You are on page 1of 19

MAPEH

MUSIC • ARTS • P'HYSICAL EDUCATION • HEALTH


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignatura ng Mapeh- Music Grade 5 ng Self Learning Module


(SLM) Modyul para sa araling. Mga Konsepto at Simbolo ng Musika! Ang modyul na ito ay
pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Mapch- Music Grade 5 ng Self Learning Module (SLM) Modyul
ukol Me Konsepto at Simbolo ng Musika. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa
iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag- aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
Subukin maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin
Balikan sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


Tuklasin sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
Suriin kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
Pagyamanin iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


Isaisip ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Tayahin

Karagdagang
Gawain

Susi sa
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhaan sa paglikha o


Sanggunian paglinang ng modyul na ito

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Alamin

Ang musika at pag-awit ay bahagi na ng kultura nating mga Pilipino. Naging tanyag tayo sa
buong mundo dahil sa maraming mang-aawit na nagtanghal sa pandaigdigang intablado at
nagdala ng karangalan upang makilala tayo sa sining ng musika sa buong mundo.

Bagama't napakarami nang mga awiting nailathala sa kasaysayan, magkaiba man ang estilo at
kategorya ng mga ito, ang musika ay binubuo lamang ng dalawang batayang pinagsama-
sama: ang mga notes o nota at ang mga rests o pahinga.

Pagkatapos ng modyul na ito kayo ay inaasahang:

 Nakikil ala ang ibat-ibang uri ng notes at rests;

 Nakikilala nang wasto ang duration ng notes at rests sa @, at # Time Signature


Subukin

Direksyon: Piliin ang titik ng inyong sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ilang beat o kumpas mayroon ang isang quarter note?

a. Isa b. tatlo c. dalawa d. apat

2. Alin sa mga sumusunod ang quarter rest?

a. b. c. d.

3. Ano ang tawag sa notang ito ?

a. whole note b. half note c. quarter note d. eight note

4. Ang . ay katumbas ng __________.

a. b. c. d.

5. Alin ang katumbas ng sa mga sumusunod?

a. b. c. d.

6. Kapag pinag sama ang , ito ay katumbas ng ______.


a.whole note b.dotted half note
c.half rest d.dotted quarter note

7.Ano ang kaukulang kumpas ng pahingang ito ?


a. ½ b. ¼ c. 1 d. 2

8. Ang eight rest ay may halagang _______ kumpas.


a. ½ b. ¼ c. 1 d. 2

9. Alin sa mga sumusunod ang may apat na kumpas?


a. b. c. d.

10. Ano ang tawag sa note na ito ?

a. half note b. whole note c. quarter note d. eight note


Araling Ibat – Ibang Urin ng Notes at
1 Rest
Layunin ng araling ito ang mga sumusunod:

a) nakikilala ang ibat-ibang uri ng notes at rests,

b) nakakaguhit ng mga simbolo ng notes at rests,

c) nabibigyang halaga ang mga notes at rests sa awitin.

Balikan

Ating balikan ang aralin sa rhythm. Subukan mong ipalakpak ang mga sumusunod na
pagsasanay sa ibaba ayon sa hinihinging kumpas.

a) Dalawahang kumpas

b) Tatluhang kumpas

c) Apatang kumpas

Ngayon naman ay ipalakpak natin ang rhythm ng kanta habang inaawit ang kantang "Mary
Had a Little Lamb"
Tuklasin

Panuto. Suriin ang musical score ng kanta at sagutin ang mga katanungan na makikita sa
ibaba.

Oh! What a Beautiful Morning

Mga katanungan:

1. Ilang uri ng nota ang makikita sa awitin? Ano-ano ang mga ito?

Suriin

Kasagutan:

May tatlong uri ng note na makikita sa awitin. Ito ay ang mga quarter note, half note at dotted
half note.
Balikan natin ang awitin sa itaas. Ang makikitang mga notes ay ang mga aumusunod:

Unang measure:

Pangalawang Measure:

Sa unang measure, ang mga notes na ito ay quarter notes. Sa pangalawang measure, ito ay
ang half note.

Ang mga nota ay kumakatawan sa mga tunog na naririnig sa isang awitin. Maaaring ang
tunog o tono na ito ay mataas o mababa.

Ang mga pahinga ay ang mga saglit o mahabang katahimikan sa awitin

Ang Mga Musical Notes (Nota) at Rests (Pahinga)

Ang simbolo ng ibat-ibang uri ng nota at pahinga ay ang mga sumusunod:

Kung titingnan ang tsart sa itaas, masasabi nating ang bawat nota at pahinga ay
magkaugnay.
Bagama't mayroong mga notang may tuldok (dotted note) at notang mayroong tie, ang mga
ito ay tatalakayin sa mga susunod na aralin.

