You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF CALAMBA CITY

MIDYEAR ASSESSMENT IN FILIPINO 8


S.Y. 2022-2023
PAGBASA AT PAG-UNAWA
Panuto: Basahin at unawain ang Seleksyon. Matapos magbasa, piliin at itiman ang tamang
sagot sa bawat tanong.
PAGDIWATA
Pagdiwata anng pistang pasasalamat ng mga minoryang Tagbanua dahil sa masaganang ani na kanilang
tinatamasa. MAtatagpuan aito sa Palawan. Pag-aalay ng inumin at pagkain sa mga pumanaw na kamag-anak
ang paraan ng kanilang ritwal. Pinaniniwalaan ng mga minorya ang Tagbanua na nababahaginan ang mga
isipiritu ng namayapa.
Pagkatapos ng anihan, nagtitipun-tipon sila sa bahay ng babaylan. Itinuturing nilang pinuno ang
Babaylan. Sa saliw ng tugtog ng tambol, sasayaw ang Babaylan. Magsisimula sa banayad tungo sa marahas na
pagsayaw sa paniniwalang naitataboy ang masamang ispiritu.
Matapos itaboy ang masasamang ispiritu, sisimulan ng Babaylan ang ritwal. Sa pamamagitan ng pag-
aalay ng manok, alak-bigas ipinahihiwatig na mabubuting ispiritu ang kasama nila. Ang unang paglagok o pag-
inom ng Babaylan ng alak-bigas ay hudyat ng kasiyahan na tinatanggap ng mabubuting ispiritu ang kanilang
mga alay.

Mga tanong:

1. Ano ang tawag sa pistang isinasagawa ng mga minoryang Tagbanua?


A. Pagdiwata C. Maytinis Festival
B. Flores de Mayo D. Moriones

2. Anu-ano ang iniaalay ng mga Tagbanua sa mga ispiritu?


A. bulaklak at kandila C. pagkain at alak
B. larawan ng babaylan D. litsong tupa

3. Saan nagtitipun-tipon ang mga Tagbanua pagkatapos ng anihan?


A. sa bahay-bahay C. sa bukid
B. sa simbahan D. sa bahay ng babaylan

4. Bakit isinasagawa ang Pagdiwata?


A. upang makipag-inuman
B. upang mag-alay sa babaylan
C. Upang magpasalamat sa masaganag ani
D. Upang kausapin ang mga pumanaw na kaanak

5. Paano itinataboy ang mga masasamang espiritu ng Babaylan?


A. sa pamamagitan ng pag-aalay ng manok at alak-bigas
B. sa pamamagitan ng pagtanggap sa banal na espiritu
C. sa pamamagitan ng pagtitipon
D. sa pamamagitan ng kasiyahan

MARAMIHANG PAGPIPILIAN

Address: City Hall Compound, Brgy. Real, Calamba City, Laguna


Telephone No: (049) 545-7331
Email Address: calamba.city@deped.gov.ph
Website: https://depedcalambacity.com.p
Panuto: Basahin ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin at itiman ang bilog sa tabi ng letra ng
wastong sagot.

6. “Kapag may isinuksok, may madudukot.” Anong mahalagang kaisipan ang nakapaloob sa
karunungang-bayang ito?
A. Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok
B. Madalas ay inilalagay ng mga Pilipino ang pera sa alkansya para pag dumating ang
oras ng pangangailangan ay magagasta.
C. Umuunlad ang mga bangko dahil sa mga perang iniipon ng mga tao.
D. Mahusay ang mga nag-iimpok ng pera.

7. “Kung anong taas ng paglipad, siyang lakas ng pagbagsak.” Alin sa mga sumusunod na
kaisipan ang naaayon sa karunungang-bayan na ipinahayag?
A. Madalas bumabagsak sa buhay ang taong sobrang taas ang pangarap.
B. Ang taong mapagmataas ay kadalasang siyang nakararanas ng matinding pagbagsak.
C. Hindi masamang mangarap ng mataas, huwag lamang sa paraang pag-isipan ng
masama ang kapwa.
D. Maghangad ng mataas para sa sarili.

