You are on page 1of 12

Para sa Tanging Gamit ng Sangay ng Lungsod Zamboanga

0
HINDI IPINAGBIBILI

5
Ang

FILIPINO
Kuwarter 4
Linggo 4 (MELC 48-49)

Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Inihanda ni:

BELINDA R. ROSAGARON
T-III/ TUGBUNGAN ELEMENTARY SCHOOL

Joezae Paulin B. Marcos, T I


Paaralang Elementarya ng Tugbungan
1

ASIGNATURA MELC
FILIPINO 5 KUWARTER 4 LINGGO 4 _______________________
AT BAITANG 48 dd/mm/yyyy

CODE F5WG-IVf-j-13.6
KASANAYANG Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa isang
PAMPAGKATUTO usapan (chat)

TANDAAN: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang iyong sagot sa iyong
SAGUTANG PAPEL para sa mga Pagsasanay at Pagtatasa.

ARALIN NATIN
Layunin: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa isang usapan (chat)
Paksa: Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng Pangungusap sa Pagsali sa Isang Usapan (chat)
(Lunsaran)

Ano ang ibig sabihin ng usapan (chat)?

➢ Ang usapan (chat) – ay ang pakikipag-usap ng dalawang tao o higit pa na maaaring sa


palakaibigan o impormal na paraan. Pwedeng personal na magkaharap, nasa linya ng
telepono, o kompyuter ang mga nag-uusap.

Paano makakatulong ang mga uri ng pangungusap sa pagsali sa isang


usapan (chat)?

➢ Sa pamamagitan ng paggamit ng mga uri ng pangungusap, maipapahayag nang maayos


ang saloobin ng bawat tao sa usapan (chat) at mas magiging makabuluhan ang usapan kung
may nagtatanong at may sumasagot na pasalaysay o padamdam.

Upang mapaunlad ang kakayahan sa pakikipag-usap (chat) gamit ang iba’t ibang uri ng
pangungusap, narito ang isang usapan. Basahin at intindihin nang mabuti.

Pagkatapos ng pistang-bayan, namasyal ang mag-anak na Perez sa pook na malapit sa


Bundok Banahaw.
JUN: Naku! Tingnan ninyo ang malawak na bukirin. Hindi ba napakaganda?
MOS: Kuya, ang luntiang palayan ang tingnan mo. Tila sumasayaw sa ihip ng hangin.
LOT: Kay taas ng Bundok Banahaw. Tila humahalik ito sa maputing ulap.
WILLY: Hali kayo, may talon dito at kay bilis ng agos sa ibaba.
INAY: Mag-ingat ka, Willy. Malalim ang ilog diyan.
TATAY: Talagang napakaganda ng pook na ito. Sana’y huwag maputol ang mga puno rito.
INAY: Hindi siguro dahil engkantado raw ang pook na ito. Takot pa rin ang mga tao na galawin ang
Banahaw.
Joezae Paulin B. Marcos, T I
Paaralang Elementarya ng Tugbungan
2

Pagtatasa sa Pagkatuto 1: Ano ang ibig sabihin ng isang usapan (chat)?


Pagtatasa sa Pagkatuto 2: Paano makakatulong ang mga uri ng pangungusap sa pagsali sa
isang usapan (chat)?

Sanayin Natin!
(Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.)

Gawain 1: Gawin mo!

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa napakinggang usapan.

1. Sino-sino ang nag-uusap?


2. Saan namasyal ang mag-anak?
3. Ano ang kulay ng palayan?
4. Paano nilarawan ni Lot ang Bundok Banahaw?
5. Ano naman ang sabi ng inay tungkol sa ilog?

Gawain 2: Kaya Ko!

Panuto: Bumuo ng pangungusap bilang tugon sa usapan na nasa ibaba. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.

Guro: Magandang umaga mga bata.


