You are on page 1of 9

1

Salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino ng ikapitong baitang ng Mataas na

Paaralang Pambansa ng Catarman, taong panuruan, 2019-2020

Unang Kabanata

PANIMULA

“Ang wastong edukasyon ay pahalagahan. Ito ay susi sa iyong magandang kinabukasan.”

-Kasabihan

Sanligan ng Pag-aaral

Sa mabilis na pag-usad ng globalisasyon at

teknolohiya, lahat tayo ay naghahangad ng maayos,

dekalidad na edukasyon. Edukasyong magbibigay ng

opurtunidad sa bawat isa na makamtan ang anumang hangarin

sa buhay. Ito rin ang nagsisilbng tulay ng mga taong nasa

sulok ng lipunan para makaagapay sa mabilis na

pagbabago’t pag-unlad ng bayan. Edukasyong hahango sa

putik na ating nakagisnan at magdadala sa rurok ng

tagumpay.

Sa kabilang banda naman malaking papel ang

ginagampanan ng bawat guro sa larangan edukasyon. Sila

ang nagsisilbing modelo, nagbibigay lakas, tapang at

tatag sa mga batang nais matupad ang anumang minimithi sa

buhay. Sila ang nagiging modelo’t humuhubog sa pagkatao

ng isang indibidwal.

This study source was downloaded by 100000837869357 from CourseHero.com on 05-24-2023 08:41:59 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/54264080/Unang-Kabanatadocx/
2

Isa sa mga tungkuling dapat magampanan ng maayos ng

isang guro ay ang pagkatuto ng mga mag-aaral kasama na

rito ang pag-abot sa layunin. Mga layuning magkaagapay na

tutuparin ng mga guro at ng pamahalaan upang magkaroon ng

pagbabago sa sistema ng ating edukasyon. Ang K to 12

Kurikulum (2012) ay ipinanukala upang mapataas ang

kalidad ng edukasyon, mapaghandaan ang kinabukasang

trabaho ng isang tao at makasabay sa umuunlad na

edukasyon sa mundo.1

Ang antas ng sekondarya ay maituturing na kritikal

na yugto sa buhay ng mga mag-aaral dahil dito

sinusubukang makibagay ng mga mag-aaral sa kanilang

kapaligiran at may agam-agam pa ang mga ito na

nararamdaman. Sa antas na ito natututo silang lumihis ng

landas lalo na kung hindi bibigyan ng sapat na oras

kaya’t kinakailangan ng isang guro ang isang mabisang

istratehiya na hahatak sa atensyon ng mga mag-aral. Ayon

nga kay Mckenchie (2006) sa kanyang aklat na “Teaching

Tips”, ang angkop na kasagutan sa tanong na “What is the

most effective method of teaching?” ay nakadepende sa

layunin, sa mag-aaral, sa guro at sa paksang aralin.2

Batay sa mga pag-aaral na isinagawa na nagkakaroon ng mga

1 https://www.academia.edu/28991270/K_12_at_SISTEMANG_PANG_EDUKASYON
2 https://www.scribd.com/document/386408773/DIFFERENTIATED-INSTRUCTION-SA-PAGTUTURO-
NG-PANITIKAN-docx

This study source was downloaded by 100000837869357 from CourseHero.com on 05-24-2023 08:41:59 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/54264080/Unang-Kabanatadocx/
3

pagsasanay ang mga guro upang malaman kung alin sa mga

estratehiyang ito ang pinakamabisa sa lahat. Subalit

kahit ano pa man ang estratehiya ang gamitin mahalaga pa

rin na malaman na ito ay dapat akma sa istilo ng

pagkatuto ng mga mag-aaral. At mahalaga rin na marunong

ang mga guro na maisakatuparan ang kanyang layunin sa

paraang hindi maisasantabi ang kakayahan, interes at

lebel ng kahandaan ng mag-aaral.