8. “Ngayon kakahigin, Ngayon tutukain.” Ano ang nais ipahayag ng karunungang-bayang ito?
A. Maagang magtrabaho upang umasenso
B. Kung kailan lamang kailangan ang isang bagay ay doon lamang kikilos upang
makamit ito
C. Kailangang magtrabaho upang may makain
D. Magsipag sa trabaho upang hindi maghirap

9. Alin sa mga karunungang bayan ang tinatawag din na pahulaan o patuturan na ang
pangungusap o tanong ay may nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan?
A. Bugtong C. Salawikain
B. Bulong D. Sawikain
10.Parehong maganda ang aking nanay at lola dahil magkamukha sila. Anong uri ng
paghahambing ang ginamit sa pangungusap?
A. Paghahambing na di-magkatulad
B. Paghahambing na di-gaanong magkatulad
C. Paghahambing na magkatulad
D. Pasukdol

11.Si Gng. Reyes ay nagpapaliwanag sa kaniyang mga mag-aaral ng mga maaaring epekto o
pangyayari kung mananatiling matigas ang ulo ng isang anak sa kaniyang mga magulang.
Anong paraan ng pagpapapahayag ang ginamit ni Gng. Reyes?
A. Paghahambing C. Pagsusuri
B. Pag-iisa-isa D. Sanhi at Bunga

12.Si Lam-Ang ay isa sa mga itinuturing na bayani ng ating mga ninunong Ilocano. Anong
panitikan nabibilang ang Biag ni Lam-Ang?
A. Alamat C. Kuwentong Bayan
B. Epiko D. Nobela

13.“Hmp. Pagkadilat ng mata mo sa umaga, wala ka nang naisip na kumustahin at himasin


kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo pa ang mga tinali mo kaysa akin.” Anong damdamin
ang ibig ipakahulugan ng pahayag ng tauhan sa Sa Pula, Sa Puti?
A. Pagkatakot C. Pagseselos
B. Pagsasaya D. Panunumbat

Ipahandog-handog ang buong pag-ibig


At hanggang may dugo’y ubusing itigis

Address: City Hall Compound, Brgy. Real, Calamba City, Laguna


Telephone No: (049) 545-7331
Email Address: calamba.city@deped.gov.ph
Website: https://depedcalambacity.com.ph
Kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,
Ito’y kapalaran at tunay na langit.

14. Ang saknong na halimbawa sa itaas ay may labindalawang pantig sa bawat taludtod. Anong
elemento ng tula ang tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod?
A. Simbolismo C. Talinhaga
B. Sukat D. Tugma

15. Ano ang ipinahihiwatig ng lirikong “Sinong pumili? Pag ang tinta ay humalik sa daliring
siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik, Dapat Tama” na inaawit ni GLOC 9?
A. Huwag bumoto
B. Huwag pag-isipan ang kandidatong iboboto
C. Pag-isipang mabuti ang pagboto upang hindi magsisi sa huli
D. Tumanggap ng bayad kapalit ng pagboto

16. Ang talata ay isang sulatin na binubuo ng mga pangungusap na tumutukoy sa piling
paksa o tema. Sa anong bahagi mababasa ang pagbibigay buhay at direksyon sa paksang
pag-uusapan sa isang talata?
A. Gitna C. Simula
B. Kasukdulan D. Wakas

17. Ang babasahing Daragang Magayon ay isang uri ng panitikan na naglalarawan sa dalawang
magkasintahan. Sa anong panitikan nabibilang ang Daragang Magayon?
A. Alamat C. Kuwentong Bayan
B. Epiko D. Sanaysay

18. “Ang mahirap kunin ay masarap kainin” Tukuyin kung ano ang mahalagang kaisipan ang
nais ipahiwatig ng kasabihang ito.
A. Ang masarap na kanin ay mahirap kunin.
B. Mahirap bilhin ang mamahaling bigas.
C. Masarap kumain ng isang pagkaing mamahalin at mahirap kunin.
D. Mas masarap lasapin at makamtan ang isang bagay na pinaghirapan.

