayabang

nya.

Tumango na lang ako. Sa katunayan ay lagi ko ngang napapansin na tumataas na ang


mga score nya. Inspired eh. For the better future kuno nila ni Jerome.

'Pagkapasok namin sa classroom ay syempre, nasermonan kami. At itong bruhang ito,


ipangalandakan ba naman na ako ang may kasalanan. Oo na, ako na talaga.

Nung makatapos kami ng three subjects ay break time na. Excited na excited si
Vanessa na todo ang hila sa akin palabas ng classroom.

"Bilis! Gustom na ako."

"Gutom? If I know... Ang oa mo! Alam ko namang nagkita kayo kanina ni Jerome e."

Mahina itong tumawa. Naabutan namin sa cafeteria sina Matt, Jerome at Cedric na
nagtatawanan. Mabilis na hinanap ng mata ko si Ace ngunit wala sya. Hindi ba sya
sasabay sa amin?

Binitawan agad ni Vanessa ang kamay ko at umupo sa tabi ni Jerome na may hawak na
libro. Tutok na tutok ito sa pagbabasa. Whoa. Nagbabagong buhay na talaga sila..

"Halikayo!" Paanyaya ni Matt. "Libre lahat ni Cedric. Birthday nya." Humalakhak si


Matt dahil doon.
Napatingin naman ako kay Cedric na nakanguso. "Wala naman akong sinabi." bulong
nito habang hinahalo ang yelo sa kanyang juice.

Guava juice?

"Happy birthday." bati ko sa kanya.

Lumawak ang ngiti sa kanyang labi at inayos pa ang kanyang polo. Tumikhim ito.
"Salamat very much." matikas na sambit nya.

"Hindi ko alam na birthday mo, sana ay sinabi mo para nabilhan kita ng regalo."
Ipinatong ko ang bag ko sa lamesa at kinuha ang juice ni Matt. "Painom."
Pagpapaalam ko.

Tumango lang ito.

"Just a kiss here," turo nya ang kanyang pisngi. "My pleasure." nakangising sabi
nya pa.

Wala naman sigurong masama kung hahalikan ko sya hindi ba? I mean, sa pisngi lang
naman. And... Wala namang magagalit.

"The last time I requested for that, something bad happened." Natatawang sambit ni
Matt.

Umangat ang kilay ko sa kanya at nginuso naman nya ang nasa likod ko. Nakatayo sa
counter si Ace habang nakatingin sa akin. Nakataas ang kilay nya.

Napalunok ako nang bitbitin nya ang mga tray na may pagkain at naglakad papunta sa
amin.

"Gah... 'Di ba, break na kayo?" Ngumuso si Cedric. "May pag-asa na ako." dugtong pa
nito.

"Pag-asa?" Tanong ni Ace na tinulak ang upuan ni Cedric palayo sa akin para kunin
ang space sa gitna namin.

Umupo sya ro'n at nilatag sa harap ko ang mga pagkain na binili nya.

"Pag-asa kay Zein." Pagmamayabang nya. "Pwede bang manligaw?" tanong pa niya.

Napasubo na lang ako ng fries dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Pag-asa kay Zein? I think, malabo." Kumuha si Ace ng fries at isinubo 'yon sa
akin. "Hindi mo kayang palitan ang nag-iisang Ace Craige sa kanyang buhay."
Pagmayabang nito.

Lihim akong napangiti nang magmura si Cedric. Binato kasi sya ng tissue ni Ace.

"Gah... Break na kayo, 'di ba? Wala ng kayo, Ace. Tapos na ang lahat sa inyo."

Mahinang tumawa si Ace na binuksan ang kanyang libro at nagbasa roon.

"Shut up." Bulong nito.

Napatingin

ako kay Matt nang magring ang phone nya. Nakita ko ang pagkislap ng ngiti sa
kanyang labi at ang pasimpleng pagkagat nya sa kanyang labi.

Hmmm?

"I have to go. May tatapusin pa akong proposal." Nagmadali itong umalis.

Napatingin naman ako kina Jerome at Vanessa na parehong nagbabasa ng libro.


Okay...? Bakit ang weird nila?

Tumingin ako kay Cedric. "Tapos na kayong mag-exam?" tanong ko.


"Today is my birthday, Zein."

"So?"

"Slow." bulong nito bago kinuha ang kanyang bag at tumayo. "Maiwan ko na kayo.
Kunin nyo na lang ang mga gifts ko sa locker. Sa inyo na." Inayos nito ang kanyang
buhok bago umakbay sa babaeng nakasabay nya.

Kilala nya ba 'yon?

"Atin na lang daw. Tara." Hinila ni Vanessa si Jerome at nagmadali ring lumabas.

Napatingin na lang ako kay Ace na nakatingin din pala sa akin. Nakakunot ang kilay
nito.

"Hindi ko alam na ganyan ka ka-interesado sa buhay ng iba."

"Jelly Ace na naman." bulong ko.

"Tatahimik ka lang?" Inis na tanong nya.

Nagtaka naman ako kung ano bang gusto nyang mangyari.

"Hindi mo ba ako tatanungin kung tapos na ba akong mag-exam o kung kamusta na ako?"

"Ace. Hindi na tayo. Ano bang mahirap intindihin do'n?"

Humalakhak ito at ibinalik sa kanyang bag ang kanyang libro.

"Tinanong mo 'yon kay Cedric. Ibig bang sabihin no'n na kayo na?"
Hindi na ako tuluyang nakasagot sa mga sandaling 'yon. Hindi nya maintindihan ang
gusto kong mangyari at alam kong hindi ko 'yon

gaanong naipaliwanag sa kanya.

"Hindi ko alam kung ano ang rason mo sa pakikipag hiwalay sa akin. You didn't even
bother to explain. But, yes. I gave you what you want."

Napapatingin na sa amin ang ibang tao rito sa cafeteria at alam kong hindi 'yon
napapansin ni Ace o sadyang wala lang syang pakialam.

