You are on page 1of 11

ILOCOS NORTE COLLEGE OF ARTS AND TRADES

Laoag City
MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 10
(Isang Pakitang-turo)
Marso 23, 2023

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang
Pilipino.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng
multimedia (social media awareness campaign)

I. LAYUNIN
1. Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may kaugnayan sa
paksa. F8PT-IIIe-f-31

2. Nahihinuha ang paksa, layon at tono ng akdang nabasa. F8PB-IIIe-f-31

3. Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang mga pamantayan.
F8PD-IIIe-f-31

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Kontemporaryong Programang Pantelebisyon
Sanggunian: Modyul sa Filipino 8 (Schools Division of Laoag City)
www.google.com
www.youtube.com
Kagamitan: Power Point Presentation
Video clip
Internet connection

Istratehiya: Interaktibo
Value Integration: Pagiging makabayan
Subject Integration: English -Integration of Mass Media
AP-Kasaysayan ng Telebisyon sa Pilipinas
ESP- Pagsusuri sa mga programang pantelebisyon na
pinapanood batay sa moralidad ng lipunan
III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral Note ng Guro

A. Panimulang Gawain
 Pagbati Makikibahagi sa mga paunang gawain.
 Pagtsek ng atendans.

B. Pangganyak
Bago mo tuluyang pag-aralan
ang mga iba’t ibang
Kontemporaryong
Programang Pantelebisyon,
nais kong malaman mo ang
iba pang mga instrumentong
ginagamit sa paghahatid ng
mga impormasyon sa
kasalukuyang panahon.
Tuklasin ang mga ito sa
pamamagitan ng
pagsasagawa sa mga
inihandang gawain.

C. Paglalahad Uri ng Mass Media Ipababasa sa


 Paglalahad sa mga iba’t mga mag-aaral
ibang uri ng Mass Media 1. Print Media - nakapaloob dito ang iba’t ang mga nasa
ibang uri ng mga babasahin na nakalimbag. slides.
(halimbawa: aklat, peryodiko, tabloid, pocket
book, komiks atbp.) Magtatanong ang
guro sa mga
2. Broadcast Media - nakapaloob dito ang nauuna-
mga kagamitang ginagamit sa pagpapadala ng waang kaalaman
impormasyon (halimbawa: radio at mula sa mga
telebisyon) slides.

3. Digital Media - sumasaklaw sa paggamit


ng kompyuter, gadgets at internet.
(halimbawa: social media, online shopping,
mobile legends, wattpad)
4. Entertainment Media - nakatuon sa mga
libangan (halimbawa: pelikula, concert,
recordings, mall tour, arcades atbp.)

D. Pagtalakay sa Aralin
Sa bahaging ito,
 Pagtalakay sa mga Uri ng maaaring
Kontemporaryong ipasok ng guro
Programang
ang pagtalakay
Pantelebisyon
sa kasaysayan
ng telebisyon sa
Pilipinas bago
dumako sa
pagtalakay ng
1. Children’s Show – mga programa o mga uri ng
palabas sa telebisyon na ang mga bata kontemporaryo
ang pangunahing naghahatid ng mga ng programang
kabatiran sa kanilang kapwa bata. pantelebisyon.

Ipababasa sa
mga mag-aaral
ang mga nasa
slides.

2. Documentary Program
Magtatanong ang
(Dokumentaryong Pantelebisyon) –
guro sa mga
naglalahad ng mga komprehensibong
nauuna-
impormasyon na sumasalamin sa
waang kaalaman
katotohanan ng buhay. Tumatalakay
mula sa mga
ito sa aktuwal na pangyayari at
slides.
kaganapan na maaaring makaapekto
sa malaking populasyon.
Maliban sa
halimbawa ng
programang
ibinigay ng guro,
magtatanong pa
ng ibang
halimbawang
programang
pantelebisyon na
kahalintulad
nito.

3. Educational Program – tumatalakay sa


mga bagay na nangyayari sa kapaligiran
at mga impormasyong nakalimbag sa mga
aklat at iba pang babasahin

4. Magazine Show – tumatalakay sa mga


napapanahong isyu, fashions, pagkain,
lugarpasyalan at iba pa na dati sa
magazine lamang nababasa.
5. Morning Show – tinatawag ding
Breakfast Show. Napapanood sa
pinakaunang oras sa umaga at
tumatalakay din sa mga napapanahong
isyu, balita at iba pang impormasyon.

6. News Program –paghahatid ng mga


pangunahing balita ang pangunahing
layunin ng mga palabas na ito.

7. Public Service Program - naglalayong


maghatid ng tulong at mabigyang
solusyon ang mga suliranin ng mga
indibidwal o pangkat ng tao na
nangangailangan ng tulong.
8. Travel Show – paglalahad ng paglalakbay
sa iba’t ibang lugar na naglalayong
ipakilala ang produkto, magagandang
tanawin at pamumuhay ng mga tao.

9. Variety Show/Noon Time Show –


pangunahing layunin ng mga programang
ito ang maghatid ng kasiyahan sa mga
manonood sa pamamagitan ng pagbibigay
tuon sa kagalingan sa pag-arte, pagkanta,
pagsayaw at pagpapasaya sa mga
manonood.

