You are on page 1of 4

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Mapeh

Pangalan: ________________________________ Petsa: __________


Baitang at Pangkat: ____________________ Guro__________________
MUSIC
A. Pasulat na pagsusulit.
Panuto: Tukuyin ang wastong sagot sa bawat bilang. Isulat ang titik ng napiling sagot sa patlang
bago ang mga bilang.

______1. Ito ay paulit-ulit na pulso o tunog na may diin at tagal na tinatanggap ng mga nota at
pahinga. Ito ay maaaring sa pagsasalita, sa pagtula, pag-awit at pagsasayaw.
A. ritmo B.. awit C. tunog D. timbre

_____2. Tinatawag itong kumpas o tulad ng tibok ng puso.


A. pulso B. diin C. awit D. daynamiko

____ 3. Ito ay nagsasaad ng bigat ng tunog o pulso sa isang tugtog o awit. Ito ay __.
A. diin B. awit C. metro D. pulso

____4. Alin sa sumusuno ang simbolo ng diin sa musika?


A. + B. = C. < D. “

____5. Ilang pulso mayroon sa hulwarang ritmo?

A. 5 B. 6 C. 7 D. 8
____6. Ano ang tawag sa panghati sa bawat sukat?
A. bar- line B. zigzag line C. broken line D. curve line

____7. Ito ay binibilang ng 1,2, 1,2, 1,2,

A. metrong dalawahan C. metrong apatan


B. metrong tatluhan D. metrong isahan

____8. Nasaan ang diin sa metrong dalawahan?


A. bilang 2 B. bilang 3 C. bilang 1 D. bilang 4

____9. Ano ang palakumpasan ng metrong dalawahan?


A. 2 B. 3 C. 4 D. 1
4 4 4 4

____10. Ang mga pulso sa metrong dalawahan ay nahahati sa __


A. apatan B. dalawahan C. isahan D. tatluhan
ARTS
____1. Ang mga bagay na makikita natin sa paligid, likas man o hindi ay
nakawiwiling pagmasdan.Maliwanag ang buong paligid dahil sa_______
nito.
A. kulay C. lamig
B. huni D. init

____2. Ang mga dahon na kulay berde at mga bulaklak na may iba’t-ibang kulay ay
tinatawag na ____________na kulay.
A. gawa ng tao C. di-likas
B. likas D. pintura

____3. Ang mga kulay ng bahay, gusali at mga laruan ay________na kulay.
A. gawa ng kalikasan C. di-likas
B. likas D. natural

____4. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing kulay?


A. asul, dalandan, berde C. asul, pula,dilaw
B. Puti,dilaw, asul D. berde, puti,dilaw

____5. Ito ay kulay bughaw na tinatawag ding kulay ng kapayapaan. Anong kulay
ito?
A. puti C. asul
B. dilaw D. lila
_____6. Ito ay maliit na bahay na yari sa pawid at kawayan, malamig at maginhawa
ang pagtira dito. Anong uri ng bahay ito?
A. Bahay na bato C. rest house
B. Bahay- kubo D. mansion

____7. Sa sining ang lugar na walang laman ay tinatawag na _______


A. Negatibong espasyo C. likas
B. Positibong espasyo D. di- likas
____8. Ang lugar na may laman o may nakaguhit ay tinatawag na___

A. Likas C. positibong espasyo


B. Di- likas D. negatibong espasyo
____9. Ang likhang- sining na tanawin sa pamayanan na karaniwang nagpapakita
ng mga likas na tanawing gaya ng bundok, puno, at halaman ay tinatawag
na____________.
A. Landscape C. mural
B. City scape D. painting
____10. Ito ay likhang –sining na makikita sa pader na makulay at tungkol sa
kalikasan,mga tao, at iba pa.
A. painting C. art
B. drawing D. mural
P. E.
1. Ito ay nakatutulong upang maging malakas ang iyong katawan.
A. pagsisigawan B. paglalaro C. pagsusuntukan D. pag-iingay

2. Alin sa mga sumusunod ang larong pangkatan?


A. sipa B. tumbang preso C. tagu-taguan D. patintero

3. Upang manalo sa isang simpleng laro tulad ng patintero at habulan, kinakailangan ang __
nang mabilis.
A. pagtakbo B. paglakad C. pag-akyat D. pagsayaw

4. Alin sa mga sumusunod ang kailangan upang manalo ka sa karera habulan?


A. matabang katawan C. magandang damit
B. bilis ng binti at mga paa D. magandang sapatos

5. Ano ang kailangan ng isang grupo para manalo sa isang Laron pangkatan?
A. pagsisigawan C. teamwork o pagtutulungan
B. pagalingan D. pag-aawayan

6. Ang mga sumusnod ay mga simpleng laro.Alin ang HINDI?


A. piko B. sungka C. hulahoop D. basketball

7. Ang paglalaro ng hulahoop at piko ay nakakapagpatibay ng ating __.


A. mata B. kamay C. braso D. binti at baywang

8. Kapag natalo sa isang simpleng laro, ano ang iyong dapat gawin?
A. Magalit sa nanalo
B. Tanggapin ang pagkatalo at maging masaya sa nanalo.
C. Suntukin ang nananlo.
D. Sigawan ang nanalo.

9. Alin sa sumusunod ang kilos lokomotor?


A. pagtakbo B. pagikot ng baywang C. pag-ikot ng balikat D. pagyuko

10. Ito ay kilos o galaw kung saan hindi umaalis ng pwesto o hindi lumilipat ng direksyon.
A. kilos lokomotor C. kilos di-lokomotor
B. kilos moco D. kilos motor
HEALTH
Kulayan ng pula ang kung wasto ang pahayag at itim kung mali ito.

1.Magpapalit ng damit kapag marumi na ito.

2.Maghapong maglaro sa gitna ng matinding sikat ng araw.

3.Matulog sa tamang oras.


4. Magpapalit ng damit makalipas ang isang linggo.

5. Tatayo ng tuwid.

6. Maglilinis ng katawan bago matulog.

. Lagyan ng ekis (X) ang maling larawan.


7. Pagtakip ng bibig at ilong kapag umuubo at bumabahin.

8. Wastong pangangalaga sa katawan.

9. Alin ang dapat isuot sa paaralan?

10. Alin ang dapat isuot kung maglalaro?

You might also like