Ang akademikong pagganap ay tunay na nangangahulugan

ng tatlongbagay: kakayahang mapag-aralan at maalala ang

mga katotohanan; magkaroonng kakayahang makapag-aral ng

mabisa at malaman kung paanong ang mgakatotohanan ay

sumang-ayon sa isa at isa upang bumuo ng mas malawak

nahuwaran ng kaalaman at isipan ang sarili kaugnay sa mga

katotohanang ito, at pangatlo, kakayahang maipahayag ang

sariling kaalaman sa pagsasalita man o sa pagsulat man sa

papel. Ang mabuting akademikong pagganap ay nakaugnay din

sa pagkakaroon ng mabuting pagsasama-sama ng sariling

kakayahan na ang ilan nga ay ang maayos na lugar para sa

gawain at maayos na pamamahala sa oras. Ang lahat ng ito

ang dapat na isaalang-alang(Berceno, 2012).

Maraming salik ang nakakaapekto sa akademikong

pagganap ng mga mag-aaraL. Ayon sa pananaliksik nina Chen

and Lin (2006), ang mga salik na nakakaapekto sa

This study source was downloaded by 100000837869357 from CourseHero.com on 05-24-2023 08:41:59 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/54264080/Unang-Kabanatadocx/
4

akademikong performans ng mag-aaral ay isang mahalagang

isyu sa antas ng edukasyon. Ito marahil ang rason kung

bakit dumarami ang mga nawawalan ng interes sa pag-aaral

at drop-outs rate ng isang paaralan. Kaya naman, ang mga

salik na ito ay kailangang mabigyan ng atensyon para

mapadali at mapagaan ang proseso sa pagkatuto ng mga mag-

aaral.

Hindi rin nangangahulugan na dahil mataas o mababa

ang marka ng studyante ay mahina na ang utak nito. Kung

ang estudyante man ay nakakuha ng mababang grado sa isang

pagsusulit, hindi din ibig sabihin nito ay mahina na ito

sa pag-aaral. Maraming mga matatalinong bata ang hindi

nagpeperform nang maayos, hindi dahil sa mahinang

komprehensyon sa pag-aaral kundi maaring dahil sa

‘external factors’ na nakakaapekto sa pagtatagumpay sa

pag-aaral (Valmon, 2011).3

Dahil dito, naging interesado ang mananaliksik sa

pag-alam kung anu-anong mga salik ba ang nakakaapekto sa

akademikong pagganap ng ilang estudyante lalong lalo na

sa ikapitong baitang dahil naobserbahan ng mananaliksik

na dumarami ang bilang ng mga mag-aaral na hindi

nakakapasa at nanatili sa parehong antas tuwing

magtatapos ang klase.

3 https://www.avsabonline.org/papers/fili-thesis

This study source was downloaded by 100000837869357 from CourseHero.com on 05-24-2023 08:41:59 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/54264080/Unang-Kabanatadocx/
5

Ang pag-aaral na ito ang sasagot kung ano ang salik

nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino ng ikapitong baitang ng Mataas na

Paaralang Pambansa ng Catarman, taong panuruan, 2019-2020

sa akademikong pagganap ng mga estudyante ang iba’t

ibang mga salik na makukuha sa pag-aaral na ito.

Nararapat lang na bigyang aksyon ang problemang ito upang

maiwasan ang bilang ng out of school youth.

Kaya isasagawa ang pag-aaral na ito dahil wala pang

gumawa ng ganitong pag-aaral sa paaralang pinagtuturuan.

Siniguro ng mananaliksik ang orihinalidad ng paksa.

Layunin ng Pag – aaral

Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang mga salik

na nakakaapekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral

sa ikapitong baitang ng Mataas na Paaralang Pambansa ng

Catarman, taong Panuruan, 2019-2010.

Sa katiyakan layunin nitong masagot ang sumusunod na

katanungan:

1. mabatid ang mga salik na nakaaapekto sa akademikong

pagganap ng mga mag-aral sa ikapitong baitang ng Mataas

na Paaralang Pambansa ng Catarman, taong Panuruan, 2019-

2010 ayon sa;

This study source was downloaded by 100000837869357 from CourseHero.com on 05-24-2023 08:41:59 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/54264080/Unang-Kabanatadocx/
6

1.1. Antas pang-ekonomiko

1.2. Kasarian

1.3. Edad at

1.4. Antas/taon

2. matukoy ang makabuluhang pagkakaiba sa akademikong

pangganap ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang ng

Mataas na Paaralang Pambansa ng Catarman, taong

Panuruan, 2019-2010 ayon sa;

2.1. Antas pang-ekonomiko

2.2. Kasarian

2.3. Edad at

2.4. Antas/taon

Kahalagahan ng Pag – aaral

Ang mananaliksik ay lubos na naniniwalang ang pag –

aaral na ito ay magiging gabay para matugunan ang mga

salik na nakaaapekto sa akademikong pagganap ng bawat

mag-aaral.

