You are on page 1of 17

Kuwarter 4 - Modyul 9:

Pagbuo ng Tentatibong Bibliyograpiya


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Senior High School
Alternative Delivery Mode
Kwarter 4 – Modyul 9: Pagbuo ng Tentatibong Bibliyograpiya Unang
Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua

Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral


Manunulat:Dexie P. Dilag, Maricar C. Ranara,
Bonifacio N. Gegato Jr, Marben A. Oco
Tagasuri ng Nilalaman: Johanna Vanessa C. Obedencio
Tagasuri ng Lengguwahe: Mary Ann A. Maglangit, Russel Kerr E. Galarroza
Tagabalibasa: Louella Jean B. Mariano
Tagasuri : Almacielo Nambatac
Leonor C. Reyes,MAEDFIL
Mga Tagaguhit: Perlito L. Lomongo
Naglayout: Jupiter B. Acosta
Mga Tagapamahala:
Pangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Pangalawang Pangulo:Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Assistant Regional Director
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
Rowena H. Para-on, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Kasapi:Neil A. Improgo, PhD,EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr.,PhD, EPS-ADM;
Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar, PhD, EPS Filipino; Celieto B.
Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II;
Kim Eric G. Lubguban, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA
Piliin ang tamang sagot sa kaisipang isinasaad. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa isang sagutang papel o kwadernong panggawain.

1. Ito ang listahan ng mga ginamit na sangguniang aklat,


pahayagan, magasin at iba pa na inaayos nang paalpabeto.
a. bibliograpiya
b. sanggunian
c. kwento
d. pelikula
2. Ang kasanayang sa pagsasaayos ng mga nakalap na datos mula sa
mga natukoy na sanggunian ay isang mahalagang kasanayan ng
isang
na mananaliksik.
a. mahusay
b. masinop
c. masusi
d. matapat
3. Isang kasanayang susubok sa sipag, tiyaga, at katapatan ng isang
mananaliksik.
a. paggawa ng bibliograpiya
b. paggawa ng grap
c. paggawa ng burador
d. paggawa ng papel
4. Bago isulat ang pinal na bibliograpiya, ano ang una mong gawin?
a. gumawa ng pansamantalang bibliograpiya
b. gumawa ng tesis
c. gumawa ng aklat
d. gumawa ng balangkas
5. Hango ito sa salitang Pranses na précis na ang ibig sabihin ay pruned
o cut down.
a. presi
b. buod ng tala
c. sipi
d. paraphrase
6. Isa itong hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na
payak na salita ng mananaliksik.
a. paraphrase/hawig
b. sipi ng sipi
c. direktang sipi
d. salin
7. Saang bahagi ng sulating pananaliksik matatagpuan ang
bibliograpiya?
a. unang bahagi ng sulating pananaliksik
b. gitnang bahagi ng pananaliksik
c. hulihang bahagi ng pananaliksik
d. wala sa nabanggit
3
8. Tumutukoy ito sa anumang publikasyon na lumalabas nang regular.
a. aklat
b. peryodikal
c. pelikula
d. dyornal
9. Ito ang peryodikal na araw-araw lumalabas.
a. pahayagan
b. manuskrito
c. magasin
d. dyornal
10. Layunin nito na mabigyan ng pangkalahatang ideya ang mambabasa.
a. buod ng tala
b. datos
c. sariling salin
d. sipi ng sipi
11. Isa itong hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na
payak na salita ng mananaliksik.
a. hawig o paraphrase
b. sipi ng sipi
c. sariling salin
d. datos
12. Sa pagkakataong ang mga tala ay nasa wikang banyaga, ito
ay ginagamitan ng
a.hawig o paraphrase
b.sipi
c. salin o sariling salin
d. pagtatala ng datos
13. Ito ay ang pagkuha ng sipi mula sa isang mahabang sipi. Sa ganitong
uri ay gagamitin din ang panipi.
a. sipi ng sipi
b. salin
c. datos
d. hawig
14. Pinapanatili nito ang orihinal na ayos ng ideya at ang punto de
bista ng may-akda.
a. sipi
b. presi
c. salin ng sipi
d. hawig
15. Ginagamit ito kung nais lamang gamitin ay ang
pinakamahalagang ideya ng isang tala, tinatawag itong synopsis.
a. buod ng tala
b. sipi salin
c. hawig
d. pres