"Follow me," Aktong kukunin ko na nag bag ko nang hablutin nya ito at nauna na
syang naglakad palabas.

Napangiti ako sa ginawa nya.

Pumunta kami sa likod ng isang building kung saan walang tao. Gusto ko syang
makausap nang kami lang. Hindi ko inakalang mapapaaga ang pag-amin ko.

Humarap sya sa akin. Nakasandal ito sa wall habang suot ang kulay pink kong bag.
Aww... My darling is so cute... And I'm gonna miss him.

"Ace. Isang buwan na lang."

"May taning na ang buhay mo? Kailan pa?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "No! Hindi 'yon ang ibig kong sabihin!" naiirita
ako na hindi nya muna ako pinapatapos.

Humalakhak ito at kinagat ang kanyang labi.

"Cute..." He whispered.
"I mean... OJT." Lumunok ako bago nagpatuloy. "Napagdesisyonan kasi namin ni
Vanessa na sa ibang bansa mag OJT." pagpapaliwanag ko.

Kinabahan ako nang umayos sya ng tayo. Mahigpit na ang pagkakahawak nya sa bag ko.

"Hindi ba ako kasama sa desisyon mo?" Tanong nya saka mahinang natawa. "Sabagay. I
have told you to fight for youself and never be afraid to make a decision even if I
am not included." Mapaklang sambit nito.

Oh, shit! Alas. Mamimiss ko ang pagiging oa mo.

"It's not like that. Nakadepende na kasi ako sa'yo, Ace. Gusto kong makawala."
Hindi ito nagsalita kaya nagpatuloy na lang ako. "I mean,

to live for myself. Kaya ako nakipaghiwalay sa'yo kasi gusto kong kumpletuhing muli
ang sarili ko." Parang may bumara sa lalamunan ko matapo sambitin 'yon.

Ayokong dumating sa puntong masyado na akong nakadikit sa kanya. 'Yon bang tipong
mamamatay ako 'pag nawala sya sa tabi ko kahit na ilang segundo lang. Gusto kong
kahit papaano ay matutunan kong hindi sa lahat ng oras ay andyan sya.

"You need space?" Tanong nya.

Napangiti ako nang maging malambing ang kanyang boses.

"I want to give you that but darling, I'm scared." Lumapit ito sa akin at hinawakan
ang aking pisngi. "Natatakot akong makalimutan mo ako." bulong nya.

Napapikit ako nang halikan nya ang noo ko.

"Ace. 'Yon din ang isang dahilan kung bakit ko gagawin 'to. Gusto kong malaman na
hindi mawawala ang pagmamahal ko sa'yo kahit na malayo tayo."

"Paano kung---"
"Huwag kang magduda, Ace. Mahal mo ba ako? Kasi kung oo, makalipas ang isa't-
kalahating taon. 'Pagbalik ko... Ako pa rin. Kahit na malayo tayo... Ako pa rin."

Napapikit ako nang halikan nya ako sa labi. Isang dampi lang no'n ngunit halos
mapaupo na ako. Grabe ang epekto no'n sa akin.

"I won't say I love you 'cause you are more than those words." He whispered. "I
won't say goodbye 'cause this is not a goodbye." napapikit ako nang muli nya akong
halikan pero sa pagkakataong 'yon ay mas matagal.

Hindi kita makakalimutan, Ace. Ikaw ang dahilan kaya ko gagawin 'to. Para sa'yo...
Babalik ako. Sa pagbabalik ko ay ipagpapatuloy natin lahat.

"Ace... Darling, I love you."

"Zein... I'll

wait. Maghihintay ako. Paghahandaan ko ang pagbabalik mo." Niyakap nya ako nang
mahigpit. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha sa aking mata.

"Prepare yourself, darling. You still have almost two years to prepare for that
night... The time when we'll invade the night. The night when we'll be....
Together. Together in one room. Darling... Please come back."

Tumango ako.

"I will, Ace. You are my home after all."

***
Allison's Point of View

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanyang puntod. Ang pangalan na nakaukit don ay
hindi ko pa rin matanggap. Kasalanan ko ang lahat.

Maaaring patawad nila ako ngunit hindi ko kayang patawarin ang sarili ko.

"Masaya na sya kung nasan man sya ngayon," wika ni Tita Mira.

Pumatak ang luha sa aking mata. Mas masaya kung narito sya.

"A-Ate Samantha... Salamat."

Salamat kasi sa kabila ng lahat nang nagawa ko sa'yo, ako pa rin ang inintindi mo.
Salamat kasi hanggang sa huli ay kaligtasan ko pa rin ang inisip mo.

Bigla kong naalala ang mga huling katagang binitawan nya bago ako ipinagtulakan
palayo at para hindi na muling bumalik.

"Allison. Huwag ka ng babalik dito. Iligtas mo ang sarili mo. Huwag mong sisihin
ang sarili mo sa mga nangyari kasi alam kong tinamaan ka lang ng pag-ibig. Mahal na
mahal kita... Kayo ni Zein. Huwag ka ng babalik, iligtas mo ang sarili mo...
Makakasama sa'yo ang lugar na ito."

Kahit na ayoko silang iwan ay ginawa ko. Wala akong pagpipilian nung mga panahong
'yon kundi ang lumayo ay huwag

ng bumalik. Hanggang sa nagtangka akong bumalik... Wala na. Hindi ko na sya


inabutan.

Magmula no'n ay kinimkim ko lahat ng sakit at pagsisisi. Sinubukan kong ibaon sa


limot ang lahat at magsimula nang bago buhay.

Mahal na mahal din kita, ate... Salamat.

Tumayo ako at pinunasan ang luha sa aking pisngi.

"Tita mauna na ako," Pagpapaalam ko dahil may kikitain pa ako.

Tumango ito bago ako binigyan ng saglit na yakap. "Sa wakas ay malaya ka na.
Mabuhay ka, Allison. Kailangan ka nya. " bulong nya sa akin.

Mabilis na pumunta ako sa isang restaurant kung saan nakita ko sila.

"Here!" sigaw ni Roxane.

