You are on page 1of 9

ART I

I.Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na tanong.Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat ito sa patlang bago ang bilang.

____1. Ang mga bagay na makikita natin sa paligid, likas man o hindi ay nakawiwiling
pagmasdan. Maliwanag ang buong paligid dahil sa ______ nito.
A. kulay C. lamig
B. huni D. init
____2. Ang mga dahon na kulay berde at mga bulaklak na may iba’t-ibang kulay ay tinatawag na
____________na kulay.
A. gawa ng tao C. di-likas
B. likas D. pintura
____3. Ang mga kulay ng bahay, gusali at mga laruan ay________na kulay.
A. gawa ng kalikasan C. di-likas
B. likas D. natural
____4. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing kulay?
A. asul, dalandan, berde C. asul, pula,dilaw
B. Puti,dilaw, asul D. berde, puti,dilaw
____5. Ito ay kulay bughaw na tinatawag ding kulay ng kapayapaan. Anong kulay ito?
A. puti C. asul
B. dilaw D. lila
____6. Ang kulay pula ay nagpapakita ng ________na damdamin.
A. maamo C. matapang o galit
B. malungkot D. payapa
____7. Alin sa sumusunod ang mga pangalawang kulay?
A. Pula, puti, dilaw C. berde, dalandan, lila
B. Asul, berde, pula D. asul, pula, itim
____8. Ang kulay berde na kulay ng mga sariwang dahon sa paligid ay tinatawag ding kulay
na__________.
A. luntian C. asul
B. pula D. puti
____9. Kapag pinagsama ang kulay pula at asul, ang kulay na mabubuo ay_________.
A. berde C. lila
B. dalandan D. puti
____10. Kapag pinaghalo ang kulay pula at dilaw ay mabubuo ang kulay na ”orange” o
___________.
A. Lila C. berde
B. Puti D. dalandan
_____11. Ito ay maliit na bahay na yari sa pawid at kawayan, malamig at maginhawa ang
pagtira dito. Anong uri ng bahay ito?
A. Bahay na bato C. rest house
B. Bahay- kubo D. mansion
____12. Sa sining ang lugar na walang laman ay tinatawag na _______
A. Negatibong espasyo C. likas
B. Positibong espasyo D. di- likas
____13. Ang lugar na may laman o may nakaguhit ay tinatawag na ______
A. Likas C. positibong espasyo
B. Di- likas D. negatibong espasyo
____14. Ang likhang- sining na tanawin sa pamayanan na karaniwang nagpapakita ng mga likas
na tanawing gaya ng bundok, puno, at halaman ay tinatawag na____________.
A. Landscape C. mural
B. City scape D. painting
____15. Ito ay likhang –sining na makikita sa pader na makulay at tungkol sa kalikasan,mga tao,
at iba pa.
A. painting C. art
B. drawing D. mural
____16. Ito ay mga linya na paulit-ulit na kalimitang makikita sa mga dahon.
A. pattern C. hugis
B. linya D. kulay
____17.Ang tunay na pattern ng dahon ay nakikita sa pamamagitan ng paglalagay ng dahon sa
ilalim ng papel at pagkuskos nito sa ibabaw. Ang prosesong ito ay tinatawag
na____________.
A. typing C. coloring
B. painting D. rubbing
____18. Ang pagguhit ng iba’t-ibang disenyo o larawan ay nagpapakita ng pagiging ________.
A. malikhain C. matulungin
B. masayahin D. matiisin

II. Iguhit ang sumusunod ayon sa panuto.

19-20. Gumuhit ng isang bulaklak at kulayan ito ng pula.( 2pts.)

21-24. Gumuhit ng isang bahaghari.3pts

25-26 Bumuo ng larawan sa pamamagitan ng pagdudugtong ng mga tuldok o titik.


III. Pagsamahin ang dalawang kulay. Isulat sa patlang kung anong kulay ang nabuo. ( 3pts)

B.28- 30 PULA ASUL

DILAW PULA

ASUL DILAW

“Pangalagaan ang kalikasan”

HEALTH I

I.Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat ito sa patlang bago ang bilang.

