You are on page 1of 2

ANG PAGDIRIWANG NG PAGBABASBAS SA MGA MANG-AAWIT NG

PAROKYA
Ang pagsusugo ay gaganapin sa loob ng pagdiriwang ng misa. Pagkatapos ng Homiliya ang
Kura Paroko ay uupo sa isang silyang inihanda sa may harapan ng dambana. Siya ay tatabihan
ng punong tagapaglingkod. Tatawagin isa-isa ang mga pangalan ng mga bagong kasapi. ng
coordinator ng mga Choir.
Coordinator:
Minamahal naming Kura Paroko narito po ang mga nais maging kasapi ng Choir sa
ating parokya.
Lalapit ang mga isusugo sa harapan ng kura paroko at magpupugay. Kapag nakaharap na sa
kura paroko ang mga tinawag, magsasalita siya.
Kura Paroko:
Mga minamahal na kapatid narinig natin sa aklat ng mga Salmo, “Awitan ang
Diyos ng bagong awit, ang kanyang papuri ay magmula sa nagkakatipong
sambayanan.”
Nakahanda ba kayong gampanan ang tungkulin upang magbigay papuri sa Diyos
sa pamamagitan ng mga awit para sa banal na pagdiriwang?
Choir:
Opo.
Nangangako ba kayong maging mabuting halimbawa ng tunay na kagandahang
loob sa pamamagitan ng mga talentong ipinagkaloob sa inyo ng Diyos?
Choir:
Opo.
Tatayo ang Kura Paroko at mananawagan sa sambayanan.

Kura Paroko:
Mga minamahal, manalangin tayo sa Diyos upang puspusin niya ng biyaya ang
ating mga kapatid na nais maglingkod para sa ikadarakila ng kanyang banal na
Pangalan.
Tatayo ang sambayanan at pagkatapos ay ilulukob ng Kura paroko ang kanyang mga kamay sa
mga isusugo.
Kura Paroko:
Manalangin tayo,
Panginoong naming Diyos sa iyong kagandahang loob ipinagkaloob mo sa
iyong bayan ang mga awit na nagbibigay puri sa iyong ngalan. Basbasan mo +
ang aming mga kapatid na nagnanais maglingkod sa iyo at magbigay
karangalan sa banal na hapunan. Pagpalain mo sila hanggang sila’y sumapit
sa kalangitan, kung saan kaisa ng mga anghel sila’y aawit ng iyong
kaluwalhatian magpakailanman. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Kristong aming Panginoon.
R. Amen

Tatayo ang mga babasbasan at wiwisikan sila ng banal na tubig ng kura paroko. Pagkatapos
ay pasasalubungan sila ng masigabong palakpakan ng sambayanan. Sila ay babalik sa upuan.
Itutuloy ang panalangin ng bayan.

You might also like