You are on page 1of 3

DASALLA, MARY DANNYELLE D.G.

BSE-SCIENCE 4A

Takdang
Takdang Aralin
Aralin #1
#1
Anong programa ang maaari ninyong ibahagi na
makakatulong sa pagpapaunlad ng ating kultura?

Bilang isang kabataan at mag-aaral na kumukuha ng


kursong Bachelor of Secondary Education, major in Science,
maaaring kong gamitin ang aking impluwensya upang
magbigay ng suwestiyon sa aming komunidad, na magsagawa
ng mga programang may kinalaman sa pagpapayabong ng
kaalaman ng mga kabataan tungkol sa ating kultura. Maaaring
magkaroon ng mga "exhibit" sa aming komunidad na
naglalayong maipakita ang iba't-ibang kultura na nabuo dito sa
ating abang lungsod-- ang lungsod ng Caloocan. Maaaring
magkaroon ng mga lektura tungkol sa kasaysayan ng Caloocan,
mga kaugalian, mga produkto at iba pang mga kasangkapan na
sumasalamin sa kultura ng ating lungsod.

Bukod dito, maaaring ring isulong ang programang


"Kultura sa Palengke", kung saan may araw sa isang linggo na
ang itatampok lamang sa mga pamilihan ay ang mga produkto
na may kinalaman sa ating kultura. Sa ganitong paraan, ating
mapapayabong ang ating kultura.
DASALLA, MARY DANNYELLE D.G.
BSE-SCIENCE 4A

Gawain 1
Panoorin at ibuod ang nilalaman:
https://youtu.be/jFj6MiMIYkw

Ang panitikan ay bunga ng wika at kultura ng isang lipunan.


Nabubuo ito sa pamamagitan ng paghahayag ng mga tao sa
loob ng lipunan ng kanilang mga kaisipan, kaalamanan,
hangarin, at ideya. Sa pagkakabuo ng mga panitikan, ito ay
sumasalamin sa mayamang kultura ng isang bansa at lipunan.
Kaya naman may mga taong masigasig at masugid na pag-
igihin ang kalinangan ng mga panitikan sa pamamagitan ng
pagsusuri. Ilan sa mga taong hinahangaan pagdating sa
panunuring pampanitikan ay sina Clodualdo Del mundo na
nakilala sa kanyang "Parolang Ginto' na nagsimula noong 1972 at
tumagal ng walang patlang hanggang 1935. Ginamit niya ito
upang mamili ng sa palagay niya ay mahuhusay na mga akda.
Kabilang sa mga kinilala sa panunuring pampanitikan ay si
Alejandro G. Abadilla, sa kanyang 'Talaang Bughaw, na
magpasahanggang ngayon ay naging sagisag na ng panunuring
pampanitikan. Ayon pa sa aklat na inakda nina Ramos at
Mendiola, ang panunuri ay kritisismo, at uri ng pagtalakay na
nagbibigay buhay at diwa sa isang nilikhang sining. Ayos sa iba
pang mga eksperto, ito ay agham ng tektso, kung saan, ito ay
isang espesyal na gawain na ginugugulan ng oras.
DASALLA, MARY DANNYELLE D.G.
BSE-SCIENCE 4A

Gawain
Gawain 22
Sa palagay mo ano ang kahalagahan na dulot ng
pagsasagawa ng Pagsusuri ng akdang Pampanitikan?

Ang pagsusuri ng panitikan at hindi pagpipintas ng isang akda


o ng may akda kundi pamumuna rito. Ginagamit ito upang
makapagbigay at matumpok ang kagandahan ng akda ng may-
akda. Binibigyan nito ng diwa ang isang nilikhang sining.
Samantala, ang panunuri ang panitikan ay siya ring
nagbibigay-puna sa mga kahinaan ng isang sulatin na
naglalayon na magbigay ng mga suwestiyon para sa
ikagaganda at mas ikaayos ng mga susunod na sulatin. Ibig
sabihin nito, ang panunuri ng isang panitikan ay pagbibigay
halaga rin ng ikauunlad ng manunulat at gayun na rin ng
panitikan sa kabuuan . Ito ang magbibigay ng pundasyon para
sa mga manunulat at ng panitikan sa lalo nitong ikasusulong
dahil pinapalawan nito ang kaalaman ng parehong manunuri at
manunulat. Sa pagsusuri ng panitikan, nailalahad at
nabubuksan ang kaisipan ng mga mambabasa sa mas malalim
na mensahe at layunin na napapaloob sa isang akda. Bawat
panitikan ay may kanya-kanyang ideya, kaiisipan, at hangarin,
kaya naman, sa pamamagitan ng pagsusuri, nagkakaroon ng
pantay na paghusga habang ang mambabasa ay nakakalikom
ng higit na pagkaunawa sa teksto at konsepto ng akda.

You might also like