You are on page 1of 1

Salmo 118

Bukas Palad Music Ministry


Based on Psalm 118:1-2, 16-17, 22-23
After the Epistle Reading (Romans 6:3-11), the “Alleluia” is enhanced after abstaining from it during
Lent. It can be sung either by the Presider, Deacon, or a Cantor/Soloist.

KORO: ALELUYA, ALELUYA, ALELUYA!


ALELUYA, ALELUYA, ALELUYA! (Ulitin)

1. 1
O pasalamatan ang Diyos na Panginoon ‘pagkat Siya’y mabuti
Ang Kanyang pag-ibig ay napakatatag at mananatili
2
Ang taga-Israel, bayaang sabihi’t kanilang ihayag:
“Ang pag-ibig ng Diyos, ang pag-ibig ng Diyos ay hindi kukupas!”

KORO: ALELUYA, ALELUYA, ALELUYA!


ALELUYA, ALELUYA, ALELUYA!

2. 16
Ang lakas ng Poon ang Siyang nagdudulot ng ating tagumpay
Ating tagumpay sa pakikibaka sa ating kaaway
17
Aking sinasabing ‘di ako papanaw. Mabubuhay ako upang isalaysay
Ang gawa ng Diyos, ang gawa ng Diyos na Panginoon ko!

KORO: ALELUYA, ALELUYA, ALELUYA!


ALELUYA, ALELUYA, ALELUYA!

3. 22
Ang batong natakwil ng nangagtatayo ng tirahang bahay
Ang batong natakwil sa lahat ng bato’y higit na mahusay
23
Ang lahat ng ito ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos
Kung iyong mamasdan, kung iyong mamasdan ay kalugud-lugod!

KORO: ALELUYA, ALELUYA, ALELUYA!


ALELUYA, ALELUYA, ALELUYA! (Ulitin)
ALELUYA!

You might also like