You are on page 1of 18

`

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

TALAAN NG NILALAMAN

MODYUL 2

Aralin 1: Paano Kita Iginagalang, Ipapakita Ko …. Pahina 2 - 5


sa Iyo ang mga Paraan: Respeto

Aralin 2: May Pananagutan Ako sa Aking mga …. Pahina 6 - 9

Kilos: Responsibilidad

Aralin 3: Tagapag-ingat Ako ng Aking Kapatid: …. Pahina 10 - 14


Pagmamalasakit sa Kapwa

Aralin 4: Maari Akong Maging Isang Mabuting …. Pahina 14 - 18


Samaritano: Pagdamay

ESP 6 – Modyul 2 1/18


`

MODYUL 2
Ako ay Responsableng Kasapi ng Lipunan: Pananagutang
Panlipunan

ARALIN Paano Kita Iginagalang, Ipapakita Ko sa


Iyo ang mga Paraan: Respeto
1: Mga Layunin
Pagkatapos ng talakayan sa araling ito, ang mga mag-aaral ng ika-anim na baiting ay
inaasahang:
A. naipapamalas ang paggalang sa kapwa
B. naisasagawa nang may pananagutan ang mga kilos; at
C. naipapakita ang kahalagahan ng pagrespeto sa kapwa

Pinagbatayan
 Modyul
 Batayang Aklat ng Pagpapakatao: Paghubog ng Pagkatao para sa
Pagtibay ng Bansa, Baitang 6

Mga Kagamitan

 Edukasyon sa Pagpapakatao: Kagamitan ng Mag-aaral, Yunit 2: Iminungkahi


sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph
 Batayang Aklat ng Pagpapakatao: Paghubog ng Pagkatao para sa Pagtibay ng
Bansa, Baitang 6

Paunang Pagtatasa
Basahin ang bawat sitwasyon, lagyan ng ang patlang kung

ito ay nagpapakita ng paggalang at kung hindi.

_____________1. Maayos na kinakausap ni Beth ang bagong


kaklaseng kabilang sa ibang relihiyon.
 
_____________2. Pinagtawanan ni Jessica ang kanyang kaibigan
tuwing ito ay nagsisimba.
 
ESP 6 – Modyul 2 2/18
`
Ako ay Responsableng Kasapi ng Lipunan: Pananagutang
Panlipunan

_____________3. Magalang na nagtatanong si Emman sa kaniyang


magulang tungkol sa ibang gawain.
 
_____________4. Hinayaan lamang ni Juan ang kaniyang ina na
magbuhat ng mabibigat na bagay.
 
_____________5. Nagmamano si Eden sa kaniyang mga magulang
pagka dating galing sa paaralan.

Simulan Natin!

Ang paggalang ay nagsimula sa salitang Latin na “respectus” na ang ibig sabihin ay


“paglingon o pagtingin muli,” na ang ibig sabihin ay naipapakita ang paggalang sa
pamamagitan ng pagbibigay ng halaga sa isang tao o bagay.
Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nakapagpapatibay sa kahalagahan ng
paggalang. Nagsisimula sa pamilya ang kakayahang kumilala sa pagpapahalaga.

Paano natutunan ng bata ang paggalang at pagsunod?


1. Pagmamasid
2. Pakikinig at pagsasabuhay
3. Disiplina at pagwawasto

Paano maipapakita ang paggalang at pagsunod sa magulang?


1. Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon
2. Paggalang sa kanilang mga kagamitan
3. Pagtupad sa itinakdang oras
4. Pagiging maalalahanin
5. Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal

Paano maipapakita ang paggalang at pagsunod sa mga nakatatanda?


1. Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang ang maayos na
pakikipag-usap.

2. Hingin ang kanilangpayo at pananaw bilang pagkilala sa


ESP 6 – Modyul 2 karunungang dulot ng kanilang mayamang karanasan sa buhay. 3/18

3. Iparamdam sa kanila na sila ay naging mabuting halimbawa lalo na


`

Ako ay Responsableng Kasapi ng Lipunan: Pananagutang


Panlipunan

5. Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahiligan na


makabubuti sa kanila.

