You are on page 1of 9

“Epekto nang Pagkakaroon ng Polisiya ng

Retensyon Grade sa Kursong Akawntansi


sa Kalidad ng Trabaho ng mga Akawntant
ng Dasmariñas Cavite sa Taong 2022-
2023”

Submitted by:
Rendon, Benedict
Cresido, Marian
Iriarte, Reann
Contado, Karylle
Punzalan, Hazel
Montalban, Dheri
Alipo-on, Leslie
Carcueva, Eve Irish
Benigno, Jean Morraine
Pait, Jhode
Ambayec, Cristine
Bautista, Amiel
Denoy, Sarah Jane
Kabanata 1
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Sa kabanatang ito nakapaloob ang Panimula, Paglalahad ng Suliranin, Haypotesis,


Saklaw at Delimitasyon, Batayang Konseptwal, Kahalagahan ng Pag-aaral, at ang
Depinisyon ng mga Termino.

PANIMULA

Isa sa mga mabenta na propesyon ngayon ay ang Akawnting. Ayon sa Bureau of


Labor Statistics ay tataas hanggang pitong porsyento (7%) ang demand sa
propesyong Akawnting at Oditor sa pagitan ng taong 2020 hanggang 2030. Ito ay
sa kadahilanang kaunti lamang pumapasa sa kursong ito dahil sa Polisiya ng
Retensyon Grade. Ito ay pinapatupad upang makita ang kakayahan ng isang
estudyante sa Akawnting na makapasa sa CPA Board Exam at para na rin mahubog
ang kanilang kakayahan sa Akawnting. Kaya naman ang mga mananaliksik ay
magsasagawa ng pananaliksik upang malaman ang epekto ng pagkakaroon ng
Polisiya ng Retensyon Grade sa kursong Akawntansi sa kalidad ng trabaho ng mga
Akawntant ng Dasmariñas, Cavite. Ang Akawnting ay isa sa mga pinakasikat na
propesyon sa mabilis at globalisadong mundo ngayon. Ayon sa sikat na British
Economist na si Henderson, David (2004), ang mga negosyo ngayon ay gumaganap
bilang isang sasakyan para sa pag-unlad ng ekonomiya. Ang papel ng isang
Akawntant ay mahalaga upang masubaybayan kung ang negosyo ay talagang
umuunlad. Nagsisilbi sila bilang mga indibidwal na maaaring maghanda ng mga
ulat sa pananalapi sa kalagayan at pagganap ng pananalapi ng kumpanya upang
ang mga interesadong partido ay makagawa ng tama at matalinong mga desisyon
sa ekonomiya. Para sa kadahilanang ito, ang Akawnting ay isang
mahalagang kasangkapan ng negosyo, na tinatawag ding wika nito.  Ang mga
patakaran sa pagpapanatili ay isang hanay ng mga alituntunin na nangangailangan
ng ilang paaralan na maabot ang pinakamababang marka para sa mga mag-aaral
sa Akawnting upang umunlad sa susunod na antas,matira matibay kumabaga.
Malaking konsentrasyon at determinasyon ang kailangang ibigay ng mga
estudyante sa kursong ito. Upang manatili sa programang BSA, ang isang mag-
aaral ay dapat makakuha ng grado na 2.00 o mas mataas pa sa lahat ng mga
asignaturang Core Accounting Education (AE) at Major/Professional Education
(PrE). Ang patakaran sa pagpapanatili ay napakahalaga para sa lahat ng mga mag-
aaral ng Akawnting na gustong maging mga sertipikadong pampublikong
Akawntant. Sa pamamagitan ng patakarang ito, ang mga mag-aaral ay
matutulongang maghanda para sa laban sa totoong mundo at maging handa para
sa paparating na pagsusulit lalo na para sa mga mag-aaral na nagtapos. Ust at
DLSU ang isa sa mga kilalang unibersidad na nagpapatupad ng Polisiya ng
Retensyon Grade. Ang kanilang mga layunin ay upang makabuo ng mga
Topnotcher at mataas na porsyento sa pagpasa ng CPA Board Exam. Ang CPALE o
Certified Public Accountant Licensure Exam ay isang propesyonal na pagsusulit
para sa mga may Programang Akawnting at kilala bilang isa sa pinakamahirap na
pagsusulit sa lisensya sa Pilipinas. Inihayag ng Professional Regulation
Commission(PRC) na may kabuuang 2, 239 ang pumasa sa May 2023 Certified
Public Accountant(CPA) licensure examination. Ang mga pumasa ay kumakatawan
sa 30.36 porsiyento ng 7,376 kabuuang pagsusulit. Ang pag-aaral na ito ay
naglalayong
(1) matukoy ang kasaysayan ng mga kalahok sa pananaliksik; (2) Matukoy ang
kalagayan ng kanilang trabaho; (3) Matukoy kung may epekto ba ang
pagkakaroon ng Retensyon Grade sa kalidad ng serbisyo ng isang Akawntant.
Samakatuwid, ang pananaliksik na ito ay naglalayong mabigyang kaliwanagan ang
mga natatanging katanungan ng bawat estudyante sa larangan ng kursong
Akawntansi. Mahalagang pag-aralan ang mga suliraning ito upang matukoy at
mabigyan ng karampatang solusyon sa mga nasabing problema.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Naglalayon ang pag-aaral na masagutan ang epekto ng pagkakaroon ng Retensyon
sa mga marka ng mga nakapagtapos ng kursong Akawntansiya, at kung paano ito
nakakaapekto sa kalidad ng kanilang trabaho bilang Akawntant.
Ang mga sumusunod ay ang mas binigyan importansiya ng pananaliksik na
masagutan.
1. Matukoy ang kasaysayan ng pagaaral ng mananagot.  
1.1 Anong unibersidad o kolehiyo nagtapos ng pagaaral ang tagatugon?  
1.2 Kung dinanas ba ng tagatugon ang ‘Polisiya ng Retention Grade”?   
1.3 Nakapagtapos ba ang tagatugon ng BSA ( Batsilyer sa Agham ng
Akawntansiya)
 1.4 Nakapasa ba ang tagatugon sa (Publiko na Sertipikadong Pagsusuri ng
Lisensya ng mga Akawntant)
2. Matukoy ang kalagayan ng kanilang trabaho.  
  2.1 Kung ang mananagot ba ay nakapagtrabaho o nagtratrabaho bilang
Akawntant?
2.1.1 Saan sila nagtrabaho o nagtratrabaho?
2.1.2 Ano ang posisyon nila sa kanilang trabaho?
   2.2 Gaano katagal naghinaty na makakuha ng trabaho ang tagatugon pagkatapos
makapagtapos ng kolehiyo?
3. Matukoy kung may epekto ba ang pagkakaroon ng Retensyon Grade sa
kalidad ng serbisyo ng isang Akawntant.

