You are on page 1of 2

3RD QUARTER 1ST SUMMATIVE TEST IN ESP 10

Pangalan:_____________________________________________ Taon at Seksyon________________ Iskor:_______

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Bilogan ang pinakaangkop na sagot.

1. Alin sa sumusunod ang tinaguriang “ina” ng mga birtud? a. Prudentia


b. Katarungan c. Kahinahunan d. Katapangan
2. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng karuwagan? a. Si Belle na takot sa lumilipad na ipis
b. Si Abby na ayaw maglakad sa madidilim na kalye
c. Si Drew na takot mahulog kung sasabit sa jeep
d. Si Marie na nahihiyang mag-ulat sa harap ng klase
3. “Ang karuwagan ay pagpikit ng mata sa tawag ng halaga. Yuyuko at titiklop ang isang duwag sa kaniyang
sariling kahinaan.” Ang pahayag na ito ay:
a. Tama, dahil nakikita ng isang duwag ang wala sa kaniya sa halip ng napakaraming mayroon siya.
b. Tama, dahil hindi umaatras sa anumang hamon ang isang duwag.
c. Mali, dahil tiyak na susubukan harapin ng isang duwag ang hamon kahit walang kasama.
d. Mali, dahil batid ng isang duwag ang halaga ng mga nakapaligid sa kaniya.
4. Sino sa kanila ang hindi nagpapakita ng katarungan bilang birtud?
a. Isang guro na pumapasok nang maaga at nagtuturo nang buong husay sa klase.
b. Isang mag-aaral na itinuturing ang pag-aaral na huli sa kaniyang mga prayoridad sa buhay.
c. Isang ama na ibinibigay ang kaniyang buong lakas at oras upang mabigyan ng magandang buhay ang
pamilya.
d. Isang empleyado na hindi lumiliban sa trabaho at tinitiyak na tapos ang gawain bago umuwi ng bahay.
5. Kung ang maingat na paghuhusga ay pagiging rasyonal ng isang tao, ano ang
kaniyang pamantayan sa kaniyang mga kilos?
a. Kumikilos nang malaya upang hubugin ang kaniyang mga kakayahan.
b. Ginagamit ang talino at tamang katuwiran sa pagtugon sa mga sitwasyon.
c. Mahinahon sa pagpapahayag ng kaniyang kaisipan at damdamin.
d. Nagpapahalaga sa dignidad at karapatan ng kaniyang kapuwa.
6. Paano napatitingkad ng maingat na paghuhusga ang kabutihan ng tao?
a. Kapag maingat ang paghuhusga sa mga pamimilian, nakagagawa ang tao ng
mabuti at tamang pagpapasiya na nagdidikta ng makataong kilos.
b. Kung maingat ang tao sa paghuhusga ng kaniyang kapuwa, naiiwasan ang
pagbibintang at maling pagpaparatang.
c. Kapag may maingat na paghuhusga, napangangalagaan ang reputasyon
nating lahat lalo na sa mga may kasalanan.
d. Kung maingat ang paghuhusga magkakaroon ng katarungan, kalayaan, at
kapayapaan sa sangkatauhan.
7. “Ang pagpapakatao ay pagiging maingat sa paghuhusga.” Ano ang kahulugan ng
pahayag na ito?
a. Mahalaga ang maingat na paghuhusga upang maiwasan ang mga maling
pagpapasiya na makakasama sa ating sarili.
b. Ang maingat na paghuhusga ang nagbibigay hudyat ng matalinong pagpapasiya
na mangangalaga sa kapakanan ng tao.
c. Laging tandaan na ang unang hakbang sa paggawa ng kabutihan ay maingat
na pagpapasiya.
d. Nagiging ganap ang pagpapakatao kapag hindi nanghuhusga ng kapuwa kahit
may matibay na katibayan.
8. Paano inilarawan ni Bernard Haring, ang maingat na paghuhusga?
a. Wings of Love b. Eyes of Love c. Pledge of Love d. Puppy Love
9. Ang maingat na paghuhusga ay tinatawag na “karunungang praktikal” na ang ibig
sabihin ay isinasagawang karunungan. Kaninong akda ito?
a. Pieper b. Keenan c. Aristotle d. Isaacs
10. Bakit tinatawag na “ina ng mga birtud” ang “prudentia”?
a. Dahil mas mataas ang halaga nito sa ibang birtud.
b. Ito ang sagot sa pagpili sa dalawang dulo ng pagpipilian.
c. Hindi kailangan ang ibang birtud sa pagbuo ng mabuting pasiya.
d. Nailalagay nito sa konteksto ng panahon at kasaysayan ang pamimili.
ESP 10
RD
3 QUARTER PERFORMANCE TASK NO. 1
Panuto:
1. Suriin ang sumusunod na sitwasyon.
2. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga taong ito, paano mo maipakikita ang maingat na paghuhusga sa
iyong pasiya at kilos?
3. Do it on a short bondpaper. Be creative.

You might also like