Pagyamanin

A. Gawin ang mga sumusunod. Ilagay ang inyong sagot sa bawat puwang

1. Iguhit ang half note at ang whole rest.______ (note)_______(rest)


2. Ano ang katumbas na bilang kumpas ng dalawang quarter note?_________
3. Ilang kumpas/beat mayroon ang isang quarter note?________
4. Iguhit ang quarter note.________

B. Iguhit ang nota o rest sa mga sa patlang.

1.______half rest 3.______half note 5.______quarter note

2.______eighth note 4.______quarter rest 6.______quarter note

Isaisip

Ang ibat-ibang uri ng nota ay ang____________na may apat na kumpas,___________ na


may dalawang kumpas,__________ na may isang kumpas, quarter note na may ___________
kumpas at eight note na may ____________.
Ang ibat-ibang uri ng rest o pahinga ay ang __________ na may apat na kumpas, __________
na may dalawang kumpas,____________ na may isang kumpas, eighth rest na may_________
kumpas at sixteenth rest na may_________kumpas.

Ang isang quarter note ay katumbas ng__________ eight note. Ang isang half rest ay may
katumbas ng __________ quarter rest. Ang isang eight rest ay katumbas ng __________ sixteent rest.

Isagawa

Punan ng tamang bilang kumpas ang kahon sa ibaba.

Tayahin

Panuto. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Anong uri ng note ang may isang kumpas?

a.
b.
c.
d.
2. Ilang quarter note ( ) mayroon sa dalawang half note ( )?

a.2 b.4 c.6 d.8

3. Ano ang tawag sa simbolong ito ?

a.whole rest c.quarter rest


b.half rest d.eight rest

4. Ilang eight note mayroon sa isang quarter note?

a1 b. 2 c. 3 d. 4

5. Gaano katagal ang pahinga na ibibigay ng isang quarter rest?

a2 b. 1 c. 3 d. 4

Karagdagang Gawain

Panuto. Iguhit sa puwang ang mga inilalarawan sa pangungusap.

1. Ang nota na may apat na kumpas. ___________

2. Ang pahingang katumbas ng dalawang quarter rest. _____________

3. Ang pinagsamang bilang ng kumpas ng isang at ._____________

4. Ang nota na may katumbas na ___________

5. Ang pahinga na katumbas ng dalawang ___________.


Alamin

Ang Pilipinas ay may mayamang kasaysayan ng sining at kultura. Ang mga sinaunang
anyo ng sining na ito ay binubuo ng mga banga, tapayan, at mga sinaunang anyo ng tirahan
ng mga Pilipino. Ang mga bagay na ito ay mahahalagang yaman ng kultura na naglalarawan
sa anyo ng pamumuhay natin noon.

Sa unang bahagi ng aralin sa Sining ay tatalakayin ang yaman ng lahing Pilipino.


Pag-aaralang ang mga pamamaraan ng pagguhit gamit ang mga kagamitang nagmula sa
mayamang kultura at kasaysayan bilang mga paksa.

Aralin sa Yunit :

1. Pagguhit ng mga banga


2. Ang Paglalayag sa Ating Kultura
3. Masisining na Disenyong Arkitektural ng mga Pilipino
4. Ang Pagguhit ng mga Arkeolohikal na Artifact ng Bansa
Subukin

Panuto : Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ang mga linya, kulay, hugis, at tekstura ay tinatawag na mga ________ ng sining.

a. elemento
b. gamit
c. prinsipyo
d. teknik

2. Ang mga teknik o pamamaraan ng pagguhit tulad ng shading ay nakadaragdag ____ sa


isang likhang-sining.

a. Lalim
b. Kapal
c. Teksture
d. Lahat ng nabanggit

3. Ang cross-hatching ay isang teknik o paraan ng ________.

a. guhit
b. linya
c. shading
d. teksture

4. Ang balance ay isang _______ ng sining na maaring pormal o symmertrical o hindi pormal
o assymetrical.

a. Elemento
b. Gamit
c. Prinsipyo
d. Teknik

5. Sa isang hiwalay na papel, subuking gumuhit ng isang mahalagang bagay na makikita sa


inyong tahanan. Isulat sa baba ang kahalagahan ng bagay na napili.
Araling Pagguhit ng mga sinaunang
1 bagay
Layunin ng araling ito ang mga sumusunod:

a) Natutukoy ang mga sinaunang bagay o antigo sa paligid na dapat bigyang-halaga

b) Nakakaguguhit sa pamamagitan ng cross-hatching o pinagkrus na mga linya at contour


shading

c) Naipapamalas ang pagkaunawa ng mga elemento (lines,shapes) at prinsipyo ng sinning


(rhythm,balance) sa pagguhit

Tuklasin

Ang mga antigo o lumang kagamitan ay pinahahalagahan dahil sa angking katangian


ng mga ito. Pinayayabong din at pinagyayaman ng mga ito ang kasaysayan, sining, at kultura
ng bansa.

Halimbawa, ang mga kagamitan sa loob ng tahanan lalo na ang mga sinauna ay
pinapahalagahan dahil sa taglay nito ang pambihirang katangiang sining, mataas na halaga ng
salapi, at mga kwento na may kinalaman sa kasaysayan ng pamilya o tao.