Paano maipapakita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?


1. Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng Diyos sa
paggalang sa mga taong may awtoridad.
2. Lagi mong ipapanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw
ay pamahalaan.
3. Maging halimbawa sa kapuwa.
4. Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay
na dapat sundin ay magiging kaaya-aya.

Paano maisasabuhay ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal?


1. Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon at
pagkilala sa halaga ng pamilya at ng lipunang kinabibilangan.

2. Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad at


magwasto sa kaniyang pagkakamali.

3. Pagtugon sa pangangailangan ng kapuwa, sa pamamagitan ng


patuloy na pagtulong at paglilingkod sa kanila.

4. Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapuwa sa


pamamagitan ng maayos at marapat na pagsasalita at pagkilos.

5. Isaalang alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa


pamamagitan ng pagpapakita ng angkop na paraan ng
paggalang.

6. Suriin ng mabuti ang kalagayan o sitwasyon ng kapuwa upang makapagbigay ng


angkop na tulong bilang pagtugon sa kanilang pangangailangan.

7. Bilang bahagi ng katarungan, ibigay sa kapuwa ang nararapat sa kanya at ang


nararapat ay ang paggalang sa kanyang dignidad.
ESP 6 – Modyul 2 4/18
8. Sa pakikipag-usap sa kapwa, iwasan ang madaliang paghuhusga at pagbibitiw ng
masasakit na salita.
`
Ako ay Responsableng Kasapi ng Lipunan: Pananagutang
Panlipunan

Subukin Natin!

Pag aralan ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang dapat mong sabihin upang maipakita
ang paggalang sa kapwa.

1. Dadaan ka sa gitna ng dalawang taong nag-uusap.


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Bumisita ang punong-guro ng paaralan sa inyong silid aralan.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Magpapaalam ka sa iyong guro upang pumunta ka sa palikuran.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
4. Humihiram sa iyo ng aklat sa ESP ang iyong kaklase subalit hindi mo pala dala ito.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
5. Isinasauli mo sa kaklase mo ang hiniram mong krayola pagkatapos mong gamitin.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Tandaan Natin!

ESP 6 – Modyul 2 5/18


`

Ako ay Responsableng Kasapi ng Lipunan: Pananagutang


Panlipunan

ARALIN May Pananagutan Ako sa Aking mga Kilos:


Responsibilidad
2:
Mga Layunin

Pagkatapos ng talakayan sa araling ito, ang mga mag-aaral ng ika-anim na baiting ay


inaasahang:
a. naipapamalas ang pagiging responsible sa mga kilos
b. naipapakita ang kahalagahan ng pagiging responsible

Mga Kagamitan
 Modyul

 Batayang Aklat ng Pagpapakatao: Paghubog ng Pagkatao para sa Pagtibay ng


Bansa, Baitang 6

Ang paggalang sa kapwa tao ay natututuhan natin mula sa pagkabata. Ito ay


Pinagbatayan
isang hakbang sa pagkakamit ng isang mapayapang pamayanan. Kapag iginagalang
ng lahat ang kaniyang kapwa tiyak na walang magkakagalit dahil nirerespeto ang
karapatang pantao.
 Edukasyon sa Pagpapakatao: Kagamitan ng Mag-aaral, Yunit 2: Iminungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph

 Batayang Aklat ng Pagpapakatao: Paghubog ng Pagkatao para sa Pagtibay ng


Bansa, Baitang 6

ESP 6 – Modyul 2 6/18


Ako ay Responsableng Kasapi ng Lipunan: Pananagutang
`
Panlipunan

Paunang Pagtatasa
Basahin ang bawat sitwasyon, tukuyin kung ang isinasaad ng bawat bilang ay
nagpapakita ng pagiging responsable sa mga kilos. Isulat sa patlang ang OO kung ito
ay nagpapakita ng pagiging responsible at HINDI naman kung hindi.
 
_____________1. Pinapanatili kong malinis ang aming bahay.

_____________2. Inuuna ko ang paglalaro kaysa sa pag-aaral.

_____________3.Pinababayaan ko lamang ang aking nakababatang


kapatid kahit na ibinilin ito sa akin ng aking magulang.