Mabilis na lumapit ako sa kanila. Kumunot ang noo ko nung hindi sya makita.

"Akala ko kasama mo sya?" Naguguluhang tanong ko kay Nicky na naglalagay ng itim na


lipstick sa kanyang labi.

"Nag-cr lang." Sambit naman ni Winzy na umiinom ng tubig.

Tumango na lang ako at napangiti. Hindi ko alam kung paano nangyaring isang araw ay
nasa tapat na ng pinto ng bahay namin ang tatlong ito.

Namiss ko ang buhay namin sa loob ng Hell University. Sila ang nakasama ko roon. Si
Nicky na ate ang tawag sa akin kahit na magkasing tanda lang kami, si Roxane na
bigla na lang dumikit sa akin at sinabing kaibigan ko na sya at si Winzy na lagi
naming pinapatahan 'pag takot.

Namiss ko ito...

"May balita naba kay Raze?" Biglang tanong ni Roxane.


Natigilan namana ako. Nung dinala namin sya sa hospital ay naging okay naman sya.
May side effect pala ang artificial na mata'ng ipinalit sa kanya sabi ng doctor.
Hindi sya maaaring maging emosyonal at naaapektuhan dahil naapektuhan ang mata nito
na hindi gaanong nakakapagproduce ng luha kaya pag nasobrahan ay dugo ang
lumalabas.

Naging okay naman kaming lahat... Ngunit, kinabukasan... Bigla na lang syang
nawala.

Hindi na namin sya mahagilap. Naglaho sya nang parang bula.

"Andito na pala ang baby natin!" Masayang wika ni Roxane sa lalaking nakataas ang
kilay.

Natawa ako sa inasta nya.

"I.am.not.your.baby." Matigas na sambit nito bago umupo sa tabi ko.

"Mom? Kumain ka na?" Tanong nya sa akin.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga sumunod sa kanya. "Shark! Ba't mo sinama
ang mga pusa mo!" bulalas ko nang magsigawan ang mga tao rito.

"They don't eat people." Malamig na sambit niya sa mga taong nag-over react nang
makita ang mga alaga nyang pusa.

"Shark... Napag-usapan na natin 'to, hindi ba?" Babala ko.

Ngumuso lang ito at humalukipkip.

"Manang-mana sa kanyang ama!" Humalakhak si Winzy.


Napatingin ako sa kanyang mga alaga. Si Winzy, Ghost at ang tatlo nilang anak na
hindi ko na inalam kung anong pangalan.

Pinagmasdan ko kung paano nya sungitan sina Roxane at Nicky. Nakakatakot ang
malalim at singkit nyang mata na animo'y bigla ka na lang susunggaban. Ngunit 'pag
ngumingiti ito ay nakikita ko sa kanya ang kanyang ama.

Ito ang dahilan kung bakit ako pinagtulakan ni ate palayo at para huwag ng bumalik
no'n. Ito ang lihim kong itinago ni Ace dahil ayaw nya akong pangunahan. Kasi
nalaman nilang... Nagdadalang-tao ako no'n.

At ito ang sikretong... Hindi ko nasabi sa kanya... Baby, I'm sorry. I'm sorry for
not telling you the truth. But I know, it's the end for both of us... I love you...
Still you.. Baby.

=================

Epilogue

This will be the last part of Chasing Hell. Thank you so much. Cheers!

Now Playing: This I Promise You by N SYNC.

***

EPILOGUE

Vanessa's Point of View

Natanaw ko na agad ng site kung saan sya nagtatrabaho. Konti na lang at mabubuo na
ang building. Mejo makalat pa at kahit nasa loob pa ako ng sasakyan ay dinig na
dinig ko na agad ang mga sigaw ng makina sa paligid.
Nagbayad ako ng taxi bago bumaba. Nilipad ng hangin ang buhok ko kaya hinawakan ko
ang suot kong dress dahil baka masilipan pa ako rito. Ang swerte naman nila kung
makakakita sila agad ng langit.

Napatingin ako sa suot kong high heels. Hindi ako nababagay sa lugar na ito.
Masyadong maalikabok at maraming lalaki.

"Miss? May kailangan ka?"

Napatingin ako sa lalaking lumapit sa akin. Pawis na pawis ang kanyang katawan at
pinapaypayan ang sarili gamit ang kulay orange nyang... Helmet? Hindi ko alam kung
anong tawag doon sa suot nila sa ulo.

"Sino 'yan?" Tinukso sya ng mga kasamahan nya.

God! I hate drugs.

Magsasalita pa sana ako nang maaninag sa hindi kalayuan ang isang lalaking
nakatayo. Nakatalikod ito sa akin habang seryosong may kausap. May tinuturo pa sya
sa papel at nagtatanguan sila.

Tumingin ako sa binatang naghihintay pa rin ng sagot ko. "Thank you." sagot ko na
lang dahil hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko.
"Miss penge number?!"

Hindi ko

na lang ito pinansin at naglakad na lang ako palayo. Hindi pa rin nya ako nakikita
dahil busy sya sa kanyang kausap. Pero infairness, kahit nakatalikod sya kitang-
kita ko na agad ang lapad ng kanyang katawan.

Huminto muna ako para ayusin ang dress ko. Inayos ko rin ang buhok ko at muling
tinignan sa dala kong salamin ang mukha ko baka kasi may dumi.

Huminga ako nang malalim bago lumapit sa kanila at mabilis syang niyakap.

"I miss you so much, Je."

Halos maiyak ako sa saya. Sa wakas, sa tagal ng panahong nawalay sya sa akin ay
ngayo'y muli ko na syang nayakap.

"Miss? Teka..."

Napanganga ako nang humarap ito. "Oh---Shit. Shrek?" Bulalas ko.


Ang laki ng ilong niya at mataba ang pisngi. Kulay itim na rin ang kanyang ngipin
dahil nakangiti sya.... Hindi sya si Jerome.

"Niyakap mo ako." Lumawak ang ngiti sa kanyang tuyong labi. "Panagutan mo ako."
Sabi pa nya.