1. Mag-aaral: ______________________________________________________
Guro: Handa na ba kayo para sa ating aralin ngayong linggo?
2. Mag-aaral: ______________________________________________________
Guro: Ang ating aralin ay tungkol sa mga uri ng pangungusap. Kung may isang
tanong ka sa akin tungkol dito, ano iyon?
3. Mag-aaral: ______________________________________________________
Guro: Kung may gusto kang iutos sa iyong nakababatang kasamahan sa bahay,
paano mo ito sasabihin?
4. Mag-aaral: ______________________________________________________
Guro: Ano at paano mo naman sasabihin ang iyong naramdaman kung nasurpresa
ka sa iyong kaarawan?
5. Mag-aaral: ______________________________________________________

TANDAAN
Mahahalagang Konsepto

Ang paggamit ng tamang uri ng pangungusap sa isang usapan (chat) ang magbibigay
linaw sa nais ipabatid ng mga nag-uusap. Sa pamamagitan nito, magkakaintindihan ang
mga tauhan sa isang usapan (chat).

Joezae Paulin B. Marcos, T I


Paaralang Elementarya ng Tugbungan
3

SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan!
(Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.)
Panuto: Sumulat ng isang usapan gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap na maaaring
nangyari sa totoong buhay. Gawing gabay ang rubriks sa pagbuo nito na nasa ibaba.

RUBRIK SA PAGGAMIT NG IBA’T IBANG URI NG PANGUNGUSAP SA PAGSALI SA


ISANG USAPAN (CHAT)
5 4 3 2 1
NILALAMAN
• buo ang usapan
• wastong gamit ng mga uri pangungusap
BALARILA
• wastong gamit ng wika/salita
• baybay, bantas, estruktura ng mga pangungusap
ORGANISASYON
• lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga idea
• pagkakaugnay ng mga idea
5-Pinakamahusay 2-Mapaghuhusay pa
4-Mahusay 1-Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay
3-Katanggap-tanggap

Mag-aaral:_____________________________________________
Magulang: Magsisimula ang inyong klase sa Ika-5 ng Oktubre.
Mag-aaral:____________________________________________. Sino po ang aking guro?
Magulang:____________________________________________
Mag-aaral: Pwede na po ba akong lumabas sa araw na iyon?
Magulang: _____________________________________________
Mag-aaral:_____________________________________________

Huling Paalala: Pagkatapos mo sa gawaing ito, ibigay sa iyong guro ang iyong
sagutang papel para sa mga pagsasanay at pagtatasa at kumuha ng panibagong
CapSLET.

Sanggunian: Hiyas sa Wika, Batayang Aklat, Filipino, Ikalimang Baitang p. 123

DISCLAIMER
This learning resource contains copyrighted materials. The use of which has not been
specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning resource in our
efforts to provide printed and e-copy learning resources available for the learners in
reference to the learning continuity plan of this division in this time of pandemic.

This LR is produced and distributed locally without profit and will be used for educational
purposes only.

No malicious infringement is intended by the writer.


Credits and respect to the original creator/owner of the materials found in this learning
resource.

Joezae Paulin B. Marcos, T I


Paaralang Elementarya ng Tugbungan
4

Susi sa Pagwawasto

( Maaaring magkaroon ng ibang sagot ang mga mag-aaral dahil ang ibang mga sagot
ay batay sa kanilang sariling reaksiyon o opinyon.)

Pagtatasa ng Pagkatuto 1:

➢ Ang usapan (chat) – ay ang pakikipag-usap ng dalawang tao o higit pa na


maaaring sa palakaibigan o impormal na paraan. Pwedeng personal na
magkaharap, nasa linya ng telepono, o kompyuter ang mga nag-uusap.

Pagtatasa ng Pagkatuto 2:

➢ Sa pamamagitan ng paggamit ng mga uri ng pangungusap, maipapahayag


nang maayos ang saloobin ng bawat tao sa usapan (chat) at mas magiging
makabuluhan ang usapan kung may nagtatanong at may sumasagot na
pasalaysay o padamdam.

