You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF CALAMBA CITY
CLUSTER 6
BARANDAL ELEMENTARY SCHOOL

Ikaapat na Markahang Pagsusulit Sa MAPEH 5


Panuto: Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Huwag susulatan ang test paper na ito.
MUSIC
I. Dynamics. Pangalanan ang sumusunod na mga simbolo ng daynamiks. Piliin ang sagot mula sa kahon.

II. Tempo. Tukuyin ang kahulugan ng mga sumusunod na uri ng tempo.

8. Lento __________________
9. Largo __________________
10. Andante _______________
11. Moderato ______________
12. Allegro _______________
13. Vivace ________________

ARTS
I. Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Tukuyin ang larawan na nagpapakita ng isang gumagalaw na sining o mobile art.

2. Pagsunod-sunurin ang tamang hakbang sa paggawa ng isang sining.


1. Iguhit ang paborito mong bagay gamit ang lapis.
2. Kulayan ang iginuhit na bagay gamit ang krayola.
3. Kumuha ng isang kartolina na may matingkad na kulay.
4. Ipakita sa guro ang nagawang proyekto.
A. 1,2,3,4 B. 2,4,1,3 C. 3,1,2,4 D. 4,3,2,1
3. Nakakita ka ng isang plastic na bote sa iyong bahay, Ano ang gagawin mo nito?
A. Iresiklo (recycle) B. Itapon sa dagat C. Sunugin D. Pabayaan
4. Ang paggawa ng pansariling palamuti tulad ng paper beads mula sa mga hindi pangkaraniwang bagay ay
nagpapakita ng_______.
A. Pagiging magarbo B. Pagiging maayos C. Pagiging malikhain D. Pagiging mayaman
5. Ano ang kahalagahan sa paggamit ng 3D art tulad ng paper beads at paper mache sa paglikha ng sining?
A. Nagbibigay kaguluhan C. Nagbibigay buhay sa sining
B. Nagbibigay kalituhaN D. Walang kahalagahan
6. Nanggagaling sa _____ ang paggawa ng isang magandang likhang-sining.
A. Isipan B. Galaw C. Puso D. Puso at Isipan
7. Ano ang tamang gawin sa paggawa ng isang magandang sining?
A. Sundin ang mga hakbang C. Hindi tapusin
B. Gawin ito nang mabilisan D. Gumamit ng hindi angkop na materyales
8. Ano ang iyong gagawin sa mga bagay na iyong ginamit pagkatapos lumikha ng isang sining?
A. Linisin at iligpit ang mga ito C. ipaligpit sa kaklase
B. Hayaan at pabayaan ang mga ito D. ipaligpit sa magulang
9. Ano kaya ang iyong maramdaman pagkatapos makalikha ng isang magandang sining ?
A. Malungkot B. Maiinis C. Masaya D. Magagalit
10. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong gagawin upang mapaunlad ang iyong pagka-malikhain?
A. Pagmumukmok B. pag-eensayo C. pagsasawalang-bahala D. walang gagawin
11. Ano ang tawag sa likhang-sining na gumagalaw?
A. Mobile art B. Structural art C. 3d art D. Painting
12. Alin sa mga sumusunod puwedeng gamitin sa paglikha ng mobile art o gumagalaw na sining?
A. Papel B. Kabibe C. Lumang laruan D. Lahat ng
nabanggit

PHYSICAL EDUCATION
I. Piliin sa kahon ang tamang sagot para sa mga larawan ng bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel.

II. Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
6. Alin naman sa mga ito ang mga gawaing dapat na naisasagawa nang araw-araw ayon sa Philippine physical
Pyramid of Activity Guide?
A paglalaro ng computer C pagsasayaw ng ballroom
B paglalakad D paglalaro ng basketball
7. Alin sa mga sumusunod na gawain ang dapat na iwasan ayon sa Philippine Physical Activity Pyramid?
A. Pag-iigib ng tubig C. Pamamasyal sa parke
B. Paglalaro ng video games D. Pagtulong sa gawaing bahay
8. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapaunlad sa kakayahan sa pagbalanse ng katawan?

A B C D

III. Lagyan ng tsek (✓) kung ang pangungusap ay Makatotohanan at ekis (x) kung ito ay Hindi
Makatotohanan. Gawin ito sa sagutang papel.
9. Ang Itik-Itik ay isang katutubong sayaw.
10. Ang sayaw na Itik-Itik ay nagmula sa Surigao del Sur.
11. Panyo ang gamit ng mga babae sa sayaw na Itik-Itik.
12. Ang Polka sa Nayon ay sinasayaw ng mga kababaihan lamang.
13. Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng sayaw na Polka sa Nayon sa mga Pilipino.

HEALTH
I. Basahing mabuti ang mga tanong sa bawat aytem. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.
1. Ano ang dapat na agarang gawin sa mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman?
A magbigay ng paunang tulong-pinansyal B pagbibigay ng paunang tulong-panlunas
C itaguyod ang kanilang paggaling D pagpananggalang sa sarili
2. Mahalaga ang pagbibigay ng pangunang lunas sa taong nangangailangan upang __________?
A. maging sikat B. maisalba ang buhay
C. makatulong sa mga doctor D. masigurado ang bisa ng gamot
3. Kung ang panlunas sa nagtatae na ABC ay Abocado Bayabas Caimito, sa first aid ito ay nangangahulugang
__________?
A. Animal Bite Center B. Anemia Blood Causes
C. Airway Breathing Circulation D. All Body Masses
4. Ang mga sumusunod ay ang tatlong pangunahing layunin ng pangunang lunas maliban sa isa?
A. Pagbigay ng gamut B. Pagpapanatili ng buhay
C. Pagtaguyod sa paggaling D. Pag-iwas sa paglala ng pinsala
5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI nagsasaad ng tama ukol sa pangunang lunas?
A. Ang pangunang lunas ay maari ding ibigay sa mga hayop
B. Ang pangunang lunas ay ibinibigay sa mga taong nais maisalba ang buhay
C. Dapat na unahing suriin ang daanang hangin sa pagbibigay ng pangunang lunas
D. Kinakailangang gamitan ng natatanging aparatong panggamot ang pagbibigay ng pangunang lunas
6. Alin ang pangunang lunas ang nararapat ibigay sa taong nalason ng pagkain?
A. painumin ng maraming tubig at magpahinga
B. kumain ng isang kutsarang pulot o honey na may katas ng luya
C. painumin ng maligamgam na tubig na may lemon o kalamansi at asukal
D. Lahat ng nabanggit
II. Panuto: Lagyan ng (T) ang puwang kung ang pangungusap ay wasto at (M) kung di-wasto. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
7. Humingi ng tulong sa iba upang makatawag agad ng ambulansya para sa mga biktimang may malalang kondisyon.
8. Kung walang malay ang biktima, tingnang mabuti ang mahahalagang palatandaan ng pagkabuhay ng tao tulad ng
tibok ng puso at paghinga.
9. Upang malaman na humihinga ang biktima, tingnan ang dibdib kung ito ay gumagalaw.
10. Kung walang makitang kagamitan gumawa ng pansamantalang kagamitan tulad ng bandage na gawa sa malinis na
damit.
11. Humingi ng pag-alalay mula sa iba kung kinakailangan.
12. Kung may malay ang biktima, maaari siyang kapanayamin tungkol sa nangyari.

You might also like