4
SURIIN

BIBLIYOGRAPIYA
Ang paggawa ng bibliograpiya o talasanggunian ay isang
kasanayang susubok sa sipag, tiyaga, at katapatan ng isang mananaliksik.
Ang magandang balita sa panahon ngayon ay marami ng websites na
tumutulong sa mga mananaliksik upang gumawa ng kanilang
bibliograpiya. Layunin nilang mapagaan ang mga gawain ng mga
mananaliksik at mabigyan ng tamang kredito ang pinagmulan ng mga
impormasyon.
Habang nangangalap ka ng impormasyon o datos para sa iyong
gagawing pananaliksik, siguraduhing naihanda mo na rin ang
bibliograpiya o talasanggunian. Ito ay nagpapakita ng talaan ng aklat,
dyornal, pahayagan, magasin, di nakalimbag na batis katulad ng pelikula,
programang pantelebisyon, dokumentaryo, at maging ang social media
networking sites na pinagkuhanan mo ng impormasyon. Mahalagang
magkaroon ng bibliograpiya o talasanggunian ang isang pananaliksik o
aklat sapagkat ito ay isa sa katibayan ng pagiging makatotohanan ng
pananaliksik o aklat na ginawa. Sa pagsulat ng bibliograpiya o
talasanggunian, mahalagang makuha ang pangalan ng may-akda, pamagat
ng aklat o artikulo, lugar kung saan ito nailathala tagapaglathala, at taon
kung kailan ito nailathala.

Paghahanda ng Pansamantalang Bibliograpiya


Narito ang mga hakbang sa paggawa ng pansamantalang
bibliograpiya:
1. Maghanda ng mga index card na pare –pareho ang laki. Karaniwang 3x5
pulgada ang ginagamit ng iba.
2. Isulat sa mga index card na ito ang mga impormasyon ng iyong
sanggunian. Ang ganitong paghahanda ay makatutulong para sa paggawa
ng pinal na bibliograpiya.
3. Isaayos ang mga index card nang paalpabeto ayon sa may-akda ng
iyong sanggunian. Maaari itong ilagay sa kahon, folder, o sobre.

5
May iba’t ibang paraan ng pagsulat ng bibliograpiya. Ang ilan sa mga
ito ay ang sumusunod:

 APA o American Psychological Association


 MLA o Modern Language Association
 Chicago Manual of Style
Iisa-isahin natin ito mamaya dahil alam kong sabik na sabik ka nang
matutunan ang mga ito.

Ilang Konsiderasyon sa Pagkuha at Paggawa ng Tala

1. Gumamit ng isang card para sa isang kaisipan o ideya.


2. Tiyaking may pamagat at pahina ang aklat na pinagkukunan ng tala.
3. Mas magiging maayos kung isa lang ang sukat ng notecard o index
card na gagamitin. Maraming sukat ang notecard o index card,
karaniwang ginagamit ang 3 x 5, ang 5 x 8, at 4 x 6, para sa mga
tala.
4. Upang madaling matukoy ang mga sanggunian, ilagay ang mga
datos ng sanggunian sa notecard. Sa kanang itaas na bahagi ng
notecard ay isulat ang awtor at pamagat ng sanggunian (aklat,
dyornal, website, at iba pa), sa gitna ang pamagat ng tala at sa itaas
na kaliwang bahagi naman nito ang pahinang pinagkukunan ng tala.

Baisa- Julian,Ailene et al
Pinagyamang Pluma 8

p.287
Ibat’ Ibang Paraan ng Pagpapahayag

6
5. Maaari ring gumamit ng code upang tukuyin ang sanggunian. Ang
sistemang ito ay gumagamit ng titik at numero upang maging code sa
notecard.