Napaatras ako. "W-What? Ang kapal ng mukh--- Shrek!" sigaw ko.

Namula ang buong mukha ko sa galit. Napahiya ako. Akala ko sya na si Jerome. Akala
ko lang pala dahil isa syang ogre.

"May problema ba rito?"

Automatic na napatingin ako sa aking likod kung saan nakatayo ang isang lalaking
kilalang-kilala ko. Nakakunot ang kilay nito habang nakatingin sa akin.

"Engr. Marquez? Heto kasing babaeng 'to. Bigla na lang akong niyakap. Akala naman
nya type ko sya."
Hindi ko na 'yon pinansin dahil hindi maalis ang tingin ko kay Jerome na nakakunot
ang

noo. God... Siya na ba talaga 'to? Bakit ganon? Parang naging malamig ang
pakikitungo nya.

"Vanessa?"

Parang may bumara sa aking lalamunan nang banggitin nya ang aking pangalan at ang
katotohanang... Napakalamig ng kanyang boses.

Tumingin ito kay Shrek bago muling tumingin sa akin. Mas lalo akong natigilan nang
ngumisi ito.

"Napunta ka lang sa ibang bansa... Tumaas agad ang standard mo sa lalaki." Natatawa
nyang sambit.

"Wow! Nahiya naman ako sa'yo! Pa-cool ka? Feeling mo naman bagay mo! Bwisit ka!"

Humalakhak ito at tinawag lahat ng trabahador. Hindi maalis ang inis sa aking mukha
lalo na dahil sa mga sinabi nya.

"Nakikita nyo ba ang babaeng 'to?" Turo nya sa akin. "Patay na patay ito sa akin."
Ngumisi siya matapos sambitin 'yon.

Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko. Kinuha ko ang isang heels ko at ibinato
sa kanya.

Umiling ito sa akin bago kinuha ang heels ko. Naglakad ito palapit sa akin at
lumuhod sa harap. Nakatingin lang ako sa kanya nang mahina nyang itinaas ang isa
kong paa at isuot ang heels na 'yon.

Halos himatayin ako sa kilig dahil sa ginawa nya.

"Vanessa?" Tawag nya sa akin. "Ngayon ko lang ito sasabihin... Ang baho pala ng paa
mo." Humalakhak silang lahat matapos nya sabihin 'yon.

Naningkit ang mata ko at nanginig ang buo kong lamang-loob. "What a fucking jerk!"
sigaw ko.
Sayang lang ang pagpunta ko rito. Sayang lang ang effort ko sa pagpapaganda. Sayang
lang

ang effort kong dito dumiretso pagkalapag namin sa airport.

Nakahanda na akong umalis nang bigla nya akong yakapin.

"Namiss kita, Vanko. Namiss ko ang pang-aasar ko sa'yo."

Nawala lahat ng galit ko sa kanya dahil do'n. Hindi ka pa rin nagbabago. Ang sweet
mo pa rin. Sa sobrang sweet mo, ang sarap mong ingudngod sa asukal. Peste!

"In english please..." I requested.

"I am not speak english. Me is not american."

Humalakhak ako dahil sa mga sinabi nya. Mas humigpit ang pagkakayakap sa akin ni
Jerome.
"Ssshh... Don't laugh. I might not good in english... But, I am best in bed--- I
mean, I am best in Meth. Yeah, Meth.See? I'm now a professional engineer."

"I'm proud of you," 'yon na lang ang nasabi ko sa mga sandaling ito.

"So as you, grandma."

"Jerome!"

Nagulat ako nang higitin nya ako palayo doon sa mataong lugar. "Masyado ka nang
exposed." bulong nito.

Hinila nya ako papasok sa kulay itim na kotse. Sa tingin ko ay kanya ito base sa
gamit nyang pabango na mabilis ko ring naamoy pagkapasok dito.

"Kailan ka pa bumalik?"

"Kanina lang... Hindi ka ba masaya?"

Para kasing hindi nya nagustuhan ang pagbabalik ko. Kahit na hindi nya pa inaamin
ay hindi ko maiwasang hindi masaktan.
"Sa tingin mo sasaya ako sa pagkawala mo ng dalawang taon?"

Na-extend kasi ang contract namin dahil nagustuhan kami ro'n ni Zein. Sa katunayan
ay ayaw na nga kaming pakawalan doon.

"Pero, bumalik na ako."

"At hindi ka na muling aalis." Matigas nyang sambit habang nakatingin sa aking
mata. "Kaya kong gumawa ng kwarto kung saan mabubuhay tayo nang hindi lumalabas,
Van. Huwag mong hayaang gawin ko 'yon." Lumukot ang kanyang mukha na ikinatawa ko.

"Oo na. Tara na?"

Kumunot ang noo nito. "H-Hindi pa ako handa, Van. Huwag muna. We have to get
married first." Seryoso nyang sambit.

Sandali akong natigilan dahil sa sinabi nya bago naintindihan kung ano ang
tinutukoy nya.

Napangisi ako... Gusto mo ng gaguhan ah? Okay. I'll show you, how should it should
be done.
"But, we can still do it even though we're not married. We'll use contraceptives."

Nakita kong napalunok ito na mahina kong ikinatawa.

"Hmmm... Asan nga pala si Zein?"

Humalakhak ako sa tanong nya. Mas magaling pa rin talaga ako pagdating sa ganito.

"Ewan. Basta sabi niya kita-kita na lang daw tayo mamaya." Sagot ko habang
pinagmamasdan ang aking sarili sa rear mirror.

Naramdaman ko rin ang paninitig nya sa akin kaya nakaramdam din ako ng pagkailang.

"Invited ba si Ace?" Tanong nya bigla.

Natigilan ako sa pag-aayos ng aking mukha dahil sa sinabi nya.

"Nope... Hindi invited si Ace."


***

Matthew's Point

of View

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang una kong
sasabihin. Para akong hihimatayin sa kaba.

