You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Lalawigan ng Agusan del Sur
Bayan ng Sta.Josefa
Sta Josefa National High School

UNANG MARKAHAN SA FILIPINO


FILIPINO SA PILING LARANG

Pangalan: __________________________________ Petsa:


________________________
Guro: _____________________________________ Baitang/Seksyon:
_______________

Tandaan:
1. Iwasang magbura ng sagot, di na ito maiwawasto. Matuto ka sa bawat pagkakamali dahil di sa lahat ng
oras, maitatama ito.
2. Panatilihing malinis ang sagutang papel.
3. Siguraduhing binasa at tinandaan ang bawat panuto.

I. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot.Isulat
ang sagot sa nakalaang espasyo.

________1. Alin sa mga makrong kasanayan ang hindi kapangkat;/kasama na madalas ang isang indibidwal na
gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan.
A.Pakikinig B.Pagbabasa, C.Panonood D.Pagsusulat
________2. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Ginagawa ang mga sulating ito
taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi ang layuning makipag-ugnayan sa tao o
sa lipunan. Alin sa mga halimbawa ang hindi kapangkat/kasama ng transakyonal?
A.kwento B.pananaliksik C.sulating panteknikal D.balita
________3. Isa itong intelektwal na pagsulat . Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman
ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayong kay Carmelita Alejo et.al. Layunin nitong ipakita ang
resulta sa pagsisiyasat o ng isang ginawang pananaliksik.
A.Malikhain B.Teknikal C.Akademiko D.Reperensyal
________4. Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin ito
hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Halimbawa sa guro , pagsulat ng lesson plan ,
paggawa at pagsusuri ng kurikulum, para sa doctor o nars – paggawa ng medical report, narrative
report tungkol sa physical examination sa pasyente at iba pa.
A.Malikhain B. Propesyonal C.Dyornalistik D. Teknikal
________5. Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula dahil
dito iikut ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat
upang maging makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
A.Paksa B Wika C.Layunin D.Pamamaraan ng Pagsulat
_______6. Isang tala sa buhay ng tao na naglalaman ng kanyang academic career na madalas ay makikita o
mababasa sa mga dyurnal , aklat , abstrak ng mga sulating papel websites at iba pa .
A.Abstrak B.Sintesis C.Bionote D.Buod
_______7. Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita.
A.Abstrak B. Sintesis C.Bionote D.Buod
_______8. Elemento ito ng Abstrak na naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.
A.Metodolohiya B.Delimitasyon C. Panimula D. kongklusyon

_______9. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa
ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha
ng datos sa pagkukuwento. (bahagi ito ng hal. ng Abstrak)
A.Saklaw at Delimitasyon B.Metodolohiya C.Introduksyon D.Resulta
_______10. Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na impormasyon tungkol
sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A. gamit B. layunin C. kahulugan D. Kalikasan
_______11. Ang layunin ng talumpating ito ay tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon.
A. pampasigla B. panghikayat C.kabatiran D.pagbibigay-galang
_______12. Isang uri ng talumpati na kung saan ay isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda nagbibigay
ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan.
A. maluwag na talumpati C. biglaang talumpati
B. manuskrito na talumpati D. isinaulong talumpati
_______13. Ito ay mahusay ding pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
A. biglaang talumpati C. manuskritong talumpati
B. isinaulong talumpati D. maluwag na talumpati
_______14. Ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar o programa sa pagsasaliksik kaya pinag- aralan itong
mabuti ang dapat na nakasulat.
A. maluwag na talumpati C. biglaang talumpati
B. manuskrito na talumpati D. isinaulong talumpati
_______15. Isang uri ng talumpati na kung saan ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda na kaagad ibinibigay
ang paksa sa oras ng pagsasalita.
A. biglaang talumpati C. manuskrito na talumpati
B. isinaulong talumpati D. maluwag na talumpati

II. Panuto:
Pagtukoy sa akademikong sulatin:Kilalanin ang mga halimbawa ng akademikong sulatin upang magkaroon nang mas
malinaw na konsepto at kaalaman ukol dito. Piliin ang titk ng tamang
sagot sa kahon.

