You are on page 1of 6

Patnubay para sa Masiglang Pakikibahagi sa Pagdiriwang ng Banal na Misa

27 Agosto 2023 Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon Taon A

SA PANGANGALAGA NI PEDRO

N
gayong ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon, inaanyaya-
han tayo ng Panginoong magnilay sa misteryo ng Simbahan
at kanyang pamumuno bilang mga kasangkapan ng plano ng
Diyos para sa pagpapalaganap ng Kaharian. Pinasasalamatan natin
ang Panginoon sa paghirang Niya sa atin upang maging bahagi ng
Kanyang bagong Bayan. Sa gayo’y malalasap natin ang mga biyaya
ng Kanyang Salita, ang biyaya ng mga Sakramento, at ang di maaa-
ring magkamaling pamamatnubay ng ating mga pinuno sa Simbahan
sa mga usaping pandoktrina at moral.
Sa pakikiisa natin sa buong Simbahan, ating itinutuon ang magiliw
na pag-aalaala sa Santo Papa, ang kahalili ng apostol na si Pedro at
ang Kinatawan ni Hesukristo sa lupa. Sa pakikiisa sa kanya at lahat
ng ibang mananampalataya, ialay natin ang Eukaristiyang ito para sa
mga pangangailangan ng sangkatauhan.

ng Eukaristiya at tanggapin ang bayan tayo sa buhay na walang


Tinapay ng Buhay, tayo’y mu- hanggan.
ling magnilay sa ating pagiging B – Amen!
di karapat-dapat at pangangaila-
Pambungad ngang mahugasan sa ating pag- Papuri
(Ipahahayag lamang kung walang kakasala. (Manahimik saglit.)
awiting nakahanda.) B – Papuri sa Diyos sa kaitaasan
P – Ikaw si Kristo, ang Anak ng at sa lupa’y kapayapaan sa mga
Sa aking abang dalangin, DÊyos taong kinalulugdan niya. Pinupu-
ko, akoÊy iyong dinggin. Ang pag- Diyos na Buhay! Panginoon,
kaawaan mo kami! ri ka namin, dinarangal ka namin,
samo koÊt pagdaing ay mangyaring sinasamba ka namin, ipinagbu-
iyong dinggin. KaligtasaÊy aking B – Panginoon, kaawaan mo kami!
bunyi ka namin, pinasasalamatan
hiling. P – Itinatag mo ang iyong Sim- ka namin dahil sa dakila mong
bahan para maging sakramen- angking kapurihan. Panginoong
Pagbati to ng kaligtasan sa lahat ng Diyos, Hari ng langit, Diyos
P – Sa ngalan ng Ama at ng Anak panahon. Kristo, kaawaan mo Amang makapangyarihan sa lahat.
at ng Espiritu Santo! kami! Panginoong Hesukristo, Bug-
B – Amen! B – Kristo, kaawaan mo kami! tong na Anak, Panginoong Diyos,
P –Pagpalain ang Panginoong Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Hesukristong nagtatag sa Simba- P –Inihabilin mo kay Pedro ang
Ikaw na nag-aalis ng mga kasa-
han sa bato ng pananampalataya mga susi ng Kaharian ng la-
lanan ng sanlibutan, maawa ka sa
ni Pedro. Ang kanyang biyaya at ngit. Panginoon, kaawaan mo
amin. Ikaw na nag-aalis ng mga
kapayapaan ay sumainyong lahat! kami!
B –Panginoon, kaawaan mo kami!
kasalanan ng sanlibutan, tangga-
B – At sumaiyo rin! pin mo ang aming kahilingan.
P –Kaawaan tayo ng makapang- Ikaw na naluluklok sa kanan ng
Pagsisisi yarihang Diyos, patawarin tayo Ama, maawa ka sa amin. Sa-
P –Natitipon upang mag-alay sa ating mga kasalanan, at patnu- pagkat ikaw lamang ang banal,

This issue of Patnubay sa Misa may be downloaded for free anywhere in the world. A “love offering” for the continu-
ation of our apostolate will be appreciated. Please, send your donation to “Word and Life Publications.” Our Savings
Account is BPI – # 3711-0028-46. Send us a copy of the deposit slip with your name and (email) address for proper
acknowledgment. See contact details on the last page. Thank You!
ikaw lamang ang Panginoon, Salmong Tugunan Awit 138 B – Aleluya! Aleluya!
ikaw lamang, O Hesukristo, ang B –Pag-ibig mo’y di kukupas, Ikaw, Pedro, ang saligan ng
Kataas-taasan, kasama ng Espiritu gawain mo’y magaganap! aking simbahang banal na
Santo sa kadakilaan ng Diyos daig ang kamatayan.
Ama. Amen! Aleluya! Aleluya!