____1.Nakipaglaro si Fernan sa kanyang alagang aso. Ano ang dapat niyang gawin pagkatapos
A. Maghugas ng mga kamay. C. Maligo na.
B. Punasan na lang ang kamay D. Punasan ang kamay.
____2. Kailan dapat maghugas ng mga kamay?
A. Kapag marumi na ang mga ito. C. Kapag umuubo.
B. Bago at pagkatapos kumain. D. Lahat ng sinabi.
____3. Ang sumusunod ay mga paraan ng paghuhugas ng kamay maliban sa isa.
A. Basain ng malinis na tubig ang mga kamay.
B. Banlawan ang mga kamay ng malinis na tubig.
C. Gumamit ng basahan sa pagtutuyo ng mga kamay.
D. Gumamit ng sabon at kuskusin ang mga kamay.
____4. SI Arnel ay inuubo, wala siyang dalang panyo. Aling bahagi ng katawan ang pwede niyang
gamitin bilang pantakip ng bibig?
A. Ang kanyang kamay. C. Panyo ng katabi.
B. Ang kanyang braso. D. Ang kanyang blusa.
____5. Sino sa mga bata ang may wastong gawing pangkalusugan?
A. Si Ana na naglalaro sa ulan at baha.
B. Si Bea na naghugas ng kamay pagkagaling sa comfort room.
C. Si Abner na kumakain ng junkfoods.
D. Si Leo na natutulog ng marumi ang katawan at damit.
______6. Buuin ang kasabihan na” Sa maruruming___ sakit ay nakukuha, kaya alagaan sa tuwi-
tuwina”.
A. mukha B. braso C. paa D.bibig
____7.Ingatan ang iyong mga paa upang____________.
A. maging malusog at malinis. C. magkasakit
B. maging mabait. D. maging matamlay.
____8. Maagang natutulog si Mara at maaga rin siyang nagigising. Ilang oras ang dapat na itulog
ng mga batang gaya ni Mara?
A. 5 oras B. 4 na oras C. 8 hanggang 10 oras D. 3 oras
____9. Pagkagising sa umaga, ano ang dapat gawin sa pinagtulugan?
A. Iwanan na lang. C. Ipaligpit kay Nanay.
B. Ipaligpit kay ate. D.Ihagis sa lalagyan.
____10. Ang batang malinis ay malayo sa________.
A. sakit B. panganib C. tukso
____11.” Sa pag-ubo at pagbahin, bibig ay takpan upang sakit ay____.”
A. kumapit B. lumayo C. maiwasan D. dumami
II. Ang sumusunod ay mga wastong paraan ng paghuhugas ng mga kamay. Lagyan ng bilang 1-5
ang ayon sa tamang pagkakasunud-sunod nito.

12. 15.

13. 16.

14. 17.

III. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Bilugan ang larawan nang wastong
sagot.

18. Alin ang dapat isuot sa paaralan?

19. Alin ang dapat isuot kung maglalaro?


20. Alin ang dapat isuot sa lugar- dalanginan?

21. Sino ang wasto ang pag-upo?

22. Sino ang wasto ang pagtayo?

IV. Lagyan ng ekis (X) ang maling larawan.


23. Pagtakip ng bibig at ilong kapag umuubo at bumabahin.

24. Wastong pangangalaga sa katawan.

IV. Kulayan ng pula ang kung wasto ang pahayag at itim kung mali ito.

25. Magpapalit ng damit kapag marumi na ito.

26.Maghapong maglaro sa gitna ng matinding sikat ng araw.

27.Matulog sa tamang oras.

28. Magpapalit ng damit makalipas ang isang linggo.

29. Tatayo ng tuwid.

30. Maglilinis ng katawan bago matulog.


P.E I
1. Dito sumisikat ang haring araw sa umaga. Saang direksyon ito?
A. silangan B. kanluran C. Hilaga D. Timog
2. Sa hapon, ang araw ay makikitang lumulubog sa dakong __.
A. silangan B. hilaga C. timog D. kanluran
3. Kapag tumatawid sa kalsada, ang paglakad ay ___.
A. tuwid B. pakurba C. zigzag D. pahiga
4. Kapag naglalakad tayo at umiiwas sa mga “obstacle” o sagabal sa ating dadaanan, ang
pagkilos natin ay __.
A. tuwid B. zigzag C. pakurba D. pahiga

Tingnan ang mga larawan. Anong kilos ng katawan ang iyong maisasagawa para rito?
5. A. tuwid C. pahiga Pagdaan o pag-ikot ( Rotonda )
B. paliko D. zigzag