Sanayin Natin!

Gawain 1: Gawin mo!

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong tungkol sa kuwentong binasa.

1. Ang mag-anak na Perez o Sina Jun, Mos, Lot, Willy, Inay, at Tatay
2. Namasyal ang mag-anak na Perez sa pook na malapit sa Bundok Banahaw
3. Kulay Luntian
4. Kaytaas ng Bundok Banahaw. Tila humahalik ito sa maputing ulap.
5. Malalim ang ilog.

Gawain 2: Kaya Ko!

1. Mag-aaral: Magandang umaga rin po ma’am.


2. Mag-aaral: Handa na po.
3. Mag-aaral: Ano po ang mga uri ng pangungusap?
4. Mag-aaral: Pakisabi kay mama, sinasagot ko na ang aking mga aralin.
5. Mag-aaral: Maraming Salamat po talaga! Sobra akong nasiyahan.

Joezae Paulin B. Marcos, T I


Paaralang Elementarya ng Tugbungan
5

SUBUKIN NATIN!

Mag-aaral: Kailan po magsisimula ang aming klase ?


Magulang: Magsisimula ang inyong klase sa Ika-5 ng Oktubre.
Mag-aaral: Masaya iyon inay. Sino po ang aking guro?
Magulang: Si Binibing Maria ang iyong guro.
Mag-aaral: Pwede na po ba akong lumabas sa araw na iyon?
Magulang: Hindi ka pa makakalabas. Kami lang ang kukuha ng iyong modyul.
Mag-aaral: Okey po mama. Pakikuha na lang po ng aking mga modyul.

Joezae Paulin B. Marcos, T I


Paaralang Elementarya ng Tugbungan
6

ASIGNATURA
FILIPINO 5 KUWARTER 4 LINGGO 4 MELC _______________________
AT BAITANG dd/mm/yyyy
49
CODE F5PN-IVg-h-23
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO Nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan.

TANDAAN: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang inyong sagot sa iyong
SAGUTANG PAPEL para sa mga Pagsasanay at Pagtatasa.

ARALIN NATIN
Layunin: Nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan/nabasa.
Paksa: Pagbigay ng Lagom o Buod ng Tekstong Napakinggan/Nabasa
(Lunsaran)

Ano ang ibig sabihin ng lagom o buod?

➢ Ang lagom o buod – ay isang maikling pahayag na nagsasabi kung tungkol saan
ang binasa o napakinggang teksto. Ito ang pinakasimpleng anyo ng paglalahad.Isa
itong panibagong gawa sa isang akda upang tulungan ang mga mambabasa sa pag-
unawa ng diwa ng isang akda.

Paano makapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan?

➢ Sa pagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggang, simulan sa pag-alam sa


pangunahing kaisipan ng teksto o ang kabuoang nilalaman nito at paikliin ang teksto
sa pinakasimpleng anyo nito.

Isa sa pinakamahalagang tanda na nauunawaan ang binasa ay ang maibigay ang


buod o lagom nito.
Upang makagawa ng lagom o buod, narito ang isang tekstong inyong
papakinggan/babasahin. (Humiling sa kasamahan na maaaring bumasa para sa iyo).

Bakit Hindi Naliligaw ang mga Langgam?


(ni Jojo Briones-Cruz)

1. Ang mga langgam, ay kung saan-saan napupunta sa paghahanap ng kanilang makakain.


Pero kapag oras na para bumalik sila sa kanilang lungga bumabalik sila sa nakakabilib na
diretsong linya.

2. Kung paano sila nakakauwi mula sa pagkuha ng mga pagkain ay palaisipan pa rin sa
mga siyentipiko. Ngayon ay ipinahihiwatig ng mananaliksik na German at Swiss na ang
aspeto ng gawaing ito ay gawa raw ng matalas at malikhaing pagkilos. Nalaman nila na ang
mga langgam kapag pinawalan sa patag na kalupaan ay nagsisimulang maghanap ng
distansiya mula sa kanilang lungga.