A. Panunuring Pampanitikan F. Pamanahong papel


B. Bibliyogarapiya G. Disertasyon
C.Tesis H. Pagsasaling-wika
D.Artikulo I. Aklat
E. Konseptong papel J. Abstrak

___16. Sa Ingles ay tinatawag na term paper na karaniwang ginagawa sa kolehiyo. May ilang nasa sekondaryang
antas ang maaaring nakaranas na ring makagawa ng ganitong sulatin. Ginagawa ito para sa
pangangailangang pang-akademiko.
___17. Panimulang pag-aaral o proposal, ito ay kabuuan ng ideyang nabuo mula sa isang balangkas o framework.
___18. Ito ay sulating may kinalaman sa pananaliksik at pagtuklas ng isang manunulat. Ginagawa ito ng isang
indibidwal bilang pangangailangan sa kursong pinag-aaralan o propesiyonal na kwalipikasyon. Ito ay
ginagamit na bahagi ng kursong Batsilyer at Masterado.
___19. Isang pormal na sulatin ukol sa isang paksa na ginagawa para sa titulong doktor.
___20. Pagsusuri ng isang panitikan sa mas malalim na ideyang nais ihatid ng manunulat.
___21. Mga pahayag, ideya, o ilang uri ng panitikang na sa isang wika ay ihahayag sa ibang anyo ng wika.
___22. Kalipunan ng mga kaalaman para sa kapaki-pakinabang paghahatid ng karunungan (Maaaring
pahayagan, magasin, at iba pa).
___23. Ito ay sulating naghahatid ng iba’t ibang impormasyon na may kinalaman sa iba’t ibang paksa gaya ng
mga nangyayari sa ating lipunan, kalusugan, isports, negosyo, at iba pa.
___24. Ang kasaysayan, pagkilala o paglalarawan ng mga nasulat o sulatin o pablikasyon. Kasama rin ang
posisyong papel, sintesis, bionote, panukalang proyekto, talumpati, katitikan ng pulong, replektibong
sanaysay, agenda, pictorial essay, lakbay-sanaysay at abstrak.
___25. Uri ng paglalagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel
na siyentipiko at teknikal ,lektyur, at mga report.

III. Panuto: Sagutin mo ang lahat ng aytem. Pumili ng sagot sa loob ng panaklong

(Abstrak, Sintesis, Buod, Bionote at Katitikan ng Pulong )


________26. Ang pagbasa at pagpapatibay nito ay bahagi ng isang pagpupulong.
_______27. Tandaan na dapat ay maging ¼ o 1/3 lang ito sa kabuuang haba ng orihinal na artikulo.
_______28. Kapag napagtibay ay nagsisilbi itong opisyal at legal na kasulatan.
_______29. Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian at gumagamit ng iba’t ibang
estruktura at pahayag.
_______30. Tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang mga narinig o nabasang
artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan at iba pa.
_______31. Ito ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel
tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report.
_______ 32. Binubuo ng 200- 300 na salita.
_______ 33. Personal na impormasyon  kung saan nagsimula ang awtor, ang edad, ang buhay nito noong siya’y bata
pa lamang at iba pa.
_______ 34. Kaligirang pang-edukasyon  ang paaralan kung saan ito natuto, mga akademikong parangal, at ang digri.
_______35. Tinatawag din itong opisyal na tala ng isang pulong.
_______36. Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw (third-person)
_______37. Isang paalala sa sulating ito na, bago ang pulong, magpasiya kung anong paraan ng pagtatala
ng katitikan ang iyong gagamitin.
_______38. Gumagamit ng baligtad na tatsulok na sistema ng pagpapakita ng impormasyon mula sa
pinakamahalaga papunta sa hindi gaano ka halaga.
_______39. Ito ay may layunin na ipakilala ang manunulat at nagpapahayag ng mga katangian nito bilang isang
indibidwal na may kredibilidad.
_______40. Buuin agad ito pagkatapos na pagkatapos ng pulong habang sariwa pa sa isip ang lahat ng mga
tinalakay.

IV. Panuto: Isulat ang tamang gabay o padron ng pagbabalangkas.(40-50)


Ang wastong edukasyon ay iyong pahalagahan, ito’y susi sa iyong
kinabukasan.

SUSI NG PAGWAWASTO
1.D
2.A
3.C
4.B
5.A
6.C
7.B
8.D
9.B
10.B
11. D
12. A
13. B
14. C
15. A
16. F
17. E
18. C
19. G
20. A
21. H
22. I
23. D
24. B
25. J
II.
26. Katitikan ng Pulong
27. Buod
28. Katitikan ng Pulong
29. Sintesis
30. Buod
31. Abstrak
32. Abstrak
33.Bionote
34.Bionote
35.Katitikan ng Pulong
36.Bionote
37.Katitikan ng Pulong
38. Bionote
39.Bionote
40.Katitikan ng Pulong

You might also like