You are on page 1of 5

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong.

Tukuyin at bilugan ang


katumbas na letra ng pinakatamang sagot.

1. Ito ang wikang Pambansa ng Pilipinas.


a. Pilipino b.Filipino c. Tagalog d. Baybayin

2. Ang sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Pilipino.


a. Grafema b. Baybayin c. Tuldik d. Ortograpiya

3. Ito ay isang akdang pampanitikan na nag-iiwan ng isang kakintalan. Kadalasan nang natatapos itong mabasa
sa isang upuan lamang.
a. Nobela c. Sanaysay
b. Maikling Kwento d. Tula
4. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito.
Ano ang konotatibong kahulugan ng salitang may salungguhit.
a. madamot c. nakabukas ang kamay
b. mapagbigay d. may malaking kamay
5. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama. Ano ang
konotatibong kahulugan ng salitang may salungguhit.
a. nagpapagalit b. nagpapasakit
c. nagpapalungkot d. nagpapaalala
6. Akdang pampanitikan kung saan nahahati sa kabanata at maraming tagpuan at tauhan ang nasa kwento.
a. nobela c.tula
b. maikling kwento d. debate
7. Tinitiis niya na lamang ang kanyang trabaho dahil malaki ang halagang kinikita niya rito. Anong tunggalian
ang ipinakikita sa pahayag?
a.tao laban sa tao c. tao laban sa lipunan
b.tao laban sa sarili d. tao laban sa kalikasan.
8 .Isang araw, hindi na natiis ni Modesto ang pang-aapi sa kanya ng mga sundalong amerikano sa base militar.
Nakipagsagutan siya sa isang opisyal doon at nauwi ito sa suntukan. Anong tunggalian ang ipinakikita
sa pahayag?
a. tao laban sa tao c. tao laban sa lipunan
b. tao laban sa sarili d. tao laban sa kalikasan
9. Mabigat sa loob niya ang nabuong desisyon. Ang desisyong iwan ang kaniyang pamilya, subalit pinipilit pa
rin niyang paniwalain ang sarili na iyon ang tamang gawin. Anong tunggalian ang ipinakikita sa
pahayag?
a. tao laban sa tao c. tao laban sa lipunan
b. tao laban sa sarili d. tao laban sa kalikasan
10. Ang sakit na COVID-19 ay _______ isang bagong virus na na kumakalat sa
buong mundo.
a. una c. bukod
b. kung d. dulot ng
11. Ito isang uri ng panitikan na binubuo ng mga salitang may ritmo at metro.
a. Maikling Kwento c.Nobela
b. Tula d. Dula
12. Ito ay tumutukoy sa di-tahasang pagtukoy sa mga bagay na binibigyang-turing sa tula.
a. Kariktan c. Tugma
b. Sukat d. Talinghag
13. Lahat ay may pagkakatulad ng estilo sa pagkakabuo ng tanka at haiku maliban sa _________.
a. Parehong nagpapahayag ng masidhing damdamin ang tanka at haiku.
b. Parehong anyong patula ang tanka at haiku.
c. Pareho ang sukat at tugma ng tanka at haiku
d. Karaniwan na ang paksa ng tanka at haiku ay tungkol sa pag-ibig.
14. Ang tamang pahayag tungkol sa kaibahan ng tanka at haiku ay ___?
a. Ang tanka ay binubuo ng 31 pantig na 5 taludtud samantalang ang haiku ay 17 na pantig
na 3 taludtud.
b. Ang haiku ay binubuo ng 31 pantig na 5 taludtud samantalang ang tanka ay 17 na pantig
na 3 taludtud.
c. Ang tanka ay binubuo ng 5 pantig na 31 taludtud samantalang ang haiku ay 3 na pantig
na 17 taludtud.
d. Ang haiku ay binubuo ng 5 pantig na 31 taludtud samantalang ang tanka ay 3 na pantig
na 17 taludtud.

