You are on page 1of 5

Quarter: 4 Week: 2 Learning Area: MAPEH 5 (ARTS)

May 8,9,10, 2023 - Modular Distance Learning


Day 1
Home-Based Activities
3D at Eskultura: Ang Tradisyon ng Sining sa Pilipinas

Ang mobile art ay isang uri ng kenetikong eskultura na kung saan ang mga bagay ay isinasabit sa mga tali,
kawad, at kabilya upang malayang makagalaw at makaikot. Ginagamit itong pandekorasyon sa mga tahanan o
maging sa paaralan.
Upang maging makabuluhan ang paggawa ng mobile art ay kailangang lagyan ng diwa tulad ng pangangalaga
sa kalikasan, pagpapahayag ng yaman ng kultura, o pagsasalaysay ng isang kuwento. Mas mabuti ring gumamit ng
mga bagay na nagamit na at maaaring i-recycle upang mabigyan ng bagong buhay. Maaari ring gumamit ng mga
found object o mga bagay na napulot tulad ng mga kabibe, maliliit na bato, at iba
pa. Ang iyong pagiging malikhain ang matatag na pagmumulan ng magandang mobile art na magagawa.
Mahalaga ang kaalaman sa pagkilala sa mga kagamitan sa paggawa ng mobile art upang magkaroon ng
mahabang oras at panahon sa paghahanda bago gumawa ng likhang-sining.

Ang Sining ng Paggawa ng Palayok


Ang pagpapalayok ay isang proseso o paraan ng paggawa ng palayok sa pamamagitan ng paggamit ng luwad o
clay.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Palayok

Ang paggawa ng palayok ay nahahati sa apat na maselang bahagi.


1. Ang unang bahagi ay ang pagbungkal ng magandang uri ng luwad at paghahanda sa lupa. Ito ay palalambutin at
lilinisin sa matigas na bahagi tulad ng bato at iba pang sangkap ng lupa.
2. Ang ikalawang bahagi ay ang pagmamasa sa luwad hanggang makamit ang katamtamang lambot nito gamit ang
kamay o sa tulong ng alagang hayop tulad ng kalabaw. Ang pagmamasa ay pag-alis ng hangin sa luwad na maaaring
maging sanhi ng pagkabiyak nito habang pinatutuyo ang mga palayok.
3. Ang pangatlong bahagi ay paghuhugis ng palayok. Ang katutubong paraan ng pagbibigay hugis sa palayok ay
gamit lamang ang kamay. Sa makabagong panahon, ginagamit ang umiikot na gulong (potter’s wheel) sa paghugis
nito. Habang pinatutuyo ang mga palayok at tapayan sa lilim nilalapatan din ng disenyo ng ibang manlilikha tulad ng
mga linya o disenyong bulaklak at iba pa. Ang pagpapatuyo sa palayok ay sapat lamang, hindi sobrang tuyo, at hindi
rin sobrang basa bago ito ilagay sa hurnuan.
4. Ang pang-apat na bahagi ay paghuhurno o pagsusunog (firing) ng palayok. Ang katutubong pamamaraan ng
pagsusunog ay ibinabaon ang mga gawang palayok sa mababaw na hukay sa lupa. Tinatabunan ito ng dayami at ipa
(balat ng palay) at sinusunog nang mahabang oras bago ito hanguin at palamigin. Ang makabagong paraan naman
ay ang paghuhurno gamit ang init ng baga o hindi naman kaya ay kuryente.

Ang Sining ng Paggawa ng Paper Mache Jar


Ang paper mache ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay nginuyang papel na gawa mula sa piraso ng mga papel
o dinurog na papel na binuo sa pamamagitan ng glue, starch o pandikit.

Sa paggawa ng paper mache, may dalawang paraan na maaaring gamitin. Ang una ay ang paggamit ng pinilas
na papel na idinikit sa moldeng hulmahan. Ang ikalawa ay ang paggamit ng dinurog na papel sa pamamagitan ng
pagbababad sa tubig o pagpapakulo sa tubig at hahaluan ng pandikit o glue.
Ang tamang hakbang at paraan ng paggawa ng paper mache ay nararapat sundin upang matagumpay na
makabuo ng paper mache o taka.
Ang hugis ay base sa moldeng hulmahan at ang mga gagamiting papel at pandikit ay nararapat na naihanda para
mabuo ang taka.