Baisa- Julian, Ailene, et al may-


akda
Pinagyamang Pluma 8

Ang titik A ay tumutukoy


sa unang sanggunian at A8
ang bilang 8 ay tumutukoy P287
sa pang- ilang tala o ideya
sa sanggunian
Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag paksa

6. Tiyakin ang uri ng talang gagamitin. Ang uri ng tala ay magiging


batayan ng isang maayos at sistematikong pagsasaayos ng mga tala:

Mga Uri ng Tala

 Direktang sipi- Ginagamit ito kung isang bahagi lamang ng akda


ang nais sipiin. Sa paggamit ng direktang sipi kinakailangan lagyan
ng panipi (“ ”) ang bawat nakuhang tala.
 Buod ng tala- Ginagamit ito kung nais lamang gamitin ay ang
pinakamahalagang ideya ng isang tala, tinatawag itong synopsis.
 Presi- Ginagamit nito ang buod ng isang tala. Sa paggamit ng presi
pinapanatili nito ang orihinal na ayos ng ideya at ang punto de bista
ng may-akda.
 Sipi ng sipi- Maaaring gamitin ang sinipi mula sa isang
mahabang sipi. Sa ganitong uri ay gagamitin din ang panipi.
 Hawig o Paraphrase- Isa itong hustong paglalahad ng mga ideya
gamit ang higit na payak na salita ng mananaliksik.
 Salin/Sariling Salin- Ito ay ginagamit sa mga pagkakataon na
ang mga tala ay nasa wikang banyaga, Ito ay paglilipat ng ideya
mula sa isang wika tungo sa iba pang wika.

7
Pagsulat ng Pinal na Bibliograpiya Gamit ang Chicago at APA Format

AKLAT:
Narito ang mga impormasyong isasama sa bibliograpiya kung ang
sanggunian ay aklat.

 Tala tungkol sa may-akda


 Tala tungkol sa pamagat
 Tala tungkol sa publikasyon

Narito ang mga paraan ng pagsulat ng bibliograpiya:

Chicago APA
Ihanay ang tatlong pangkat ng Ihanay ang tatlong pangkat
impormasyon (may-akda, ng impormasyon (may-akda,
pamagat at tala ng pamagat, at tala ng
publikasyon). Unahin ang publikasyon).
apelyido ng may-akda. Unahin ang apelyido at
Isulat ng buo ang pamagat ng sundan ng initials ng may-
aklat maging ang subtitle. akda.
Paghiwalayin ng tuldok ang Isulat ang taon ng
tatlong pangkat ng publikasyon sa loob ng
impormasyon. panaklong.
Paghiwalayin ng tutuldok ang Isulat ng buo ang pamagat
lugar ng publikasyon at ng aklat maging ang subtitle.
publisher. Paghiwalayin ng Paghiwalayin ng tutuldok
kuwit ang publisher at taon ng ang tatlong pangkat ng
publikasyon. impormasyon
Naka-italicize ang pamagat ng Naka-Italicize ang pamagat
aklat. ng aklat.
Ginagamitan ito ng hanging Ginagamitan ito ng hanging
indention. indention.

Mga Halimbawa:
Kung isa lamang ang may-akda:

Chicago APA
Dayag, Alma M. Lakbay ng Dayag, A.M. (2014) Lakbay
Lahing Pilipino 3. Quezon City: ng Lahing Pilipino 3.Quezon
Phoenix Publishing House, 2014 City. Phoenix Publishing
House

8
Kung dalawa ang may-akda:

Chicago APA
Julian, Ailene B. at Nestor S. Julian, A. B. &N.S. Lontoc (2015)
Lontoc. Lakbay ng Lahing Pilipino 4 .
Lakbay ng Lahing Pilipino 4 . Quezon City:Phoenix Publishing
Quezon City: Phoenix Publishing House
House, 2015.
Pansinin na sa pagsulat ng Pansinin na sa pagsulat ng
ikalawang pangalan ay ikalawang pangalan ay nauuna
isinusulat nang buo at nauuna na na ang initials ng pangalan
ang pangalan kaysa apelyido. kaysa sa apelyido.