15. Ang karaniwang hati ng pantig sa mga taludtud ng tanka ay ___?


a. 5,7,5 at 5,5,7
b. 7,7,7,5,5 at 5,7,5,7,7
c. 7,5,7,5,5 at 5,5,7,7,7
d. 7,5,5 at 5,7,5

16. Maituturing na haiku ang “Anyaya” ni Gonzalo K. Flores dahil ______________.


a. binubuo ng 5,7,5 na pantig na 3 taludtud c. 7,7,7,5,5 na 5 taludtud
b. binubuo ng 5,7,5 na pantig na 3 saknong d. 7,7,7,5,5 na 5 saknong

17. Ang tamang pagbigkas ng salitang “puno” sa ikalawang tula ay may kahulugang _____.
a. lider b. punongkahoy c. inabot ang hangganan d. wala sa nabanggit

Para sa bilang 18-20

“ May pagkasutil ang berdeng palaka. Hindi niya sinusunod ang mga
pangaral ng ina. Kapag may sinabi ang inang palaka, kabaligtaran ang ginagawa ng berdeng
palaka. Kapag sinabi ng ina na sa bundok siya maglaro, sa sapa naman siya maglalaro. Kapag
sinabi ng ina na umakyat, bababa naman siya. Kapag sinabi ng ina na sa kanan, sa kaliwa siya
pupunta.
“Lubhang nababahala ang Inang Palaka sa pagiging sutil ng berdeng palaka. Lagi na
lamang kahihiyan ang ibinibigay ng berdeng palaka sa ina. “Bakit hindi siya tumulad sa ibang
batang palaka na magalang at masunurin” himutok ng Inang Palaka. “Ano na ang mangyayari sa
kaniya kapag ako’y nawala na? Matanda na ako at anomang oras ay maaari akong mamatay.
Kailangang gumawa ako ng paraan upang maputol na ang pagiging sutil niya,” sunod-sunod na
nausal ng ina sa sarili.
Hango sa Ang Sutil na Palaka
Mula sa The Green Frog, isang pabulang Koreano;
salin ni Teresita F. Laxima

18. Mahihinuha sa diyalogo na ang damdamin ni inang palaka sa ikinikilos ng kanyang anak ay________.
a. nagagalit b. nalulungkot c. nag-aalala d. nangangamba

19. Sa iyong palagay, nararapat ba ang ikinilos ng anak tungo sa kanyang ina?
a. Oo, dahil dapat lang na malaman ng ina ang damdamin ng kanyang anak.
b. Hindi, dahil hindi tamang magpakita ng anumang pananakit sa damdamin ng isang ina.
c. Oo, dahil mas mainam ang anak na nagpapakita ng ganoong pagkilos kaysa hindi
nagsasalita.
d. Hindi, dahil walang karapatan ang anak na sumagot sa magulang.

20. “Bakit hindi siya tumulad sa ibang batang palaka na magalang at masunurin” himutok ng Inang Palaka.”
Ang pakiramdam ng nagsasalita sa kabuuan ng pahayag ay nagpapakita na siya ay __________________.
a. may sama ng loob sa kanyang anak
b. natutuwa sa pagsagot ng kanyang anak
c. hangad na maitatama ang kanyang anak
d. puno ng pagsubok ngunit umaasang mapagbabago ang anak

21. Mula sa “Ang Talinghaga tungkol sa may-ari ng ubasan”,Alin sa sumusunod ang simbolikong kahulugan ng
ubasan?
a. lupain c. kasiyahan
b. kaginhawaan d. pinagkukunan ng ubas
22.“Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang banga na gawa sa lupa”. Ang kaugaliang ipinamalas sa pahayag
ay__________.
a. pangangatwiran b. pangangaral c. pagpapayo d. pagdadahilan
23. “Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalaala ng batang banga ang pangaral ng
kanilang ina”. Anong mensahe ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
a. Walang mabuting naidudulot ang pagsuway sa magulang.
b. Habang may buhay, magpakasaya ka.
c. Alam ng magulang kung anong makabubuti sa anak.
d. Umiwas sa kaway ng tukso sa paligid.
24. “Ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga.” Ano nais ipahiwatig ng
pahayag na nito?
a. Huwag pakialaman ang buhay ng iba. b. Huwag magtitiwala sa iba.
c. Huwag sasama sa hindi kauri. d. Iwasan ang pakikipagkaibigan.
25. Ang mga Pilipino ay magigiliw sa mga bisitang dumarayo sa ating bansa. Ang salitang salungguhit ay
nagpapakita ng _______?
a. Gawi b. karakter c. kilos d. pananaw
26. Madalas ang paghikab ni Lita habang siya ay kumukuha ng pagsusulit. Ang salitang may salungguhit ay
nagpapakita ng _______?
a. Gawi b. karakter c. kilos d. pananaw
27. Matigas ang loob ni Maria sa pagtulong sa kaniyang mga kamag-anak. Ang sugnay na may salungguhit
aynagpapakita ng _______?
a. Gawi b. karakter c. kilos d. pananaw
28. Naninirahan sa dulo ng Barangay Matahimik ang pamilya nina Mang Nelson at Aling Nelia. Ang salitang
barangay ay nagmula sa lumang bangkang Malay na tinatawag na?
a. balangay b. balanghay c. batangay d. batanghay
29. Ang salitang tagaktak ay nagmula sa salitang tak tak tak , sa anong paraan ng pinagmulan ng salita ito
nabibilang
a. pagsasama ng salita
b. hiram na salita
c. morpolohikal na pinagmulan
d. onomatopoeia
30. Kanina pa kami naghihintay ng balita tungkol sa bagong virus. Ang salitang may salungguhit ay pang-abay
na________________?
a. may pananda b. walang pananda
c. nagsasaad ng bagal d. nagsasaad ng dalas

