You are on page 1of 9

ACCOMODATION

Interviewer
Itatanong ko lang po pala, ilang taon na po kayo nakatira sa lugar na ito?

Respondent
Ano na mahigit 20 years na, mga 22 o 23.

Interviewer
May dahilan po ba kung bakit tumira po kayo dito?

Respondent
Pinaalis kasi kami diyan sa may...yung ano diyan sa may tabi nung riles, lumipat kami dito nung yari na
to, wala kasi kami matitirhan.

Interviewer
Hmm pwede niyo po bang ahh... parang idescribe po kung ano po yung yung sitwasyon nyo po na
nakatira ngayon po dito?

Respondent
Noong una, noong una kaming nakatira dito, hirap na hirap kami sa tubig, sa kuryente pa ano-ano lang,
parang ma-ano lang, hindi talaga kuryenteng maayos, e ngayon, ano na, kami ay nakumpleto na rin.

Interviewer
Bali may supply na din po kayo niyan hindi na po nai-interrupt ung supply po ng kuryente nyo?

Respondent
Oo

Interviewer
Ahh about po sa ano nyo po, sa way na papasok niyo po dito medyo nahihirapan po ba kayo?

Respondent
Yung sa ano nahihirapan ako kasi matanda na ko, hirap na hirap ako.
Interviewer
Eh yung mga apo nyo po or anak ganun nahihirapan din po ba sila?

Respondent
Nasanay na rin sila.

Interviewer
Ah nasanay na rin sila.

Respondent
Sa totoo nyan dito na rin sila lumaki e, kasi mahigit na 20 years na kami dito

Interviewer
Bali anong epekto po sa inyo nung ingay na naccause po nung highway? Naiingayan po ba kayo?

Respondent
Medyo nasasanay na rin ako, pero nung una talagang hindi kami makatulog, kasi sa gabi hindi ako
makahimbing matulog.

Interviewer
Kasi yung ingay po ng mga sasakayan.

Respondent
Oo maingay, maingay

Interviewer
Naexperience nyo na po bang magkaroon ng sunog po dito?

Respondent
Hindi pa naman, yung parang nag-uumpisa pa lang pero naagapan kagad, wala naman yung malaking
sunog.
LIVELIHOOD

Interviewer
Tapos naman po based sa livelihood niyo po, ano po yung parang, maliban po sa pagtitinda ano pa po
yung trabaho na nakukuha niyo po?

Respondent
Eh para sakin yung pagtitinda ang iba naman ay parang pang ano-ano pangbubuhay lang, eh yung
totoong trabaho yun ung wala, mga nakakasupply sa buhay.

Interviewer
Eh yung mga apo, anak niyo po mga trabaho nila?

Respondent
Mga anak ko pumapasok halimbawa sa mga housing, ganyan, o kaya nagtitinda rin. Mga apo ko nag-
aaral ganun.

Interviewer
Para po sa inyo ano pong trabaho yung pwedeng makatulong po maliban sa pagtitinda?

Respondent
Yung mga namamasukan, yun talaga ung makakatulong sa pagbabayad ng tubig ilaw, kasi hindi
nakakasapat yung pagtitinda e, ang bilihin kasi ngayon pataas na ng pataas e

Interviewer
Oo nga po e, pati yung pambayad

Respondent
Dun kami nahihirapan, kung pano magkakasya.

PROXIMITY TO ESTABLISHMENT

Interviewer
Ano pong malapit na hospital na pupuntahan niyo po dito?
Respondent
Diyan sa PGH, o kaya dito sa hospital ng Sampaloc

Interviewer
Ah sa eskwelahan po na napapasukan?

Respondent
Diyan sa ano, diyan sa, Roxas.

Interviewer
Oh, may mga anak or apo po kayo pumapasok po dun?

Respondent
Ah mga apo, mga apo ko.

Interviewer
Ilang taon na po sya>

Respondent
Mga ano lang sya, 14.

Interviewer
Hmm, parang junior high po?

Interviewer
Yung school po na yun, ano po ah, public po?

Respondent
Public, yung isa sa Mariano, dun sa may San Carlo, dun nag-aaral, dalawa sila, dito isa lang sa may
Roxas.

Interviewer
Eh pag bibili kayo sa palengke may malapit po bang palengke dito?
Respondent
Meron jan sa paco, o kaya jan sa talipapa, may talipapa jan oh

Interviewer
Eh yung pag market, mga mall po?

Respondent
Ahh hindi na ko nakakapunta, sila lang, kasi hindi na ko nakakalakd ng malayo?