_____________4. Hinayaan lamang ni Carlo na maging makalat ang


kaniyang silid.

_____________5. Inaayos ko ang aking higaan pagkagising sa


umaga.

Simulan Natin!

Ang responsibilidad ay tumutukoy sa tungkulin ng tao sa kapwa,


paligid, pamahalaan at sa mga nakapaligid sa kanya. Ito ay parte ng buhay
ng bawat tao at tayo ay may kanya-kanyang responsibilidad o tungkulin na
kailangan gampanan.
Ang pagiging responsable ay ginagampanan ang sariling
obligasyon sa bahay, paaralan, at komunidad. Kapag nagkamali, inaamin,
humihingi ng patawad at iwawasto ang tungkulin. Kailangan nating
ESP 6 – Modyul 2 7/18
magkaroon ng katangiang ito upang maging bukas ang ating mga mata sa
mga tungkuling ating ginagawa. Dapat ay alam natin kung ano ang
`
Ako ay Responsableng Kasapi ng Lipunan: Pananagutang
Panlipunan

Subukin Natin!

Basahin ang bawat pangyayari at suriin kung ano ang magiging kahihinatnan nito.
Isulat sa loob ng kahon ang iyong sagot.

1. Inaya kang maglaro ng kaibigan mo at nakalimutan moa ng


sinaing mo.

2. Hindi mo nagawa ang iyong proyekto sa Asignaturang ESP.

3. Malapit na ang inyong Markahang Pagsusulit ngunit hindi ka nag-


aral at inuna mo ang paglalaro ng Mobile Legends.

4. Naiwan mong nakasaksak sa plag ng kuryente ang plantsang


ginamit mo.

ESP 6 – Modyul 2 8/18

5. Mas inuuna mo ang pag-aaral at pagtulong sa magulang pagka-


`
Ako ay Responsableng Kasapi ng Lipunan: Pananagutang
Panlipunan

Tandaan Natin!

Ang boomerang generation ay tumutukoy sa mga kabataang nagsarili


pero bumalik din sa kanilang mga magulang dahil hindi nila kaya ang
mamuhay ng mag-isa. Nangyayari ito kapag ang mga kabataan ay hindi
naturuang magbadyet at maging responsible sa buhay, at lumaki silang walang
gaanong alam sa buhay at iba pang bagay.
Kaya ngayon palang, sanayin ang inyong mga sarili na maging
responsible. “Hindi magandang nakadepende kayo hanggang sa maging 18
taong gulang at saka mamulat sa tunay na mundo.”

ESP 6 – Modyul 2 9/18


`

Ako ay Responsableng Kasapi ng Lipunan:


Pananagutang Panlipunan

ARALIN 3 Tagapag-ingat Ako ng Aking Kapatid:


Pagmamalasakit sa Kapwa

MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan sa araling ito, ang mga mag-aaral ng ika-anim na
baiting ay inaasahang:
a. nalalaman kahalagahan ng pagmamalasakit sa kapwa
b. naisasabuhay ang pagmamalasakit sa kapwa

MGA KAGAMITAN
 Modyul

 Batayang Aklat ng Pagpapakatao: Paghubog ng Pagkatao para sa Pagtibay ng


Bansa, Baitang 6

PINAGBATAYAN
 Edukasyon sa Pagpapakatao: Kagamitan ng Mag-aaral, Yunit 2: Iminungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph
 Batayang Aklat ng Pagpapakatao: Paghubog ng Pagkatao para sa Pagtibay ng Bansa,
Baitang 6

PAUNANG
PAGTATASA
Pagmasdan ang mga sumusunod na larawan. Isulat sa loob ng kahon ang salitang
MABUTI kung ito ay nagpapakita ng pagtulong sa kapwa at MASAMA kung hindi.

ESP 6 – Modyul 2 10/18


`

SIMULAN NATIN!