Sa araling ito, gagamitin natin ang mga antigong banga bilang inspirasyon at paksa ng
iguguhit na larawan
Suriin

Ang Paggawa ng banga at tapayan ay may mahalagang bahagi ng kasaysayan at


kultura ng Pilipinas. Ano-anong teknik sa pagguhit ang maari nating gamitin upang maipakita
ang kakaibang disenyo nito ?

May ibat-ibang uri ng banga. Ang ilan dito ay natatangi sa disenyo ng pagkakagawa.
Masdan ang mga halimbawa sa mga larawan.

Ang banga sa kaliwa ay may pormal na uri ng balanse o Symmetrical balance. Ang
mga bagay na makikita sa kaliwang bahagi ay katulad din ng mga bagay na makikita sa
kanang bahagi nito.

Ang banga naman sa kanang larawan ay nagpapakita ng hindi pormal na bakanse.


Ang mga bagay sa kabilang bahagi nito ay di magkatulad, ngunit parehas na mahalaga ang
mga ito upang mapanatili ang pagkapantay ng bagay. Ito ay tinatawag na Asymmetrical
balance .

Paano iguguhit ang mga banga na maipapakita ang mga detalye ng bawat isa?

Sa pamamagitan ng paggamit ng teknik o pamamaraan ng pagguhit, maaring


lumikha ng sari-saring epekto. Maipakikita ang lalim, kapa; at texture o tekstura ng bagay na
giniguhit sa pamamagitan ng cross-hatching at iba pang teknik ng shading.

Ang CROSS-HATCHING ay isang paraan ng shading kung saan paulit-ulit ang


pagguhit ng pinag-krus na linya.
Ang isa pang paraan ng shadig ay ang COUNTOUR SHADING na nagagawa sa
pamamagitan ng patagilid na pagkiskis ng lapis o iba pang pagguhit sa papel. Ginagamit ito
sa gilid ng ginuguhit upang maipakita ang mga hugis nito.

Pagyamanin

Gawaing Pansining Sundan ang pagsasanay sa hiwalay na papel.

1. Gumuhit ng apat na banga na iba-iba ang hugis. Guhitan ng contour shading ayon sa
panuto gamit ang lapis.

 Pahilis pakaliwa na linya,

 Pahilis pakanan na linya

 Pahigang linya

 Patayong linya

2. Subukang pagsama-samahin ang lahat ng uri ng linya. Gumuhit ng hugis kahon at bilog sa
hiwalay na papel.

Cross-hatching sa kahon Cross-hatching sa bilog


3. Maghanap sa mga lumang magasin at pahayagan ng mga larawan ng mga bagay na may
balanseng symmetrical at asymmetrical.
 Idikit sa isang oslo paper ang mga bagay na symmetrical at sa isa pang oslo paper ang
asymmetrical. Lagyan ng paliwanag sa ibaba ng dinikit na larawan.

Isaisip

Ang pag-unlad ng kalakalan noong unang panahon ay may kinalaman sa uri ng


kapaligiran ng bansa at sa mga katutubong ugali nila tulad ng pagiging masipag, malikhain,
maparaan, masinop at mapagkakatiwalaan. Ang cross-hatching at contour shading ay mga
pamamaraan ng shading upang bigyan lalim, kapal, at tekstura ang biswal na paningin at
pandama ng larawang iginuhit.

Isagawa

ART ACTIVITY

Paalala: laging lagyan ng PANGALAN at GRADE LEVEL AND SECTION sa taas ng


papel .

Bangang ginamitan ng Cross-hatching at Contour Shading

Kagamitan:

 Lapis
 Bond paper o anumang malinis na papel Hakbang sa
Paggawa:

1. Kumuha ng bond paper o anumang malinis na papel. Tingnan ang mga larawan sa itaas.
2. Matamang pagmasdan ang mga ito at iguhit sa papel gamit ang lapis.
3. Gamitin ang pamamaraang cross-hatching at contour shading. Tiyaking naipapakita ang
detalye ng disenyo ng bawat banga.
4. Ipakita rin ang uri ng balanse ng bawat banga. Ito ba ay symmetrical o asymmetrical?
5. Kung wala ka nang idadagdag, puwede nang itanghal ang iyong iginuhit na 3D na larawan
ng banga, picturan ito at i-send sa FB GROUP MAPEH 5

Tayahin

Tagyan ng tsek ( ) ang kahon batay sa antas ng iyong naisagawa sa buong aralin.

RUBRIK PARA SA PAGGUHIT NG BANGA

Mga Sukatan Higit na nsusunod Nasusunod and Hindi nasunod ang


ang pamantayan sa mga pamantayan sa mga pamantayan sa
pagbuo ng pagbuo ng likhang pagbuo ng likhang-
likhang-sining sining sining
5 3 2
1.Nagbigay ng ilusyon ng
lalim, kapal at tekstura
gamit ang contour shading
na pamamaraan sa pagguhit
2. Nakasunod nang tama sa
mga hakbang sa pagguhit
3. Naipakita at nabigyan
diin ang natatanging
disenyo ng mga bangang
iginuhit

You might also like