You are on page 1of 19

Instrumental,

Regulatori, at
Heuristikong Tungkulin
ng Wika
FUNCTIONAL APPROACH
Halliday(1973)
 Anomang wika ay may TUNGKULING
tumugon sa pangangailangan ng tao
at lipunang kinabibilangan nito.
 Ang wika ay REPLEKSIYON ng
panlipunang pangangailangan at
konteksto. Haslett (2008)
 Ang silbi at tungkulin ng wika ay
nalilikha alinsunod sa papel na
ginagampanan nito sa isang
partikular na kultura.
Hal. May mga salita sa Filipino na
sentibong ginagamit bilang
konsiderasyon sa kultural na aspekto
ng pakikipag-ugnayan
Sa obserbasyon ni halliday, nabuo niya ang
pitong tungkulin ng wika batay sa iba’t ibang
YUGTO ng PAGKAKAGAMIT ng isang bata.
Nagsisimula ang isang bata sa yugto na
ginagamit niya ang wika upang magpahayag
ng kaniyang pangangailangan. Tutungo sa
PAG-UUTOS at PAGKONTROL sa mga tao
sa kaniyang paligid, hanggang sa may sapat
siyang kakayahan para magtanong-tanong
upang tumuklas.
INSTRUMENTAL
 Ginagamit ang wika para tukuyin ang
mga kagustuhan at pagpapasiya ng
tagapagsalita
 Gamitin ng mabisa ang instrumental na
gamit ng wika sa pamamagitan ng
paglilinaw at pagtitiyak ng
pangangailangan, naiisip, o
nararamdaman.
Alin sa dalawang pahayag ang naglilinaw
ng mensahe ng ninanais na
pakikipaghiwalay?
A. Sa palagay ko, kailangan na nating
magpahinga muna.
B. Sa akin, gusto ko munang
makipaghiwalay.
REGULATORI
 May kakayahang makaimpluwensya at
magkontrol sa pag-uugali ng iba.
 Madalas may negatibong konotasyon
ang ideya ng pagkontrol, ngunit maaari
namang isagawa ito sa positibong
paraan ng angkop na paggamit ng wika.
Halimbawa:
Sa berbal na komunikasyon, positibong
hikayatin ang isang tao kung unang
babanggitin ang kaniyang mga kalakasan;
maaari din namang makasakit kung
iinsultuhin ang isang tao dahil sa kaniyang
limitasyon.
 Ang regulatori na tungkulin ng wika ay
maaari ding gamitin sa ideolohiya ng mga
negosyante ginagamit ito sa mga
patalastas para MAKAPANGHIKAYAT at
IMPLUWENSYAHAN ang konsyumer na
bilhin ang produkto dahil nililikha nila sa
isip ng konsyumer ang
PANGANGAILANGAN sa produkto at
nag-uutos na GAYAHIN O GAMITIN
ang produkto.
HEURISTIKO
 Ginagamit ang wika sa pag-aaral at
pagtuklas upang makapagtamo ng
kaalaman ukol sa kapaligiran.
 Sumusulpot ito sa mga pagkakataong
nagtatanong, sumasagot, o pag-alam ng
mga bagay-bagay.
 Sa aktuwal na karanasan, maaaring
makita ang tungkulin ng wikang heuristiko
sa mga gawain ng imbestigasyon,
pagtatanong, at pananaliksik.
Halimbawa:
Mga pahayag na nagpapakit ng
heuristikong tungkulin ng wika
“Anong nangyari?”, “Para saan?” “Bakit
mo ginagawa iyon ?” “Sabihin mo sa
akin kung bakit ?”
Basahin ang diyalogo at tukuyin ang
tungkulin ng wika kung: A.
Instrumental, B. Regulatori, at C.
Heuristiko sa mga pahayag na may
guhit. Isulat lamang ang titik.
Juana: Parang (1) gusto kong lumahok sa
kanilang rali.
Juan: (2) Ano ba ang ginagawa sa rali ?
Juana: Programa at talakayan sa mas
malawak na hanay ng mga tao.
Juan: (3) Bakit rali ?
Juana: (4) Ginagawa ito bilang isa sa mga
porma ng malayang pagpapahayag at
praktis ng demokrasya
Juan: Ibig sabihin, (5) may iba pang
porma ng pagpapahayag?
Juana: Marami naman, kung (6) gusto mo
ay maaari kang lumahok sa paraan ng
diyalogo forum, pagsulat ng tula.
Juan: Ayun naman pala, (7) bakit rali pa
ang napili ?
Juana: (8)Kailangang ipaabot sa mas
malawak na mamayan ang isyu.
Juan: Ganun?
Juana: (9)Tandaan din natin na marami
tayong tinatamasang karapatan at
kalayaan ngayon na ipinagtagumpay sa
kolektibong pagkilos.
Juan: Tama! (10)Tara lumahok tayo!
Gawain: Bumuo ng sariling
commercial ad na naglalayong
humikayat sa mga tao na gamitin
at tangkilikin ang sarili nating
mga produkto.
40% Kawilihan
30% Nakahihikayat
30% Malikhain
100% Kabuuan

You might also like