6. A. tuwid C. pakurba Pagtawid sa Tulay


B. zigzag D. paikot-ikot

7. A. tuwid C. paliko Pag-iwas sa mga sagabal


B. zigzag D. paikot

8. Ito ay nakatutulong upang maging malakas ang iyong katawan.


A. pagsisigawan B. paglalaro C. pagsusuntukan D. pag-iingay
9. Alin sa mga sumusunod ang larong pangkatan?
A. sipa B. tumbang preso C. tagu-taguan D. patintero
10.Upang manalo sa isang simpleng laro tulad ng patintero at habulan, kinakailangan ang __
nang mabilis.
A. pagtakbo B. paglakad C. pag-akyat D. pagsayaw
11. Alin sa mga sumusunod ang kailangan upang manalo ka sa karera sa habulan?
A. matabang katawan C. magandang damit
B. bilis ng binti at mga paa D. magandang sapatos
12. Ano ang kailangan ng isang grupo para manalo sa isang larong pangkatan?
A. pagsisigawan C. teamwork o pagtutulungan
B. pagalingan D. pag-aawayan
13. Ang mga sumusnod ay mga simpleng laro.Alin ang HINDI?
A. piko B. sungka C. hulahoop D. basketball
14. Ang paglalaro ng hulahoop at piko ay nakakapagpatibay ng ating __.
A. mata B. kamay C. braso D. binti at baywang
15. Kapag natalo sa isang simpleng laro, ano ang iyong dapat gawin?
A. Magalit sa nanalo
B. Tanggapin ang pagkatalo at maging masaya sa nanalo.
C. Suntukin ang nananlo.
D. Sigawan ang nanalo.
16. Alin sa sumusunod ang kilos lokomotor?
A. pagtakbo B. pagikot ng baywang C. pag-ikot ng balikat D. pagyuko
17. Ito ay kilos o galaw kung saan hindi umaalis ng pwesto o hindi lumilipat ng direksyon.
A. kilos lokomotor C. kilos di-lokomotor
B. kilos moco D. kilos motor
18. Alin sa mga kilos na ito ang di-lokomotor?
A. pagtakbo C. pagkembot
B. pagtalon D. paglalakad

II. Practical Test ( 12 pts )


Ipakita ang kilos lokomotor at di lokomotor? ______________________

“Ang batang masigla ay batang matalino”

MUSIKA I
______1. Ito ay paulit-ulit na pulso o tunog na may diin at tagal na tinatanggap ng mga nota at
pahinga. Ito ay maaaring sa pagsasalita, sa pagtula, pag-awit at pagsasayaw.
A. ritmo B.. awit C. tunog D. timbre
_____2. Tinatawag itong kumpas o tulad ng tibok ng puso.
A. pulso B. diin C. awit D. daynamiko
____ 3. Ito ay nagsasaad ng bigat ng tunog o pulso sa isang tugtog o awit. Ito ay __.
A. diin B. awit C. metro D. pulso
____4. Alin sa sumusuno ang simbolo ng diin sa musika?
A. + B. = C. < D. “

____5. Ilang pulso mayroon sa hulwarang ritmo?


A. 5 B. 6 C. 7 D. 8
____6. Ano ang tawag sa panghati sa bawat sukat?
A. bar- line B. zigzag line C. broken line D. curve line
____7. Ito ay binibilang ng 1,2, 1,2, 1,2,

A. metrong dalawahan C. metrong apatan


B. metrong tatluhan D. metrong isahan
____8. Nasaan ang diin sa metrong dalawahan?
A. bilang 2 B. bilang 3 C. bilang 1 D. bilang 4
____9. Ano ang palakumpasan ng metrong dalawahan?
A. 2 B. 3 C. 4 D. 1
4 4 4 4
____10. Ang mga pulso sa metrong dalawahan ay nahahati sa __
A. apatan B. dalawahan C. isahan D. tatluhan
____11. Alin sa sumusunod ang hulwarang ritmo ng metrong dalawahan?
A. > > > C. > > >
1,2 1,2 1,2 1,2 3,4 1,2,3,4 1,2,3,4

> > > > > >


B. 1,2, 3 1,2,3 1,2, 3 D. 1,2 1,2 1,2

____12. Ang pagmamartsa gamit ang kaliwa at kanang paa ay nasa metrong__.
A. tatluhan B. apatan C. dalawahan D. limahan

____13. Anong metro ang may bilang ng 1, 2,3 1,2,3 1,2,3?


A. isahan B. tatluhan C. dalawahan D. apatan
____14. Ilan ang pulso ng metrong tatluhan?
A. 3 B. 4 C. 2 D. 5
____15. Ano ang palakumpasan ng metrong tatluhan?
A. 3 B. 4 C. 2 D. 5
4 4 5 6
____16. Ang metrong tatluhan ay nahahati sa__.
A. isahan B. dalawa C. tatluhan D. apatan
____17. Alin ang hulwarang ritmo ng metrong tatluhan?
A. > > > > > >
1,2, 3 1,2, 3 1,2, 3 C. 1,2 1,2 1,2

> > > D. > > >


B. 1,2, 3, 1,2,3, 4 1,2, 3,4 1 1 1
18-19, Tingnan ang hulwarang ritmo.
Bilangin ang tunog at pahinga

Tunog ___________________ Pahinga______________

(12 pts) Praktikal na pagsusulit

Gamit ang bao , itapik ang sumusunod:

Metrong dalawahan( 4 pts ) _________________

Metrong tatluhan ( 4pts ) ________________

Metrong apatan ( 4pts ) _______________

Ang batang masayahin ay batang mahilig sa musika

You might also like