You are on page 1of 15

PAGSULAT

SA PILING
LARANGAN
(AKADEMIKO)

PAKSA

Kahulugan at Layunin ng Pagsulat


Kahulugan

Ang pagsulat ay artikulasyon ng


mga ideya, konsepto, paniniwala at
nararamdaman na ipinahahayag sa
paraang pasulat, limbag at
elektroniko (sa kompyuter).
Layunin ng Pagsulat

1. IMPORMATIBO NA PAGSULAT - kilala rin sa tawag


na expository writing. Ito ay naghahangad na
makapagbigay impormasyon at mga paliwanag. Ang
pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa
teksto.
Halimbawa: Pagsulat ng report ng obserbasyon,
m ga i stat i st i ks n a m a k i k i ta s a m ga l i b ro at
ensayklopidya, balita, at teknikal o businesss report.
Layunin ng Pagsulat

2. MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT - kilala sa tawag


n a p e rs u a s i v e w r i t i n g . I t o ay n a g l a l ay o n g
makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang
katwiran, opinyon o paniniwala. Ang pangunahing
pokus nito ay ang mambabasa na nais
maimpluwensyahan ng isang awtor.
Halimbawa: editoryal, sanaysay, talumpati, pagsulat
ng proposal at konseptong papel.
Layunin ng Pagsulat

3. MALIKHAING PAGSULAT - Ito ay ginagawa ng mga


manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng
maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang
malikhain o masining na akda. Kadalasan ang
pangunahing layunin ng awtor dito ay magpahayag
lamang ng kathang-isip, imahinasyon, ideya,
damdamin o kumbinasyon ng mga ito.
Layunin ng Pagsulat

4. PANSARILING PAGPAPAHAYAG - Pagsulat o


pagtatala ng mga bagay na nakita, narinig,
nabasa o naranasan. Sa layuning ito, ginagawa
ang pagsulat bunga ng paniniwalang ito’y
mapapakinabangan. Ilan pa sa mga
halimbawa nito ang pagsulat ng dyornal,
plano ng bahay, mapa at iba.
Makrong Kasanayan sa
Pagsulat
Nina Josefina Mangahis, Rhoderick Muncio, at Corazon Javilla

Ang kasanayan sa pagsulat ay mahalagang


malinang sapagkat sa pag-aaral mo bilang isang
estudyante, ang pagsulat ay hindi lamang simpleng
pagtataya ng ideya na inilalapat sa papel o
minamakinilya sa kompyuter.May prosesong
nakalangkap sa akademikong pagsulat na iisa-isahin
sa bahaging ito, kasama ang pagtalakay ng uri, anyo
sa layunin at organisasyon ng teksto.
Ano nga ba ang pagsulat?

Ang pagsulat ay artikulasyon ng mga


ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman
na ipinahahayag sa paraang pasulat, limbag at
elektroniko (sa kompyuter). Binubuo ang
pagsulat sa dalawang yugto. Una na rito ang
yugtong pangkognitibo, ibig sabihin, nasa isip
lahat natin ang ating mga isusulat.
Ano nga ba ang pagsulat?

Nagkakaroon ng artikulasyon ang mga ideya,


p a n i n i wa l a at i b a p a s a d a h i l a n g m a s u s i n g
dumaraan ito sa isipan ng tao-napag-isipan,
naisapuso o naunawaan bago naisulat. Ang
ikalawang yugto ay ang mismong proseso ng
pagsulat. Nagkakaroon ng hulma at tiyak na hugis
ang mga ideya at konseptong nasa isipan ng tao
habang unti-unting naisusulat ito sa papel.
Ano nga ba ang pagsulat?

Nagkakaroon ng kaganapan ang yugtong


pangkognitibo sa pagsulat na mismo. Magkakambal ang
dalawang yugtong ito sa dahilang sabay na ginagamit ito sa
pagsulat. Hindi makapagsulat ang isang estudyante ng
isang sulating pananaliksik kung hindi muna niya pinag-
iisipan nang mabuti ang ideya at gagawin. Hindi niya
marerebisa ang naisulat kung hindi niya tuluy-tuloy na
pinag-iisipan ang nabubuong hugis at hulma ng naisulat na
papel.
Ano nga ba ang pagsulat?

Samakatuwid, mula simula


hanggang wakas magkasama ang
dalawa, halimbawa, sa pagsulat ng
sanaysay at iba pang akademikong
papel.
Ano nga ba ang pagsulat?

May tatlong paraan at ayos ng pagsulat tulad ng (1)


pasulat o sulat-kamay na kasama rito ang liham, tala ng
leksyon sa klase, talaarawan at iba pa; (2) limbag tulad ng
nababasa sa jornal, magasin, aklat, ensayklopidya; at (3)
elektroniko na ginagamit sa pagsulat ng liham o kaya’y
magsulat/magmakinilya sa kompyuter ng mga artikula,
balita, dokumento, pananaliksik na ginagawa at iba pa.
Dahilan ng pagsulat

– nagsisilbing libangan
– pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang
kanilang ma ideya at mga kaisipan sa paraang kawili-wili
o kasiya-siya para sa kanila
– matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral upang
matamo ang kasanayan
– masusukat ang kanilang kahandaan at kagalingan sa iba’t
ibang disiplina
Dahilan ng pagsulat

– ang pasulat ay isang pangangailangan. nagsusulat ang


tao upang matugunan ang mgapersonal na
pangangailangan
– nagsusulat din ang tao upang matugunan ang mga
akademiko at propesyonal na pangangailangan
Corazon L. Santos et al,; (2016). Filipino sa Piling Larang Akademik
Patnubay ng Guro: Pasig City: Department of Education – Bureau of Learning
Resources (DepEd – BLR): pp.3-7

You might also like