"Matt? Bakit andito ka?" Halata ang gulat sa mata ni Angel nang makitang nakatayo
ako sa labas ng gate nila. "Pasok ka." Pinagbuksan nya ako ng gate.

Hindi ako agad nakakilos. Masyado akong kabado. Pinagpapawisan ako. What the hell?!
Daig ko pa ang aamin na buntis e. Tss.

Umupo ako sa sofa. Nagpaalam naman sya na kukuha lang namaiinom.

This is it.

"Juice." Ipinatong nya 'yon sa katapat naming lamesa bago umupo sa tabi ko.

"Ayos ka lang ba?" Alalang tanong nya nang maramdamang hindi ako gaanong makakilos.
"Matt!"
"Y-Yes. Bakit ka ba naninigaw?"

Halos mabingi ako nang sigawan nya ako. Natawa ito bago sumimsim sa kanyang baso
kaya wala akong nagawa kundi ang kunin din ang juice na inalok nya.

"Ano ba ang kailangan mo?" Hindi ko naintindihan ang tanong nya dahil hindi ko
maalis ang tingin ko sa kanyang labi.

Damn.

"Matt, may problema ka ba?"

"Wala."

Nakatingin lang ako sa kanyang labing basa dahil sa juice. Ni hindi ko nga
nalasahan ang ininom ko dahil sa labi nya... Damn.

"Angel?"

"Matthew Hart. Ano ba talaga ang problema mo?"

"Hindi ko alam paano nangyari."


"W-What? Hin---" Mabilis na sinunggaban ko ang kanyang labi.

Naramdaman kong nabigla ito sa una hanggang sa gumanti na ito ng halik. Bakit sa

kanyang labi ko lang nalasahan ang juice? Nauuhaw ako at parang labi nya lang ang
makakapatid doon.

Damn... I've never been this thirsty in my whole life. I've never been this
addicted for this fucking feeling and I think... I've fallen in fucking love with
an angel.

"M-Matt... Bakit?" Tanong nya habang nakatingin sa aking mata. Halatang


naguguluhan. "I thought you want us to be just friends? Ginugulo mo na naman ako."
Nakita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mata.

Hinawakan ko ang kanyang pisngi at hinaplos 'yon.

"Angel, I think I can't. I don't want us to be just friends. I want to hug you. I
want to kiss you. I want to love you more than friends... Can we cross the line?"

Tumulo ang luha sa kanyang pisngi. Wala na atang mas sasaya sa akin nung makita ko
ang pagtango nya at paghagulgol.

"Matt... Please. Let's cross the line... Together."


Mabilis na sinunggaban nya ang aking labi. Lihim akong napangiti. Damn. Hindi ko
inakalang mamahalin ko sya. Akala ko hanggang doon lang ang kaya ko ngunit habang
tumatagal ay unti-unting nawawasak ang sagabal sa pagitan namin.

"I love you... Matt."

"I love you more... My angel."

***

Allison's Point of View

Sa lahat ng pait na naranasan ko. Sa lahat ng sakit na bumagsak sa akin na halos


pumatay sa pagkatao ko. Hindi ko inakalang magiging masaya pa ako.

Oo. Kahit na nalugmok ako sa lungkot sa mga nangyari, may nag-iisang taong laging
nariyan para sa akin. Lagi nya akong pinapagalitan 'pag nakikita nyang tulala ako.

'Pagnatutulala ako ay

bigla ko na lang syang mararamdamang nakayakap sa akin. Siya ang pinaka magandang
nangyari sa akin.

Hindi ko maiwasang mapaluha habang nakatingin kina Mommy at Daddy na


nakikipagtawanan kay Shark.

"May bago na tayong baby." Humalakhak si daddy nang ngumuso si Shark.


Tumingin sa akin ang anak ko na parang humihingi ng tulong na ilayo sya sa mga
magulang ko na ginagawa syang bata. 'Yon pa naman ang pinaka ayaw nya sa lahat.

"Zein?" Tawag ko kay Zein na nakatutok sa kanyang laptop.

Tumingin ito sa akin. "Anong plano mo mamaya?" Tanong ko.

Sinara nya ang kanyang laptop at lumapit sa akin. Mas tumangkad ito at mas humaba
ang kanyang buhok.

"Wala. Kasiyahan lang kasama ang mga kaibigan ko."

"Kaibigan lang lahat?" Pang-aasar ko.

Kumunot ang noo nito bago ako tinaasan ng kilay. "Just friends. Ate, hindi ka
kasama at kung sino mang tinutukoy mo." Inis na sambit nya.

Humalakhak ako dahil sa kasungitan nya at hindi ko naiwasang yakapin ito. Nanginig
ang labi ko dahil sa kabila ng mga nagawa ko ay hindi nya ako nagawang kamuhian.
Mas minahal nya ako at 'yon ang pinaka pinasasalamatan ko.

Ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng kapatid na katulad ng isang Zein Shion na
handa kang intindihin kahit na maging ang sarili mo ay hindi mo maintindihan. Siya
'yong babaeng mamahalin ka nang buo at tatanggapin ang buo mong pagkatao.

"Happy birthday, sissy. I love you." bulong ko. "Thank you for everything." Hindi
ko maiwasang mapaluha nang sabihin ko 'yon.

"Wala

'yon, ate. Mahal na mahal din kita." bulong nya. "Pero sorry... Mas mahal ko sya
sa'yo." Humalakhak kami matapos nyang sabihin 'yon.

Hindi pa sila nagkikita ni Ace. Damn, Zein. Kung makikita mo lang si Ace ngayon.
Sigurado akong maglalaway ka na agad.

"Hindi ka talaga sasama?" Tanong ni mommy kay Zein na muling nakatutok sa kanyang
laptop.