10. Youth Oriented Show - mga kabataan ang


pangunahing tauhan sa mga programang
ito na naglalayong bigyang-pansin ang
mga isyung kinakaharap nila.
11. Anthropological Show – naglalayong
ipalabas ang kuwento ng tunay na buhay
ng isang indibidwal na magsisilbing
inspirasyon sa mga manonood na
maaaring kuwento ng kabiguan ngunit
kadalasan ay katagumpayan.

12. Soap Opera/Melodrama – palabas sa


telebisyon na kasasalaminan ng mga
pangyayari sa tunay na buhay at nakaantig
ng damdamin sa mga manonood.

13. Reality Game Show – larong nagbibigay


libangan sa mga manonood
14. Reality Television - layunin ng
programang ito na ipakita ang realidad ng
buhay

15. Situational Comedy (Sit Com) –


pinakalayunin ng mga palabas na ito na
patawanin at pasayahin ang mga
manonood sa pamamagitan ng mga jokes
at pangyayaring katawa-tawa na
kapupulutan ng aral.

16. Talk Show - palabas na tumatalakay sa


mga napapanahong isyu, pangyayari,
buhay at iba pa sa pamamagitan ng pag-
imbita ng mga kilalang personalidad
 Magpapakita ang guro ng
ilang mga programang
pantelebisyon at
tutukuyin ng mga mag-
aaral kung anong uri ito
nabibilang.

E. Pagsasanay

 Ipapagawa ng guro sa Maglalaan ng


mga mag-aaral ang sapat na oras ang
susunod na gawain. guro upang
masagot ng mga
mag-aaral ang
gawain.

 Tutukuyin ng mga mag- 1. Uri ako ng Kontemporaryong Gabayan sa


aaral ang uri ng Programang Pantelebisyon pagtukoy sa mga
kontemporaryong Pinapanood ako dahil sa mga sagot mula sa
programang makatotohanang kuwento Nakaiiyak, gawain.
pantelebbisyon na nakatutuwa sa mga manonood Sa
inilalarawan ng bawat bandang huli kapupulutan ng aral na
bilang. totoo.

2. Ako nama’y kuwadradong


elektronikong kagamitan Tampok
ko’y iba’t ibang palabas na
kinaaliwan.

3. Ako’y pinipilahan ng mga manonood,


Sa pinilakang tabing ako’y
itinatampok!
4. Kuwentong katawa-tawa ba ang hanap
mo Ako ang sagot dito Papaiyakin pa
kita kung gusto mo Sa sobrang sayang
mararamdaman mo

5. Halimbawa ako ng Variety Show Iba’t


ibang talent matutunghayan mo
Pagtulong sa kapwa hindi rin
mawawala Dahil sa limpak-limpak na
mga kuwarta.

F. Paglalahat Sa bahaging ito


 Ipapagawa ng guro ang Panuto: Manood ng isang Dokumentaryong ng pagtalakay,
gawain na makikita sa Pantelebisyong may napapanahong paksa. mabibigyan ng
modyul Filipino 8 Maaaring ito ay ipinalabas sa telebisyon o ini- pagkakataon ang
Gawain 6: Manonood ako upload sa You Tube Channel ng napiling mga mag-aaral
istasyon. Gamiting gabay ang sumusunod sa na pumili ng
pagpili ng Dokumentaryong Pantelebisyon. anumang
dokumentaryong
1. Napapanahon at napakahalaga ang paksa o pantelebisyon na
isyu. kanilang
2. Nakaaapekto ang paksa o isyu sa malaking nagugustuhan at
sector ng lipunan. ito ay kanilang
3. May pagpapaliwanag sa isyu mula sa mga susuriin batay sa
eksperto. mga naibigay na
4. Angkop at may kaugnayan ang mga video gabay na tanong.
clip o footage bilang patunay sa katotohanan
ng isyung ipinalabas.
5. Malinaw at lohikal ang presentasyon ng
dokumentaryo.

Mga Halimbawa ng Dokumentaryong


Pantelebisyon
- I Witness
- Scene of the Crimes Operative (SOCO)
- Reporter’s Notebook
- Reel Time

Batay sa napanood, sagutin ang mga


sumusunod na tanong. Isulat sa iyong
sagutang papel.
1. Ano ang pamagat ng pinanood na
Dokumentaryong Pantelebisyon?
2. Ano ang paksa ng pinanood na
Dokumentaryong Pantelebisyon?
3. Ano-ano ang mga patunay na ang
suliraning tinalakay ay nangyayari sa ating
bansa?
G. Paglilipat
 Ibibigay ng guro ang
magiging performance
task ng mga mag-aaral.
 Kailangang talakayin din
ng guro ang batayan sa
pagsasagawa ng
performance task

Inihanda ni:

MARK DAVE M. FELIPE


Teacher III
Ilocos Norte College of Arts and Trades

Binigyang-pansin nina:

JANE S. DANCEL
Master Teacher I
Ilocos Norte College of Arts and Trades

MARGARET A. BUMANGLAG
Head Teacher III, Filipino Department
Ilocos Norte College of Arts and Trades

You might also like