Kung higit sa dalawa ang may-akda:

Chicago APA
Dayag, Alma. et al. Julian, A. B. & Lontoc N.S. (2015)
Pinagyamang Pluma 10. Lakbay ng Lahing Pilipino 4 .
Quezon City: Publishing House, Quezon City: Phoenix Publishing
2015. House.
Pansinin na sa pagsulat ng Pansinin na sa pagsulat sa
ikalawang pangalan ay ikalawang pangalan ay nauuna
isinusulat ng buo at nauuna ang na ang initials ng pangalan
pangalan kaysa apelyido. kaysa sa apelyido.

Kung hindi nabanggit ang may-akda o anonymous ang


nakalagay sa title page, ang pamagat na lamang ng aklat ang
isinusulat sa bibliograpiya. Ang pamagat ang gagamitin sa
alpabetisasyon.

Chicago APA
The Plight of Filipino Teachers. The Plight of Filipino Teachers
Cavite City: Grayson Publishing (1998) Cavite City: Grayson
House, 1998 Publishing House.

 PERYODIKAL- tumutukoy ito sa anumang publikasyon nang


regular. Narito ang mga impormasyong isasama sa bibliograpiya
yung ang sanggunian ay peryodikal:

 Tala tungkol sa may-akda


 Tala tungkol sa pamagat ng artikulo
 Tala tungkol sa publikasyong kinabibilangan ng:
 Pangalan ng peryodiko
 Bilang ng bolyum
 Bilang ng isyu
 Petsa
 Mga pahina ng buong artikulo
9
Narito ang paraan ng pagsulat ng bibliograpiya para sa peryodikal:
Chicago APA
 Ihanay ang tatlong  Ihanay ang tatlong
pangkat ng impormasyon pangkat ng
(may-akda, pamagat, at impormasyon (may-
tala ng publikasyon). akda,pamagat at tala ng
Unahin ang apelyido ng publikasyon.)
may-akda.  Unahin ang apelyido at
 Paghiwalayin ng tuldok sundan ng initials ng
ang tatlong pangkat ng may-akda.
impormasyon.  Isulat ang taon ng
 Ilagay sa panipi ang publikasyon sa loob ng
pamagat ng artikulo. panaklong.
 Naka-Italicize ang  Isulat nang buo ang
pamagat ng peryodikal. pamagat.
 Nakapanaklong ang taon  Paghiwalayin ng tuldok
at petsa. ng isyu ang tatlong
 Inilagay rin ang tomo o pangkat ng
volume at bilang ng isyu. impormasyon.
 Naka-italicize ang
pamagat ng peryodikal.
 Inilalagay din ang tomo o
volume at bilang ng isyu
at paghiwalayin ito ng
kuwit.
 Ginagamitan ito ng
hanging indention.

Mga Halimbawa:
Journal- Ito ang peryodikal na lumalabas sa akademikong
komunidad
Chicago APA
Del Rosario, Mary Grace G. Del Rosario, M.D. G.
“Wikang Filipino.”Phoenix (2010) Wikang Filipino.
Publishing House Phoenix Publishing House
EJForum(Agosto 2010):1:16 EJ Forum:1:16

Chicago APA
Del Rosario, Adrian Paolo,”Harmful Del Rosario, A .D. (2008)
Effects of Computer Games to Harmful Effect of Computer
Teenage Students.” Di nakalimbag Games to Teenage Students( Di
na manuskrito. Nasa pag-iingat ng – nakalimbag na manuskrito) De
may- akda. 2008. La Salle University, Dasmariῂas.

10
Magasin- Ito ang peryodikal para sa publiko

Chicago APA
Bennet, Dahl. “ Coming Clean” Bennet, D.D.(2012,
Working Mom,October 2012, 107 October)Coming Clean.
Working Mom, 107.