3. Pinag-aralan ng pangkat ni Sandra Wohlgemuth mula sa Humbolt University sa Berlin


Joezae Paulin B. Marcos, T I
Paaralang Elementarya ng Tugbungan
7

ang mga langgam sa disyerto ng Sahara at tinuruang maglakad sa itaas at ibaba ng bundok
para kumuha ng pagkain.

4. Ipinakikita nito na ang mga langgam ay may kakaibang uri ng odometer na nagtatala sa
distansya ng lupa , imbes na ang kabuuang distansiya na nalakbay sa taas-babang terrain.

5. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang mga langgam ay posibleng mahulaan ang
kanilang gagawing pagkilos sa iniisip nilang pahalang na daanan at pagkatapos naitatala
ang distansiya ng lupa patungo sa kanilang lungga sa kapatagan.

Pagtatasa sa Pagkatuto 1: Ano ang lagom o buod?


Pagtatasa sa Pagkatuto 2: Paano makapagbibigay ng lagom o buod ng napakinggang teksto?

Sanayin Natin!
(Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.)
Gawain 1: Gawin mo!

Panuto: Ibigay ang wastong sagot para sa mga sumusunod na tanong batay sa
napakinggang/nabasang teksto.

1. Bakit pumupunta kung saan-saan ang mga langgam?


2. Paano sila bumabalik sa kanilang lungga?
3. Paano pinag-aralan ng mga mananaliksik kung paano nakakauwi ang mga langgam?
4. Ano ang kinalabasan ng pananaliksik?
5. Ano ang posibleng nagagawa ng langgam?

Gawain 2: Kaya Ko!


Panuto: Ibigay ang lagom o buod ng tekstong napakinggan/nabasa (Bakit Hindi
Naliligaw ang mga Langgam?). Isulat ang buod sa anyo ng
pangungusap na pasalaysay. Gawing gabay ang nakapaskil na rubriks sa ibaba.

RUBRIK SA PAGBIBIGAY NG LAGOM O BUOD


5 4 3 2 1
Angkop at malinaw ang diwa ng ibinigay na lagom o buod
Pinakapayak o pinakasimpleng anyo ng teksto ang inilahad
Nakasulat sa anyo ng pangungusap na pasalaysay ang lagom
o buod
Maayos ang pagkakabuo ng mga pangungusap
5-Pinakamahusay 2-Mapaghuhusay pa
4-Mahusay 1-Nangangailangan pa ng mga pantulong ng pagsasanay
3-Katanggap-tanggap

TANDAAN
Mahahalagang Konsepto

Ang tekstong napakinggan/nabasa ay maaaring mapaikli o mabigyan ng buod,


sapagkat ang buod nito ay ang kabuoang nilalaman ng inyong napakinggan/nabasa.
Nagsasaad ito ng pangunahing ideya ng teksto. Sa pagbubuod ng tekstong
napakinggan/nabasa, mapaiikli sa dalawa, tatlo o ilang pangungusap lamang ang isang
buong teksto.

Joezae Paulin B. Marcos, T I


Paaralang Elementarya ng Tugbungan
8

SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan !

(Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.)

Panuto: Ibigay ang lagom o buod ng tekstong napakinggan/nabasa. Isulat ang buod sa
anyo ng pangungusap na pasalaysay sa loob ng limang pangungusap. Gawing
gabay ang nakapaskil na rubriks sa ibaba. (Humiling sa kasamahan na maaaring
bumasa para sa iyo).

May SAWA sa Agusan del Sur

Ang SAWA sa Agusan del Sur ay hindi sawa na iyong iniisip na isang malaking ahas
na may kakahayang lingkisin ang isang tao. Sa katunayan, ang SAWA ay nagkaloob ng
magandang hanapbuhay sa mga ina ng tahanan nasabing probinsiya.