Panalanging Pambungad Mabuting Balita Mt 16:13-20


Ang pagpapahayag ni Ped-
P –Ama naming makapangyari- rong si Hesus ang ipinangakong
han, ginagawa mong kami’y Mesiyas at Anak ng Diyos na
magkaisa ng kalooban. Ipagkalo- Buhay ay nagdulot kay Hesus ng
ob mong ang iyong mga utos ay pagkakataong ipahayag naman
aming mahalin, ang iyong mga ang kanyang plano tungkol sa
pangako ay hangarin naming Simbahan at ang pambihirang
tanggapin, upang sa anumang pangunahing papel dito ni Ped-
pagbabago sa paligid namin * Ako, Poon, buong pusong aawit ro. Ang sipi ngayon ay siyang
manatiling matatag ang aming ng pasalamat, sa harap ng mga saligan ng ating paniwalang ang
loobin sa tunay na kasiyahang anghel, pupurihin kitang ganap. Sa Simbahan ang bagong “Bayan
matatagpuan sa iyong piling harap ng iyong templo ay yuyuko ng Diyos,” na tatagal hanggang
sa pamamagitan ni Hesukristo at gagalang, pupurihin kita roon, sa wakas ng panahon sa ilalim
kasama ng Espiritu Santo mag- pupurihin ang Âyong ngalan. B.
ng pamamahala ng mga kahalili
pasawalang hanggan. * Dahilan sa pag-ibig mo at sa ni Pedro.
B–Amen! iyong katapatan, ikaÊy tunay na
dakila, pati iyong kautusan. Noong P – Sumainyo ang Panginoon!
ako ay tumawag, tinanggap ko ang B – At sumaiyo rin!
tugon mo, sa lakas mong itinulong P – Ang Mabuting Balita ng Pa-
ay lumakas agad ako. B. nginoon ayon kay San Mateo
B –Papuri sa iyo, Panginoon!
Unang Pagbasa Isa 22:19-23 * Dakila man ang Poong DÊyos,
mahal din niya ang mahirap, kumubli Noong panahong iyon, duma-
Sa Matandang Panahon, ting si Hesus sa lupain ng Cesarea
ang pagbibigay ng mga susi maÊy kita niya yaong hambog at
pasikat. Ang dahilan nito, Poon, ng Filipos. Tinanong niya ang kan-
ng isang tahanan ay nanga- pag-ibig moÊy di kukupas, at ang mga yang mga alagad, „Sino raw ang
ngahulugan ng pagbibigay ng sinimulang gawain moÊy magaga- Anak ng Tao, ayon sa mga tao?‰
kapangyarihang mamahala sa nap. B. At sumagot sila, „Ang sabi po ng
gayong tirahan. Ang “pangako ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi
ng mga susi” sa sipi para ngayon Ikalawang Pagbasa Ro 11:33-36 naman ng iba, si Elias kayo. At may
ay nagbabadya ng higit na ma- Matapos niyang pagnilayan nagsasabi pang si Jeremias kayo o
halagang pangako ni Hesus kay ang panlahat na mapagligtas na isa sa mga propeta.‰
Pedro tungkol sa “mga susi ng pag-ibig ng Diyos, nagpugay „Kayo naman, ano ang sabi
Kaharian ng langit.” si San Pablo sa Diyos sa isang ninyo? Sino ako?‰ tanong niya sa
magandang imno ng papuring kanila. Sumagot si Simon Pedro,
L – Pagpapahayag mula sa Aklat „Kayo po ang Kristo, ang Anak ng
ni Propeta Isaias dapat nating tularan.
Diyos na buhay.‰
Sinabi ng Panginoon kay Sab- L – Pagpapahayag mula sa Sulat Sinabi sa kanya ni Hesus, „Ma-
nang katiwala sa palasyo:„Aalisin kita ni Apostol San Pablo sa mga palad ka, Simon na anak ni Jonas!
sa iyong katungkulan, at palalayasin taga-Roma Sapagkat ang katotohanang itoÊy
sa iyong kinalalagyan. Napakasagana ng kayamanan hindi inihayag sa iyo ng sinumang
Tatawagin ko sa araw na iyon ang ng Diyos! Di matarok ang kayama- tao kundi ng aking Amang nasa langit.
At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw
aking lingkod, si Eliaquim na anak nan, karunungan at kaalaman ng
ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito
ni Helcias. Siya ang pagsusuutin ko Diyos! Hindi malirip ang kanyang ay itatayo ko ang aking simbahan, at
ng iyong buong kasuutan, ibibigay mga panukala at pamamaraan! hindi makapananaig sa kanya kahit
