You are on page 1of 10

Banghay- Aralin sa Araling Panlipunan

Baitang 6
Ikatlong Markahan- Ikaanim na Linggo

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
(AP6SHK-IIIE-g-5)
a. Nasusuri ang mga patakaran at programa ng pamahalaan upang matugunan ang mga
suliranin at hamon sa kasarinlan at pagkabansa ng mga Pilipino
b. Napapahalagahan ang pamamahala ng mga naging pangulo ng bansa mula 1946
hanggang 1972 at
c. Naiisa-isa ang mga kontribusyon ng bawat pangulo na nakapagdulot ng kaunlaran sa
lipunan at sa bansa.

II. Paksang Aralin


a. Paksa:
Mga Patakaran at Programa Bilang Pagtugon sa mga Hamon sa Kasarinlan (1946-1972)
1. Manuel A. Roxas
2. Elpidio E. Quirino
3. Ramon F. Magsaysay
4. Carlos P. Garcia
5. Diosdado P. Macapagal
6. Ferdinand E. Marcos
b. Sangguian: Curriculum Guide,2016 (AP6SHK-IIIE-g-5) https://depedtambayan.net/wp-
content/uploads/2022/03/APG6Q3.pdf
c. Kagamitan: powerpoint, kard, kahon
d. Metodolohiya: 4ps

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A.Panimulang Gawain

1.Pagbati
Magandang araw mga bata! Magandang araw din po Teacher.
Handa na ba kayong matuto ngayong araw? Opo, Teacher.
Pumalakpak nga kayo ng malakas kung handa (nagpalakpakan ang mga mag-aaral)
na kayo.

Mukhang handa na talaga kayong matuto.

2.Panalangin
Maaari po ba na tumayo ang lahat para sa ating Opo Teacher.
panalangin. Bea maaari ka po bang pumunta sa
unahan para simulan ang panalingin.
Panginoon maraming salamat po sa araw na
ito. Nawa’y hindi po kayo magsawa sa
paggabay sa amin araw-araw. Bigyan nyo po
lalo kami ng maganda at mabuting kaisipan
hindi lang ngayon kundi pati na rin sa susunod
pa na araw. Amen.
Amen.

3.Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago po kayo umupo at para masimulan na rin
natin ang ating aralin ngayong araw, mangyari
lamang po na pulutin na muna ang mga dumi at
kalat sa paligid ninyo. Ilagay sa basurahan ang
mapupulot na dumi. Ayusin at ihanay ang
inyong upuan. Pagkatapos ay maaari na po
kayong umupo. Naintindihan po ba? Opo Teacher.

4.Pagtatala ng liban
Tahimik na po mga bata at makinig sa
babanggitin kong mga pangalan. Kapag narinig
po ang inyong pangalan, sasagot lamang po
kayo ng PRESENT kung kayo ay narrito. Ito ay
ang magsisilbi ninyong attendance para sa araw
na ito. Naiintindihan po? Opo Teacher.

Ano nga po ulit ang sasabihin kapag tinawag PRESENT!


ang pangalan?

(Iisa-isahin ang mga pangalan ng mag-aaral)

Okay. Wala tayong absent ngayong araw.


Palakpakan po ulit natin ang ating mga sarili

5.Balik-aral
Bago tayo magsimula sa ating aralin, Sino Tungkol po sa mga Hamon ng Kasarinlan
sainyo ang may alam kung ano ang huli nating (Ikatlong Republika ng Pilipinas).
napag-aralan? (Magtatawag ng isang mag-
aaaral)

Magaling! Mukhang nakinig kang mabuti sa Tinalakay rin po natin ang iba’t- ibang suliranin
ating huling aralin. tulad na lamang ng tinatawag na Colonial
mentality at ang Parity rights.