Ang ibig sabihin ng SAWA ay Sibagat Abaca Weavers Association. Ito ay


organisasyon ng kababaihan sa Barangay Sinai na ngayon ay kinikilala sa pagtatanim at
pagpoproseso ng abaka. Pinagbuti ng kababaihan ang kanilang pagsasanay sa
pagpoproseso ng abaka hanggang sa matutuhan nila ang paglikha ng tinagak at paghahabi.

Ngayon ay maituturing na silang mga eksperto sa gawaing ito. Kinilala na ang


kanilang mga likhang-produkto na gawa sa abaka na kanilang naipagbibili hanggang sa
mga probinsya sa Rehiyon 5 at 8. Ang kahusayan sa pamamalakad at paglikha ng mga de-
kalidad na produkto ang naging dahilan kung bakit naging huwaran ang SAWA sa kanilang
mga proyekto.

Ang kakulangan ng pagkakakitaan o hanapbuhay ang nagtulak sa mga ina ng tahanan


na magtanim na abaka sa kanilang mga bakanteng lote. Sa tuwing aanihin na nila ang mga
pananim nilang abaka, pinoproseso lamang ito gamit ang kanilang mga kamay. Ipinagbibili
nila ito nang kada kilo sa lungsod. Ganito ang nakasanayan ni Aling Rona na gawin sa
kaniyang aning abaka.

Ngunit isang araw, habang si Aling Rona ay nagtitinda ng abaka sa lungsod, isang
mamimili na eksperto sa abaka ang nakapansin ng kaniyang tinda. Bumisita ang naturang
eksperto sa kanilang barangay upang personal na makita kung papaano ang kanilang
pagtatanim at pagpoproseso ng abaka.

Kumalat sa buong probinsiya ang malawakang pagtatanim at ang malakihang


pagbebenta ng abaka ng mga magsasaka ng taga-Barangay Sinai. Nakarating ang
magandang industriyang ito sa kaalaman ng pamahalaang lokal ng Sibagat at binigyan sila
ng mga tulong sa kanilang kabuhayan tulad ng pagsasanay sa paghahabi ng abaka.

Sa pakikipag-ugnayan ng SAWA sa iba’t ibang ahensiya, ang organisasyon ay


nakaipon ng PHP 5.5 milyon. Ito ang nagsisilbing puhunan nila sa pagpapaunlad ng
kanilang mga proyekto kaugnay ng abaka tulad ng pagsasanay ng paggawa ng bags,
pagbili ng mga pantahing makina para sa paggawa ng mga bag at iba pa.

Joezae Paulin B. Marcos, T I


Paaralang Elementarya ng Tugbungan
9

Malaki ang naitulong ng industriya ng abaka sa bayan ng Sibagat. Nakatulong ang


industriya upang maipaayos ang mga daan na naging dahilan upang higit na mapadali ang
pagluluwas ng kanilang mga produktong agrikultural sa mga pamilihang-bayan.

Ang magandang halimbawa na sinimulan ng SAWA ay sinundan ng maraming


mamamayan sa bayan ng Sibagat.

RUBRIK SA PAGBIBIGAY NG LAGOM O BUOD


5 4 3 2 1
Angkop at malinaw ang diwa ng ibinigay na lagom o buod
Pinakapayak o pinakasimpleng anyo ng teksto ang inilahad
Nakasulat sa anyo ng pangungusap na pasalaysay ang lagom
o buod
Maayos ang pagkakabuo ng mga pangungusap
5-Pinakamahusay 2-Mapaghuhusay pa
4-Mahusay 1-Nangangailangan pa ng mga pantulong ng pagsasanay
3-Katanggap-tanggap
Huling Paalala: Pagkatapos mo sa gawaing ito, ibigay sa iyong guro ang iyong
sagutang papel para sa mga pagsasanay at pagtatasa at kumuha ng panibagong
CapSLET.
ALAB FILIPINO 5 Batayang Aklat p. 201;pp. 214-216

Sanggunian: FILIPINO 5 Teacher’s Guide Ikaapat na Markahan p. 3

LRMDS MISOSA Pagbubuod at mga Kayarian ng Pangngalan pp. 2-5

DISCLAIMER
This learning resource contains copyrighted materials. The use of which has not been
specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning resource in our
efforts to provide printed and e-copy learning resources available for the learners in
reference to the learning continuity plan of this division in this time of pandemic.