HAYPOTESIS

Haypotesis 1. Ang epekto ng Polisiya ng Retensyon Grade sa kursong


Akawntansi, sa kalidad ng trabaho ng mga Akawntant ng Dasmariñas Cavite.
Upang maging madali ang pagkakaroon nila ng trabaho kapag sila ay
nakapagtapos.

Haypotesis 2. Ang epekto ng Polisiya ng Retensyon Grade sa kursong


Akawntansi, sa kalidad ng trabaho ng mga Akawntant ng Dasmariñas Cavite.
Upang maging mataas ang kanilang posisyon kaysa sa mga hindi nakapagtapos
na walang Polisiya ng Retensyon Grade.

Haypotesis 3. Ang epekto ng Polisiya ng Retensyon Grade sa kursong


Akawntansi, sa kalidad ng trabaho ng mga Akawntant ng Dasmariñas Cavite ay
may posibilidad na maipapasa ang CPALE o Sertipikadong Publiko na Pagsusuri
mga Lisensya ng mga Akawntant.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang saklaw ng pag-aaral ay ang epekto ng Polisiya sa Retensyon Grade sa mga


mag-aaral na nakapagtapos ng kursong Akawntansi, na namamasukan sa
Propesyonal na larangan ng Akawnting. Nilimitahan ang pananaliksik ng
epekto ng Polisiya ng Retensyon Grade sa epekto nito sa Propesyonal na
larangan ng Akawnting. Ginamit ng mga mananaliksik ang Random Sampling
sa pagkuha ng tagatugon na nakapagtapos ng kursong Akawntansi, na
kasalukuyan o nagtrabaho sa Dasmariñas City bilang isang Akawntant.