Ang Sining ng Paggawa ng Paper Bead

Kilala ang mga Pilipino sa pagiging malikhain at pagkamaparaan. Makikita ito sa estilo ng pananamit, pagkain, at
pagkahilig sa pagsusuot ng mga makukulay na mga dekorasyon, palamuti, at alahas sa katawan. Ilan dito ay ang
mga pulseras at kuwintas na higit na nagpapatingkad sa kanilang kasuotan lalo na ang mga kababaihan.

Gusto mo bang sumubok gumawa ng mga palamuti? Madali itong gawin kung gagamitin ang pagkamalikhain sa
pagdidisenyo. Lalong mainam kung ang gagamiting materyales sa paggawa ay recycled o mga gamit na patapon
ngunit maaaring bigyan ng bagong buhay.
Ang mga paper bead ay likhang sining na ginagamitan ng mga pinulupot na papel na may iba’t ibang hugis at
kulay.
Ang paggawa ng mga paper bead ay isang mabisang paraan upang mapakinabangang muli ang mga lumang diyaryo,
magasin, at makukulay na papel. Maaari itong gawing palamuti o dekorasyon sa ating tahanan at higit sa lahat
maaari
itong pagkakitaan.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
1. Ang ________ ay kaaya-ayang paggalaw ng kulay, hugis, linya o biswal at hindi- biswal na pandama.
A. ginto B. itim na luwad C. mobile art D. ritmo
2. Ang ________ ay uri ng sining na gumagalaw sanhi ng tao o hangin.
A. ginto B. mobile art C. paper bead D. paper mache
3. Ang _________ ay pangunahing bagay na ginamit sa paggawa ng sinaunang personal na palamuti ng ating mga
ninunong Pilipino.
A. ginto B. palayok C. paper bead D. paper mache
4. Ang _________ ay pangunahing bagay na kagamitan sa paggawa ng tapayang burnay.
A. ginto B. itim na luwad C. pulang luwad D. tapayan
5. Ang ________ ay isang kagamitan sa pagluluto na ginawa mula sa pulang luwad.
A. mobile art B. palayok C. paper bead D. paper mache
Day 2
Home-Based Activities
GAWAIN 2
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
1. Ang _______ ng luwad sa mainit na baga o apoy ay kinakailangan upang ito ay maging matibay.
A. paghuhurno B. paglalapag C. paglilitson D. pagsisiga
2. Ang tapayang ________ ay gawa sa maitim na luwad na nagiging tila kristal kapag naluto o nahurno.
A. banga B. burnay C. palayok D. tapayan
3. Ang siyudad ng _____________ ay kilala sa tapayang burnay.
A. La Union B. Pampanga C. Pangasinan D. Vigan
4. Ang paso ay gawa mula sa __________ uri ng luwad.
A. dalandan B. dilaw C. itim D. pula
5. Ang ____________ ay sinaunang banga na nagsisilbing pangalawang libingan.
A. bangang Manunggul B. burnay C. palayok D. tapayan
Day 3
Home-Based Activities
GAWAIN 3

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot para mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.
1. Ang __________ ay pangunahing bagay na kagamitan sa paggawa ng tapayang burnay.
2. Ang __________ ay isang kagamitan sa pagluluto na ginawa mula sa pulang luwad.
3. Ang __________ pangunahing bagay na ginagamit sa paggawa ng sinaunang personal na palamuti ng ating mga
ninunong Pilipino.
4. Ang tapayang __________ ay gawa sa maitim na luwad na nagiging tila kristal kapag naluto o nahurno.
5. Ang ____________ ay uri ng sining na gumagalaw sanhi ng tao o hangin.

