You are on page 1of 10

ZAMORA ELEMENTARY SCHOOL

Ricabo Street Zamora, Meycauayan, Bulacan

Baitang at Pangkat: 6- Rizal Petsa: Ika-24 ng Mayo, 2023

I. MGA LAYUNIN
a. Pamantayang Nilalaman - Naipamamalas ang mas malalim na pag-unawa at
pagpapahalaga sa patuloy na pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa hamon ng
nagsasarili at umuunlad na bansa
b. Pamantayan sa Pagganap- Nakapagpakita ng aktibong pakikilahok sa gawaing
makatutulong sa pag-unlad ng bansa bilang pagtupad ng sariling tungkulin na siyang
kaakibat na pananagutan sa pagtamasa ng mga karapatan bilang isang bansang Malaya at
maunlad na Pilipino
c. Pamantayan sa Pagkatuto- Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay
inaasahang;
 Natutukoy ang itinuturong utak ng Asasinasyon.

 Naiisa-isa ang mga naging bunga ng Asasinasyon kay Ninoy

 Naipapaliwanag ang kahalagahan ng demokrasya sa ating bansa sa pamamagitan


ng paggawa ng isang slogan na may temang tungkol dito

II. PAKSANG-ARALIN
a. Paksa: Ang People Power Revolution ng 1986
- Ang Asasinasyon kay Ninoy Aquino
b. Kagamitan: Telebisyon, Laptop, Visual Aids, PowerPoint Presentation
c. Sanggunian: Aklat sa Araling Panlipunan,
Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa, pahina 291-293
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

“ Bago tayo magsimula inaanyayahan ko ang lahat na


tumayo para sa panalangin”
(Panalangin)
(Tatawag ng isang mag-aaral na mangunguna sa
panalangin.) “Amen!”

“Magandang Buhay,Grade-6 Rizal!” “Magandang Buhay rin po, Ma’am


Ana!”
“Ngayon naman bago kayo umupo,maaari bang pakipulot
muna ng mga kalat sa ilalim ng inyong mga upuan at kung (Pupulutin ang mga kalat at
pwede rin ay pakiayos ng inyong mga upuan upang mas isasaayos ang mga upuan.)
umaliwalas ang inyong paligid.”
“Class President, kumusta ang inyong attendance may “Wala po Ma’am, kumpleto po ang
lumiban ba sa klase ngayong araw?” lahat ngayong araw.”

“Ayan! Natutuwa ako at kompleto kayo ngayong araw. “Bigyan ng isang bagsak
Dahil diyan bigyan niyo nga ng isang bagsak clap ang Bigyan ng isang bagsak
inyong mga sarili.” Bigyan mo pa,bigyan mo pa
nakukulangan pa
1..2..1…2…3..1..2..3..4…1…2”

B. BALIK-ARAL

 Upang simulan ang ating talakayan nais kong


sagutan ninyo ang panimulang gawain para sa araw
na ito
 Tukuyin kung sino ang mga nasa larawan at sagutin
ang mga sumusunod na katanungan:
 Ang panimulang gawain na ito ay tatawagin nating
“THE WHO?”

”Si Ferdinand Marcos Jr.


po,Ma’am.”
 Sino ang nakikita ninyo sa Larawan?
“Ma’am, siya po ang nagdeklara
ng Batas Militar sa Pilipinas”
 Ano ang naaalala ninyo ayon sa naging
talakayan natin kahapon tungkol kay “ Siya po naging Commander in
Ferdinand Marcos? Chief ng hukbong sandatahan ng
 Ano ang naging papel niya sa pagdedeklara Pilipinas”
ng Batas Militar sa Pilipinas?
“ Si Juan Ponce Enrile po ay
naging Justice Secretary ng
rehimeng Marcos”

 Ano ang naging papel ni Juan Ponce Enrile sa


Administrasyong Marcos?

“ Si Sen. Ninoy Aquino


po,Ma’am”

“Isa po sa tutol sa pagdedeklara ni


Marcos ng Batas Militar ng
Pilipinas.”

 Sino ang nakikita ninyo sa larawan? “ Ma’am, siguro po ay pag-


 Ano ang naging papel ni Ninoy sa pagpapatupad ni uusapan natin ngayon ang tungkol
Marcos ng Batas Militar? sa pagkamatay ni Ninoy.”

 Ano sa tingin ninyo ang kinalaman ni Ninoy


Aquino sa susunod nating talakayan?