Pahayagan-Ito ang peryodikal na araw-araw lumalabas


Chicago APA
Beigas, Leifbilly. “Publiko Beigas, L. (2015, October
kinokondsiyon na sa 19) Publiko Kinokondisyon
disqualification ni Poe?” na sa disqualification ni
Bandera, 19 October 2015, 2 Poe?.
Bandera , p. 2

 DI NAKATALATHALANG SANGGUNIAN
Narito ang mga impormasyon isasama sa bibliograpiya kung ang
sanggunian ay di-nakatala:
 May-akda
 Pamagat
 Anyo ng manuskrito
 Tala tungkol sa pinagmulan ng lokasyon ng sanggunian
 Petsa ng pagkasulat
 Manuskrito

GAWAIN 1

Batay sa binasa, sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Ang mga


kasagutan nito ay sa kwadernong panggawain ilalagay.

1. Ano ang makikita sa bibliograpiya?


2. Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng bibliograpiya?
3. Bakit kailangang pa ang pansamantalang bibliograpiya?
4. Ano-ano ang mga hakbang sa paggawa ng pansamantalang
bibliograpiya?
5. Saan-saan makukuha ang mga impormasyon para sa pananaliksik?

11
ISAISIP

Ngayon alam mo na ang kahalahagahan ng sistematikong paggawa


ng bibliograpiya. Kaibigan, alalahanin ang mga dapat isaalang –alang sa
pagsulat ng bibliograpiya. Ito ay isang mabuting simula sa pagsasaayos ng
mga impormasyon para sa isang sulating pananaliksik.
Pagkatapos makalap ang mga impormasyon para sa iyong
pananaliksik at naisulat na ang pansamantalang bibliograpiya sa mga
notecard o index card, ngayon isulat mo na ang pinal na bibliyograpiya.
Sa puntong ito, natanggal mo na ang mga sanggunian na hindi mo
magagamit at naidagdag mo na rin ang ilan pang gagamitin mo. Ayusin ito
sa paraang paalpabeto ang pangalan ng may-akda ng sangguniang ginamit.

ISAGAWA

Ngayong magaling ka na sa paksang tinalakay, magpasya ka ng tatlong


paksa na gagawan mo ng bibliograpiya. Ang bibliograpiya ng bawat paksa ay
dapat mayroong impormasyon ng:
 dalawang (2) sangguniang aklat
 dalawang (2) sangguniang dyornal at
Isulat ito sa isang buong sagutang
papel.

Paksa Bibliograpiya
1.

2.

12
TAYAHIN
PANGWAKAS NA PAGTATAYA

I. Basahin nang mabuti ang bawat katanungan. Piliin lamang ang


titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang kwaderno.

1. Isang bahagi ng isang sulatin o libro kung saan nakatala ang mga
artikulo, sulatin, at iba pang impormasyon sa isang inakdang libro.
a. bibliograpiya
b. index card
c. datos
d. balangkas
2. Ito ang paglilipat ng ideya mula sa isang wika tungo sa ibang wika.
a. sariling salin
b. reperensiya
c. di-limbag na batis
d. manuskrito
3. Isa sa mga paraan ng pagsasaayos ng tala ay ang paggamit ng .
a. Notecard
b. aklat
c. papel
d. aklat
4. Ito ang peryodikal na lumalabas sa akademikong komunidad.
a. dyornal
b. magasin
c. dyornal
d. manuskrito
5. Ito ang peryodiko para sa publiko.
a. aklat
b. magasin
c. dyornal
d. sipi
6. Ito ang peryodiko na araw-araw lumalabas.
a. magasin
b. pahayagan
c. dyornal
d. aklat
7. Isang kasanayang susubok sa sipag, tiyaga at katapatan ng isang
mananaliksik.
a. paggawa ng bibliograpiya
b. paggawa ng tesis
c. pagsasaayos ng tala
d. paghahanda ng pinal na papel
8. May iba’t ibang paraan sa pagsulat ng bibliograpiya maliban sa isa:
a. APA o American Psychological Association
b. MLA o Modern Language Association
c. Chicago Manual of Style
d. Manila Teachers Association