Ang pagmamalasakit ay tumutukoy sa isang damdamin kung saaan inaalam


natin ang mga bagay na nakakabuti sa kapwa at ang mga bagay na maaaring ikakasama
nito. Nagagawa nating magmalasakit sa kadahilanang ayaw nating makapanakit ninuman
at higit sa lahat malagay sila sa kapahamakan. Ang pagmamalasakit ay kaugalian na ng
mga Pilipino, kadugo man o hindi pinapahalagahan natin ang bawat isa.
Maraming paraan kung paano maipapakita ang pagmamalasakit sa kapwa. Ang
pagtulong sa nakatatanda, may kapansanan at higit sa lahat sa nangangailangan. Ang
pagbibigay ng payo ay isang halimbawa din ng pagmamalasakit sapagkat isa rin ito sa
paraan na pwede mo maimulat ang isang tao na nag-aalinlangan. Ang pagdamay sa
kapwa sa anumang sakuna at pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan ay tanda na
ikaw ay nagmamalasakit.

PAG-ISIPAN NATIN!

Ang Pilipinas ay isang bansang nakaranas na ng iba’t-ibang uri ng pagsubok.


Maraming kalamidad na ang dumating at matapang na hinarap ng mga mamamayan. Ang
pagmamalasakit ng bawat Pilipino sa isa’t-isa ang maituturong pangunahin dahilan ng
kanilang mabilis na pagbangon sa anumang kalamidad. Ang pag-iisip ng mga paraan at
sama-samang pagkilos upang makatulong sa mga nasalanta ay nag hahatid ng pag-asa sa
bawat isa.
Mahalagang malinang sa iyo ang pagiging mapagmalasakit sa kapuwa habang
ESP 6 – Modyul 2 nasa murang edad pa lamang. Kailangang maunawaan mo ang pangangailangan
ikaw ay 11/18
ng ibang tao upang magawa mo nang taos sa iyong puso an pagtulong kapag may
`

Dapat mo ring pahalagahan ang ikabubuti ng iyong kapuwa. Isang paraan ng


pagpapakita nito ay kung iwinawasto mo ang mga maling gawi o asal na ginawa ng ibang
tao. Halimbawa, kung nakita mo ang iyong kaibigan na hindi maganda ang inaasal sa mga
batang namamalimos, mahalagang pagsabihan mo siya upang maitama niya ang kaniyang
pagkakamali.

SUBUKIN NATIN!

Kilalanin ang mga sitwasyon sa ibaba kung ito ay nagpapakita ng pagmamalasakit.


Lagyan ng tsek (✓) kung Oo at ekis (✗) naman kung Hindi. Isulat ang iyong sagot sa patlang
bago ang bilang.

____1. Dinuduraan ni Rico ang taong grasa na nakikita niya sa lansangan.


____2. Nagbigay si Jansen ng biskwit sa batang nagtitinda ng sampaguita
sa tapat ng simbahan.
____3. Isinasabay ni Perry ang kaniyang bagong kaklaseng Muslim sa
pagkain sa kantina kasama ng iba pa niyang kaibigan.
____4. Binabato ni Dino ng malalaking bato ang bahay ng kaniyang
kapitbahay na may COVID-19.
____5. Tinulungan ni Abby ang banyagang humingi sa kaniya ng tulong
kahit na hindi siya gaanong kahusayan sa pagsasalita ng Ingles.

____6. Sumasali si Nika sa mga donation drive kapag may mga nasalanta
ng bagyo.
____7. Kapag may nakikita si Jacy na matandang tumatawid ng kalsada,
sinisigurado niya na ito ay makakatawid ng ligtas.
____8. Tinisod ni Shiela ang kanyang kamag-aral dahil naiinis siya rito.
____9. Nakita mong napapagod ang iyong guro at marami pa siyang
ginagawa ngunit mas pinili niyo mag-ingay ng mga kaklase mo.
ESP 6 – Modyul 2 12/18
____10. Nakasanayan na ng pamilya ninyo ang magbahagi ng pagkain sa
mga pulubi tuwing sasapit ang iyong kaarawan.
`

TANDAAN NATIN!

