You are on page 1of 4

MACARIO B. ASISTIO SR.

HIGH SCHOOL
Pampano Street Caloocan City
Pre- Final Exam
Filipino 9

Pangalan: ___________________________ Pangkan at Baitang: _______________


Petsa; _______________________________ Marka; __________________________

PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan.Pilin ang titik ng


tamang sagot.
1. Ano ang buong pangalan ni Dr.Jose Rizal?
a.Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda
b.Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo Realonda y Quintos
c.Jose Protacio Rizal
d.Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda y Quintos
2. Kanino inialay ni Rizal ang Noli Me Tangere?
a.Sa mga Pilipino b.Sa tatlong paring martir
c.Sa Inang Bayan d.Sa kaniyang pamilya
3.Kanino humiram si Rizal ng pera upang mapalimbagang NoliMeTangere?
a.Dr.MaximoViola b.Ferdinand Bluementrit
c.Andres Bonifacio d.Gregorio Del Pilar
4.Anong aklat ang binasa ni Rizal at naging inspirasyon niya sa pagsulat ng
NoliMeTangere?
a.Mi Ultimo Adios b.La Solidaridad
c.Na nyo No Daiharan d.Uncle Tom's Cabin
5.Sino ang kaisa-isang lalaking kapatid niRizal?
a.Rosario b.Pedro c.Paciano d.Andres
6.Saang bansa tinapos ni Rizal ang Noli Me Tangere?
a.Berlin,Germany b.Madrid,Spain c.Japan d.Paris, France
7.Ano ang kahulugan ng salitang Noli Me Tangere sa Filipino?
a.Huwang Mo Akong Salangin c.Huwag Mo Akong Salingin
b.Huwag mo Akong Hawakan d.Huwag Mo Akong Saktan
8.Anong akda ang isinulat ni Rizal noong siya ay walong taong gulang na sinasabing
isa sa naging ispirasyon ni Rizal ng pagsulat ng Noli Me Tangere?
a.Ang Alamat ngTsinelas c.Ang sanaysay ng BatangGamo-gamo
b.Sa Aking Mga Kabata d. Me Ultimo Adios
9.Anong pamamaran ng mga Frayle ang ginamit upang maangkin nila ang mga lupain
ng mga Pilipino?
a.Titulong Lupa b.Greek Formation c.Spanish Formation d.Spain Formation
10.Sino ang unang guro ni Rizal?
a. Teodora Alonzo b.Leonor River c.Josephin Bracken d.Marie Antoinete
11.Ang mga dahilan ng pagbagsak ng Espanya bilang Kolonisador ay makikita sa ibaba
,MALIBAN sa isa ano ito?
a.Pagkalugi ng Kalakalang Galyon c.Kawalan ng Matatag na Pamahalaan
b.Paghihiwalay ng Kanugnog na bansa d.Pangabuso ng mga Frayle
12.Kailan ang kamatayan n iRizal?
a.June30,1896 b.December19,1861 c.June19,1861 d.Decembre30,1896
13.Pang-ilan sa magkakapatid si Rizal?
a.pangalawa b.panglima c.pampito d.pangsiyam
14.Ano ang tawag sa pamahalaang pinamumunuan ng Hari at Reyna?
a.Demokrasya b.Monarkiya c.Parlyamento d.Makatao
15.Sino ang babaeng pinakasalan ni Rizal?
a.Segunda Katigbak b.Josephine Braken c.O Sei San d.Leonor Rivera

