You are on page 1of 1

Ang Tanging Tugon

Nang simula kang tahakin ang napiling daan


Di ko akalaing doon ko masisilayan
Hinanap-hanap sa buhay kong nakaraan
Ngunit di nabanaag ng aking pagmasdan.

Oras ay naubos ng di namamalayan


Mga araw na dumating di man lang nakamayan
Sumunod lamang sa agos at bulong ng bayan
Mga araw na nagdaan tila baga pinaglamayan

Viva el mundo! Sigaw ng mundong kinamulatan


Halinang pagmasda't ibigay ang katapatan
Aking diringgin ang iyong panambitan
Iyong mahahagkan ang nasa ng kalangitan

Inibig na pilit, ninais ngang maranasan


Ngunit sa sandaling siya'y makapisan
Tila baga huwad ang aking natuklasan
Kayo ngayo'y nagsisisi't nais malampasan

“Come and see" wika at panawagan


Aking nasumpungat ninais mapakinggan
Ngunit nag-alinlangan, ninais na Ilagan
Gayunma'y di makatakas ng ako ay tawagan

Ewan ba't di alam, bakit ako'y naguguluhan


Datapwa't nagulumihanan, tumugon rin ng dahan-dahan
Kaya naman Siya'y nagwika, "Anak h'wag ng pagtakhan
nais ko lang nama'y sumaiyo ang kasiyahan."

You might also like