Nakahawak sa aking kamay si mommy. This is heaven. Ito ang kapalit ng mga
sakripisyo at pagiging matatag ko. Sa wakas, tapos na ang paghihirap ko. Panibagong
'yugto na naman ang kakaharapin namin. Pero isa lang ang masasabi ko... Kahit gaano
pa kalaki ang problemang kakaharapin natin, makakaya natin 'yong lagpasan at
pagnalagpasan na natin 'yon... Doon natin mararamdaman ang kasiyahan na walang sino
mang makakapagpabagsak sa atin. Walang sino man ang makakasira sa atin.
Nakatingin lang ako kina mommy at daddy na naglalaro sa park, kasama si Shark na
halatang naiirita na. Binilhan pa nila ito ng lobo. Kaya mo 'yan, Shark. Humalakhak
ako nang pakawalan ni Shark ang lobo dahil sa inis.

Hindi sinasadyang mapatingin ako sa isang lalaking nakatayo hindi kalayuan sa akin.
Naka jacket ito at nakasuot pa ng hood.

Kahit na hindi ko ito mamukhaan ay kusang bumagsak ang luha sa aking mata. Nanginig
ang buo kong katawan nang hinubad nito ang kanyang hood.

"R-Raze..."

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Masyado akong nabigla at hindi ko


namalayang nakalapit na sya sa akin.

"Kamusta?" Ngumiti ito sa akin.

Hindi pa rin ako makapagsalita at tanging luha lang ang nararamdaman ko. Hindi ako
makapaniwalang sa loob ng maraming taon... Finally, he's back.
"R-Raze..."

Humalakhak ito. "Babanat ako a? Sana naman magustuhan mo kasi ilang taon ko itong
pinag-isipan." muling itong humalakhak.

"I could tell you a thousand jokes but I want you to know one single truth... "
Ngumiti ito sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Baby, I love you..." Bulong nya.

Hindi pa rin ako nakakapagsalita.

"Ganon na ba ako kagwapo para ma-speechless ka? Hays. Sabagay, nakakalaglag panga
naman talaga ang taglay kong gwapuhan."

Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin sya. Kasabay nang paghagulgol ko. Sobra
na ang sayang nararamdaman ko... Pakiramdam ko ay nakumpleto akong muli.

"Sorry, Allison. Sorry sa mga nasabi ko sa'yo." Humiwalay sya sa akin at hinarap
ako. Pinunasan nya ang luha sa aking mata. "Lahat sinabi ko sa'yo ay
kasinungalingan. Sa tingin mo ba, hahayaan kong kunin ang virginity ko kung hindi
kita mahal?" pagmamayabang nya.

"Sorry, Raze..."

"It's okay, baby. Alam kong isa akong mapagbirong tao sa'yo pero sana, sa
pagkakataong ito... Pwede bang magseryoso na tayo? Maari ba tayong mag-umpisang
muli?"

"Hey!" Nagulat ako nang bigla akong tinulak ni Shark palayo kay Raze na nakakunot
ang kilay. "Bakit mo niyakap si mommy?!" Sigaw nya.

Napangiti ako...

"P-Pating?!

Saan mo dinala ang mahal kong pusa?!"

"He's already mine!"


"What?! No! Ibalik mo sa akin si Dark!"

"No way!"

Napatingin sa akin si Raze. "Anak mo 'to?" Tanong nya sa akin at nakita kong
nasaktan sya do'n. "Hindi mo sinabing may anak ka na pala." malungkot nyang wika.

"Raze..."

"It's okay. I'm alright, baby. I can still love you kahit na may pating ka na."

"Baby, meet my son... Shark Silvenia."

Natigilan ito sa sinabi ko kasabay nang muling pagbagsak ng luha sa aking mata.
"W---What?"

Tumango akong muli. "Daddy Raze, I want you to meet our son..." ulit ko pa.

Wala na akong maintindihan dahil sobrang saya nang nararamdaman ko ngayon. Basta
ang alam ko lang ay binuhat ni Raze si Shark at inikot.

I think... Ito na ang pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko. I couldn't wish
for more, just their acceptance is enough.

We'll start another chapter of our life... The new beginning...

***

Zein's Point of View

Mabilis na lumabas ako sa kotse at naglakad papasok sa bar na nirentahan namin.


Kahit nasa bungad pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang malakas na stereo.

Pagkapasok ko ay mga birthday greetings ang bumungad sa akin. Mga classmate ko ito
nung college at meron ding high school. Sa dulong mesa ay kumakaway si Vanessa.
"Happy birthday,

Zein." Humalik sa aking pisngi si Vanessa. "Wala akong regalo, huwag ka nang
maghanap." natatawa nyang bulong.

"Happy birthday, Zein." bati ni Matt na may hawak na wine glass. "Cheers!" dugtong
pa nya.

Napansin ko agad si Jerome na nakangisi. "Wala rin akong regalo. Pero, 'pag
papagawa kayo ng bahay ni Ace. Ako na ang bahala." Humalakhak ito matapos 'yon
sabihin.

Umupo ako sa tabi nila at kinuha ang basong may lamang alak.

Napatingin ako sa dance floor kung nasan si Cedric na kumakaway sa akin. "Happy
birthday!" sigaw nya habang yakap-yakap ang isang babae.

Tumango na lang ako.

"Zein, may surprise kami sa'yo." Halatang excited si Vanessa doon dahil napatayo pa
sya sa kanyang upuan.
Magtatanong pa sana ako nang makita ko na ang kinatitilian nya.

"Mia!"

Halos magkumahog akong makalapit sa kanya. Natawa ito nang halos matumba kami sa
biglang pagyakap ko.

"Happy birthday, Zein."

Hinarap ko ito. Hindi ko maiwasang mapaluha dahil sa sobrang saya. "I miss you,
Mia. Pero--- Anong ginagawa nyo rito?" Tanong ko habang sinusulyapan si Dave na
nakipagkamayan sa mga kakilala nya.

"Pwede ba naming palagpasin ang birthday mo? And..." Ipinakita nya sa akin ang
kamay nya.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang kumikinang na singsing sa kanyang daliri.

"Engaged na kayo? Whoa. Ang bilis. Congrats."


Pumunta kami sa table nila Van at gaya ko ay nasurprise rin sila na engage na pala
ang dalawa at kung meron mang akong ipagpapasalamat ay sa

wakas... Tanggap na sila ng pamilya ni Mia. Legal na sila at may blessing na mula
sa pamilya.