May 11 -12, 2023 - Face to Face


Day 3
I. LAYUNIN
Nakikilala ang mga kagamitang ginagamit sa paggawa ng tatlong dimension sining na nagpapahayag ng
balance/timabang at paulit-ulit na pagkakaiba sa hugis at kulay.
1.1 mobile
1.2 paper mache
1.3 paper beads
II. NILALAMAN
PAKSA: 3D at Eskultura: Ang Tradisyon ng Sining sa Pilipinas
CODE: A5EL-Iva
III. KAGAMITANG PANTURO:
References: MELC Grade V p.342, PIVOT 4A BOW p.245
Materials: laptop, ppt, kuwaderno, ballpen
Classroom-Based Activities
A. Preliminary Activities
A.1. Prayer
A.2. Reminder of classroom health and safety protocols
A.3. Checking of Attendance

B. Activity

Nakikila niyo ba ang mga nasa larawan sa itaas?

C. Analysis
Ang Pilipinas ay mayaman sa mga katutubong sining o kilala bilang tradisyonal na sining. Ito ay makikita sa
mga kanayunan na ginagawa ng mga mamamayan bilang bahagi ng pang-araw-araw na pangangailangan o
pagdiriwang.
Ang mga uri ng sining na katulad nito ay nabibilang sa 3D o three-dimensional art. Ito ay maaaring malayang
makatayo, may taas at lapad, may anyong pangharap, tagiliran, at likuran.

D. Abstraction

3D at Eskultura: Ang Tradisyon ng Sining sa Pilipinas

Ang mobile art ay isang uri ng kenetikong eskultura na kung saan ang mga bagay ay isinasabit sa mga tali,
kawad, at kabilya upang malayang makagalaw at makaikot. Ginagamit itong pandekorasyon sa mga tahanan o
maging sa paaralan.
Upang maging makabuluhan ang paggawa ng mobile art ay kailangang lagyan ng diwa tulad ng pangangalaga
sa kalikasan, pagpapahayag ng yaman ng kultura, o pagsasalaysay ng isang kuwento. Mas mabuti ring gumamit ng
mga bagay na nagamit na at maaaring i-recycle upang mabigyan ng bagong buhay. Maaari ring gumamit ng mga
found object o mga bagay na napulot tulad ng mga kabibe, maliliit na bato, at iba
pa. Ang iyong pagiging malikhain ang matatag na pagmumulan ng magandang mobile art na magagawa.
Mahalaga ang kaalaman sa pagkilala sa mga kagamitan sa paggawa ng mobile art upang magkaroon ng
mahabang oras at panahon sa paghahanda bago gumawa ng likhang-sining.

Ang Sining ng Paggawa ng Palayok


Ang pagpapalayok ay isang proseso o paraan ng paggawa ng palayok sa pamamagitan ng paggamit ng luwad o
clay.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Palayok

Ang paggawa ng palayok ay nahahati sa apat na maselang bahagi.


1. Ang unang bahagi ay ang pagbungkal ng magandang uri ng luwad at paghahanda sa lupa. Ito ay palalambutin at
lilinisin sa matigas na bahagi tulad ng bato at iba pang sangkap ng lupa.
2. Ang ikalawang bahagi ay ang pagmamasa sa luwad hanggang makamit ang katamtamang lambot nito gamit ang
kamay o sa tulong ng alagang hayop tulad ng kalabaw. Ang pagmamasa ay pag-alis ng hangin sa luwad na maaaring
maging sanhi ng pagkabiyak nito habang pinatutuyo ang mga palayok.

3. Ang pangatlong bahagi ay paghuhugis ng palayok. Ang katutubong paraan ng pagbibigay hugis sa palayok ay
gamit lamang ang kamay. Sa makabagong panahon, ginagamit ang umiikot na gulong (potter’s wheel) sa paghugis
nito. Habang pinatutuyo ang mga palayok at tapayan sa lilim nilalapatan din ng disenyo ng ibang manlilikha tulad ng
mga linya o disenyong bulaklak at iba pa. Ang pagpapatuyo sa palayok ay sapat lamang, hindi sobrang tuyo, at hindi
rin sobrang basa bago ito ilagay sa hurnuan.
4. Ang pang-apat na bahagi ay paghuhurno o pagsusunog (firing) ng palayok. Ang katutubong pamamaraan ng
pagsusunog ay ibinabaon ang mga gawang palayok sa mababaw na hukay sa lupa. Tinatabunan ito ng dayami at ipa
(balat ng palay) at sinusunog nang mahabang oras bago ito hanguin at palamigin. Ang makabagong paraan naman
ay ang paghuhurno gamit ang init ng baga o hindi naman kaya ay kuryente.