Bilang isang tao, ang dapat nating gawin ay maging isang huwarang
modelo dahil isa ito sa paraan kung saan makikita ng lahat kung papaano ba
magmalasakit. Tandaan na hindi na kailangan na nakikita ng mga tao kung ano
man ang iyong naitulong dahil kung ang hangarin mo ay makatulong, ginagawa
ito ng kusa. Sa mata ng Diyos lahat ng mga bagay na ginagawa ng kusa ay tama
at may kapalit na biyaya. Naniniwala ako ng kung ano man ang iyong nagawa sa
kapwa aanihin mo rin ito balang araw ng sobra pa sa iyong inaakala. Maging
inspirasyon ka sa lahat ng bagay ng sa ganun tularan ka din ng iba.

MAGPASYA AT KUMILOS!

Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Isulat sa kahon A ang maaring mangyari sa
taong binanggit sa sitwasyon kung may nag mamalasakit sa kniya. Isulat sa kahon B ang
maaring mangyari kung walang magmamalasakit sa kaniya.

1. Si Lola Ine ay nasa dulo ng pila habang naghihintay ng sasakyan.

A. B.

2. Napapadalas ang pag-uwi ni Mila nang gabi mula sa paaralan.

A. B.

ESP 6 – Modyul 2 13/18


`

3. Nahinto si Lyka sa pag-aaral dahil natanggal sa trabaho ang kaniyang


ama.

A. B.

4. Si Aling Carmen ay naiwang nag-iisa sa bahay habang siya ay may sakit.

A. B.

5. Nahilo si Mang Isko habang naglalakad sa daan.

A. B.

ESP 6 – Modyul 2 14/18


`

ARALIN 4 Maari Akong Maging Isang Mabuting Samaritano:


Pagdamay

MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan sa araling ito, ang mga mag-aaral ng ika-anim na
baiting ay inaasahang:
a. nalalaman ang kahalagahan ng pagdamay sa kapwa.

MGA KAGAMITAN
 Modyul
 Batayang Aklat ng Pagpapakatao: Paghubog ng Pagkatao para sa Pagtibay
ng Bansa, Baitang 6
 PIVOT 4A Learner’s Material, Ikalawang Markahan Unang Edisyon, 2020

PINAGBATAYAN
 Edukasyon sa Pagpapakatao: Kagamitan ng Mag-aaral, Yunit 2: Iminungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph
 Batayang Aklat ng Pagpapakatao: Paghubog ng Pagkatao para sa Pagtibay ng Bansa,
Baitang 6

PAUNANG
PAGTATASA
Panuto: Isulat ang ♥ sa patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng
pagdamay at ✗ kung hindi.

____1. Binantayan at inalagaan ni Anna ang kaniyang inang may


sakit.
____2. Nagdadalamhati ang kaibigan ni Victor na si Alfredo dahil sa
pagkwala ng ama nito, sa halip na damayan ang kaibigan ay hindi niya ito
pinansin at nagpakasaya lamang.
____3. Iniligtas ni Melchor ang mahigit na sampung tao na na-trap sa
baha dahil sa bagyo.
____4. Naglikom ng donasyon ang grupo ng mga kabataan para
tulungan ang mga taong binaha.
____5. Binigyan ni Edna ng mga damit at pagkain ang mga taong
nakatira sa kalsada.

ESP 6 – Modyul 2 15/18


`

SIMULAN NATIN!

Ang pagdamay sa kapwa ay isang gawaing kinalulugdan ng Diyos. Ang


magagandang karanasan sa pagtulong na naibabahagi sa iba ay maaaring kapulutan ng
magagandang halimbawa ng ibang mga kabataan. Ang pagdamay or sympathize ay ang
` pagkikipagbahagi sa damdamin ng isang tao. Ito rin ay maaaring pagunawa o pagkaintindi
sa isang bagay

PAG-ISIPAN NATIN!