19. Ang Ibong Adarna ay isang tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa taludtod
at nagtataglay ng mga paksang kababalaghan at malaalamat na karamiha’y hiram at halaw
sa paksang Europeo. Anong uri ng panitikan ang Ibong Adarna?
A. Alamat C. Epiko
B. Awit D. Korido

20. Ang kanyang ulirang asawa ay itinuturing niyang kapilas ng kanyang buhay. Piliin ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.
A. Kaagaw C. Kasundo
B. Kabiyak D. Katuwang

21.“Ang isdang tuna ay isang malaking salik sa pagpasok ng dolyar sa ating bansa. Ang
Pilipinas ang nangunguna sa pagluluwas ng mga de-latang tuna sa iba’t ibang panig ng
daigdig. Mahigit 50% ng mga tunang ito ay nanggagaling sa Mindanao o sa timog na bahagi
ng bansa. Kabilang na rito ang Golpo ng Moro, Dagat Sulu, Dagat Bohol, Look ng Batangas,
at Golpo ng Ragay.”
Ano ang pangunahing kaisipan sa iyong binasang teksto?
A. Pilipinas ang nangunguna sa pagluluwas ng mga de-latang tuna sa iba’t ibang panig
ng daigdig
B. Ang isdang tuna ay isang malaking salik sa pagpasok ng dolyar sa ating bansa.
C. Mahigit 50% ng mga tunang ito ay nanggagaling sa Mindanao
D. Wala sa nabanggit

22.

Address: City Hall Compound, Brgy. Real, Calamba City, Laguna


Telephone No: (049) 545-7331
Email Address: calamba.city@deped.gov.ph
Website: https://depedcalambacity.com.ph
Ano ang pangunahing kaisipan sa iyong binasang teksto?
A. pagpapatupad ng curfew sa Kalakhang Luzon
B. Pag-aresto at pagpaparusa sa mga lalabag sa curfew
C. Para sa kabataan ang curfew
D. Ang curfew ay sagabal sa mga manggagawa

23.“Maagang pumapasok sa paaralan si Tonyo upang makapag-review sa library. Tuwing


nagkakaroon ng oral recitation ay palagi siyang nakakasagot. Kapag nakauwi mula sa
paaralan ay agad niyang ginagawa ang kanyang mga takdang-aralin kung kaya mataas ang
markang nakukuha ni Tonyo. Si Tonyo ay mabuting estudyante.” Ano ang pangunahing
kaisipan ng tekstong ito?
A. Maagang pumapasok si Tonyo
B. Nakakasagot sa klase si Tonyo
C. Mabuting estudyante si Tonyo
D. Mataas ang marka ni Tonyo

24.Ang pagtatanong ay isang mabisang paraan upang mass mapalinaw ang mga paksa sa isang
usapan. Kailan masasabi na mahalaga ang isang tanong?
A. May katibayan C. Kung nakatuon sa pinag-uusapan
B. Maraming isinasaad na dahilan D. Kumpleto ang impormasyong isinasaad

25.Bawat tao ay may kani-kaniyang opinion sa bawat isyu o bagay, ano ang katangian ng isang
opinyon?
A. Isang guniguni lamang C. Sariling pagsusuri
B. May pinagbabasihan D. Bungang-isip

26.“Ang yaman ang isa nagpapatalino sa tao. Halimbawa, kukuha ka ng tutor para maging
matalino at sapat na kagamitan upang mahasa ang iyong talino.” Ito ay isang halimbawa ng
katuwiran, paano makikilala ang isang katuwiran?
A. May patunay sa isyung inilahad
B. May paninindigan
C. Naglalahad ng maraming isyu
D. Walang pinatutunayan
27.Ang Fliptop ay itinuturing na makabagong balagtasan, alin sa mga sumusunod na katangian
ang katangian ng balagtasan?
A. Isang uri ng balita
B. Tagisan ng talino sa paraang pahulaan
C. Labanan ng katuwiran sa isang paksa sa paraang patula
D. Awit na tumatalakay sa sakit ng lipunan

28.“Maling-mali ang kanyang tinuran. Walang katotohanan ang pahayag na iyan.” Ang iyong
binasang ito ay isang halimbawa ng anong pagpapahayag?
A. Pagsang-ayon sa pahayag C. Pagsalungat sa pahayag
B. Patas na pagpanig D. Walang pinanigan

29.“Kaisa ako ng lahat sa mga pagbabagong nais nilang mangyari sa mundo.” Ang iyong
binasang ito ay isang halimbawa ng anong pagpapahayag?
A. Pagsang-ayon sa pahayag C. Pagsalungat sa pahayag
B. Patas na pagpanig D. Walang pinanigan

30. “Hindi ko matanggap ang mga pagbabagong madudulot ng kasiraan sa ating pag-uugali at
kultura.” Ang iyong binasang ito ay isang halimbawa ng anong pagpapahayag?
A. Pagsang-ayon sa pahayag C. Pagsalungat sa pahayag