ko sa kanya ang iyong kapangyari- Gaya ng nasusulat:„Sapagkat sino ang kapangyarihan ng kamatayan.
han, siya ang magiging pinakaama ang nakaalam sa pag-iisip ng Pangi- Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng
ng Jerusalem at ng Juda. Ibibigay noon, o sino ang naging tagapayo kaharian ng langit: ang ipagbawal
ko sa kanya ang susi ng bahay ni niya? Sino ang nakapagkaloob ng mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit,
David; ang kanyang buksaÊy walang anuman sa Diyos para siya namaÊy at ang ipahintulot mo sa lupa ay
makapagsasara, at walang makapag- gantimpalaan?‰ ipahihintulot sa langit.‰
bubukas ng ipininid niya. Itatayo ko Sapagkat mula sa kanya at sa At mahigpit niyang tinagubilinan
siyang parang haligi ng tolda, itatayo pamamagitan niya, at sa kanya ang ang kanyang mga alagad na huwag
ko nang matibay sa isang matatag na lahat ng bagay. Sa kanya ang kara- sabihin kaninuman na siya ang
lugar, at siyaÊy magiging marangal ngalan magpakailanman! Amen! Kristo.
na luklukan, para sa sambahayan ng Ang Salita ng Diyos! Ang Mabuting Balita ng Pa-
kanyang ama.‰ B – Salamat sa Diyos! nginoon!
Ang Salita ng Diyos! B – Pinupuri ka namin, Pangi-
B – Salamat sa Diyos! Aleluya Mt 16:18 noong Hesukristo!
27 Agosto 2023
Homiliya nubayan nila ang kawan ng Diyos B – At sumaiyo rin!
sa ulirang katapatan sa Dakilang P – Itaas sa Diyos ang inyong puso
Sumasampalataya Pinuno upang maging inspirasyon at diwa!
B – Sumasampalataya ako sa at pampasigla sa atin. Manalangin B – Itinaas na namin sa Panginoon!
Diyos Amang makapangyarihan tayo! B. P – Pasalamatan natin ang Pangi-
sa lahat, na may gawa ng langit * Para sa ating mga pinunong noong ating Diyos!
at lupa. pambayan at mga nanunungkulan: B – Marapat na siya ay pasala-
Sumasampalataya ako kay Nawa itaguyod nila ang kapaka- matan!
Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, nan ng mga tao sa pamamagitan P –Ama naming makapangyari-
Panginoon nating lahat. Nagka- ng makatarungang mga batas. han, tunay ngang marapat na ikaw
tawang-tao siya lalang ng Espiritu Manalangin tayo! B. ay aming pasalamatan.
Santo, ipinanganak ni Santa Ma- * Para sa kabataan ng daigdig, Kahit na ikaw ay pinagtaksilan
riang Birhen. Pinagpakasakit ni lalo na para sa mga nagdarahop ng sangkatauhan, ikaw ay patuloy
Poncio Pilato, ipinako sa krus, sa mga materiyal at moral na pa rin sa iyong pagmamahal.
namatay, inilibing. Nanaog sa pangangailangan: Nawa ang Ikaw na ang nagpuno sa aming
kinaroroonan ng mga yumao. Simbahan ay maging patnubay pagkukulang; ikaw pa rin ang
Nang may ikatlong araw nabuhay nila at tagapagsulong ng kanilang nagsugo ng tutubos sa tanan.
na mag-uli. Umakyat sa langit. kapakanan. Manalangin tayo! B. Ang sugo mong Anak ay naging
Naluluklok sa kanan ng Diyos di na iba sa amin bagama’t di
* Tahimik nating ipanalangin niya tinularan ang aming pag-
Amang makapangyarihan sa lahat.
ang ating sariling kahilingan. kamasuwayin. Niloob mo ito
Doon magmumulang paririto at
(Tumigil saglit.) upang iyong mamalas sa aming
huhukom sa nangabubuhay at
Manalangin tayo! B. pagkatao ang giliw mong Anak
nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman P –Panginoong Hesus, salamat sa at kami’y tunghayan mong may
ako sa Diyos Espiritu Santo, sa paghirang mo sa aming maging pag-ibig na tulad ng pagtatangi mo
banal na Simbahang Katolika, bahagi ng Simbahang itinatag mo sa kanya nang higit sa lahat. Ang