Masaya ako para sa kanila. They deserved it. Lumaban sila at ipinakita nilang
malaki na sila at may sarili ng desisyon. 'Yon ang hinangaan ko sa kanilang dalawa.
Graduate na si Mia bale si Dave na lang ang nag-aaral.

"Ikaw, Zein?" Napatingin ako kay Dave nang marinig ko ang pangalan ko sa kanya.
"Kamusta lf?" Tanong nya.

Kumunot ang noo ko. "Lf?" tanong ko pabalik.

"Love life..." Ngumuso si Vanessa nang agawin ni Jerome ang basong may alak sa
kanyang kamay.

Umiling na lang ako bago binalingan ng tingin si Dave. "Lovelife? Ano 'yon?" Biro
ko.

"Ampalaya... Hindi pa ba kayo nagkikita ni Ace?" Ani Mia.


Pilit na napangiti na lang ako at umiling. Hindi ko pa sya nakikita at hindi ko rin
sya inimbitahan ngayon. Dalawang taon na ang nakakalipas. Wala na akong balita sa
kanya.

"Nagkita kami kanina ni Ace. Hindi mo pala sya inimbitahan?" Nagtatakang tanong ni
Matt.

"N-Nahihiya ako..."

"Whoa. Bago 'yon ah." Pang-aasar sa akin ni Vanessa na nakasandal sa balikat ni


Jerome. "Meron ka palang ganon?" Tinawanan nya ako nang itapon ko sa kanya ang
balat ng lemon.

Para kasing nahihiya akong imbitahan sya. Sa loob ng dalawang taon ay pinutol ko
lahat ng komunikasyon namin. Alam kong gagawa ng paraan si Ace para magkausap kami
ngunit nilabanan ko 'yon. Gusto kong

mabuhay kami kahit na magkalayo.

Sa loob din ng dalawang taon... Walang nagbago. Ako pa rin 'yong babaeng patay na
patay sa kanya. God. I miss him so much.
"Zein... Come on." Pinilit akong hinila ni Cedric papunta sa dance floor.

Natawa na lang ako sa kakulitan nya. Aktong sasayaw na rin ako nang biglang mamatay
ang ilaw sa paligid. Nagsigawan ang mga tao.

"You can have a dance with everyone in this club but not with my girl."

Nanindig ang balahibo ko nang biglang bumukas muli ang ilaw. Nakita kong may hawak
na control si Ace. Ipinakita nya sa akin 'yon.

"May dalawang button dito." Ipinakita nya pa sa amin 'yon. "Ang isa ay para i-turn
down ang power system ng bar na ito at ang isa... Ay para pasabugin ang buong lugar
na ito." ngumisi sya matapos sambitin 'yon.

Imbes na matakot ako ay umapaw ang sayang nararamdaman ko. Naka office attire ito
at halatang kagagaling lang sa opisina nila.
"What button?" Tanong nya kay Cedric.

"Wala... Sabi ko nga hindi sya sumasayaw e. Ikaw kasi, hinila mo ako sa dance
floor. Yari tuloy ako."

Lalapit sana sa amin si Ace nang harangin sya ng dalawang bouncer. Hindi kasi sya
invited kaya bawal syang pumasok.

Tinaasan nya ako ng kilay kaya napalunok ako.

Inis na inayos nya ang office attire nya bago naglakad palabas. Sumunod sa kanya
ang mga bouncer. Natigilan ang buong paligid dahil sa ginawa ni Ace.

Gatecrasher... Ace Craige.

"Susunod

na 'yan..." Tumawa si Vanessa. "Pustahan tayo. Tatakbo na si Zein para habulin ang
alas." Kinagat ko ang labi ko dahil sa sinabi nya.

Great! Alam na alam nya ang gagawin ko. Inis na inalis ko ang mga heels na suot ko.
Nagsigawan ang mga tao rito at wala na akong panahong mahiya.
"Go, Zein! Para sa ekonomiya!" sigaw ni Mia.

Mabilis na tumakbo ako para habulin si Ace. Halos madapa pa ako dahil sa bilis ng
takbo ko. Pakiramdam ko ay ito na ang huling pagkakataon ko. Pakiramdam ko, pag
nawala sya ngayon ay habang buhay na 'yon. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na
ito.

Pagkalabas ko ay malamig na hangin ang bumalot sa buo kong katawan. Nakapaa lang
ako kaya mas nilalamig ako.

"Miss, hinahanap mo ba 'yong lalaking pumasok kanina?" Tanong sa akin ng bouncer.

"Yes. Saang direksyon sya pumunta?" Tanong ko.

"Sa puso mo..."

"What?!" Naiinis ako sa mga nangyayari at sa sagot nya.

Ang kapal ng mukha nyang pagurin ako.

"Sabi kasi nya 'pag nagtanong ka ng direksyon ay 'yon ang isasagot ko." Kumamot ito
sa kanyang batok. "Kung gusto mo raw syang makita... Nasa bahay nyo raw dalawa..."
dugtong nya pa.

Kumunot ang noo ko bago napagtanto kung ano ang lugar nyang tinutukoy. Sa condo
kung saan kami tumira dati.

Tumakbo na ako ngunit may pahabol pa syang sinabi.

"Ihanda mo raw ang sarili mo!"

Hindi ko na 'yon pinansin at agad akong nagpara ng taxi. Ang lakas ng kabog ng
aking puso. Bakit ba ako nagmamadali? Hindi naman sya aalis!

Napatingin ako sa paa ko. Bagong pedicure

lang ako na nasira na ngayon. I hate you, Ace Craige!

Fuck you!

Pagkalabas ko ay agad na natanaw ko ang building. Pinagtitinginan pa ako ng mga tao


at hiyang-hiya ako sa sarili ko.

Hinarang ako ng dalawang guard kaya tumaas ang kilay ko.


"Miss? Bawala ang pulubi rito."