BATAYANG KONSEPTWAL
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tuklasin ang epekto ng pagkakaroon ng
Polisiya ng Retensyon Grade sa kursong Akawntansi sa kalidad ng trabaho ng
mga Akawntants . Nakapaloob sa bahaging “Input” ang mga Akawntants na
kasalukuyang nagtatrabaho sa Dasmariñas, Cavite, bilang pagkukuhanan ng
datos ng mga mananaliksik. Sa “Proseso” naman nakasaad ang mga hakbang,
tulad ng sarbey at pag-aanalisa, na gagawin upang makuha ang mga angkop na
impormasyong kinakailangan sa pag-aaral. Bilang panghuli, ang “kinalabasan”
naman ang naglalaman ng naging epekto ng pagkakaroon ng Polisya ng
Retensyon Grade sa kursong Akawntansi sa kalidad ng trabaho ng mga
Akawntant sa Dasmariñas, Cavite na siyang resulta ng nasabing pananaliksik.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga


sumusunod:
Mag-aaral - Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral upang
malaman ang epekto ng pagkakaroon ng Polisiya ng Retensyon Grade at kung
paano ito makakaapekto sa pagkuha nila ng CPA Board Examination.
Guro/Akwanting Instraktor - Ang pag-aaral na ito ay maaaring magsilbing
kagamitan upang malaman kung ang nasabing Polisiya ng Retensyon Grade ay
mabisa sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa BSA.
Tagapagasiwa ng Paaralan (School Adminstrator) - Ang pag-aaral na ito
makakatulong upang matukoy ang mabuti at masamang epekto ng Polisiya ng
Retensyon Grade. Higit pa rito, malaman din kung dapat bang tanggalin o
panatilihin ang pagkakaroon Polisiya ng Retensyon Grade upang maging handa
ang mga mag-aaral sa sa pagkuha ng CPA Board Examination.
Akawntant/CPA - Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang malaman kung
mayroong malaking impakt ang pagkakaroon ng Polisiya ng Retensyon Grade sa
kalidad ng trabaho ng mga Akawntant.
Mananaliksik - Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga susunod na
mananaliksik na maaaring gawing sanggunian o magsisilbing batayan sa
panibagong pananaliksik na may kaugnayan sa pag-aaral na ito.

DEPINISYON NG MGA TERMINO

Bureau of Labor Statistics - ay isang ahensya na nangangalap ng impormasyon


na pumapatungkol sa mga propesyon na maaari ring makapag sabi ng porsyento
ng demand sa Akawnting at Oditor.

Propesyong Akawnting - ay isang uri ng trabaho na sumusukat, nag poproseso


at ng babalita ng impormasyong pinansyal ng mga kumpanya.

Auditor/Oditor - ay isang awtorisadong tao na may malalim na kaalaman


tungkol sa ating ekonomiya at may kakayahang suriin ang kawastuhan ng talaan sa
pananalapi.

Kasaysayan - kwenta o kabuluhan ng nga kalahok sa pananaliksik.

Nag-lalayon - nag nanais na matukoy ang isang bagay.

Karampatan - nararapat na gawin upang masolusyonan ang isang suliranin.


Polisiya ng Retensyon Grade- pag papanatili ng tiyak na grado upang makapag
patuloy sa kursong Akawntansi.

CPA Board Examination - pag susulit upang mag karoon ng lisensya upang
makapag trabaho sa publiko at mag karoon ng titulo na CPA.

Sertipikado Pampubliko Akawntant - isang trabaho o karerang tinahak ng


mga taong pagbibigyan ng sarbey at pag-aaralan sa pananaliksik na ito.

Malayang Trabahador na Akwantant (Freelance Accountant)-


nagtatrabaho nang nakapag-iisa, sa halip na nagtatrabaho sa isang kumpanya. Ang
mga ito ay madalas , nagtatrabaho sila para sa kanilang sarili at hindi
pinangangasiwaan ng sinumang employer.

Akawnting Klerk - ay isang trabaho na pagpapanatiling na-update ang mga


rekord ng pananalapi, paghahanda ng mga ulat at pag kasundo ng mga pahayag sa
bangko.

Pagsusuri ng Badyet (Budget Analysis) - sinusuri ito ang mga panukala sa


badyet upang matukoy ang pinakamainam na paglalaan ng mga pondo ng
proyekto. Responsable sila sa pagrepaso ng mga panukala sa badyet at mga
kahilingan para sa pagpopondo.

Qualifying Exam - pag susuri ito upang maipagpatuloy ang kursong Akawntansi.

NC3 Bookkeeping - ay isang uri ng pagsusuri upang madagdagan ang mga


kasanayan at pagsasanay kung paano mag-post ng mga transaksyon, maghanda ng
Trial balance at mga ulat sa pananalapi, at suriin ang mga Sistemang Kontrol sa
Internal.

You might also like