Tama. At dahil sa nabanggit mo ang mga Ang colonial mentality ay isang pag-uugali na
suliranin na ito. Sino sainyo ang nakakaalam pa kung saan ang mga Pilipino ay mas binibigyan
kung ano ang kahulugan ng mga ito? Bibigyan ng pagpapahalaga ang mga bagay o konsepto
ko ng dagdag puntos para sa ngayong araw. na natutunan mula sa mga dayuhan kumpara
sa mga bagay o konsepto na mula sa sariling
bayan o bansa.
Magaling Destiny! Wala ba kayong mga kamay (Nagpalakpakan ang mga mag-aaral)
mga bata?
Sino na man ang nakakaalam pa kung ano ang Ang Parity Rights ay ang patakarang nagbigay
Parity rights? ng karapatan sa pantay na pakinabang sa. likas
na yaman ng mga Amerikano at Pilipino sa
Pilipinas.

Magagaling mga bata. (Nagpalakpakan ang mga mag-aaral)

B.Paglinang ng mga Gawain


1.Pagganyak
Makinig mga bata, meron akong inihandang
mga kard dito. Tatawagin nating “Match-up ng
Pangulo” ang simpleng gawain na ito. Ang
gagawin lamang ninyo ay i-match ang tamang
pangulo sa mga impormasyong ibibigay ko.
Naiintdihan po ba mga bata? Opo Teacher.

Kard # 1: Ipinatupad niya ang Batas Agraryo na (Makikilahok at magpapalitan ng mga sagot ang
naglalayong ipamahagi ang lupa sa mga mga mag-aaral)
magsasaka.

Kard # 2: Itinatag niya ang Social Security


System (SSS) upang bigyan ng seguro ang mga
manggagawa.

Kard # 3: Nakilala siya bilang "Pangulo ng mga


Tao" dahil sa kanyang malasakit sa mga
mamamayan.

Kard # 4: Nakapagpatupad siya ng "Filipino First


Policy" na naglalayong bigyang prayoridad ang
mga produkto ng Pilipinas.

Kard # 5: Nagpasa siya ng Batas Republika Blg.


4166 na nagtatakda ng pagbabago sa petsa ng
Araw ng Kalayaan.

(Mga sagot)
Kard # 1: Manuel A. Roxas
Kard # 2: Elpidio Quirino
Kard # 3: Ramon Magsaysay
Kard # 4: Carlos Garcia
Kard # 5: Diosdado Macapagal

Magagaling mga bata.


Ang lahat ng inyong mga sagot ay atin nating
tatalakayin at ang magsisilbing aralin natin
ngayong araw. Handa na ba kayong matuto? Opo Teacher
2.Presentasyon ng mga layunin

Sa araling ito ay malalaman natin ang mga


programang ipinatupad ng iba’t ibang
administrasyon sa pagtugon sa mga suliranin at
hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946
hanggang 1972. Mayroon akong inihandang
materyal para sa inyo mga bata at tatawagin
natin itong “Kahon ng Kaalaman”.

Handa na ba kayo sa ating aralin mga bata? Opo Teacher.


(Ang mga mag-aaral ay makikinig at magbibigay
ng kanilang mga ideya tungkol sa paksang
tatalakayin).

Magagaling mga bata, marami sainyo ang alam (Nagpalakpakan ang mga mag-aaral)
na ang mga programa at patakaran na ating
tinalakay. Maaari po ba nating palakpakan ang
ating mga sarili?

Pangulo at Taon ng Mga Programa at Patakaran Mga Nagawa


Panunungkulan
1. Manuel A. Roxas (Abril *Nagsimula pa lamang siyang • Itinatag ang
23, 1946 –Abril 15, ibangon ang Pilipinas sa labi ng Rehabilitation Finance
1948) digmaan. Corporation (RPC)
• Pagsasaayos ng elektripikasyon • Pagtatatag ng Bangko
• Pagsasanay sa mga gawaing Sentral
bokasyonal • Paglagda ng R.A.Blg. 34
• Pagtatatag ng mga kaluwagan sa kaugnay ng partihan ng
pagpapautang ani sa lupang sakahan.
• Paghihikayat sa mga kapitalistang
Amerikanong mamumuhunan sa
Pilipinas.
• Pagpapasiyasat sa mga likas na
kayamanan ng bansang
humantong sa pagmumungkahing
kailangang magtatag ng mga
industriyang mangangalaga at
lilinang sa mga likas na kayamanan
ng Pilipinas.
Mga samahang itinatag upang
magpautang at mangalaga sa
kapakanan ng magsasaka gaya ng
mga sumusunod:
1. NARIC-National Rice and Corn
Corporation
2. NACOCO-National Coconut
Corporation
3. NAFCO-National Abaca and
Other Fibers Corporation
4. NTC-National Tobacco
Corporation