Tingnan ang mga larawan sa itaas. Tungkol saan kaya ang mga ito? Tama! Ito ay
patungkol sa mga kalamidad. Ito ay mga pangyayaring hindi natin inaasahan tulad ng
nararanasan nating pandemya sa kasalukyan.
Sa panahon ng sakuna at pangangailangan, pagtutulungan ang dapat asahan.
Napatunayan nating mga Pilipino na isa tayo sa mga pinakamatulungin na tao sa mundo. Sa
lahat ng nagdaang mga pagsubok at kalamidad, pinatunayan natin na kaya natin kung tayo
nagkakaisa at nagsama-sama. Ikaw, handa ka bang tumulong kung sakaling may
nangangailangan? Handa ka bang mamuno para tulungan ang mga biktima ng kalamidad?
Tungkulin ng bawat mamayan ang makialam at makisangkot sa mga napapanahong
isyu tulad sa panahon ng trahedya maging ito man ay bunga ng natural na mga pangyayari
tulad ng bagyo, pagputok ng bulkan, lindol, o di kaya’y mga sakunang nararanasan
dahil sa kapabayaan ng tao, tulad ng sunog, baha, at aksidente sa kalsada.
Sa gitna ng mga nasabing trahedya, ang dapat nating gawin ay tumulong sa abot ng
ating makakaya. Nilalang tayo ng Diyos na may mga kamay at paa, hindi lamang upang

ESP 6 – Modyul 2 16/18


`

magamit natin sa kabutihan kundi pati na rin sa pagtulong sa ating mga kapuwang nasa gitna
ng trahedya.
Ang tulong na ito ay hindi nalilimitahan sa pagkakaloob ng mga materyal na bagay
tulad ng mga damit at pagkain. Maari rin kasing maipadama ang pagdmay sa pamamagitan
ng pagboboluntaryo o di kaya’y pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa sakuna.

SUBUKIN NATIN!

Isulat ang P kung ito ay nagpapakita ng pagdamay at HP naman kung hindi.


_____1. Nagtago ka nang Makita mong uutusan ka ng iyong tatay.
_____2. Pinagtawanan mo ang bata na nadulas sa pasilyo ng inyong
paaralan.
_____3. Lumapit ka at inabot mo ang laruan ng iyong kapatid na
nakalagay sa itaas ng kama.
_____4. Nakipaglaro ka sa isng bata na nakita mong nag-iisang
nakaupo.
_____5. Binasag mo ang pasong ginawa ng is among kamag-aral dahil
sa galit sa kaniya.
_____6. Tinulongan mong magbungkal ng lupa ang isa mong kamag-
aral dahil sa hindi niya alam kung paano ito gawin.
_____7. Tumanggi kang tumulong na makipag-away sa kaaway ng
iyong kapatid mo.
_____8. Pinagsabihan mo ang kaibigan mo na nakipagtalo sa kapuwa
ninyo mag-aaral.
_____9. Tinulongan mong itulak ng iyong kaibigan ang inyong kamag-
aral habang hindi nakatingin ang inyong guro.
_____10. Sinamahan mong manood ng concert ang iyong kaibigan
kahit alam mong may pagsusulit kayo kinabukasan.

TANDAAN NATIN!

Ang pagdamay ay katulad ng paglalagay ng iyong sarili sa katayuan ng iba.


Ito ay nangangahulugan ng pakikibahagi sa pagdurusa ng iba. Ang taong
madamayin ay nagnanais na makatulong upang makaahon sa kahabag-habag na
ESP 6 – Modyulkalagayan
2 ng kaniyang kapwa. Nadarama ng isang taong madamayin na siya 17/18
ay
may magagawang tulong at makapagbibigay ng pag-asa sa sinuman.
`

MAGPASYA AT KUMILOS!

Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Ipakita ang pagdamay sa kapuwa sa


pamamagitan ng maikling pagsulat. Sundin ang graphic organizer na iyong makikita.

Nasunugan ang iyong kapitbahay na is among kamag-aral.


Kasama sa tinupok ng apoy ang mga damit ng buong pamilya kabilang
na ang kaniyang uniporme. Dahil dito, hindi nakapasok sa paaralan ang
iyong kamag-aral. Nag usap-usap kayong magkapamilya at
napagkasunduan ninyong tumulong.

Mga Gagawin
kong Tulong

ESP 6 – Modyul 2 18/18

You might also like