You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
PAG-ASA NATIONAL HIGH SCHOOL
Victoria Village, Pag-asa, Binangonan Rizal
______________________________________________________________________________

ESP 10 – WORKSHEET (Q2 - Week 1)


Aralin 1: Pagsusuri ng Makataong kIlos

PANGALAN: ___________________________________ BAITANG/PANGKAT: ________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at suriin ang mga sitwasyon. Sagutin ang mga ito sa
iyong sagutang papel.

Sitwasyon 1. Sinabihan si Ryan ng kaniyang guro na siya ang mamumuno sa kanilang grupo sa paggawa ng
isang video ad para sa kanilang klase. Lingid sa kaniyang kaalaman na may iba na palang napili ang kaniyang
guro na gumawa ng nasabing video ad. Napahiya si Ryan sa kaniyang mga kaklase at kagrupo. Dapat bang
magalit si Ryan sa kaniyang guro dahil pinahiya siya nito? Bakit? Ipaliwanag.

Sitwasyon 2. Nakita at nabasa ni Jovanie ang isang pamamahiyang post ng isang kaklase patungkol sa isa pang
kaklase sa social media. Dahil sa takot na baka madamay sya, hindi niya ito isinumbong sa kinauukulan.
Mapapanagot ba si Jovanie sa kaniyang pananahimik? Bakit? Ipaliwanag.

Sitwasyon 3. Nagbilin kay Normina ang kaniyang ina na sabihan ang kaniyang ate na magluto ng tanghalian.
Biglaang nagyaya ang mga kaibigan niya na mag-ML (Mobile Legends) sila kung kaya nakalimutan niyang
sabihan ang kaniyang ate. May pananagutan ba si Normina sa maaaring kahinatnan dahil hindi nito nasabi ang
ipinagbilin sa kaniya? Ipaliwanag.

You might also like