2 .Elpidio R. Quirino (Abril 17, Pinagtuunan niya ng pansin ang • Pagtatatag ng ACCPA
1948- Nobyembre 1953) pagpapaunlad ng ekonomiya sa • Pagtatatag ng mga
pamamagitan ng bangkong rural
industriyalisasyon. Upang • Pagtatatag ng mga
maisulong nang lubos ang kanyang bagong ahensya ng
programa hinggil sa pagpapataas pamahalaan
ng antas ng buhay ng mga Pilipino • Pagtatapos ng Quirino-
ay ipinatupad niya rin ang mga Fostner Agreement
sumusunod:

• Pagpapaunlad sa sistema ng
patubig o irigasyon sa buong bansa
na kailangan sa pagsasaka.
• Pagpapagawa ng mga lansangan
upang mapabilis ang kalakaran ng
transportasyon partikular na ang
farm-to-market roads.
• Pagsasagawa ng lingguhang
paguulat sa taumbayan sa
pamamagitan ng radyo at
pahayagan ukol sa mga gawain ng
kanyang administrasyon.
• Pagtatatag ng President’s Action
Committee on Social Amelioration
o PACSA upang matugunan ang
pangangailangan ng mahihirap na
mamamayan.
• Pagpapatayo ng mga bangko
rural na nagpapautang ng kapital
sa mga magsasaka
• Pagtatatag ng Banko Sentral ng
Pilipinas.
• Pagpapalabas ng Magna Carta of
L a b o r a t Minimum Wage Law
upang mapabuti ang kalagayan ng
mga manggagawa.
• L u b o s n a mobilisasyong ng
lahat ng mga p o s i b l e n g
pagkukunan upang maiangat ang
bansa.
3. Ramon F. Magsaysay • Pinagtibay ang Land Tenure • Pagbabalik loob ng mga
(Disyembre 30, 1953- Marso Reform Law kung saan sa HUKBALAHAP
17, 1957) pamamagitan nito ay itinadhana • Muling pagtitiwala ng
ang paghahati-hati ng malalaking tao sa pamahalaan
asyendang bibilhin ng pamahalaan • Tumulong sa pagtatatag
upang maipamahagi nang hulugan ng South East Asian Treaty
sa mga kasama. Organization (SEATO)
• Pagpapatayo ng mga poso, • Paglikha ng hukumang
artesano at patubig upang mabilis lilitis sa mga suliraning
ang pag-unlad ng mga baryo. pansakahan.
• Pagpapagawa ng mga daan at • Reporma sa lupa
mga tulay upang mailapit ang • Itinatag ang NARRA
baryo sa problasyon o kabayanan. • Nilagdaan ang Laurel-
• Paglulunsad ng pananaliksik ukol Langley Agreement
sa makabagong sistema ng • Paghiling ng titulo ng
pagsasaka at bagong uri ng binhi lupaing sakop ng base
tulad ng Masagana. militar ng Estados Unidos
• Pagpapatayo ng ACCFA
(Agricultural Credit and
Cooperative Financing
Administration) upang matulungan
ang mga magsasaka sa pagbili ng
kanilang ani.
• Pagpapatayo ng FACOMA
(Farmers Cooperative Marketing
Association) kung saan ang mga
kasapi nito ay makakautang sa
ACCFA upang makabili ng kanilang
sariling kalabaw sa pagsasaka at
iba pang kagamitan.
• Pag-oorganisa ng mga
kapulungan pambaryo, ng mga