sa kasamahan ng mga banal, sa sa matibay na bato ng pananalig katapatan niya sa iyong walang
kapatawaran ng mga kasalanan, ni Pedro. Ingatan mo kami sa maliw ay nagpanumbalik na muli
sa pagkabuhay na muli ng nanga- paglilingkod sa iyo hanggang sa amin ng iyong kasiyaha’t ng
matay na tao at sa buhay na walang makasama namin ang iba pang iyong pagtingin na aming iwinaksi
hanggan. Amen! tao sa kaluwalhatian ng langit noong ikaw ay aming suwayin.
upang purihin at sambahin ka Kaya kaisa ng mga anghel na
Panalangin ng Bayan magpakailanman. nagsisiawit ng papuri sa iyo nang
P –Sa Ebanghelyo ngayon, pi- B – Amen! walang humpay sa kalangitan,
naaalalahanan tayo tungkol sa kami’y nagbubunyi sa iyong
panahong itatagal ng Simbahan at kadakilaan:
sa kakayahan nitong manindigan B–Santo, santo, santo Pangino-
laban sa mga pang-aatake rito ng ong Diyos ng mga hukbo. Napu-
demonyo. Bilang mga anak ng puno ang langit at lupa ng kada-
Simbahan, tayo’y dumulog sa P – Manalangin kayo . . . kilaan mo. Osana sa kaitaasan!
Panginoon para sa mga pangan- B – Tanggapin nawa ng Pangi- Pinagpala ang naparirito sa
gailangan nito bilang pamilya ng noon itong paghahain sa iyong ngalan ng Panginoon. Osana sa
Diyos sa lupa. Manalangin tayo: mga kamay sa kapurihan niya at kaitaasan!
B –Panginoon, dinggin ang aming karangalan, sa ating kapakina-
bangan at sa buong Sambayanan Pagbubunyi
panalangin!
niyang banal. B –Sa krus mo at pagkabuhay
* Para sa Simbahan, ang bagong kami’y natubos mong tunay,
Bayan ng Diyos: Nawa magpun- Panalangin ukol sa mga Alay Poong Hesus naming mahal,
yagi siya sa katapatan sa kanyang iligtas mo kaming tanan ngayon
Tagapagtatag habang sinusubay- P – Ama naming Lumikha, pinag- at magpakailanman.
bayan siya nang buong malasakit, kamit mo kami ng iyong pag-
lakas, at pagmamahal. Manalangin kupkop pakundangan sa isang
tayo! B. pampalagiang paghahandog
kaya’t sa iyong Sambayanan ay
* Para sa Santo Papa, ang kahali- iyong ipagkaloob ang pagkakaisa
li ni Pedro bilang pinaka-Pastol ng at kapayapaang nagbubuklod B – Ama namin . . .
Simbahan: Nawa patuloy niyang bunga ng aming mga alay na iyong P – Hinihiling namin . . .
malasap ang pamamatnubay B – Sapagkat iyo ang kaharian at
ikinalulugod sa pamamagitan ni
ng Panginoon at ang kanyang ang kapangyarihan at ang kapu-
Hesukristo kasama ng Espiritu rihan magpakailanman! Amen!
pagtatanggol laban sa kasamaan. Santo magpasawalang hanggan.
Manalangin tayo! B. B – Amen! Paanyaya sa Kapayapaan
* Para sa mga obispo, ating
kura paroko, at lahat ng iba pang Prepasyo VII Paghahati-hati sa Tinapay
pinuno ng Simbahan: Nawa pat- P – Sumainyo ang Panginoon! B – Kordero ng Diyos na nag-aalis
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
ng mga kasalanan ng sanlibutan, kayo ng kasiyahan sa inyong Ama, Anak, at Espiritu Santo.
maawa ka sa amin. (2×) dalamhati at gawin kayong B – Amen!
Kordero ng Diyos na nag-aalis mga kasangkapan ng Kan- P – Humayo kayo sa kapayapaan
ng mga kasalanan ng sanlibu- yang pagmamahal. upang mahalin at paglingkuran
tan, ipagkaloob mo sa amin ang B – Amen!
ang Panginoon.
kapayapaan. P – Pagpalain nawa kayo ng B – Salamat sa Diyos!
Paanyaya sa Pakikinabang makapangyarihang Diyos:
P – Ito si Hesus, ang Kordero ng
Diyos na nag-aalis ng mga kasala-
nan ng sanlibutan. Mapalad ang HINIRANG NA MAGING
mga inaanyayahan sa kanyang
piging.
B – Panginoon, hindi ako kara-
MATIBAY NA BATO
pat-dapat na magpatuloy sa iyo
Jess P. Balon
ngunit sa isang salita mo lamang
alang anumang gi- Amang nasa langit” (Mt 16:17).