Interviewer
Eh ano po yung pinakamapit na mall na napupuntahan nila?

Respondent
Diyan, sa talipapa, pag labas mo jan, maglalakad ka lang konti.

Interviewer
Mga ano po, mga landmark po, na madalas na alam po na alam ng marami? Ano po mga landmark dito?

Respondent
Hindi ko alam eh, mga apo ko lang ang nakakapunta dun e.

TRANSPORTATION

Interviewer
Pero dati po nakatry na po kayo bumyahe sa pang commute?

Respondent
Oo

Interviewer
Ano pong madalas na nasasakyan niyo po na commute?
Respondent
Sa tren ganyan, sa mga bus

Interviewer
Papuntang san po?

Respondent
Papuntang ano, Ilocos, nagbabaksyon kami ganon.

Interviewer
Kapag ano po yung malalapit lang po na biyahe, ganyan, eh ano pong madalas na mga public
transportation dito, may mga tricycle po ba dito sa looban?

Respondent
Meron din, doon nga ko nagpapahatid kapag gusto ko, halimbawa magsimba ganun.

UTILITIES

Interviewer
Sa pagkolekta naman po ng basura like paano po kayo nagtatapon ng basura?

Respondent
Merong nagtatapon diyan kada umaga, ano, ina announce nila, na ilabas niyo na mga basura niyo.

Interviewer
May sariling garbage collection po dito?

Respondent
Meron, pinagbubukod-bukod, bukod ung mga basura.

Interviewer
Ngayon po na tag-init, may power shotage po ba na naeexperience kayo dito?
Respondent
Meron, madalas, halos hindi nga kami makatulog, sa gabi lang kami ano, hindi nawawalan, kasi sa gabi,
may bentilador kami, sa araw nawawala.

Interviewer
Madalas po mawalan ng kuryente?

Respondent
Oo, madalas.

Interviewer
Oh, bali ngayon po ano po yung parang naging may, may aircon po ba kayo?

Respondent
Wala, wala kaming aircon.

Interviewer
Pero dito po sa, ayun parang meron naman po sila

Respondent
Eh, pag wala naman yung may-ari umaalis, hindi sila nakatira jan, pero may nakakabit na ganyan, ewan
ko sa kanila.

Interviewer
Pero pwede naman daw po yung magkabit ng ganun, or nilalakad pa po sa parang homeowners po
ganun?

Respondent
Meron silang naglalakad sa kanila.

Interviewer
Yung ano po pala yung tubig kuryente po pala, sarili niyo na po dito?
Respondent
Hindi, pinapaktakbo lang din ang kuryente.

Interviewer
Pero yung sa bayad po ganun?

Respondent
Pag babayad, dun ka magbabayad sa nag aano nyan, taga, yung nakakaalam.

Interviewer
Ay wala po ng sariling metro?

Respondent
Wala, yung sarili mo.

Interviewer
Yung bayad po ng renta nyo? Nabayaran niyo na po nung pagkalipat dito?

Respondent
Oo, yun nga ang una naming binayaran e, yung makalipat kami dito eh.

Interviewer
Hmm, so wala na po kayo ng bayaran monthly ganon po?

Respondent
Wala na, tinigil na, nagkaroon kasi ng kaso. May kaso tong building na to, na pagdating sa fifth floor hindi
pala kasali yun. Hanggang tenth floor, eh hanggang dito lang sa amin, e ginawa, hanggang itaas, kaya
ayun, nagkaroon ng kaso.

Interviewer
Bali pati po yung ibang nakatira dito hindi na din po nagbabayad?

Respondent
Nagbabayad sila eh dun sa may ano, may owner, kanila yun e, hindi kami malilipat dito kung hindi kami
kinuha sa may tabi ng riles e, parang nagkaroon nito e, meron kaming binayaran kasi dito e.

Interviewer
Magkano po? Kung naalala niyo?

Respondent
Nung una 6,000 ganun o 5,000

Interviewer
A month po o yung buong pagtira niyo po dito?

Respondent
Hindi, yung unang tira mo.

Interviewer
Ahh okay po. Bali, ayun lang naman po ang itatanong namin.

Respondent
Ohh, yun lang, wala na, kasi yung anak ko, yun dapat ang maiinterview.

Interviewer
Okay lang naman po.

Respondent
Ako lang ang taga-sabi ng alam ko.

Interviewer
Opo, opo, sige po maraming salamat po sa pagbigay ng oras sa interview. Thank you po nay.

You might also like