sanggunian sa pagsasaka, at ng
mga samahang 4-H na may
kinalaman sa paghahalaman.
• Pagbabago ng estratehiya sa
suliranin sa mga HUKBALAHAP.
• Paglalapit ng pamahalaan sa
“masa”
• Pagpaparamdam ng katapatan sa
mga tao lalo na sa mga nayon.
4. Carlos P. Garcia (Marso 17, • Paglulunsad Austerity Program. • Paghingi ng bayad sa
1957 - Disyembre 30, 1961) • Pagiging “una ng mga Pilipino” o paggamit ng base militar
Filipino First Policy. ng Estados Unidos
• Dagdag na sipag, pag-unlad ng • Kontra sa HUKBALAHAP
sarili na patakaran
• Pagbabawas ng inaangkat na • Pagkuha ng bayad
mga produkto pinsala ng Hapon sa
digmaan 550 milyon
• Nakapangutang ng $250
sa Hapon
• Paghirang kay Carlos P.
Romulo bilang embahador
sa Estados Unidos.
5. Diosdado P. Macapagal • Paghahandog ng sarili bilang • Pagpapasigla ng
(Disyembre 30, 1961 - modelo sa katapatan sa programa sa Reporma sa
Disyembre 30, 1965) paglilingkod Lupa
• Pagbuhay ng usapin tungkol sa • Pagbabago ng Araw ng
Sabah Kalayaan buhat sa Hulyo 4
• Pagsasanay ng mga kabataan sa na naging Hunyo 12
mga gawaing pangkabuhayan • Pagtulong sa pagtatatag
• Paglutas sa mga suliraning may ng Malaysia, Philippines,
kaugnayan sa pagkawala ng at Indonesia
hanapbuhay ng maraming Pilipino. (MAPHILINDO)
• Pagtiyak na magkaroon ng sapat • Pagpapatibay ng Batas
na pagkain ang buong bansa sa 3844 Kodigo ng Reporma
pamamagitan ng pagpapalaki ng sa lupang pansakahan
produksyon.
• Pag-akay sa mga Pilipinp , sa
pamamagitan ng kanyang pagiging
huwaran sa pamumuhay ng payak
at walang halong karangyaan.
5. Ferdinand E. Marcos • Rebolusyong Luntian Himagsikan • Pagtulong sa pagtatatag
(Disyembre 30, 1965 - Pebrero o Green Revolution o paglaki ng ng Association of
25, 1986) produksyon ng bigas at mais dahil Southeast Asian Nation
sa paggamit ng modernong paraan (ASEAN)
ng irigasyon at pagsasaka. • Pagpapasigla ng kilusang
• Pagtatanim ng kahoy kooperatiba
• Pagtitipon ng pondo • Pagpapagawa ng
• Pagpabuti ng pagkolekta ng maraming kalsada, tulay
buwis at mga paaralan
• Ang pagsisikap na maging • Pagpapatupad ng
“Dakilang muli ang Bansa” Reporma sa Lupa
• Pagbaba ng bilang ng • Paglikha ng mga bagong
kriminalidad hanapbuhay
• Pagbaba ng katiwaliang • Pag-utang sa mga
nagaganap sa pamahalaan mayayamang bansa sa
• Pagpapalawak at higit na daigdig
pagpapabuti ng programa sa • Pagtatayo ng Cultural
reporma sa lupa. Center of the Philippines,
• Pagpapalaganap ng mga Philippine Heart Center,
paglilingkod pangkalusugan sa mga Development Academy of
pook rural. the Philippines, atbp.
• Pagpapalawak ng pakikipag-
ugnayang pandaigdigan ng
Pilipinas.