B. PAGGANYAK

Magbahagi ng opinyon o idea ukol sa bidyong


mapapanuod na may pamagat na Magkaisa by Virna Lisa

 Batay sa inyong napakinggan at napanuod, ano ang ( Iba’t-ibang opinyoon ng mga


naramdaman ninyo habang pinapakinggan ninyo mag-aaral)
ang awitin ni Virna Lisa?
“Ma’am, may napanuod po ako sa
 Batay dito ano ang ideya ninyo tungkol sa ating youtube na kinakanta ito noong
magiging talakayan ngayong araw? ililibing po si Cory Aquino.”

“Ma’am, sa tingin ko po may


kinalaman po ito sa pagkamatay po
ng asawa ni Cory Aquino na si
Ninoy Aquino.”

C. PAGLINANG NA GAWAIN

“Tama!”

“Para sa ating talakayan, tatalakayin natin ang tungkol sa


Asasinasyon ni Ninoy Aquino
”Si Ninoy po ay isang Pilipinong
Sino ba si Ninoy Aquino?” Senador na naging pangunahing
kritiko ni Ferdinand Marcos Jr.”

“Si Ninoy ang asawa ni Corazon


Aquino.”

“Mahusay!” .
“Ngayon atin pang kilalanin kung sino ba si Ninoy bago
siya pumasok sa Politika.”

“Si Ninoy ay ipinanganak noong 27 Nobyembre 1932. Siya


ay anak ng dating Assemblyman Benigno Aquino, Sr. at
Aurora Aquino-Aquino ng Tarlac. Si Ninoy ay 17 taong
gulang lamang ng matanyag sa pagiging isang
korespondent ng digmaan sa Korea. Naging pinakabatang
nahalal na punong-bayan sa Concepcion, Tarlac. Siya rin
ay naging katidong teknikal ng mga pangulong sina Ramon
Magsaysay at Carlos P. Garcia. Noong panahon ng
panunungkulan ni Diosdado Macapagal si Ninoy ay
umanib sa Partido Liberal. Siya ang naging pangkalahatang
kalihim ng partido na naging daan upang siya ay mahalal
na pinakabatang senador noong 1967.”
“Siya po ang pinakabatang
gobernador sa bansa at kalaunang
“Paano niya naman pinasok ang Politika?” pinakabatang senador sa Senado
ng Pilipinas”

“Magaling!”

“Si Ninoy Aquino ay kasapi ng Partido Liberal at naging


pinakabatang gobernador sa bansa at kalaunang
pinakabatang senador sa Senado ng Pilipinas noong 1967.
Ang kanyang asawang si Corazon Aquino ay nanatiling
isang may bahay sa buong karera sa politika ng kanyang
asawa. Si Ninoy ay naging isang nangungunang kritiko ni
Pangulong Ferdinand Marcos.” “Siguro po ay dahil sa pagnananais
niyang maibalik ang demokrasya
“Ano ba ang ideya ninyo tungkol sa Asasinasyon kay sa bansa.”
Ninoy batay sainyong mga napag-aralan sa nakalipas na
mga talakayan?”

“Tama! Isa sa mga naging dahilan ng pagpaslang kay


Ninoy ay ang adhikain niyang manumbalik muli ang “Ang demokrasya ay pagbibigay
demokrasya sa bansa.” ng kalayaan at karapatang
makapagpahayag ang mga
“Batay sainyong nabanggit, ano nga ba ang kahulugan ng
mamamayan ng isang bansa.”
demokrasya?”

“Mahusay! Ang demokrasya ang sinasabi ni Ninoy na


magiging susi upang muling magkaisa ang mga
mamamayan tungo sa pagpapabuti ng kalagayan ng bawat
tao. Ninanais niyang manumbalik ang demokrasya sa bansa
dahil sa matagal na panahong ito ay napasailalim sa Batas
Militar na kung saan naging dahilan kung bakit nawalan ng
tiwala ang mga mammayan sa pamahalaan. “Marami pong nagsasabing si
Marcos, mayroon din naman pong
Sa iyong palagay, sino ang itinuturong utak ng nagsasabing ang mga militar ang
Asasinasyon kay Ninoy?” may salarin sa pagpaslang kay
Ninoy.”

“Magaling!”

