You are on page 1of 1

Masama ba ang Magalit?

(The Problem of Fear)

Masama ba ang magalit? para sa akin di naman. Pero magalit ng walang dahilan? Oo
syempre. Sa aking pamamalagi dito sa loob ng seminaryo aking napagtanto na ako pala ay isang
taong hirap magkontrol ng sarili lalung lalo na kung akoy nagagalit. Sa aking pananaliksik ang
lahat ng tao ay merong iba’t ibang pamamaraan ng paglalabas ng galit o sama ng loob katulad ng
panununtok, sipa, sampal, kurot, pagmumura at iba pa. Subalit akoy kagaya mo rin nagagalit at
naglalabas ng sama ng loob ngunit ano nga ba ang aking pamamaraan sa tuwing ako ay
nagagalit. Isa na dito ang di pag pansin sa taong aking kinagagalitan, isama na rin ang pagsasalita
ng masama laban sa taong kinagagalitan ko, at paninira sa katauhan ng taong kinagagalitan ko sa
iba. Ilan lamang iyan sa pamamaraan ko ng paglalabas ng sama ng loob.
Sabi nila masama daw ang magalit ngunit para sakin mas masama kung di ka magagalit.
Dahil kung di mo ilalabas ang iyong tunay na nararamdaman baka isang araw makita mo ang
sarili mo na sumabog na at nagpira pirasong parang baso na kahit kailan di kayang mabuo nino
man. Ang galit ay isa sa natural na emosyon ng tao ito ay di maiiwasan nino man subalit kayang
kontorolin kahit nahihirapan. Aking inaamin sa aking sarili na siguro dahil sa pagiging mataas
kaya ako nagagalit. Sabi nga nila tungkol sa aking ako daw ay napakaarogante at mapride.
Masakit na marinig sa iba ito subalit dahil sa kanila, napag isip isip ko na tama nga ba talaga
sila? Kung kaya dahil sa kanila napagtanto ko na siguro may tama sila at nagbibigay lang sila ng
opinyon nang sa ganoon maitama ko kung ano man ang dapat itama sa aking sarili. Datapwat
bakit nga ba ako nagagalit? dahil sa merong dahilan at ano ang dahilan? Yun ay walang iba
kundi ang aking sarili. Dahil di ko matanggap sa aking sarili na ako ang merong pagkakamali.
Oo minsan nakikita ko na ako ay nagkakamali subalit gaano kadalas ang minsan?
Ang tanging pinanghahawakan ko na lang sa aking sarili ay ang sinabi ni Confucius na
“When anger rises, think of the consequences.” Ako ay naniniwala dito dahil sa tuwing tayo ay
gagawa ng kilos o galaw na labag sa ating kagalit, tumimo nawa sa ating mga isipan kung ano
ang kalalabasan ng ating gagawin. Oo mahirap magkontrol subalit dahil sa seminaryo ako ay
natutong lumugar, magtimpi, at maglabas ng sama ng loob na di na kailangan pang magkasala.
Sabi nga sa social media “think before you click” ibahin naman natin “think before you act.”

You might also like