3.Pagpapakahulugan ng mga di pamilyar na salita


a. Magna Carta- libertatum ay isang uri ng
kasulatan. Isang dokumento na nagkaroon ng
malaking impluwensya sa mga panukalang batas.
b. HUKBALAHAP- ang Hukbong Bayan Laban sa
Hapon, na karaniwang tinatawag na HUKBALAHAP o
Huk ay isang sandatang kalaban ng mga Hapon
noong nasasakop pa nila ang Pilipinas. Si Luis Taruc
ng Gitnang Luzon ang nagtatag ng kilusang ito upang
makamit ang kalayaan ng Pilipinas laban sa
pagmamalupit ng mga Hapones.
c. Filipno First Policy- bigyang prayoridad ang
produkto at kompanya ng mga pilipino, kaysa sa
mga makadayuhang bansa.

C. Pagtatalakay (4ps)
1. Panimulang Gawain (Partisipasyon ng mga mag-aaral)
Gamit ang timeline, talakayin ang mga naging
pagtugon ng pamahalaan na pinamahalaan ng mga
pangulo mula 1946- 1972.

2.Pagsusuri
Suriing mabuti ang mga pangungusap at isulat ang
titik T kung tama ang ipinapahayag sa mga programa
na naitatag ng mga nakaraang administrasyon at M
kung mali.
_____1. Si Ferdinand E. Marcos ang pangulong
nagwikang “Ang Pilipinas ay magiging dakilang muli.
_____2. Sa pangunguna ni Pang. Manuel A. Roxas,
itinatag ang mga samahang magpapautang at
mangangalaga sa kapakanan ng mga magsasaka.
_____3. Isa sa naging programa ni Pang. Ferdinand
E. Marcos ang pagpapa tayo ng mga poso, artesyano
at patubig upang mapabilis ang pag-unlad ng mga
baryo.
_____4. Programa ni Pang. Diosdado Macapagal ang
“Pilipino Muna”.
_____5. Si Pang. Diosdado Macapagal ang umakay
sa mga Pilipino at naging huwaran sa pamumuhay
ng payak at walang halong karangyaan

3.Paglalahad
Suriin muli ang tekstong binasa. Pumili ng isang
programa ng mga administrasyon na tumatak sa
iyong isipan at ang kahalagahan nito. Isulat ang
iyong sagot sa pamamagitan ng paggawa ng isang
slogan.

4. Paglalapat
Pangkatang Gawain:

Batay sa mga larawan ng Pangulo sa Ikatlong


Republlika, hahatiin ko ang klase na ito sa anim na
pangkat at gagawa kayo ng isang fishbone organizer
na kung saan isusulat ninyo ang mga programa at
patakaran ng mga Pangulo batay sa taon ng kanilang
panunungkulan.

IV. Pagtataya
Panuto: Punan ang pangungusap ng mga natutuhan sa aralin.
Natutunan ko ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon sa pagtugon sa
suliranin at hamon kinaharap ng mga Pilipino, kaya bilang mag-aaral ako
ay________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________.

V. Takdang Aralin
Isulat ang titik ng bawat programa ng mga pangulo na matatagpuan sa ibaba. Isulat sa ang sagot sa
sagutang papel.
a. Rebolusyong Luntian o Green Revolution
b. Pagsasaayos ng elektripikasyon
c. Pagpapagawa ng mga lansangan upang mapabilis ang kalakalan at transportasyon particular na
ang farm-to-market roads.
d. Paglutas sa mga suliraning may kaugnayan sa pagkawala ng hanapbuhay ng maraming Pilipino
e. Pagpapabuti ng pagkolekta ng buwis
f. Pinagtibay ang Land Tenure Reform Law
g. Pagtitipid o paglulunsad ng Austerity Program
h. Paghahandog sa sarili bilang modelo sa katapatan sa paglilingkod
i. Filipino First Policy o Pilipino Muna
j. Paglalapit ng pamahalaan sa “masa”
k. Pagsasanay sa mga gawaing bokasyonal
l. Pagpapalabas ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law

Manuel Roxas Elpidio Quirino Ramon Magsaysay


1. 3. 5.
2. 4. 6.
Carlos Garcia Diosdado Macapagal Ferdinand Marcos
7. 9. 11.
8. 10. 12.

You might also like