This LR is produced and distributed locally without profit and will be used for educational
purposes only.

No malicious infringement is intended by the writer.


Credits and respect to the original creator/owner of the materials found in this learning
resource.

Joezae Paulin B. Marcos, T I


Paaralang Elementarya ng Tugbungan
10

Susi sa Pagwawasto

( Maaaring magkaroon ng ibang sagot ang mga mag-aaral dahil ang ibang mga sagot
ay batay sa kanilang sariling reaksyon o opinyon.)

Pagtatasa ng Pagkatuto 1:

➢ Ang lagom o buod – ay isang maikling pahayag na nagsasabi kung tungkol


saan ang binasa o napakinggang teksto. Ito ang pinakasimpleng anyo ng
paglalahad.Isa itong panibagong gawa sa isang akda upang tulungan ang
mga mambabasa sa pag-unawa ng diwa ng isang akda.

Pagtatasa ng Pagkatuto 2:

➢ Sa pagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggang, simulan sa pag-


alam sa pangunahing kaisipan ng teksto o ang kabuuang nilalaman nito at
paikliin ang teksto sa pinakasimpleng anyo nito.

Sanayin Natin!

Gawain 1: Gawin mo!

1. Ang mga langgam ay kung saan-saan nagpupunta sa paghahanap ng kanilang


makakain.
2. Bumabalik sila sa kanilang lungga sa diretsong linya.
3. Tinuruan nilang maglakad sa itaas at ibaba ng bundok para kumuha ng pagkain.
4. Nalaman nila na ang langgam, kapag pinawalan sa patag na lupa ay naghahanap ng
pagkain sa pinakamalapit na distansya mula sa lungga. Ipinakikita nito na ang langgam
ay may kakaibang uri ng odometer na nagtatala sa distansya ng lupa.
5. Ang mga langgam ay posibleng makahula sa kanilang gagawing pagkilos sa iniisip
nilang pahalang na daan at naitatala ang kanilang posisyon tungo sa kanilang lungga
sa kapatagan.

Joezae Paulin B. Marcos, T I


Paaralang Elementarya ng Tugbungan
11

Gawain 2: Kaya Ko!

Ang langgam ay pumunta kung saan-saan at nakababalik sa lungga sa


diretsong linya Dahil ito ay gawa raw ng matalas at malikhaing pagkilos. Ang
langgam ay may odometer na nagtatala sa distansiya ng lupa. Posibleng
mahulaan ng langgam ang kanilang gagawing pagkilos sa iniisip nilang pahalang
na daanan.

SUBUKIN NATIN!

Ang SAWA (Sibagat Abaca Weavers Association) na isang organisasyon ng


kababaihan sa Barangay Sinai at ngayong kinikilala sa pagtatanim at pagpoproseso ng
abaka ay nagkaloob ng magandang hanapbuhay sa mga ina ng tahanan sa nasabing
probinsiya. Nakipag-ugnayan ang SAWA sa iba’t ibang ahensya at nakaipon ng PHP.
5.5 milyon na nagsilbing puhunan nila sa mga proyekto. Malaki ang naitulong ng
industriya ng abaka sa bayan ng Sibagat at sinundad ng maraming mamamayan ang
magandang halimbawang sinimulan ng SAWA.

Joezae Paulin B. Marcos, T I


Paaralang Elementarya ng Tugbungan

You might also like