“Dahil sa mga paratang sa noon ay kasalukuyang Pangulo


na si Ferdinand Marcos humirang siya ng mag-iimbestiga
tungkol sa pagpatay kay Ninoy. Sinasabing siya ang
pumatay dito, mayroon ring nagsasabing isa sa mga
sundalong noon ay naatasang mag-eskort kay Ninoy dahil
magbabalik na ito sa bansa galing Amerika.
May mga kumakalat na ispekulasyon na hindi umano ay
kagagawan ito ng military chief na si Fabian Ver.Ngunit
kalaunan ay sa ilang taong pagkakakulong nito ay
napawalang sala rin. Ang isa pang itinuturong salarin ay si
Rolando Galman.Ang pamahalaan ni Marcos ay lumikha
ng isang reenactment video ng kanilang bersiyon ng
pangyayari na ipinalabas sa telebisyon na nagpapakitang si
Galman ay nakatago sa ilalim ng hagdan at bumaril kay
Ninoy sa tarmac at pagkatapos ay binaril naman ng mga
sundalo si Galman. Sa paglipas ng mahabang panahon ang
mga inakusahang may sala sa salang pagpatay kay Ninoy
ay napalaya rin “Pagkatapos ng nangyaring
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin napapatunayan pagpatay kay Ninoy ay maraming
kung sino talaga ang may kasalanan.” Pilipino ang nawalan ng tiwala sa
Pamahalaan.”
“Sa palagay ninyo, ano naging bunga ng Asasinasyonn kay
Ninoy?”

“Tama!”

“Matapos nga ang nangyari pagpatay kay Ninoy sa Manila


International Airport o mas kilala na ngayon sa tawag na
Ninoy Aquino Internationa Airport, dito na nagsimulang
mawalan ng tiwala ang mga Pilipino sa pamahalaan dahil
sinisisi nila ang rehimeng Marcos na noon ay kasalukuyang
nakaupo bilang Pangulo ng bansa. Maraming tao ang
nagalit at nagnanais na patalsikin si Marcos sa p’westo.
Ang kamatayan ni Ninoy ang sinasabing naging hudyat
ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Pilipino para sa
adhikaing maalis si Marcos bilang pangulo ng bansa. Dahil
sa pangyayaring ito bumagsak ang ekonomiya ng bansa.
Umabot sa 6.8% ang ibinagsak noong 1984 at mas bumaba
pa ito sa 3.8% pagtungtong ng taong 1985 at nabaon sa
pagkakautang.”

“Dito na nagsimula ang tinatawag na civil disobidience ng “Opo.”


mga taong ayaw tumalima sa pamahalaan. Ito ay ang
paglulunsad ng mapayapang kilos-protestalaban sa “Wala na po.”
pamahalaan. “

“Nauunawaan ba?”

“May tanong?”

C. PANGWAKAS NA GAWAIN
1. Paglalapat

 Indibidwal na Gawain

 Magkakaroon ng Indibidwal na Gawain ang


mga mag-aaral. Kung saan sa pamamagitan
ng mga larawan na aking ipapakita
pagsasama-samahin ito upangmaabuo ng
isang ideya na kung saan maiisa-isa ang
mga bunga ng Asasinasyon kay Ninoy.
Ngunit ito ay sa pamamagitan lamang ng
pagtataas ng kamay upang sumagot kung
ano ang bungang natukoy niya batay sa
larawan.
 Tatawag ang guro ng isa sa mga nais
sumagot at bibigyan ng 10 segundo
parapag-isipan kung ano ang ideyang
kanyang nabuo.
 Ang makakakuha ng tamang sagot ay
magkakaroon ng reward.

SAGOT: Nawalan ng tiwala sa Pamahalaan

SAGOTP; Bumagsak ang ekonomiya ng bansa


SAGOT: Nagkaisa ang mga Pilipino.

SAGOT: Nabaon sa utang ang Pilipinas.