31. Kanino inihandog ni Dr. Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere?
a. sa Prayle c. Pilipinas
b. sa Espanya d. sa GOMBURZA
32. Ano ang nagbunsod kay Rizal na sumulat ng Noli Me Tangere at El
Filibusterismo?
a. mga prayle c. mga Pilipino
b. GOMBURZA d. tatlong paring martir

33. Anong aklat ang naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere na tumatalakay sa isang
lalaking kumutya kay Hesus habang siya ay patungo sa Golgota at pinarusahan ang lalaki na maglakad sa
buong mundo nang walang tigil?
a. Bibliya c. The Wandering Jew
b. El Filibusterismo d. Uncle Tom’s Cabin
34. Anong nobela ang gumising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino at nagsiwalat sa kabuktutan at
pagmamalupit ng mga Espanyol?
a. El Filibusterismo c. Noli Me Tangere
b. The Wandering Jew d. Uncle Tom’s Cabin
35. Alin sa sumusunod na pahayag ang naging layunin ni Dr. Jose P. Rizal sa pagsulat niya ng nobela?
a. makataong pakikitungo ng mga Kastila sa mga Pilipino
b. maisakatuparan ang pagiging malaya ng bansa sa mga mananakop
c. matugunan ang paninirang puring ipinarating ng mga Kastila sa mga Pilipino at sa bansa
d. mahikayat ang kabataan na maging bukas ang isip sa mga pangyayari sa pamahalaan
36. Anong kalagayang panlipunan ang nilalaman ng nobela?
a. pantay na karapatan ng mga Kastila at mga Pilipino
b. mabuting pakikitungo ng mga Kastila sa mga Pilipino
c. pagkakaroon ng digmaan sa pagitan ng Kastila at Pilipino
d. pagsasamantala ng mga makapangyarihan laban sa mahihirap
37. Alin sa sumusunod ang hindi kalagayang panlipunan noong isinusulat ang nobela?
a. pagiging kolonya nito ng Espanya
b. kapangyarihang taglay ng simbahang Katoliko
c. mga kaugalian na nakasanayan ng mga Pilipino
d. pantay na karapatan ng mga Kastila at mga Pilipino
38. Anong kalagayang panlipunan ang nagpapahayag bilang patunay na ang kapangyarihang taglay ng
simbahang Katoliko ay nakahihigit sa kapangyarihan ng lokal na alkalde?
a. aminado ang mga alkalde na wala silang lakas
b. higit na kinatatakutan ang alkalde kaysa sa pari
c. pinagbibigyan lamang ng mga alkalde ang mga pari
d. mas nasusunod sa pamamahala ang mga pari kaysa sa alkalde
39. Ano ang nakasanayan o nakaugalian ng mga Pilipino na binanggit ni Dr. Jose P. Rizal sa nobela na
sumasalamin sa kalagayang panlipunan ng bansa?
a. pagiging walang imik
b. paglaban sa mga Kastila
c. pagiging masunurin sa mga Kastila
d. kawalan ng lakas ng loob na ipahayag ang kanilang karapatan
40. Ano ang naging epekto ng nobela sa mga Pilipino noon hanggang sa kasalukuyan?
a. Natutuhan na nilang mahalin pa ang mga Kastila.
b. Natutuhan na nilang gumawa rin ng nobela tulad ni Dr. Rizal.
c. Namulat na ang kanilang isipan na maghiganti sa pamamagitan ng dahas.
d. Naging instrumento ito upang lumaban at magpahayag ng saloobin ang mga Pilipino.
Answer Key
1. B
2. B
3. B
4. B
5. A
6. A
7. B
8. A
9. B
10. D
11. B
12. D
13. B
14. A
15. B
16. A
17. B
18. C
19. B
20. A
21. B
22. C
23. A.
24. C
25. A
26. C
27. B
28. A
29. D
30. B
31. C
32. C
33. A
34. C
35. C
36. D
37. D
38. D
39. B
40. D

You might also like