Ang Sining ng Paggawa ng Paper Mache Jar


Ang paper mache ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay nginuyang papel na gawa mula sa piraso ng mga papel
o dinurog na papel na binuo sa pamamagitan ng glue, starch o pandikit.
Sa paggawa ng paper mache, may dalawang paraan na maaaring gamitin. Ang una ay ang paggamit ng pinilas
na papel na idinikit sa moldeng hulmahan. Ang ikalawa ay ang paggamit ng dinurog na papel sa pamamagitan ng
pagbababad sa tubig o pagpapakulo sa tubig at hahaluan ng pandikit o glue.
Ang tamang hakbang at paraan ng paggawa ng paper mache ay nararapat sundin upang matagumpay na
makabuo ng paper mache o taka.
Ang hugis ay base sa moldeng hulmahan at ang mga gagamiting papel at pandikit ay nararapat na naihanda para
mabuo ang taka.

Ang Sining ng Paggawa ng Paper Bead

Kilala ang mga Pilipino sa pagiging malikhain at pagkamaparaan. Makikita ito sa estilo ng pananamit, pagkain, at
pagkahilig sa pagsusuot ng mga makukulay na mga dekorasyon, palamuti, at alahas sa katawan. Ilan dito ay ang
mga pulseras at kuwintas na higit na nagpapatingkad sa kanilang kasuotan lalo na ang mga kababaihan.

Gusto mo bang sumubok gumawa ng mga palamuti? Madali itong gawin kung gagamitin ang pagkamalikhain sa
pagdidisenyo. Lalong mainam kung ang gagamiting materyales sa paggawa ay recycled o mga gamit na patapon
ngunit maaaring bigyan ng bagong buhay.

Ang mga paper bead ay likhang sining na ginagamitan ng mga pinulupot na papel na may iba’t ibang hugis at
kulay.
Ang paggawa ng mga paper bead ay isang mabisang paraan upang mapakinabangang muli ang mga lumang diyaryo,
magasin, at makukulay na papel. Maaari itong gawing palamuti o dekorasyon sa ating tahanan at higit sa lahat
maaari
itong pagkakitaan.

E. Application
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
1. Ang ________ ay kaaya-ayang paggalaw ng kulay, hugis, linya o biswal at hindi- biswal na pandama.
A. ginto B. itim na luwad C. mobile art D. ritmo
2. Ang ________ ay uri ng sining na gumagalaw sanhi ng tao o hangin.
A. ginto B. mobile art C. paper bead D. paper mache
3. Ang _________ ay pangunahing bagay na ginamit sa paggawa ng sinaunang personal na palamuti ng ating mga
ninunong Pilipino.
A. ginto B. palayok C. paper bead D. paper mache
4. Ang _________ ay pangunahing bagay na kagamitan sa paggawa ng tapayang burnay.
A. ginto B. itim na luwad C. pulang luwad D. tapayan
5. Ang ________ ay isang kagamitan sa pagluluto na ginawa mula sa pulang luwad.
A. mobile art B. palayok C. paper bead D. paper mache

IV. Evaluation
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Ang _______ ng luwad sa mainit na baga o apoy ay kinakailangan upang ito ay maging matibay.
A. paghuhurno B. paglalapag C. paglilitson D. pagsisiga
2. Ang tapayang ________ ay gawa sa maitim na luwad na nagiging tila kristal kapag naluto o nahurno.
A. banga B. burnay C. palayok D. tapayan
3. Ang siyudad ng _____________ ay kilala sa tapayang burnay.
A. La Union B. Pampanga C. Pangasinan D. Vigan
4. Ang paso ay gawa mula sa __________ uri ng luwad.
A. dalandan B. dilaw C. itim D. pula
5. Ang ____________ ay sinaunang banga na nagsisilbing pangalawang libingan.
A. bangang Manunggul C. palayok
B. burnay D. tapayan

PROFICIENCY LEVEL

You might also like