 Pangkatang Gawain

Slogan Making:
 Hahatiin ang pangkat sa apat na grupo.
Gumawa ng isang slogan na nagpapakita ng
kahalagahan ng demokrasya sa buhay ng bawat
mamamayan sa ating bansa.
 Gamit ang isang illustration board, isulat dito
ang inyong ideya. Bibigyan ko kayo ng 5-10
minuto para gawin ito.
 Pumili ng isang miyembro sa bawat grupo upang
pumunta sa harap upang ibahagi sa klase ang
ginawang slogan.
 Gawing gabay ang halimbawa na nasa ibaba;

(Magbahagi ang bawat


grupo ng kani-kanilang
ginawang slogan)

“123…..123…Very Good!Very
Good!”( Sabay-sabay)

“ Very Good. Nakakatuwa naman na naiintindihan ninyo


kung ano ang kahalagahan ng demokrasya sa buhay ng
bawat mamamayan. Dahil diyan bigyan niyo naman ang
bawat isa ng Aling Donisia Clap.”
2. Paglalahat
Para sa pagtatapos ng talakayan, nais kong malaman ang
inyong mga natutunan . Matapos nito ay magbibigay ako
ng dalawang katanungan upang magsilbing kabuuang ( Magtatas ng kamay ang mga
katanungan para sa ating pagtalakay sa araw na ito. mag-aaral at Magbabahagi ng
kanilang natutunan)

Sino ang nais magbahagi ng kanilang natutunan ngayong


araw?
( Magbabahagi ng iba’t-ibang
Mahusay at marami pala kayong natutunan sa klase natin opinyon)
ngayong araw. Bilang paglalahat sa ating talakayan ito ang
aking mga katanungan .

1. Sa kasalukuyang panahon paano mo maipapakita ang


kahalagahan ng demokrasya sa ating bansa?

2. Bilang isang kabataan masasabi mo bang karapat dapat


maging bayani si Ninoy Aquino?

3. Ayun sa ating kasaysayan may napatunayan ba


kung sino ang tunay na salarin sa Asasinasyon kay
Ninoy?

IV. PAGTATAYA

A. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

______ 1. Alin sa mga sumusunod ang makasaysayang


kataga ni Ninoy na tumatak sa isip at puso ng mga Pilipino.

A. “ The Filipino is worth dying for”


B. “ The Filipino first Policy”
C. “ Mata sa mata,Ngipin sa ngipin”
D. “ Honesty is the best Policy”
______ 2. Saan pataksil na binaril si Senador Ninoy
Aquino?
A. Manila International Airport
B. Luneta Park
C. America
D. Malacanang
______ 3.Kailan naganap ang Asasinasyon kay Ninoy
Aquino ?
A. August 15,1999
B. August 21, 1983
C. August 18, 1983
D. August 21, 1999

______ 4. Sa Manila International Airport naganap ang


Asasinasyon kay Ninoy na ngayon ay kilala na sa tawag
na ______.
A. Noynoy Aquino International Airport
B. Ninoy Aquino National Airport
C. Clark Air Base
D. Ninoy Aquino International Airport

______ 5. Sa pagtatapos ng taong 1983, ilang porsyento ang


ibinagsak ng ekonomiya ng Pilipinas?
A. 3.5%
B. 6.7%
C. 3.8
D. 6.8%

B. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pangungusap ay


nangangahulugang Tama at MALI naman kung ang
pangungusap ay mali.

_______ 1. Si Ninoy Aquino ay nagtungo sa Amerika


upang doon ay magpagamot ng kanyang sakit na lupus
erythematosus o sakit sa bato.
________2. Sinasabing ang Asasinasyon kay Ninoy Aquino
ay may kumakalat na mga ispekulasyon hindi umano ay
kagagawan ito ng Military Chief na si Fabian Ver.
________3. Isa sa mga naging sanhi ng pagpaslang kay
Ninoy ay dahil sa kanyang adhikaing maibalik ang demokrasya
sa Piliinas.
________4. Hanggang sa kasalukuyan ay isa pa ring
malaking usapin kung sino ang nararapat na managot sa
pagkamatay ni Aquino. (Mga mag-aaral)
________5. Si Ninoy Aquino ay isa sa mga loyalista ng “ G double O, D, J, O, B…GOOD
rehimeng Marcos. JOB! GOOD JOB!”
“ Kung tapos na ang lahat pakipasa sakin ang papel. Sino
ang nakakuha ng pinakamataas na iskor?...Bigyan nating
ng Good Job Clap si _____ dahil nakakuha siya ng ____
na iskor sa ating pagsusulit.”

V. KASUNDUAN
Takdang Aralin:

Panuto: Sa inyong sagutang papel, isulat ang mga


mahahalagang impormasyon tungkol sa mga pangyayari
sa buhay ni Ninoy Aquino Jr.
Prepared by:

ANA MARIE L. NAVVARO


BSED -Social Studies

Checked by:

ERICA B. LEGASPI
Teacher III / Critic Teacher

You might also like