W
ay gagaling na ako.
nawa si Simon upang Si Simon ay minahal ngang
Antipona ng Pakikinabang pag-ukulan ni Hesus tunay ng Ama. Kilalang-kilala siya
(Ipahahayag lamang kung walang ng pansin at natatanging pakiki- ng Diyos: ang kanyang kahinaan,
awiting nakahanda.)
tungo. Ipinaubaya lamang niya ang gayundin ang kanyang pagiging
Ang halaman ay namunga at may kanyang bangka para magamit ng bukas-palad at katapatan. May plano
pagkaing nakuha, ubas na dulot ay
sigla, pawang bigay ng DÊyos Ama Panginoon, at sumunod na ilatag ang Diyos para sa kanya. Ang nag-
upang tayoÊy lumigaya. niyang muli ang kanyang lambat pabigkas sa kanya ng tamang sagot
nang mataas na ang araw – bagay ang gagabay sa kanya kailanma’t
Panalangin Pagkapakinabang na alangan para makapamingwit kailangan para sa kabutihan ng
P – Ama naming mapagmahal, pa. (Sangguniin Lu 5:4f.) Ngunit Kanyang Simbahan.
lubusin mo sa amin ang kagali- minahal siya ni Hesus nang gayon Mahihigtan pa ni Pedro nang 30
ngang bigay ng iyong pag-ibig na
ngayo’y ipinagdiriwang at kami na lamang. taon ang kanyang Panginoon; ngunit
nawa’y magkaroon ng ganap na Si Simon ay isang hamak na ang misyon ng pagiging “bato” at
kaunlaran upang sa lahat ng aming mamalakayang di man nakapag- patnubay ay tatagal hanggang sa
pinagkakaabalahan ikaw ay aming aral. Batid niya ang kanyang wakas ng panahon. Magpapatuloy
mabigyang-kasiyahan sa pama- mga kahinaan at pagkukulang. ito sa kanyang mga kahalili, anuman
magitan ni Hesukristo kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang (Sangguniin Lu 5:8.) Ngunit nang ang kanilang halagang pansarili,
hanggan. sumapit ang oras ng pagpapahayag may iba’t iba mang pangalan, ngunit
B – Amen! ng opinyon tungkol kay Hesus, laging taglay ang parehong ugat
nagpamalas siya ng pambihirang at ngalang “Pedro/Bato.” Sa bawat
talas na nakadaig sa lahat. Wala isa sa kanila, ipinagkakaloob ni
siyang alinlangang nagpahayag: Si Hesus ang kapangyarihang magpa-
Hesus “ang Mesiyas, ang Anak ng tawad at lakas at karunungang ma-
P – Sumainyo ang Panginoon. Diyos na Buhay” (Mt 16:16). matnubay sa bangka ng Simbahan.
B – At sumaiyo rin! Ang mga aral at dalubhasa ay Sa panggigiyagis ng demonyo, ang
P – Magsiyuko kayo at ipanala- may kani-kanilang palagay tungkol Simbahang ito ay magtatagumpay
ngin ang pagpapala ng Diyos. kay Kristo. Iyon ay pawang pala- tuwina sa mga bagyo, yamang
(Manahimik saglit.) palagay lamang at di sapat. Ngunit ito’y ginagabayan ng Diyos sa
– Tulutan nawa ng Panginoong ang matibay na pananampalataya ni pamamagitan ng mga kasunod
maging sintibay ng pananalig Simon ay nakaugat sa ibang uri ng ni Pedro.
ni Pedro ang inyong pananalig.
B – Amen! kaalaman: banal na pagpapahayag. Bilang mga kaanib ng Simba-
Diyos mismo ang nagkaloob hang Katolika na itinatag ni Hesus,
P – Gawin Niya nawa kayong mga sa kanya ng gayong katiyakan. tayo ay marapat na magpasalamat,
tapat na anak ng Simbahan at
mga tapat na alagad ng Santo Kaya nga, nagwika si Hesus: “Ma- higit sa lahat, sa Panginoon sa
Papa. palad ka, Simon . . . sapagkat ang pagbibigay sa atin ng isang nakikita
B – Amen! katotohanang ito’y hindi inihayag sa nating pinunong gagabay sa atin
P – Pagkalooban Niya nawa iyo ng sinumang tao kundi ng aking sa bisa ng kapangyarihang buhat