II. Kilalanin ang tauhang tinutukoy ng bawat pahayag. Piliin ang titig ng tamang
sagot.
16.Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod sa
SanDiego; tunay na ama ni Maria Clara.
a.Padre Salvi b.Padre Martin c.Padre Damaso d.Padre Lucas
17. Siya ay isang binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng
paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng SanDiego.
a.Crisostomo Ibarra b.Elias c.Linares d.KapitanTiyago
18.Isang babaing nagpapangap na mestisang Kastila kung kaya abot-abot ang kolorete
sa mukha at maling pangangastila.Mahilig niyang lagyan ng isapang “de” ang pangalan
niya dahil nagdudulot itong “kalidad” sa pangalan niya.
a.Donya Pia Alba b.Donya Consolacion c.Donya Isabel d.Donya Victorina
19.Isang piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan
at ang mga suliranin nito
a.Elias b.Ibarra c.Linares d.Lucas
20.Masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaron ng asawang pabaya
at malupit.
a.Pia Alba b.Tiya Isabel c.Donya Consolacion d.Sisa
21.Siya ang nuno ni Crisostomo Ibarra?
a.Don Saturnino b.Don Rafael Ibarra
c.DonTiburcio d.Don Pedro Eibarramendia
22.Siya ang nuno ni Crisostomo Ibarra?
a.Don Saturnino b.Don Rafael Ibarra
c.Don Tiburcio d.Don Pedro Eibarramendia

III. PANUTO:Tukuyin kung sino sa mga tauhan ng Noli ang mga nagpahayag ng
mga sumusunod na talata sa ibaba.
23.“Kung ako po ay inyong minamahal ay huwag ninyo akong pabayang maging sawi
habang buhay.Ibig ko pong mag mongha”.
a.Maria Clara b.Sisa c.Inday d.Victoria
24.“Nakikita mo ba yaong mga ilaw sa kampanaryo? Naroroon sina Basilio at Crispin
ngunit di ko dinadalaw si Crispin dahil sa may sakiting Kura.
a.Maria Clara b.Sisa c.Inday d.Victoria
25."Oh Diyos ko ako po ang inyong pahirapan, huwag po ang walang malay kong
anak".
a.Kapitan Tiyago b.Sisa c.PiaAlba d.Padre Damaso
26."Ipahintulot ninyong malabag ko ang mga tuntunin ng masusing pakikipagkapwa.
Pitong taon akong nangibang lupain at sa pagbabalik o sa aking bayan ay di ko
mapigilan ngayon ang bumati sa pinakamahalagang hiyas ng aking lupain ,ang mga
babae".
a.Kapitan Tiyago b.Linares c.Crisostomo Ibarra d.Elias
27."Walang mapapala ang anak ng mga mag bubukid sa paaralan, kung bumaba sa,
sumusulat at nagsasa ulo silang mga bagay sa wikang Kastila na hindi naman nila
naunawan."
a.Guro b.PilosopoTasyo c.Crisostomo Ibarra d.Elias
28."Tingnan mo ang mahinang tangkay naiyan. Siya'y umuyuko kapag umiihipang
hangin na parang ikinakanlong ang sarili. Sapagkat kung siya'y magpapakatiga sa
tayo,mababakli siya at malalaga sang kanyang mga talulot. Kaya pararanin niya ang
hangin si ka siya muling tutuwid na taglay ang kanyang mga talulot."*
a.Guro b.PilosopoTasyo c.Crisostomo Ibarra d.Elias
29."Ako'y mamamatay na hindi manlamang nakita ang maningning
napagbubukangliwayway sa aking bayan. Kayong makakakita, batiin ninyo siya at
huwag kalilimutan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi."
a. Elias b. Crisostomo Ibarra c. Pilosopo Tasyo d. Alperes
30.” Utang ko rin sa bayan ang aking kasawian”
a. Elias b. Ibarra c. Tasyo d. Alperes

IV. Panuto: Basahin at unawain ang hinihingi sa bawat bilang.Pilin ang tamang
sagot.
31.Ano ang ibinigay ni Crisostomo Ibarra kay Maria Clara bago siya mag-aral sa ibang
bansa?
a.Rosas b.Kwintas c.Liham d. Singsin
32. Ang pamagat ng Kabanata7 ay Pag-ulayaw sa Asotea. Anoang kahulugan ng
salitang asotea? a.balkonahe b.silongngbahay c.patio d.salas
33.Ang pag dalaw,panunuyo at panliligaw na ginawa ni Crisostomo Ibarra ay
nagpamalas ng kaniyang pagiging
a.mabait b.mapagmahal c.sinsero d.bolero
34.Ano ang pinakatatago ni Ibarra na ibinigay sa kanya ni MariaClara?
a.Panyo b.dahon ng sambong c.rosas d.Kwintas
35.Bakit nag mamadaling umalis si Crisostomo Ibarra sa bahay ni Maria Clara?
a.Dahil may kausap pa siyang iba
b.Dahil dadalawin niya ang libingan ng kanyang ama
c.dahil masama ang tingin sa kanya ni tiya Isabel
d.Dahil galit sa kanya si Padre Damaso

V. Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng bawat talata. Titik lamang ang
isulat.
Para sa aytem 36-40

“Kung isalubong sa iyong pagdating ay masayang


mukha’t may pakitang giliw, lalong pag-ingata’t
kaaway na lihim.”

36. Ang kaisipang lutang sa pahayag ay


a. panlipunan b. Pampamilya c. Pansimbahan d. Pampamahalaan
37 Anong salita sa pahayag ang naglalarawan ng kaaway?
a. isalubong b. Pagdating c. pakitang-giliw d. masayang mukha
38. Ang aral na ibinahagi ng pahayag ay
a. Lumayo sa mga mapagkunwaring kaibigan
b. Mag-ingat sa ipinapakitang giliw
c. Huwag labis na magtiwala sa kaibigan
d. Lahat ng sagot
39. Ang salitang nagbibigay babala ay
a. kung b. pag-ingatan c. Lihim d. Pakita
40. Ito ay pahayag ni
a. Elias b. Tandang Tasyo c. Tenyente Guevarra d. Maria Clara

VI. Kilalanin ang damdamin na ipinapahayag ng mga bawat pangungusap.

41. Huwag ninyo akong gamitan ng kung anu-ano at mabulaklak na mga salita.”Si
Padre Damaso ay
a.mapagkumbaba b.malalahanin c.mapagmatas
42.“Tama! Wala kayong makikitang sinuman sa daigdig nahihigit pa sa ugali ng iyan ng
mga Indio.”Ang pandak na Espanyol ay nagpapakita ng ugaling
a.masayahin b.mapang-alipusta c.matatakutin
43.“Mga ginoo! Iwasan nating makabigkas ng isa sa mangloob ng isa’t isa nang wala
namang dahilan.Iba ang sinasabi ni Padre Damaso bilang pari kaysa sa kaniyang
personal na ibig sabihin. Si Padre Sibyla ay
a.mapanghusga sa kapwa b.mabait ngunit may kinakampihan
c.duwag at may takot sa kaniyang nasasakupan
44.“Ang mga dumating na panauhin ay isa-isang humalik ng kamay kay PadreDamaso.
”Ang mga panauhin ay nagpapakita ng
a.pagalang b.pagkamasiyahin c.pagkamaunawain
45. “Labis labis ang iginugol ni Kapitan Tiyago sa inihandang hapunan para sa mga
panauhin.” Si Kapitan Tiyago ay
a.maunawain b.galante c.magalang

VII. Piliin at titik na tumutukoy sa uri ng antas ng wika na nakasalungguhit sa


bawat pangugngusap.

1. Anong kulay ng tsikot ng utol mo?


a. Balbal b. kolokyal c. pambansa d. lalawiganin d. pampanitikan
2. Ewan ko sa’yo, ayaw mong makinig sa akin.
a. Balbal b. kolokyal c. pambansa d. lalawiganin d. pampanitikan
3. Echos lang pala ang lahat ng kanyang sinabi.
a.Balbal b. kolokyal c. pambansa d. lalawiganin d. pampanitikan
4. “Naluoy na ako sa imo” wika ni Linda sa kanyang kapatid.
a.Balbal b. kolokyal c. pambansa d. lalawiganin d. pampanitikan
5. Tila binagyo ang kuwarto ni Alex matapos umalis ang kanyang mga bisita.
a.Balbal b. kolokyal c. pambansa d. lalawiganin d. pampanitikan

You might also like