17
9. Ginagamit ito kung isang bahagi lamang ng akda ang nais sipiin.
a. direktang sipi
b. buod ng tala
c. presi
d. sipi ng sipi
10. Pinapanatili nito ang orihinal na ayos ng ideya at ang punto de
bista ng may-akda.
a. presi
b. paraphrase
c. salin
d. sipi

II.I wawasto ang tala mga sa ibaba upang makabuo ng bibliyograpiya. Gamit
ang iyong natutunan sa paggawa ng bibliograpiya, isaayos ang sumusunod
na mga impormasyon ng sanggunian ayon sa Chicago Manual of Style.
1. EJ Forum p. 3 Volume 1 Number 25, Bayle, Alison Grace C.
“Thank You, Titser”

2. Tarog, Jerold “Heneral Luna” Kasama si Jhon Arcilla. Quantum


Films. (2015, September 9)

II. Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na tanong.

1. Ano- anong sanggunian ang ginagawan ng bibliyograpiya?


2. Paano ba ito isinusulat?
3. Alin sa mga inilahad na sanggunian ang hindi mo inaakalang
maaaring isama sa bibliograpiya? Ipaliwanag ang iyong sagot.
4. Saan bang bahagi ng sulating pananaliksik matatagpuan ang
bibliyograpiya?
5. Ano ang kahalagahan ng bibliograpiya sa pagpapatunay ng
katumpakan o katiyakan ng mga impormasyon sa
pananaliksik?

18
KARAGDAGANG GAWAIN

Suriin mo ang bawat pahayag, lagyan ng tsek ( / ) ang kahon bago ang
bilang kung ito ay tama at ( X ) kung hindi.

1. Hindi mahalaga ang kawastuhan ng bantas kung ito ay


makagugulo lamang.
2. Matatagpuan ang bibliograpiya sa unahang bahagi ng
sulating pananaliksik.
3. Nakaayos ang mga ito nang paalpabeto ayon sa pamagat ng
mga sanggunian.
4. Isinusulat ang pangalan ng may-akda nang nauuna ang
pangalan at sinusundan ng apelyido.
5. Kung ang estilong APA ang gagamitin, nakakulong sa
panaklong ang pamagat kung ang sanggunian ay pahayagan.
6. Ginagawa lang ang bibliograpiya kung ang sanggunian ay aklat
o pahayagan.
7. Hindi na kailangang isama ang taon kung kailan nailimbag
ang sanggunian.
8. Kung hindi nabanggit ang may-akda o anonymous ang
nakalagay sa title page, ang pamagat lamang ng aklat ang
isulat.
9. Kung Chicago Manual of Style ang gagamitin, isulat nang buo
ang pamagat ng aklat maging ang subtitle kung aklat ang
sanggunian.
10. Kung higit sa dalawa ang may-akda ng aklat, ang ikalawang
pangalan
ay nauuna na ang initials ng pangalan kaysa apelyido.

Binabati kita dahil tapos ka na sa modyul na ito. Nawa’y gabayan


ka ang ating Poong Makapangyarihan sa iyong gagawing
pananaliksik.

19
TALASANGGUNIAN

Mga Aklat
Dayag, Alma M.at Mary Grace G. del Rosario Pinagyamang
Pluma11.Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016

Bernales, R.A.et al. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Malabon City:


Mutya Publishing House. 2011

Marquez, Sevillano T. Jr. Pintig Senior High School. Quezon City:Sibs


Publishing
House,Inc.2016

Mula sa Internet

Oregon School Library Information System


http://secondary.oslis.org/cite-sources/step-by-step-instructions

Citation Machine
http://www.citationmachine.net/

EasyBib
http://www.easyBib.com

For inquires or feedback, please write or call: Department of Education – (Bureau/Office) (Office Ad
Telefax:

Email Address
For inquires or feedback, please write or call: Department of Education – (Bureau/Office) (Office Ad
Telefax:

Email Address

You might also like