Don Bosco Compound, A. Arnaiz Ave. cor. Chino Roces Ave., Makati, Metro Manila
Postal Address: P.O. Box 1820, MCPO, 1258 Makati, Metro Manila, Philippines
WORD AND LIFE Tel. Nos. 8894-5401; 8894-5241; 8475-8945 • Website: www.wordandlife.org
PUBLICATIONS • E-mail: wordandlifepublications@gmail.com • FB: Word & Life Publications
• Editorial Team: Fr. B. Nolasco, V. David, R. Molomog, D. Daguio
• Illustrations: A. Sarmiento, B. Cleofe • Circulation: R. Saldua
kay Kristo. Di ito hamak lamang, at sa napakaraming kay Pedro (at hindi sa mga mananampalatayang
di magkamayaw na tinig ng kalituhan, sukat lamang indibiduwal) sinabi ni Hesus, “Ibibigay ko sa iyo
na pakinggan natin ang tinig ng kahalili ni Pedro at ang mga susi ng Kaharian ng langit. Ang ipagbawal
sumunod dito, yamang alam nating ang Panginoon mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot
ay tuwinang namamatnubay sa Papa at nagliligtas mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.” (Mt 16:19)
sa ano man niyang pagkakamali sa mga usaping Ang Santo Papa ang ating Amang espirituwal,
pampananampalataya at moral. ating “Maamong Kristo sa lupa,” tulad ng taguri sa
Kaya nga, nakalulungkot na may ilang mapagma- kanya ni St. Catherine ng Siena. Dapat natin siyang
tuwid na Katolikong nangangahas manindigan sa mga mahalin at ipagdasal. Napakabigat ng kanyang pa-
larangang pandoktrina o moral na salungat sa turo ng sanin. Kailangan niya ang lahat ng tulong na maibibigay
Santo Papa. Ang isang tunay na Katoliko ay dapat na natin, at dasal ang isa sa pinakamabisang tulong na
maging tapat na tagasunod ng kataas-taasang Pastol maibibigay ng buhay na pananalig at pusong nagma-
na hinirang ni Hesukristo. Dapat nating tandaang mahal.

You might also like