Address: City Hall Compound, Brgy. Real, Calamba City, Laguna


Telephone No: (049) 545-7331
Email Address: calamba.city@deped.gov.ph
Website: https://depedcalambacity.com.ph
B. Patas na pagpanig D. Walang pinanigan

31.“Ganoon din ang nais kong sabihin sa kanyang tinuran.” Ang iyong binasang ito ay isang
halimbawa ng anong pagpapahayag?
A. Pagsang-ayon sa pahayag C. Pagsalungat sa pahayag
B. Patas na pagpanig D. Walang pinanigan

32. Aling sa mga sumusnod na pares ng mga salita ang magkasalungat?


A. matulis-matalas
B. mahirap-mayaman
C. pulubi-kurap
D. malinis-makintab

33. “Maraming grasya ang dumarating sabuhay ng mga taong tunay na nagsisikap.” Ano ang
kasalungat ng salitang nakahilig sa pangungusap?
A. kamalasan C. pagpapala
B. swerte D. karanasan

34. “Maraming magagandang bulaklak sa aming paaralan, tiyak na marami ang maaaring
ilaban sa mga patimpalak.” Ano ang kononatibong kahulugan ng salitang nakahilig sa
pangungusap?
A. Bahagi ng isang halaman C. palamuti
B. babae D. lugar para sa kababaihan

35. “Tiyak na hindi na magdaranas ng pagdarahop sa pagkain ang balana kung ang ani ng
mga sakahan ay sagana.” Ang salitang nakahilig ay kasingkahulugan ng alin sa mga
sumusunod na salita?
A. Pagyabong C. sapat
B. Pagdami D. pagkukulang

36. “Isang malaking bundok ang nawala sa aking dibdib nang dinggin ng Diyos ang aking
panalangin.” Tukuyin ang kononatibong kahulugan ng salitang nakahilig sa pangungusap.
A. Uri ng anyong-lupa
B. Mataas na labahin
C. Problema
D. Katapangan
37. Karaniwan sa mga tula ang may walo, labindalawa at labing-anim na patig sa bawat
taludtod. Anong element ng tula ang tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod?
A. Sukat C. Kariktan
B. Tugma D. Larawang-diwa

38. Ang mga tula ay may sinusunod na bilang ng taludtod batay sa uri ng taludturan, ano ang
tawag sa taludturang may labing-apat na taludtod?
A. Quatrain C. Soneto
B. Triplet D. Sextet
39. “Ang Pilipinas ay perlas sa kagandahan.” Ang iyong binasa ay isang halimbawa ng
paggamit ng tayutay, ito ay tiyakang naghahambing at hindi gumagamit ng pariralang tulad
ng, gaya ng, at iba pa. Anong talinghaga o paggamit ng tayutay ang ginamit?
A. Pagtutulad C. Pagmamalabis
B. Pagwawangis D. Pag-uyam

40. Anong anyo ng tula ang tinaawag din na makabagong kayarian ng mga tulang walang sukat
at tugma ito ay tinatawag din na free verse sa Ingles?
A. Tradisyunal C. Malayang Taludturan
B. Blank Verse D. Di-tugmaang taludturan

Address: City Hall Compound, Brgy. Real, Calamba City, Laguna


Telephone No: (049) 545-7331
Email Address: calamba.city@deped.gov.ph
Website: https://depedcalambacity.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF CALAMBA CITY

MIDYEAR ASSESSMENT IN FILIPINO 8


SUSI SA PAGWAWASTO

Address: City Hall Compound, Brgy. Real, Calamba City, Laguna


Telephone No: (049) 545-7331
Email Address: calamba.city@deped.gov.ph
Website: https://depedcalambacity.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF CALAMBA CITY

1. A 21.A
2. C 22.B
3. D 23.C
4. C 24.C
5. A 25.C
6. A 26.A
7. B 27.C
8. B 28.C
9. A 29.A
10.C 30.C
11.D 31.A
12.B 32.B
13.C 33.A
14.B 34.B
15.C 35.D
16.C 36.C
17.A 37.A
18.D 38.C
19.B 39.B
20.B 40.C

Address: City Hall Compound, Brgy. Real, Calamba City, Laguna


Telephone No: (049) 545-7331
Email Address: calamba.city@deped.gov.ph
Website: https://depedcalambacity.com.p

You might also like