Natawa ako sa sinabi ng isang guard. Sa sobrang tawa ko ay nasipa ko na ang kanyang
paa at mabilis na kumaripas ng takbo at pumasok sa elevator.

Hinabol nila ako at saktong nagsara na ang elevator. Shit! Pawis na pawis na ako at
sirang-sira na ang paa ko.

Bwisit!.

Nang makatapat na ako sa unit ay agad kong pinindot ang password. Halos mapatalon
ako sa tuwa nang hindi nya pinalitan ang passcode.

'Pagkapasok ko sa loob ay napakaraming alaala ang bumungad sa akin. Namiss ko ang


lugar na ito.

Agad na pumunta ako sa kwarto nya. Walang bumungad na tao sa akin. Napaupo na lang
ako sa kama.
I think, mali ata ang lugar na pinuntahan ko.

Napatingin ako sa salamin. Umiiyak na pala ako, hindi ko man lang naramdaman. Oo,
miss ko na sya kaya ko nagawa ito.

Damn! I miss him so bad.

Napatingin ako sa cr nang bigla itong bumukas. Tumigil ang luha ko nang makita si
Ace na nakataas ang kilay. Tumutulo pa ang tubig sa kanyang buhok. Nakatapis lang
ito gamit ang towel. Tumutulo pa rin ang tubig sa kanyang katawan.

"What are you doing here?"

Muling tumulo ang luha sa aking mata dahil sa tanong nya.

"Ano nga bang ginagawa ko rito?" Parang

tangang tanong ko sa sarili ko. "Bakit ba ako tumakbo rito nang nakapaa? Bakit ba
ako nakipaghabulan sa mga pesteng gwardya ng building na ito? Bakit nga ba ako
umiiyak?" Natawa ako at tumayo na.

"Ano bang ginagawa ko sa kwarto mo e hindi naman sa akin ito."


Aktong aalis na ako nang maramdaman ang malamig nyang katawan sa aking likod.
Humagulgol ako dahil sa ginawa nya.

"Just kidding. I'm really expecting you here..."

Hinarap nya ako sa kanya. Napatitig ako sa kanyang malalim na mata. Ngumiti ito na
tumunaw sa galit na nararamdaman ko.

"I miss you..." Humigpit ang pagkakayakap nya sa akin. "So much." bulong nya.

"Ako pa rin ba, Ace?"

Kumunot ang noo nito. "Kahit na hindi ka kagandahan ay sa'yo lang ako." Sabi nito.

Hinampas ko ang kanyang dibdib na sana ay hindi ko na lang ginawa. Mas lumawak ang
ngisi sa kanyang labi.
"Ngayon, may karapatan ka ng hawakan ang katawan ko, Zein. Hindi ka na lang
hanggang tingin. You can own me anytime you want, darling."

Namula ako sa mga sinabi nya.

"I love you, Ace."

Napapapikit ako nang sunggaban nya ang aking labi. Nalasahan ko ang alak sa kanyang
labi. Nalalasing ako sa halik nito at nawawala ako sa aking sarili.

"You're finally home..." Muli nya akong hinalikan.

Inupo nya ako sa kama kasabay nang pagluhod nya sa aking harapan.

Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko sa

mga sandaling ito. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Tanging luha
ko na lang ang naging simbolo ng nararamdaman ko.

"Darling, I couldn't wish for more. Salamat, kasi tinanggap mo ako nang buo.
Salamat kasi kahit na napakarami kong kasalanan sa'yo ay nagawa mo pa rin akong
patawarin..."

"Kasi mahal kita... 'Yon lang, Ace."

"Zein Shion. Darling, I love you more than who I am and what I have. Will you be my
wife? Be my Mrs. Craige."

Natawa ako dahil wala naman syang singsing na inilabas.

"Hindi pa pala ako nakakabili ng singsing..." Kumamot ito sa kanyang batok. "Sige.
Sa susunod na lang nga ako magpo-proporse." Muli itong tumayo.

Damn! Ang inosente talaga ng lalaking 'to.

"Darling, yes. I'm willing to be your wife. I am willing to be your Mrs. Zein Shion
- Craige."

Napapikit ako nang bigla nyang inalis ang towel na nakapalupot sa kanya.
"Ace!"

"Nakapaghanda ka na ba?"

Pinanatili ko ang pagkakapikit ng aking mga mata.

"Binigyan na kita ng dalawang taon."

"Let's get married first! You jerk!"

Narinig ko ang paghalakhak nito bago naramdaman ang kanyang labi sa akin. Niyakap
nya ako at sabay kaming bumagsak sa kama kasabay nang pagdampi ng kanyang labi sa
akin.

"Sorry but I can't. Hindi kiya kayang pagbigyan ngayon."

Iminulat ko ang mata ko. Nakapikit si Ace habang hinahalikan ako. Halos mamaluktot
ako sa kiliti nang halikan nya ang leeg ko pababa.

Muli kong ipinikit ang aking mata kasabay nang pagbagsak ng luha sa aking mata.
Napabalikwas kami nang biglang may kumatok sa pinto. Sunod-sunod 'yon na halos
magiba na ang pinto.

Napatingin ako kay Ace na nakanguso. Natawa na lang ako nang magmadali itong
magsuot ng damit at boxer.

"Alas!" sigaw ni Raze sa labas. "Alas! May ikukwento ako sa'yo!" sigaw pa nito.

Nakita kong may kinuhang baseball bat si Ace bago lumabas. Natawa na lang ako nang
marinig ang mga malulutong nilang mura sa labas.

Niyakap ko na lang ang unan sa aking tabi. Sa dinami rami ng naransanan namin at
napagdaanan. Hindi ko inakalang magiging maayos pa ang lahat.

Marami pa kaming pagdadaanan na muling susubok sa katatagan namin. Handa akong


harapin ang lahat.

Hindi ako susuko...


Lalaban ako...

Ipapakita ko na kaya ko...

Napatili ako nang maisip ang aking pangalan na isusulat.

"Mrs. Zein Asola Shion - Craige."

The end.

You might also like