Ang pag- aaral na ito ay nakapagbibigay ng malaking

ambag at kahalagahan sa mga sumusunod:

This study source was downloaded by 100000837869357 from CourseHero.com on 05-24-2023 08:41:59 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/54264080/Unang-Kabanatadocx/
7

Mag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral na ito

makatutulong sa kanila upang matuklasan ang kanilang

kahinaan at mapahalagahan ang edukasyon.

Guro. Ang pananaliksik na ito ay maaaring magbigay

ng karagdagang kaalaman sa mga guro sa mga aspetong dapat

nilang bigyang pokus upang maging mas mabisa ang

pagtuturo sa mga estudyante.

Administrasyon. Ang pananaliksik na ito ay maging

gabay ng mga pinuno ng paaralan upang bigyang halaga at

masolusyunan ang mga salik nakaaapekto sa akademikong

pagganap.

Tagaplano. ng Kurikulum. Ang pag-aaral na ito ay

maaaring magbigay ng ideya upang pag-ibayuhin ang

kasalukuyang kurikulum. Maaari din itong maging batayan

sa paggawa ng mga makabagong estratehiya na makatutulong

sa guro at mag-aaral.

Magulang. Bilang unang guro ng kanilang mga anak,

mahihikayat sila na suportahan at gabayan ang mga ito

kanilang sa pag-aaral. Makakatulong din ang pag-aaral na

ito upang malaman ng mga magulang ang mga salik na

nakaaapekto sa akademikong pagganap nang sa gayon sila ay

maging katuwang sa pagpapaunlad ng kakayahan ng kanilang

mga anak.

This study source was downloaded by 100000837869357 from CourseHero.com on 05-24-2023 08:41:59 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/54264080/Unang-Kabanatadocx/
8

Komunidad. Ito ay magsisilbing tulay sa pagsuporta

nila sa mga layunin ng paaralan upang mapataas ang

kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Ito ay sa

pamamagitan ng pagtulong at pakikiisa sa anumang gawain

ng paaralan.

Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaaring

magsilbing karagdagang kaalaman bilang isa ring guro sa

sekondarya at magiging sanggunian din ito ng iba pang

pag-aaral.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Saklaw ng pag-aaral na masuri ang mga salik na

nakaaapekto sa akademikong pagganap ng ikapitong baitang

sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Catarman, taong

panuruan, 2019-2020. Ang mga respondente sa gagawing pag-

aaral ay binubuo ng limang seksyon ng mga mag-aaral na

may kabuuang bilang na 252 sa ikapitong baitang at sa

pamamagitan ng random sampling ay tiyak ng mananaliksik

na balido ang ginawang pagpipili.

Ang pagkakomprehinsibo ng gagawing pananaliksik ay

limitado dahil sa iba’t-ibang hamon. Isang halimbawa ay

ang hindi pagsagot ng mga respondents at pagbalik sa

datos ng tama sa oras. Sa kabila ng mga hamong

makakaharap ng mananaliksik makakaasang gagawin ang lahat

This study source was downloaded by 100000837869357 from CourseHero.com on 05-24-2023 08:41:59 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/54264080/Unang-Kabanatadocx/
9

para makuha’t masagutan ang lahat ng datos na

kinakailangan.

Balangkas Teyoritikal

Ang mga teoryang ginamit sa pag-aaral na ito ay

nagsisilbing gabay upang makamit ang layon ng

pananaliksik na ito.

This study source was downloaded by 100000837869357 from CourseHero.com on 05-24-2023 08:41:59 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/54264080/Unang-Kabanatadocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like